Pagkilala sa Tinig

 

ng Dios

 

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:

 

 

Harvestime International Network

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

U.S.A.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Harvestime International Institute

NILALAMAN

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito         .           .           .           .           .           .           .           I

 

Mga Mungkahi Para sa Sama-samang Pag-aaral           .           .           .           .           .           II

 

Pambungad      .           .           .           .           .           .           .           .           .           .           1

 

Mga Layunin ng Kurso .           .           .           .           .           .           .           .           3

 

1.         Pagkilala Sa Tinig ng Dios         .           .           .           .           .           .           .           4

 

2.         “ Kung Ang Sinomang Tao na Gagawa…Kanyang Malalaman” .           .           15

 

3.         Ang Kalooban ng Dios .           .           .           .           .           .           .           28

 

4.         Pagtahak sa Maling Direksiyon .           .           .           .           .           .           40

 

5.                  Ang Halimbawa ng Kalooban ng Dios   .           .           .           .           .           50

 

6.         Paano Nangungusap ang Dios sa Tao                .           .           .           .           .           67

 

7.         Ang Puno ay Patuloy na Nagniningas     .           .           .           .           .           81

 

8.         Mga Usaping Questionable       .           .           .           .           .           .           .           94

 

9.         Pagpapasiyang Naaayon sa Biblia         .           .           .           .           .           .           105

 

10.       Nagsikap at Nabigo?    .           .           .           .           .           .           .           .           110

 

11.       Ang Kalooban ng Dios at Pagdurusa     .           .           .           .           .           .           118

 

12.       Anim na Yugto ng Pagpapahayag          .           .           .           .           .           .           138

 

Mga Sagot sa Pansariling pag-susulit                 .           .           .           .           .           .           144

 

 

 

 

 

 

PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

 

PORMAT NG MANWAL

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.

 

Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas ng Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL

 

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,

ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

II

Module:      PAGHIHIRANG

Kurso:        Pagkilala sa Tinig ng Dios

 

 

PAMBUNGAD

 

“ Ano ang kalooban ng Dios para sa akin?”

 

Malamang ang tanong na ito ang madalas na tanong ng mga mananampalataya. Ito rin ang madalas na itinatanong sa mga Kristiyanong lider ng mga lalaki at babae na lumalapit sa kanila upang humingi ng patnubay sa paggawa ng desisyon.

 

Sa bawat sitwasyon ng buhay, ang mananampalataya ay palaging gumagawa ng pagpili na magpapasya kung  ang kanilang gagawin ay lubos na kalooban ng Dios. Kailangan na malaman ang tinig ng Dios, maunawaan ang Kanyang kalooban, at gumawa ng tamang pagpapasya sa bawat araw. Ang bawat maliit na pagpapasya ay may epekto sa paghanap ng kalooban ng Dios sa panghabang buhay kaya ito ay mahalaga.

 

Ang tao ay dapat pumili ng naayon sa kalooban ng Dios. Ang planong ito ay sinimulan ng Dios nang si Adan at Eva ay inilagay sa Hardin ng Eden ( Genesis 1-3).Ang kalooban Ng Dios kay Adan at Eva ay pangalanan ang mga hayop, alagaan ang Hardin, magkaroon ng kasama at magparami para tirhan ang lupa. Ang pinakamahalaga ay,panatilihin ang malapit  na kaugnayan sa Dios. Pinaalalahanan sina Adan at Eva kung ano ang hindi kalooban ng Dios. Ipinagbawal sa kanila ang pagkain ng punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.

 

Kasama ang kuwento nina Adan at Eva, ang buong Biblia ay kasaysayan ng pagpapasiya na ginawa ng bawat tao at mga bansa na may kaugnayan sa kalooban ng Dios. Matututo ka sa mga tagumpay at kabiguan ng mga lalaki at babaeng ito.

 

Ang isa sa mga nakatutuwa na kapahayagan sa Biblia  na ang Dios ay may tiyak na plano para sa bawa’t isa para sa buhay at sa walang-hanggan. Upang matupad ang mga planong ito dapat mong makilala ang tinig ng Dios. Dapat mong matutunan kung paano ang Dios ay nakikipagusap noon at ngayon.

 

Ipinapaliwanag ng kursong ito kung paano ang Dios ay nakikipag-usap sa tao at kung paano malalaman ang kalooban ng Dios sa iyong buhay. Nagbigay ng mga patnubay kung paano makikilala ang tinig ng Dios at malaman ang kalooban Niya. Ang huwaran ng kalooban ng Dios at halimbawa sa Biblia kung paano ipinahayag ng Dios ang Kanyang  kalooban ay tinalakay dito.

 

Ang halimbawa sa Biblia para sa pagpapasya ay ipinaliwanag. Ang mga patnubay ay ibinigay para maiwasan ang mga maling pagpapasiya, ano ang dapat gawin kung hindi mo nagawa ang kalooban ng Dios, at paano tratuhin ang mga maling gawain. Itinuro ang  anim na mga hakbang ng kapahayagan ng plano ng Dios.

 

Ang Harvestime International Institute curriculum ay nakatuon kung ano ang itinuro Ni Jesus upang ihanda ang mga lalaki at babae para maabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang isa sa dakilang katotohanan na Kanyang ipinahayag ay ang Dios ay nangungusap sa tao:

 

              Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilalala ako.

 

At mayroon akong ibang nga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig: at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

 

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin: (Juan 10: 14,16,27)

 

 

Plano ng Dios ang malalim na kaugnayan sa lahat ng tao. Ang tao ay kilala ng Dios at maaari na Siya ay makilala ng personal.

 

Maari mong makilala ang tinig ng Dios!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

Pagkatapos pagaralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagkilala sa tinig ng Dios at tiyakin ang Kanyang kalooban.

 

·                    Talakayin ang kahalagahan ng kilalanin ang kalooban ng Dios.

 

·                    Unawain ang kalooban ng Dios ayon sa kapahayagan sa Biblia.

 

·                    Tiyakin ang kalooban ng Dios sa mga bagay na hindi tinukoy sa Biblia.

 

·                    Gumamit ng mga paraan sa Biblia sa pagpapasiya.

 

·                    Iwasto ang mga maling pagpapasiya

 

·                    Ipaliwanag ang anim na mga hakbang ng kapahayagan.

 

·                    Ibahagi sa iba ang mga patnubay na galing sa Biblia para makilala ang tinig ng Dios.

 

 

PERSONAL NA MGA LAYUNIN

 

Dahil ang kursong ito ay tumutukoy sa pagkilala sa tinig ng Dios, iminumungkahi na ikaw ay magtakda ng personal na mga layunin para sa pag-aaral na ito. Ang iyong layunin ay maaring tiyakin ang kalooban ng Dios sa isang tukoy na bagay, hanapin ang sagot ng Dios sa suliranin, tiyakin ang kalooban ng Dios sa iyong trabaho at ministeryo. Isulat ang iyong personal na layunin sa inilaan na puwang sa ibaba. Sa iyong pag-aaral , isagawa ang iyong natutunan sa bawat suliranin na nakatala.

 

Buuin ang pangungusap na ito: “ Gusto kong marinig ang tinig ng Dios at malaman ang kalooban Niya sa …”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG KABANATA

 

PAGKILALA SA TINIG NG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Patunayan sa pamamagitan ng Biblia na ang Dios ay nangungusap sa lalaki at babae.

·                    Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagkilala sa tinig ng Dios at tiyakin ang kalooban Niya.

·                    Masabi ang pagkakaiba ng “rhema” na Salita  ng Dios at “ logos” na Salita ng Dios.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “kalooban ng Dios.”

 

SUSING TALATA:

            

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.  (Juan 10:27)

 

PAMBUNGAD

 

Ang pamagat ng kursong ito , “Pagkilala sa Tinig ng Dios”, ay nagpapahiwatig ng ilang mga  bagay:

            Una:                            Na mayroong Dios.     

            Ikalawa:                      Na Siya ay nangungasap sa tao.

            Ikatlo:                         Na makikilala ng tao ang Kanyang tinig kapag Siya ay nagsalita.

            Ika-Apat:                    Na ang Dios ay may sasabihin.

 

Suriin natin ang bawat pangungusap na ito:

 

Una: Ang kursong ito ay batay sa katotohanan na ang Dios ay nagpahayag sa tao sa pamamagitan ng nakasulat na Kanyang Salita, Ang Biblia.

 

Ikalawa: Ang Biblia ay kinasihang nakasulat na pakikipag-usap ng Dios sa tao. Detalye na isinulat dito ang mga paraan kung saan ang Dios ay nangusap sa tao at ang tugon ng bawa’t isa at mga bansa sa tinig ng Dios. Madalas ulitin ng Biblia ang pariralang “… at sinabi ng Dios” at mga pangyayari kung saan Siya nangusap sa tao. Pinatotohanan nito na ang Dios ay nangungusap sa lalaki at babae.

 

Bilang halimbawa, basahin ang kuwento ni Balaam sa Bilang kabanata 22. ang Dios ay nangusap kay Balaam, subalit tumanggi siya na makinig. Gustong gusto ng Dios na mangusap sa lalaking ito hanggang gumamit Siya ng isang asno. Si Balaam ay:

 

…sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan. (II Pedro 2:16)

 

Ikatlo: Napatunayan ng Biblia na maaring malaman ng mananampalataya ang tinig ng Dios. Sinabi Ni Jesus:

 

Ako ang mabuting pastor: at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako.

 

At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang  dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y  magiging isang kawan. At  magkakaroon ng isang pastor.

 

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at  sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisinunod sa akin. (Juan 10:14,16,27)

 

Ika-Apat: Ang Dios ay may mahalagang sasabihin sa lahat ng tao. Pinaaalalahanan tayo:

 

Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo. Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi. Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang.

 

Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso na gaya ng sa pamumungkahi.   (Hebreo 3:7,15)

 

Ang “panunukso sa ilang” at ang “pagkagalit” (pampagalit) ng Dios na nabanggit sa mga talatang ito ay tumutukoy sa hindi pagsunod ng bansang Israel.

 

Pagkatapos na ang Israel ay naligtas sa pagkabihag sa Egipto, sila ay paulit-ulit na hindi sumusunod kung sila ay kinakausap ng Dios. Ang mga talatang ito ay paalaala sa atin na tumugon kung Siya ay nangusap at huwag sumuway katulad ng Israel.

 

Ang pariralang “ Ngayon kung marinig ninyo ang Kanyang tinig,” ay nagpapatunay na ang Dios ay patuloy na nangungusap ngayon sa tao katulad noon. Ang paalaala na tumugon ay nagpapatunay na ang Kaniyang sinasabi ay mahalaga.

 

MARAMING TINIG

 

Ang Biblia ay nagsasabi na maraming tinig sa mundo ang nagkakaingay sa paghingi ng pansin:

 

Halimbawa, mayroon ngang iba’t ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang di may kahulugan. (I Corinto 14:10)

 

Anu-ano ang mga tinig na ito sa mundo?

 

ANG TINIG NG TAO:

 

Ang tinig ng tao ay madaling makilala. Ito ay tinig ng ibang tao na naririnig.

 

Datapuwa’t nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao. ( Mga Gawa 5:29)

 

Kung minsan ang tinig ng Dios ay makakapagbigay ng mabuting payo, subalit anumang oras ang tinig ng tao ay salungat sa tinig ng Dios, kailangan mong sundin ang Dios.

 

ANG TINIG NI SATANAS:

 

Ang tinig  ni Satanas ay unang narinig ng tao nang siya ay nangusap kay Eva sa hardin ng Eden sa (Genesis 3: 1,4,5). Ang tinig ni Satanas ay sinungaling, mandaraya, at palaging sumusubok na ang tao ay maakay sa kasalanan at mailayo sa Dios. Madali mo itong makikita kung iyong babasahin ang pagtukso Kay Jesus ni Satanas sa Mateo 4:1-13. Maaari mong pag-aralan ang halimbawa ng pakikipag-usap ni Satanas sa Dios sa Job 1:7-12 at 2:1-6.

 

Ang masamang espiritu ( demonyo ni Satanas ) ay mayroong din mga tinig:

           

Sapagka’t sa maraming may mga karumaldumal na espiritu, ay nangagsilabas sila, na nangagsisisigaw ng malakas na tinig…(Mga Gawa 8:7)

 

At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya’y sumigaw ng malakas na tinig,

Ah! Anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? Naparito ka baga upang kami’y iyong puksain? Nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Diyos. (Lucas 4:33-34)

 

Kung minsan ang tinig ni Satanas ay aktuwal na naririnig kung ito ay ginagamit ng demonyo ang vocal cords ng isang sinasapiang lalaki o babae. Kadalasan, si Satanas ay  nagsasalita sa isang hindi naririnig  na tinig. Siya ay nangloloko, nagsisinungaling , at naglalagay ng mga makasalanang pag-iisip sa iyong kaisipan.

 

ANG SARILING TINIG:

 

Kung ang tao ay nakikipag-usap sa kanyang sarili ito ang sariling tinig..  Ang halimbawa nito ay mababasa mo sa Lucas 16:3 at 18:4 at sa Jonas 4:8 kung saan ang propeta ay humihiling  sa kanyang sarili na mamatay. Ang Biblia ay nagbigay ng babala patungkol sa sariling tinig:

 

Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang. (Jeremias 10:23)

 

ANG TINIG NG DIOS:

 

Sinabi ni Jesus na ang mananampalataya ay maaring makaalam ng tinig ng Dios at masabi ang kaibahan nito sa ibang tinig:

Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ng kaniyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila’y inihahatid sa labas.

Pagka nailabas na Niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan Niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka’t nakikilala nila ang kaniyang tinig.

At sa iba’y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagka’t hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba. ( Juan 10:3-5)

Itinulad ang mananampalataya sa tupa. Katangian ng tupa na hindi niya alam kung saan sila papunta. Kailangan silang gabayan. Sinabi Ni Jesus  na Siya ay pastol o tagapag-alaga ng tupa. Sinabi Niya na makikilala ang tinig Niya ng Kanyang tupa at susunod sa Kanya sa halip na sa tinig ng tao, sarili, o ni Satanas.

 

PAKIKINIG SA TINIG NG DIOS

 

Basahin  ang mga kabanatang 1-3 ng Genesis. Nakasulat sa mga kabanatang ito ang paglikha ng mundo at ang mga unang taon, sina Adan at Eva. Simula sa paglikha, ipinaalam ng Dios ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan. Nagbigay Siya ng tiyak na mga utos kay Adan at Eva. Sila ang magbibigay ng pangalan ng mga hayop, pamahalaan ang hardin, maging kasama at magparami at tirahan ang mundo. Ang pinakamahalaga sa lahat , panatilihin ang malapit na kaugnayan sa Dios. Ang malapit na kaugnayang ito sa Dios ang magdudulot sa kanila ng pagkakilala ng tinig ng Dios. Kapag nagsalita ang Dios, sinasabi Niya ang Kanyang plano sa kanila:

At iniutos Ng Panginoon Diyos sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan:

Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka. ( Genesis 2:16-17)

Sa pamamagitan ng tinig ng Dios ang kalooban Niya ay nahahayag kay Adan at Eva. Malaya silang kumain ng bawat bunga sa puno ng hardin, maliban sa puno ng pagkakilala ng mabuti at masama.

 

Si Adan at Eva ay hindi sumunod sa plano ng Dios. Sila ay nakinig sa tinig ni Satanas at kumain ng ipinagbabawal na puno. Nang maisip nila ang kanilang ginawa, sila ay nagtago sa Dios:

 

At narinig nila ang tinig ng Panginoong Diyos na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Diyos sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan.

At tinawag ng Panginoong Diyos ang lalake at sa kaniya’y sinabi, Saan ka naroon? (Genesis 3:8-9)

Kasalanan ang naghiwalay sa tao at Dios. Hindi inalis ng Dios ang Kanyang presensiya sa tao. Dahil sa kasalanan, ang tao ay nagtago sa presensiya ng Dios. Kasalanan ang nagdulot ng matigas na puso. Ang Bibli a ay nag paalaala:

Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi. (Hebreo 3:15)

Nais ng Dios na makipag-usap sa tao, subalit kailangan ng relasyon ang pag-uusap. Kasalanan ang naghiwalay sa tao mula sa mainit na relasyon sa Dios, nagpatigas ng kanyang puso, at humadlang para malaman niya ang tinig ng Dios.

 

ANG TINIG AT ANG KALOOBAN

 

Madalas tanungin ng mga mananampalataya ang, “ Ano ang kalooban ng Dios sa akin?” Ano ang tunay na ibig sabihin natin kapag sinabi nating nais nating malaman ang kalooban ng Dios? Ang ibig sabihin ay nais nating malaman ang pangkalahatang plano ng Dios sa ating mga buhay. Nais natin ng Kanyang patnubay sa mga tiyak na mga desisyon upang makagawa tayo ng matalinong pagpili. Nais natin ang pangunguna Niya sa mga pangyayari sa ating buhay. Ang tanong na dapat nating itinatanong ay, "Paano ko malalaman ang tinig ng Dios?” Ang pagkaunawa sa tinig ng Dios ay magdudulot na malaman ang kalooban ng Dios.

 

Nais ng Dios na malaman mo ang Kanyang kalooban:

 

Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. ( Efeso 5:17)

 

Kung alamo ang tinig Niya mauunawaan mo ang Kanyang kalooban kung Siya ay nakikipag-usap sa iyo. Ang pagkatuto ng pagtanggap ng banal na patnubay ay pagkatuto na lumakad ng malalim na may fellowship sa Dios. Sinabi ng Biblia:

 

Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.

(Mateo 4:4)

 

Ang salitang “ pagpatuloy” ay nagsasabi na nagpapatuloy na gawain. Ang ibig sabihin ay isang bagay na nangyari sa nakalipas, ay nangyayari sa ngayon, at patuloy na mangyayari sa hinaharap. Ang Dios ay nagsasalita upang maipahayag ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan. Kaya mahalaga na malaman ang tinig ng Dios.

 

NANG ANG DIOS AY MAGSALITA

 

Mayroong dalawang Griegong salita na isinalin bilang “salita” sa Biblia. Ang mga Griegong salita ay ang mga “logos” at “rhema.” Ang “Logos ay tumutukoy sa nakasulat na Salita ng Dios. Ang “Rhema” ay tumutukoy sa buhay o nagbibigay-buhay na Salita ng Dios. Ito ay sinabi sa mga mananampalataya sa siyudad ng Berea:

Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng boong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito. (Mga Gawa 17:11)

Ang talatang ito ay nagpapakita ng kaugnayan ng “logos” at “rhema” na salita. Ang “logos” o ang nakasulat na Salita ay palaging sumasang-ayon sa “rhema” o sinabi, nagbibigay-buhay na Salita. Ganito kung paano mo malalaman ang tinig na iyong narinig ay galing sa Panginoon. Ang “rhema” “ mula sa Dios ay karaniwang maisasagawa sa tiyak na pangyayari, kumakatagpo ng personal na pangangailangan, at nagbibigay ng patnubay sa bawat isa. Dahil nalaman mo na ang Salita ay para isagawa sa tiyak na pangangailangan o sitwasyon sa iyong buhay, ito ay nagiging buhay na Salita sa iyo.

 

Ang “rhema” na Salita ay maaring maiparating sa pamamagitan ng sermon o talatang galing sa Biblia na biglang nakakuha ng iyong pansin na mayroong dakilang kahulugan. Maaaring sinabi ito ng Dios sa iyo sa pamamagitan ng espirituwal na mga kaloob. Maaaring sinabi ito ng iyong espiritu sa pamamagitan ng Panginoon. ( Marami ka pang matutuhan tungkol sa kung paano nakikipag-usap ang Dios sa pamamagitan ng espirituwal na mga kaloob at sa iyong espiritu sa mga susunod na kabanata.)

 

Subalit tandaan: Ang “rhema” na Salita ay palaging sumasang-ayon sa nakasulat na Salita ng Dios. Ang nakasulat na Salita ng Dios ay buo. Wala ng dapat idagdag o alisin dito. ( Apocalipsis 22:18-19). Kung ang Dios ay nagsalita sa pamamagitan ng Salitang  “rhema” ito ay palaging may pagkakaisa sa Kanyang nakasulat na Salita.

 

MGA URI NG TAGAPAKINIG

 

Ang Biblia ay nagsasabi ng dalawang pangunahing pangkat ng mga tagapakinig:

Kaya’t ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:

At ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan: ( Mateo 7:24,26)

Ang mangmang na tagapakinig ay naririnig ang tinig ng Dios , subalit hindi ginagawa ito. Ang matalinong tagapakinig ay naririnig at ginagawa ang mensahe ng Dios. Ang isang tagapakinig ay “ nakikinig lamang sa Salita”. Ang isa naman ay parehong “nakikinig at tagatupad.”

 

Hindi mo lang dapat malaman ang tinig ng Dios, dapat mong matutuhan na tumugon na sumunod sa tinig na iyon:

Datapuwa’t maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.

Sapagka’t kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin.

Sapagka’t minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya’y umaalis at pagdaka’y kaniyang nalilimutan kung ano siya.

Nguni’t ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.  (Santiago 1:22-25)

Si Jesus ay nagkuwento tungkol sa binhi na naitanim sa iba’t ibang uri ng lupa na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng tagapakinig. Basahin ang kuwento sa Mateo 13:1-9. Ipinaliwanag Ni Jesus ang kuwento sa Mateo 13:18-23. Pinaghambing Niya ang iba’t ibang lupa sa mga tagapakinig at ang kanilang tugon sa Salita ng Dios.

 

BINHI SA TABI NG DAAN:

 

Ang ibang binhi ay nahulog sa tabi ng daan at kinain ng ibon bago ito magkaroon ng ugat. Ito ay halimbawa ng taong nakarinig ng tinig ng Dios ngunit hindi nagkaroon ng ugat ang mga salita sa kanyang puso. Dinagit ni Satanas ang Salita ng Dios.

 

BINHI SA MGA BATUHAN:

 

Ang ibang binhi ay nahulog sa batuhan na lugar at madaling nag-usbong. Ngunit nang sumikat ang init ng araw, ang halaman ay natuyo at namatay dahil walang ugat. Ito ay tagapakinig na nakarinig ng Salita ng Dios at tinanggap ng may kagalakan, ngunit hindi talaga ito nag-ugat sa kanyang buhay. Sa panahon ng kahirapan siya ay nasaktan at tumigil sa pagtugon sa tinig ng Dios.

 

BINHI SA DAWAGAN:

 

Ang ibang binhi ay nahulog sa dawagan na pumigil sa paglaki ng mga halaman. Ito ay halimbawa ng tinig ng Dios na napigil dahil sa mga pangangailangan ng mundo, materyalismo at iba pa.

 

BINHI SA MABUTING LUPA:

 

Ang ibang binhi ay nahulog sa mabuting lupa at nangagbunga ng marami. Ito ang halimbawa ng tagapakinig na nakatanggap ng Salita ng Dios, nakinig sa Kanyang tinig, at nag-ugat sa pahayag. Ang taong ito ay espirituwal na lalago at magiging nagbubungang mananampalataya.

 

PAANO MO MALALAMAN ANG TINIG NG DIOS?

 

Gusto mo ba na malaman ang tinig ng Dios? Gusto mo ba na malaman ang kalooban ng Dios sa iyong buhay? Sa susunod na kabanata matututuhan mo ang kinakailangan para maihanda ka sa pakikinig sa tinig ng Dios at matuklasan mo ang Kanyang kalooban sa buhay mo.

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAG-SUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya:

 

________________________________________

 

2.        Ano ang ibig sabihin ng “rhema” na Salita ng Dios?

 

________________________________________

 

3.        Ano ang ibig sabihin ng “logos” na Salita ng Dios?

 

________________________________________

4.        Ano ang kaugnayan ng pagkilala sa tinig ng Dios at ng pagkaalam ng Kanyang kalooban sa iyong buhay?

 

________________________________________

 

5.        Magbigay ng reperensiya mula sa aklat ng Hebreo na nagpapatunay na ang Dios ay nagsalita sa tao noon at patuloy na nagsasalita ngayon?

 

________________________________________

 

6.      Ano ang ibig sabihin ng “kalooban ng Dios”?

 

________________________________________­­­­­­­­­­­

7.      Saan palaging sumasang-ayon ang “ rhema” na Salita ng Dios?

 

________________________________________

 

8. Ano  ang naghiwalay sa tao mula sa presensya ng Dios? ______________________________

 

9.    Kailangan ka na maging ______________________ ng Salita ng Dios at hindi lamang ________________.

 

 

(Ang mga sagot sa pag-susulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. May ilang mga talata sa Biblia na naglalarawan ng tinig ng Dios. Tingnan ang mga reperensiya at itala ang mga salita na naglalarawan ng tinig ng Dios. Ang una ay gawa na bilang halimbawa para iyong panundan. Mula sa iyong pansariling pag-aaral ng Biblia maaari mo itong ipagpatuloy para madagdagan ang mga reperensiya at mga paglalarawan sa tinig ng Dios sa tsart na ito.

 

Reperensiya                                                      Paglalarawan sa Tinig ng Dios

 

II Samuel 22:14                                                Kulog mula sa Langit

 

I Hari 19:12-13

 

Mga Awit 18:13

 

Mga Awit 29:3-9

 

Mga Awit 68:33

 

Daniel 10:6-9

 

2. Ang Dios ay nagsalita tungkol Kay Jesus. Mababasa mo kung ano ang Kanyang sinabi sa mga sumusunod na mga talata: II Pedro 1:17-18; Mateo 3:17; Marcos 1:11

 

3. Matutupad anuman ang sabihin ng Dios. Tingnan ang Ezekiel 12:25-28.        

 

4. Pag-aralan ang salita Ni Jesus sa aklat ng Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Obserbahan kung paano Si Jesus ay nagsalita sa mga tanong, mga sagot, mga halimbawa, parallels, mga talinhaga, at mga sermon.

 

5. Hindi lang nangungusap ang Dios sa bawa’t isa kundi sa mga nasyon din. Tingnan ang Jeremias 18:7-10.

 

6.    Basahin kung ano ang naging resulta ng pagsuway sa tinig ng Dios sa mga sumusunod na talata. Itala sa tsart ang mga resulta ng pagsuway sa Dios:

 

Reperensiya                                                                  Resulta ng Pagsuway                           

 

Exodo 15:26

Deuteronomio 28:15-68

I Samuel 12:15

 

7.      Basahin ang mga sumusunod na talata at itala ang iyong natutunan tungkol sa mga bunga ng pagsunod sa tinig ng Dios:

 

Deuteronomio 28:1-14: ________________________________________

 

I Samuel 12:14: ________________________________________

 

8.    Ang buong Biblia ay talaan kung paano ang bawa’t isa at ang mga bansa ay tumugon sa tinig ng Dios. Punan ang buong tsart sa iyong pag-aaral ng mga tugon ng mga tao sa tinig ng Dios. Ang una ay ginawa na para iyong panundan. Maaari na kailanganin mo na basahin ang mga talata bago at pagkatapos na maibigay ang reperensiya upang iyong makuha ang mga impormasyon na kinakailangan para mabuo ang tsart. Maaari mong ipagpatuloy ang pag-aaral para madagdagan ang mga reperensiya sa iyong pansariling pag-aaral ng Salita ng Dios.

 

May kaugnayan na              Tao              Tugon                         Resulta

reperensiya

Genesis 26:5                   Abraham        Pagsunod             Ang kanyang lipi at bayan ay pinagpala.

 

Genesis 22:18

 

Deuteronomio 8:20

 

Mga Hukom 2:2,4,20-23

 

Mga Hukom 6:10

 

I Samuel 15:1,19,22,24

 

I Samuel 28:18

 

Mga Awit 106:25

 

Jeremias 32:23

 

Daniel 9:10-14

 

Zefanias 3:2

 

Hagai 1:12

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG KABANATA

 

“KUNG ANG SINOMANG TAO AY NAGIIBIG GUMAWA … KANYANG MALALAMAN”

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat mula sa memorya ang Susing Tatata.

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “pangunang kailangan”

·                    Isulat ang pangunang kailangan para malaman ang tinig ng Dios 

·                    Ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng maging born again.

·                    Kilalanin ang kahalagahan ng Banal na Epsiritu para malaman ang tinig ng Dios.

·                    Ipakita ng pagkaunawa ng “ paglagong espirituwal” at “pagbabagong loob."

 

SUSING MGA TALATA

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba.

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos. (Roma 12:1-2)

 

PAMBUNGAD

 

May mga ilang pangunahing kinakailangan upang malaman mo ang tinig ng Dios. Ang pangunahing kinakailangan ay isang bagay na dapat mong gawin bago ka makagawa ng iba. Ito ay bagay na kinakailangan bago mo maabot ang tiyak  na layunin.

 

Ang iyong layunin sa kursong ito ay malaman mo ang tinig ng Dios. Ang kabanatang ito ay nagpapaliwanag ng pangunahing kinakailangan (ang mga bagay na kailangan) bago mo maabot ang layunin na ito.

 

Sapagka’t ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesucristo. ( Juan 7:17)

 

Nakasulat sa Roma 12:1-2 na Susing Talata ng kabanatang ito  ang ilang mga bagay na kalooban ng Dios upang iyong gawin. Kung iyong magagawa ang mga pangunahing kinakailangan na ito, malalaman mo ang tinig ng Dios sa iyong buhay.

 

ANG KARANASANG BORN –AGAIN

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba. (Roma 12:1)

Katulad ng iyong natutunan sa nakaraang kabanata, kasalanan ang naghiwalay sa iyo sa presensiya ng Dios. Dahil sa kasalanan nahihirapan kang makinig at tumugon ng positibo sa tinig ng Dios.

 

Sa natural hindi mo nakikilala ang tinig ng isang di kilalang tao. Nakikilala mo ang tinig  ng mga taong kilala mo at sa mga taong maykaugnayan sa iyo. Katulad din sa espirituwal. Una, dapat mong makilala ang Dios bago mo makilala ang Kanyang tinig, at hindi mo mapauunlad ang relasyon sa Kanya kung mayroong kasalanan sa iyong buhay.

 

Hinihiling ng Roma 12:1 na IKAW ay lumapit sa Dios sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong buhay sa Kanya. Nangusap na ang Dios sa Kanyang Salita at ipinahayag ang Kanyang kalooban upang umunlad ang relasyon na ito:

 

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)

 

Hindi nais ng Dios na gamitin mo ang iyong buhay sa kasalanan. Nais Niya na mamuhay ka ayon sa Kanyang plano.

 

Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Diyos.

(I Pedro 4:2)

 

Inilarawan  na ang Dios ay nakatayo sa harapan ng pintuan ng iyong buhay nagnanais na makapasok upang mapaunlad ang Kanyang relasyon sa iyo:

 

Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko. (Apocalipsis 3:20)

 

Sa simula pa lamang ng mundo sinabi na ng Dios na layunin Niya na ilapit lahat ang tao sa pagkakilala sa  Kay Cristo Jesus:

 

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin.

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko. (Efeso 1:9-10)

Ikaw ay  “tinipon Kay  Cristo” sa pamamagitan ng maging bahagi ng pamilya ng Dios. Katulad nang ikaw ay maging miyembro ng iyong pamilya, dapat kang maging “born- again” sa pamilya ng Dios.

 

Basahin ang ikatlong kabanata ng Juan. Detalyadong ipinaliwanag dito kung ano ang ibig sabihin  ng born-again. Upang maranasan ang bagong kapanganakan kailangan mo na:

 

1.        Kilalanin mo na ikaw ay makasalanan:

Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. ( Roma 3:23)

2.       Kilalanin na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan:

 

Binalaan Ng Dios sina Adan at Eva na kung sila ay magkasala, sila ay mamamatay.Ang ibig sabihin nito ay parehong kamatayang espirituwal (pagkawalay sa presensiya ng Dios) at pisikal na kamatayan. Nang Si Jesus ay namatay sa Krus siya ay namatay para sa iyo. Siya ay namatay para sa iyong kasalanan upang ikaw ay magkaroong ng buhay na walang-hanggan:

 

Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. ( Roma 6:23)

 

Kung iyong tatanggapin ang pagsasakripisyo Niya para sa kasalanan, hindi ka na sumasailalim sa kabayaran ng kamatayan

 

3. Ipahayag ang iyong mga kasalanan, humingi ng kapatawaran, at sumampalataya na Si Jesus ay namatay para sa iyo:

Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin.

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.  (I Juan 1:8,9)

Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)

Kung ihahandog mo ng ganito ang iyong buhay sa Dios, ikaw ay espirituwal na born-again:

 

Kaya’t kung sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.

(I Corinto 5:17)

 

Ngayong ikaw ay born–again na ikaw ay bahagi na ng pamilya ng Dios. Hindi ka hiwalay sa presensiya ng Dios. Kung ikaw ay pisikal na namatay, mabubuhay ka ng walang-hanggan kasama Niya.

 

Nagkaroon ka ng relasyon sa Dios sa pamamagitan Ni Jesu Cristo. Iyong narinig at tumugon ka sa katotohanan ng Ebanghelyo. Ikaw ay nasa posisyon na makilala ang tinig ng Dios:

 

Sinabi nga sa Kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig…(Juan 18:37)

 

PINANINIRAHAN NG ESPIRITU SANTO

 

May iba pang pangunahing kinakailangan na makatutulong sa iyo na makilala ang tinig ng Dios. May sinasabi ang Biblia na karanasan ng Bautismo ng Espiritu Santo. Ang resulta ng karanasan na ito ay ang Espiritu Santo ay naninirahan sa iyong buhay at magbibigay ng kapangyarihan na mamuhay ng banal na katanggap-tanggap sa Dios.

 

Ang ministeryo ng Espritu Santo sa buhay ng mananampalataya ay napakarami upang talakayin sa aralin na ito. Ang Harvestime International Network na kursong may pamagat na “ The Ministry Of The Holy Spirit” ay nakatuon sa paksang ito at nagbibigay ng pagtuturo kung paano makatanggap ng Bautismo ng Espiritu Santo.

 

Isa sa pinaka mahalagang ministeryo ng paninirahan ng Esprirtu Santo ay para patnubayan ang mananampalataya sa kalooban Ng Dios:

 

Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa boong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.

Luluwalhatiin Niya Ako: sapagka’t kukuha Siya sa nasa akin, at sa inyo’y ipahahayag. ( Juan 16:13-14)

 

Sinasabi ng Biblia:

 

Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos, ay sila ang mga anak ng Diyos. (Roma 8:14)

 

Mayroong tiyak na kaugnayan sa pagitan ng anak Ng Dios (born again) at pinangungunahan ng Espiritu Santo. Ang natural na tao (hindi born-again) ay hindi tumatanggap at sumusunod sa  pangunguna Ng Espiritu Santo. Dahil siya ay hindi naging “ espirituwal na tao” sa pamamagitan ng bagong kapanganakan, hindi niya kilala ang tinig ng Dios:

 

Nguni’t ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos: sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu. (I Corinto 2:14)

 

Ang mga sumusunod na halimbawa sa aklat ng Mga Gawa ay nagpapakita ng pangunguina ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya:

 

FELIPE:

 

Ang diyakono ng iglesya na si Felipe ay pinangunahan ng Espiritu Santo na sumama sa karo ng makita niya sa daan ng disyerto tungo sa Gaza.  

 

At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.

(Mga Gawa 8:29)

 

Sumunod si Felipe  sa pangunguna ng Espiritu Santo. Ito ay nagbunga ng kaligtasan at bautismo sa tubig ng lalaking taga Etiopia na nakasakay sa karo.

 

PEDRO:

 

Si Pedro ay sinabihan ng Espiritu Santo na sumama sa tatlong lalaki na galing sa Cesaria. Sinabi ni Pedro:

 

At iniutos sa akin ng Espiritu na ako’y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin itong anim na kapatid; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon. ( Mga Gawa 11:12)

 

Kilala ni Pedro ang pangunguna ng Espritu Santo. Wala siyang pag-aalinlangan kung ang Espirtu Santo ay nangungusap sa kanyang pagkatao at ipinahahayag ang kalooban ng Dios sa kanya. Siya ay sumunod at nagbunga ng unang ministeryo sa ibang kultura  sa mga Hentile.

 

PABLO:

 

Madalas magbago ng talaan ng pag Ebanghelyo si Pablo ayon sa udyok ng Espiritu Santo:

 

At nang sila’y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus. (Mga Gawa 16:7)

 

Plano ni Pablo na pumunta sa  Misia, pero binigyan siya ng ibang direksiyon ng Espiritu Santo.

 

Ang tatlong mga halimbawang ito ay ilan lamang sa maraming nakasulat sa Biblia  na nagpapakita kung paano ang Espiritu Santo ay maka tutulong sa iyo na makarinig ng tinig ng Dios. Katulad ng ipinangako Ni Jesus, ang kalooban ng Dios ay alam ng Espiritu Santo at Kanyang ipahahayag sa iyo.

 

ESPIRITUWAL NA KAGANAPAN

 

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos. (Roma 12:2)

 

Sa natural, kung ang bata ay ipinanganak kailangan niya na makarating sa antas ng kaganapan bago niya makilala ang tinig ng kanyang mga magulang. Katulad din sa espirituwal na mundo. Nang una kang ma born-again maaari hindi mo makilala ang tinig ng Dios kung Siya ay nakikipag-usap sa iyo. Nang una mong natanggap ang Espiritu Santo maaring hindi mo palaging maunawaan kung  ipinahahayag ng Espiritu ang kalooban ng Dios sa iyo. Subalit patuloy na ipahahayag ng Espiritu Santo ang kalooban ng Dios at papatnubayan ka Niya. Habang ikaw ay nagiging espirituwal na ganap, matututo mong makilala ang tinig na nasa iyong espiritu.

 

Ang Biblia ay nagasasabi ng pagkakatulad sa pagitan ng natural at espirituwal:

 

Sapagka’t bawa’t tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka’t siya’y isang sanggol.

Nguni’t ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. (Hebreo 5:13-14)

Ang “gatas” at “karne” ay tumutukoy sa nakasulat na Salita ng Dios, Ang Biblia. Noong ikaw ay naging born-again nagsimula kang matuto ng simpleng mga katotohanan (gatas) na nakasulat sa Salita ng Dios. Habang ikaw ay lumalago, natututo ka nang masanay sa malalim na mga katotohanan (karne) ng Salita ng Dios.

 

Sa iyong pagpapatuloy na pag-aaral ng Salita ng Dios, ang iyong espirituwal na pakiramdam ay lalago. Magagamit mo ito upang malaman mo ang tama at mali. Ang ibig sabihin nito ay masasabi mo ang kalooban ng Dios at ang Kanyang kaparaanan mula sa maling mga paraan ng buhay. Kaya nga mahalaga na pag-aralan mo ang nakasulat na Salita ng Dios.

 

Habang ikaw ay espirituwal na  lumalago, hindi ka “makikiayon” sa mundo. Ang ibig sabihin ng pakikiayon ay mahubog o maporma ayon sa kalakaran ng mundo. Ang espirituwal na paglago ang mag-aayon sa iyo sa larawan Ni Cristo. Sa halip na sa larawan ng makamundong pamantayan.

 

Ang Espirituwal na paglago ay makatutulong sa iyo na lumago ang iyong emosyon. Kung kulang ka sa paglagong emosyonal , ang mga mahahalagang pagpapasiya ay maaaring dulot ng galit o awa sa sarili. Ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa loob ng mahabang panahon.

 

Habang ikaw ay espirituwal na lumalago makikita sa iyo ang “Bunga Ng Espiritu Santo,” katunayan ng espirituwal na paglago na magdudulot ng emosyonal na paglago:

 

Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. (Galacia 5:22-23)

PAGBABAGONG-ANYO

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos. ( Roma 12:2)

Ang espirutuwal na paglago ay magdudulot ng pagbabago, isa pang pangunahing pangangailangan upang makilala mo ang tinig ng Dios. Kung ano ang nais na gawin ng natural na tao (likas ng tao) at kung ano ang nais ng Dios para sa iyong buhay ay magkaiba. Ito ay nagdudulot ng  paglalaban sa pagitan  ng laman ( natural na tao) at ng espiritu ( espirituwal na tao).

 

Si Pablo ay nagsulat ng patungkol sa paglalaban na ito:

           

Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang mga bagay na inyong ibigin. (Galacia 5:17)

Kinilala ni Pablo na mayroong patuloy na pakikipaglaban sa pagitan ng laman at Espiritu tungkol sa mga bagay na pagtupad ng kalooban ng Dios. Kanyang kinilala ito na nangyayari sa isip:

 

Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, At dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. (Roma 7:23)

 

Dahil dito ipinakiusap niya na:

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba.

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos. (Roma 12:1-2)

Ang ibig sabihin ng salitang “magsumamo” ay isang pakiusap, mamanhik, o magmakaawa. Ang pariralang “na inyong iharap ang inyong mga katawan na Isang haing buhay” ay nagpapakita ng walang hanggang pagsuko sa Dios.

 

Ang ibig sabihin ng pag-aalay ng isang bagay na may pagsasakripisyo ay pagbibigay ng buong-buo. Sa Lumang Tipan ang pagsasakripisyo ay ginagawa, ito ay ibinibigay ng buo sa Dios upang tupukin ng apoy, tupukin ng Saserdote, katulad ng sinasaad ng batas. Ang nagbigay ng sakripisyo ay walang karapatan na kumuha nito.

 

Gayun din naman ang ating pagsuko sa Dios. Ang natural na tao, ang lumang likas ay dapat mamatay sa mundo at laman, Ito ang ibig sabihin ng “pagbabago.” Ito ay pagbabago para sa ibang larawan na, naaayon sa Panginoong Jesu Cristo:

Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili, dahil sa akin. (Galacia 2:20)

Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

(I Corinto 9:27)

Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo’y magsisunod sa kaniyang mga pita: ( Roma 6:12)

Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Diyos. ( II Corinto 7:1)

Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni’t mga buhay sa Diyos kay Cristo Jesus. ( Roma 6:11)

Ang aktuwal na karanasan Ni Jesus sa krus ay hindi natural na kamatayan. Mayroong katuturan na ang inatang na kamatayan para sa sariling likas ay pagpapako. Ang makalaman na likas ng tao ay hindi mamatay ng kusa. Ito ay dapat patayin ng may puwersa katulad ng aktuwal na pagpapako sa natural na mundo.

 

Ayon sa Roma 12:1-2, ang ganitong uri ng pagsuko ay mauuna muna bago mo maunawaan ang kalooban ng Dios. Kung nais mong malaman ang tinig at kalooban ng Dios, kailangan mo munang sumuko. Kadalasan ang nais natin ang kabaliktaran na proseso. Gusto natin malaman ang Kanyang kalooban, at saka tayo magpapasya kung tayo ay susuko sa Kanya. Subalit ayon sa Roma 12:1-2 nagpapakita ng pagsuko ang una.

 

Ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan tayo sa pagsuko dahil hindi natin maunawaan na ang kalooban ng Dios ay palaging karapatdapat tanggapin, mabuti, at ganap. Natatakot tayong sumuko sa Dios ng buong puso dahil hindi natin maunawan ang ganitong konsepto:

Sapagka’t nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. ( Jeremias 29:11 MBB)

PAGBABAGO NG ISIP

 

Ang iyong isip ay natural na nakaayon sa prinsipyo ng mundong nakapalibot sa iyo. Ito ay nangyari dahil sa unang kasalan. Nangyari rin ito dahil sa impluwensiya ng iyong kultura.

 

Subalit sinabi ng Dios na huwag kang umayon sa mundo kundi magbago ka. Ang ibig sabihin ng  salitang “pagbabago” ay mabago o bagong larawan. Ang halimbawa para sa larawan ay ang Panginoong Jesu Cristo:

 

Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. ( II Corinto 3:18)

 

Ayon sa Roma 12:2, ang pagbabago ay manggagaling sa pagbabago ng iyong isip. Ang ibig sabihin nito ay dapat mong alisin ang makamundong pamantayan at prinsipyo at umayon sa prinsipyo na ipinahayag sa Salita ng Dios.

 

Ang iyong isip ay mababago sa patuloy mong pagpapaunlad ng isip ni Cristo.

Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman: ( Filipos 2:5)

Ang salitang “mangagkaroon” ay nagpapakita na ikaw ay nagpasya para magkaroon ng isip Ni Cristo. Kailangan mong pahintulutan na magkaroon ng pagbabago ng isip para ito mangyari. Mayroon kang responsabilidad upang mapaunlad ang pagbabago ng isip. Ito ay hindi isang bagay na ginagawa ng kusa para sa iyo ng Dios

 

Kaya’t inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo. (I Pedro 1:13)

 

Ang ibig sabihin ng kaya’t “inyong bigkisan”  ay bihisan o ingatan ang inyong pangkaisipan na  lakas. Ang pagbabago o bigkisan ang isip, ay kinakailangan para mababad sa Salita ng Dios. Suriin ang Biblia upang malaman kung anong uri ng isip mayroon si Cristo. ( Ang “Para sa  Dagdag na Pag-aaral na bahagi ng kabanatang ito ay makakatulong upang magawa ito.)

 

Ang iyong isip ay mababago sa paglalagay ng Dios sa iyong isip ng Kanyang mga utos:

 

Sapagka’t ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel. Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, at sa kanilang mga puso’y aking isusulat ang mga ito. At ako’y magiging Diyos nila, At sila’y magiging bayan ko: ( Hebreo 8:10)

 

Gamitin ang lakas ng isip upang maalis at bihagin ang maling mga isipan:

 

Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Diyos; sapagka’t sila’y ibinuwal sa ilang. (I Corinto 10:5)

 

Iyong responsabilidad na pigilin ang iyong mga pagiisip:

           

Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. ( Filipos 4:8)

Samakatuwid masasabi mo kasama ni Pablo:

 

Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito’y nangauuwi sa wala:

(I Corinto 2:6)

 

Ang isipan Ni Cristo ay nakahanda na tiyak na gawin ang kalooban ng Dios.

 

 

 

 

PATUNAYAN ANG KALOOBAN NG DIOS

 

Pag-aralan ang sumusunod na tsart. Iyong malalaman na ang bawat unang kinakailangan na tinalakay sa kabanatang ito ay kasama sa Roma 12:1-2:

 

PATUNAYAN ANG KALOOBAN NG DIOS

 

 

Kaya nga mga kapatid                                                  Lumalapit ka sa Dios sa pamamagitan

Alangalang sa mga kahabagan ng Dios…                  ng Kanyang kahabagan sa pamamagitan ng

sakripisyo Ni Jesus para sa iyong mga kasalanan.

 

 

Na iyong iharap ang inyong mga katawan na           Ang espirituwal na paglago ay magagawa sa

Isang haing buhay, banal, na kaaya-aya sa Dios,      pamamagitan ng pagkilos ng Espiritu Santo

 na siya ninyong katampatang pagsamba…             sa iyong buhay.

 

 

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito:    Pagbabago sa pamamagitan ng Salita:

Kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pag-                 pagbabago ng isip.

babago ng inyong pagiisip…

 

 

 

Ang karanasan ng bagong kapanganakan, ang pinanahanan ng Espiritu Santo, espirituwal na paglago, at pagbabago ng isip—paano ang mga ito ay may kaugnayan upang malaman ang kalooban ng Dios? Ayon sa Roma 12:1-2 ang mga ito ay pangunahing kinakailangan para maakay sa pagkakilala ng Kanyang kalooban:

 

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos.

(Roma 12:2)

 

Ang ibig sabihin ng salitang “ mapatunayan” ay tiyakin, magpatunay, at maging sigurado sa isang bagay. Ang mga pangunahing kinakailangan na ito ay magaakay sa kasiguruhan ng kalooban ng Dios.

 

Subalit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng “kalooban ng Dios”? At ano ang “mabuti , kaayaaya at lubos ” na kalooban ng Dios? Bakit ito mahalaga na “patunayan” o tiyakin ang kalooban ng Dios?

 

Sasaliksikin natin ang mga kasagutan sa mga tanong na ito  sa susunod na mga kabanata.

 

PANSARILING PAG-SUSULIT

 

1.        Isulat ang Susing Mga Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

2.         Ano ang ibig sabihin ng salitang “pangunahing pangangailangan?

 

________________________________________

 

3.  Ano ang mga pangunahing pangangailangan na ipinakita sa kabanatang ito na kinakailangan para malaman ang kalooban ng Dios?

 

________________________________________

 

4. Ano ang pangunahing ministeryo ng Espiritu Santo na may kaugnayan upang malaman ang tinig ng Dios?

 

________________________________________

 

5. Ano ang ibig sabihin ng maging born-again?

 

________________________________________

 

6. Bakit kinakailangan na maging born again para malaman ang kalooban ng tinig ng Dios?

 

________________________________________

 

7.    Ano ang ibig sabihin  ng espirituwal na paglago?

 

 

8. Ibigay ang kahulugan ng salitang  “ pagbabago” ayon sa paggamit sa kabanatang ito.

 

________________________________________

 

9. Ang pangungusap ba na ito ay tama o mali: Ayon sa Roma 12:1-2 ay pagsuko ay mauuna para malaman ang kalooban ng Dios. Ang pangungusap ay : ___________________________

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.        Para sa dagdag na pag-aaral sa bagong kapanganakan at espirituwal na kaganapan, kunin ang Harvestime International Institute na kursong “Mga Saligan ng Pananampalataya.” Para sa dagdag na pag-aaral ng Espiritu Santo, kunin ang Harvestime International Institute na kursong “Ang Ministeryo ng Espiritu Santo.”

 

2. Ang kabanatang ito ay nagsabi tungkol sa pangangailangan ng pagbabago ng isip. Ang Biblia ay nagpapakita na ang mga mananampalataya ay HINDI dapat magkaroon ng isipan na :

 

Magmatigas                                          Daniel 5:20

Mahalay                                               Roma 1:28

Carnal                                                  Roma 8:6

Mapagalinlangan                                   Lucas 12:29

Bulag                                                    II Corinto 3:14; 4:14

Bulok                                                   II Corinto 11:3

Kahalayan ng Laman                            Efeso 2:3; Colosas 2:18

Banidosa                                              Efeso 4:17

Makamundo                                         Filipos 3:19

Nalayo dulot ng masasamang gawa   Colosas 1:21

Dalawang akala                                    Santiago 1:8; 4:8

Marumi                                                Tito 1:15

 

3.      Itinuturo ng Biblia na ang nabagong isipan ng mananampalataya ay dapat na:

 

Espirituwal                                            Roma 8:6

Handa                                                  I Pedro 5:2

Dalisay                                     II Pedro 3:1

Sumasa Dios                                        Isaias 26:3

Payapa                                                 Filipos  4:7

Binago                                                  Efeso 4:23

Mapagpakumbaba                                Colosas 3:12

Mahinahon                                           Tito 2:6

Kahusayan                                           II Timoteo 1:7

Mapagmahal                                         Mateo 22:37

Ipinaglilingkod                          Roma 7:25

Buong nahikayat                                   Roma 14:5

Maypagkakaisa                                    I Pedro 3:8; 4:1; Roma 15:6

I Corinto 1:10

Tapat at may kusa                                I Cronica 28:9

Disiplinado sa paggawa             Nehemias 4:6              

 

 

 

IKATLONG KABANATA

 

ANG KALOOBAN NG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos ng pag-aaral ng kabanatang  ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “kalooban”

·                    Kilalanin ang tatlong uri ng kalooban na kumikilos sa mundo ngayon.

·                    Ipaliwanag ang tatlong kahulugan ng kalooban ng Dios.

·                    Isulat ang mga dahilan kung bakit mahalaga na gawin ang kalooban ng Dios.

·                    Kilalanin ang tamang motibo para gawin ang kalooban ng Dios.

 

SUSING TALATA:

 

Sapagka’t bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. (Juan 6:38)

 

 

PAMBUNGAD

 

Kinilala ang tatlong uri ng kalooban na kumikilos sa mundo ngayon sa kabanatang ito. Binigay ang kahulugan ng kasabihan na “kalooban ng Dios”, siniyasat ang buhay ni Jesus ayon sa kalooban na ito, at binigyang diin ang kahalagahan ng kalooban ng Dios.

 

ANG KAHULUGAN NG “KALOOBAN”

 

Ang karaniwang kahulugan ng salitang “kalooban” ay alamin o magpasya ayon sa kalooban. Ang kalooban ay kapangyarihan ng pagpili.. Mayroong tatlong uri ng kalooban na umiiral sa mundo ngayon:

 

SARILING –KALOOBAN:

 

Ito ang kalooban ng tao, ang makasariling likas na nagnanais na mangyari ang sarili niyang kaparaanan. Kung aakayin mo ang iyong sarili ng sariling kalooban, gumagawa ka ng pagpapasiya ayon sa iyong kalooban hiwalay sa Dios. Nagbabala ang Biblia tungkol sa sariling kalooban:

 

Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang. (Jeremias 10:23)

 

Ang sariling-kalooban ay umiiral ayon sa kahalayang likas ng tao:

 

Datapuwa’t lalong-lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila’y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo: ( II Pedro 2:10)

 

 

Nakasulat sa Biblia ang resulta ng sariling-kalooban.

 

Sa gayo’y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso, Upang sila’y makalakad sa kanilang sariling mga payo. ( Mga Awit 81:12)

 

Ang kasalanan, pagdurusa, at kaguluhan sa mundo ngayon ay dulot ng pagsuway ng tao sa kalooban ng Dios. Sinasabi ni David na ang sariling kalooban ay umiiral sa buhay ng masamang tao:

 

Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: Sapagka’t mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, At ang nagsisihinga ng kabagsikan. (Mga Awit 27:12)

 

Sinasabi sa Biblia na ang mga nangunguna sa iglesya ay hindi dapat umiiral ang kanilang sariling-kalooban:

 

Sapagka’t dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya’y katiwala ng Diyos; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan. ( Tito 1:7)

 

KALOOBAN NI SATANAS:

 

Si Satanas ay may kalooban. Nais niyang sirain ang lahat na mabuti sa iyong buhay. Si Pedro ay binalaan Ni Jesus tungkol ditto:

 

Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo.( Lucas 22:31)

 

Nais ni Satanas na ihiwalay ang mabuti sa iyong buhay. Sinabi Ni Jesus:

 

Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito. (Juan 10:10)

 

Sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay nabihag ng kalooban ni Satanas:

 

At sila’y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban. ( II Timoteo 2:26)

 

KALOOBAN NG DIOS:

 

Ang ikatlong kalooban na umiiral sa mundo ay ang kalooban ng Dios. Ito ang paksa ng ating pag-aaral.

 

ANG KAHULUGAN NG KALOOBAN NG DIOS

 

Ang Bagong Tipan ay isinulat sa orihinal na Griego. Mayroong dalawang termino na ginamit sa Griego sa salitang “kalooban” patungkol sa kalooban ng Dios.

 

Ang isang salita ay “boulema,” na tumutukoy sa dakilang kapangyarihan ng Dios. Ito ang Kanyang tiyak na plano sa lahat na nangyayari sa mundo. Ang uring ito na “kalooban ng Dios” ay matutupad kahit ano pa ang pagpapasiya na gawin ng tao. Ito ang buong plano ng Dios sa mundo.

 

Hindi kinakailangan ng “boulema” ng Dios ang pakikipagtulungan ng tao. Sa “boulema” ng Dios, ang bunga ay tiyak. Ang “boulema” ng kalooban ng Dios ay maliwanag na nasusulat sa Kanyang Salita. Hindi na kinakailangan na hanapin ang kalooban na ito ng Dios. Dahil ito ay ipinahayag na sa Biblia.

 

Ang isa pang salita ay “thelema” tumutukoy sa naisin ng Dios na ang tao ay maranasan at mamuhay sa Kanyang kalooban. Tinutukoy nito ang plano ng Dios sa bawa’t isang lalaki at babae. Para matupad ng Dios ang kalooban Niyang “thelema”, kinakilangan ang iyong pakikipagtulungan. Mayroon kang kapangyarihan na pumili kung ikaw ay lalakad o hindi sa “thelema” o pangisahang kalooban ng Dios sa iyong buhay. Ito ang “thelema”, na kalooban o kalooban ng Dios sa iyo, na tinutukoy kung tayo ay nagsasabi na hanapin ang kalooban ng Dios.

 

Ang isa pang uri ng kalooban ng Dios ay “moral”  na kalooban ng Dios, ang mga utos ay ipinahayag sa nakasulat na Salita ng Dios na nagtuturo kung paano dapat mamuhay ang mga mananampalataya. Ang pangisahan at dakilang kalooban ng Dios ay hindi maaring sumalungat sa moral na kalooban ng Dios na naipahayag sa Kanyang Salita. Ang buod ng iba’t ibang kahulugan ng  “kalooban ng Dios” ay nakasulat sa susunod na tsart:

 

 

 

 

 

 

 

 

ANG TATLONG KAHULUGAN NG “KALOOBAN NG DIOS”

 

Pinakamakapangyarihan                   Pangisahan                                   Moral

(Boulema)                                           (Griego: thelema)

 

Ang pinaka-                                    Ang madetalyeng plano                 Ang moral na utos na makapangyarihang                               ng Dios sa bawa’t isa.                nahayag sa nakasulat na

plano ng Dios sa mundo                                                                        Salita ng Dios na nagtuturo

kung paano mana-nampalataya at mamumuhay.

 

 

Hindi napipinsala ng pagpa-          Nakasisira ng pagpa-                        Ang pangisahang kalooban

pasiya  ng tao                                  pasiya ng tao.                                ng Dios ay palaging suma-

                                                                             sangayon sa Kanyang moral

                                                                                                            na kalooban

 

 

 
SI JESUS AT ANG KALOOBAN NG DIOS

 

Ang kalooban ng Dios ang pinakamahalagang tungkulin Ni Jesus sa Kanyang ministeryo sa lupa. Kanyang sinabi:

At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay Niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw. (Juan 6:39)

Kalooban ng Dios ay madala ang lalaki at babae sa tamang kaugnayan sa Kanya:

Sapagka’t bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. (Juan 6:38)

Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa’t nakakakita sa Anak, at sa kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. (Juan 6:40)

Ang layunin ng buhay Ni Cristo ay tuparin ang kalooban ng Dios. Kahit Siya ay bata pa nais Niyang gawin ang kalooban ng Dios. Nang Siya ay nasa templo ang Kanyang mga magulang ay  dumating at  hinahanap Siya, sinabi Ni Jesus:

At sinabi Niya sa kanila, bakit ninyo ako hinahanap? Di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama. (Lucas 2:49)

Ang sekreto ng Kanyang esprituwal na kalakasan ay makikita sa paggawa ng kalooban ng Dios:

Sinabi sa kanila ni Jesus, ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang Kaniyang gawa. (Juan 4:34)

Ang talatang ito ay nagpapakita ng Kanyang hangarin na matapos ang gawa ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang buhay at ministeryo.

 

Ang kapangyarihan na nakikita sa ministeryo Ni Cristo sa lupa ay may kaugnayan sa kalooban ng Dios.

Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin. (Juan 5:30)

Ang mga salita at gawa Ni Jesus ay hindi sa Kanya. Siya ay nagsalita at gumagawa ayon sa kalooban ng Ama:

Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. (Juan 7:16)

Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin. (Juan 14:24)

Sinabi nga ni Jesus, kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama. (Juan 8:28)

Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin. (Juan 5:30)

 

Kahit sa Kanyang pagharap sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, Siya ay nanalangin:

At lumakad siya sa dako pa roon, at siya’y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. … (Mateo 26:39)

Si Jesus ay nakahanda na mamatay kung ito ang kalooban sa Kanya ng Dios. Ang buhay Ni Jesus ay sapat na halimbawa ng buong pagsangayon sa pinakadakila, moral , at pangisahang kalooban ng Dios.

 

 

 

 

ANG KAHALAGAHAN NG KALOOBAN NG DIOS

 

 

Ang kalooban ng Dios ay mahalaga dahil…

 

ITO ANG MAGPAPASIYA NG IYONG WALANG-HANGGANG KAHIHINATNAN:

 

Ang walang-hanggang kahahantungan mo ay nakasalalay sa paggawa ng kalooban ng Dios. Dapat kang tumugon ng positibo sa plano ng Dios sa kaligtasan ng iyong buhay …

Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon. ( Mateo 7:14)

Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. (Mateo 7:21)

At ang sanglibutan ay lumilipas at ang masamang pita niyaon; datapuwa’t ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananahan magpakailan man. (I Juan 2:17)

ITO ANG BATAYAN NG IYONG KAUGNAYAN SA DIOS:

 

Ang kaugnayan mo Kay Jesus ay batay sa paggawa ng Kanyang kalooban:

Sapagka’t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina. (Mateo 12:50)

ITO AY NAGBIBIGAY NG DIREKSIYON:

 

Ang kalooban ng Dios ay mahalaga dahil hindi mo kayang akayin ang iyong sariling kaparaanan:

Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang. (Jeremias 10:23)

Kulang ka sa kakayahang patnubayan ang iyong mga hakbang. Kung wala ang patnubay ng Dios, susundin mo ang iyong kaparaanan at maliligaw ka sa plano ng Dios:

 

Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. (Isaias 53:6)

 

 

ITO AY NAGBIBIGAY NG KAALAMAN SA KINABUKASAN:

 

Ang Dios lamang ang nakakaalam ng kinabukasan. Alam Niya ang naghihintay na bitag ni Satanas sa iyo. Alam Niya ang kinabukasang  sistema ng ekonomiya at pulitika. Alam Niya ang naghihintay na mga pangyayari sa iyong kinabukasan:

 

Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka’t ako’y Diyos at walang iba liban sa akin; ako’y Diyos, at walang gaya ko.

 

Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking boong kaligayahan. (Isaias 46:9-10)

 

Maykakayahan ang tao na makagawa sa pangkasalukuyan at sariwain ang nakaraan. Maaari rin siyang magplano ng panghinaharap. Subalit ang Dios ang tanging nakakaalam ng kinabukasan.

 

Iniisip ng ibang tao na alam ni Satanas ang kinabukasan. Hindi niya alam. Kung alam niya, hindi niya hihikayatin ang pagpapako sa krus Ni Jesus. Maaari niyang tingnan ang kinabukasan at makita na ang katubusan sa kasalanan ay mangyayari. Ang nais lamang ng Dios na ipahayag tungkol sa kinabukasan ang alam ni Satanas. Halimbawa, alam ni Satanas na impiyerno ang kanyang kahihinatnan dahil ito ay ipinahayag ng Dios.

 

ITO AY UTOS NA DAPAT MONG MALAMAN:

 

Mahalagang malaman ang kalooban ng Dios dahil ito ay iniutos na dapat malaman at gawin:

 

Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. (Efeso 5:17)

Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Diyos. ( Efeso 6:6)

Nais ng Dios ang iyong pagsunod sa Kanyang kalooban higit sa nais Niya ang iyong sakripisyo o papuri.           

At sinabi ni Samuel, nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.

Sapagka’t ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diyosdiyosan at sa mga terap. Sapagka’t dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari. (I Samuel 15:22-23)

Nais Ng Dios ang humarap ka ng sakdal at lubos sa Kanyang kalooban:

 

Binabati kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo’y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Diyos. (Colosas 4:12)

 

ANG RESULTA AY KAWASTUAN NG DOKTRINA:

 

Sinabi Ni Jesus:

Kung ang sinomang tao ay nag-iibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Diyos, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili. (Juan 7:17)

Kung iyong gagawin ang kalooban ng Dios ayon sa ipinahayag sa iyo, ikaw ay unti-unting  lalagong espirituwal sa paghahatol ng tamang doktrina. Ikaw ay hindi malilinlang ng maling katuruan.

           

ANG RESULTA AY TUGON SA PANALANGIN:

           

Kung ikaw ay namumuhay sa kalooban Ng Dios makakapanalangin ka ng may tiwala na ang iyong kahilingan ay matutugon:

At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa Kaniya, sapagka’t tinutupad natin ang Kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa Kaniyang paningin. (I Juan 3:22)

Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Diyos ang mga makasalanan: datapuwa’t kung ang sinomang tao’y maging mananamba sa Diyos, at ginagawa ang Kaniyang kalooban, siya’y pinakikinggan Niya. (Juan 9:31)

At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa Kaniya, na kung tayo’y humingi ng anomang bagay na ayon sa Kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo Niya. (I Juan 5:14)

ITO AY NAGDUDULOT NG PAGPAPALANG ESPIRITUWAL:

 

Ang espirituwal na pagpapala ay ipinangako kung iyong gagawin ang kalooban ng Dios:

Sapagka’t kayo’y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Diyos, ay magsitanggap kayo ng pangako. (Hebreo 10:36)

 

 

 

Hahabulin ka ng pagpapala:

At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Diyos, upang isagawa ang lahat Niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng mga bansa sa lupa.

At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Diyos. ( Deuteronomio 28:1-2)

ITO AY MAKATUTULONG SA IYO  NA MAKAIWAS SA PARUSA:

           

Ang ibig sabihin ng parusa ay disiplina, panunumbat, at pagtutuwid. Ang mga kusang tumalikod sa ipinahayag na kalooban ng Dios ay pinarusahan na:

Nguni’t mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Diyos, na isasagawa ang lahat ng Kaniyang mga utos at ang Kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo. (Deuteronomio 28:15)

At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan Niya;

Sapagka’t pinarurusahan ng Panginoon ang Kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa’t tinatanggap na anak.

Na dahil sa ito’y parusa kayo’y nagtitiis; inaari kayo ng Diyos na tulad sa mga anak; sapagka’t alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?

Datapuwa’t kung kayo’y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo’y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.

Bukod dito, tayo’y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo’y parusahan, at sila’y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo’y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo’y mabubuhay? (Hebreo 12:5-9)

Nagbabala Si Jesus:

At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami. (Lucas 12:47)

Amg malaman ang kalooban ng Dios ay maselan na bagay para sa mga nagnanais na mamuhay ng saganang buhay at umiiwas sa parusa.

 

ANG RESULTA NITO AY TAGUMPAY:

 

Ang isang itinuro kay Josue nang siya ay naging tagapanguna ng bansang Israel ay huwag kang hihiwalay at sundin ang ipinaguutos ng Dios at lumakad sa Kanyang mga daan. Kung gagawin niya ito, si Josue ay nakatitiyak:

Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka’t kung magkagayo’y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. (Josue 1:8)

May mga nasulat din sa Mga Awit na ang taong lumalakad sa daan Ng Dios ay magiging matagumpay at “ anuman ang kanyang gawin ay uunlad ” (Mga Awit 1:3). Sa mundong puno ng kabiguan at talunan, ang malaman at gawin ang kalooban ng Dios ay ang sekreto ng matagumpay na pamumuhay.

 

ANG TAMANG PAGGANYAK:

 

Dapat kang maganyak na gawin ang kalooban ng Dios dahil mahal mo Siya. Ang pag-ibig ay nagnanais na malugod ang kanyang iniibig:

Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. (Juan 14:15)

Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya’y iibigin ko, at ako’y magpapakahayag sa kaniya. (Juan 14:21)

Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa ka niya, at siya’y gagawin naming aming tahanan. (Juan 14:23)

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING- PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

2.      Ano ang tamang pagganyak sa paggawa ng kalooban ng Dios?

 

________________________________________

 

3.      Isulat ang sampung mga dahilan kung bakit mahalaga ang paggawa ng kalooban ng Dios:

____________     _____________      _____________     ______________      _____________

____________      _____________      _____________     ______________      _____________          

 

4.   Ibigay ang kahulugan ng salitang “kalooban.” _____________________________________

 

5.   Kilalanin ang tatlong kahulugan ng kalooban ng Dios:

 

________________________________________

 

6.   Ano ang tatlong uri ng kalooban ang umiiral sa mundo ngayon?

 

________________________________________

 

 

7.   Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Kung ang pangungusap ay totoo, isulat ang  T sa puwang . Kung ang ito ay mali, isulat ang M sa puwang:

 

 

a.       ___ Hindi tungkulin ni Jesus na gawin ang kalooban ng Dios.

 

  1. ___ Ipinakita ng Biblia na ang tao ay walang kakayahang gabayan ng tama ang kanyang sarili.

 

  1. ___ Kung minsan ang pangisahang kalooban ng Dios ay hindi sangayon sa moral na kalooban ng Dios.

 

  1. ___ Ang Dios lang ay may lubos na kaalaman ng kinabukasan?

 

  1. ___ Mararanasan mo ang dakilang pagpapalang esprituwal sa paglakad mo sa sariling –kalooban.

 

( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.      Binigyan ng malaking pansin ni Apostol Pablo ang kalooban ng Dios. Pag-aralan ang mga sumusunod na talata:

 

Mga Gawa 16:6-10;          Roma 1:10; 15:32;        I Corinto 1:1; 4:19; 16:7;

II Corinto 1:1;       Efeso 1:1;         Colosas 1:1;     II Timoteo 1:1

 

2.       Ang tsart na ibinigay sa kabanatang ito tungkol sa “ Tatlong Kahulugan ng Kalooban ng Dios” ay pinalawak na may karagdagang reperensya sa Biblia. Pag-aralan ang mga talatang ito para madagdagan ang kaalaman ng pinakamakapangyarihan, pangisahan, at moral na kalooban ng Dios.

 

ANG TATLONG KAHULUGAN NG “KALOOBAN NG DIOS”

 

Pinakamakapangyarihan                   Pangisahan                                   Moral

(Boulema)                                           (Griyego: thelema)

 

Ang pinaka-                                    Ang madetalyeng plano                 Ang moral na utos na makapangyarihang                               ng Dios sa bawa’t isa.                nahayag sa nakasulat na

plano ng Dios sa mundo                                                                        Salita ng Dios na nagtuturo

kung paano mana-nampalataya at mamumuhay.

 

 

Hindi napipinsala ng pagpa-          Nakasisira ng pagpa-                        Ang pangisahang kalooban

pasiya  ng tao                                  pasiya ng tao.                                ng Dios ay palaging suma-

                                                                             sangayon sa Kanyang moral

                                                                                                            na kalooban

 

Roma 11:33-36                               Genesis 24                                    Mga Halimbawa:

Mga Gawa 2:23                              Mga Kawikaan 16:9                      II Corinto 6:14

Mga Gawa 4:27-28                         Mga Awit 32:8                              Roma 2:18

Roma 9:19                                      Kawikaan 3:5-6                            I Tesalonica 5:18

Kawikaan 16:33                              Efeso 5:17                         I Tesalonica 4:3

Efeso 1:11                                       Efeso 6:6                                       ( Lahat ng ibang utos sa

Apocalipsis 4:11                              Roma 12:2                             nakasulat na Salita ng Dios) Kawikaan 21:1                        Colosas 1:9           

Daniel 4:35                                     Colosas 4:12

 

 

 

 

IKA-APAT NA KABANATA

 

PAGTAHAK SA MALING DIREKSIYON

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang hindi galing sa Biblia na pamamaraan ng paghanap ng patnubay.

·                    Masabi ang pagkakaiba ng huwad at tunay na propeta Ng Dios.

·                    Ibigay ang kahulagan ng salitang “ katulad” emulation.

 

SUSING TALATA:

Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang. (Jeremias 10:23)

PAMBUNGAD

 

Kung paano mahalaga na malaman ang paggawa ganoon din kahalaga na malaman kung paano hindi dapat gawin ang isang bagay.

 

Ang isang magaling na imbentor sa Estados Unidos na si Thomas Edison ay gumawa ng higit sa 1,000 eksperimento na nabigo bago niya na tuklasan ang elektrisidad. Nang siya ay tinanong kung nagsisisi siya sa lahat ng mga nasayang na panahon ang sabi niya “ Hindi”. Natuklasan ko ang higit sa 1,000 na HINDI mga pamamaraan ng paglikha ng elektrisidad.” Sa susunod , hindi na siya magaaksaya ng panahon sa paggamit ng mga paraan na walang resulta

 

Sinabi Ng Dios sa Biblia ang mga pamamaraan na HINDI dapat gamiting patnubay sa iyong buhay. Kung iyong pakikinggan ang mga babalang ito, hindi ka mag-aaksaya ng mga oras sa mga hindi mula sa Biblia na pamamaraan na patnubay na hindi sinasangayunan Ng Dios. Makaiiwas ka sa paggawa ng mga maling pagpapasiya at pagtahak sa maling direksiyon ng iyong buhay.

 

Sa ibang mga kabanata iyong matututuhan kung paano ipinahayag ang kalooban ng Dios sa nakaraan at kung paano Siya nakikipag-usap sa mga tao ngayon. Una, dapat nating alisin ang mga hindi tama. Ito ang mga pamamaraan na HINDI mo dapat hingan ng patnubay.

 

 

 

 

 

 

ANG OKULTISMO/ DI KARANIWAN

 

Maraming pamamaraan ni Satanas ang ginagamit, ang mga grupong ito ay napapailalim sa mga   okultismo o di- karaniwan. Karamihan dito ay ginagamit para malaman ang dapat gawin. Ang mga gawain ng okultismo ay nagkakaiba-iba depende sa bansa, subalit kasama ang mga pamamaraan ng mangkuklulam, shamen, manggagaway, salamangkero, astrolohiya, horoscope, pagbasa sa dahon ng tsa, kristal, baraha, at palad ng kamay. Ang okultismo ay ginagamit ang anumang porma na sobrenatural na hindi galing sa Dios. Ang mga gawain na ito ay pag –uudyok.

 

Nagbigay ng babala ang Dios sa Kanyang mga tao na huwag makikipagtrato sa mga gawain ng okultismo. Mababasa mo ang mga babalang ito sa  Deuteronomio 18:9-14 at Exodo 22:18.

 

Ang pangkukulam ay gawain ng mga mangkukulam kasama dito ang puti at itim na magic, manggagaway, astrolohiya, voodoo, at paggamit ng gayuma, bulong, panggagayuma, at gamot. Kasama ang lahat ng katulad ng mga napakasamang gawain at pagsamba. Ang pangkukulam at iba pang gawain ni Satanas at pagsamba ay espirituwal na paghihimagsik laban sa Dios:

Sapagka’t ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diyosdiyosan at sa mga terap. Sapagka’t dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari. (I Samuel 15:23)

Nakasulat sa Biblia na ang mga maggagaway ay nagpilit na ihiwalay ang mga tao sa Ebanghelyo:

Datapuwa’t si Elimas na manggagaway (sapagka’t ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul. (Mga Gawa 13:8)

 

Ang pangkukulam ay nililinlang ang mga tao:

At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka’t ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka’t dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa. (Apocalipsis 18:23)

Ang mga manggagaway ay hindi makapapasok sa Kaharian ng Langit:

Nangasa labas ang mga aso, at ang amg mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diyosdiyosan, at ang bawa’t nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan. (Apocalipsis 22:15)

Ipinakita ng aklat ng Apocalipsis ang wakas ng mga gumagamit ng mga napakasamang gawain na ito:

Nguni’t ang mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diyosdiyosan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. (Apocalipsis 21:8)

Walang tunay na anak ng Dios ang dapat masangkot sa anumang gawain ng okultismo para humingi ng patnubay o anumang ibang dahilan.

 

PAMAMARAAN NG PAKIKIPAGSAPALARAN

 

Ang pakikipagsapalaran ay  isang paraan ng humanap ng patnubay na ginamit sa Lumang Tipan. Mababasa mo ito sa Levitico 16:7-10; Mga Bilang 26:55; 27:21; at Josue 18:10.

 

Ang palabunutan ay isang paraan ng pakikipagsapalaran. Ang paniwala ay ang Dios ang namamahala ng kalalabasan ng palabunutan. Ang palabunutan ay katulad sa paghagis ng dais o pagpitik ng barya ngayon.

 

Ang paraan na ito ay paghingi ng patnubay mula sa Dios ay katanggap tanggap sa Lumang Tipan. Ang nag-iisang paggamit ng Bagong Tipan sa bunutan ay bago dumating ang Espiritu Santo. Ang mga Apostol Ni Jesus ay naghahanap ng kapalit ni Judas na nagkanulo Kay Jesus at di nagtagal nagpakamatay. Dalawa ang na nombrehan para sa posisyon:         

At sila’y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya’y ibinilang sa labingisang apostol. (Mga Gawa 1:26)

Si Matias na napili para palitan si Judas, ay hindi na muling nabanggit sa talaan ng Bagong Tipan. Sa katunayan si Pablo ang tunay na pumalit sa bakanteng posisyon ng  mga Apostol. Si Matias ang napili ng tao sa pamamagitan ng palabunutan. Si Apostol Pablo ang napili ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

Pagkatapos na ang Espiritu Santo ay naparito ( nakasulat sa Mga Gawa 2) ang palabunutan ay hindi ginamit ng mga mananampalataya para malaman ang direksiyon. Ang patnubay ng Espiritu Santo ang pumalit sa paraan ng Lumang Tipan na ito. Hindi ka dapat pumili ng paraan ng pakikipagsapalaran para malaman ang kalooban ng Dios. Dapat mong malaman ang tinig ng Dios at hayaang patnubayan ka ng Espiritu Santo.

 

MGA LANA O PALATANDAAN

 

May isa na nasulat sa Lumang Tipan na gumamit ng “lana” para malaman ang kalooban ng Dios. Mababasa mo ito sa kuwento ng lana ni Gedeon sa Mga Hukom 6:36-40.

 

Ang Dios ay nakipag-usap kay Gedeon at ipinahayag ang Kanyang kalooban. Para tiyakin ang sinabi ng Dios, si Gedeon ay naglagay ng balat na lana sa lupa. Isang araw hiniling niya na magkaroon ng hamog ang lupa subalit hindi sa lana. Isang araw naman hiniling niya sa Dios na ang hamog ay bumagsak sa lana at ang mga nakapalibot na lupa ay manatiling tuyo.

 

Walang talata sa Biblia na nagtuturo na ang mga mananampalataya ay gumawa katulad ng ginawa ni Gedeon sa panahong mayroong krisis sa bansa, kung saan napakalaking responsabilidad ang nakaatang sa kanya. Ang pangyayaring ito ay minsan lamang nangyari sa Biblia at, katulad ng palabunutan, ito ay ginamit lamang bago bumaba ang  Espiritu Santo sa Bagong Tipan.

 

Hindi natin dapat hanapin ang kalooban ng Dios sa pamamagitan ng paglalagay ng lana. Kung sa ngayon ang paglalagay ng lana ay katulad ng “ Kung mangyayari ang bagay na ito, malalaman ko na ito ang kalooban ng Dios”--- subalit ang ating mga lana ay kadalasang mga bagay na nangyayari ng natural.

 

Isa sa “lana” na nakasulat sa Biblia, alam na ni Gedeon ang kalooban ng Dios. Narinig na niya ang tinig ng Dios. Ang lana ay ginamit lang para tiyakin , at para patnubay. Ito ay isang bagay na masasagot lamang sa pamamagitan ng sobrenatural na paraan.

 

Sa Bagong Tipan ng si Zacarias ay humingi ng palatandaan upang tiyakin ang kapanganakan ni Juan Bautista, siya ay pipi. Dahil hindi siya naniwala sa tinig ng Dios at humingi ng tanda ( Lucas 1:18-20).

 

Sinabi Ni Jesus na ang “isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda  (Mateo 12:39). Ang lana ay maaaring tanda ng walang pananampalataya o pagsuway na gawin ang ipinahayag na kalooban ng Dios. Ang lana na maaring masagot sa natural na paraan ay maaari kang madaya o malinlang.

 

Sa ibang pagkakataon, Ang Dios ay maawain na tumutugon sa mga humihingi ng mga hudyat kung ano ang kanilang gagawin sa lana o palatanadaan. Gayunman, ang gawain na ito ay eksepsiyon sa halip na batas para hanapin ang patnubay sa buhay ng mga dakilang mananampalataya Ng Dios.Tandaan… Nais Ng Dios ang taong may pananampalataya, hindi mahilig sa palatandaan. Nais Niya ang mga lalaki at babae na alam ang Kanyang tinig kung Siya ay nagsasalita at hindi na dapat subukin sa pamamagitan ng mga tanda.

 

MGA BULAANG PROPETA

 

Nakasulat sa Biblia ang mga kuwento ng maraming propeta Ng Dios. Ipinakikita dito na Ang Dios ay naglalagay ng  mga pinuno sa iglesya na kilala bilang mga propeta, at ipinaliliwanag  ang mga espirituwal na kaloob na kilala na propesiya  (Efeso 4:11 at I Corinto 12:10). 

 

Ang mag “propesiya” ay pagsasalita sa ilalim ng natatanging inspirasyon ng Dios. Ito ay natatanging kakayahan na natanggap at magsabi ng mahalagang mensahe Ng Dios sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng banal na kinasihan na salita. Ang salitang sinabi ng propeta sa ilalim ng banal na inspirasyon ay tinatawag na prophecies. Ang ibig sabihin ng prophesy ay magdeklara ng hayagan ng mga salitang mula sa Dios na nagpapayo, nagpapalakas, at nagbibigay ng aliw:         

Datapuwa’t ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ika-aaliw. (I Corinto 14:3)

Ang propesiya ay hindi kailanman pinapalitan ang nakasulat na Salita Ng Dios. Sinasabi ng Biblia na ang propesiya ay matatapos, subalit ang Salita Ng Dios ay  mamamalagi magpakailanman. ( I Corinto 13:8 at I Pedro 1:25).

 

Sa Lumang Tipan ang mga tao ay lumalapit sa mga propeta para sa patnubay dahil ang kaloob ng pagkasi ng Espiritu Santo ay hindi pa ibinibigay. Hindi na kinakailangan na pumunta sa mga propeta para makatanggap ng patnubay. Ito ang isa sa mga tungkulin ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya. Ang bawat mananampalataya ay dapat matutong maakay ng Espiritu Ng Dios.

 

Sa Bagong Tipan walang nasulat na ang mananampalataya ay lumapit sa mga propeta pagkatapos na ang kaloob ng Espiritu Santo ay naibigay, subalit ginagamit ng Dios ang kaloob na ito upang tiyakin ang panghinaharap. Maaari mong pag-aralan ang   mga     ganitong halimbawa sa Mga Gawa 21:1-14. Si Agabus ay nagbigay kay Pablo ng personal na propesiya, ito ay ibinigay natatangi para kay Pablo.

 

Alam na ni Pablo kung ano ang naghihintay sa kanya sa Jerusalem. Tiniyak lang  ng propesiya ang mangyayari doon. Hindi ito propesiya para patnubayan si Pablo kung siya ay pupunta o hindi sa Jerusalem.

 

Nagbigay ng babala ang Biblia tungkol sa mga bulaang propeta sa mundo ( Mateo 24:11,24; Marcos 13:22). Dahil dito, mayroong ibinigay Ang Dios para makilala ang tunay na propesiya.

Sinasabi ng Biblia na:

At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya. (Roma 12:6)

Ang ibig sabihin ng  katagang “ ayon sa pananampalataya” ang tamang kaugnayan nito sa pananampalataya. Ang paraan upang malaman ang tunay na propesiya ay kung ito ay hindi salungat sa Biblia. Sinasabi ng Biblia:

At ang dalawa o tatlo sa mga propeta ay magsipagsalita, at ang mga iba’y mangagsiyasat. ( I Corinto 14:29)

Nguni’t ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa Aking Pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos, ay papatayin nga ang propetang yaon.

At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon?

Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya. (Deuteronomio 18:20-22)

Pag-aralan ang iba pang mga reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag ng ibang mga paraan para makilala ang mga bulaang propeta:

 

-         Hindi tinatanggap ng mga bulaang propeta ang pagka Dios Ni Cristo: I Juan 4:1-3

-         Nagtuturo ang mga bulaang propeta ng maling doktrina: II Pedro 2:1-3

-         Inaakay ng mga bulaang propeta ang mga tao na sumuway sa Salita Ng Dios: Deuteronomio 13:1

-         Nililinlang ng mga bulaang propeta ang mga tao ng mga kahima-himalang mga pangyayari. Mateo 24:23-24

-         Ang mga bulaang propeta ay gumagawa ng maling salaysay. Mateo 24:23-24

-         Ang kanilang bunga ay nagpapahayag ng kanilang mali: Ang isa pinakamaganda para kilalanin ang bulaang propeta sa tunay ng propeta ay siyasatin ang kanilang buhay: Mateo 7:16

 

Dahil may mga bulaang propeta sa mundo, dapat kang maingat sa pagtanggap ng propesiya. Madalas magamit ng mali ang propesiya para magturo at manguna sa mga mananampalataya. Kung ang personal na propesiya ay ibinigay dapat itong siyasatin ayon sa Biblia at dapat itong sumangayon sa nakasulat na Salita ng Dios. Ayon naman sa patnubay, ang  propesiya ay dapat na sumasangayon , hindi nagtuturo o humahadlang.

 

Dahil sa maling paggamit ng kaloob na ito hindi ito lubos na tinatanggap ng ibang mga mananampalataya. Hindi nila tinatanggap ang mahimalang kaloob ng propesiya. Subalit hindi mo dapat tanggihan ang ministeryo ng Espiritu Santo dahil sa nasaksihan mo ang ilan na carnal na halimbawa sa isang tao.

 

MALING PAYO

 

Walang tao na makakaalam ng kalooban Ng Dios  sa sinoman maliban sa mga bagay na may tiyak na kapahayagan sa Biblia. Halimbawa, alam natin na kalooban Ng Dios na ang lahat ng tao ay magsisi, ito ay itinuro sa Biblia.

 

Ang espirituwal na pagpapayo ng mga maka-Dios na mga pinuno ay may tiyak na lugar sa patnubay ng mga mananampalataya, subalit walang tagapayo na may kapangyarihan sa ibang tao o malaman ang kalooban ng Dios sa kanya sa mga bagay na hindi tinutukoy sa Biblia.

 

Nang si Apostol Pablo ay tiyak na pupunta sa Jerusalem, ang kanyang kaibigan sa Cesaria ay nagpilit na hadlangan siya sa pagpunta doon. Kanilang seryosong binalaan si Pablo sa panganib na mangyayari sa kanya. Nang tinanggihan ni Pablo ang kanilang payo at pumunta sa Jerusalem, kanilang tinanggap ang pasiya ni Pablo na nagsasabing:

At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, mangyari ang kalooban ng Panginoon. ( Mga gawa 21:14)

Kanilang naunawaan na kahit kanilang personal na naisin na hindi siya dapat pumunta, dapat

matiyak ni Pablo ang kalooban ng Dios para sa kaniyang sarili.

 

Mahalaga na malaman mo ang tinig ng Dios para sa iyong sarili. Hindi mo mapagkakatiwalaan ang iba para patnubayan ang iyong buhay dahil mayroong masamang espiritu sa mundo na nagnanais na manglinlang. Tayo ay binalaan:

Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Diyos: sapagka’t maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. (I Juan 4:1)

Kung natanggap mo ang payo mula sa ibang tao, ang patnubay na iyon ay dapat subukin ng ibang paraan ng pagkilala ng kalooban Ng Dios, na isinaysay na detalye sa huling kabanata ng pag-aaral na ito.

             

TUMULAD/ EMULATION

 

Ang pagtulad ay nakasulat  bilang isa sa mg gawa ng laman ayon sa Galacia 5:20. Ang gawa ng laman ay iba’t ibang makasalanang gawi na hindi kalugod-lugod sa Dios.

 

Ang pagtulad ay naisin na tumulad sa iba o pumantay o makahigit sa kanila. Ito ay nagmula sa espiritu ng paligsahan at isa itong uri ng selos. Ang ibang mananampalataya ay tumutulad sa tagumpay ng ibang ministeryo sa halip na hanapin ang plano Ng Dios para sa kanilang buhay. Walang dalawang mananampalataya na may parehong gawa na dapat gawin. Ang Espiritu Santo ay may kanikaniyang tawag sa bawat partikular na mga ministeryo:

At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila. ( Mga Gawa 13:2)

Ang Biblia ay nagsasabi na ang mananampalataya ay may iba’t ibang espirituwal na mga kaloob:

Ngayo’y may iba’t ibang mga kaloob, datapuwa’t iisang Espiritu.

Datapuwa’t ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa’t isa ayon sa kaniyang ibig. ( I Corinto 12:4,11)

Kahit nga sinabi sa atin na “nasain, ang lalong dakilang mga kaloob” (I Corinto 12:31) at  "nasain ang espirituwal na mga kaloob” ( I Corinto 14:1), hindi ibig sabihin na tayo ay gumaya sa iba na may mahalaga na mga ministeryo.

 

Nang si Pedro ay balisa sa ministeryo ni Juan ,  sinabi Ni Jesus:

Sinabi sa kaniya ni Jesus, kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa ako’y pumarito, ay ano nga sa iyo? Sumunod ka sa akin. ( Juan 21:22)

Binigyan Ng Dios si Noah ng plano para sa arko. Binigyan Niya si Moises ng plano para sa tabernakulo. Binigyan Niya si Salomon ng plano para sa dakilang templo ng pagsamba. Si Nehemias ay binigyan ng plano upang muling itayo ang pader ng Jerusalem.

 

Hindi ka sinabihan Ng Dios na gumawa ng arko, magtayo ng templo, o magtayo ng pader na nakapalibot sa lungsod ng Jerusalem. Subalit Ang Dios ay may natatanging plano para sa iyo! Kung ikaw ay mahulog sa kasalanan ng pagkukumpara at pagtutulad sa iba, hindi mo nakuha ang plano Niya.

 

Kung iyong itutulad ang iyong buhay sa buhay ng iba, ikaw ay kakainin ng tradisyon ng tao at ang tradisyon ng tao ay nagtatakip sa dakilang kapahayagan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.        Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

________________________________________

 

2.       Ano ang ibig sabihin ng salitang “ tumulad”?

________________________________________

3.       Basahin ang salaysay sa ibaba. Kung ang salaysay ay TAMA ilagay ang titik T sa puwang na inilaan. Kung ang salaysay ay MALI isulat ang titik M sa puwang :

 

a.____ Itinuro ng Biblia na tanggapin ang maghanap ng patnubay sa pamamagitan ng okultismo.

 

 b. ____ Kung hindi ka makakuha ng patnubay Ng Dios sa iyong sarili, walang panganib na umasa ka sa ibang tao para patnubayan ang iyong buhay.

 

c. ____ Dapat palagi mong tanggapin kung ano ang sinasabi ng propeta na katotohanan sa iyo at kalooban Ng Dios sa iyong buhay.

 

d. ____ Ang tradisyon ng tao ay tumatakip sa dakilang kapahayagan.

 

e.____ Ang “palabunutan” at ibang paraan ng pagkakataon ay mabuting paraan para malaman ang kalooban Ng Dios.

 

f.  ____ Itinuro ng Biblia ang paglagay ng lana o tanda ay isang siguradong paraan para makasiguro ng kalooban ng Dios.

 

g.___ Ang isa sa pinakamabuting paraan upang makilala ang bulaang propeta sa tunay na propeta ay saliksikin ang kanilang ugali.

 

h. ____ Ang tunay na propesiya ay palaging sangayon sa nakasulat na Salita Ng Dios.

 

i. ____ Ang personal na propesiya ay dapat na pagpapatunay lamang, hindi direksiyon o patnubay.

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Nakasulat sa Biblia ang mga kuwento ng mga dakilang anak ng Dios na napatungo sa maling direksiyon dahil sa pagsuway sa tinig ng Dios. Basahin at ibuod kung ano ang iyong natutuhan tungkol sa …

 

Haring Saul humingi ng patnubay sa mangkukulam: I Samuel 28

 

________________________________________

Manases na sumangguni sa  salamangkero: II Cronica 33:16.

________________________________________

Ang walang pangalan na lalaki ng Dios na nakinig sa lalaking nagsasabi na siya ay propeta sa halip na sundin kung ano ang ipinagagawa Ng Dios sa kanya: I Hari 13.

________________________________________

Balaam na nakinig sa maling payo ng lalaki: Mga Bilang 22.

________________________________________

 

 

 

IKA-LIMANG KABANATA

 

ANG HALIMBAWA NG KALOOBAN NG DIOS

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay maykakayahan na:

 

·                  Isulat ang mga Susing Talata mula sa memorya.

·                  Isulat ang pangunahing katotohanan tungkol sa kalooban Ng Dios.

·                  Kilalanin ang dalawang pangunahing bahagi ng kalooban Ng Dios.

·                  Gamitin ang nakasulat na Salita Ng Dios para sa paggawa ng pagpapasiya sa buhay.

·                  Ipaliwanag ang halimbawa ng kalooban Ng Dios.

·                  Kilalanin ang paglalarawan ng mananampalataya sa pagpapaunlad ng pagsunod sa kalooban Ng Dios.

·                  Ipagpatuloy ang pag-aaral sa ipinahayag na kalooban ng Dios sa nakasulat na Salita.

 

MGA SUSING TALATA:

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin.

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.

Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban. (Efeso 1:9-11)

 

PAMBUNGAD

 

Bago mo siyasatin ang mga paraan na ginagamit ng Dios para makipagusap at maipahayag ang Kanyang kalooban sa tao, mayroon kang dapat na mga pangunahing kaalaman tungkol sa kalooban ng Dios. Sa nakaraang kabanata ay binigyan ng kahulugan kung ano ang ibig sabihin ng “ kalooban ng Dios” at kinilala ang mga maling paraan ng paghanap ng patnubay.

 

Ipinakikita ng kabanatang ito ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa kalooban ng Dios, ipaliwanag ang dalawang bahagi ng kalooban na ito, siyasatin ang halimbawa ng kalooban ng Dios, at talakayin ang paglago ng mananamplataya sa pagkilala ng tinig ng Dios.

 

MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA KALOOBAN NG DIOS

 

Narito ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa kalooban ng Dios:

 

NAIS NG DIOS NA MALAMAN MO ANG KANYANG KALOOBAN:

 

Ang pananampalataya na posible na malaman ang tinig ng Dios ay nakasalalay sa dalawang mga pangunahing katotohanan:

 

Una: Ang paniniwala na ang Dios ay may plano sa iyo.

Ikalawa: Ang kakayahan ng Dios na makipag-usap sa iyo.

 

Ipaliliwanag ang mga paraan kung paanong ang Dios ay nakikipag-usap sa tao sa sumusunod na dalawang kabanata. Katulad ng ating nabanggit sa nakaraang aralin, gustong -gustong makipag-usap Ng Dios sa tao hanggang gumamit Siya ng asno upang kausapin ang isang propeta  sa isang pagkakataon ( Mga  Bilang 22).

 

Iniutos ng Biblia:

Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. ( Efeso 5:17)

Si Pablo ay sumulat sa Mga Taga Colosas:

Dahil dito’y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo’y puspusin ng kaalaman ng Kaniyang kalooban, sa boong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu. ( Colosas 1:9)

 

Sa Mga Gawa si Pablo ay nakipag-usap sa isang lalaki at kanyang sinabi:

At sinabi Niya, ang Diyos ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang Kaniyang kalooban, at makita mo ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa Kaniyang bibig. (Mga Gawa 22:14)

Para sa dagdag na mga talatang ito, Ang Dios ay nagbigay ng maraming mga pangako ng patnubay sa Biblia. (Iyong pag-aaralan ang ilan sa mga ito mamaya). Ayon sa mga talatang ito maaari nating ipalagay na nais Ng Dios na malaman mo ang Kanyang kalooban.

 

NAKA PLANO ANG KALOOBAN NG DIOS:

 

Ang Dios ay kumikilos sa mundong ito upang mangyari ang lahat ng bagay ayon sa Kanyang plano:

Tayo rin naman sa Kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban. ( Efeso 1:11)

Kumikilos Ang  Dios upang  mangyari ang Kanyang pangkabuuang plano sa buong mundo. Tinatawag natin itong master plan. Mayroon din Siyang plano para sa bawat isang tao. Ang mga planong ito ay kasama sa Kanyang pinaka makapangyarihang plano at moral na kalooban.

 

 

ANG PLANO NG DIOS AY PANG-ISAHAN AT PERSONAL:

 

Ang pinakamakapangyarihang plano ng katubusan ay kasama sa kalooban ng Dios sa bawa’t isa:

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. ( II Pedro 3:9)

Subalit ang kalooban Ng Dios ay higit sa kapahayagan ng Kanyang pinakamakapangyarihan at moral na kalooban. Ang Dios ay mayroong plano para sa bawa’t tao na nais Niyang maipaalam. Pinatutunayan ito ng Biblia sa maraming mga kuwento Ng Dios sa pagkilos Niya sa buhay ng bawa’t isa. Inilalagay niya ang tao sa tiyak na sitwasyon at tamang panahon para sa mga  natatanging layunin. Ang bawa’t kuwento ng buhay na nakasulat sa Biblia ay kakaiba.

 

Sinabi Ng Dios kay Propeta Jeremias:

Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. (Jeremias 1:5)

Anong dakilang patotoo sa personal na plano ng Dios para sa bawa’t isa?

 

Nang si Apostol Pedro ay nag-aalala tungkol sa kung anong ministeryo ni Juan , sinabi Ni Jesus sa kanya…

Sinabi sa kaniya ni Jesus, kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa ako’y pumarito, ay ano nga sa iyo? Sumunod ka sa akin. (Juan 21:22)

Si Jesus ay may ibang plano sa buhay ni Pedro at Juan.

 

Kung titingin tayo sa lahat ng dako sa mundo ang matalinong pagpaplano ay nakikita. Ang kaayusan ng mga planeta, bituin, bawat niyebe at bulaklak ay nagpapakita ng mga pagpaplanong ito. Dahil sa mga ebidensiya na ito, dapat natin ipalagay na ang banal na Manlilikha ay mayroon ding plano sa bawat tao, ang pinakamataas sa Kanyang nilikha.

 

Ipinangako ng Dios:

Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo. (Mga Awit 32:8)

Nakalagay sa talatang ito ang daan para sa bawa’t isa.

 

Ang Mga Awit 37 ay nagsasabi na ang bawat hakbang ng taong matuwid ay itinatag Ng Dios :

Ang lakad ng tao ay tinatag ng Panginoon; At siya’y nasasayahan sa kaniyang lakad. ( Mga Awit 37:23)

Parehong salita ang ginamit dito sa salitang “itinatag” na ginamit sa Mga Awit 8:3 na may kaugnayan sa buwan at mga bituin na likha Ng Dios. Ang siyensiya ng astronomiya ay nakatala na kahanga-hanga sa katumpakan ng pagkilos ng heavenly bodies.

 

Pareho ang katumpakan ng pagkilos ng mga planeta sa mga itinatag na hakbang ng mga mananamapalataya. Ipinangako Niya:

At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na magsasabi, ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo’y pumipihit sa kanan, at pagka kayo’y pumipihit sa kaliwa. (Isaias 30:21)

Itinatag ng Dios hindi lamang ang mga malalaking pangyayari , subalit ang bawa’t hakbang ng tao.

 

ANG KALOOBAN NG DIOS AY HINDI PARAAN NG TAO;

 

Kadalasan ang kalooban ng Dios ay kontra sa mga paraan ng tao:

Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. (Isaias 55:8-9)

Ang kalooban ng Dios ay hindi palaging daan na natural na iyong pipiliin. Kaya mahalaga na makilala ang tinig ng Dios. Subalit hindi ibig sabihin nito na ang kalooban ng Dios ay isang bagay na magdudulot ng hindi kasayahan, katulad ng ipinahahayag ng susunod na punto.

 

 

 

ANG KALOOBAN NG DIOS AY MABUTI;

 

Itinuturo ng Biblia na ang kalooban ng Dios ay palaging mabuti. Kahit nga ang Kanyang daan  ay  maaring hindi mo pinili, alam Ng Dios ang pinakamabuti. Sinabi sa Mga Awit 37:23 na masiyahan ka sa daan na itinatag Ng Dios.

 

Sinasangayunan ni Pablo na ang kalooban ng Dios ay  mabuti:

           

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. (Roma 12:2)

 

ANG PLANO NG DIOS AY PROGRESIBO:

 

Sinasabi ng Efeso 2:10 na “ tayo ang Kanyang gawa.” Ang salitang “ are” ay sa pangkasalukuyan. Ang Dios ay palaging kumikilos sa iyong buhay. Ito ay patuloy, progresibong proseso ng paghahayag ng Kanyang kalooban.

 

Sapagka’t Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa Kaniyang mabuting kalooban. (Filipos 2:13)

 

Isinulat ni Pablo sa mga mananamapalataya sa Hebreo na nais Ng Dios na…

 

Ay pakasakdalin nawa Niya kayo sa bawa’t mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin Niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa Kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (Hebreo 13:21)

 

Ang ibig sabihin ng “gawin” ay pangkasalukuyan. Ang Dios ay patuloy na pumapatnubay, nagpapaunlad, at nangungusap sa iyo tungkol sa Kanyang plano. Pinangakuan ka ng patuloy na patnubay:

 

At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat. (Isaiah 58:11)

 

DALAWANG BAHAGI NG KALOOBAN NG DIOS

 

Kung ating pinag-uusapan ang pagkilala sa tinig Ng Dios, dapat nating maunawaan na mayroong dalawang pangunahing bahagi ng kalooban Ng Dios. Ang bawat bahagi ay may- roong pagkakaisa:

 

UNA: ANG IPINAHAYAG SA NAKASULAT NA SALITA NG DIOS:

 

Ang unang bahagi ng kalooban ng Dios ay ang tiyak na nahayag sa Biblia.

 

Tinalakay sa nakaraan na kabanata ang tatlong kahulugan ng “kalooban ng Dios.”Ating natutuhan na mayroong pinakamakapangyarihan, isahan, at moral na kalooban ng Dios. Ang mga ito ay ipinakita sa susunod na krokis.

 

 

           

Ang moral na kalooban ng Dios

 

                                    Ang pinakamakapangyarihang kaloobana ng Dios

 

            Ang isahang kalooban ng Dios

 

 

Katulad ng ipinakita ng krokis ang kalooban ng Dios para sa bawa’t isa ay palaging napapailalim sa pinakamakapangyarihan at moral na kalooban Niya katulad ng ipinahayag sa Biblia. Kasama ang moral na kalooban ng Dios sa nakasulat na Salita Ng Dios. Kasama dito ang mga utos kung paano ka mamumuhay. Tulad ng iyong pagkakita sa krokis, ang moral na kalooban ng Dios ay kasama sa pinakamakapangyarihang kalooban ng Niya. Ang Kanyang pinakamakapangyarihan na kalooban na ang bawat lalaki at babae ay mamuhay sa loob ng moral na pamantayan ng Kanyang nakasulat na Salita. Bahagi ng Kanyang pinakmakapangyarihang kalooban ay nakasulat sa Salita ng Dios na Kanyang pinili na ipahayag sa atin at ito ay nagtataglay ng pangkabuuang balangkas ng Kanyang master plan para sa mundo at tao.

 

Ang pinaka mahusay na buod ng planong ito ay ang mga Susing Talata para sa kabanatang ito:

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin.

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.

Tayo rin naman sa Kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban. ( Efeso 1:9-11)

Sa bahagi ng “Para sa Dagdag na Pag-aaral” ang kabanatang ito ay nagtala ng mga tiyak na reperensiya bilang halimbawang kapahayagan ng kalooban ng Dios.

 

IKALAWA: ANG HINDI IPINAHAYAG SA KANYANG NAKASULAT NA SALITA:

 

Ang ikalawang bahagi ng kalooban ng Dios ay ang mga hindi ipinahayag sa Kanyang Salita. Kasama dito ang isahang plano ng buhay para sa bawa’t mananampalataya. Hindi ipinahayag Ng Salita ng Dios ang tiyak na ministeryo ng iyong buhay,o trabaho, anong iglesya ka dadalo, kung sino ang iyong mapapangasawa, saan ka titira, at iba pa. Subalit ang mga pagpapasyang ito ay mahalaga. Sa mga pagpapasiyang katulad nito ay kinakailangan mong hanapin ang kalooban Ng Dios at maririnig mo ang Kanyang tinig kung Siya ay mangungusap sa iyo.

 

 

 

PINAGHAMBING ANG DALAWA:

 

Kung ninanais mong malaman ang kalooban ng Dios tungkol sa isang situwasyon ng iyong buhay, una pag-aralan ang Biblia para makita kung may tiyak na ibinigay na patnubay sa Biblia. Hindi na kinakailangang “hanapin ang kalooban ng Dios” o humingi ng patunay sa Kanyang kalooban kung nasabi na ito sa nakasulat na Salita. Maingat na siyasatin na mabuti ang Biblia para sa tiyak na patnubay na naibigay na. Tanggapin ang nakasulat na Salita bilang ang Dios ang nangungusap sa iyo. Kung iyong tatanggihan ang patnubay na ibinigay sa iyo ng Dios sa Kanyang Biblia, iyong binubuksan ang iyong sarili sa pandaraya.

 

Marami sa Biblia ay nagbibigay ng pangkalahatang prinsipyo- na kung naunawaan at gagamitin ay magdadala sa pagpapasiya na naaayon sa kalooban ng Dios. Ang mga prinsipyong ito ay magagamit sa iba’t ibang natatanging situwasyon. Halimbawa, nagbigay ng babala si Pablo:

Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?

At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? ( II Corinto 6:14-15)

 

Dito ang Biblia ay nagbigay ng pangkabuuang prinsipyo na ang mga mananampalataya at di-mananampalataya ay hindi dapat makipamatok. Ang mga prinsipyong ito ay maaring gamitin sa maraming situwasyon sa buhay: Magpakasal sa di-mananampalataya, maki pag negosyo sa di-mananampalataya, gawin na ang di-mananampalataya ang iyong pinakamalapit na kaibigan, at iba pa.

 

Saliksikin ang Biblia kung may halimbawa ng talambuhay na maaring gamitin sa iyong  situwasyon. Pag-aralan ang mga tauhan sa Biblia para makita kung ano ang mga pagpapasiya na kanilang ginawa na katulad at kung ang pagpapasiya na iyon ay naayon sa kalooban Ng Dios.

 

Sa mga bagay na hindi ibinigay ang patnubay sa nakasulat na Salita Ng Dios, Ang Panginoon ay mayroong ibang paraan kung paano Siya nangungusap sa tao. Ating sisiyasatin ito sa susunod na dalawang kabanata. Subalit tandaan: Ang patnubay sa bawat situwasyon ng buhay ay palaging aayon sa nakasulat na Salita Ng Dios. Ang tinig Ng Dios ay nagaakay sa hangganan ng nakasulat na Salita.

 

Ang susunod na tsart ay magbubuod ng dalawang bahagi ng kalooban Ng Dios na tinalakay:

 

 

 
ANG DALAWANG BAHAGI NG KALOOBAN NG DIOS

 

Ang Ipinahayag                                                                      Ang Di-ipinahayag

(Nakasulat na Salita)

 

Moral at pinakamakapangyarihang                                Ang isahang plano ng buhay para sa bawat

Kalooban na ipinahayag sa Kanyang                             mananampalataya.

Nakasulat na Salita.

 

Kasama ang Kanyang pangkabuuang                            Kasama ang tiyak na pagpapasiya katulad

Kalooban sa tao at ang Kanyang master                        ng trabaho, ministeryo, tirahan, pag-aaral

Plan para sa mundo.                                                     pag-aasawa, at patnubay sa ibang tiyak na

                                                                                    situwasyon.

Kasama ang tiyak na mga utos at pangako                   

na mamuno sa buhay.                           

 
Kasama ang pangunahing prinsipyo kung                       Ang ibang mga isahang pagpapasiya ay

Saan ang tiyak na pagpapasiya ay naka                         maaring gawin batay sa pangunahing

Batay.                                                                          prinsipyo, mga halimbawa, at tiyak na utos

                                                                                    na ipinahayag sa Salita ng Dios.

 

 

 
ANG HALIMBAWA NG KALOOBAN NG DIOS

 

Ang unang kabanata ng kursong ito ay nakatuon sa Roma 12:1-2:

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba.

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos. (Roma 12:1-2)

Tanungin natin kung “Ano ang ibig sabihin ng mabuti, ganap at kaayaaya na kalooban ng Dios?”

Ating tatalakayin ngayon ang tanong na iyan, at sa ating paggawa nito, tuklasin ang halimbawa ng kalooban Ng Dios.

 

 

 

ANG GANAP NA KALOOBAN NG DIOS:

 

Ang ganap na kalooban Ng Dios ay nangyayari kung ang mananampalataya ay may pagkakaisa sa moral , at pinakamakapangyarihan, at isahang kalooban Ng Dios sa kanyang buhay.

 

Ang mananampalataya ay tumanggap ng pinakamakapangyarihang plano Ng Dios para sa kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng karanasan ng bagong kapanganakan. Siya ay may pagkakaisa sa moral na utos ng Dios na  nakasulat  na Salita. Kanyang kinikilala ang tiyak na patnubay para sa isahang plano ng kanyang buhay.

 

ANG MABUTING KALOOBAN NG DIOS:

 

Sa mabuting kalooban ng Dios, ang mananampalataya ay wala sa ganap na kalooban na plano ng kaniyang buhay subalit siya ay nasa pinakamakapangyarihan at moral na kalooban. Siya ay sumusunod sa ipinahayag na kalooban ng Dios, at siya ay patuloy na naghahanap ng patnubay para makita ang ganap na isahang kalooban Ng Dios sa kanyang buhay .

 

ANG KASIYA-SIYANG KALOOBAN NG DIOS:

 

Ang mananampalatayang ito ay nawawala sa ganap na kalooban Ng Dios sa kanyang buhay subalit siya ay nasa katanggap-tanggap na kalagayan. Siya ay nabubuhay sa permissive na kalooban Ng Dios. Maaaring hindi siya interisado tungkol sa ganap na kalooban Ng Dios sa kanyang buhay. Hinahayaan Ng Dios na siya ay mabuhay sa ganitong situwasyon, kahit nga hindi ito ang ganap na kalooban ng Dios para sa kanya.

 

LABAS SA KALOOBAN NG DIOS:

 

Ang mananampalataya sa ganitong pagkakataon ay tuwirang sumuway sa ipinahayag na kalooban Ng Dios.

 

ANG HALIMBAWA MULA SA BIBLIA

 

Ang kuwento ni Balaam sa Mga Bilang kabanata 22 ay naglalarawan ng ganitong kaharian ng kalooban ng Dios. Basahin ang kuwento bago ipagpatuloy ang aralin na ito. Ang ibang lalaki sa Moab ay nagtanong sa propeta Ng Dios na si Balaam at niyaya siya na sumama sa kanila at mag propesiya laban sa mga tao Ng Dios, Israel. Ang Dios ay nangusap kay Balaam na huwag sumama:

At sinabi ng Diyos kay Balaam, huwag kang paroroong kasama nila; huwag mong susumpain ang bayan; sapagka’t sila’y pinagpala. ( Mga Bilang 22:12)

Ganap na kalooban Ng Dios kay Balaam na hindi sumama sa mga lalaki sa Moab. Subalit sumuway si Balaam sa tinig Ng Dios at sumama sa mga lalaki. Nang ginawa niya ito, siya ay kumikilos sa pagsuway labas sa ipinahayag na kalooban ng Dios.

 

Gustong gusto Ng Dios na malaman ni Balaam ang kalooban Niya  kaya nga gumamit Siya ng asno para mangusap sa kanya at hatulan siya sa kanyang kasalanan. Pagkatapos nito hinayaan siya Ng Dios sa magpatuloy na kasama ng mga lalaking taga Moab na may utos na magbigay siya ng pagpapala sa halip na sumpain ang mga Israelita. Si Balaam ay nasa permissive na kalooban Ng Dios.

 

Ang paglalakbay na ito ay nagdulot ng sunod sunod na pagsubok sa lalaking si Balak. Ito ay maaring maiwasan kung si Balaam ay sumunod sa tinig Ng Dios at hindi na dapat sumama.

 

Ngayon ihambing ang krokis ng “ Halimbawa Ng Kalooban ng Dios.” Ang ganap na kalooban Ng Dios ay ang hindi pagsama sa mga taga Moab. Si Balaam ay sumuway  at kumilos labas sa kalooban Ng Dios. Siya ay wala sa mabuting kalooban Ng Dios kung saan ang mananampalataya ay nawala sa ganap na kalooban Ng Dios subalit hinahanap ito. Siya ay tuwirang sumuway sa tinig Ng Dios. Ang katanggap-tanggap o permissive na kalooban Ng Dios ay nagpahintulot kay Balaam na magpatuloy sa lakbayin kahit ito ay hindi ganap na kalooban Ng Dios.

 
PAGLAKAD SA KALOOBAN

 

Ang pagsunod sa karanasan ng born-again na itinutulak ng pag-ibig Ng Dios, ang layunin ng mananamapalataya ay lumakad ng may pagkakaisa sa kalooban Ng Dios. Kadalasan, ang halimbawa ng mga mananampalataya na umaayon sa kalooban Ng Dios ay inakala sa pamamagitan ng sumusunod na krokis:

Paglakad sa Kalooban

Unang Krokis

 

 























 

 

 

 


KARANASAN NG BAGONG KAPANGANAKAN

________________________________________

 

 

Ang kalooban Ng Dios ay kumakatawan sa krokis na ito bilang isang tuwid na walang patid na guhit (______________________).

 

Ang lakad ng tao kaugnay sa kalooban na iyon ay kumakatawan ng mga pana (       ).

 

 

Bago ang karanasan ng born-again ang tao ay lumalakad sa kaniyang sariling daan na siyang kabaliktaran ng kalooban Ng Dios. Pagkatapos ng karanasan ng bagong kapanganakan, ang mananampalataya ay kadalasang umaasa ng buong pakikiisa sa kalooban Ng Dios. Dahil siya ay bagong nilalang Kay Cristo, siya ay umaasa na umayon ng husto sa kalooban Ng Dios. Subalit sa katotohanan ang pang-araw-araw na pamumuhay , ang halimbawa ng pag-ayon ay mukhang ganito:

Paglakad sa Kalooban

Ikalawang Krokis























 

 

 


Ang karanasan ng bagong kapanganakan                                           Sumuko na!

________________________________________

 

 

 

Sa halip na sumangayon ng husto sa kalooban Ng Dios, ang mananmapalataya ay pa bago-bago “taas at baba” na karanasan. Kung minsan naririnig niya ang tinig Ng Dios at gagawin ang kalooban Niya. Kung minsan hindi. Siya ay lubhang nawawalan ng pag-asa kung siya ay nakagawa ng mga mali at hindi tumama sa kalooban Ng Dios. Ang iba ay sumuko na sa kanilang paghahanap na marinig ang tinig Ng Dios.

 

Subalit tingnan muli ang krokis na ito. Mayroon tayong nakaligtaan na isang mahalagang bagay! Tutoo kung minsan na ang mananampalataya ay di-magawa ang kalooban Ng Dios, alalahanin na ang kabuuan ng putol putol na guhit ay kumakatawan sa buhay na lumalakad na pa itaas. Kahit nga minsan ay bumabagsak sa kalooban Ng Dios , ang kabuuang halimbawa ay isang pagunlad.

 

Ang putol-putol na guhit ay nagpapakita kung paano siya maligaw mula sa kalooban Ng Dios, mauunawaan niya, at matutuhan mula sa  karanasan, at siya ay babalik sa pakiki-isa sa plano Ng Dios. Sa pamamagitan ng kabiguan at tagumpay, ang mananampalataya ay natututo na makinig sa tinig Ng Dios. Sa pamamagitan  ng positibo at negatibong karanasan siya ay patuloy na lumalago na maunawaan ang mga prinsipyo ng buhay na pinangungunahan Ng Dios.

 

Kung ang kalooban Ng Dios ay nakikita sa ganitong paraan, ito ay nagiging malayang pakikipag relasyon sa Dios kung saan mayroon kang pribilehiyo na mamuhay. Ang kalooban Ng Dios ay hindi na pagbabawal o utos. Ito ay magiging hamon na matutuhan na ihanay  ang iyong buhay sa plano Niya.

 

ANG HALIMBAWA SA BIBLIA

 

Alalahanin ang buhay ni Haring David. Sa unang panahon ng kanyang buhay ang krokis ng kanyang pagsang-ayon sa kalooban Ng Dios ay  maaring ganito :

 

 

 

 

 

 

ANG PAGSUNOD NI DAVID SA KALOOBAN NG DIOS

 



 

 


           

________________________________________

 

 

Nang si David ay naging hari, siya ay lumakad sang-ayon sa kalooban ng Dios. Tinawag pa nga siya ng Dios na ang lalaki na malapit sa Kanyang puso. Subalit si David ay nagkasala sa asawa ng ibang lalaki na nagdulot ng isang anak sa pagkakasala. Ito ay tahasang pagsuway sa nakasulat na Salita Ng Dios. Si David ay lumapit sa Panginoon na may pagsisisi, pinatawad, at bumalik sa kalooban ng Dios.

 

Sa ating pagsiyasat sa mga paraan Ng pakikipag-usap Ng Dios sa tao sa susunod na dalawang kabanata huwag kalilimutan ang ikalawang krokis na ito. Mahalaga ang pangkalahatang halimbawa ng pagsangayon sa kalooban ng Dios.

 

Sa pamamagitan ng bawat karanasan para matutuhan ang pagkilala sa tinig Ng Dios, kung ito  man ay positibo o negatibo, makaka pagpatuloy ka na lumago sa iyong kakayahan na malaman ang ganap na kalooban Ng Dios. Magpatuloy ka na sumang-ayon sa kalooban Ng Dios sa kabila ng mga kabiguan. Huwag kang susuko!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.        Isulat ang mga Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

2.       Buuin ang sumusunod na salaysay sa paglalagay ng nawawalang salita sa puwang:

 

Ang dalawang bahagi ng kalooban Ng Dios na tinalakay sa kabanatang ito ay ang mga ipinahayag na _______________ ______________ at ang hindi ipinahayag  sa _________________ ______________________.

 

 

3.       Magbigay ng prinsipyo sa Biblia na mailalapat sa situwasyon na ito:

 

“Ako ay engaged sa hindi mananampalatayang lalaki. Siya ay mabait, magalang, at mayroong mataas na panuntunang moral. Bagaman ako ay mananampalataya at siya ay hindi, sabi niya okey lang sa akin na dumalo ng iglesya pagkatapos na kami ay maikasal at maaaring siya ay sumama sa akin. Ipinapanalangin ko na ang kalooban ng Dios ang mangyari sa aming binabalak na pagpapakasal.”

 

Ang prinsipyo sa Biblia na angkop dito ay …

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

4.         Isulat ang anim na katotohanan tungkol sa kalooban ng Dios na tinalakay sa kabanatang ito:

________________________________________

 

5.        Ang salaysay ba na ito ay tama o mali: Kung ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kalooban sa nakasulat na Salita Niya ayon sa isang bagay dapat mo pang  hanapin ang Kanyang pagpapatunay. Ang salaysay ay ________________.

 

6.        Alin sa mga sumusunod na krokis ang may katotohanan sa pagpapakita na ang mananampalataya ay tunay na sumasangayon sa kalooban Ng Dios:

 

Krokis A

 



 


           

 

                        ________________________________________

 

 

            Krokis B

 

                       



 


                        ________________________________________

 

 

7. Ano ang apat na bahagi na ipinakita bilang halimbawa ng kalooban Ng Dios sa kabanatang ito?

______________________________                        _________________________________

______________________                            _________________________

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito)

 

PARA SA DAGDAG NA PAGSUSULIT

 

May mga pangkalahatang prinsipiyo at halimbawa sa nakasulat na Salita Ng Dios kung saan sinasabi ang Kanyang kalooban sa tao. Mayroon din tiyak na pagtuturo na nakasulat na Salita Ng Dios na ipinahayag ang Kanyang kalooban sa maraming mga bagay. Kasama dito ang lahat ng mga pangako at utos ng Biblia. Sa ibang mga talata, Ang Dios ay tiyak na sinabi niya “Ito ang kalooban ko para sa iyo…” Ang mga reperensiya na ito ay nakasulat para iyong pag-aralan. Maaari kang magdagdag sa listahan na ito mula sa iyong pag-aaral ng Salita Ng Dios.

 

Ano ang ilang mga bagay na ipinahayag ng Dios na kalooban Niya para sa iyo? Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya:

 

ANG PLANO NIYA SA IYO:

Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa’t nakakakita sa Anak, at sa Kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. ( Juan 6:40)

At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay Niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw. (Juan 6:39)

Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy. (Juan 6:37)

Na siyang nagbigay sa Kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo’y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. (Galacia 1:4)

Na tayo’y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban.

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin.

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya sinasabi ko.

Tayo rin naman sa Kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng Kaniyang kalooban. ( Efeso 1:5, 9-11)

Sa Kaniyang sariling kalooban ay Kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo’y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng Kaniyang mga nilalang. (Santiago 1:18)

 

ANG KALOOBAN NG DIOS SA IYONG MGA MAHAL SA BUHAY:

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)

ANG KANYANG KALOOBAN TUNGKOL SA IYONG PAGBABANAL:

Sapagka’t ito ang kalooban ng Diyos sa makatuwid baga’y ang inyong pagpapakabanal, na kayo’y magsiilag sa pakikiapid. (I Tesalonica 4:3)

ANG KANYANG KALOOBAN TUNGKOL SA PANALANGIN AT PAGPAPASALAMAT:

Magsipanalangin kayong walang patid; Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagkat ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.  ( I Tesalonica 5: 17-18)

Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.  (Mateo 16: 19)

ANG KANYANG KALOOBAN TUNGKOL SA URI NG IYONG BUHAY:

Sapagka’t siyang kalooban ng Diyos, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo: ( I Pedro 2:15)

ANG KALOOBAN NIYA TUNGKOL SA ESPIRITU SANTO:

At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman. At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:Oo’t sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos Ko ang Aking Espiritu; at magsisipanghula sila. (Mga Gawa 2:17-18)

ANG KALOOBAN NIYA TUNGKOL SA PATOTOONG KRISTIYANO:

At sinabi sa kanila ni Jesus, magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. (Marcos 1:17)

 

ANG KALOOBAN NIYA TUNGKOL SA MGA BATA AT SANGGOL KAY CRISTO:

Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak. (Mateo 18:14)

ANG KALOOBAN NIYA TUNGKOL SA PAGDURUSA:

Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Diyos ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang. (I Pedro 4:19)

ANG KALOOBAN NIYA TUNGKOL SA MATERYAL NA KAYAMANAN:

 

Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

( Mateo 6:33)

 

ANG KALOOBAN NIYA TUNGKOL SA WALANG-HANGGANG KAHIHINATNAN:

Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig kong kung saan Ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka’t ako’y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. (Juan 17:24)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM NA KABANATA

 

PAANO NANGUNGUSAP ANG DIOS SA TAO

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang :

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Isulat ang iba’t ibang pamamaraan ng pangungusap Ng Dios sa tao.

·                    Kilalanin na Ang Dios ay hindi limitado sa Kanyang kakayahan na mangusap sa tao.

 

SUSING TALATA:

Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. ( Efeso 5:17)

 

PAMBUNGAD

 

Katulad ng ating nabanggit sa pambungad ng kursong ito , ang Biblia ay kasaysayan ng mga pamamaraan kung saan nangungusap Ang Dios sa tao at ang tugon ng tao sa tinig ng Dios. Sisiyasatin ng kabanatang ito ang nakasulat sa Biblia upang matuklasan ang mga pamamaraan kung saan nangungusap ang Dios sa tao.

 

ANG NAKASULAT NA SALITA

 

Katulad ng ating natutuhan sa nakaraang aralin, Ang Dios ay nangungusap sa tao sa pamamagitan ng nakasulat na Salita Niya. Hindi na kailangan na mangusap ang Dios patungkol sa mga bagay na ipinahayag na ng Biblia. Kung Ang  Dios ay gagamit ng ibang pamamaraan para mangusap , hindi ito salungat sa Kanyang  nakasulat na Salita.

 

PANALANGIN

 

Maraming halimbawa sa Biblia na Ang Dios ay nangungusap resulta ng panalangin. Ang panalangin at pag-aayuno (walang pagkain para sa espirituwal na dahilan) ay nagresulta sa pakikipagusap Ng Dios kay Pablo at Barnabas:

At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.

Nang magkagayon, nang sila’y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila. ( Mga Gawa 13:2-3)

Ang panalangin ay para isama ang kahilingan na matupad ang kalooban Ng Dios sa lupa. Tinuruan Ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na manalangin:

Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. (Mateo 6:10)

Bago pumili Si Jesus ng Kanyang mga alagad siya ay nanalangin sa Dios para sa direksiyon.

At nangyari nang mga araw na ito, na Siya'y napasa bundok upang manalangin: at sa boong magdamag ay nanatili Siya sa pananalangin sa Diyos.

At nang araw na, ay tinawag Niya ang Kaniyang mga alagad; at Siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman Niyang mga apostol. (Lucas 6:12-13)

Si Jesus ay nanalangin para sa kalooban Ng Dios bago siya mamatay:

Na sinasabi, Ama, kung ibig Mo ilayo mo sa Akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang Aking kalooban, kundi ang Iyo. (Lucas 22:42)

MGA TAGAPAYO

 

Ang Dios ay nangungusap sa pamamagitan ng mga Kristiyanong mga tagapayo. Maraming halimbawa sa Biblia ng mga taong humahanap ng patnubay mula sa mga tao ng Dios.

 

Sinabi ng Biblia:

           

Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. (Kawikaan 11:14)

Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. (Kawikaan 12:15)

           

MGA PANGYAYARI

 

Nangungusap Ang Dios  sa mga pangyayari . Ang isang mahusay na halimbawa sa Lumang Tipan ay ang buhay ni Jose na nakasulat sa Genesis 37-50.

 

Ipinagbili si Jose ng kanyang mga kapatid upang maging alipin sa Ehipto subalit kanyang tiningnan ito na direksiyon Ng Dios.

At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: saapagka't sinugo ako ng Diyos sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.

Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man.

At sinugo ako ng Diyos sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.

Hindi nga kayo ang nagsugo sa Akin dito, kundi ang Diyos: at Kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa boo niyang bahay, at tagapamahala ng boong lupain ng Egipto. (Genesis 45:5-8)

Sa pamamagitan ng mga pangyayari kung saan walang personal na kapangyarihan si Jose, siya ay ginamit Ng Dios para iligtas ang buhay ng libo-libong mga tao sa panahon ng taggutom.

 

Nagsulat si Pablo ng nakakaakit na mga salita sa I Tesalonica 2:18. Sinabi niya sa mga mananampalataya sa Tesalonica na siya ay pinigilan na bumisita sa kanila dahil pinigilan siya ni Satanas. Dahil hindi siya makakapunta sa kanila, siya ay sumulat sa iglesiya sa Tesalonica. Dahil sa pagpigil ni Satanas nagkaroon ng aklat na I Tesalonica at ang mahalagang mensahe na ibinahagi ni Pablo ay nagkaroon ng malaking impact kaysa sa kanyang pagbisita. Ito ay naisalin sa maraming siglo para sa ikalalago ng mga mananampalataya.

 

Walang nangyayari na hindi alam ng Dios. Kahit ang mga pangyayari ay nakahahadlang sa iyong paningin na kalooban Ng Dios, Ang Dios ay patuloy pa rin na maykapangyarihan. Kaya Ng Dios ang anumang gawain, kung ito man ay gawa ni Satanas o tao, at gamitin ito para sa Kanyang mga layunin. Mayroon tayong magandang pangako Ng Dios tungkol sa mga pangyayari.

 

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Diyos, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa Kaniyang nasa. (Roma 8:28)

 

BUKAS AT SARADONG MGA PINTO

 

Ang mga pangyayari sa buhay ay tintawag na “ bukas at saradong mga pinto.”  Sumulat si Pablo sa mga taga Corinto:

Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes; Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway. ( I Corinto 16:8-9)

Dahil sa mga pangyayari na inaayos Ng Dios si Pablo ay nagpagsiya na manatili sa Efeso, mayroong malaking pagkakataon na nabuksan para siya ay makapaglingkod. Tinawag niya itong bukas na pinto.

 

Sa isang pagkakataon isinulat ni Pablo ang naisin niyang makapag ministeryo sa tiyak na lugar, subalit sarado ang pinto doon:

 

At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;

At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus. (Mga Gawa 16:6-7)

Ang saradong pinto ay hindi nangangahulugan na hindi mo nagawa ang kalooban Ng Dios. Hindi ibig sabihing hindi Niya kalooban ang gumawa ng ibang bagay. Makalipas ang panahon si Pablo ay nag ebanghelyo sa Asia. Pinapatnubayan ka Ng Dios kaya sinasara ang pinto. Siya ay nangunguna sa pamamagitan ng pagsasara at pagbubukas ng mga pinto. Kung minsan ang pinto ay sarado dahil hindi ito ang tamang panahon sa plano Ng Dios, sa bandang huli parehong pinto ay mabubuksan para sa iyo.

 

MGA ANGHEL

 

Si Lot ay binigyan ng direksiyon ng mga anghel na nagpakita sa kanyang tahanan sa Sodom. Sinabi sa kanya na umalis sa Sodom dahil ibababa ng Dios ang Kanyang paghatol sa lunsod

(Genesis 19). Isang anghel ay nangusap kay Felipe at sinabi sa kanya na pumunta sa Samaria

(Mga Gawa 8:26). Ang kapanganakan ni Juan Bautista at ni Jesus ay ipinahayag ng mga Anghel ( Lucas 1)

 

Maraming nasulat sa Biblia na ang anghel ay nagpakita upang sabihin ang kalooban Ng Dios sa tao. Makakakita ka ng iba pang mga halimbawa sa sarili mong pag-aaral ng Biblia.

 

MGA HIMALA

 

Ang himala ay superior na pangyayari na higit sa kapangyarihan ng tao na maaring magawa.

 

Ang Dios ay nangusap sa pamamagitan ng himala sa I Mga Hari kabanata 18. Si Propeta Elias ay inutusan na maghanda ng altar para Sa Panginoon. Ihihanda ni Elias ang altar at siya'y sumigaw:

… Oh Panginoon, na Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na Ikaw ay Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.

Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.

At nang makita ng boong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, ang Panginoon ay Siyang Diyos; ang Panginoon ay Siyang Diyos. ( I Hari 18:36,38,39)

Ginamit Ng Dios ang himalang ito upang  ipahayag sa mga taong sumasamba sa dios diosan ang Kanyang Sarili na siya ang tunay at buhay na Dios.

 

Ipinahayag din Ng Dios ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng mga himala sa kalikasan. Ang haligi ng apoy at ulap sa langit na nagbigay ng direksiyon sa bayan ng Israel kung gabi at araw habang sila ay naglalakbay sa ilang:

At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.

Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan. (Exodo 13:21-22)

Makakakita ka ng iba pang mga halimbawa sa Biblia kung paano mangusap ang Dios sa tao sa pamamagitan ng himala. Tingnan ang mga ito sa sarili mong pag-aaral ng Biblia.

 

MGA PANAGINIP

 

Gustong gusto Ng Dios na mangusap sa atin na hanggang sa ating pagtulog Siya ay nangungusap pa rin! Ang Dios ay nangungusap sa panaginip. Ang mga ito ay hindi pangkaraniwan na mga panaginip na nararanasan ng bawa’t isa. Ito ay mga superior na mga panaginip na ibinigay Ng Dios. Detalyado ang mga ito, tiyak, at ipinahayag ang Kanyang kalooban.

 

Ang mga sumusunod ay ilan sa maraming halimbawa sa Biblia:

 

-         Binalaan Ng Dios si Abimelech sa isang panaginip tungkol sa kasalanan na ginawa niya sa asawa ni Abraham , si Sara. Genesis 20:3

 

-         Isang anghel ang nangusap kay Jacob sa panaginip para ipaalala ang kanyang pangako Sa Dios. Genesis 31:11-13

 

-         Ginamit Ng Dios ang mga panaginip para ipahayag ang kalooban Niya kay Jose. Genesis 37.

 

-         Ang Dios ay nagpakita kay Salomon sa isang panaginip at binigyan siya ng pagkakataon na humiling kung anuman  ang nais niya. I Mga Hari 3:5.

 

-         Isang panaginip ang ginamit para ibigay ang ibang direksiyon sa mga pastol sa kanilang pagbalik sa kanilang lugar dahil sa masamang hari. Mateo 2:12-13.

 

Ang mga ito ay ilan sa mga maraming halimbawa kung paano mangusap ang Dios sa mga panaginip. Makahahanap ka ng ibang halimbawa sa iyong pagpapatuloy na pag-aaral ng mga paraan ng patnubay sa Salita Ng Dios.

 

MGA PANGITAIN

 

Ang pangitain ay katulad ng panaginip subalit nagkakaiba dahil ikaw ay gising. Ito ay katulad ng mayroong panaginip pero hindi natutulog. Ang pangitain ay maaring makita ng espirituwal na mga mata katulad ng pisikal na mga mata. Ang ibig sabihin nito maaari mong hindi makita ng iyong natural na mga mata, subalit ibinigay sa iyo Ng Dios ang larawan ng isang bagay sa iyong espiritu.

 

Ang mga sumusunod ay ilan sa maraming halimbawa sa Biblia kung saan ang mga pangitain ay ginamit Ng Dios para mangusap sa mga tao:

 

-         Ang Dios ay nagpakita kay Abraham sa pangitain at nagbigay Siya Ng  dakilang pangako. Genesis 15

 

-         Ang aklat ni Daniel ay puno ng mga pangitain (ganoon din ng mga panaginip). Ginamit ang mga ito Ng Dios upang ipahayag ang maraming bagay na mangyayari sa kinabukasan ng mundo. Siya ay nangusap sa maraming propeta sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng mga pangitain.

 

-         Ang Dios ay nagbigay ng pangitain kay Pedro tungkol sa pangangailangan na maibahagi ang Ebanghelyo sa mga Gentil. Mga Gawa 10

 

-         Tinawag Ng Dios si Pablo sa Macedonia sa pamamagitan ng pangitain. Mga Gawa 16:9

 

-         Isang gabi nangusap Ang Dios kay Pablo sa pamamagitan ng pangitain. Mga Gawa 18:9-10

 

-         Ang Apocalipsis na huling aklat sa Biblia, ay batay sa pangitain na nakita ni Apostol Juan.

 

 

 

ANG NARIRINIG NA TINIG

 

Ang Dios ay nangusap kay Pablo sa pamamagitan ng naririnig na tinig habang siya ay naglalakbay tungo sa daan ng Damasco. Mababasa mo ito sa Mga Gawa ika-siyam na kabanata:

At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi Niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig. (Mga Gawa 9:4-5)

Ang Dios ay nangusap din kay Samuel sa pamamagitan ng audible voice:

At ang Panginoon ay naparoon at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. ( I Samuel 3:10)

Ang Biblia ay puno ng mga kapahayagan “at sinabi Ng Dios” o reperesiya sa katotohanan na Ang Dios ay “nangusap” o “nagutos.” Kadalasan ito ay naririnig na tinig. Subalit mayroong ibang tinig kung saan Ang Dios ay nagsasalita…

 

ANG "INNER VOICE" NG ESPIRITU SANTO

 

Kadalasan ang "inner voice" ng Espiritu Santo ang ginagamit Ng Dios para mangusap sa tao kaysa "audible" voice. Ito ay tintawag na “pinangunahan ng Espiritu”:

Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos , ay sila ang mga anak ng Diyos. (Roma 8:14)

Ang mga tao na “pinangungunahan ng Espiritu” ay mayroong espirituwal na buhay. Ang kaluluwa na patay sa kasalanan, na walang espirituwal na buhay , ay hindi maaring pangunahan Ng Espiritu Santo. Ang pinangunahan Ng Espiritu ay nagpapalagay na hindi mo kayang patnubayan ang iyong sarili. Iyong napag-aralan sa nakaraang kabanata na ito ay totoo.

 

Nang iyong naranasan ang bagong kapanganakan ng kaligtasan, ikaw ay binigyan Ng Dios ng bagong espiritu na handang makarinig Ng Kanyang mga pangungusap:

Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo… (Exekiel 36:26-27)

Kung ikaw ay pinangungunahan ng Espiritu, ang kalooban Ng Dios ay ipinahahayag sa iyong espiritu ng Espiritu Santo. Ang isa mga ministeryo Ng Espiritu Santo ay magbigay ng patnubay:

Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa boong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. (Juan 16:13)

Ang espiritu ng tao ay yaong “ natatago sa puso” na binanggit ni Pedro ( I Pedro 3:4). Kung ang Dios ay nangungusap sa inner man Siya ay nangungusap sa iyong espiritu. Ang sumulat ng Kawikaan ay nagsabi na ang espritu ng tao ay kandila, o ilawan, Ng Panginoon:

Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon… (Kawikaan 20:27)

Sa natural ang kandila ay tumutulong sa iyo na makakita sa kadiliman. Sa espirituwal na mundo, ginagamit Ng Dios ang kandila ng iyong espiritu para patnubayan ang iyong mga hakbang sa kalooban ng Dios. Siya ay nagbibigay liwanag at pumapatnubay sa pamamagitan ng iyong espiritu.

 

Minsan sa paglalakbay ni Apostol Pablo siya ay nagbabala sa kapitan ng barko:

At sa kanila'y sinabi, mga ginoo, nakikita ko na ang paglalayag na ito ay makapipinsala at magiging malaking kapahamakan, hindi lamang sa lulan at sa daong, kundi naman sa ating mga buhay. (Mga Gawa 27:10)

Hindi sinabi ni Pablo “ mayroon akong pangitain.” Hindi niya inaangkin na mayroon siyang napanaginipan o Ang Dios ay nangusap ng "audible"  sa kanya. Ang kanyang espiritu ay nagpatotoo mula Sa Dios at ang patotoong iyon ay napatunayan na tama.

Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. (Josue 1:8)

Ginagamit din Ng Dios ang "inner voice" ng Espiritu Santo para sumbatan ang iyong konsiyensiya. Ang konsiyensiya ay pangloob na kamalayan sa tama at mali na ibinigay Ng Dios.

 

Ang Damdamin ay tinig ng katawan. Hindi ginagamit Ng Dios kung ano ang iyong damdamin para akayin ka. Ang laman ay kaaway ng espiritu, kaya nga maaari kang madaya ng iyong damdamin.

 

Ang Katuwiran ay tinig ng isipan. Ang kaparaanan ng Dios ay kadalasang higit sa katuwiran ng tao. Ang proseso ng kaisipan Niya ay higit na mataas kay sa iyo.

 

Ang Konsiyensiya ay tinig ng espiritu ng tao, humahatol at nagbibigay ng direksiyon sa ganap na kalooban Ng Dios. Ang Espiritu Santo ay nangungusap sa iyong espiritu. Ang espiritu ay humahatol sa konsiyensiya. Dahil dito ikaw ay nadadala na umayon sa kalooban Ng Dios. Kung ang Espiritu Santo ay nangungusap sa iyong espiritu, ang konsiyensiya ay nahahatulan, subalit kung patuloy mong hindi papansinin, ang iyong konsiyensiya ay “kinalyuhan na.” Ang ibig sabihin nito ay tumigas na sa conviction ng Espiritu Santo

… na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga. ( I Timoteo 4:2)

Ang aklat ng Kawikaan ay nagtataglay ng maraming talata na nagpapakita na Ang Dios ang may kapangyarihan ng pangloob na mga pag-iisip at ng konsiyensiya ng tao para siya ay patnubayan sa Kanyang kalooban:

Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: Ngunit ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. (Kawikaan 16:1)

Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. (Kawikaan 16:9)

Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: Kumikiling saan man niya ibigin. (Kawikaan 21:1)

MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO

 

Ang Espirituwal na mga kaloob ay ginagamit din ng Dios para mangusap sa tao. Ang espirituwal na mga kaloob ay natatanging kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo. Ilan sa mga kaloob na ito ay makatutulong sa iyo na makatanggap ng pangungusap mula Sa Dios.

 

Mayroong kaloob ng ibang wika kung saan ang Dios ay nangungusap sa tao sa salitang hindi niya alam. Ang interpretasyon mula Sa Dios ay kasunod para ibigay ang kahulugan ng mensahe. Ang salitang ginagamit sa panalangin ng Espiritu Santo ( ibang wika) ay ginagamit din Ng Espiritu para patnubayan ka sa kalooban ng Dios. Kung hindi mo alam manalangin tungkol sa kalooban Ng Dios, manalangin ka sa ibang wika …

At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't Siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Diyos. (Roma 8:27)

Ang kaloob ng propesiya ay nagbibigay ng pangunahing mensahe mula sa Dios para sa Kanyang tao. Ang kaloob ng pagkilala ay kung saan Ang Dios ay nangungusap tungkol sa espiritu na kumikilos sa iba. Ang Dios ay nangungusap din sa pamamagitan ng kaloob ng wisdom at knowledge. Ang mga kaloob na ito ay nagbibigay ng pagkaunawa tungkol sa mga tao at pangyayari higit sa alam ng natural na isipan. 

 

IBAT’T IBANG  PAMAMARAAN

 

Ang dalawang ibang paraan sa Biblia  para sa patnubay ay palabunutan at ang paggamit ng mga

 lana. Ating tinalakay ito sa nakaraang kabanata. Katulad ng ating natutuhan, ang palabunutan ay paraan ng pagkakataon. Ito ay ginamit bago ibigay ang Espiritu Santo sa bagong pagkilos. Ang paggamit nito ay hindi na nasulat pagkatapos ng ang patnubay ng Espiritu Santo ay maaring magamit. ( Mga Gawa 2). Natutuhan natin na ang lana ay minsan lamang nabanggit  sa Biblia. Ito ay ginamit ni Gedeon sa panahon ng malaking kaguluhan sa bansa. Ito ay himalang palatandaan na ginamit para tiyakin ang kalooban Ng Dios , hindi para direksiyon.

 

 

ANG DIOS AY WALANG LIMITASYON

 

Ang Dios ay hindi palaging nangungusap sa parehong paraan. Sinusubukan natin na limitahan  Ang Dios sa paglalagay ng halimbawa. Dahil Ang Dios ay nangusap sa isang paraan sa isang pagkakataon, naniniwala tayo na palagi Siyang mangungusap sa parehong paraan. Subalit natutuhan natin sa kabanatang ito na Ang Dios ay maraming paraan ng pangungusap sa tao. Ang Dios ay hindi nakukulong sa isang paraan. Tingnan ang mga halimbawang ito:

 

MOISES:

 

Nang si Moises ay nanguna sa bansang Israel pagtawid sa ilang tungo sa bansang pangako Ng Dios sa kanila, ang pagbibigay ng tubig sa dalawang milyon na mga tao ay malaking pagsubok. Sa isang pagkakataon sinabi Ng Dios kay Moises na paluin ang bato ng tungkod. Nang ginawa niya ito, ang tubig ay lumabas mula sa bato. Sa ibang pagkakataon nang ang mga Israelita ay nauuhaw nais Ng Dios na kausapin ni Moises ang bato. Sa halip kanyang pinalo ang bato katulad ng kanyang ginawa noon. Ito ay hindi nagustuhan Ng Dios, at si Moises ay pinarusahan. Ipinakikita ng kuwentong ito ang kahalagahan ng paghihintay sa patnubay mula Sa Dios kahit sa pagharap sa "familiar" na pangyayari. Ang Dios ay hindi limitado sa kahit anong nakaraan na paraan na iyong naranasan.

 

(Pansinin: Maaari mong isipin na Ang Dios ay hindi makatarungan kay Moises para parusahan siya sa maliit na pagkakamali; sa halip na kanyang kausapin ang bato ay kanyang pinalo ito. Ang bato ay may kahulugan. Ito ay sagisag ng Panginoong Jesu Cristo at ang buhay na tubig ng katubusan na dadaloy sa Kanyang kamatayan. Si Jesus ay nasugatan minsan at para sa lahat. Hindi na kailangan ng isa pang pagpalo. Ito ang kahalagahan ng simbolong ito kaya napakabigat ng kasalanang ginawa ni Moises.

 

ELIJAH:

 

Maraming ginamit Ang Dios na superyor na mga paraan para mangusap kay Propeta Elias. Minsan si Elias ay may kakaibang karanasan na nagpapakita ng kahalagahan na malaman ang tinig Ng Dios. Si Elias ay sinabihan na pumunta at tumindig sa isang bundok at maghintay na mangusap Ang Dios sa kanya.  Ito ang nangyari:

At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginnoon ay wala sa lindol:

At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig. (I Mga Hari 19:11-12)

Mayroong ilang kamangha-manghang pangyayari sa pagkakataon na ito. Naroon ang hangin, lindol, at apoy. Ang mga ito ay paraan kung saan Ang Dios ay nangusap kay Elias. Subalit sa pagkakataon na ito, Ang Dios ay hindi nangusap sa lahat ng kaluwalhatian na nangyari . Siya ay nangusap sa "still small voice". Maaari itong audible voice o "silent voice" sa espiritu ni Elias.

 

PABLO:

 

Gumamit Ang Dios ng maraming paraan para patnubayan si Apostol Pablo habang siya ay nasa ministeryo ng misyon:

 

-         Sa daan patungo sa Damascus si Pablo ay pinangunahan ng maliwanag na ilaw at ng tinig mula sa Langit. Mga Gawa 9:1-8

 

-         Nang pinagbantaan ang buhay ni Pablo, siya ay pinaalalahanan ng mga mananampalataya na ginamit Ng Dios na tulungan siyang makatakas.

Mga Gawa 9:20-25

 

-         Si Bernabe ay ginamit Ng Dios para ipakilala si Pablo sa ibang mga alagad. Mga Gawa 9:20-28

 

-         Ang mga mananampalataya ay ginamit Ng Dios para makatakas si Pablo sa mga galit na Greco. Mga Gawa 9:29-30

 

-         Nang si Pablo ay nakatagpo ng isang occultist, binigyan siya Ng Dios ng kaloob ng pagkilala upang mapalaya siya.  Mga Gawa 13:6-12

 

-         Pinatnubayan ng panalangin at Espiritu Santo si Pablo para sa natatanging ministeryo sa misyon. Mga Gawa 13:2-4

 

-         Ang personal na propesiya ni Agabus kay Pablo para matiyak ang karanasan na naghihintay kay Pablo sa Jerusalem. Mga Gawa 21:10-14

 

-         Ang Dios ay nangusap kay Pablo sa pamamagitan ng mga panaginip at mga pangitain. Mga Gawa 22:18; 26:19; 27:23-24

 

-         Ang pagsara ng pinto sa paglilingkod para sa Panginoon na naging dahilan ng pagbabago ni Pablo ng kanyang personal na mga plano. I Corinto 16:8-10

 

 

FELIPE:

Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.

At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamamhala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba; at siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias. At sinabi kay Felipe ng Espiritu, lumapit ka, at makisama sa karong ito. ( Mga Gawa 8:26-29)

Sa unang pagkakataon Ang Dios ay nangusap sa pamamagitan ng anghel. Sa ikalawang pagkakataon Siya ay nangusap sa pamamagitan Ng Espiritu Santo, at si Felipe ay tumugon kaagad. Hindi na siya naghintay ng katiyakan mula sa anghel sa ikalawang pagkakataon na Ang Dios ay nangusap sa kanya, dahil lang ang paraan na iyon ang ginamit Ng Dios noong una.

 

DAVID:

 

Nang si David ay batang lalaki, siya ay nakipaglaban sa kaaway Ng Dios na si Goliat. Kahit si Goliat ay higante at maraming sandata, sinabi Ng Dios kay David na huwag gumamit ng mga sandata na talagang ginagamit sa pakikipaglaban. Sa halip siya ay gumamit ng tirador. Sa maluwalhating tagumpay, pinabagsak ni David ang kaaway dahil sa isang tiyak na tira na tumama sa noo. Sa mga susunod na taon si David ay maaaring mapabuwal na higanteng si Isbibenob kung hindi dahil sa tulong ng kanyang pamangkin na si Abishai. Sasabihin ba natin na Ang Dios ay kasama ni David nang siya ay nakipaglaban kay Goliat, subalit hindi niya kasama Ang Dios sa pangalawang pakikipaglaban niya sa higante? Hindi. Gumamit Ang Dios ng ibang paraan. Sa unang pagkakataon ginamit Ng Dios ang kakayahan ni David sa tirador. Sa ikalawang pagkakataon ginamit Niya ang kakayahan sa militar ni Abishai.

 

Kung Ang Dios ay hindi pinili na mangusap sa iyo katulad ng nakaraan, huwag kang malungkot. Kung ang kalooban Ng Dios sa iyo sa parehong pagkakataon ay hindi parehong pareho  huwag kang malito. Ang Dios ay hindi napipigilan ng isang paraan ng pangungusap. Ang dakilang Manlilikha ay dakilang tagapaghatid ng mensahe. Walang-hanggan ang Kanyang paraan.

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAG-SUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

2.      Magbigay ng ilang mga halimbawa sa Biblia na tinalakay sa aralin na ito na nagpapatunay na Ang Dios ay hindi limitado at hindi palaging pareho ang paraan ng pangungusap.

 

________________________________________

 

3.      Isulat ang labing dalawang tinalakay na paraan sa Biblia na ginagamit Ng Dios upang mangusap sa tao.

___________  ____________ ____________  ____________  ____________  ____________

___________  ____________ ____________  ____________  ____________  ____________

 

4.       Basahin ang mga sumusunod na salaysay. Kung ang salaysay ay totoo, isulat ang T sa puwang. Kung ang salaysay ay Mali, isulat ang M sa puwang.

 

a.____ Kung iyong masagupa ang “saradong pinto” ang ibig sabihin nito ay hindi mo nagawa

            ang kalooban ng Dios.

 

b. ____ Si Jesus ay hindi nanalangin ng kalooban Ng Dios dahil alam na Niya ito.

 

c. ____ Nadama ni Jose na siya ay biktima ng pangyayari at hindi niya ito tinanggap.

 

d. ____ Ang pangyayari ang pinaka mabuting hudyat ng kalooban ng Dios.

 

e. ____ Si Jona ang nagpatakbo ng pangyayari para matupad ang kanyang kalooban sa halip na

              kalooban Ng Dios.

 

f. ____ Ang ibang paraan ng pangungusap Ng Dios ay palaging sumasangayon sa Kanyang

            nakasulat na Salita.

 

 

 

 

 

 

 

 

( Ang sagot sa mga pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.         Pag-aralan ang mga sumsusunod na panalangin para sa pagpatnubay:

 

Mga Awit 25:4

Colosas 1:9

Mga Awit 86:11

Colosas 4:12

Efeso 6:18-20

 

2.        Sinasabi Ng Dios ang kalooban Niya sa tao., subalit minsan ang tao ay dali-dali kung gumawa ng mga desisyon. Pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa ng mga lalaki na dali-daling kumilos, hindi binigyan ng pagkakataon ang Dios na sabihin ang Kanyang kalooban sa kanila:

 

Moises pinatay ang isang taga Egipto: Exodo 2

 

Ang mga kasamahan ni Josue at  Gabaonita: Josue 9

 

Abraham at Ismael: Hindi naghintay si Abraham sa pangakong tagapagmana: Genesis 16

 

3.          Basahin ang aklat ng Mga Gawa: Gumawa ng mga listahan ng iba't ibang paraan kung

       paano nangusap Ang Dios sa mga tao sa unang iglesya.

 

 

________________________________________

 

 

 

 

 

IKA-PITONG KABANATA

 

ANG PUNO AY PATULOY NA NAGNININGAS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Isulat ang mga hakbang sa paghanap ng kalooban Ng Dios.

·                    Ipaliwanag kung paano magkakaroon ng katiyakan ng kalooban Ng Dios.

·                    Kilalanin ang tatlong mga susi para matanggap ang direksiyon mula sa Dios.

 

SUSING TALATA:

Tumiwala ka sa Panginoon ng boong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin no Siya sa lahat ng iyong mga lakad. At Kaniyang ituturo ang iyong mga landas. ( Kawikaan 3:5-6)

PAMBUNGAD

 

Sa nakaraang kabanata siniyasat natin ang nakasulat sa Biblia kung paano Ang Dios ay nangungusap sa tao noong nakaraang panahon. Subalit ang tanong ay, Ang Dios ba ay patuloy na nangungusap sa tao hanggang ngayon?

 

Si Apostol Pablo ay nagbuod:

 

Ang Diyos, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta.

Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng Kaniyang Anak, na Siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman Niya'y ginawa ang sanglibutan. (Hebreo 1:1-2)

Sa nakalipas Ang Dios ay nangusap sa iba’t ibang kaparaanan. Siya ay patuloy na nangungusap sa tao sa panahon ni Pablo. Sinabi ni Pablo na ang pinakadakilang mensahe na ipinahayag ng Dios ay sa pamamagitan Ng Kanyang Anak, na Si Jesu Cristo.

 

 

NAKARAAN NA PANAHON: ANG NAGNININGAS NA PUNO

 

Sa panahon ng Biblia Ang Dios ay nangusap sa maraming paraan. Ang isang paraan na Kanyang ginamit ay nakasulat sa Exodo kabanata 3:

Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan, na saserdote sa Madian: at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang at napasa bundok ng Diyos, sa Horeb.

At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.

At sinabi ni Moises, Ako'y liliko ngayon, titingnan ko itong dakilang panoorin, kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok.

At nang makita ng Panginoon na panonoorin niya, ay tinawag siya ng Diyos mula sa gitna ng mababang punong kahoy, at sinabi, Moises, Moises. At kaniyang sinabi, Narito ako. ( Exodo 3:1-4)

Mula sa nagniningas na puno subalit hindi natutupok, tinawag Ng Dios si Moises para iligtas ang bayan ng Israel mula sa pagkabihag sa Egipto. Oo, Ang Dios ay nangusap noon sa mga tao!

 

ANG PANGKASALUKUYAN NA PANAHON: ANG PUNO AY PATULOY NA NAGNININGAS

 

Ang Dios ba ay patuloy na nangungusap sa tao ngayon sa mahimalang kaparaanan? Ang mga paraan ba na ganito ay limitado lamang sa panahon ng Lumang Tipan bago ang kapuspusan  Ng Espiritu Santo ?

 

Ang puno ay patuloy na nagniningas! Maaari na hindi mo aktuwal na maranasan ang ganitong anyo ng pagpatnubay katulad ng kay Moises, subalit Ang Dios ay patuloy na nangungusap sa mga tao sa mahimalang paraan katulad Ng Kanyang ginawa sa panahon ng Lumang Tipan.

 

Sa Hebreo 1:1-2 Sinabi ni Pablo na Ang Dios ay patuloy na nangungusap sa mundo sa pamamagitan Ni Jesu Cristo. Hindi lang nangungusap Ang Dios sa nakasulat na Salita na nakatala ang buhay at mga turo Ni Jesus, subalit ipinangako Ni Jesus:

Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa boong katotohanan: sapagka't hindi Siya masasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. ( Juan 16:13)

Ang Espiritu Santo ay patuloy na nagungusap sa pamamagitan ni Jesus na ipinahayag ang mensahe Ng Dios sa tao.

 

Pagkatapos ng pagdating Ng Espiritu Santo sa Mga Gawa 2, ang natatanging kapahayagan mula Sa Dios ay nagpatuloy katulad sa panahon ng Lumang Tipan. Ang mga tao ay nanaginip ng mga panaginip, at nakakita ng mga pangitain, nakipag-usap sa mga anghel, nakarinig ng "audible voice" ng Dios, at nakaranas ng ibang mahimalang kapahayagan mula sa Dios.

 

Ang mahimalang pakikipagusap Ng Dios ay  hindi natigil sa pagdating Ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ay nadagdag sa bagong karanasan ng pagpatnubay. Kasama sa  bagong karanasan  ang pangloob na direksiyon, pamamagitan ayon sa kalooban Ng Dios sa pamamagitan ng mga panalangin ng ibang wika at natatanging espirituwal na mga kaloob kung saan nangungusap Ang Dios.

 

Ang huling aklat ng Biblia, Apocalipsis ay karagdagang listahan ng pangitain na ibinigay Ng Dios kay Apostol Juan. Hanggang sa kahuli-hulihan ng Kanyang nakasulat na Salita, Ang Dios ay nangungusap sa tao sa pamamagitan ng  mahimalang paraan.

 

Ang Dios ay patuloy na nangungusap sa mga tao sa pamamagitan ng mga paraan na ito. Ang makabagong kasaysayan ng iglesia ay naglalaman ng maraming patunay na Ang Dios ay  mahimalang nangungusap dahil …

Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man. (Hebreo 13:8)

PAANO KUNG WALANG PUNO?

 

Subalit ano ang mangyayari kung hindi pinili Ng Dios na mangusap sa mapaghimalang paraan? Paano kung hindi mo naranasan na managinip, walan kang pangitain o himala? Paano kung hindi Siya nangungusap sa iyo sa pamamagitan ng audible na tinig o kamangha-manghang mga kaloob ng propesiya, ibang wika, o interpretation? Paano kung walang nagniningas na puno?

 

Ang ibang tao ay naghihintay sa buong buhay nila ng superior na kapahayagan mula Sa Dios. Maraming mananampalataya ay nagaaksaya ng kanilang mga buhay, hindi makakilos, hindi epektibo, nais ng pambihira o madula na mensahe mula Sa Dios.

 

Ang unang iglesya ay hindi ganito ang ginawa. Sila ay nagalak kung pinili Ng Dios na mangusap sa  pamamagitan ng mahimalang mga paraan, subalit sa maraming pagpapasiya sa kanilang pang araw-araw na buhay sila ay hindi pinapatnubayan ng mga anghel , mga panaginip, at mga pangitain. Subalit sila ay nagpatuloy bilang malakas na puwersa Ng Dios.

 

Dahil dito, ano ang dapat mong gawin kung walang nagniningas na puno? Narito ang pitong mga hakbang sa paghanap ng kalooban ng Dios:

 

1.       MANALANGIN:

 

Manalangin para sa direksiyon Ng Dios sa iyong buhay. Tinuruan Ni Jesus ang Kanyang mga alagad na bahagi ng regular na panalangin ay mangyari ang kalooban Ng Dios:

Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. ( Mateo 6:10)

Kung ikaw ay nananalangin, sabihin mo ang naisin mo sa Dios na ipahayag Ang Kanyang  kalooban sa iyo. Ginawa ito ni Moises:

Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan. ( Exodo 33:13)

Ginawa ito ni David:

Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon. Ituro mo sa akin ang iyong mga landas. (Mga Awit 25:4)

Humingi ng karunungan na gumawa ng tamang pagpili:

Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Diyos, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.

Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.

Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon. ( Santiago 1:5-7)

Humingi ng panalangin ng ibang mga mananampalataya. Madalas ipahayag Ng Dios ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng espirituwal na mga kaloob na ginagawa sa grupo ng prayer meetings. Natanggap nina Pablo at Bernabe ang katiyakan ng kanilang tawag sa paglilingkod sa misyon sa ganitong gawain.

 

2.       PAG-ARALAN ANG BIBLIA

 

Pagsumikapan na saliksikin ang nakasulat na Salita Ng Dios para malaman kung may tiyak na patnubay para sa iyong kalagayan. Tiyakin kung mayroong pangkalahatang prinsipyo sa Biblia o talambuhay na maaaring halimbawa na maiaangkop sa iyong kalagayan.

 

Hindi ibig sabihin ng saliksikin ang Biblia ay  bubuksan mo ang Biblia at kung ano ang unang talata na makita mo iyon ang sagot. Ang pagsasaliksik ng Biblia ay detalyadong pagsisiyasat ng Salita at gamitin ang mga prinsipyo sa mga pagpapasiya sa dapat mong gawin. Ang bawat bukas na pinto, pagkakataon, at ibang pangunguna na iyong naiisip na mula sa Panginoon ay dapat na subukin kung ito ay naaayon sa nakasulat na Salita. Ginamit Ni Jesus ang prinsipyo na ito. Nang Siya ay tinukso ni Satanas na gumawa ng hindi kalooban Ng Dios sumagot siya ng paulit-ulit” Nasusulat…” ( Mateo 4). Kanyang sinuri ang lahat batay sa nakasulat na Salita Ng Dios.

 

Habang iyong sinasaliksik ang Biblia, tiyakin na pag-aralan ang maraming mga pangako para sa direksiyon.Nakasulat ang ilan sa mga ito sa “Para sa Dagdag na Pag-aaral” sa bahagi ng kabanatang ito. Habang pinag-aaralan mo ang mga talatang ito, lalago ang iyong pananamapalataya na Ang Dios ay talagang nangungusap at maaari mong makilala ang Kanyang tinig.

 

3.       MAKINIG SA "INNER VOICE" NG ESPIRITU SANTO:

 

Sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng Biblia, sinasabi Ng Dios ang  Kanyang kalooban sa iyong espiritu sa pamamagitan ng inner voice Ng Espiritu Santo. Mahaba nating tinalakay ito sa nakaraang kabanata. Bahagi ng “tinig Ng Espiritu Santo” ay ang prayer language ng ibang wika. Kung hindi ka tiyak sa kalooban Ng Dios sa isang bagay, manalangin ka sa prayer language Ng Espiritu Santo.

 

Alam Ng Espiritu Santo ang ganap na kalooban Ng Dios at mananalangin Siya para sa’yo na kaisa sa kalooban Ng Dios:

…ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't Siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Diyos. (Roma 8:27)

Iyong tandaan- sinabi Ni Jesus na Ang Espiritu Santo ay “ipakikita sa’yo ang mga bagay na mangyayari.” Ang ibig sabihin nito ipahahayag Niya ang plano Ng Dios para sa iyo. Papatnubayan ka Niya ayon sa kalooban Ng Dios.

 

4.       HANAPIN  ANG PAYO NG KRISTIYANO:

 

 Katulad ng ating nabanggit sa huling kabanata, ginagamit Ng Dios ang mga Kristiyanong tagapayo para alalayan ang mga mananamplataya sa pagpapasiya. Sinasabi ng Biblia:

Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. (Kawikaan 11:14)

Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. (Kawikaan 12:15)

Mahalaga na ang mga mananampalataya ay hanapin ang payo sa ganap na mga Kristiyano. Huwag hanapin ang payo ng mga "secular psychologist." Magbibigay sila ng makamundong payo.. Sila at “bulag na mga pinuno ng bulag.”:

Sa aba ninyo, kayong mga taga-akay na bulag… (Mateo 23:16)

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama… (Mga Awit 1:1)

Huwag hanapin ang payo ng mga bagong Kristiyano, kulang sila sa karanasan at espirituwal na kaganapan.

 

Ang ibang tao ay pumupunta sa mga tagapayo umaasa na sila ay aayon sa kanilang mga opinion. Makatatanggap ka ng bahagyang pakinabang mula sa payo kung ganito ang iyong ugali.Ang ibang mananampalataya ay kumukonsulta sa maraming tagapayo at ihahambing ang mga payo na kanilang natanggap. Parang botohan ang nangyayari, sino ang ayon sa ganitong gagawin o di kaya ay hindi sangayon. Hindi ito ang layunin ng counseling. Dapat nating tandaan na ang pinakamahalaga, ang payo ng tao ay sangayon sa nakasulat na Salita Ng Dios.

 

5.       PAGISIPAN ANG PANGYAYARI:

 

Suriin mabuti ang kalagayan ayon sa kaugnayan ng desisiyon na kinakailangan mong gawin. Dapat isaalang-alang ito sa kaugnayan ng patnubay Ng Dios na ibinigay sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral ng Salita, at ang "inner voice" ng Espiritu Santo at Kristiyanong payo. Hindi lamang ang pangyayari ang dapat gamitin para malaman ang kalooban Ng Dios, subalit dahil dito makikita ang ibig sabihin ng pagpapasiya na dapat gawin. Kung minsan ang pangyayari ay na lilimitahan ang mga pagpili o nagbibigay ng pagkakataon para sa bagong patutunguhan ng buhay:

 

6.       GAMITIN ANG MGA SUSI SA BIBLIA PARA SA DIREKSIYON:

 

Sa natural na mundo, ang susi ay nagbubukas ng pinto. Sa Espirituwal na mundo, Ang Dios ay naglaan ng mga susi para mabuksan ang pinto sa Kanyang kalooban. Ang mga susi ay matatagpuan sa aklat ng Kawikaan:

Tumiwala ka sa Panginoon ng boong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad. At Kaniyang ituturo ang iyong mga landas. (Kawikaan 3:5-6)

ANG UNANG SUSI : Pagtitiwala

 

Huwag kang matakot kung ano ang itanong Ng Dios sa iyo. Kilalanin na ang plano Ng Dios para sa’yo ang pinaka mabuti. Tiyak, ang tao ay magtitiwala sa nagbigay ng Kanyang nag-iisang Anak para mamatay para sa kanila. Dapat kang magtiwala Sa Dios hindi sa tao:

Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. ( Jeremias 17:5)

ANG IKALAWANG SUSI: Huwag kang manalig sa iyong kaalaman.

 

Huwag kang manalig sa iyong sariling katuwiran. Hindi ibig sabihin nito ay wala ng lugar sa matalinong pagpapasiya. Ang aklat ng Kawikaan ay puno ng mga utos na gamitin ang pangunawa at sentido komon. Hindi sinasabi Ng Dios na talikuran ang tamang pagpapasiya. Kung ikaw ay naghahanap ng kalooban Ng Dios sinabi Niya na huwag lamang tanging manalig sa katuwiran ng tao.

 

Nang si David ay ibinabalik ang kaban sa Jerusalem, hindi niya itinanong Sa Dios ang  direksiyon. Siya ay nanalig sa kanyang sariling pangunawa at nagsimulang ilipat ang kaban sa pinaka posibleng praktikal na paraan. ( II Samuel 6:1-7)

 

Subalit hindi ito ang paraan Ng Dios at ang parusa ng Dios ay iginawad. Kalooban Ng Dios na ibalik ang kaban sa Jerusalem, subalit hindi nakalinya ang kanyang ginawa sa kalooban Ng Dios. Ito ay mahalagang prinsipyo para sa patnubay.

 

ANG IKATLONG SUSI: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong lakad.

 

Ang pagkilala sa Dios sa lahat ng paraan ay bigyan siya Ng paggalang sa isip, salita at sa gawa. Unahin mo Siya sa iyong buhay:

At Siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon Siya ng kadakilaan. (Colosas 1:18)

Si Josue ay nakagawa ng seryosong kamalian nang “hindi siya humingi ng payo sa Panginoon” tungkol sa kasunduan sa mga Gabaonita (Josue 9). Ang kanyang desisyon ay nagdulot ng kasunduan sa napakasamang bansa, isang bagay na ipinagbabawal Ng Dios.

 

Ang tatlong mga susi…

 

            Magtiwala Sa Panginoon ng buong puso…

            Huwag kang manalig sa iyong kaalaman …

            Kilalanin Mo Siya sa lahat ng iyong lakad …

 

Ang mga susing ito ang magbubukas ng pinto … at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

 

7.       PILIIN ANG DAAN NG KARUNUNGAN:

 

Sa mga pasiya na may kinalaman sa nakasulat na Salita Ng Dios, dapat kang gumawa ng pasiya na kasangayon sa ipinahayag na Salita. Sa ibang mga pasiya, pagkatapos ng panalangin, pag-aaral ng Salita, paghingi ng payo, at suriin ang mga pangyayari, maaari ka nang pumili ayon sa “daan ng karunungan.” ( Tandaan – nanalangin ka para sa karunungan mula Sa Dios.. Ngayon gumawa ng pagpili batay sa karunungan na iyon.)

 

Ang daan ng karunungan ay ang karapatan sa pagpili ng anumang desisyon na nag-aalok ng malaking pagkakataon para sa pagsulong espirituwal sa bawat bahagi ng buhay. Ito ay pagpili na may pagkakaisa kung ano ang ipinahayag Ng Dios sa panalangin, sa nakasulat na Salita, ang "inner voice"  ng Espiritu Santo, at Kristiyanong payo.

 

Ang kakayahang makilala ang daan ng karunungan ay lumalago sa may espirituwal na  kaganapan:

Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Diyos; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.

Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.

Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. (Hebreo 5:12-14)

Ang ganap na espirituwal ay nangyayari sa kaugnayan Sa Dios, panalangin, at pagninilay-nilay ng nakasulat na Salita.

KATIYAKAN NG KALOOBAN NG DIOS

At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. (Colosas 3:15 MBB)

Responsabilidad ng reperi na tingnan kung ang isang laro ay nilalaro ayon sa mga patakaran nito.

 

Sa espirituwal na mundo, ang kapayapaan Ng Dios ang reperi ng kalooban Ng Dios. Ang iyong mga gawa at pagpapasiya ay sinusuri. Kung ang mga ito ay may pagkakaisa sa kalooban Ng Dios, magkakaroon ka ng kapayapaan sa iyong espiritu. Kung ikaw ay nalilito o bigo, huwag kang kikilos. Maghintay ka hanggang magkaroon ka ng kapayapaan tungkol sa pagpapasiya na iyong gagawin. Ang kulang sa kapayapaan ay tanda mula sa reperi na mayroong mali:

 

Sapagka't ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan…

( I Corinto 14:33)

 

ISA-ISANG HAKBANG

 

Para malaman ang kalooban Ng Dios, ang isa at huling prinsipyo ay isa-isang hakbang  ipinahahayag Ng Dios ang Kanyang plano. Ang ibig sabihin nito hindi niya ipinahahayag ang buong plano Niya sa iyong buhay, kasama ang detalye , sa isang pagkakataon. Ang Dios ay hindi nangungusap minsan lamang sa iyong buong buhay. Hindi ka makapagpapaunlad ng isang relasyon sa isang tao batay sa isang pakikipag-usap lamang. Ang relasyon ay patuloy na proseso ng pag-uusap. Ang Dios ay patuloy na nangungusap, at ikaw ay madaragdagan ang kakayahang makilala ang Kanyang tinig.

 

Ang Dios ay may dahilan kung bakit isa-isa lamang Niya ipinahahayag  ang Kanyang kalooban. Kadalasan, hindi ka pa handa na malaman ang buong plano dahil maaari kang malula o madama mo na hindi mo kaya ang gawain na nakalaan. Minsan sinabi Ni Jesus sa mga alagad:

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. (Juan 16:12)

Sinabi Ng Dios sa Israel na “unti unti” nilang magagapi ang kanilang mga kaaway sa Canaan “  habang sila ay maging handa na umako ng responsibilidad sa bagong lupain na ibibigay Niya sa kanila.

 

Hindi rin ibinibigay Ng Dios ang Kanyang buong plano dahil kadalasan tayo ay nababalisa sa panghinaharap. Nagbabala ang Biblia:

Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan. (Mateo 6:34)

Huwag kang mabalisa sa kinabukasan. Gumawa ka lamang ng desisyon na kinakailangan para sa araw na ito. Ang kinabukasan ang hawak Ng Dios. Hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na  magpaplano nang maayos para sa kinabukasan. Subalit hindi ka dapat mabalisa tungkol dito. Ang mahalaga ay mabuhay ka ayon sa ipinahayag na kalooban Ng Dios para sa araw na ito. Matutuhan mong makinig sa Kanyang tinig sa iyong araw-araw na paglakad Kristiyano. Ang araw-araw na paglakad sa Kanyang kalooban ay magdudulot ng mahabang buhay na lumalakad sa Kanyang kalooban.

 

Hindi ipinahahayag Ng Dios ang Kanyang buong plano dahil gusto Niya na matuto ka na mabuhay sa pananampalataya. Mas madali ang gumawa ng unang hakbang  kung alam mo kung saan patungo ito. Hindi madali na gumawa ng hakbang ng pananampalataya sa hindi mo alam.

 

Ang Biblia ay nagsalaysay tungkol kay Abraham:

Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon. (Hebreo 11:8)

Walang makapagtatayo ng pananampalataya Sa Dios higit kaysa paglakad ng isa-isang hakbang. Ang ibig sabihin ng paglakad ng pa isa-isang hakbang ayon sa ipinahayag Ng Dios ay hindi ka makakakilos ng dali-dali. Si Moises ay kumilos ng masyadong mabilis at pinatay ang isang taga Egipto. Si Abraham ay nauna sa plano Ng Dios at nagsubok na palitan si Ismael para sa piniling tagapagmana.

 

Ang aklat ng Esther ay binigyan ng diin ang kahalagahan ng paghihintay Sa Dios. Ang mga anak ng Dios ay nasa panganib na mapinsala ng masamang lalaki na si Aman. Hiniling niya sa Hari na puksain ang lahat ng Hudyo.

 

Alam ni reyna Esther ang binabalak na iyon. Alam niya na hindi kalooban Ng Dios na mapinsala ang mga Hudyo, subalit hindi siya kumilos kaagad. Naghintay siya hanggang binigyan siya Ng plano Ng Dios at siya ay naghintay ng ekstra na araw bago niya kausapin ang Hari. Sa panahon ng kanyang paghihintay may mahalagang bagay ang nangyari. Na diskubre ng Hari na si Mordecai, isang Hudyo, ay iniligtas siya sa isang sabuwatan na patayin siya.

 

Nang ito ay nalaman, isiniwalat ni Esther ang balak ni Aman laban sa mga Hudyo. Ang Hari ay kumilos laban sa plano ni Aman, ang mga Hudyo ay naligtas, at si Aman ay naparusahan dahil sa kanyang kasamaan- - ang lahat ng ito ay nangyari dahil si reyna Esther ay naghintay ng isa pang araw bago siya kumilos.

 

ANG PUNO AY PATULOY NA NAG-AAPOY

 

Sa espirituwal na diwa, ang puno ay patuloy na nagniningas. Ang Dios ay patuloy na pumapatnubay at nais Niya na mangusap sa atin:

Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. (Jeremias 33:3)

Nais Ng Dios na ipahayag ang kanyang kalooban at sabihin ang Kanyang mga plano. Siya ay patuloy na pumapatnubay at mamamahala. Ang Dios ay patuloy na mangungusap kung ikaw lang ay nakikinig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

2.      Ano ang kasiguruhan na ibinibigay Ng Dios ang hinihingi kung ginagawa ng mananampalataya ang Kanyang ganap na kalooban?

 

________________________________________

 

3. Ano ang tatlong mga susi na ibinigay sa Kawikaan 3:5-6 para malaman ang kalooban Ng Dios?

    _________________________    _________________________   _____________________

 

4. Ano ang ibig sabihin ng “ kilalanin Ang Dios” sa lahat ng lakad?

 

________________________________________

 

5. Isulat ang tinalakay sa kabanatang ito na pitong mga hakbang para mahanap Ang kalooban

    Ng Dios.

_______________________        ________________________      ____________________

 

_______________________       ________________________      ____________________

 

     ________________________

 

6. Basahin ang mga sumusunod na salaysay. Kung ang salaysay ay Tama, isulat ang titik T sa puwang. Kung ang salaysay ay Mali, isulat ang titik M sa puwang.

 

a. ____  Ang mahusay na paraan sa paggamit ng Biblia para malaman ang kalooban Ng Dios ay

             buksan kahit saan at kumuha ng unang talata na napansin mo at ibilang na ito ang sagot.

 

b. ____ Kadalasan ang Dios ay ipinahahayag ng detalyado ang buong plano para sa iyong

            buhay,  sa isang mahimalang kapahayagan.

 

c. ____ Ang Dios ay hindi na nangungusap ngayon sa pamamagitan ng panaginip, pangitain, at

             iba pang mahimalang mga paraan.

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Paghambingin ang Kawikaan 3:5-6 at Roma 12:1-2. Mayroong dalawang positibong utos sa bawat talata ( mga bagay na dapat gawin) at isang negatibong utos (mga bagay na hindi dapat gawin). Isulat ang mga ito sa sumusunod na tsart:

 

                                   Kawikaan 3:5-6                                              Roma 12:1-2

 

Positibong Utos:

 

Negatibong Utos:

 

Positibong Utos:

 

3.    Si Rev. George Mueller ay dakilang espirituwal na pinuno na pundador at director ng bahay ampunan sa Inglater at iba’t ibang gawain ng misyon sa buong mundo. Sa kanyang mga sulat si Rev Mueller ay naglagay ng pormula para malaman ang kalooban Ng Dios:

 

 “ Sa umpisa inaayos ko ang puso ko na mailagay sa kalagayan na ito ay walang kalooban na kanya tungkol sa isang bagay.

 

Ang ika-siyam na bahagi ng problema ng tao ay narito. Ang ika-siyam na mahirap ay kung paano mapagtatagumpayan ang ating puso na maihanda na gumawa ng kalooban Ng Panginoon, kung anoman iyon. Kung ang isang ay ganito ang kalagayan, karaniwan malapit na sa kaalaman ng kalooban Ng Dios.

 

     Kung nagawa na ito , hindi ko iniaasa ang resulta sa pakiramdam o isang impresyon. Kung gagawin ko ito, inilalagay ko ang aking sarili sa maaaring malaking kahibangan.

 

     Hinahanap ko ang kalooban ng Espiritu Ng Dios sa pamamagitan,o may kaugnayan sa Salita Ng Dios. Ang Espiritu at Salita ay dapat pagsamahin. Kung titingin lamang ako sa Espiritual wala ang Salita, binubuksan ko ang aking sarili sa malaking kahibangan, kung pinapatnubayan tayo ng Espiritu Santo, gagawin Niya ito ayon sa Biblia  at hindi kailanman kontra dito.

 

     Pagkatapos, tinitingnan ko ang mga kaloob Ng Dios sa mga pangyayari . Ito ay nagpapakita na ang kalooban Ng Dios ay kaugnay ng Kanyang Salita at Espiritu . Hinihiling ko sa Dios na ipahayag Niya ang kalooban Niya sa akin nang wasto. Samakatuwid, sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral ng Salita at pagmumuni-muni, gumagawa ako ng tiyak na palagay ayon sa aking kakayahan at kaalaman, at kung ang aking isipan ay may kapayapaan at patuloy pagkatapos ng dalawa o tatlong beses na pauli-ulit, itinutuloy ko na.

 

     Sa maliliit na mga bagay at sa mga transaksiyon na mahahalaga, nakita ko na ang paraan na ito ay palaging epektibo."

 

3. Ang Dios ay nagbigay ng maraming mga pangako sa Kanyang Salita tungkol sa pagpatnubay. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensiya.

 

 

Mga Awit 3:8; 5:8; 25:5,9:12; 27:11; 31:3; 32:8; 37:23; 48:14; 61:2; 73:24; 78:52,72; 85:8, 13;

107:7; 139:10,24; 142:3; 143:10

Mga Kawikaan 3:6; 4:11; 8:20; 11:3,15; 16:9; 21:29; 23:19

Eclesiastes 10:10

Isaias 45:13; 58:11; 61:8

Juan 10:3; 16:13

Efeso 5:17

Colosas 1:9; 4:12

 

4.      Ang isa sa pinakadakilang halimbawa ng pagpatnubay ay nang ang Dios ay nanguna sa bansang Israel mula sa Egipto tungo sa lupang pangako. Mababasa mo ito sa mga sumusunod na talata:

 

 

Exodo 13:17, 18,21: 15:13

Deuteronomio 8:2, 15; 29:5; 32:10;

I Mga Cronica 11:2

II Mga Cronica 25:11

II Samuel 5:2

Nehemias 9:12

Mga Awit 77:20; 78:14, 53; 80:1; 106:9; 107:7; 136:16

Isaias 48:21; 63:12-14

Jeremias 2:6, 17

Hebreo 8:9

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA- WALONG KABANATA

 

MGA USAPING QUESTIONABLE

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aral ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                      Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng terminong “usaping questionable.”

·                      Magbigay ng mga patnubay ayon sa Biblia tungkol sa pagpapasiya sa mga usaping questionable.

·                      Kilalanin ang “mahinang kapatid” at ang “malakas na kapatid.”

·                      Magbigay ng mga patnubay mula sa Biblia para sa pakikitungo sa “mahinang kapatid.”

·                      Magbigay ng mga patnubay mula sa Biblia kung paano haharapin ang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mananampalataya.

·                      Magbigay ng mga patnubay mula sa Biblia kung paano malutas ang samaan ng loob sa pagitan ng mga mananampalataya.

 

SUSING TALATA:

 

 

Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.

(I Corinto 10:31)

 
PAMBUNGAD

 

Ang kabanatang ito ay tungkol sa paggawa ng pagpapasiya tungkol sa mga usaping questionable. Ang termino ay binigyan ng kahulugan at kasama sa talakayan ang mga patnubay para sa pakikitungo sa mga usaping questionable, pakikitungo sa mahinang kapatiran, pakikitungo sa di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mananampalataya, at paglutas ng mga sala.

 

MGA USAPING QUESTIONABLE

 

Sa bawat kultura mayroong mga tiyak na mga questionable na mga gawi. Ang mga gawi na ito ay hindi tiyak na nabanggit sa Biblia na mali o tama para sa mga taga sunod Ni Jesus.

 

Madali mong maisip ang mga gawi na ito sa iyong sariling kultura. Maaaring kasama ang mga gawain ng libangan. Maaari itong mga klub o kapisanan kung saan mo gustong makasama. Ang mga gawain na ito ay may tiyak na gawi at pagpili kung ano ang iyong kakainin at inumin. Maaaring mga tanong kung anong araw ang pagsamba o banal na mga araw.

 

Paano mo malalaman ang kalooban Ng Dios tungkol sa mga hindi tiyak na mga gawi kung ang mga tiyak na pagpatnubay ay hindi ibinigay sa Biblia? Itanong mo ang mga ito sa iyong sarili:

 

NALULUWALHATI BA ANG DIOS?

 

Malamang ang pinakamahalaga na prinsipyo kung paano mo huhusgahan ang mga hindi tiyak na mga gawi ay itanong ang, “ Naluluwalhati ba Ang Dios?”

 

Itinuturo ng Biblia na ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat makaluwalhati sa Dios:

 

Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.  (I Corinto 10:31)

 

At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan Niya.   ( Colosas 3:17)

 

Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng boong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao.  Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana;  sapagka't naglilingkod kayo  sa Panginoong Jesucristo.  (Colosas 3:23-24)

 

ANO ANG NAGBUBUNSOD SA IYO NA GUMAWA?

 

Bakit gusto mong lumahok sa ganitong mga gawain? Ano ang iyong dahilan o motibo kaya mo ito ginagawa? Kahit ang mabuting gawain ay maaaring magawa sa maling motibo. Halimbawa, si Santiago ay naglarawan ng maling motibo para sa panalangin:

 

Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.( Santiago 4:3)

 

Ang panalangin ay siguradong hindi mali subalit ang motibo para sa ilang mga kahilingan ay hindi tama. Ang motibo ay inilarawan sa talatang ito na ang kahilingan na matugunan ang makalamang mga pagnanasa.

 

KINAKAILANGAN BA ITO?

 

Sinabi ni Pablo may mga bagay na maituturing na ayon sa batas (hindi pagsuway sa nakasulat na Salita Ng Dios), na dapat mong ituring kung ito ba ay kailangan. Sinabi niya:

 

Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid;  nguni't hindi ang lahat ay nararapat.  Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid;  ngunit hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.  ( I Corinto 6:12)

 

 

ITO BA AY NAGTATAGUYOD NG ESPIRITUWAL NA PAGLAGO?

 

Maraming gawain na pumipigil sa espirituwal na paglago. Ang ibang mga gawain ay nakakaubos ng panahon at nakakapigil ng espirituwal na paglago.

 

At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan;  ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita.  At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga.  (Marcos 4:18-19)

 

At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakas ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.  ( Lucas 8:14)

 

Tanunigin mo ang iyong sarili: Ang gawain ba na ito ay makakapigil o magtataguyod sa aking espirituwal na paglago?

 

Ang mga gawain na nakakapigil ng espirituwal na paglago ay mga pabigat na makasasagabal sa espirituwal na takbuhin na inilaan Ng Dios sa iyo:

 

Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.  ( Hebreo 12:1)

 

ITO BA AY UMAALIPIN NA UGALI?

 

Sa ating pagsasaalang-alang ng mga hindi tiyak na mga gawain, tanungin ang iyong sarili  “Ang gawain ba na ito ay makaaalipin sa akin sa isang gawi?”

 

…Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid;  nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.  (I Corinto 6:12)

 

Ang anoman na mga nakaalipin sa pisikal, mental, espirituwal o kinaugalian ay nangangailangan ng mahalagang oras na dapat maiwasan.

 

AKO BA AY MALALAGAY SA KOMPROMISO?

 

Itinanong ni Pablo sa II Corinto 6:14, “. . . sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuaan?”

 

Ang hindi ba tiyak na gawain na iyong isinasaalang-alang ay maglalagay sa espirituwal na kompromiso? Ikaw ba ay sasali sa mga gawain ng mundo o papayag sa mga pamantayan nila sa paggawa nito? Iniutos ng Biblia:

 

Kaya nga, magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon. At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, at kayo'y aking tatanggapin.    ( II Corinto 6:17)

 

ITO BA AY MAG-AAKAY SA PANUNUKSO?

 

Tinuruan tayo Ni Jesus na manalangin “ ilayo mo po kami sa tukso.” Walang saysay na manalangin ng panalangin na ito at sa pamamagitan ng mga hindi tiyak na mga gawain ay kusang inilalagay mo ang iyong sarili sa tukso. Ang Biblia ay nagbabala:

 

Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, ako'y tinutukso ng Diyos;  sapagka't ang Diyos ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man.

 

Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. 

 

Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.  ( Santiago 1:13-15)

 

Ang tukso ay iba sa pagsubok ng pananampalataya. Ang pagsubok ng pananamapalataya ay nangyayari kung ang mananampalataya ay nahaharap sa mahirap na pangyayari dahil sa hindi sariling pagkakamali. Ang pangyayari ay nasusubok ang kanyang pananampalataya sa Dios. Pinahintulutan ng Dios ang mga pagsubok para lumakas ang iyong pananampalataya at magdulot ng espirituwal na kaganapan.

 

Hindi tinutukso Ng Dios ang tao. Ang tukso ay pagnanasa na gumawa ng mali. Ang tukso ay dumarating kung hindi mo mapigilan ang iyong isip at mga gawa nang tama o kung tinutukso ka ni Satanas na gumawa ng masama. Ang ilang mga hindi tiyak na usapin ang maglalagay sa iyo sa tukso. Kung ikaw ay susuko sa tukso, ang resulta ng pagnanasa ay  kasalanan, at ang resulta ng kasalanan ay kamatayang espirituwal.

 

ITO BA AY NAGBIBIGAY NG ANYONG MASAMA?

 

Ang gawi ba na iyong isinasaalang-alang ay magbibigay ng anyong masama sa iba? Iniutos ng Biblia:

 

            Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.   ( I Tesalonica 5:22)

 

 

ITO BA AY LUMALABAG SA IYONG KONSIYENSIYA?

 

Sa paggawa ng iyong pagpapasiya tungkol sa hindi tiyak ng mga gawi, dapat sigurado ka na ang iyong gagawin ay tama. Sa Bagong Tipan ang mga mananampalataya ay hindi nagkasundo tungkol sa tama ba o hindi ang pagkain ng karne dahil ang karne ay ginagamit na handog sa ilalim ng utos ng Lumang Tipan. Ang mga handog na ito ay ginagamit na pangbayad sa kasalanan ng tao bago ibinigay Ni Jesus ang Kanyang buhay bilang panghuli at buong handog sa kasalanan. Dahil ang karne ay ginamit para sa handog may mga batas na laban sa pagkain ng ilang mga karne. Si Pablo ay nagsulat patungkol sa tanong na ito:

 

Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan, kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.  ( Roma 14:23)

 

Ang prinsipyo ay dapat mong masiguro na ang mga hindi tiyak na gawi na iyong gagawin ay tama. Kung ikaw ay may pagaalinlangan, ito ay magiging kasalanan kung ito ay iyong gagawin.

 

ITO BA AY MAKAKASAMA SA IBA?

 

Ito ang huling panuntunan patungkol sa mga usaping questionable. Paano makaka-apekto ito sa iba? Ito ba ay makapagpapalakas sa iba? Ang ibig sabihin ng makakapagpalakas ay magturo, magtayo, o mapaayos ng buhay espirituwal. Sinabi ng Biblia:

 

Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.  ( Roma 14:19)

 

Ang gawain ba na ito ay  magbibigay ng positibong paraan para sa espirituwal na pagunlad sa iba? Isinulat ni Pablo:

 

Lahat ng mga bagay ay matuwid;  nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat.  Lahat ng mga bagay ay matuwid;  nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.  ( I Corinto 10:23)

 

Ang ibang mga ginagawa mo ay maaaring magdala sa ibang mananampalataya na maaaantala ang kanilang espirituwal na paglakad. Muli, sa usapin ng pagkain ng karne, sinabi ni Pablo:

 

Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.       ( I Corinto 8:13)

 

Hindi itinuring ni Pablo na mali ang pagkain ng karne. Subalit hindi siya kakain kung ito ay makakasama sa mahinang kapatid sa Panginoon. Ang mahinang kapatid ay ang mananampalataya na dahil sa mahina ang pananampalataya, kaalaman, o ang konsiyensiya ay maaapektohan sa halimbawa ng malakas na kapatid. Siya ay maiimpluwensiyahan na magkasala laban sa kanyang konsiyensiya at ang  kanyang espirituwal na paglago ay maaaring mapigilan.

 

 Ang isang malakas na mananampalataya dahil sa  pagkaunawa niya sa kalayaan ng tiyak na mga bagay at lakas ng kanyang kombiksiyon ay nakakagawa ng malaya na mayroong mabuting konsiyensiya. Siya ay hindi nadadala ng magkakaibang pananaw ng iba.

 

Kahit ang karaniwang kilos ng isang malakas na mananampalataya ay magiging mali kung ito ay makaaapekto sa mahinang kapatid na magkasala sa kanyang konsiyensiya o makaantala sa kanyang espirituwal na paglago. Isinulat ni Pablo:

 

Mabuti ang huwag kumain ng lamang-kati, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid.  ( Roma 14:21)

 

BUOD: PAGPAPASIYA SA MGA USAPING QUESTIONABLE

 

Ang sumusunod na tsart ay buod ng mga patnubay mula sa Biblia para sa pagpapasiya sa  mga usaping questionable:

            Tanungin ang iyong sarili…                                      Reperensiya sa Biblia

 

Naluluwalhati ba ang Dios?                                         I Corinto 10:31; Colosaa 3:17, 23

Ano ang nagbubunsod sa iyo na gawin ito?                  Santiago 4:3

Kinakailangan ba ito?                                      I Corinto 6:12

Ito ba ay nagtataguyod ng espirituwal              Marcos 4:18,19; Lucas 8:14;

na paglago?                                                                Hebreo 12:1

Ito ba ay umaalipin na ugali?                            I Corinto 6:12

Ako ba ay malalagay sa kompromiso?                        II Corinto 6:17        

Ito ba ay mag-aakay sa panunukso?                            Santiago 1:13-15

Ito ba ay nagbibigay ng anyong masama?                    I Tesalonica 5:22

Ito ba ay lumalabag sa iyong konsiyensiya?                  Roma 14:23

Ito ba ay makakasama sa iba?                                    Roma 14:19,21; I Corinto 8:13; 10:23

 

 

KUNG ANG MGA MANANAMPALATAYA AY MAGKAIBA

 

Pag-aralan ang Roma 14:1 hanggang 15:2. Ang mga talatang ito ay nagpapahayag na ang mga mananampalataya ay maaaring magkaiba ng pananaw. Ang mga pagkakaibang ito ay kalimitang nangyayri sa mga usaping questionable na hindi tinukoy sa Salita Ng Dios kung tama o mali.

 

Ipinaliwanag ng mga talatang ito na ang mga pagkakaibang ito ay hindi makasasama  kung tayo ay magmamahalan sa isa’t isa at magpatuloy na magsaliksik ng Biblia. Ibinigay sa Roma 14 ang mga sumusunod na patnubay para sa pakikitungo sa hindi pagkakasundo ng mga mananampalataya sa mga bagay na hindi nasasakop sa nakasulat na Salita Ng Dios:

 

 

 

MASABI ANG PAGKAKAIBA NG MGA USAPING INIUTOS AT BINIGYANG KALAYAAN:

 

Sinasabi ng Roma 14:14 na kung ang mga mananampalataya ay nagkakaiba mahalaga na malaman kung ito ay sa mga bagay na utos at kalayaan. Tungkol sa mga bagay na may kaugnay sa kalayaan na hindi tinukoy sa Salita Ng Dios, isinulat ni Pablo

 

Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili:  maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.

(Roma 14:14)

 

Sa mga bagay na utos na nakasulat sa Salita Ng Dios, dapat tayong lahat ay sumunod sa parehong batayan. Sa ibang mga bagay, ang kalayaan sa pagpili ay maaaring gawin.

 

PAGYAMANIN ANG IYONG KOMBIKSIYON:

 

Dapat mong pagyamanin ang iyong kombiksiyon patungkol sa mga usaping questionable. Tungkol sa mga pagtupad ng banal na mga araw, isinulat ni Pablo:

 

May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba:  may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.  ( Roma 14:5)

 

Gamitin ang mga patnubay na ibinigay sa nakaraang bahagi ng kabanatang ito para matulungan ka na malaman ang iyong sariling kombiksiyon sa mga hindi tiyak na mga bagay.

 

ISAALANG-ALANG ANG KALAYAAN NG IBA PARA MALAMAN ANG KANILANG KOMBIKSIYON:

 

Kahit naiiba ang iba sa iyo, hayaan sila na maging malaya para malaman ang kanilang kombiksiyon sa mga bagay na hindi tiyak :

 

Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid?  At ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid?  … Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa…  ( Roma 14:10 at 13)

 

LIMITAHAN ANG KALAYAAN SA PAMAMAGITAN NG PAG-IBIG:

 

Ang pangunahing mensahe ng Roma 14:13-15:2 ay ang Kristiyanong kalayaan ay dapat ma- limitahan ng pag-ibig:

 

Bawa't isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay.  ( Roma 15:2)

 

 

Dapat mong kalingain nang husto ang ibang mananampalataya hanggang limitahan mo ang iyong gawi sa pamamagitan ng pag-ibig sa kanila. Dapat mo silang mahalin nang husto hanggang hindi ka gumawa ng anomang bagay na kanilang espirituwal na katitisuran:

 

…kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.  (Roma 14:13)

 

LUTASIN LAHAT ANG MGA SALA:

 

Kung ang isang kapatid ay nagkasala sa isang kapatid ang Mateo 18:15-17 ay naglaan ng pormula sa Biblia para mabigyan ng solusyon ang ganitong mga pagkakasala.

 

At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa:  kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid. 

 

Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita. 

 

At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia:  at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa gentil at maniningil ng buwis.  ( Mateo 18:15-17)

 

Ang mga hakbang na dapat sundin kung ang isang kapatid ay nagkasala sa iyo:

 

1.        Lumapit sa kanya ng personal para lutasin ang problema. Huwag mong sasabihin sa iba ang kasalanan. Lumapit ng derecho sa nagkasala sa iyo at subukin na malutas ang problema. Manalangin kayo at saliksikin nang magkasama ang Salita Ng Dios.

 

2.       Kung hindi siya makikinig sa iyo, subukin ulit at magsama ng isa o dalawa na saksi. Ang saksi ay dapat walang kinikilingan na mananampalataya. Ang mga matatanda at pinuno sa iglesia ay magandang piliin. Isama ang mga saksi at pumunta sa iyong kapatid at subukin na muling magkakasamang  talakayin, manalangin at saliksikin ang Biblia tungkol sa problema.

 

3. Dalhin ang problema sa buong iglesia. Kung pagkatapos pumunta sa iyong kapatid na may kasamang saksi at patuloy siyang tumanggi na malutas ang problema, dalhin ang usapin sa buong iglesia. Dapt itong gawin sa tamang panahon. Hindi ito dapat gawin sa regular na pagsamba.o kung mayroong hindi mananampalataya. Pagkatapos marinig ang problema, ang pagpapasiya ng iglesia ay dapat sundin at ang problema ay dapat malutas. Kung hindi, ang nagkasala ay kumilos na katulad ng isang pagano o hindi mananampalataya.

 

 
 
BUOD: KUNG ANG MGA MANANAMPALATAYA AY MAGKAIBA

 

Ang sumusunod na tsart ay buod ng patnubay ng Biblia na dapat sundin kung ang mananampalataya ay magkaiba tungkol sa hindi tiyak na mga gawi:

 

KUNG ANG MGA MANANAMPALATAYA AY MAGKAIBA

Roma 14-15:2 at Mateo 18:15-17

 

Masabi ang pagkakaiba ng mga usaping iniutos at binigyang kalayaan.

 

Pagyamanin ang iyong kombiksiyon.

 

Isaalang-alang ang kalayaan ng iba para malaman ang kanilang kombiksiyon.

 

Limitahan ang kalayaan sa pamamagitan ng pag-ibig.

 

Lutasin lahat ang mga sala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

2.    Ano ang ibig sabihin ng terminong “ mga usaping questionable?”

________________________________________

3.        Isulat ang patnubay na ibinigay  mula sa Biblia ng kabanatang ito patungkol sa mga usaping questionable.

______________  ______________  ______________  ________________  _______________

_______________  _______________  ______________  _______________  ______________

4. Ano ang ibig sabihin ng terminong “ mahinang kapatid” ?

________________________________________

5. Ano ang ibig sabihin ng terminong “ malakas na kapatid”?

________________________________________

6. Isulat ang limang patnubay mula sa Biblia kung paano lutasin ang hindi pagkakasundo ng mga mananampalataya:

_____________________________________   ______________________________________

_____________________________________    ______________________________________

                                    _______________________________________

7. Ano ang talong hakbang na dapat gawin kung  nagkasala sa’yo ang isang mananampalataya?

________________________  _________________________   ________________________

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito)

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Manalangin ka at saliksikin mo ang iyong buhay. Gumawa ka ng listahan ng mga usaping questionable na iyong kasalukuyang ginagawa o pinagiisipan.

 

Saliksikin ang mga ito sa liwanag ng mga patnubay na ibinigay sa Biblia sa kabanatang ito na ang buod ay nasa sumusunod na tsart:

 

 

 

PAGPAPASIYA SA MGA USAPING QUESTIONABLE

 

            Tanungin ang iyong sarili…                                      Reperensiya sa Biblia

 

Naluluwalhati ba ang Dios?                                           I Corinto 10:31; Colosaa 3:17, 23

Ano ang ang nagbubunsod sa iyo na gawin ito?       Santiago 4:3

Kinakailangan ba ito?                                                    I Corinto 6:12

Ito ba ay nagtataguyod ng espirituwal                Marcos 4:18,19; Lucas 8:14;

na paglago?                                                                  Hebreo 12:1

Ito ba ay umaalipin na ugali?                                          I Corinto 6:12

Ako ba ay malalagay sa kompromiso?              II Corinto 6:17

Ito ba ay mag-aakay sa panunukso?                              Santiago 1:13-15

Ito ba ay nagbibigay ng anyong masama?                      I Tesalonica 5:22

Ito ba ay lumabag sa iyong konsiyensiya?                      Roma 14:23

Ito ba ay makakasama sa iba?                                      Roma 14:19,21; I Corinto 8:13; 10:23

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA- SIYAM NA KABANATA

 

PAGPAPASIYANG NAAAYON SA BIBLIA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng pag-aaral ng kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag ang layunin ng isang modelo.

·                    Ipaliwanag ang kahalagahan ng modelo para sa paggawa ng pagpapasiya.

·                    Para matulungan ka sa matalinong mga pagpili gamitin ang modelo mula sa Biblia.

 

SUSING TALATA:

 

Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad:  Nguni’t ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.  (Kawikaan 16:9)

 

PAMBUNGAD

 

Ibinigay sa kabanatang ito ang pagpapasiyang naayon sa Bibliya. Ang modelo ay halimbawa ng isang bagay. Ang layunin nito ay mabigyan ka ng modelo para iyong tularan. Ang pagpapasiya ay pagpili. Dapat mong malaman ang sagot para sa tunay na pangyayari sa buhay at pumili kung ano ang iyong gagawin. Ito ay tintawag na pagpapasiya. Ang modelo para sa pagpapasiya ay nagbibigay ng halimbawa para tularan sa paggawa ng pagpapasiya. Ang buhay ay walang katapusan na pagpili at pagpapasiya. Ang pagpili ay isang responsabilidad. Ang patuloy na pagtanggi sa paggawa ng pagpapasiya ay pagpapasiya rin.

 

Ang pagpapasiyang naaayon sa Biblia na ibinigay sa kabanatang ito ay makakatulong sa iyo na gumawa ng matalinong pagpili na ayon sa kalooban Ng Dios.

 

Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad:  Nguni’t ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.  ( Kawikaan 16:9)

 

ANG HALIMBAWA

 

Pag-aralan ang pagpapasiyang naayon sa Biblia sa mga sumusunod na pahina. Ang tsart ay buod ng mga natutuhan mo sa mga nakalipas na kabanata. At magpatuloy sa pagtalakay ng modelo sa mga natitirang pag-aaral sa kabanatang ito.

 

 

 

 

 

PAGPAPASIYANG NAAYON SA BIBLIA

 

Kilalanin ang problema, tanong, o pangyayari sa buhay kung saan hinahanap ang patnubay.

 


May tiyak na utos ba , pangkabuuang prinsipyo na sinasabi sa Biblia tungkol sa problemang ito?

















 

 

 


           Oo                                                             Hindi









 


Hanay I                                              Hanay II                                   Hanay III

       

Gumawa ng pagpapasiya batay sa          Ito ba ay usaping questionable?    Ito ba ay kalagayan sa buhay?

utos, prinsipyo o halimbawa sa Biblia

 

                                                            Gumawa ng pagpapasiya batay    Magpatuloy sa mga hakbang

                                                            sa mga sagot sa mga tanong na    na ito: 

                                                            ito:

                                                           

                                                            Naluluwalhati ba ang Dios?         Manalangin







 


                                                            Ano ang nagbubunsod sa iyo?      Mag-aral ng Biblia







 


                                                            Kailangan ba ito?                        Makinig sa tinig ng Espiritu Santo at kanilang patnubay kung may ibinigay

                                                           

                                                            Ito ba ay nagtataguyod ng            Humingi ng payo sa isang

                                                            espirituwal na paglago?               Kristiyano







 


                                                            Ito ba ay umaalipin na ugali?        Suriin ang pangyayari







 


                                                            Ito ba ay malalagay sa                 Gamitin ang mga susi sa

                                                            kompromiso?                              Biblia para sa direksyon







 


                                                            Ito ba ay mag-aakay sa               Gumawa ng pagpapasya

                                                            panunukso?







 


                                                            Ito ba ay nagbibigay ng anyong    Tsek kung may kapayapaan

                                                            masama?

 


                                                            Ito ba ay lumabag sa iyong

                                                            konsiyensiya?



 


                                                            Ito ba ya makakasama sa iba?

 


                                                            Manalangin at gumawa ng pagpapasiya



 


                                                            Tsek kung may kapayapaan

 

Kung ikaw ay walang kapayapaan, magpatuloy na hanapin ang Panginoon gamit ang halimbawang ito.

                                                            GAMITIN ANG HALIMBAWA

 

Ang unang hakbang sa halimbawa ng paggawa ng pagpapasiya ay alamin ang problema, tanong o kalagayan sa buhay kung saan hinahanap ang patnubay. Sumunod, saliksikin ang nakasulat na Salita Ng Dios para makita kung may utos, halimbawa, o pangkabuuang prinsipyo na sinasabi ang Biblia tungkol sa problemang ito.

 

Oo:

 

Kung ang sagot ay “Oo, may tinutukoy ang nakasulat na Salita Ng Dios,” pagkatapos gumawa ng pagpapasiya batay sa nakasulat na kapahayagan. (Tingnan ang unang hanay sa halimbawa). Siguruhin na ang iyong pagpapasiya ay may pagkakaisa sa Biblia.

 

Hindi:

 

Kung ang sagot ay “hindi”, magpatuloy sa halimbawa ng paggawa ng pagpapasiya ayon sa una at ikalawang hanay . Makakakita ka ng dalawang pagpili para sa kalagayan na hindi tinukoy sa Biblia. Dapat mong malaman kung ang pagpapasiya ay may kinalaman sa usaping qquestionable o tunay na kalagayan ng buhay.

 

MGA USAPING QUESTIONABLE

 

Ang mga usaping questionable ay mga bagay na hindi tinukoy sa Biblia kung tama o mali. Maaaring may kinalaman ang pagpili ng paglilibang o mga gawaing pampalipas ng oras, isang gawi, pinapayagan na pagkain o mga inumin, uri ng damit o araw ng pagsamba.

 

Kung ang mga pagpapasiya ay may kinalaman sa hindi tiyak na mga gawi, itanong mo sa iyong sarili ang mga tanong sa ikalawang hanay ng halimbawa. Ito ang mga naaayon  sa Biblia na mga prinsipyo sa pagpatnubay sa mga hindi tiyak na mga kalagayan na tinalakay sa ikawalong kabanata. Sagutin ang mga tanong at manalangin, pagkatapos ay gumawa ng pagpapasiya batay sa iyong mga sagot sa mga tanong ayon sa halimbawa.

 

MGA KALAGAYAN NG BUHAY

 

Maaaring kasama sa kalagayan ng buhay ang mga pagpapasiya ayon sa pagpapakasal, ministeryo, trabaho, tirahan, pagpili ng iglesya, at iba pa subalit hindi  nalilimitahan sa mga ito ang kalagayan ng buhay. Ito ay pagpili na maaaring umepekto sa malaking bahagi ng iyong kinabukasan.

 

Para sa pagpapasiya tungkol sa mga usapin ng buhay, magpatuloy sa ikatlong hanay sa kanang bahagi ng halimbawa sa pagpapasiya. Ang una manalangin tungkol sa pagpapasiya. Hilingin Sa Dios na magawa ang Kanyang kalooban sa iyong buhay. Hilingin sa Kanya ang katalinuhan sa paggawa ng tamang pagpapasiya. Purihin Siya sa pagpatnubay sa paggawa ng tamang pagpapasiya. Humingi sa iba na tulungan kang manalangin. Pag-aralan ang Biblia at sa iyong pag-aaral angkinin ang mga pangako para sa pagpatnubay na ibinigay sa nakasulat na Salita Ng Dios.

 

Makinig sa "inner voice" Ng Espiritu Santo sa Kanyang pangungusap ng kalooban Ng Dios sa iyong puso.

 

Kilalanin ang superior na kapahayagan na nais iparating Ng Dios. Maaaring sa mga panaginip, mga pangitain, mga anghel, at "audible voice" mula Sa Dios o ibang natatanging paraan ng pagpatnubay na may pagkakaisa sa Salita Ng Dios.

 

Humingi ng Kristiyanong payo. Suriin ang pangyayari na umepekto sa pagpapasiya. Gamitin ang mga susi ayon sa Biblia para sa pagpatnubay na iyong natutuhan sa huling kabanata.( Ito ay makikita sa Kawikaan 3:5-6). Batay sa pakikipagkaisa sa mga paraan na ito gumawa ng pagpapasiya.

ANG TAGAHATOL NG KAPAYAPAAN

 

Sa mga pagpapasiya na hindi tiyak na tinukoy sa utos, prinsipyo, o halimbawa sa Biblia, ang kapayapaan ang iyong patnubay. Sa paggawa ng pagpapasiya sa mga hindi tiyak na gawi o kalagayan ng buhay at wala kang kapayapaan sa iyong espiritu, magpatuloy na hanapin Ang Panginoon, gamitin ang mga hakbang sa halimbawa. Huwag kang gagawa ng huling pagpapasiya hanggat wala kang kapayapaan ng Dios na nagpapatunay sa iyong pagpili.

 

Huwag kailanman magmadali:

 

Magantay ka sa Panginoon:  Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;  Oo, umasa ka sa Panginoon.  (Mga Awit 27:14)

 

Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Diyos lamang;  Sapagka’t ang aking pagasa ay mula sa Kaniya.  (Mga Awit 62:5)

 

Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa Kaniya…        (Mga Awit 37:7)

 

Nguni’t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas;  sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila;  sila’y masisitakbo, at hindi mangapapagod;  sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina.  (Isaias 40:31)

 

Si Saul ay nagmadali sa paggawa ng pagpapasiya na naging kapalit ng kanyang kaharian. Mababasa mo ito sa I Samuel 13. Si Nehemias ay  naghintay ng patnubay mula Sa Dios at ng tamang panahon, at siya ay naging bahagi ng muling pagtatayo ng kaharian. Mababasa mo ang kuwento sa aklat ng Nehemias.

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

 

2.    Ano ang  layunin ng modelo?

________________________________________

 

3. Ano ang modelo ng paggawa ng pagpapasiya?

________________________________________

 

( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Gamitin ang halimbawa na naaayon sa Biblia na ipinakita sa kabanatang ito para matulungan ka na gumawa ng pagpapasiya tungkol sa problema, tanong o kalagayan ng buhay na  kinakailangan mo ng pagpatnubay.

IKA-SAMPUNG KABANATA

 

NAGSIKAP AT NABIGO?

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito ikaw ay may kakayahan na :

 

·                  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                  Kilalanin ang halimbawa ng mga lalaki sa Biblia na napagtagumpayan ang kabiguan at bumalik sa ganap na kalooban Ng Dios.

·                  Kilalanin ang halimbawa ng mga lalaki na hindi nagawa ang kalooban Ng Dios at ang kanilang buhay ay nagtapos sa kabiguan.

·                  Isulat ang mga patnubay para makabalik sa kalooban Ng Dios kung ikaw ay nabigo.

 

SUSING TALATA:

 

Oh kung Ako’y didinggin ng Aking bayan, kung ang Israel ay lalakad sa Aking mga daan!   ( Mga Awit 81:13)

 

PAMBUNGAD

 

Sa kursong ito matutuhan mo ang maraming mga paraan kung paano sinasabi Ng Dios ang Kanyang kalooban sa tao. Subalit ano ang mangyayari kung nabigo ka  na malaman ang kalooban Ng Dios? Marahil sinadya mong suwayin ang Kanyang tinig. Marahil hindi mo nakita ang Kanyang pangunguna sa pamamagitan ng pagkakamali o hindi naunawaan ang mga prinsipyo sa Biblia. Maaaring kumilos ka ng mabilis at walang patnubay. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nagsikap subalit nabigo?

 

MGA KABIGUAN NA NAGING TAGUMPAY

 

Ang Biblia ay naglalaman ng maraming halimbawa ng mga dakilang pinuno na minsan sa kanilang mga buhay ay nabigo na makinig sa tinig Ng Dios at hindi nakita ang kalooban Niya. Subalit ang mga  lalaking ito na nabigo ay naging matagumpay.

 

Abraham: Siya ay nagsinungaling tungkol kay Sarah na kanyang asawa dahil sa takot na siya ay mapatay at baka kunin ang kanyang asawa. Subalit siya ay tinawag na lalaking may pananampalataya at kaibigan Ng Dios.

 

Moises: Hinampas niya ang bato at lumabas ang tubig sa halip na kanyang kausapin tulad ng sinabi Ng Dios . Subalit ayon sa Biblia walang propeta na kasing dakila na katulad Ni Moises.

 

David: Siya ay nangalunya sa asawa ng ibang lalaki, pagkatapos nakapatay siya para pagtakpan ang kanyang kasalanan. Subalit siya ay dakilang hari at tinawag na lalaki na malapit sa puso Ng Dios.

 

Jonas: Ang mangangaral na ito ay nagtungo sa kasalungat na lugar nang siya ay  pinapupunta Ng Dios na mangaral sa Nineveh. Makalipas ang panahon siya ay nangaral ng dakilang revival sa kasaysayan. Ang buong siyudad ay nagsisi.

 

Pedro: Itinakwil niya Si Jesus, subalit sa huli siya ay naging dakilang pinuno ng unang iglesya.

 

MGA KABIGUAN NA NANATILING KABIGUAN

 

Naglalaman din ang Biblia ng mga halimbawa ng lalaking hindi nagawa ang kalooban Ng Dios at ang kanilang buhay ay nagtapos sa kabiguan at pagkatalo

 

Samson: Siya ay mahalagang hukom sa bansang Israel at mayroong napakalakas na pangangatawan na ibinigay sa kanya Ng Dios. Iniligtas niya ang mga Israelita sa mga kaaway na Pilisteyo. Subalit siya ay nagkaroon ng relasyon sa paganong babae, siya ay naging bilanggo at namatay na isang bihag ng kaaway.

 

Uziah: Sa simula ginagawa niya ang tama sa paningin Ng Panginoon at ginawa siyang masagana Ng Dios. Subalit siya ay nagkasala sa pagpasok niya sa templo at gumawa ng mga gawain na dapat ang saserdote ang gumagawa. Siya ay nagkaroon ng ketong at namatay.

Saul: Ang unang hari ng Israel, siya ay mahal ng mga tao at nananahan ang Epsiritu Ng Dios sa kanya. Dahil sa pagsuway, Si Saul ay tinanggihan Ng Dios  at mayroong ibang hari na napili para tapusin ang kanyang gawain. Ang buhay niya ay nagtapos sa kabiguan, kahihiyan, at nagpakamatay.

 

Eli: Sa simula siya ay dakilang saserdote sa tahanan Ng Panginoon, si Eli at ang kanyang mga anak na lalaki ay namatay na kahiyahiya dahil sa pagsuway.

 

Judas: Si Judas ay alagad Ni Jesus sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa. Nakita niya ang mga dakilang himala Ni Jesus at narinig ang mga turo Niya. Pagkatapos itinatuwa niya Si Jesus at nagpakamatay.

 

ANO ANG NAGING  PAGKAKAIBA?

 

Isinulat natin ang mga halimbawa ng mga lalaki na minsan ay hindi nagawa ang kalooban Ng Dios. Ang ilan sa mga lalaking ito ay nakabangon mula sa kabiguan at naging mga dakilang lalaki Ng Dios. Ang iba ay hindi nabaliktad ang patutunguhan. Ang kanilang buhay ay nagtapos sa kabiguan. Ano ang naging pagkakaiba?

 

Para sagutin ang mga tanong na ito, ating saliksikin ng detalye ang buhay ng dalawang mga hari ng Israel, si David at Saul. Una, basahin ang kuwento ni David sa pagtalikod mula Sa Dios sa ikalawang Samuel kabanata 11-12. Pagkatapos basahin ang kuwento ng pagkabigo ni Saul  sa unang Samuel kabanata 15. Makikita natin na ang kabiguan ni David ay masmalaki kaysa kay Saul. Si Saul ay nagdala ng ilang mga baka na galing sa labanan ngunit sinabi sa kanya Ng Dios na huwag gawin iyon.

 

Si David ay nangalunya sa asawa ng ibang lalaki. Nang siya ay nagdalang tao ipinapatay niya ang asawang lalaki at sinubukan niya na pagtakpan ang kanyang kasalanan. Si Saul ay tinanggihan Ng Dios bilang hari, subalt si David ay nanatili sa trono at tinawag na lalaking malapit sa puso Ng Dios. Bakit ang buhay ng isang lalaki ay nagtapos sa kabiguan at ang isa ay naging matagumpay?

 

Nang si propeta Samuel ay hinarap si Saul sa kasalanang nagawa niya, sinabi ni Saul…

 

…Ako’y nagkasala; sapagka’t ako’y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita;  sapagka’t ako’y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.            

 

Nang magkagayo’y kaniyang sinabi, ako’y nagkasala: gayon ma’y parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Diyos.  ( I Samuel 15:24 at 30)

 

Si Saul ay nahuli sa kanyang kasalanan at inamin niya ito. Siya ay nalungkot, dahil siya ay nahuli, ang malungkot dahil sa kasalanan ay hindi sapat. Ang kalungkutan ay dapat magdulot ng pagsisisi:

 

Sapagka’t ang kalumbayang mula sa Diyos, ay gumagawa ng pasisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot;  datapuwa’t ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.  ( II Corinto 7:10)

 

Tinaggap ni Saul na siya ay nagkasala, subalit isinisi niya ang kanyang pagkakamali sa ibang tao. Nais niya na igalang siya sa harapan ng mga pinuno para hindi siya  mapahiya. Nais niya na si Samuel ay sumamba Sa Dios kasama niya para maipakita sa mga tao na siya ay espirituwal na tao.

 

Hindi tinanggap ni Saul na siya ay nagkasala sa Dios, hindi siya nagsisi, at humingi ng patawad. Tinanggihan niya na tanggapin ang personal na responsabilidad sa kanyang ginawa. Naghandog siya ng pagsamba Sa Dios subalit ang nais Ng Dios ay pagsisisi. Si Saul ay mas interesado sa kanyang reputasyon sa mga tao higit sa kanyang relasyon Sa Dios. Dahil dito , sinabi ni Samuel Kay Saul:

          

…Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo.  ( I Samuel 15:28)

 

Ang kaharian ay binawi kay Saul at ibinigay kay David.

 

Nang hinarap ni Propeta Nathan si David tungkol sa kanyang kasalanan, dagling kinilala ni David ang kanyang kasalanan:

 

At sinabi ni David kay Nathan, ako’y nagkasala laban sa Panginoon…( II Samuel  12:13)

 

Hindi niya sinubukan na isisi sa iba. Hindi niya sinisi si Bathsheba. Tinanggap niya ang kanyang pagkabigo at may kapakumbabaan siyang nagsisi sa harapan Ng Dios.

 

Ang dakilang panalangin ni David ay nakasulat sa Mga Awit 51. Basahin ang buong Awit sa iyong Biblia. Tinanggap ni David ang kanyang kasalanan at humingi ng patawad:

 

Sapagka’t kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking kasalanan ay  laging nasa harap ko.

       

Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong Paningin…

 

Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Diyos; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. ( Bahagi ng mga Awit 51)

 

Pareho, si Saul at si David ay gumawa ng maling pagpili. Nang siya ay naharap sa kanyang pagkakamali, Si David ay nagsisi at nagbago ng patutunguhan. Si Saul ay hindi. Siya ay nanatiling malayo sa kalooban Ng Dios at ang kanyang buhay ay nagtapos sa kabiguan , pagkatalo at pagpapakamatay.

 

NAGSIKAP SUBALIT NABIGO

 

Kung hindi mo nagawa ang kalooban Ng Dios, maraming patnubay sa Biblia na tutulong sa iyo upang makabalik ka sa kalooban ng Panginoon. Para ipakita ang patnubay na ito gagamitin natin ang halimbawa ni Jonas. Basahin ang aklat ni Jonas sa iyong Biblia bago magpatuloy sa aralin na ito.

 

Inutusan Ng Panginoon si Jonas na pumunta at mangaral ng pagsisisi sa makasalanang bansa ng Nineveh. Sa halip na sumunod Sa Dios, pumunta siya sa kabaligtarang lugar. Ginawa ni Jonas ang mga sumusunod na hakbang para bumalik sa kalooban Ng Dios. Ang mga ito ang mga hakbang na dapt gawin kung ikaw ay nakaranas ng pagkabigo:

 

KILALANIN  ANG IYONG KABIGUAN:

 

Kinailangan ng malakas na bagyo sa dagat bago mahikayat si Jonas na siya ay wala sa kalooban Ng Dios.(Jonas 1:2) Dapat mong matiyak: Ang Dios ay mayroong paraan para malaman mo  na hindi mo nagawa ang Kanyang kalooban!

 

Hanggat hindi mo nalalaman na  hindi mo nagawa ang kalooban Ng Dios, hindi ka makakabalik sa kalooban Ng Dios.

 

Huwag mong hayaan ang anumang dahilan para tanggapin mo ang iyong kabiguan. Narito ang kadalasang mga dahilan:

 

            “Mawawalan ng tiwala ang mga tao sa akin.”

            “ Kung tatanggapin ko ang aking pagkabigo, tinatanggap ko rin na mali ako.”

            “ Nabigo na ako. Susuko na lang ako.”

            “ Huli na.”

            “ Ako ay masamang halimbawa, susuko na lang ako.”

            “ Masyado akong malayo sa kalooban Ng Dios para maayos ko ang mga bagay.”

            “ Hindi ko alam kung makikita ko pa ulit ang kalooban Ng Dios .”

 

MAGSISI SA IYONG KASALANAN:

 

Ang dakilang panalangin ng pagsisisi ni Jonas ay nakasulat sa Jonas kabanata 2. Tinanggap ni Jonas ang kanyang kasalanan sa harapan Ng Dios, nagsisi, at humingi siya ng patawad. Kung  hindi mo nagawa ang kalooban Ng Dios, lumapit ka sa Panginoon na may pagsisisi at hilingin  na patawarin ka Ng Dios. Siguruhin mo na napatawad mo ang iyong sarili! Hindi kinakailangan na magsisi sa publiko, maliban na umepekto ito sa buhay ng iba at kailangan mong humingi ng patawad sa kanila. Kinakailangan na magsisi ka Sa Dios.

 

KILALANIN ANG DAHILAN NG PAGHIHIWALAY:

 

Sa pananalangin, ang nakasulat na Salita Ng Dios, at ang  patnubay ng Espiritu Santo, ay nalalaman ang dahilan kung bakit mo hindi nagawa ang kalooban Ng Dios. Sa kaso ni Jonas, nalaman niya ang dahilan kung bakit hindi niya nagawa ang kalooban Ng Dios nang siya ay pumunta sa kabilang lugar mula sa Nineveh.

 

BUMALIK PARA MAITAMA ANG MALI:

 

Bumalik sa dahilan kung bakit hindi nagawa ang kalooban Ng Dios at itama ang pagkakamali, kung posible. Nang malaman ni Jonas ang kanyang kabiguan ay nagsimula sa pagpunta sa kabilang lugar mula sa Nineveh, binaliktad niya ang kanyang patutunguhan. Siya ay nagpunta sa Nineveh. Itinama niya ang mali ( Jonas 3:3)

 

Kung minsan wala ka nang magagawa para maitama ang mali maliban sa pagsisisi. Sa halimbawa ni David na ating tinalakay, wala na siyang magawa tungkol sa kanyang kasalanan kay Bathsheba pagkatapos na ito ay nagawa. Ang pagkakamali ay nagawa na. Wala na siyang magawa para maitama maliban sa pagsisisi. Sa mga pagkakataon na maaari mong maitama, dapat mo itong gawin.

 

KAPAHAYAGAN… HANAPIN ANG DIOS PARA KUMILOS SA BAGONG PATUTUNGUHAN:

 

Pagkatapos mong aminin ang iyong kabiguan, humingi ka ng patawad, alamin kung saan ka nagkamali, at itama ang mga posibleng pagkakamali, hanapin ang Pannginoon para sa bagong direksiyon. Alkisin ang mga nakasasagabal para marinig ang tinig Ng Dios. Maaari itong paghihimagsik, sariling-kalooban, at maling mga ugali. Ipagpatuloy mong hubugin ang iyong espirituwal na tainga para marinig ang tinig Ng Dios sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng Kanyang nakasulat na Salita.

 

Kung paano humingi Sa Dios si Jonas ng bagong direksiyon, ang Panginoon ay nangusap muli sa kanya sa ikalawang pagkakataon at sinabi Niya, “Magbangon ka, at magpunta sa Nineveh” ( Jonas 3:1-2). Sa pagkakataon na ito si Jonas ay sumunod sa tinig Ng Panginoon. Siya ay nagpunta sa Nineveh at nangaral ng mensahe Ng Dios. Naranasan niya ang pinakadakilang revival sa kasaysayan. Ang buong siyudad ay nagsisi. (Jonas kabanata 3).

 

Ang Biblia ay nagtataglay ng maraming kuwento ng mga lalaki na katulad ni Jonas. Ang mga lalaking ito ay nabigo subalit tinanggap ang kanilang kabiguan at humingi ng patawad. Kapag kanilang ginawa ito, palagi silang pinatatawad Ng Dios at naglalaan ng bagong direksiyon. Gagawin Niya ito sa iyo! Hindi tinitingnan Ng Dios ang iyong nakaraan. Hindi Siya tumitingin kung ano ka. Nakikita niya kung ano ang mangyayari sa  lalaki at babae na susunod sa tinig Ng Dios.

 

BUOD

 

Ang sumusunod na tsart ay buod ng mga patnubay mula sa Biblia na dapat sundin kung hindi mong magawa ang kalooban Ng Dios.

 

 

KUNG HINDI MO NAGAWA ANG KALOOBAN NG DIOS

 

 

Kilalanin  ang iyong kabiguan:

 

Magsisi sa iyong kasalanan:

 

Kilalanin ang punto ng paghihiwalay:

 

Bumalik para maitama ang mali:

 

Kapahayagan… hanapin     Ang Dios para kumilos sa bagong patutunguhan:

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

2.      Kilalanin ang tatlong halimbawa ng mga dakilang lalaki mula sa Biblia na nagtagumpay sa kabila ng kabiguan at bumalik sa ganap na kalooban Ng Dios.

________________________________________

3.      Kilalanin ang tatlong halimbawa ng mga lalaki mula sa Biblia na hindi nagawa ang kalooban Ng Dios at ang buhay ay nagtapos sa kabiguan:

________________________________________

4. Isulat ang anim na mga patnubay para makabalik sa kalooban Ng Dios kung ikaw ay nabigo:

____________________________________  _______________________________________

____________________________________  _______________________________________

____________________________________  _______________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

 

1.       Sa Lucas 15:11-32 nagkuwento Si Jesus tungkol sa isang batang lalaki na iniwanan ang kanyang ama at nagpunta sa malayong  lugar.  Pag-aralang mabuti ang kuwento, lalo na ang bahagi na nagsasabi na ang anak na lalaki ay bumalik sa tahanan ng kanyang ama. Matutuklasan na sinunod niya ang patnubay para sa pagtutuwid ng kabiguan na tinalakay sa kabanatang ito.

 

2.         Pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa ng mga lalaking minsan sa bahagi ng kanilang buhay ay hindi nagawa ang kalooban Ng Dios sa kanilang buhay.Sino ang  naitama ang kanilang mga kabiguan? Paano nila naibaling ang kanilang kabiguan sa tagumpay? Sino ang hindi naitama ang kanilang mga kabiguan? Ano ang resulta?

 

Abraham:         Genesis 20-21

Moises:            Exodo ; tingnan ang Mga Gawa 7:20-44

Balaam:            Mga Bilang 22

Uziah:               II Cronica 26

Samson:           Hukom 13-16

David:              II Samuel 11-12; Mga Awit 51

Saul:                 I Samuel 8-15

Jonas:               Ang aklat ni Jonas

Pedro:              Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Mga Gawa

Juan Marcos:  Mga Gawa 12:12, 25; 15:39; II Timoteo 4:11

 

Maaari kang magdagdag ng ibang halimbawa sa mga listahan na ito sa iyong pansariling pag-aaral ng Salita Ng Dios.

 

3.       Si Jesus ay nagkuwento ng mahalagang talinhaga tungkol sa kalooban Ng Dios. Pag-aralan ang Lucas 12:42-48 at Mateo 21:28-32 at ibuod ang iyong natutuhan.

 

________________________________________

 

 

 

 

 

IKA-LABING ISANG KABANATA

 

ANG KALOOBAN NG DIOS AT PAGDURUSA

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang limang dahilan ng pagdurusa.

·                    Malaman na ang kalooban Ng Dios ay maaring mangailangan ng pagdurusa.

·                    Masabi ang pagdurusa sa loob at labas ng kalooban Ng Dios

·                    Isulat ang positibong pakinabang ng pagdurusa  sa loob ng kalooban ng Dios.

 

SUSING TALATA:

 

Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang. ( I Pedro 4:19)

 

PAMBUNGAD

 

Iyong narinig ang tinig Ng Dios. Iyong hinanap ang patnubay, ibinigay ito, at iyong tinahak ang daan ng buhay na sa tingin mo ay inilaan ng Dios para sa iyo. Subalit bilang resulta ng pagpapasiyang ito ikaw ay nakakaranas ng mga problema na maaaring hindi mangyari kung lalayo ka  mula sa bagong daan ng kalooban Ng Dios na iyong tinatahak.

 

Talaga bang narinig mo ang tinig Ng Dios o nagkamali ka? Ang mga mahihirap bang karanasan na ito ay tanda mula Sa Dios na hindi ka nammumuhay ayon sa kalooban Niya? Hinahayaan ba Ng Dios ang pagdurusa na mangyari sa isang tao na nabubuhay ng matuwid sa loob ng kalooban Ng Dios?

 

Nang Si Jesus ay narito sa lupa at nagsalita Siya tungkol sa pagdurusa Siya ay nahaharap sa krus, marami sa Kanyang mga tagasunod ay iniwan Siya ( Juan 6:55-66). Kanilang inaasahan na ang Mesias ay maghahari nang may kapangyarihan at kaluwalhatian. Sa halip , Siya ay nagsalita tungkol sa pagdurusa. Hindi nila maunawaan ito, kaya sila ay tumalikod.

 

Kung hindi mo maunawaan na ang pagdurusa ay may kaugnayan sa kalooban Ng Dios, ikaw din ay maaaring tumalikod sa pagsunod Kay Jesus kung may hinaharap na mahirap na kalagayan. Hindi nilikha Ng Dios ang pagdurusa.. Nang una ito ay pumasok sa mundo sa pamamagitan ng kasalanan ng tao ( Genesis 3). Subalit kayang alisin Ng Dios ang ninanais na masama para magamit sa ikabubuti para matupad ang Kanyang mga layunin.

 

 

 

ANG DAHILAN NG PAGDURUSA

 

Maraming masasabi ang Biblia tungkol sa pagdurusa, mga problema, at mga dalamhati. Para sa buod ng pagtuturo, natuklasan natin ang limang mga paraan para ang pagdurusa ay mangyari sa mananampalataya:

 

ANG IBANG NAKAPALIBOT SA IYO:

 

Ang pagdurusa ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng ibang nakapalibot sa iyo. Si Jose ang isang halimbawa ng ganitong klaseng pagdurusa.. Hindi siya nagkamali. Si Jose ay ipinagbili sa Egipto ng kanyang mga kapatid na lalaki, nakulong ng mali dahil sa asawa ni Potipar, at nakalimutan ng mga natulungan niya sa kulungan.

 

Subalit pakinggan mo ang kanyang tugon. Sinabi ni Jose …

 

At ngayo’y huwag kayong magdalamhati o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka’t sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay...hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios.( Genesis 45:5,8)

 

MGA PANGYAYARI SA BUHAY:

 

Ang ikalawang paraan kung paano dumarating ang pagdurusa ay sa pamamagitan ng pangyayari sa buhay. Ito ay inilarawan sa buhay ni Naomi, nasulat sa aklat ni Ruth sa Biblia, na nakaranas ng kamatayan ng kanyang asawa at mga lalaking anak.

 

Hanggang sa pagbabalik Ni Jesus at ang huling kaaway na kamatayan ay nagapi na, ang kamatayan ay bahagi ng buhay. Ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng unang kasalanan ng tao at ito ang natural na mangyayari na mahaharap ng lahat, dahil “ itinakda sa tao na minsan lamang mamatay” (Hebreo 9:27).

 

ANG IYONG MINISTERYO:

 

Ang ikatlong dahilan ng pagdurusa ay dahil sa iyong ministeryo sa Panginoon. Ang Bagong Tipan ay nagsasabi ng pagdurusa para sa kapakanan ng Kanyang pangalan ( Mga Gawa 9:16), alangalang kay Cristo, (Filipos 1:29) para sa kaharian Ng Dios ( II Tesalonica 1:5), para sa Ebanghelyo ( II Timoteo 1:11-12), para sa mabuting gawa ( I Pedro 2:19-20; 3:17), para sa kapakanan ng katuwiran ( I Pero 3:14), bilang Kristiyano ( I Pedro 4:15-16), at ayon sa kalooban Ng Dios ( I Pedro 4:19).

 

Si Apostol Pablo ay isang halimbawa ng pagdurusa na resulta ng ministeryo. Ang pananaw ng ibang tao na ang pagdurusa ay tanda ng kabiguan o kulang sa pananampalataya. Kung ito ay tutoo, si Apostol Pablo ay walang pananampalataya at ang pinakamalaking kabiguan sa kasaysayan ng iglesya.

 

Sinabi ni Pablo noong siya ay nasa Asia na siya ay lubos na nilupig at walang pag-asa.sa buhay ( II Corinto 1:8) Ipinakita niya ng kakaibang larawan sa isang masayahing mangangaral na nangangako sa mga mananampalataya ng walang iba kundi  kapayapaan at kasaganaan. Nang unang tinawag Ng Dios si Pablo sa ministeryo  siya ay sinabihan ng “dakilang mga bagay” siya magdurusa para sa kapakanan Ng Panginoon (Mga Gawa 9:16). Ang tugon ni Pablo sa pagdurusa ay magtiis “sa pagkawala ng lahat ng mga bagay para makamtan ang iba para Kay Cristo.” Sumulat siya sa mga mananampalataya “para sa iyo ibinigay hindi lamang para manalig, subalit para magdusa para sa Kanya” ( Filipos 1:29).

 

Si Pablo ay hindi nag-iisa sa ministeryo. Ang buong iglesya ay nagdusa sa panahon ng Bagong Tipan ( Mga Gawa 8). Sa ikalabing-isang kabanata ng Hebreo ay nakasulat ang mga                 kuwento ng malupit na pag-uusig na kanilang pinagtiisan. Marami sa mga lalaki at babae na may pananampalataya ay naligtas sa pamamagitan ng kapangyarihan Ng Dios. Ang mga pintuan ng kulungan ay nabuksan at sila ay nakatakas. Sila ay nahusgahan ng kamatayan sa nag-aapoy na pugon subalit tumayo na hindi na napinsala ng apoy.

 

Subalit ang ilan sa mga mananampalataya, na tinawag din na lalaki at babae na may pananampataya, ay hindi naligtas. Sila ay nabilanggo, nasaktan, pinahirapan, at pinatay dahil sa kanilang patotoo ng Ebanghelyo ( Hebreo 11:36-40). Tayo ay tumingin sa buhay na pananampalataya subalit ang Dios ay nagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan sa nagwawakas na pananampalataya. Ito ang pananampalataya na nakatindig nang tunay sa mahirap na pagkakataon, hindi lamang sa mabuting panahon kung ang makapangyarihang pagliligtas ay nakita.

 

ANG TUWIRANG GAWA NI SATANAS:

 

Ang pagdurusa ay maaring mangyari sa iyong buhay bilang resulta ng tuwirang  gawa ni Satanas. Ito ay makikita sa kuwento ng buhay ni Job. Ang aklat na ito ay nakikipaglaban sa tanong , “Bakit nagdurusa ang matuwid?”

 

Ang patotoo Ng Dios sa buhay ni Job ay nagpapatunay na siya ay matuwid na tao (Job 1-2). Si Job ay hindi nagdusa dahil siya ay nagkasala, katulad ng sinasabi ng kanyang kaibigan. Naniniwala sila na kung si Job ay magsisisi, ang kalagayan niya ay mababago. Ang mga kaibigan ni Job ay gumagawa ng pangkalahatang pananaw batay sa kanilang karanasan. Maaaring masabi na dahil si Pedro ay iniligtas Ng Dios mula sa bilangguan Kanyang gagawin din ito sa iyo. Ito ay hindi totoo. Marami ang napatay sa bilangguan sa kabila ng kanilang dakilang pananampalataya at walang kasalanan sa buhay.

 

Dapat tayong maging maingat kung paano natin titingnan ang pagdurusa ng iba na hindi natin sila huhusgahan ng kasalanan, kawalan ng pananampalataya , o di paniniwala. Itinuturo Ng Biblia na  ang makasalanan na tao ay aani ng mapait na anihin dahil sa paghahasik ng mga gawa ng laman (Galacia 6:8). Subalit ang paghahasik at pagaani ay hindi puwedeng gamitin sa pagpapaliwanag ng pagdurusa ng walang –sala.

 

Si Job ay hindi nagdusa dahil sa anumang ginawa niya. Siya ay matuwid na tao. Ito ang patotoo Ng Dios kay Job, at ang patotoo ni Job sa kanyang sarili, at ang kanyang reputasyon sa tao. Ang tunay na dahilan ng pagdurusa ni Job ay hindi nakikita ito ay sa espirituwal na mundo. Mayroong espirituwal na pakikipaglaban na nangyayari sa puso, isip , at katapatan ni Job.

 

Mayroong pakikipaglaban na nangyayari sa iyo sa espirituwal na mundo. Ang pakikipaglaban na iyon ay nakikita sa mahirap na kalagayan na iyong nararanasan sa natural na mundo. Ang mahalagang katotohanan na nakita sa pagdurusa ni Job ay walang mangyayari sa buhay ng mananampalataya na hindi alam Ng Dios. Hindi ang Dios ang sanhi ng iyong pagdurusa. Ito ay gawa ni Satanas, subalit ang limitasyon ay inilagay Ng Dios.

 

ANG IYONG SARILING KASALANAN:

 

Ang ika-limang paraan kung paano ka nagdurusa ay dahil sa iyong sariling kasalanan. Si Jonas ay isang halimbawa ng ganitong pagdurusa. Dahil sa pagsuway Sa Dios, si Jonas ay pumunta sa kabilang direksiyon mula sa Nineveh kung saan siya pinapupunta upang ipangaral ang pagsisisi. Nakaranas siya ng sobrang lakas ng bagyo sa dagat at nagtapos sa tiyan ng malaking isda dahil sa kanyang sariling kasalanan ( Jonas 1-2).

 

Ang kaguluhan ay palaging dapat tratuhin na tawag para tingnan ang iyong mga gawi at saliksikin ang iyong puso sa harapan Ng Dios. Katulad ni Jonas, maaari kang magdusa dahil sa iyong kasalanan. Ipinahayag ng Biblia na pinarurusahan Ng Dios ang mga sumusuway sa Kanyang Salita. Ang ibig sabihin ng kastiguhin ay para disiplinahin, kagalitan at itama:

 

Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma’y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito. (Hebreo 12:11)

 

Ginagamit Ng Dios ang pagdurusa para itama ka at mapanumbalik ka sa kalooban Niya sa iyong buhay:

 

Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; Ngunit ngayo’y tinutupad ko ang iyong salita...

 

Mabuti sa akin na ako’y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.

 

Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati. (Mga Awit 119:67,71,75)

 

ANG TAMANG PAKIKITUNGO SA PAGDURUSA

 

Subalit ang kaguluhan ay hindi palaging tanda ng wala sa kalooban Ng Dios. Sinasabi ng Biblia na “marami ang dalamhati ng mga matuwid” (Mga Awit 34:19). Kung ikaw ay nagdurusa ng walang kasalanan at hindi dahil sa iyong sariling kasalanan, dapat mong panatilihin ang tamang ugali tungo sa pagdurusa. Ang tunay na pagsusulit ng iyong espirituwal na katayuan ay kung paano ka tumugon sa araw ng pagdurusa:

 

Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti. (Kawikaan 24:10)

 

Inilarawan ng Biblia ang iyong dapat na ugali kung ikaw ay nagdurusa bilang mananampalataya sa loob ng kalooban Ng Dios. Hindi ka dapat mahiya:

 

Nguni’t kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya, kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.(I Pedro 4:16)

 

Dapat mong italaga ang iyong kaluluwa ( ang iyong pagdurusa) Sa Dios, alam mo na Siya ay kumikilos sa lahat para sa iyong kabutihan.

 

Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.

(I Pedro 4:19)

 

Dapat kang matuwa kung ikaw ay nagdurusa ayon sa kalooban Ng Dios:

 

Sila nga’y nagsisangayon sa kaniya: at pagkatawag nila sa mga apostol, ay pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila’y pinawalan. (Mga Gawa 5:41)

 

Sinabi ni Pablo ikaw ay dapat:

 

Magalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa panalangin. ( Roma 12:12)

 

…bagama’t inuupasala ay kami’y nangagpala; bagama’t mga pinaguusig, ay nangagtiis kami…( I Corinto 4:12)

 

…sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis… (II Corinto 6:4)

 

…kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios. ( II Timoteo 1:8)

 

Upang ang sinoman’y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka’t kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito. ( I Tesalonica 3:3)

 

Nguni’t ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio. (II Timoteo 4:5)

 

 

 

 

Hindi mo dapat isipin na hindi karaniwang bagay kung ikaw ay nakakaranas ng pagdurusa:

 

Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo’y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo’y di karaniwang bagay; kundi kayo’y mangagalak sapagka’t kayo’y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak. ( I Pedro 4:12-13)

 

Dapat kang magtiis ng kahirapan katulad ng isang sundalo:

 

Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. (II Timoteo 2:3)

 

Ibinigay ni Pablo sa II Corinto 4:9 ang buod ng tamang ugali kung may pagdurusa :

 

...bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, ngunit ang aming pagaktaong loob ay nababago sa araw-araw.

 

Sapagka’t ang aming magaang kapighatian na sa isang sangdali lamang ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

 

Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa’t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan. (II Corinto 4:16-18)

 

Sa palagay ni Pablo ang pagdurusa ay bilang isang tagapaglingkod. Sinabi niya na ito ay gagawa para sa atin kung ipapako natin ang ating mga mata sa walang-hanggang benipisyo nito sa halip na problema.

 

ANG POSITIBONG PAKINABANG NG PAGDURUSA

 

Narito ang ilan sa mga positibong pakinabang ng pagdurusa ayon sa kalooban Ng Dios:

 

ANG IYONG PANANAMPALATAYA AY NASUBUKAN:

 

Batay sa pananampalataya ang lahat ng nasa espirituwal na mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang lakas ng iyong pananampalataya ay sinusubok:

 

Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo.( I Pedro 1:7)

 

Isang pagsubok sa pananampalataya kung ikaw ay mananalangin ng katulad ng ginawa Ni Jesus, para sa Dios na hayaan na ang saro ng kapaitan ay lumipas , subalit ito ay hindi lumipas. Sa halip, ikaw ay napilitan na uminom sa pagdurusang ito. Subalit matututuhan ng pananampalataya na ang ating mga panalangin ay hindi nasagot dahil sa hindi ito sinagot nang ayon sa ating kagustuhan.

 

MAY KAKAYAHAN KANG UMALIW SA IBA:

 

Purihin nawa ang Dios at Ama ng mga kaawaan at Dios ng boong kaaliwan;

 

Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios. (II Corinto 1:3-4)

 

Kung iyong ibabahagi ang kaginhawahan Ng Dios sa iba…

 

…itaas ninyo ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig;

 

At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa upang huwag maligaw ang pilay, kundi bagkus gumaling. (Hebreo 12:12-13)

 

NATUTUHAN MONG HUWAG MAGTIWALA SA IYONG SARILI:

 

Sinabi ni Pablo ang layunin ng kanyang pagdurusa sa Asia:

 

...Sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya ano pa’t kami ay nawalan na ng pag-asa sa buhay.

 

Oo, kami ay nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay. (II Corinto 1:8-9)

 

Iyong malalaman na …

 

…Taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios at huwag mula sa aming sarili. ( II Corinto 4:7)

 

ANG POSITIBONG KATANGIAN AY NAPAUNLAD:

 

At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian  na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; at ang katiyagaan ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay ng pagasa, (sapagka’t ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso).

(Roma 5:3-4)

 

...pagkatapos na kayo’y makapagbatang sandaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. (I Pedro 5:10)

 

Ang mga katangian na ito ay tulad sa larawan Ni Jesus, na siyang plano Ng Dios para sa iyo

( Roma 8:28-29; Hebreo 2:10, 18).

 

ANG GAWA NG DIOS AY MAHAYAG:

 

Nang makita ng mga alagad ang taong bulag sapol sa pagkapanganak, itinanong nila kung sino ang dapat sisihin sa kalagayan niya. Ang kasalanan ba ng kanyang mga magulang o ang sarili niya? Si Jesus ay tumugon:

 

Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala ni ang kaniyang mga magulang man; kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios. (Juan 9:3)

 

ANG KAPANGYARIHAN NG DIOS AY NAGANAP:

 

At siya’y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo; sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan  ni Cristo. (II Corinto 12:9)

 

ANG MABUWAY AY NAALIS:

 

Ang  resulta ng pagdurusa ay lahat ng mabuway ay naalis sa iyong buhay. Hindi ka na umaasa sa mga tao, programa, o materyal na mga bagay dahil ang lahat ng mga ito ay nabigo sa oras ng pangangailangan.

 

Hinayaan ito Ng Dios …

 

…pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.(Hebreo 12:26-27)

 

Sa panahon ng bagyo ng buhay, ang lahat ng hindi naitatag Sa Dios at sa Kanyang Salita ay bumagsak . ( Mga Awit 119:89 at Mateo 7:24-27).

 

ANG IYONG POKUS AY NABAGO:

 

Kung ikaw ay nakakaranas ng pagdurusa ang iyong pansin ay kung ano ang dahilan at resulta nito. Nakatuon ka kung ano ang naging dahilan ng mahirap mong kalagayan at ang napakahirap na resulta nito sa iyong buhay. Nais ibaling Ng Dios ang iyong pansin mula sa mga pansamantalang mga bagay tungo sa pang walang-hanggan:

 

Sapagka’t ang aming magaang kapighatian na sa isang sangdali lamang ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

 

Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa’t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan. (II Corinto 4:17-18)

 

Kundi kayo’y mangagalak sapagka’t kayo’y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak. (I Pedro 4:12-13)

 

Kung tayo’y mangagtiis ay mangaghahari naman tayong kasama niya... (II Timoteo 2:12)

 

ANG DATING SARILING -LIKAS AY NABAGO:

 

Sinabi Ng Dios sa bansa ng Moab:

 

Ang moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya’y nagpahinga sa kaniya mga latak at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan o pumasok man siya sa pagkabihag; kaya’t ang kaniyang lasa ay nanatili sa kaniya at ang kaniyang bango ay nabago. (Jeremias 48:11)

 

Dahil ang Moab ay hindi nakaranas ng mga kahirapan at mga kapighatian na kinakailangan para umunlad ang mabuting alak, ang bansa ay hindi nagbago. Dahil ang Moab ay kampante at kontento sa kasaganaan ang bansa ay hindi umunlad at hindi naging espirituwal na ganap. Dahil dito walang pagbabago na naganap. Ang kanyang sariling bango ay nanatili.

 

Ang pagdurusa ay mag-aalis ng dating sariling likas. Habang ikaw ay nayayanig, nagdurusa, at nagbibigay, ang iyong espirituwal na amoy ay nagbabago mula sa karnal tungo sa espirituwal.

 

INIHANDA KA NG DIOS SA MINISTERYO:

 

Nais mo na magamit Ng Dios. Nais mo na makatulad Ni Jesus at maging piniling sisidlan para magamit ka Niya. Tinutugon Ng Dios ang iyong panalangin sa pamamagitan ng pagdurusa:

 

Narito dinalisay kita ngunit hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian. (Isaias 48:10)

 

Sa pamamagitan ng kapighatian ikaw ay nadadala higit sa pagkatawag sa iyo bilang anak Ng Dios tungo sa pinili Ng Dios. Ang kapighatian ayon sa kalooban Ng Dios ay magdudulot ng kadalisayan para ikaw ay magamit Niya katulad ng metal na pinadalisay sa pugon sa natural na larangan.

 

IKAW AY INIHANDA NA MAGHARI KASAMA NI CRISTO:

 

Kung tayo’y mangagtiis ay mangaghahari naman tayong kasama niya... (II Timoteo 2:12)

 

ANG PAGDURUSA AY NAGBIBIGAY NG ESPIRITUWAL NA PAGPAPALA:

 

Sinabi Ni Jesus:

 

Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran; sapagkat kanila ang kaharian ng langit.

 

Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura at kayo’y pinaguusig at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan dahil sa akin.

 

Mangagalak kayo at mangagsayang totoo; sapagkat malaki ang ganti sa inyo sa langit ; sapagkat gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo. (Mateo 5:10-12)

 

NATUTUTO KA NG PAGSUNOD SA PAMAMAGITAN NG PAGDURUSA:

 

Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis. (Hebreo 5:8)

 

NASUSUBOK ANG SALITA NG DIOS NA NASA IYO NG PAGDURUSA:

 

Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. (Mga Awit 12:6)

 

IKAW AY NAGIGING MAPAGPAKUMBABA DAHIL SA PAGDURUSA:

 

Na siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan ng mga makamandag na ahas at mga alakdan at uhaw na lupa na walang tubig ; na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian

 

Na siyang nagpakain sa iyo ng mana sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka na pabutihin ka sa wakas... (Deuteronomio 8:15-16)

 

IKAW AY NAPAPALAGO NG PAGDURUSA:

 

Ang ibig sabihin nito ay ikaw ay espirituwal na lumalago :

 

Ikaw na humango sa dusa ko’t hirap. (Mga Awit 4:1 MBB)

 

MAKIKILALA MO NG MAS MALALIM ANG DIOS:

 

Makikilala mo ng malalim ang  Dios dahil sa pagdurusa. Si Job na nagdusa ng sobra ay natutuhan ang katotohanang ito at sinabi niya…

 

Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; ngunit ngayo’y nakikita ka ng aking mata.

 

Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili at nagsisisi ako sa alabok at mga abo. (Job 42:5-6)

 

Ang iba sa atin ay nakilala ang Dios sa mababaw na paraan. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga pagpapala ng buhay, ang Dios ay karaniwang kaluhuan sa halip na kinakailangan. Subalit kung ikaw ay tunay na nangangailangan, ang Dios ay nagiging kailangan. Nakilala ni Job Ang Dios nang mas malalim sa pamamagitan ng pagdurusa. Bago siya magdusa, kilala na ni Job Ang Dios sa pamamagitan ng pag-aaral ng tungkol sa Dios. Pagkatapos, nakilala niya Siya sa pamamagitan ng karanasan.

 

Ipinahayag ni Pablo ang kaparehong naisin  ng sinabi niya:

 

Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kanyang mga kahirapan, na ako’y natutulad sa kaniyang pagkamatay. (Filipos 3:10)

 

Iyo lang makikilala Ang Dios sa kapangyarihan ng Kanyang pagkabuhay na muli sa pamamagitan ng malalim na fellowship ng pagdurusa.

 

Sa buong pagsubok niya, itinanong ni Job sa Dios ang dahilan ng pagdurusa niya. Hindi maling magtanong Sa Dios. Alam Ni Jesus ang layunin kung bakit Siya pumarito sa lupa ay para mamatay sa kasalanan ng lahat ng tao. Subalit sa oras ng Kanyang pagdurusa Siya ay lumuha, “ Ama, Ama BAKIT Mo Ako Pinabayaan” Ang mga sumusunod sa pagtatanong ang mahalaga . Ang sumunod na salita Ni Jesus ay “ Sa Iyong Mga Kamay Ibinibigay Ko Ang Aking Espiritu .”

 

Sa kabila ng tanong ni Job , ang tugon niya ay …

 

Bagaman ako’y patayin niya, akin ding hihintayin siya… (Job 13:15)

 

Ngunit talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan.

 

At pagkatapos na magibang  ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko ang Dios sa aking laman. (Job 19:25-26)

 

Matapos ang lahat ng pagtatanong, ang tuon ay dapat mabago mula sa “ako” tungo sa “Ikaw.” Dapat mong italaga ang iyong pagdurusa, at ang lahat ng mga walang tugon na mga tanong , sa kamay Ng Dios.

 

Tumiwala ka sa Panginoon ng boong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. (Kawikaan 3:5)

 

Maaaring sabihin sa iyo Ng Dios ang mga layunin ng iyong pagdurusa, subalit posible na hindi mo talaga lubos na maunawaan ito:

 

Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay… (Kawikaan 25:2)

 

Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios; ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin. (Deuteronomio 29:29)

 

Ito ang mga lihim Ng Dios. Katulad ni Job, maaari mong hindi maunawaan ang lahat ng mga layunin ng iyong pagdurusa:

 

Itinakda ni Yahweh ang landasin ng tao pagka’t di alam nito kung saan patutungo.  (Kawikaan 20:24, MBB)

 

Nang sa wakas kinausap Ng Dios si Job, gumamit Siya ng ilang mga halimbawa mula sa kalikasan na hindi maipaliwanag ni Job. Binigyan diin Ng Dios kung hindi maunawaan ni Job ang nakita niya sa natural na mundo, tiyak hindi rin niya mauunawaan ang hindi niya nakikita sa espirituwal na mundo.

 

Nang humarap si Job Sa Dios, hindi na mahalaga na makuha niya ang tugon sa kanyang mga tanong tungkol sa pagdurusa. Hindi na siya nasa ilalim ng pangangatuwiran ng tao. Napalitan niya ang mga tanong, hindi ng mga sagot, subalit ng pananampalataya.

 

Kung iyong makikilala nang mas malalim Ang Dios sa pamamagitan ng pagdurusa, makikita mo ang iyong sarili kung sino ka talaga. Hindi mo na makikilala Ang Dios  nang mababaw. Ang mukhaang pakikipagtagpo Sa Dios ay hindi magagawa ng mga pagtatalo at talakayan.

 

Nang si Job ay tumayo sa harapan Ng Dios, siya ay walang bagong mga sagot. Hindi siya binigyan ng bagong mga katotohanan tungkol sa kanyang pagdurusa. Subalit napalitan ang mga tanong ng pananampalataya. Si Job ay nanggaling sa direktong presensiya Ng Dios, at ang karanasan na iyon ay hindi nag-iwan ng mga tanong at mga pag-aalinlangan.

 

ANG MGA BAGYO NG BUHAY

 

Kung minsan ang  pagdurusa  ay naihahambing sa natural na bagyo. Kung ikaw ay nagdurusa, iyong nararanasan ang bagyo sa espirituwal na pagsasalita. Ang bagyong ito ay maaaring maka-apekto sa iyong espirituwal, mental, pisikal, material na kalagayan o sa iyong damdamin.

 

May sinasabi ang Biblia tungkol sa bagyo na naranasan ng mga alagad Ni Jesus. Basahin ang kuwento sa iyong Biblia sa Marcos 4:35-41. Ang bagyong ito ay atake ni Satanas. Sinabi Ni Jesus sa mga disipolo na pumunta sa kabilang dako. Si Jesus ay kasama nila sa bangka. Sinisikap ni Satanas na hindi sila makaabot sa tabing dagat dahil sa himala na gagawin sa bansa ng Gadareno (Marcos 5). Pinangunahan Ni Jesus ang bagyo. Kanyang pinagalitan ang kapangyarihan ng kaaway. Pumayapa ang dagat at sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay na hindi naabala.

 

Ang bagyo ni Satanas ay anumang nagbabalak na pumigil para matupad ang kalooban Ng Dios sa iyong buhay. Ito ay hindi pagdurusa dulot ng iyong pagsuway. Hindi rin ito klase ng pagdurusa na ayon sa kalooban Ng Dios. Hindi nais Ng Dios na anumang bagay ang makasagabal sa Kanyang plano para sa iyo. Kung iyong maranasan ang ganitong pagdurusa, gamitin mo ang kapangyarihan mo sa kaaway. Binigyan ka Ni Jesus nang higit na  kapangyarihan sa bawat kapangyarihan ni Satanas.

 

Dalawang kuwento pa sa natural na bagyo ang nakasulat sa Biblia na ipinakita sa pagdurusa dahil sa parusa sa kasalanan at pagdurusa ayon sa kalooban Ng Dios. Basahin ang kuwento ni Jonas at ang bagyo sa Jonas kabanata isa  at ang kuwento ni Pablo at ang bagyo sa Mga Gawa 27. Pagkatapos, pag-aralan ang sumusunod na tsart:

 

            Jonas                                                                          Pablo

Inilagay ni Jonas ang kanyang sarili sa bagyo      Si Pablo ay nandoon subalit walang maling

                                                                                    ginawa

Nagbayad siya sa pamasahe para maglakbay                Sinikap niyang pigilan sila sa paglalayag            

Siya ang sanhi ng bagyo                                                Siya ang lunas, hindi ang sanhi  

 

Si Jonas ay natutulog habang bumabagyo                      Si Pablo ay nagayuno at nanalangin

 

Ang pagpapala Ng Dios ay wala kay Jonas                   Ang pagpapala Ng Dios ay nasa kay Pablo

 

Ang tripulante ay takot                                      Ang tripulante ay masaya

 

Para maligtas:                                                               Para maligtas:

Si Jonas ay dapat itapon mula sa barko             Ang lahat ay dapat manatili sa barko    

 

 

May pagkakaiba ang maranasan ang bagyo ng buhay sa loob ng kalooban Ng Dios at maranasan ang bagyo labas sa kalooban Ng Dios. Kung ikaw ay nakakaranas ng bagyo sa labas ng kalooban Ng Dios, ito ay kalagayan na iyong ginawa. Halimbawa, ang mananampalataya na nag asawa ng hindi mananampalataya ay makakaranas ng mga kaguluhan dahil  sila ay sumuway sa prinsipyo ng Biblia.

 

Kung ikaw ang sanhi ng bagyo, dahil sumuway ka sa kalooban Ng Dios at hindi sumunod sa utos Niya. Kadalasan hindi mo alam na seryoso ang kalagayan mo. Natutulog ang espiritu mo habang ang bagyo ay tumitindi sa galit sa palibot mo. Ang pagpapala Ng Dios ay wala sa iyo, at ang mga nakapalibo’t sa iyo ay natatakot. Ang bagyong ito ay hindi atake ni Satanas. Ito ay parusa mula sa Dios na nagmamahal sa iyo at nais na ikaw ay bumalik sa                         Kanyang kalooban. Maaari mong tanggapin ang mga pangako ng “ kapangyarihan laban sa kaaway” subalit hindi ito makapagpapabago ng pangyayari.                                                  

 

Kung iyong nalaman ang bagyo ng pagdurusa dahil resulta ng pagsuway sa tinig Ng Dios, iisa lamang ang lunas: Humingi ng tawad Sa Dios!

 

Subalit kung ikaw ay nagdurusa ayon sa kalooban Ng Dios, ang situwasyon ay iba. Ikaw ay nagdurusa nang walang pagkakamali o walang kasalanan. Ikaw ay magiging lunas sa problema sa nakapalibot sa iyo sa halip na sanhi ng problema. Katulad ni Pablo, maaari kang maging espirituwal na pinuno  dahil sa pagpapala Ng Dios ay nasa iyo. Makakapagpasigla ka sa iba dahil ikaw ay lunas sa bagyo sa halip na sanhi. Hindi ka dapat umalis sa barko o tumakbo sa gulo. Dapat kang manatili sa “barko” sa ganitong klase ng pagdurusa dahil ito ang kalooban Ng Dios.

 

ASAHAN NA MAY PAGDURUSA

 

Kung ikaw ay nagdurusa dahil sa kalooban Ng Dios, dapat mong malaman na ikaw ay hindi  nag-iisa:

 

…yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. (I Pedro 5:9)

 

Ang mga bagyo ng buhay ay hindi maiiwasan at di mapipigilan, tulad ng paglalarawan ng talinhaga ng dalawang bahay sa Mateo 7:24-27. Ang mga bagyo ay darating sa mga nagtayo ng buhay sa Salita Ng Dios gayun din naman sa mga hindi gumawa nito. Ang haligi ng buhay ng  tao ang magtatakda ng bunga ng bagyo.

 

Asahan na may pagdurusa bilang bahagi ng kalooban ng Dios:

 

Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig. (II Timoteo 3:12)

 

Sapagka’t sa inyo’y ipinagkakaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya. (Filipos 1:29)

 

…upang kayo’y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios na dahil dito’y nangagbabata rin naman kayo… (II Tesalonica 1:5)

 

Upang ang sinoma’y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagkat  kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito.(I Tesalonica 3:4)

 

Kung magkagayo’y ibibigay kayo sa kapighatian at kayo’y papatayin; at kayo’y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. (Mateo 24:9)

 

…ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayo’y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, na kayo’y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. (Lucas 21:12)

 

Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo’y aking sinabi. Ang alipin ay hindi dakila kay sa kanyang panginoon. Kung ako’y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang pag-uusigin din. (Juan 15:20)

 

Bahagi ng plano ng follow-up sa pagtatatag ng unang iglesya ay pagtuturo sa mga mananampalataya na sila ay makararanas ng pagdurusa. Ito ay nawawala sa mga iglesya ngayon:

 

Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios. (Mga Gawa 14:22)

 

Ang tawag Ni Jesus sa mga tagasunod ay isang tawag ng pagtanggi at pagdurusa:

 

At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapatdapat sa akin. (Mateo 10:38)

 

Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin. (Mateo 16:24)

 

Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili , at pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin. (Marcos 8:34)

 

...at pumarito ka, sumunod ka sa akin. (Marcos 10:21)

 

At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa araw-araw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. (Lucas 9:23)

 

Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko. (Lucas 14:27)

 

NANG ANG SAPA AY NATUYO

 

Mayroong nakakawili na kuwento sa Lumang Tipan ng isang lalaki na nakaranas ng pagdurusa sa loob ng kalooban Ng Dios. Ito ay kuwento ni Elias. Si Elias ay nakaranas ng lahat ng uri ng pagdurusa habang siya ay nag propesiya ng mensahe Ng Dios sa Israel. Subalit ang partikular na kuwento sa nais nating bigyan ng pansin ay sa I Hari 17. Basahin ang kuwento sa iyong Biblia bago magpatuloy sa aralin na ito.

 

Nang si Elias ay inutusan Ng Dios na pumunta sa batis ng Cherith, Siya ang kinalinga Ng Dios sa mahimalang paraan. Ang uwak ay pumupunta  para siya ay pakainin, ang batis ang siyang nagbigay ng sariwang tubig sa panahon na ang bansa ay nakakaranas ng tagtuyot at taggutom. Subalit hindi nagtagal ang batis ay natuyo. Bakit pinapunta Ng Dios si Elias sa batis kung alam Niya na ito ay matutuyo?

 

Ang kalooban ng Dios kung minsan ay kasama ang tuyong batis. Subalit kung ating mararanasan ang ganitong paghihirap hindi ibig sabihin nito na hindi natin nagawa ang kalooban Ng Dios. Ang Dios ang nanguna kay Elias sa Cherith. Kanyang tinamasa ang mga tubig. Ang kanyang mga pangangailangan ay natugunan. Siya ay pinagpala Ng Dios. Subalit nang panahon na dapat ng kumilos, hinayaan Ng Dios na matuyo ang batis.  Nakuha nito ang pansin ni Elias.

 

Marahil ikaw ay inutusan Ng Dios sa ‘Batis ng Cherith” ng buhay. Alam mong narinig mo ang Kanyang tinig ng direksiyon. Pinagpala ka Niya sa iyong batis. Ang mga pangangailangan mo ay natugunan at ikaw ay natuwa sa mga pagpapala Ng Dios. Subalit ang batis ay natuyo. Maaaring hindi mo na nararanasan ang pagdaloy ng kapangyarihan Ng Dios. Maaaring ang mga tao ay tumalikod laban sa iyo. Marahil ang nakakataas sa iyo ay binarahan ang batis at pinigil ang pagdaloy nito. Kung anuman ang dahilan, ang magandang batis ay natuyo.

 

Kung ang batis ay natuyo maaari mong gawin ang isa sa dalawang bagay na ito:

 

1.         Maaari kang maupo at  sabihin ang iyong reklamo tungkol sa nangyari sa kapalaran mo. Maaari mong gugulin ang natitira mong buhay sa pag-iisip bakit nangyari at tumangis sa tuyong batis. Maaari mong tanungin ang pangunguna Ng Dios sa iyo. Talaga bang dinala ka Niya rito sa lugar na ito? Kung alam Niyang ang batis ay matutuyo, bakit ka niya dinala rito? Hindi mo ba nagawa ang kalooban Ng Dios? O …

 

2.         Maaari mong malaman na tunay na dinala ka rito Ng Dios sa batis. Siya ay handa na kumilos sa bagong kaparaanan ng Kanyang kalooban. Kinukuha Niya ang iyong pansin sa pamamagitang ng tuyong batis.

 

Kung ang batis ay hindi natuyo… kung hindi hinayaan Ng Dios ang mahirap na kalagayan na dumating… hindi Niya makukuha ang iyong pansin. Katulad ni Elias, tayo ay mananatili kung saan tayo naroroon at hindi na kikilos sa bagong paraan Ng Dios. Hindi tayo pupunta sa kabilang pampang na maykasiguruhan ng ating batis. Ang tuyong batis ay magdadala sa dakilang mga bagay.  Bago ang karanasan ni Elias sa Cherith si Elias ay nagministeryo lamang sa iilang mga tao. Pagkatapos nitong karanasan ng pagpapatatag ng pananamapalataya, Si Elias ay nag ministeryo sa maraming tao. Siya ay tumayo sa Mt. Carmel at nagpahayag sa mga tao na may diyos-diyosan na Ang Dios ay tunay at buhay Na Dios.

 

Kung ikaw ay nakakaranas ng tuyong batis, hindi dapat manghina. Ikaw ay umasa na makatatanggap ng bagong kapahayagan mula sa Dios. Huwag mong tatanungin ang tuyong ilalim ng ilog. Pumunta ka sa susunod na antas ng plano Ng Dios.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.       Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

2. Ano ang limang paraan ng pagdurusa na maaaring pumasok sa buhay ng mananampalataya?

________________________________________

3. Isulat ang tatlong positibong pakinabang ng pagdurusa ayon sa kalooban Ng Dios.

________________________________________

4. Isulat ang tatlong positibong ugali ng mananamplataya kung ikaw ay makakaranas ng pagdurusa.

________________________________________

 

 

 

 

5. Basahin ang mga sumusunod na salaysay. Kung ang salaysay ay Tama, isulat ang titik T sa puwang. Kung ang salaysay ay Mali , isulat ang titik M sa puwang.

 

a. ____ Hindi kailanman nais ng Dios na ikaw ay magdusa.

 

b. ____ Kung ikaw ay nakakaranas ng kaguluhan ang ibig sabihin nito ikaw ay wala sa kalooban

             Ng Dios.

 

c. ____ Si Pablo ay wala sa kalooban Ng Dios nang siya ay nakaranas ng bagyo sa dagat .

 

d. ____  Kung ikaw ay nagdurusa  labas sa kalooban Ng Dios kadalasan ikaw ang dahilan ng

              iyong problema dahil sa iyong pagsuway.

 

e. ____ Pinarurusahan ka ng Dios dahil mahal ka Niya at nais Niya na bumalik ka ayon sa

             kalooban Niya.

 

f. ____ Kung si Elias ay nasa kalooban Ng Dios nang siya ay nagpunta sa batis ng Cherith, ang

            batis ay hindi matutuyo.

 

g.____ Kung minsan ginagamit Ng Dios ang kaguluhan upang makuha ang iyong pansin dahil

            gusto Niyang pangunahan ka sa bagong direksiyon.

 

h. ____ Itinuturo ng Biblia na ang mga makasalanan lamang ang makakaranas ng pagdurusa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.      Pag-aralan ang aklat ng I Pedro na naka pokus sa paksang pagdurusa. Isulat ang iyong natutuhan tungkol sa pagdurusa mula sa sulat na ito:

 

________________________________________

 

2.      Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya tungkol sa pagdurusa:

 

KAHIRAPAN:

 

II Timoteo 2:3

 

KAPIGHATIAN:

 

Mga Gawa 14:20; Roma 5:3; 12;12; I Tesalonica 3:4, II Tesalonica 1:4

 

PAG-UUSIG:

 

Mateo 5:10-12; 13:21; Marcos 4:17; Lucas 11:49; 21:12; Juan 15:20; I Corinto 4:12;

II Corinto 4:9; Mga Gawa 8:1; 11:19; 13:50; II Timoteo 3:12; Roma 8:35; Galacia 6:12

 

PAGDURUSA:

 

I Pedro 5:10; Filipos 1:29; 3:8; 4:12; II Corinto 1:6; II Timoteo 2:12; 3:12; Galacia 5:11; 6:12;

Mga Gawa 9:16; I Tesalonica 3:4; II Tesalonica 1:5

 

KADALAMHATIAN:

 

Mga Awit 34:19; 119:67,71,75; Mateo 24:9; Mga Gawa 20:23; II Corinto 2:4; 4:17; 6:4;

I Tesalonica 3:3; II Timoteo 1:8; 3:11; 4:5; II Corinto 1:6; Santiago 5:10; Hebreo 10:32-33 at kabanatang 11

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA- LABING DALAWANG KABANATA

 

ANIM NA YUGTO NG PAHAYAG

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang  ito ikaw ay may kakayahang :

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Isulat ang anim na yugto ng pahayag ng plano Ng Dios

·                    Kilalanin ang ganitong halimbawa sa Biblia.

 

SUSING TALATA:

 

Ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo’y pumipihit sa kanan, at pagka kayo’y pumipihit sa kaliwa. (Isaias 30:21)

 

PAMBUNGAD

 

Sa kursong ito marami ka ng natutuhan tungkol sa pagkilala sa tinig Ng Dios. Natutuhan mo ang mga kailangan para makilala ang tinig Ng Dios. Iyong natutuhan ang ibig sabihin ng halimbawa Ng kalooban Ng Dios. At mga paraan kung paano mangusap ang Dios sa tao.

 

Pinaaalalahanan ka ng mga Hindi naaayon sa Biblia sa paghanap ng patnubay, at pagtanggap ng mga patnubay para sa paggawa ng pagpapasiya tungkol sa mga usaping questionable. Iyong napag-aralan ang halimbawa sa Biblia  para sa paggawa ng pagpapasiya at natutuhan mo kung ano ang dapat gawin kung ikaw ay nabigo. Natutuhan mo rin ang tungkol sa pagdurusa kung paano ito kaugnay sa kalooban Ng Dios.

 

Ang huling kabanata na ito ay magpapakita ng anim na yugto na iyong madaraanan sa pahayag ng plano Ng Dios. Iyong mararanasan ang mga yugtong ito habang iyong natututuhan na lumakad sa kalooaban Ng Dios.

 

PAHAYAG NG KAALAMAN

 

Sa magulo at may maling direksiyon na mundo, ipinangako Ng Dios ang pahayag ng kaalaman sa Kanyang mga tagasunod. Ang ibig sabihin nito ipahahayag Niya ang Kanyang banal na mga plano, karunungan, at kaalaman sa mga kalagayan ng  buhay:

 

 Ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo’y pumipihit sa kanan, at pagka kayo’y pumipihit sa kaliwa. (Isaias 30:21)

 

Mayroong anim na yugto kung magpahayag Ang Dios. Iyong madaraanan ang mga ito sa pagunlad ng pahayag. Ang mga yugtong ito ay makikita sa Lucas 1:26-47. Basahin ang mga talatang ito bago magpatuloy sa natitirang aralin na ito. Nakasulat sa mga talatang ito ang pahayag na ibinigay Ng  Dios kay Maria na siya ay magiging ina Ng Mesias na Si Jesu Cristo.

 

Sa kuwentong ito ay mayroong anim na yugto na pinagdaanan si Maria habang ang plano Ng Dios ay ipinahayag sa kanya. Ang mga yugtong ito ay mapapansin sa pahayag sa anumang plano Ng Dios sa tao. Mayroong mga yugto na iyong pagdaraanan kung ikaw ay nakatanggap ng pahayag ng kaalaman ng plano Ng Dios sa iyong buhay.

 

UNANG YUGTO: NAGULUMIHANAN

 

At pumasok siya sa kinaroroonan niya...datapuwa’t siya’y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at inisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. (Lucas 1:28-29)

 

Nang ang anghel ay unang nagpakita kay Maria, siya ay naguluhan o nalito sa kanyang espiritu. Sa tuwing nais ng Dios na magbigay ng bagong patnubay, kadalasan ikaw ay makakaranas ng kaguluhan. Hinahayaan Niya na ikaw ay magulo sa kalagayan ng iyong buhay para makuha Niya ang iyong pansin.

 

Marahil iyong tinatanong ang nakagugulong kalagayan sa iyong paligid. Ikaw ay naguluhan at hindi maunawaan kung bakit ang mga bagay na nangyayari ay nakakagulo ng iyong buhay. Nais Ng Dios na makuha ang pansin mo. Kung ikaw ay malaya at kontento sa kasalukuyang kalagayan ng iyong buhay hindi mo Siya hahanapin para sa bagong direksiyon. Ito ang dahilan kung bakit hinahayaan Niyang magulo ka sa unang yugto ng pahayag.

 

IKALAWANG YUGTO : PAHAYAG

 

At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagkat nakasumpong ka ng biyaya ng Dios.

 

At narito maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalan JESUS. (Lucas 1:30-31)

 

Kung nakuha na Ng Dios ang iyong pansin sa pamamagitan ng kaguluhan, Kanyang ipahahayag ang Kanyang plano sa iyo. Ito ang ikalawang yugto ng pahayag:

 

Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. (Jeremias 33:3)

 

Ang magulong espirtu ay nagdulot kay Maria na maituon ang pansin niya Sa Dios, pagkatapos ipinahayag Ng Dios ang Kanyang plano. Siya ang magiging ina ng Mesias, na Si Jesu Cristo.

 

 

IKATLONG YUGTO: PAG-AALINLANGAN

 

At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako’y hindi nakakakilala ng lalake? (Lucas 1:34)

 

Nag-alinlangan si Maria na tanggapin ang dakilang pahayag. Siya ay nagtanong “Paano mangyayari ito?”

 

Kung ang Dios ay nagpapahayag ng bagong direksiyon para sa iyong buhay kadalasan ikaw ay napupuspos. Iyong nadarama na hindi ka karapatdapat. Nararamdaman mo na sobrang laki ng hakbang ng pananampalataya ang iyong gagawin. Mag-iisip ka ng makatuwirang dahilan kung bakit hindi puwedeng mangyari ang plano. Ikaw ay mag-aalinlangan at tatanunign Ang Dios.

 

Dalawang bagay ang mangyayari sa yugto ng pag-aalinlangan:

 

-         Iyong ipakikita ang mga tanong, pangangatwiran at dahilan.

-         Sasagutin ng detalye Ng Dios ang Kanyang plano.

 

IKA-APAT NA YUGTO: PAGSUKO

 

At sinabi ni Maria, Narito ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. (Lucas 1:38)

 

Si Maria ay mabilis na lumipat mula sa pag-aalinlangan tungo sa pagsuko sa plano Ng Dios. Ang ibig sabihin nito ay iniwan niya ang kanyang sariling plano at ginawa ang plano Ng Dios. Ninais at tinanggap niya ang bagong direksiyon para sa kanyang buhay.

 

IKA-LIMANG YUGTO: KATUNAYAN

 

At mapalad ang babaing sumasampalataya; sapagka’t matutupad ang mga bagay na sa kaniya’y sinabi ng Panginoon. (Lucas 1:45)

 

Sa yugtong ito, pinatutunayan at tinitiyak Ng Dios ang Kanyang plano. Si Maria ay nagdalang tao at ang pahayag ay tiniyak sa kanyang katawan. Kung iyong isusuko ang iyong kalooban sa pahayag ng kalooban Ng Dios, hindi magtatagal at matatanggap mo ang pagpapatunay sa planong iyon.

 

IKA-ANIM NA YUGTO: PAGDADAKILA

 

At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. (Lucas 1:46)

 

Si Maria ay nagalak sa plano Ng Dios! Basahin ang kanyang buong pagdadakila Sa Dios sa Lucas 1:46-55. Kung iyong tinanggap ang plano Ng Dios sa iyong buhay ito ay palaging magbibigay ng kaligayahan at ang resulta ay pagdadakila Sa Dios.

 

Katulad ng iyong natutuhan sa kursong ito, ang pagsunod sa plano Ng Dios ay hindi ibig sabihin na walang mga problema. Sa natural na mundo si Maria ay may problema. Siya ay nagdalang tao ng hindi kasal. Subalit ang plano Ng Dios ay mas dakila sa anumang panandaliang pagdurusa na kaagapay nito. Sa katapusan palagi itong nagdadala ng katuwaan at pagdadakila Sa Panginoong Jesu Cristo.

 

ANG HULING SALITA: MAKINIG SA KANYANG TINIG

 

Sa kursong ito iyong natanggap ang mga patnubay para makilala ang tinig Ng Dios. Sa iyong pakikinig sa tinig na ito, iyong tandaan ang Kanyang pangako:

 

..Ako lamang ang nakakaalam ng mga panukulang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. (Jeremias 29:11, MBB)

 

Patuloy kang papatnubayan Ng Dios hanggang kamatayan:

 

Sapagka’t ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: Siya’y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan. (Mga Awit 48:14)

 

Ang Kanyang patnubay ay magpapatuloy hanggang sa bagong langit at lupa:

 

Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawat luha ng kanilang mga mata. (Apocalipsis 7:17)

 

Ang Dios ay hindi tahimik. Kung ikaw ay makikinig, Ang Kanyang tinig ay maririnig higit sa ingay at kalituhan ng lahat ng mga tinig sa lupa. Ang Dios ay nangungusap at maaari mong malaman ang Kanyang tinig:

 

Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan sa makatuwid baga’y ang Panginoon nating si Jesus,

 

Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawat mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (Hebreo 13:20-21)

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

 

2. Isulat ang anim na yugto ng pahayag na plano Ng Dios.

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

( Ang mga sagot sa pagsusuli ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabnata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Pag-aralan ang halimbawa ng anim na yugto ng pahayag ng Dios sa buhay nina Moises at Gideon:

 

Moises:                                                                      Exodo 1-15

 
Nalito:                                                Karanasan sa Egipto (Pumatay ng isang taga Egipto)

 

Pahayag:                                               Nagniningas na Puno

 

Pag-aalinlangan:                                    Lalaking hindi makapagsalita

 

 Pagsuko:                                             Nagpasiyang umalis

 

 Katunayan:                                          Mga himala sa harap ni Paraon

 

 Pagdadakila:                                        Kagalakan pagkatawid sa pulang dagat

 

Gideon:                                                                                   Hukom 6

           

Nalito/Nagalit:                                      Panggiik ng trigo: nagdulot ng pagkagalit sa talatang 13

 

Pahayag:                                               Pagpapakita ng anghel sa talatang 12 at 14

 

Pag-aalinlangan:                                    “Dukhang pamilya, ako ang pinakamaliit” talata 15

 

 Pagsuko:                                             Talata 17

 

 Katunayan:                                          “Bigyan mo ako ng tanda” talata 17 hanggang 23

 

 Pagdadakila:                                        Talata 24, Nagtayo ng altar at nagpuri sa Dios.

 

 

Maaari ka bang makakita ng ibang halimbawa ng ganitong pangyayari sa Salita Ng Dios?

 

 

 

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING MGA PAGSUSULIT

 

UNANG KABANATA:

 

1.       Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila'y

      nagsisisunod sa akin. (Juan 10:27)

 

2.       Ang “rhema” na salita Ng Dios ay nagbibigay ng buhay na sinabi para matugunan ang tiyak na pangangailangan. Maaari itong manggaling sa nakasulat na Salita Ng Dios, pangangaral, espirituwal na mga kaloob, o sa pamamagitan ng "inner voice" sa iyong espiritu.

 

3.       Ang “logos” na Salita Ng Dios ay ang nakasulkat na Salita Ng Dios na nilalaman sa Banal na Biblia. Walang dapat na idagdag at alisin dito.

 

4.       Kung makikilala mo ang tinig Niya, malalaman mo ang Kanyang kalooban sa Kanyang pangungusap sa iyo.

 

5.       Hebreo 3:7 o 15.

 

6.       Ang pangkalahatang plano Ng Dios sa iyong buhay. Patnubay sa paggawa ng matalinong mga pagpili, at direksiyon para sa kalagayan ng buhay.

 

7.       Palagi itong sumasangayon sa “logos” o nakasulat na Salita Ng Dios , ang Banal na Biblia.

 

8.       Kasalanan.

 

9.       Gumagawa … nakikinig.

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1.       Kaya nga mga kapatid,ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan Ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na haing buhay, banal, na kaayaaya Sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

 

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban Ng Dios.

 

2.       Ang ibig sabihin ng unang kailangan ay isang bagay na kailangan bago gumawa ng isang bagay.

 

3.       Ang unang kailangan para makilala ang tinig Ng Dios ay : Born-again, "indwelling" Ng Espirtu Santo, Espirituwal na kaganapan, at Pagbabago.

 

4.       Patnubay. Ipinahahayag Ng Espiritu Santo ang kalooban Ng Dios sa pamamagitan ng pangungusap sa iyong "inner spirit"

 

5.       Tanggapin na ikaw ay makasalanan, aminin ang iyong mga kasalanan, magsisi, at tanggapin Si Jesus Cristo bilang iyong Tagapagligtas.

 

6.    Dapat kang magkaroon ng personal na kaugnayan Sa Dios para makilala mo ang Kanyang tinig.

 

7.    Ang ibig sabihin nito ay maging ganap sa mga bagay tungkol sa esprituwal na mundo, para sa paglagong espirituwal.

 

8.   Para mabago sa ibang larawan, batay sa Panginoong Jesu Cristo.

 

9. Ang salaysay ay tama. Tingnan ang Romna 12:2.

 

IKATLONG KABANATA:

 

1.      Sapagka’t bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. (Juan 6:38)

 

2.  Pag-ibig.

 

3.  Pagbalik-aralan ang mga dahilan na nakasulat sa Kabanatang Tatlo.

 

4.  Ang pagpili o determinasyon na mayroong kapangyarihan.

 

5.  Pinakamakapangyarihan (boulema), pangisahan (thelema), at moral.

 

6.  Sariling –kalooban, Kalooban ni Satanas, Kalooban Ng Dios.

 

7.  a. Mali;       b. Tama;           c. Mali; d. Tama;           e. Mali

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

1. O Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang matuwid ng kaniyang mga hakbang. (Jeremias 10:23)

 

2. Ang ibig sabihin ng salitang “tumulad/emulation”  ay pagtulad sa iba para maging kapantay o mahigitan sila. Ito'y galing sa espiritu ng pagalingan at isang uri ng selos.

 

3. a. Mali;     b. Mali;      c. Mali;         d. Tama;       e. Mali;      f. Mali;      g. Tama;      h. Tama  

i. Tama

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. Naipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay Kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya ,sinasabi ko,

 

Tayo rin naman sa kaniya ay ginagawang mana, na itinilaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban.

(Efeso 1:9-11)

 

2. Ang dalawang bahagi ng kalooban Ng Dios  na tinalakay sa kabanatang ito ay ang mga ipinahayag sa nakasulat na Salita at ang hindi ipinahayag sa nakasulat na Salita.

 

3. Ang prinsipyo na maaring iangkop sa pagpapasiya ay makikita sa II Corinto 6:14-15. Ang mga mananampalataya ay hindi dapat makipamatok sa hindi mananampalataya.

 

4.        Nais Ng Dios na malaman mo ang Kanyang kalooban

            Ang kalooban Ng Dios ay naka plano.

            Ang plano Ng Dios ay pangisahan at personal.

            Ang plano Ng Dios ay progresibo.

            Ang kalooban Ng Dios ay hindi paraan ng tao.

            Ang kalooban Ng Dios ay mabuti.

 

5. Mali.

 

6.    Krokis A

 

7. Ganap na kalooban, Mabuting kalooban, Katanggap-tanggap na kalooban, Wala sa kalooban Ng Dios.

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1. Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban Ng Panginoon. (Efeso 5:17)

 

2. Ang alin man sa mga sumusunod ay maaring gamitin: Si Moises at ang bato; Si Elias sa bundok; Si Felipe at ang kanyang paglalakbay sa Samaria; Si David at ang kanyang pagharap sa mga higante.

 

3.        Nakasulat na Salita Ng Dios                 Mga Himala

           Panalangin                                            Mga Panaginip

           Tagapayo                                             Mga Pangitain

           Pangyayari                                            Audible Voice

           Sarado at Bukas na mga pinto               Inner voice Ng Espiritu Santo

           Mga Anghel                                          Mga Kaloob Ng Espiritu Santo

 

4. a. Mali;        b. Mali;       c. Mali;        d. Mali;        e. Tama;      f. Tama

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1.      Tumiwala ka sa Panginoon ng boong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo  Siya sa lahat ng iyong mga lakad At Kaniyang ituturo ang iyong mga landas. (Kawikaan 3:5-6)

 

2.      Kapayapaan.

 

3.      Tingnan ang Kawikaan 3:5-6

 

4.      Ipakita Ang Dios sa isip, salita at sa gawa. Unahin Siya sa iyong buhay.

 

5.      Manalangin

Saliksikin ang Biblia

Makinig sa inner voice Ng Espiritu Santo

Humiling ng Kristiyanong payo

Suriin ang mga pangyayari

Gamitin ang mga susi sa Biblia para sa direksiyon.

Piliin ang daan ng karunungan.

 

6. a. Mali;         b. Mali;            c. Mali

 

IKA-WALONG KABANATA:

 

1.      Kaya nga kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat  sa ikaluluwalhati Ng Dios. ( I Corinto 10:31)

 

2.      Hindi tiyak na mga gawi o mga asal na hindi tiyak kung tama o mali na hindi nabanggit sa Salita Ng Dios.

          

3.        Naluluwalhati ba ang Dios?                                           

Ano ang nagbubunsod sa iyo?                                       

Kinakailangan ba ito?                                                    

Ito ba ay nagtataguyod ng espirituwal na paglago?                                                                      

Ito ba ay umaalipin na ugali?                                          

Ako ba ay malalagay sa kompromiso?                           

Ito ba ay mag-aakay sa panunukso?                              

Ito ba ay nagbibigay ng anyong masama?                       

Ito ba ay lumalabag sa iyong konsiyensiya?                    

Ito ba ay makakasama sa iba?                                       

 

4. Ang “mahinang” kapatid ay mananampalataya na dahil sa mahina ang pananampalataya, kaalaman, o konsiyensiya ay maaring maapektuhan ng mga halimbawa ng malakas na kapatid. Siya ay maimpluwensiyahan na magkasala laban sa kanyang konsiyensiya o ang espirituwal na pagunlad ay maantala.

 

5. Ang “malakas” na kapatid ay mananampalataya na, dahil sa kanyang kaalaman sa kalayaan sa mga tiyak na mga bagay at ang lakas ng kanyang kombiksiyon, ay ginagamit ang kalayaan ng mayroong mabuting konsiyensiya. Hindi siya na impluwensiyahan ng magkakaibang pananaw ng iba.

 

6.      Masabi ang mga bagay na utos at kalayaan.

Pagyamanin ang iyong kombiksiyon.

Pahintulutan ang kalayaan ng iba para malaman nag kanilang kombiksiyon.

Limitahan ang kalayaan ng pag-ibig.

Lutasin ang mga sala.

 

7.      Pumunta ng  mag-isa sa kanya. Kung hindi nalutas…

Pumunta muli at magsama ng isa o dalawang saksi . Kung hindi nalutas…

Dalhin ang bagay na ito sa iglesya.

 

IKA-SIYAM NA KABANATA:

 

1.        Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Ngunit ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang . (Kawikaan 16:9)

 

2.        Ang modelo ay nagbibigay ng halimbawa para iyong sundan.

 

3.        Ang modelo ng pagpapasiya ay halimbawa na dapat sundan sa paggawa ng  mga pagpili.

 

IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

1.      Oh kung akoy didinggin ng aking bayan, Kung  ang Israel ay lalakad sa aking mga daan.

(Mga Awit 81:13)

 

2.  Pag-aralan muli ito sa Ika-sampung kabanata.

 

3. Pag-aralan muli ito sa Ika-sampung kabanata.

 

4. Kilalanin ang iyong pagkabigo.

           Magsisi.

           Alamin kung saan ka nagkamali.

           Bumalik para itama ang iyong mali.

           Pahayag: Hanapin Ang Dios at kumilos sa bagong direksiyon.

 

 

 

IKA- LABINGISANG KABANATA:

 

1.      Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbata ayon sa kalooban Ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa nang mabuti sa tapat na Lumalang. (I Pedro 4:19)

 

2.                     Ang ibang nakapalibot sa iyo.

  Kalagayan sa buhay.

           Ang iyong ministeryo

           Direktong gawa ni Satanas

 

 

3.      Tingnan ang mga benepisyo ng pagdurusa na tinalakay sa Ika-labing isang kabanata.

 

4.      Tingnan ang ugali tungkol sa pagdurusa na tinalakay sa ika-labing isang kabanata.

 

5.      a. Mali;      b. Mali;      c. Mali;       d. Tama       e. Tama        f. Mali     g. Tama    h. Mali;

 

IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:

 

1.       At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na magsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo’y pumihit sa kanan, at pagka kayo’y pumihit sa kaliwa.

(Isaias 30:21)

 

2. Nagulumihanan/Nalito, Pahayag, Pag-aalinlangan, Pagsuko, Katunayan, Pagdadakila: