Mga
Estratehiya
Para sa Pag-aaning Espirituwal
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, �isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pag-aaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa paglalarawan sa isip, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag na mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Institute
3092 Sultana Dr.
Madera, California 93637
U.S.A.
� Harvestime International Institute
NILALAMAN
Paano Gamitin ang Manwal na ito������������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����� 3
Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral���������������� ����������������������� ����������������������� ����� 4
Pambungad����� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����� 5
Mga Layunin ng Kurso��������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����� 6
UNANG BAHAGI: PAGLALARAWAN SA ISIP
1. Ang Pagsilang ng Isang Pangitain� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������� ����� 7
2. Ang Pangitain���������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������� ���� 17
3. Namamasdan Niya ang Mga Bansa�������������� ����������������������� ����������������������� ����������� ���� 27
����������������������� ����������� IKALAWANG
BAHAGI: KONSEPTWALISASYON
4. Ang Sanglibutan sa Salita ng Diyos� ����������������������� ����������������������� ����������� ��������������� 34
����������������������� ����������� IKATLONG BAHAGI: NILALAYON
5. Kinakalawang na Karit, Bukiring Walang Laman ����������������������� ����������������������� ����������� ��� 43
6. Mga Estratehiya sa Pag-aaning Espirituwal � Unang Bahagi�� ����������������������� ����������� ��� 63
7. Mga Estratehiya sa Pag-aaning Espirituwal � Ikalawang Bahagi������������� ����������������������� ��� 75
8. Pag-aani Sa Pamamagitan ng Kapahayagan�� ����������������������� ����������������������� ����������� ��� 84
����������������������� ����������� IKA-APAT NA BAHAGI: INAASAHAN
9. Pagsira Ng Pamatok���������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� � 100
10. Pagpalain Ang Mga Bansa�������������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� � 116
11. Ang Pangitain Ay Naging Katunayan������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� � 123
Mga Sagot sa Pangsariling Pagsusulit�������� ����������������������� ����������������������� ����������������������� � 131
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Bawat Aralin ay binubuo ng:
Mga Layunin:� Ito ang mga layunin na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Memoryahin ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang iyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga mag-aaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Mag-aaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. �Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling buod ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NANG MALALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.)
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin nang sama-sama o isahan ang mga proyekto.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat mag-aaral at pangasiwaan ang pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
Module: Paglalarawan sa Pag-iisip
Kurso:�� Mga Stratehiya Para Sa Pag-aaning Espirituwal
PAMBUNGAD
Ang wika ng Biblia sa Kawikaan 29:18,� �Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama.�
Sa boong daigdig, maraming mga born-again ang napapahamak.
Hindi �sila napapahamak dahil sa kasalanan. Tumanggap sila ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Dumadalo sila sa mga gawain ng iglesiya, nagbabasa ng Biblia, at baka mga liders pa sa iglesiya.
Subalit mahina ang kanilang buhay esprituwal. Ang buhay nila ay paulit-ulit lang. Walang siglang espirituwal. Wala silang layunin sa buhay. Wala silang pangitain.
Ang pangitaing ating tiunutukoy ay hindi yaong nakikita ng nangangarap nang gising. Ito ay hindi natural na pangitain. Ito ay isang pangitaing espirituwal.
����������� - Kung parang walang saysay ang inyong buhay espirituwal�
����������� - Kung sabik ka na magamit ng Panginoon, subalit di mo alam ang iyong bahagi sa
Kanyang plano�
- Kung pakiwari mo na ang pagiging Cristiano ay higit pa sa paulit-ulit na takbo ng buhay na iyong kinahinatnan�
Ang pangitain ang sagot sa iyo!
Binubuhay ng Diyos ang mga lalake at babaeng walang siglang espirituwal. Ang pangitain ang nagbibigay ng bagong kahulugan at direksyon sa buhay. Pinagkakaisa nito ang Katawan ni Cristo, ang tunay na Iglesiya, para sa iisang layunin. Ang paksa ng kursong ito ay pangitain,
� Mga Estratehiya Para sa Pag-aaning Espirituwal.� Ang kursong ito ay gagabay sa inyo sa pamamagitan ng apat na hakbang upang maabot ang pangitain.
����������� - Paglalarawan Sa Isip: Tutukuyin dito ang pangitain
����������� - Konseptuwalisasyon: Matutuhan dito ang konsepto ng layunin sa kabila ng
������������ pangitain.
����������� - Nilalayon: Matutuhan dito ang mga layunin sa pagtupad ng pangitain.
����������� - Inaasahan: Ang inaasahan mo ay matutupad sa iyong pagiging bahagi ng pangitain.
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:
.����������� Ipaliwanag ang pangitain ng pag-aani na may paghahambing sa likas na pangyayari.
.����������� Gumamit ng mga mabibisang estratehiya para sa pag-aaning espirituwal sa iyong buhay at ministeryo.
.���������� Tukuyin ang mga hadlang sa pag-aaning espirituwal.
.����������� Matanaw ang daigdig tulad ng pagtanaw dito ng Diyos.
.���������� Anihin ang pag-aani salig sa kapahayagan
UNANG BAHAGI:
PAGLALARAWAN SA ISIP
Pagtukoy Sa Pangitain
UNANG KABANATA
ANG PAGSILANG NG ISANG PANGITAIN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.���� Bigyang kahulugan ang �pangitaing espirituwal.�
.����� Ipaliwanag kung paano isinisilang ang pangitain.
.����� Ihambing ang pagsilang ng pangitaing espirituwal sa natural na pagsilang ng tao.
SUSING TALATA:
����������� ����������� �Kung
saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama.� (Kawikaan 29:18)
PAMBUNGAD
Ang wika ng Biblia sa Kawikaan 29:18, �Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama.� Ang pangitaing tinutukoy sa talatang ito ay pangitaing espirituwal.
Ang pangitaing espirituwal ay nagdudulot ng direksyon. Nagbibigay hamon ito at kaayusan sa buhay. Kamatayang espirituwal ang dulot ng kawalan ng pangitain. Ang pagbuo ng pangitaing espirituwal ay sa paraan ng pagkilala sa layunin ng pagkapasok mo sa Kaharian ng Diyos. Sa kabanatang ito, ang pagbubuong ito ay tinawag na, �Ang Pagsilang ng Pangitain.�
BAKIT PANGITAING ESPIRITUWAL?
Bakit kailangan ang pangitaing espirituwal? Bakit napapahamak ang mga tao kung wala ito?
Ang sagot ay nasusumpungan sa isa sa mga maraming halimbawa sa Biblia ng pangitaing espirituwal. Basahin ang kasaysayan ng Propeta Eliseo at ang kanyang alipin sa II Hari 6:15-17.
Ang Israel na bayan ng Diyos, ay pinaligiran ng kaaway na bansang Syria. Maraming mga sundalo, kabayo, at mga karwaheng pangdigma. Nang makita ni Gehazi, ang alipin ni Eliseo, ang malaking hukbo ng kaaway, siya ay natakot. Sumigaw siya at sinabi, �Paano ang ating gagawin?� Sinabi sa kanya ni Eliseo:
����������� Huwag kang matakot, sapagkat ang sumasaatin
ay higit sa sumasakanila.
( II Hari 6:16)
At nanalangin si Eliseo na buksan ng Diyos ang mga mata ni Gehazi at makakita siya sa larangang espirituwal. Sinagot ang panalangin at nakita ni Gehazi ang hukbong espirituwal na nakapalibot sa Israel.
Sa halimbawang ito, ipinahintulot ng Diyos kay Gehazi na makita niya ang pangitaing espirituwal sa pamamagitan ng kanyang natural na mga mata. Gayon man, ang mahalaga ay kung walang pangitaing espirituwal, ang makikita lamang ng bayan ng Diyos ay ang abot tanaw ng kanyang mga mata.
Tulad ni Gehazi, natatalo sila ng kapangyarihan ng kaaway na kanilang nakikitang gumagalaw sa kanilang paligid. Ang kanilang pangitain ay natutuon sa kani-kanilang mga problema at ang kanilang buhay ay umiinog lamang sa, �Paano ang ating gagawin?� Kung walang pangitain hindi nila makikita at mauunawaan ang banal na plano ng Diyos.
PAGBUO NG PANINGING ESPIRITUWAL
Bago ka na-born-again, binulag ka ng kasalanan. Dahil sa kaligtasan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus ang iyong pagkabulag ay gumaling. Nais ng Diyos na mabuo ang iyong paningin o pangitaing espirituwal.
Ang paraang ito ay katulad ng isang aktuwal na pangyayari sa ministeryo ni Jesus:
����������� At nagsidating sila sa Betsaida. At dinala
nila sa kaniya ang isang lalaking bulag, at
������������ ipinamanhik
sa kaniya na siya�y hipuin.
����������� At hinawakan niya sa kamay ang
lalaking bulag, at dinala niya sa labas ng nayon;
at nang maluraan ang kaniyang mga mata, at maipatong ang kanyang mga
kamay sa kaniya, ay kanyang tinanong siya, Nakakakita ka baga ng anoman?
At siya�y tumingala at nagsabi, Nakakakita ako ng mga tao; sapagka�t
namamasdan ko silang tulad sa mga punong kahoy, na nagsisilakad.
�( Marcos 8: 22-25 )
Ang himalang ito ay isang pagpapagaling mismo na ginawa ni Jesus noong Siya ay narito sa lupa.
Bakit hindi lubusang gumaling ang lalake sa unang paghipo ni Jesus sa kanya? Di ba�t na kay Jesus ang lahat ng kapangyarihan? Di ba�t Siya ang Anak ng Diyos na buhay? Nagbigay si Jesus ng isang natural na halimbawa sa isang espirituwal na katotohanan. Nais kang hipuin ni Jesus sa larangang espirituwal tulad ng lalakeng ito. Una, nais Niyang alisin ang pagkabulag bunga ng kasalanan sa iyong buhay. Pagkatapos, nais Niyang buuin sa iyo ang pangitaing espirituwal.
ANO ANG PANGITAING ESPIRITUWAL?
Ang pangitaing espirituwal ay pagkakita sa larangang espirituwal sa kabila pa ng natural na larangan. Ito ay pagkaunawa sa banal na layunin ng Diyos at pagkilala sa iyong bahagi sa Kanyang plano.
Ang mga mananampalataya na napapahamak ay maiuugnay sa mga sumusunod:
����������� -Wala silang pangitaing espirituwal.
����������� -Tumanggap sila ng pangitaing espirituwal subalit hindi ito sinunod.
����������� -Mayroon silang pangitain, subalit di nila alam kung paano ito tutuparin. Sinubukan nila
����������� at nabigo o kaya di man lang sinubukan.
Nagkakaloob ang pangitaing espirituwal ng isang maliwanag na larawan ng nais ng Diyos na iyong gawin at ginagabayan ang bawat hakbang ng iyong buhay Cristiano tungo sa pag-abot ng minimithi nito.
ANG PANGITAIN NI PABLO
May pangitaing espirituwal si Apostol Pablo. Sinabi niya:
����������� Hindi ako nagsuwail sa pangitain ng
kalangitan. (Gawa 26:19)
Ang pangitain ng kalangitan (espirituwal) ang nag-bunsod kay Pablo. Kinilala niya na di sapat ang pagkakaroon ng pangitain. Kailangang kumilos upang maabot ang pangitain.
Magiging malabo ang pangitain dahil sa hindi mo pagkilos ayon dito. Kapag ang Diyos ay nagbigay ng pangitain, may kaakibat itong mga espirituwal at praktikal na mga estratehiya para sa katuparan nito.
Nang si Pablo ay bigyan ng Diyos ng pangitaing espirituwal, nagbigay din ang Diyos ng mga tiyak na mga bagay upang maabot ang pangitain.
����������� Datapuwa�t magbangon ka, at ikaw ay
tumindig sa iyong mga paa: sapagka�t dahil
dito�y napakita ako sa iyo, upang ihalal
kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga
bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;
����������� Na ililigtas kita sa
bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila�y sinusugo kita,
����������� Upang idilat mo ang
kanilang mga mata, upang sila�y mangagbalik sa ilaw mula sa
kadiliman ni Satanas hanggang sa Diyos,
upang sila�y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa
kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.
(Gawa 26:16-18)
Binigyan ng Diyos si Pablo ng pangitaing espirituwal sa layuning gawin siyang isang ministro at saksi.
Ang kanyang ministeryo ay para sa isang tanging grupo ng mga tao, ang mga Hentil. Ang takdang Hentil ay tumutukoy sa bawa�t isa na hindi Judio, kaya ang ibig sabihin talaga ay ang lahat ng ibang mga bansa sa sanglibutan.
Binigyan ng Diyos si Pablo ng mga layunin at plano upang matupad ang pangitain. Ang dapat gawin ni Pablo ay:
����������� -Idilat ang kanilang mga mata mula sa kadiliman tungo sa liwanag.
����������� -Ibalik sila sa Diyos mula sa kapangyarihan ni Satanas.
����������� -Pangunahan sila tungo sa kapatawaran ng kasalanan.
����������� -Ihayag ang kanilang espirituwal na mana na kanilang tinanggap sa pamamagitan ng
������������ pananampalataya.
PAGLILIHI:
Ang �paglilihi� ay paglikha. Ang pangitaing espirituwal ay nilikha ng Diyos sa iyong espiritu.
Nang bigyan ng Diyos si Pablo ng pangitaing espirituwal, tinukoy Niya ang pinagmulan. Sinabi Niya, �Ako si Jesus� (Gawa 26:15). Nilikha ng Diyos ang pangitain kay Pablo.
PAGBUBUO
Sa iyong pagtanggap ng pangitaing espirituwal, ito ay isang �binhi.� Ang binhi o semilya ang unang hugis ng buhay. Tulad ng pagbuo ng semilya ng tao, binubuo ng Diyos ang iyong pangitaing espirituwal sa iyong paglago sa Kanya.
Ang unang hugis ng buhay sa tao ay ang binhi o semilya, mula dito ay nabubuo ang mga paunang katangian ng isang tao. Kung pakialaman mo ang binhi, maaaring magkaroon ng kapansanan ang bata o kaya ito ay mamatay.
Ang Diyos ang lumilikha ng pangitaing espirituwal sa iyo. Ang pangitaing ito ay mananatiling binhi na pagmumulan ng lahat ng mga katangiang mabubuo. Kung pakikialaman mo ang pangitain, ito ay malilihis sa sakdal na plano ng Diyos, o baka ito ay maudlot.
Kung ang pangitain na ipinaliliwanag sa kursong ito ay binuo ng Diyos sa iyong espiritu, kailangang ito ay manatiling gayon bagamat maaaring sa ibat-ibang paraan mo ito matutupad.
Ang pangitain ay mabubuo habang ikaw ay lumalago sa buhay espirituwal. Ang mga katangian nito ay hindi tulad ng sa kahapon, noong isang linggo, o nakaraang buwan. Gayon man, di mo dapat malimutan ang pinagmulang pangitain na siyang banal na layunin sa pagkatawag sa iyo ng Diyos.
Ang paglago ng pangitaing ito �ay magpapalawak ng iyong karanasan kung paanong nangyayari ito sa isang ina. Kung ang pangitaing ito ay hindi lumago sa iyo, ito ay mamamatay.
Tulad ng isang ina na dinadala sa kanyang sinapupunan ang kanyang sanggol, sa pagtanggap mo ng pangitain, ito ay mananatili sa iyo. Ito ay magiging mahalagang bahagi ng iyong buhay. Kukuha ito ng lakas mula sa iyo at mula sa Diyos na pinagmulan nito.
Habang ang sanggol ay nabubuo sa sinapupunan, ang isang kagampan na ina ay tatanggi sa ilang mga bagay. Sa paglago ng iyong pangitain, ito ay kakailanganin mo ring gawin. Kailangan mong tanggihan ang mga sarili mong balak at ambisyon. Maaaring isa-kabilang tabi mo ang mga kayamanan ng sanglibutan. Kakailanganin mo ang panahon para sa pag-aayuno at pananalangin.
PAGHIHIRAP
Sinasabi sa Ecclesiastes 5:3:
�����������
����������� Sapagkat ang panaginip ay dumarating sa
karamihan ng gawain.
Ang lumilitaw na kahulugan nito mula sa salitang Hebreo ay, ang pangitain o pangarap ay dumarating sa pamamagitan ng �matinding paghihirap.�
Sa natural na panganganak may mga katotohanang tungkol sa paghihirap na katulad ng paghihirap sa larangang espirituwal upang isilang ang isang pangitain. Ang panahon ng pagsilang ng sanggol ay matindi at buhos ang lakas sa paglabas nito. Ang tawag diyan ay nagle-�labor.�
Tulad ng sa pagsisilang ng sanggol, ang pangitaing espirituwal ay iniluluwal na may kasabay na buong pagtuon ng pagiisip, pangangatawan, at espiritu. Sa iyong pag-aaral ng kursong ito, ituon mo nang buo ang iyong sarili sa nais iluwal ng Diyos sa iyong espiritu.
Kapag ang isang ina ay nagle-labor, dapat niyang hayaan ang kusang natural na pwersa ang mangibabaw. Kung pupuwersahin niya ang sanggol sa labasan nito, bago ito bumukas, maaaring ikamatay ito ng sanggol.
Ganito rin sa larangang espirituwal. Hayaan mong ang Diyos ang manaig sa iyong buhay. Kung pilitin mo na iluwal ang pangitain sa sarili mong lakas baka ito ay maudlot.
Maaring itulak mo at pilitin ang iyong sarili upang iluwal ang pangitain sa sarili mong kakayahan. Subalit ang sisira sa pangitain ay sariling sikap.
Nang maunawaan ni Pedro ang itinatawag ni Jesus na kanyang gawin, sinabi niya kay Jesus, �Lumayo ka sa akin, akong manggagawa ng katampalasanan.� (Lukas 5:8). Alam ni Pedro na hindi niya kaya sa kanyang sariling lakas na matupad ang pangitain.
Hindi inihahayag ng isang ina ang kanyang pagle-labor sa harap ng mga tao, gayon din ang isang nagluluwal ng pangitain ay kailangang mag-isang nakikipagniig sa Diyos.
PANAHON NG PAGBABAGO
Sa� natural na pagluluwal, may pagbabagong nagaganap bago mabuksan ang lagusan at mailuwal ang sanggol. Ito ang pinakamahirap na sandali sa panganganak.
Katulad nito ang pagsilang ng pangitaing espirituwal. Sa sandaling iluwal ng Diyos sa iyo ang pangitaing espirituwal, daranas ka ng pagbabago.
Sa pagbibigay sa iyo ng Diyos ng pangitaing espirituwal, kakailanganin nito ang pagbabago sa iyong buhay. Hihilingin nito ang bagong pagtatalaga at pagsuko.
Maaaring maranasan mo ang bigat sa bawat larangan ng iyong buhay. At maaaring magsumamo ang kalooban mo na ikaw ay makaalpas sa hirap ng nais iluwal ng Diyos sa iyo.
Sa puntong ito marami ang nabibigo na matanggap ang pangitain. Paulit-ulit na dinadala ng Diyos ang Kanyang bayan sa dako ng pagbabago upang iluwal ang Kanyang pangitain sa kanila.
Subalit dahil sa hirap na dala ng pagbabago, marami ang tumatalikod. Hindi nila makayanan ang bigat nitong mahirap na panahong ito ng pagbabago.
Hindi sila nakalaan na gumawa ng kailangang pagbabago sa pagiisip at estilo ng buhay. Hindi nila maiwan ang sariling sikap at mga tradisyon. Hindi nila maisakabilang tabi ang kanilang mga ambisyon at nasa upang sundin ang plano ng Diyos. Ito ang nangyari sa bansang Israel:
����������� Gaya ng babae na nagdadalang-tao na
lumalapit ang panahon ng kanyang
panganganak, at nasa hirap at humihiyaw sa
kanyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.
Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay
sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng
anomang kagalingan sa lupa; o
nabuwal man ang mga nananahan sa
sanglibutan. (Isaias 26:17,18)
May paghihirap na nagpapalungkot subalit ito ay tungo sa pagsisilang na dulot nama�y galak:
����������� Ang babae kapag nanganganak ay nalulumbay,
sapagkat dumating ang
����������� kanyang oras: nguni�t
pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya
����������� naaalaala ang hirap
dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao
����������� sa sanglibutan.� (Juan 16:21)
Sinabi sa Isaias 53:11 na nasaksihan ng Diyos ang paghihirap ni JesuCristo at nasiyahan ang Diyos. Ang pangitain ay natupad noon sa Kalbaryo�isang pangitaing ipinangako ng Diyos mula pa nang magkasala ang tao (Genesis 3:15). Sa pamamagitan ng paghihirap ni Jesus, ang pangitain ng katubusan mula sa kasalanan ay naging isang katunayan.
May hapding dulot ang paghihirap, subalit sa pamamagitan lamang ng paghihirap mailuluwal ang pangitain.
����������� ...sapagka�t pagdaramdam ng Sion, ay
nanganak ng kaniyang mga anak.
����������� Dadalhin ko baga sa
kapanganakan at hindi ko ilalabas? Sabi ng Panginoon;
Magsasara baga ako ng bahay bata, akong
nagpapanganak? Sabi ng
Iyong Diyos. (Isaias 66:8-9)
ANG PAGSILANG
Ang paglago ng isang pangitaing espirituwal ay may inaasahang patutunguhan, tulad ng isang binhi ng sanggol. Ito ay ang pagsilang ng sanggol. Ang kulang sa buwan na pagsilang,� o lumampas naman sa takdang panahon ay maaring mauwi sa kamatayan. Ito ay totoo sa natural na pagsilang o sa pagsilang ng pangitaing espirituwal.
����
Pagkatapos isilang ang isang sanggol patuloy ang paglaki at paglago ng bata. Pagkatapos isilang ang pangitaing espirituwal, ito ay magpapatuloy na lumago. Ito ay magkakaroon ng mga bagong katangian at hugis, subalit ang lahat ng ito ay mula sa binhi ng pangitaing espirituwal.
ANG PANGITAIN NI ABRAHAM
Sinubukan ni Abraham na iluwal ang pangitain ng Diyos sa pamamagitan ng sariling sikap sa pagsilang ni Ishmael. Alam niya na ang plano ng Diyos ay gawin ang kanyang lahi na maging isang dakilang bayan pero hindi naman siya magkaanak kay Sarah.
Kaya may hakbang na pangsarili na ginawa si Abraham at isinilang nga si Ishmael. Subalit kanginong kapangyarihan ang nasa likuran nito, sa kay Abraham o sa Diyos? Ang katuparan ba ng pangitain sa pagsilang ni Ishmael ay gawa ng tao o gawa ng Diyos?
Maaari kang magluwal ng mga Ishmael sa pamamagitan ng sarili mong sikap. Si Ishmael ay kumakatawan sa iyong mga plano at pamamaraan na pangsarili sa pagtupad ng kalooban ng Diyos. Subalit ang makalangit na pangitain na kinakatawan ni Isaac ay dapat iluwal ng Diyos.
Sino ang pinagmumulan ng pangitaing espirituwal?
Nang tanungin si Jesus, �Ano ang kinakailangan naming gawin , upang aming magawa ang� mga gawa ng Diyos?� Sumagot si Jesus at sa kanila�y sinabi, Ito ang gawa ng Diyos� tinutukoy nito na ang Diyos mismo ang pinagmumulan (Juan 6:28-29).
Hindi nais ng Diyos na si Abraham ang pagmulan ng makalangit na pangitain at hindi rin Niya nais na ang iluwal ay pangitaing likha ng tao o ng organisasyon.
Ang Diyos ang pinagmumulan ng pangitaing espirituwal. Ang pangitaing tatanggapin mo sa kursong ito ay plano ng Diyos. Hindi ito plano ng tao, ng isang denominasyon, o ng isang organisasyon.
Walang ulat ang Biblia na ang Diyos ay nangusap kay Abraham sa loob ng labing-tatlong taon pagkatapos ipanganak si Ishmael. Sinariwa muli ng Diyos ang pangitain kay Abraham noong imposible na siyang magka-anak pa. Noon lang pumanaw ang pangsariling-sikap.
Di nagtagal at dumating ang pangitain, sapagka�t sa tamang panahon ay mahimalang isinilang si Isaac. Subali�t sa pagsilang ng plano ng Diyos (Isaac), si Ishmael (sariling-sikap) ay kailangang iwaksi.
Panahon na upang isilang sa iyong espiritu ang iyong Isaac (plano ng Diyos). Upang ito ay maganap, kailangang iwaksi mo ang Ishmael mula sa buhay mo.
Masakit ang pagwawaksi ng sariling-sikap, sariling plano, mga ambisyon, tradisyon, at programa ng organisasyon.
Subali�t sinasabi sa iyo ng Diyos tulad ng sinabi Niya kay Abraham, �Huwag mong mabigatin ang paglisan ni Ishmael ( sariling-sikap)�sapagka�t kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.� Kay Isaac, ang Diyos ang pinagmulan ng pangitain.
NAKAHANDA KA NA BA?
Kinakailangan sa pagsilang ang pagbabago. Sa natural na buhay, kailangang lisanin ng sanggol ang seguridad ng bahay-bata.
Noong ikaw ay ma-born again kinailangan mong lisanin ang lumang buhay ng kasalanan. Pinahintulutan mong baguhin ni Jesus ang iyong pag-iisip at pag-uugali.
Upang maisilang ang pangitaing espirituwal, kailangan ng pagbabago. Kailangan ang tapang upang humakbang mula sa iyo nang alam tungo sa hindi mo alam.
Handa ka na bang tanggapin ang pangitaing espirituwal? Nakalaan ka bang makaranas ng paghihirap sa larangang expirituwal upang mailuwal ang isang bago at mahalagang bagay sa iyong buhay Cristiano? Kung hindi ka nakalaan, buti pa ay huminto ka na sa iyong pag-aaral ngayon, sapagkat sa sandaling masulyapan mo ang pangitaing inilalahad sa mga pahinang sumusunod, ang buhay mo�y di na magiging tulad ng dati.
PANGSARILING �PAGSUSULIT
1. Isulat mo na memoryado ang Susing Talata.
2. Ano ang ibig sabihin ng pangitaing espirituwal?
3. Tingnan ang listahan ng mga pangalan sa Unang Listahan, pagkatapos basahin ang Ikalawang Listahan. Piliin ang numero ng pangungusap na kaugnay ng tao sa Unang Listahan at isulat sa puwang sa harapan ng pangalan. Ang unang pangalan na may sagot na ay isang halimbawa.
����������� Unang Listahan����������� ����������������������� ����������� Ikalawang Listahan
__2___Pablo�� ����������� ����������� 1. Sinikap na isilang ang pangitain sa pamamagitan ni Ishmael.
______Gehazi� ����������� ����������� 2. �Hindi ako naging masuwayin sa makalangit na pangitain�
______Abraham�������� ����������� 3. �Ano ang ating gagawin?�
______Diyos�� ����������� ����������� 4. �Dadalhin ko baga sa kapanganakan at hindi ko ilalabas?�
______Jesus��� ����������� ����������� 5. �Lumayo ka sa akin sapagka�t ako�y taong makasalanan�
______Pedro�� ����������� ����������� 6. Nakita ng Diyos ang Kanyang paghihirap at Siya�y nasiyahan.
4. Basahin ang mga pangungusap sa Ikalawang Listahan. Piliin ang numero ng pangungusap na nagbibigay ng wastong kahulugan sa puwang sa harapan ng salita sa Unang Listahan.
����������� Unang Listahan����������� ����������� ����������� Ikalawang Listahan
_____Paglilihi�� ����������� ����������� 1. Ang panahon na ang pangitaing espirtuwal ay lumalago sa iyo.
_____Paglago� ����������� ����������� 2. Bago mismo magsilang. Pinakamahirap na panahon na
kailangang iwaksi ang sariling sikap at hayaang ang Diyos ang magluwal ng pangitain.
_____Paghihirap��������� ����������� 3. Ang pasimula ng pangitain sa iyong espiritu ayon sa pagkatanim
����������������������� ����������������������� ����������� ng Diyos.
_____Pagbabago������� ����������� 4. Panahon ng pagle-labor, matinding hirap ng boong katauhan.
�������
������� (Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Palawakin mo ang pagkaunawa mo ng kaganapan ng hirap ng panganganak sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga sumusunod na mga talata:
Juan 16:21: �May dalang lumbay, subali�t tungo ito sa kagalakan ng pagsilang.
1 Tesalonica 2:9: �May paghihirap sa natural o espirituwal na larangan.
Galacia 4:19: �Ang bunga ay mahubog kay Cristo.
Roma 8:22-25: �Ang dala nito ay pag-asa.
Isaias 66:7-9: �Nais ng Diyos na ang paghihirap na espirituwal ay magbunga ng pagsilang.
�
2. Pagisipan ang mga sumusunod na pangungunsap:
����������� �Ang pangitaing salat sa gawa ay guni-guni�
����������� � Ang gawa na walang pangitain ay pabigat�
����������� �Ang gawain na bunsod ng pangitain ang siyang nararapat.�
3. Mga taong liko ay nagsisilang ng mga masasamang plano:
����������� Narito siya�y nagdaramdam ng kasamaan; Oo,
siya�y naglihi ng kasamaan,
����������� At nanganak ng
kabulaanan. (Awit 7:14)
4. Ang ibig sabihin ng �baog� ay hindi ka pwedeng magka-anak. Ikaw ba�y baog sa larangang espirituwal?
Mga babae sa Biblia na dati ay baog subali�t nang hipuin ng Panginoon ay nagsilang ng mga dakilang anak�
����������� - Isinilang ni Sarah si Isaac
����������� - Isinilang ni Rachel si Joseph
����������� - Isinilang ni Manoah si Samson
����������� - Isinilang ni Hannah si Samuel
����������� - Isinilang ni Ruth si Obed
����������� - Isinilang ni Elizabeth si John
IKALAWANG KABANATA
ANG PANGITAIN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.����������� Ipaliwanag ang kahulugan ng �bagay na likas at espirituwal na katumbas.�
.���������� Kilanlin ang likas na mga halimbawa ng pag-aani na katumbas ng pangitaing espirituwal na nais ng Diyos na iluwal sa iyong espiritu.
.����������� Ipaliwanag ang mga hakbang tungo sa pagtanggap ng pangitain.
SUSING TALATA:
����������� Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na
buwan pa, at saka darating ang
����������� pag-aani? Narito, sa
inyo�y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata,
����������� at inyong tingnan ang
mga bukid, na maputi na upang anihin. ( Juan 4:35)
PAMBUNGAD
Inilarawan sa unang kabanata ang paraan ng pagbuo ng pangitaing espirituwal. Ang kabanata namang ito ay tumutukoy sa pangitain na nais ni Jesus na iluwal sa iyong espiritu at kung paano ito tinatanggap.
Walang pagkakaiba ang pangitain na inihamon ni Jesus sa Kanyang mga alagad noong mahigit na 2000 taong nakalipas. Upang maunawaan ang kahulugan ng pangitain kailangang kilanlin ang isa sa mga saligang prinsipyo ng Salita ng Diyos. Ang prinsipyong ito ay tungkol sa likas na katumbas ng mga katotohanang espirituwal.
Binibigyang kahulugan ng kabanatang ito ang prinsipyong ito at iniaangkop sa pangitaing nais ng Diyos na ipaglihi sa iyo.
MGA LIKAS AT ESPIRITUWAL NA KATOTOHANAN
Ang nasulat na tala ng Salita ng Diyos, ang Biblia, ay naka-pokus sa mga tao, mga pangako, mga hula, at mga prinsipyo.
Ang nakahihigit sa nilalaman ng Biblia ay ang tala ng mga tao, kung paano nakitungo ang Diyos sa kanila at ang kanilang mga tugon sa Kanya. Marami ding bahagi ng Biblia ang nagtala ng mga hula tungkol sa mangyayari sa hinaharap at maraming mga pangako ang ibinigay sa bayan ng Diyos.
Nilalaman din ng Biblia ang mga mahahalagang mga prinsipyo na dapat mong kilanlin upang maunawaan kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo sa Kanyang mga Salita. Isa sa mga dakilang prinsipyong ito ay ang mga likas na katumbas ng mga katotohanang espirituwal. Ang salitang �katumbas� ay nagsasaad na may pagkakahawig. Ang ibig sabihin sa ating pagbanggit ng �likas na katumbas ng mga katotohanang espirituwal� ay gumagamit ang Diyos ng isang natural na halimbawa upang ipaliwanag o katawanin ang isang katotohanang espirituwal.
Ang mga talinhaga ni Jesus ay mga halimbawa mula sa mga natural na bagay upang ihayag ang katotohanang espirituwal. Sa isang talinhaga, ginamit ni Jesus ang isang natural na halimbawa ng isang babae na naglagay ng kaunting pampaalsa sa isang masa ng tinapay. Ang pagkalat ng pampaalsa sa masa ng tinapay ay naglalarawan ng paglaganap ng Paghahari ng Diyos sa sanglibutan.
Ito ay isa lamang sa� maraming mga halimbawa ng mga talinhaga na ginamitan Niya ng isang natural na halimbawa upang ilarawan ang isang katotohanang espirituwal.
Ang prinsipyong ito ng likas na katumbas ng mga katotohanang espirituwal ay ipinaliwanag sa 1 Corinto:
����������� ...May katawan ukol sa lupa at katawang
ukol sa espiritu.
�����������
����������� Gayon di naman
nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang
����������� buhay. Ang huling Adam
ay naging espiritung nagbibigay buhay.
����������� Bagaman ang ukol sa
espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa:
����������� Pagkatapos ang ukol sa
espiritu. ( 1 Corinto 15:44-46)
Ito ay isang dakilang halimbawa ng likas na katumbas ng isang katotohanang espirituwal. Ang unang taong nilalang ng Diyos ang taong ukol sa laman. Adam ang pangalan niya. Si Jesus, na sinabing huling Adam, ay ang taong ukol sa espiritu.
Si Adam ang likas na halimbawa ng katotohanang espirituwal na inihayag ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Dahil sa taong ukol sa laman dumating ang kasalanan at kamatayan. Sa pamamagitan naman ng taong ayon sa espiritu dumating ang kaligtasan at buhay.
Ang natural ay yaong maaring mamasdan at maramdaman. Maaari mong makita, marinig, o mahipo. Ang espirtuwal naman ay sa pamamagitan ng espiritu.
Ang mga natural na halimbawa ay makikilala sa pamamagitan ng mga sentidong likas subali�t ang mga katotohanang espirituwal ay makikilala lamang sa pamamagitan ng kapahayagan ng Espiritu Santo.
Ang pagkaunawa ng prinsipyong ito ng likas na katumbas ng mga katotohanang espirituwal ay nagdaragdag sa iyong pagkaunawa ng Salita ng Diyos.
ANG PAGAANI
Ang pangitain na inihamon ni Jesus sa Kanyang mga alagad at nais din Niyang iluwal sa iyong espiritu ay nahayag sa pamamagitan ng likas na katumbas ng isang katotohanang espirituwal.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad:
�����������
����������� Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na
buwan pa, at saka darating ang
����������� pagaani? Narito, sa
inyo�y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata,
����������� at inyong tingnan ang
mga bukid, na maputi na upang anihin. ( Juan 4:35)
Hindi ang natural na pagaani ang tinutukoy ni Jesus nang bigkasin Niya ang mga salitang ito. Ang Kanyang tinutukoy ay ang pagaaning espirituwal.
Ginamit Niya ang halimbawa ng natural na pagaani upang bigyan ang Kanyang mga alagad ng pangitain na magbibigay kahulugan at direksyong espirituwal sa kanilang buhay.
ANO ANG KAHULUGAN NITO?
Ano ang kahulugan ng natural na halimbawang ito ng pagaani sa larangang espirituwal?
Basahin ang Juan 4:3-35. Nagdaan si Jesus sa Samaria galing sa Judea. Habang Siya ay namahinga sa tabi ng isang balon ng tubig, ang mga alagad naman Niya ay yumao upang humanap ng pagkain. Habang ang mga alagad ay wala, isang babaeng Samaritana ang dumating upang umigib ng tubig mula sa balon at ibinahagi ni Jesus sa kanya ang Mabuting Balita.
Nang makabalik na ang mga alagad na may dalang pagkain, sinabi ni Jesus sa kanila:
����������� Datapawa�t sinabi Niya
sa kanila, Ako�y may pagkaing kakanin na hindi
����������� ninyo nalalaman�Ang
pagkain Ko ay ang Aking gawin ang kalooban ng
����������� sa Akin ay nagsugo, at
tapusin ang Kanyang gawa.� (Juan
4:32,34)
Ang mahalaga kay Jesus higit pa sa pagkain at mga kailangan ng buhay ay gawin ang kalooban ng Diyos at tapusin ang Kanyang gawa.
Sa bahaging ito ng paguusap ginamit ni Jesus ang halimbawa ng natural na pagaani. Ginamit Niya ito upang ilarawan ang mga sinabi Niya sa Kanyang mga alagad. Ang pinakamahalagang bagay sa buhay ay gawin ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang gawain.
ANG KALOOBAN NG DIYOS AT ANG KANYANG GAWAIN
Ano ang kalooban ng Diyos? Ano ang Kanyang gawain? Ito ay nahayag sa pangitain ng pagaani.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na itanaw ang kanilang mga mata at tingnan ang aanihin na nakahanda na. Ginamit Niya ang mga bukirin bilang halimbawa ng mga bukiring espirituwal na napakaraming mga lalake at babae sa boong daigdig na handa ng anihin para sa Kaharian ng Diyos.
Ang babaeng Samaritana na kinausap ni Jesus ay isang halimbawa ng dakilang pagaaning ito. Nakahanda siyang tanggapin ang Mabuting Balita at tinanggap ito ng boong galak. Sa pamamagitan ng �pagaani� sa babaeng ito, isang boong bayan ang nakakilala kay Cristo.
����������� At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon
ang sa Kaniya�y nagsi-
����������� sampalataya dahil sa
salita ng babae, na nagpatotoo�
����������� At sinabi nila sa
babae, Ngayo�y nagsisampalataya kami, hindi dahil sa
����������� iyong pananalita:
sapagka�t kami rin ang nakarinig , at nalalaman namin
����������� ito nga ang
Tagapagligtas ng sanglibutan. ( Juan 4:39,42)
ANG PANGITAIN NGAYON
Habang ang mga alagad ay nakaharap sa isang natural na bukid na may aanihin, naranasan nila ang pagsilang ng isang pangitaing espirituwal.
Gayon din ang pangitaing nais ni Jesus na iluwal sa iyong espiritu. Nais Niya na ipagkaloob sa iyo ang pangitain ng bukid na aanihing espirtuwal sa boong daigdig na handa na upang gapasin para sa Kanyang Kaharian. Sa sandaling kilalanin mo ang katunayan ng pangitaing yaon at maunawaan ang iyong pananagutan sa pagtupad nito, hindi na magiging tulad pa ng dati ang iyong buhay.
Maliwanag na sinabi ni Jesus:
����������� At ang bukid ay ang sanglibutan� (Mateo
13:38)
Ang Africa, Asia, Australia, North America, South America, Europe, at ang mga isla ng� karagatan� napakaraming mga tao na hindi pa nahahatiran ng Magandang Balita ng Kaharian ng Diyos ang� hinog na para anihin sa bukirin ng sanglibutan.
Hindi pa nababago ang pangitain. Tulad pa rin noong iniluwal ni Jesus sa buhay ng Kanyang mga alagad. Ang kalooban ng Diyos ay hindi pa rin nababago sapagka�t hindi pa natatapos ang gawain ng Diyos.
Hanggang ngayo�y milyon-milyon pa rin ang di pa nahahatiran ng Magandang Balita. Ang pangitain ay ang bukirin ng ani ng sanglibutan.
BAKIT ANG PAGAANI?
Bakit ang halimbawa ng pagaani ang ginamit ni Jesus upang ilarawan ang pagitaing nais Niyang ipagkaloob sa Kanyang mga alagad? Marami namang ibang likas na katumbas na maari Niyang ginamit. Bakit Niya pinili ang pagaani?
Madaling maintindihan ng Kanyang mga alagad ang tungkol sa pagaani. Ang kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Israel ay mula pa sa kay Adam na inatasang magbungkal ng lupa. Ang agrikultura ay nagpatuloy na lumago hanggang sa panahon ni Moises at ito ang naging batayan ng kabuhayan ng tao.
Sa panahon ng ministeryo ni Cristo sa lupa, ang ikot ng kabuhayan ay na-sentro sa agrikultura. Ang pagaani ay ilang ulit sa loob ng isang taon. Ang lino at ang barley-kailangan sa paggawa ng tinapay ay inaani sa buwan ng Abril-Mayo, ang trigo naman ay� sa buwan ng Hunyo at Hulyo. Ang mga mansanas, igos, pili, at ang mga unang ubas ay inaani sa buwan ng Hunyo. Ang olibo, datiles, at pang-tagaraw na pili ay sa Agosto at Setyembre naman. Ang prutas na granada, at pestasyo ay sa Oktubre. Ang mga olibo ng hilagang Galilea at pang-taglamig na pili naman ay inaani sa Nobyembre.
Hindi lamang ang ekonomiya ang naka-sentro sa pagaani, kaugnay din ito ng buhay relihiyon ng Israel. Ang nagungunang tatlong kapistahang itinatag ng Diyos para sa Kanyang bayan ay kaugnay ng pagaani. Ang pista ng Paskua ay ginaganap sa panahon ng pagaani ng barley (Exodo 23:16). Pagkaraan ng pitong linggo, ang pista ng Pentecostes, na sa panahon naman ng pagaani ng trigo (Exodo 34:22). Ang pista naman ng mga tabernakulo ay ginaganap sa ika-pitong buwan na ito naman ang pagaani ng mga unang bunga ( Exodo 34:22).
Madaling mauunawaan ng mga alagad ang halimbawa yamang ang boong kalendaryo, ekonomiya, at relihiyon ng Israel ay umiinog sa pagaani.
Higit pa rito, may mga gabay na sinusunod sa paghahasik at paggapas na may bisa sa pagaani. Ang mga likas na batas na ito ay angkop din sa pagaaning espirituwal. Dahil sa bihasa na ang mga alagad sa mga gabay na ito, madali na nilang maiaangkop ang mga ito sa pagaaning espirituwal. Ang dulot ay masaganang aning espirituwal sa paggamit ng mga prinsipyong ito sa larangang espirituwal. Pagaaralan natin ang mga prinsipyong ito sa bandang huli ng kurso.
Ang mahalaga, dahil sa halimbawa ng natural na pagaani, napagwari ng mga alagad na kailangang-kailangan agad ang pagkilos. Kung hinog na ang aanihin, kailangang maani agad ito upang huwag mawalang saysay. Alin sa dalawa, mag-ani o mabulok.
Kung marami ang aanihin at hindi sapat ang bilang ng mga manggagawa, masasayang ang ani. Ang katumbas nito sa larangan espirituwal ay sinabi ni Jesus:
����������� Katotohana�y ang aanihin ay marami ,
datapwa�t kakaunti ang mga
����������� manggagawa. ( Mateo
9:37)
PAGTANGGAP NG PANGITAIN
Nang tukuyin ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang tungkol sa pangitain ng pagaani, binalangkas Niya ang limang hakbang upang matanggap ang pangitain:
����������� (1) HUWAG N�YONG SABIHIN (2) MAY APAT NA
BUWAN PA at saka
darating ang pagaani? (3) NARITO SA INYO�Y
AKING SINASABI,
(4) ITANAW NINYO ANG INYONG MGA MATA, at
(5) INYONG
TINGNAN ANG MGA BUKID, na maputi na upang
anihin. (Juan 4:35)
UNANG HAKBANG: �Huwag�
n�yong sabihin�
Sa kanilang boong buhay maraming mga mananampalataya ang pinaguusapan ang tungkol sa pagaani. Tulad sila ng mga trabahador na nagsisikap na magani subali�t nakaupo lamang sa tabi ng bangan. Pumupunta sila sa bangan (church) kada Linggo ng umaga at pinagaaralan ang lalong malaki at mabisang paraan ng agrikultura (pagaaning espirituwal). Inihahasa nila ang kanilang karit na pangani at pagkatapos ay uuwi na.
Kinagabihan, babalik sila at magaaral na naman ng higit na mabisang paraan ng agrikultura, ihahasa ang kanilang karit, at uuwi na naman. Babalik na naman sila ng kalagitnaan ng linggo upang magaral ng higit na mabisang paraan, ihahasa ang karit, at uuwi na naman. Ginagawa nila ito kada linggo hanggang ang mga linggo ay maging buwan at mga buwan ay maging mga taon, gayon man wala kahit isa ang pumupunta sa bukid upang gapasin ang ani.
Ang ibig sabihin ni Jesus sa Kanyang binigkas na, �Huwag n�yong sabihin� ay di sapat na pagusapan lamang ang pagaaning espirituwal. Kailangang masangkot ka� sa� pagaani �mismo. Hindi ang ibig sabihin ay iiwan mo ang iyong hanapbuhay, humingi ng sustento sa iglesiya, at maglakbay sa ibang banasa bilang mangangaral ng ebanghelyo. Subali�t ang bawa�t mananampalataya ay kailangang masangkot sa pagaani. Para sa iba, ang bukirin ay yaong nasa labas lamang ng kanilang tahanan at iglesiya. Maari din sa paaralan, sa trabaho, at sa kanilang bayan o nayon. Sa iba naman, ang pagaani ay sa ibang bansa. Ang mahalaga ay bawa�t mananampalataya ay makilahok� at hindi lamang mag-usapan tungkol sa pagaani.
PANGALAWANG HAKBANG: �May apat na buwan pa��
Hindi mo maaaring ipagpaliban ang pangitaing espirtuwal kung nais mong maging bahagi ng pagaani. Hindi ka maaaring magpa-tayong-tayong at saka ka lalahok. Napapahamak ang maraming mga kaluluwa dahil sa kasalanan. Para sa iba, baka bukas ay huli na.
����������� Gamitin ninyo ang karit; sapagka�t ang
aanihin ay hinog na: kayo�y
magsiparito, at magsiyapak; sapagka�t ang
alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka�t ang
kanilang kasamaan ay malaki.
Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng
pasiya! Sapagka�t ang kaarawan
ng Panginoon ay malapit na sa libis ng
pasiya. (Joel 3:13-14)
IKATLONG HAKBANG: �Narito sa inyo�y Aking sinasabi��
Ang mga paraan ng Diyos ay iba kaysa sa paraan ng tao:
����������� Sapagka�t ang aking mga pagiisip ay hindi
ninyo mga pagiisip, o ang
����������� Inyo mang mga lakad ay
aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
����������� Sapagka�t kung paanong
ang langit ay lalong mataas kay sa lupa,
����������� Gayon ang aking mga
lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad,
����������� At ang aking mga
pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. ( Isaias 55:8-9)
Pinaguusapan ng mga tao ang tungkol sa pagaaning espirituwal. Ipinagpapaliban naman nila.
Ang sinasabi ng Diyos ay iba� kaysa sa sinasabi ng tao. Sinabi Niya�
IKAAPAT NA HAKBANG: � Itanaw ninyo ang inyong mga mata��
Ang paningin ng mga alagad ay nagambala. Hindi sila na-pokus sa pangitain ng pagaaning espirituwal.
Upang matanggap mo ang pagitaing espirituwal na ito, kailangang kumilos ka. Kailangang alisin mo ang iyong paninging espirituwal� mula sa mga gumagambala sa buhay. Kailangang bumaling ka mula sa mga personal mong problema, panghihina ng loob, mula sa mga intindhin sa negosyo at buhay.
Kailangang ilayo mo ang iyong tanaw mula sa pangyayari sa buhay tungo sa:
IKALIMANG HABANG: �Inyong tingnan ang aanihin��
Hindi sapat na ibaling mo lamang ang iyong tanaw mula sa mga pangyayari sa buhay tungo sa pagaaning espirituwal. Kailangang tunay mong �masdan ang pagaani. Kailangan mong tingnan ang sanglibutan tulad ng pagtingin ng Diyos.
Maraming walang pangitaing espirituwal sapagka�t hindi naman talagang tumatanaw. Hindi nila kinikilala ang kanilang personal na pananagutan sa pagaani. Hindi nila binibigyang pansin ang kondisyon ng mga bukirin ng ating sanglibutan ngayon.
UPANG MATANGGAP ANG PANGITAIN
-Huwag lamang pagusapan ang pagaani.
-Huwag mong ipagpaliban.
-Kailangan mong makinig sa sinasabi ng Diyos, ang hamon na Kanyang inihaharap ng Kanyang ihibik, �Sino ang Aking susuguin at sino ang hahayo para sa Atin?� (Isaias 6:8)
-Kailangan mong itanaw ang inyong mga mata mula sa mga gumagambala sa iyo sa sanglibutang ito.
-Kailangan mong tanawin ang mga bukirin ng sanglibutan ayon sa tanaw ng Diyos.
PANGSARILING �PAGSUSULIT
1. Isulat mo na memoryado ang Susing Talata.
2. Ano ang ibig sabihin ng �likas na katumbas ng katotohanang espirituwal�?
3. Ang halimbawang ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga alagad upang bigyan ang mga ito ng isang pangitaing espirituwal ay ang halimbawa ng_____________________________________
4. Sa halimbawa ng pagaani, ang bukid ay ang _______________________________________
5. Ilista ang tatlong dahilan kung bakit pinili ni Jesus na gamitin ang halimbawa ng pagaani upang bigyan ng pangitaing espirituwal ang Kanyang mga tagasunod.
6. Ilista ang limang hakbang na ibinigay ni Jesus sa Juan 4:35 upang mapagkalooban ka ng pangitain.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling� kabanata ng manwal na ito)
�����������
�����������
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay nagbigay diin sa pangsariling pagkasangkot sa pangitain ng pagaani.
Basahin ang kasaysayan sa talinhaga ng �Mabuting Samaritano� sa Lukas 10:25-35. Ang talinhagang ito ay naglalarawan ng mga pakikisangkot sa pangangailangan ng tao. Ito ay halimbawa na nadarama ng mga mananampalataya tungkol sa pangitain ng pagaaning espirituwal sa sanglibutan.
Pansinin ang mga ginawa ng saserdote, Levita, ng katiwala ng bahay-tuluyan, at ng Samaritano sa talinhaga. Pansinin din ang pananaw ng manananggol na siyang unang nagtanong na nagbunsod kay Jesus na saysayin ang talinhaga.
Damdamin ng mga tauhan
�Ang Manananggol��� ����������� Nakakita ng tanong na mapagsasalabayan
Ang magnanakaw��� ����������� Nakita ang taong mapagsasamantalahan
Ang saserdote at�������� ����������� Nakita ang pagkakataon na makaiwas
����������� Levita
Ang katiwala ng bahay-����������� Nakita ang isang parokyano na mapagkakakitaan
����������� tuluyan
Ang Samaritano������ ����������� Nakita ang isang taong napahamak, isang aanihing pwedeng
����������������������� ����������������������� ����������� masayang, at personal na tumugon sa pangangailangan
�
IKATLONG KABANATA
NAMAMASDAN NIYA ANG MGA BANSA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. ����������� Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pagkatanaw sa sanglibutan ayon sa paningin ng Diyos.
.����������� Maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng pagaaning espirtuwal sa bukirin ng
����������� ����������� sanglibutan.
.����������� Gumawa ng isang personal na pagtatalaga na makabilang sa team ng mga internasyonal
����������� ����������� na mga taga-ani na itinitindig ng Diyos sa boong daigdig.
SUSING TALATA:
����������� Papansinin ng kaniyang mga mata ang mga
bansa. (Awit 66:7)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata, binigyang diin ang kahalagahan ng paninging espirituwal na itanaw sa mga bukirin ng pagaani sa sanglibutan.
Iba ang pangitain ng mga alagad sa pangitain ni Jesus. Kaya nga inudyukan Niya ang mga ito na tumanaw at tumingin upang makita nila ang malaking pangangailangan tulad ng Kanyang pagkatanaw.
Kailangan mong matanaw ang sanglibutan tulad ng pagkakita ng Diyos dito.� Ito ay kailangan upang makabuo ng wastong pangitaing espirituwal.
Ang kabanatang ito ay naka-pokus sa mga bukid anihan ng sanglibutan. Sinasabi ng Biblia tungkol sa Diyos na �Papansinin ng Kanyang mga mata ang mga bansa.� Ano ang nakikita ng Diyos kapag pinansin Niya ang mga bukid anihan ng sanglibutan?
KINAKALAWANG NA MGA KARIT, BUKIRING WALANG LAMAN
Natatanaw ng Diyos ang sanglibutan bilang isang bukid anihan.
����������� At ang bukid ay ang sanglibutan�( Mateo
13:38)
Ang daing ng mga tao sa sanglibutan ay naririnig ng Diyos:
����������� Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay
lipas na, at tayo�y hindi
����������� ligtas. ( Jeremias
8:20)
Ang espirituwal na bukid anihan ng sanglibutan ay katulad ng karaniwang bukirin sa panaghoy ni propeta Joel:
����������� Mangahiya kayo, Oh kayong mangbubukid,
manambitan kayo,
Oh kayong maguubas, dahil sa trigo at dahil
sa cebada; sapagka�t
ang pagaani sa bukid ay nawala. (Joel 1:11)
Sa pagtanaw ng Diyos sa mga bansa ng sanglibutan, nakikita Niya ang pagaaning espirituwal ay
napapariwara dahil sa kakulangan ng mga magaani. Hindi sinabi ni Jesus na kukulangin ang mga maghahasik ng ebanghelyo. Ang sinabi Niya ay kulang ang mga magaani ng anihing espirituwal.
����������� Katotohana�y ang aanihin ay marami,
datapawa�t kakaunti ang mga
����������� manggagawa. (Mateo
9:37)
Sa kasalukuyan, 94% ng mga ministro sa daigdig ay �mula North America at naglilingkod sa 6% ng populasyon. Ang ibig sabihin nito ay 6% lamang ng mga ministro ang nagsusumikap na umabot sa 94% ng populasyon sa ibang panig ng daigdig.
May mga 3 bilyong mga tao na kumakatawan sa 16,000 mga iba�t-ibang grupo ng mga tao na kailangang hatiran ng ebanghelyo. Mahigit sa 2,000 mga wika ang wala pang salin ng Biblia.
Sa bawa�t 10,000 mga nayon sa India, 9,950 ni walang saksing Cristiano. Sa Japan, 1% lamang ang mga Cristiano kung pagsasama-samahing lahat.
Sa Latin America may humigit kumulang na 5 milyong mga tao sa kagubatan na hindi pa naaabot ng ebanghelyo. Sa may mga 750 milyong Muslim, 500 lamang mga misyonerong Protestante ang naglilingkod sa kanila.
Ang pangangailangan sa ibang bansa ng Africa, Asia, South America, at Middle East ay tulad din ng mga nabanggit na halimbawa.
Ito ang nakikita ng Diyos sa Kanyang pagtanaw sa mga bansa.
ANG PUWANG
Ang sabi ng Biblia:
����������� Sapagka�t may isang Diyos at may isang Tagapamagitan
sa Diyos at sa tao,
����������� Ang taong si Cristo
Jesus. ( 1 Timoteo 2:5)
Kaya kailangan ang isang tagapamagitan ay dahil sa may puwang sa dalawang partido na hindi nagkakasundo.
Sa pagtingin ng Diyos sa sanglibutan, nakikita Niya na may namamagitan sa Kanya at sa� maraming mga tao. May puwang sa pagitan ng Diyos at tao dahil sa kasalanan.
Si Jesu-Cristo ang Tagapamagitan sa makasalanang tao at matuwid na Diyos. Hindi magkakasundo ang dalawa kung walang mamamagitan. Dahil sa kay Jesus, natubos ang tao mula sa kasalanan at tinanggap ng isang matuwid na Diyos.
Kay daming tao ang naghihintay ng mensahe ng tagapamagitan upang makipagkasundo sila sa Diyos. Ang Dakilang Utos na ibinigay ni Jesus ay upang ang Kanyang mga alagad ay tumayo sa puwang sa pagitan ng Diyos at tao. Binanggit Niya ang paghayo sa Jerusalem, Judea, Samaria, hanggang sa dulo ng daigdig.
Kailangan silang magsimula sa kanilang kinalalagyan at mag-ebanghelyo sa Jerusalem. Upang maabot ang Judea at Samaria, kailangan nilang humarap sa ibang kultura. Iba ang Samaria kay sa Jerusalem sa larangan ng kultura at teolohiya. Ang malalayong mga rehiyon ng daigdig ay naging higit na hamon. Gayon man, bawat rehiyon ay kumatawan sa pagitan ng tao sa Diyos.
Sa umpisa, atubili ang mga alagad na alisin ang namamagitan sa mga Judio at mga Hentil dahil sa mga pagkakaiba sa kultura at teolohiya. Hindi sila gaanong lumayo sa Jerusalem upang palawakin ang paghahatid ng Magandang Balita, kung di pa tumindi ang paguusig. (Gawa 8:4)
Para matupad mo ang Dakilang Utos at magapas ang ani, kailangang iwaksi mo ang mga hindi wastong �kinaugaliang kultura, teolohiya at denominasyon. Baka nga kailanganing umalis ka sa iyong bayan. Kailangang punan mo ang pagitan at ibahagi ang Magandang Balita na si Jesus ang Tagapamagitan sa Diyos at sa tao.
DAGDAG NA PUWANG
Dagdag sa puwang na namamagitan sa Diyos at sa tao dahil sa kasalanan, ay isa pang malaking puwang na espirituwal. Ito ay ang puwang sa pagitan ng hamon ni Jesus na hatiran ng ebanghelyo ang boong daigdig at ang kabiguan ng Kanyang bayan na tuparin ito.
Hangga�t hindi mo natatanggap ang pangitain ng pagaaning espirtuwal, hindi mo mauunawaan ang iyong bahagi sa Kaharian ng Diyos. Ito ang dahilan na nagbibigay ng direksiyon sa buhay Kristiyano. Ang pangitain ng pagaaning espirituwal ay dapat maging sentro ng iyong buhay. Para sa marami, hindi ito ganoon kahalaga.
Ang hilig nating pagusapan ay ang mga bagay na mahal natin. Pinaguusapan natin ang tungkol sa ating asawa, mga kaibigan, palakasan, at mga kinagigiliwang gawin. Pinaguusapan din natin ang mga bagay na may halaga sa atin tulad ng pulitika, pananalapi, at negosyo. Subali�t gaano kadalas nating pagusapan ang tungkol sa mga kaluluwang napapahamak? Gaanong malasakit mayroon tayo para sa napakaraming mga tao na naghihintay doon sa puwang, at malamang ay mapariwarang anihing espirituwal?
Binanggit ni Pablo ang mga karaniwang gawain tulad ng pagkain at pag-inom para sa ikaluluwalhati ng Diyos (1 Corinto 10:31) Bawa�t gawain ng iyong buhay ay maaaring ma-sentro sa pangitain ng anihing espirituwal. Sa sandaling ito ay maaaring magdudulot ito ng bagong hamon, layunin, at direksyon sa iyong buhay bilang isang mananampalataya. Bawa�t araw ay magiging kasiya-siyang bahagi ng pagkatuklas mo kung ano ang iyong bahagi sa pagtupad ng pangitain. �
Sa sandaling kilalanin mo ang iyong personal na pananagutan sa maraming mga tao na naroon sa puwang at ang pangitain ng pagaani ay sumambulat sa iyong espiritu, ikaw ay nagiging kabahagi sa malawak na network. Ang network na ito ay isang grupo ng mga mananampalataya mula sa iba�t ibang panig ng daigdig na nagsama-sama upang tanawin ang sanglibutan ayon sa paningin ng Diyos at tuparin ang Kanyang plano na ipangalat ang ebanghelyo.
Di pa nagtatagal, ang kilusang ito ay binansagang �World Christians.� Sila ang mga mananampalataya na sa pagwawakas ng bawa�t araw ay boong tiwalang nasasabi:
����������� � Alam kong sa araw na ito ang aking buhay ay may naging ambag sa usaping
����������� pang-daigdig ni Cristo, lalo doon sa mga sa kasalukuyan ay di pa naaabot ng
����������� ebanghelyo.�
Ito ang hamon ng pagaaning espirituwal. Ito ang pagtanaw sa sanglibutan ayon sa pagtingin ng Diyos.
PINTUANG BUKAS
Ang tingin ng mga tao ay sarado ang ilang mga bansa sa ebanghelyo. Kapag itinuring ang isang bansa na �sarado� sa ebanghelyo ang karaniwang ibig sabihin nito ay hindi pinapayagan ng gobyerno dito na makapasok ang mga misyonerong Cristiano at hinahangad pang pigilan ang pagkalat ng ebanghelyo sa kanilang nasasakupan.
Subali�t sa Diyos, walang limitasyon. Wala Siyang nakikitang �saradong� mga bansa. Totoo na may mga bansa na hindi tinatanggap ang tradisyonal na misyonero sapagkat hindi sila binibigyan ng visa para makapasok at mangaral ng ebanghelyo.
Subali�t kung ang bukanang pinto ay nakasara, pwede sa likuran dumaan. Mga grupo ng mga trabahador ay nakapapasok sa mga �saradong� bansa upang magtayo ng mga paaralan, mga klinik, at mga proyektong agrikultura. Habang nagta-trabaho doon, nagbabahagi ng ebanghelyo.
Ang iba namang mga mananampalataya ay nakapapasok bilang mga guro, mga medical personnel, at mga nagtuturo sa mga tao na sumulat at bumasa. Ang makabagong mga kagamitan ay nakapaghahatid ng mensahe ng ebanghelyo tulad ng radyo at cable TV sa mga saradong bansa. Tumatagos na panalangin naman ang nagmumula sa mga� grupo ng mga dumadalanging mga intercessors.
Sa loob ng mga �saradong� bansa, ang mga mananampalataya dito ang tumanggap ng pananagutan na ikalat ang ebanghelyo sa kanilang sariling bansa kahit palihim. Hindi mo maaaring gawing katuwiran na ang bansa ay �sarado.� Ang ebanghelyo ay di mapipigil ng mga gobyerno. Hindi mga lider pulitika ang iyong kaaway.
Ang dapat �mong harapin ay ang mga pamunuan at kapangyarihan ng kadiliman sa kabila ng mga bagay na ito na kumakalaban sa layunin ng Diyos para sa boong daigdig.
����������� Sapagka�t ang ating pakikibaka ay hindi
laban sa laman at dugo, kundi laban
����������� sa mga pamunuan, laban
sa kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng
����������� kadilimang ito sa
sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa
����������� mga dakong kaitaasan.
(Efeso 6:12)
Tanggapin mo ang pangitain ng isang daigdig na walang hangganan. Tingnan mo ang bukid anihan. Tangisan mo ang mga lunsod gaya ni Jesus. Tanawin mo ang sanglibutan ayon sa paningin ng Diyos. Ang Kanyang pangitain ay pang boong daigdig at ang Kanyang layunin ay pang walang hanggan mula pa sa paglalang ng patibayan ng daigdig.
PANGSARILING�
PAGSUSULIT
1. Isulat mo na memoryado ang Susing Talata:
2. Gaano karami ang mga tao sa mundo na tinatayang hindi pa naaabot ng ebanghelyo?_____________
3. Humigit-kumulang ilan pang mga wika ang wala pang salin ng Biblia?__________________
4. Ano ang ibig sabihin ng �tanawin mo ang sanglibutan ayon sa paningin ng Diyos?__________
5. Ano ang puwang na namagitan sa Diyos at sa tao kaya kinailangan ang isang Tagapamagitan, si Jesu-Cristo?________________________________________
6. Isulat ang T sa harapang puwang kung ito ay TAMA. Isulat naman ang M kung ito ay MALI.
a.______ Ang mga saradong bansa ay di maaabot ng ebanghelyo.
b. _____ Ang pangunahing kalaban natin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ang mga gobyerno na nangangasiwa sa mga bansa.
c.______ Sinabi ni Jesus na kakaunti ang mga manggagawa sa espirtuwal na bukid anihan ng sanglibutan.
7. Ano ang ibig sabihin ng pagiging �World Christian�? ________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa �pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAGAARAL
Basahin ang tungkol sa pangitain ni Isaias na natala sa Isaias 6:1-9
Ang pangitaing yaon ay�
����������� -Pataas na pangitain (taas): Nakita niya ang Panginoon
����������� -Pangloob na pangitain (lalim): Nakita niya ang kanyang sarili at ang kanyang
kalagayang espirtuwal
����������� -Palabas na pangitain (lawak): Nakita niya ang sanglibutan
Ito rin ay pangitain ng�
����������� -Kabanalan ng Diyos
����������� -Ka-impyernuhan: �Ako ay napahamak� (marumi)
����������� -Kawalang pag-asa: �Sino ang hahayo para sa amin?�
Pansinin ang mga susing salita�
����������� Sa aba: Salita ng pag-amin (talatang 5)
����������� Narito: Salita ng paglilinis (talatang 7)
����������� Humayo: Salita ng pagtatakda (talatang 9)
IKALAWANG BAHAGI:
KONSEPTWALISASYON
Pagkaunawa Ng
Konsepto Ng Layunin Sa Likod Ng Pangitain
IKAAPAT�
NA� KABANATA
ANG SANGLIBUTAN SA SALITA NG DIYOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.����������� Maipaliwanag ang plano ng Diyos para sa mga bansa ng sanglibutan tulad ng pinakay
����������� ����������� Niya sa pasimula pa ng panahon.
.����������� Tuntunin ang pangitaing ito kung paanong nahayag sa Biblia mula Genesis hanggang
����������� ����������� Apocalipsis.
SUSING TALATA:
����������� Na ipinakilala Niya sa atin ang hiwaga ng
Kanyang kalooban, ayon sa
����������� Kanyang minagaling na
ipinasiya Niya sa Kaniya rin.
����������� Sa pagiging katiwala
sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng
mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa
sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi
ko. ( Efeso 1: 9,10)
PAMBUNGAD
Ipinakita sa unang bahagi ng kursong ito ang unang hakbang sa �Mga Estratehiya Para Sa Pagaaning Espirituwal.� Tinalakay nito ang �Paglalarawan Sa Isip� na dito�y kinikilala ang pangitain, at ang pagtanaw sa sanglibutan ayon sa pagtingin ng Diyos.
Ang kabanata namang ito ay tungkol sa �Konseptwalisasyon�, ang pangalawang hakbang sa �Mga Estratehiya Para Sa Pagaaning Espirituwal.� Inihaharap nito ang konsepto ng layunin sa likod ng pangitain ng pagaani. Ito ang bumubuklod na paksa ng sanglibutan sa Salita ng Diyos na naghahayag ng Kanyang layuning pandaigdig.
ANG LAYUNIN NG DIYOS
Sa pasimula pa lamang may banal na layunin na ang Diyos na siyang pinagbatayan Niya ng Kanyang kaugnayan, mga pangako at mga hula tungkol sa sangkatauhan.
Inihayag ng Diyos ang Kanyang layunin sa mga mananampalataya:
����������� Na ipinakilala Niya sa atin ang hiwaga ng
Kanyang kalooban, ayon sa
����������� Kanyang minagaling na
ipinasiya Niya sa Kaniya rin.
����������� Sa pagiging katiwala
sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng
mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa
sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi
ko. ( Efeso 1:9,10)
Ang banal na layunin ng Diyos sa pasimula pa lamang ay ang papagisahin ang boong langit at lupa kay Cristo Jesus. Ang Kanyang pangitain ay para sa boong daigdig at�
����������� Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa
Kanyang pangako, na gaya
ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi
mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na ang sino man ay mapahamak, kundi
ang lahat ay magsipagsisi.
( II Pedro 3:9)
Ang layunin ng Diyos ay kaligtasan para sa boong sanglibutan. Sapagka�t ito ang Kanyang layunin, ito rin ang dapat nating maging layunin. Dapat nating unahin ang Kanyang plano.
Marami ang mga pangangailangan sa sanglibutan, �kabilang dito ang kagutuman, kahirapan, sakit, at kawalang katarungan. Ang mga pagmimisyon sa nakaraan ay nasangkot sa lahat ng mga larangang ito, at dapat lang, sapagka�t itinuro ng Biblia na pagmamalasakitan natin ang mga yaon.
Subali�t ang pangitain ng pagaaning espirituwal, ang pagtitipon sa mga lalake at babae na maipasok sa kaharian ng Diyos, ang kailangang unahin. Ang ibang mga pangangailangan ay matatagpo sa sandaling mabuo na ang mga komunidad ng mga responsableng mga mananampalataya.
Kabilang sa pagmi-misyon ang lahat ng bahagi ng pangangailangan ng tao, nguni�t ang pagaaning espirituwal, ang panghihikayat ng mga kaluluwa para kay Jesu-Cristo, ang dapat na unang layunin, kung paanong ito ay nangunguna sa Diyos.
ANG LUMANG TIPAN
Ang layunin ng Diyos ay matutunton mula Genesis hanggang Apocalipsis. Ang Kanyang mga Salita ay kasaysayan ng kung paano nakitungo ang Diyos sa mga tao at mga bansa upang tuparin ang Kanyang layunin.
Ang Dakilang Utos ay unang ibinigay na sabihin ang Diyos kay Adam at Eba�
����������� �Kayo�y magpalaanakin at magpakarami, �at inyong supilin�
����������� (Genesis 1:28)
Kailangang paramihin nila ang kanilang lahi kung paano sila nilalang ng Diyos: nilalang ayon sa wangis ng Diyos, buhay na kaluluwa na may kaugnayan sa buhay na Diyos. Sa natural, sila ay mag-aanak. Sa espirituwal, sila�y magbubunga ng mga mananampalataya.
Hindi naglaon, gumawa ng isang walang hanggang tipan ang Diyos kay Abraham. Ang tipan na ito ay sumasaklaw sa boong daigdig sapagka�t sinabi Niya kay Abraham:
����������� At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng
bansa sa lupa� (Genesis 22:18)
����������� �at sa iyo at sa iyong
binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.
����������� (Genesis 28:14)
Mula kay Abraham nanggaling ang bansang Israel. Ginamit ng Diyos ang Israel bilang saksi sa mga karatig bansa. Ang mga bansa ng sanglibutan ay napagpala noong ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Israel.
Noong dumating ang salot sa Egipto, sinabi ng Diyos kay Faraon na ang mga hatol na ito ay ipinadala upang ihayag na ang Diyos ay walang kapantay.
����������� Sapagka�t ngayo�y ibubugso Ko na ang lahat
ng aking salot sa iyong puso,
����������� at sa iyong mga
lingkod, at sa iyong bayan upang iyong maalaman na walang
gaya Ko sa buong lupa. (Exodo 9:14)
Nang harapin ng Israel ang hamon ng pagtawid sa umaapaw na ilog Jordan, tinuyo ng Diyos ang tubig upang kilalanin ng buong lupa ang Kanyang kapangyarihan.
����������� Upang makilala ng lahat na mga bayan sa
lupa ang kamay ng Panginoon, na
����������� makapangyarihan; upang
sila�y matakot sa Panginoon ninyong Diyos magpa-
����������� kailan man. (Josue
4:24)
Nang harapin ni David si Goliath sa labanan, sinabi niya na ibibigay ng Diyos sa kanya ang tagumpay upang maalaman ng buong lupa na mayroong Diyos:
����������� Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon
sa aking kamay; at sasaktan kita,
����������� At pupugutin ko ang
ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng
����������� Filisteo sa mga ibon
sa himapapawid sa araw na ito, at sa mababangis na
����������� hayop sa lupa; upang
maalaman ng buong lupa na may Diyos sa Israel.
����������� (I Samuel 17:46)
Pagkatapos maitatag ang kaharian ng Israel, ang pandaigdig na layunin ng Diyos ay naging pangitain ni Solomon at ito ang kanyang inihayag�
����������� �upang makilala ng lahat ng mga bayan sa
lupa ang Iyong Pangalan, upang
����������� matakot sa Iyo, gaya
ng Iyong bayang Israel� (I Hari 8:43)
Nagpahatid si David ng tawag para sa bukid anihan ng mga bansa nang kanyang sabihin:
����������� Ipahayag ninyo ang Kanyang kaluwalahatian
sa mga bansa, ang kagilagilalas
����������� Niyang mga gawa sa
lahat ng mga bayan.
����������� Sabihin ninyo sa gitna
ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari�
����������� ( Awit 96:3,10)
Dalawa sa mga propeta ng Lumang Tipan, si Daniel at Jonas, ay tumawid ng ibang kultura sa kanilang ministeryo. Ang ibig sabihin nito ay dinala nila ang Magandang Balita sa hindi nila sariling bayan.
Si Daniel ay isang saksi ng Diyos habang naglilingkod bilang isang opisyal sa Babilonia. Si Jonas naman ay isang misyonero sa Niniveh.
Ipinahayag ni Isaias na ang Israel ang saksi ng Diyos sa mga bansa:
����������� Mapisan ang lahat ng mga bansa, at
magpulong ang mga bayan: sino sa gitna
����������� nila ang
makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga
dating bagay?...
Kayo�y aking mga saksi, �sabi ng Panginoon,� upang inyong malaman at
magsisamplataya kayo sa akin, at inyong
matalastas na Ako nga; walang
Diyos na inanyuan na una sa akin, o
magkakaroon man pagkatapos ko.
Ako, sa makatuwid baga�y Ako, ang
Panginoon; at liban sa akin ay walang
Tagapagligtas.
Ako�y nagpahayag, at Ako�y nagligtas, at
Ako�y nagpakilala�kaya�t kayo
ang Aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at
Ako ang Diyos. ( Isaias 43:9-12)
Ang buong tala ng Lumang Tipan ay kasaysayan ng paggamit ng Diyos sa Israel bilang saksi sa mga bansa ng sanglibutan.
Inilarawan ng Lumang Tipan ang makalangit na layunin ng Diyos sa Kanyang pakikitungo sa mga tao at mga bansa upang akayin sila sa pagkakilala sa tunay at buhay na Diyos.
ANG BAGONG TIPAN
Inihanda ng Lumang Tipan ang daan para sa katuparan ng mga layunin ng Diyos sa pagparito ni Jesu-Cristo. Itinala naman ng Bagong Tipan ang ministeryo ni Jesus sa Kanyang pagtupad sa kalooban at layunin ng Diyos. Nang hamunin ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa pangitain ng pagaani, sinabi Niya:
����������� Ang pagkain Ko ay ang
Aking gawin ang kalooban ng sa Akin ay nagsugo,
����������� At tapusin ang
Kaniyang gawain. (Juan 4:34)
Ang buong buhay ni Jesus ay
itinalaga sa pagaani ng mga lalake at babae para sa
Diyos. Naging layunin ng Kanyang buhay ang abutin ang mga bukid anihan ng
sanglibutan:
����������� Dapat namang ipangaral sa mga ibang bayan
ang mabubuting balita ng
����������� Kaharian ng Diyos: sapagka�t
sa ganito ay isinugo Ako. ( Lucas 4:43)
Nang bumalik si Jesus sa langit, iniwan Niya sa atin ang Dakilang Utos na siyang mandato sa likod ng pangitain ng pagaaning espirituwal. Ito ay natala sa limang iba�t-ibang bahagi ng Bagong Tipan:
����������� At lumapit si Jesus sa kanila at sila�y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat
����������� ng kapamahalaan sa
langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
����������� Dahil dito magsiyaon
nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng
����������� mga bansa, na sila�y
inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak
����������� at ng Espiritu Santo:
����������� Na ituro ninyo sa
kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
����������� iniutos Ko sa inyo: at
narito, Ako�y sumasa inyong palagi , hanggang sa
����������� katapusan ng
sanglibutan. �(Mateo 28:18-20)
����������� At sinabi Niya sa
kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong
����������� Ipangaral ang
evangelio sa lahat ng kinapal.
����������� Ang sumampalataya at
mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa�t ang hindi
����������� sumasampalataya ay
parurusahan.
����������� At lalakip ang mga
tandang ito sa mga magsisisampalataya: mangagpapalabas
����������� sila ng mga demonio sa
Aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
����������� At sila�y magsisihawak
ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na naka-
����������� mamatay, sa anomang
paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila
����������� ang kanilang kamay sa
mga may-sakit, at sila�y magsisigaling.�
(Marcos 16: 15-18)
����������� Nang magkagayo�y
binuksan Niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa
����������� nila ang mga
kasulatan;
����������� At sinabi Niya sa
kanila, Ganyan ang pagkakasulat, na kinakailangang maghirap
����������� ang Cristo, at
magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; at ipangaral sa
����������� Kanyang pangalan ang
pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan sa lahat ng mga
����������� bansa, magbuhat sa
Jerusalem. Kayo�y mga saksi ng mga bagay na ito.
����������� At narito, ipadadala
Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama, datapuwa�t
����������� magsipanatili kayo sa
bayan, hanggang sa kayo�y masangkapan ng
����������� kapangyarihang galing
sa itaas.��� (Lucas 24: 45-49)
����������� �Kung paano pagkasugo
sa Akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
����������� (Juan 20:21)
����������� Datapuwa�t tatanggapin
ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo�y magiging mga saksi Ko sa
Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. ��(Gawa 1:8)
Bilang mga mananampalataya, pananagutan natin na tuparin ang layunin ng Diyos yamang tayo na ngayon ang Kanyang mga saksi sa mga bansa ng sanglibutan.
Itinala ng aklat ng Gawa ang pagsilang at mga unang buhay ng Iglesia. Ang sentrong paksa ay napapaloob sa �kayo�y magiging mga saksi ko� (Gawa 1:8). Ang padron ng lumalaganap na pagsaksing ito ay makikita sa buong aklat ng Gawa:
����������� Pagsaksi sa mga Judio: Gawa 1:1 - 8:3
����������� Pagsaksi sa mga Judio at mga Hentil: Gawa 8:4 � 12:25
����������� Pagsaksi sa mga Hentil: Gawa 13:1 - 28:31
Ang unang iglesiya ay isinilang na may dakilang kapahayagan ng kapangyarihan tulad ng natala sa Gawa 2. Sinimulan ng Diyos ang paglikha sa isang bagong grupo ng mga tao, ang Iglesia, at sa pamamagitan nito ang pagsaksi para sa Kanya ay dadaloy tungo sa mga bansa ng sanglibutan:
����������� At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano
ang pagiging katiwala sa hiwaga
����������� na sa lahat ng panahon
ay inilihim ng Diyos sa lumalang sa lahat ng bagay.
����������� Upang ngayo�y sa
pamamagitan ng iglesia, ay maipakilala sa mga pa-
����������� munuan at sa mga
kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng
karunungan ng Diyos.� ( Efeso 3:9-10)
Ang layunin ng Diyos ay maipaalam sa buong sanglibutan sa pamamagitan ng Iglesia ang Kanyang plano ng katubusan.
Ang mga Sulat sa Bagong Tipan ay nagpapaliwanag ng katayuan, kaayusan, mga pribilehiyo, at mga panunungkulan ng mga miembro ng Iglesia.� Ang isang maayos na Iglesia na may kakayahan hindi lamang upang ihayag sa pagtuturo kundi ipakita ang kapangyarihan ng Diyos ay
magtatakda ng mga manggagawa sa bukid anihan ng sanglibutan.
Sa Apocalipsis 1-3, itinala ni Juan ang estilo ng buhay ng pitong mga iglesia lokal sa pagtatapos ng unang siglo. Sa pamamagitan nito nakita natin ang kondisyon ng Iglesia mga dalawang henerasyon pagkatapos ng Pentecostes.
Nalimutan ng ilang mga iglesia ang kanilang layunin. Ang ilan ay lumamig sa buhay espirituwal at walang kapangyarihan. Subali�t anuman ang kondisyon ng iglesia na nahayag sa mga kabanatang ito, ang makalangit na layunin ng Diyos ay hindi nagbago.
����������� Narito Ako�y nakatayo sa pintuan at
tumutuktok: kung ang sinoman ay
����������� duminig ng Aking tinig
at magbukas ng pinto, ako�y papasok sa kaniya,
����������� at hahapong kasalo
niya, at siya kasalo Ko. (Apocalipsis 3:20)
Sa kangino mang tao�mula sa anomang bansa, lipi, at wika�nais ng Diyos na ihayag ang Kanyang sarili. Mula sa simula ng panahon, ang layunin ng Diyos ay hindi nagbago.*
*Ang Harvestime International Institute ay may kursong ang pamagat ay, �Pagbuo Ng Isang Pananaw Na Salig Sa Biblia� na dini-detalye ang layunin ng Diyos para sa mga bansa ng sanglibutan na nahayag sa Kanyang mga Salita.
PANGSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Isulat ang T sa puwang sa harap ng bawa�t pangungusap na TAMA. Isulat ang M sa puwang sa harap ng bawa�t pangungusap na MALI.
a.______ Hindi naihayag ng Diyos ang Kanyang plano sa tao.
b.______ Ang layunin ng Diyos ay papagisahin ang lahat ng bagay kay Jesu-Cristo.
c.______ Sa tala ng Lumang Tipan, ginamit ng Diyos ang Israel bilang saksi sa mga bansa ng sanglibutan.
d.______ Sa Bagong Tipan ang Iglesia ang siyang kakasangkapanin ng Diyos sa pangangalat ng Magandang Balita.
3. Ano ang layunin ng Diyos? Magbigay ng kahit isang reperensya sa Kasulatan upang suportahan ang iyong sagot.
________________________________________� Reperensya:_________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAGAARAL
1. Pagaralan ang Apocalipsis Kabanata 1-3 na dito�y napapaloob ang mensahe ng Diyos sa pitong mga iglesia sa Asia.
Gumawa ng listahan ng mga katangian ng mga iglesiang ito na pinuri ng Diyos. Paano magagamit ng iglesia ang mga katangiang ito sa pagpapalaganap ng Magandang Balita?
Gumawa ng listahan ng mga problema sa mga iglesia na tinukoy ng Diyos. Paano makahahadlang ang mga problemang ito sa pagtupad ng layunin ng Diyos bilang saksi sa mga bansa ng sanglibutan?
2. Ipagpatuloy mo ang pagaaral tungkol sa sanglibutan sa Salita ng Diyos. Sa susunod na taon, basahin mo ang buong Biblia� na isinasaisip mo ang usaping pang-daigdig ng Diyos.
Tukuyin ang lahat ng mga talata na tungkol sa pakikitungo ng Diyos sa mga bansa ng sanglibutan. Gumamit ng may kulay na pangguhit at markahan ang mga talatang ito sa inyong Biblia.
Inilista sa ibaba ang ilang mga salita na makatutulong sa iyo na matukoy ang mga talata:
����������� -Lupa
����������� -Sanglibutan
����������� -Bansa o Mga Bansa
����������� -Mga Hentil (ibig sabihin ay lahat ng Bansa liban sa Israel)
����������� -Mga pagano
�����������
IKATLONG BAHAGI: NILALAYON
Mga Layunin Para Sa Pagtupad Ng Pangitain
IKALIMANG KABANATA
KINAKALAWANG NA KARIT, BUKIRING WALANG LAMAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos� ng kabanatang ito magkakaroon ka ng� kakayahang:
. ��������� Kilanlin ang mga bagay na humahadlang sa pagaani sa natural na buhay.
.����������� Iangkop ang mga prinsipyong ito sa pagaaning espirituwal.
SUSING TALATA:
����������� Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi
napabibiro: sapagka�t ang lahat
����������� ng ihasik ng tao, ay
siya namang aanihin niya.
����������� Sapagka�t ang
naghahasik ng sa kaniyang sariling laman magaani ng kasiraan;
����������� Datapuwa�t ang
naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay
na walang hanggan. ( Galacia 6:7-8)
PAMBUNGAD
Ang Unang Bahagi ng kursong ito ay inilahad ang tungkol sa pangitain ng pagaani. Sa Ikalawang Bahagi, kinilala ang layunin sa likod ng pangitain. Ang bahaging ito, Ikatlong Bahagi, ay tumutukoy sa �Patotohanan.� Inihaharap nito ang plano na tungo naman sa �Inaasahan�, ang katuparan ng pangitain.
Sinusuri ng kabanatang ito ang mga dahilan ng hindi magandang pagaaning espirituwal. Magkasing-halaga ang maalaman mo kung paano ang DI NARARAPAT sa pagsasagawa ng isang bagay at kung paano naman ang nararapat gawin.
Bago natuklasan ang elektrisidad, ng isang imbentor sa Estados Unidos na si Thomas Edison, nakagawa siya ng mga 1500 mga experimento na paltos lahat. Nang tanungin siya tungkol sa mga paltos na experimentong ito, sinabi niya na ang mga ito ay mahalaga sapagka�t �Natutuhan ko ang 1500 na mga paraang di nararapat para matuklasan ang elektrisidad.� Hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon at hirap sa wala namang ibubungang mga paraan.
Hindi na kailangang mag-experimento ka sa pagaaning espirituwal. Tinukoy na ng Diyos sa Kanyang mga Salita ang mga dahilan kung bakit hindi maganda ang ani. Mahalaga na maintindihan mo ito upang hindi ka na mag-aksaya pa ng hirap. Ito ang paksa ng leksyong ito.
Ang mga susunod na dalawang kabanata ay tungkol sa, �Mga Estratehiya Para Sa Pagaani�, mga prinsipyo na nagbubunga ng mabisang pagaaning espirituwal. Ang Ikawalong Kabanata naman, �Nagaani Ng Mga Ibinunga�, ay tumutukoy sa mga pamamaraan at kasangkapan para sa pagaaning espirituwal.
ANG PRINSIPYONG �KUNG-NGUNI�T�
May mahalagang prinsipyo sa Salita ng Diyos na tinatawag na �Kung-Nguni�t�. Nagbigay ang Diyos ng maraming mga pangako sa Kanyang bayan at ang karamihan dito ay nakabatay sa
Prinsipyong �Kung-Nguni�t� Ang Deuteronomio 28 ay isang halimbawa. Ipinangako ng Diyos:
����������� At mangyayaring KUNG iyong
didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong
����������� Diyos, upang isagawa
ang lahat nilang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito,
ay itataas ka ng Panginoon mong Diyos sa
lahat ng mga bansa.
(Deuteronomio 28:1)
Inilista ng kabanatang ito ang mga pagpapalang mararanasan ng bayan ng Diyos KUNG maglilingkod sila sa Kanya. Kabilang sa mga pagpapalang yaon ay ang pangako ng masaganang ani:
����������� �magiging mapalad ka sa parang�
�����������
����������� Magiging mapalad�ang bunga ng iyong lupa� (Deuteronomio 28:3-4)
Subali�t may babala sa talatang 15:
����������� NGUNI�T mangyayari, na kung hindi mo
didinggin ang tinig ng Panginoon
����������� mong Diyos, na
isasagawa ang lahat ng Kanyang mga utos at ang Kanyang
����������� palatuntunan na aking
iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang
ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.
(Deuteronomio 28:15)
Kabilang sa mga sumpang bunga ng pagtalikod sa mga paraan ng Diyos ay di magandang ani:
����������� Sumpain ka sa bayan�at susumpain ang bunga
ng iyong lupa.
����������� Kukuha ng maraming
binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin�Ikaw ay
����������� maguubasan at iyong
aalagaan, nguni�t ni hindi ka iinom ng alak, ni mami-
����������� mitas ng ubas;
sapagka�t kakanin yaon ng uod.
����������� Magkakaroon ka ng mga
puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan,
nguni�t hindi ka magpapahid ng langis; sapagka�t
ang iyong olibo ay maba-
bawasan ng buko�
Lahat ng iyong punong kahoy at bunga ng
iyong lupa ay aariin ng balang.
(Deuteronomio 28:16, 18, 38-42)
Ang kabanatang ito ng Deuteronomio ay naglalarawan ng prinsipyo ng� �Kung-Nguni�t�. Ang mga pangako ng Diyos ay may mga kondisyon ayon sa atin ding pagtugon.
MAGKAKATUMBAS SA NATURAL AT ESPIRTUWAL
Inihayag ng Biblia ang mga prinsipyo sa pagaaning natural na ang resulta ay masaganang ani. Ito rin ay nagbabala ng pagkasira ng pananim at di magandang ani kung susuwayin ang mga prinsipyong ito.
Ang mga prinsipyong ito ay tumutukoy sa paghahasik at pagaani sa natural na buhay, subali�t ito ay may katumbas din sa larangang espirituwal.
Makatutulong ang pagkaunawa sa mga prinsipyong ito sa pag-aaning espirituwal sa sanglibutan sa pamamagitan ng Magandang Balita. Subali�t ang paggamit ng mga prinsipyo ring ito sa pang-araw-araw na buhay ay magdudulot ng pagpapalang pinansyal, materyal, pisikal, at emosyonal.
ANG INTERES NI SATANAS SA PAGAANI
���
Interesado rin si Satanas sa pagaaning espirituwal. Sinabi ni Jesus kay Pedro:
����������� Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas
upang ikaw ay maliglig niyang
����������� gaya ng trigo. (Lukas
22:31)
Nais ni Satanas na alisin ang lahat ng mabubuting bagay sa iyong buhay upang yun lamang basura ang matira. Hindi niya nais na ikaw ay mag-aning espirituwal.
Upang tulungan ka na kilanlin ang mga estratehiya na likha ni Satanas upang hindi ka makapag-ani, nagbabala ang Diyos tungkol sa mga bagay na pumipigil sa pag-aaning espirituwal.
Upang magamit mo ang mga estratehiya para sa mabisang pag-aani kailangan muna na maalis sa iyong buhay ang mga bagay na pumipigil sa pag-aani.
Kailangang harapin mo ang mga negatibong mga bagay na ito. Ito ay tulad ng paghahanda ng lupa sa pag-aaning natural. Kailangang bungkalin ang lupa, alisin ang mga bato at mga tinik bago ito maging handa na tanggapin ang binhing itatanim.
MGA DAHILAN NG DI MAGANDANG ANI
May mga dahilan kung bakit di maganda ang aning espirituwal:
PAGSUWAY SA SALITA NG DIYOS:
Ang mga talata mula sa Deuteronomio 28 na naunang binanggit ay naglalarawan ng isang dahilan sa di magandang aning espirituwal. Ito ay ang pagsuway sa Salita ng Diyos. Nangako ang Diyos ng masaganang ani KUNG ang Kanyang bayan ay susunod sa Kanyang mga utos. NGUNI�T kung hindi, masasayang ang ani.
Sa Isaias ikalimang kabanata tinuran ng Diyos ang Israel bilang isang ubasan. Dahil sa pagsuway nila sa Salita ng Diyos (talatang 13 at 20) hindi sila nagbunga. Kapag sinuway mo ang Salita ng Diyos, ang resulta ay kagutom na espirituwal.
����������� Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng
Panginoong Diyos, na Ako�y
����������� magpapasapit ng
kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay o kauhawan
����������� man dahil sa tubig,
kundi sa pagkarining ng mga salita ng Panginoon.
����������� At sila�y magsisilaboy
sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa
������������ silanganan; sila�y magsisitakbo ng paroo�t parito upang
hanapin ang salita ng
����������� Panginoon, at hindi
masusumpungan.� (Amos 8:11,12)
PAGLIMOT SA DIYOS:
Ang isa pang dahilan sa di magandang ani ay ang paglimot sa Diyos, sa hindi pagkilala ng Kanyang nararapat na kalagayan sa iyong buhay:
����������� Sapagka�t iyong nilimot ang Diyos ng iyong
kaligtasan, at hindi mo inalaala
����������� ang malaking bato ng
iyong kalakasan: kaya�t nagtatanim ka ng mga maligayang
����������� pananim, at iyong
ibinabaon ang punla ng iba:
����������� Sa araw ng iyong
pagtatanim ay iyong binabakuran, at sa kinaumagahan ay
����������� iyong pinamumulaklak
ang iyong binhi; nguni�t nawawalan ng ani sa araw
����������� ng kalumbayan at sa
lubhang kahapisan. ( Isaias 17:10-11)
Hindi sapat na may alam ka tungkol sa Diyos, dapat mong makilala ang Diyos. Kailangan mong
tanggapin ang Kanyang plano ng kaligtasan, at kilalanin Siya na Panginoon ng iyong buhay.
Kung hindi mo kikilalanin nang wasto ang Diyos, kahit gumawa ka araw at gabi hindi ka magkakaroon ng aning espirituwal. Ang Israel ay halimbawa ng isang bayan na nakalimot sa Diyos:
����������� Nilimot nilang madali ang Kanyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa Kaniyang
����������� payo:
����������� Nilimot nila ang
Diyos� na kanilang Tagapagligtas, na
gumawa ng mga dakilang
����������� bagay sa Egipto;� ( Awit 106:13,21)
Dahil dito ang Israel ay nagdusa sa natural at espirituwal na pag-aani.
Tulad ng marami na mga nakalilimot sa Diyos, hindi kinilala ng Israel ang dahilan kung bakit di maganda ang kanilang ani:
����������� At kakanin nila ang iyong ani� kanilang
kakanin ang iyong mga puno ng ubas at
ang iyong mga puno ng igos�At mangyayari
pagka inyong sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon nating Diyos ang lahat ng mga
bagay na ito sa atin? Kung magkagayo�y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong
inyong pinabayaan Ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang diyos sa inyong
lupain, gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na
hindi inyo.
(Jeremias 5: 17-19)
Sa sulat naman ni Amos, inilarawan niya ang dahilan ng di magandang ani sa kabanatang ika-apat at ika-lima:
����������� At Akin namang pinigil ang ulan sa inyo,
nang tatlong buwan na lamang at
����������� pag-aani na; at hindi
ko pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa
����������� kabilang bayan; isang
bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan
����������� ay natuyo�
����������� Aking sinalot kayo sa
pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga
����������� halaman, at ng inyong
mga ubasan, at ang inyong mga igusan, at ng inyong
����������� mga olibohan ay
nilipol ng tipaklong: gayon ma�y hindi kayo nanganumbalik
����������� sa Akin, sabi ng
Panginoon. (Amos 4:7-9)
Dagdag sa pagkilala sa problema, ibinigay ni Amos ang solusyon:
����������� Hanapin ninyo Ako, at
kayo�y mangabubuhay� (Amos 5:4)
DI WASTONG PAGHAHASIK
Nagbabala ang Diyos sa Kanyang bayan:
����������� Huwag mong tatamnan ang iyong ubasan ng
dalawang magkaibang binhi:
����������� baka ang boong bunga
ay masira, ang binhi na iyong inihasik at ang bunga
����������� ng ubasan.
����������� �kaya�t nagtatanim ka
ng mga maligayang pananim, at iyong ibinabaon ang
����������� punla ng iba:
����������� Sa araw ng iyong
pagtatanim ay iyong binabakuran, at sa kinaumagahan ay
����������� iyong pinamumulaklak
ang iyong binhi; nguni�t nawawalan ng ani sa araw
����������� ng kalumbayan at sa
lubhang kahapisan. (Isaias 17:10-11)
Sa mga talatang ito binanggit ng Diyos ang tungkol sa mga �magkaibang mga binhi� at �ibinabaon� ang punla ng iba. Sinabi Niya, na waring tumutubo subali�t wala namang ani.
Tinawag ng Bagong Tipan ang Salita ng Diyos na �binhi�. Ano man ang iyong ihasik sa iyong buhay ay magkakabisa sa pag-aaning espirituwal. Kung ihasik mo ang Kanyang mga Salita magkakaroon ka ng masaganang ani.
Kung ituring mo na ang mga tradisyon ng tao, organisasyon, o mga denominasyon na higit na mahalaga o kasing-halaga ng Salita ng Diyos, pinaghahalo mo ang magkakaibang mga binhi. Tinging malulusog na mga panananim ang maraming mga denominasyon. Mayroon silang malalaking congregasyon at magagarang mga gusali na kanilang pinagtitipunan. Subali�t pinaghalo nila ang Salita ng Diyos at ang kanilang sariling mga tradisyon at mga kapahayagan. Wala silang aning espirituwal. Ganito nagsisimula ang mga kulto o hidwang pananampalataya. Inihahalo nila sa Salita ng Diyos ang kanilang sariling mga isipan. Ang wakas nito ay kalumbayan.
Ang Salita ng Diyos ang walang kasiraang binhi na nagdadala ng pag-aani ng kapanganakang muli sa buhay ng mga lalake at babae: �
�����������
����������� Yamang ipinaganak
kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang
����������� kasiraan, sa
pamamagitan ng Salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi.
����������� ( I Pedro 1:23)
KAWALAN NG MALASAKIT:
Binabanggit ng Kawikaan ang tungkol sa isang anak na lalake na tinulugan ang pag-aani:
����������� �nguni�t siyang natutulog sa pag-aani ay
anak na kahiya-hiya.
����������� (Kawikaan 10:5)
Maraming gawain sa panahon ng pag-aani. Ito ang pinakamahalagang panahon, sapagka�t kung hindi matipon ang ani kaagad, ang mga ito ay masisira sa bukid.
Sa panahon ng pag-aani sa Biblia, bawa�t miyembro ng pamilya ay tumutulong sa bukid sa panahon ng pag-aani. Ang isang anak na natutulog lamang sa panahon ng pag-aani ay kahihiyan ng pamilya.
Maselan ang panahon habang papalapit tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. Gayon man maraming mga anak ng Diyos ang natutulog. Hindi sila sumasama sa Katawan ni Cristo sa bukid anihan. Ang kanilang mga karit ay kinakalawang at ang mga bukid ay walang laman.
Tinuran ng Kawikaan ang mga resulta ng kawalan ng malasakit:
�����������
����������� Ako�y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, At
sa tabi ng ubasan ng taong salat sa
����������� unawa;
����������� At, narito, tinubuang
lahat ng mga tinik, Ang ibabaw niyaon ay natakpan ng� mga
����������� dawag, at ang bakod na
bato ay nabagsak.
Ako nga�y tumingin at binulay kong mabuti:
aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
�
����������� Kaunti pang tulog,
kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay
����������� upang matulog:
����������� Gayon darating ang
iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong
����������� kasalatan na parang
nasasandatahang tao.� (Kawikaan
24:30-34)
Ang kawalan ng malasakit ay nagre-resulta sa kawalan ng bunga.
Binanggit ni Jeremias ang mga liders na sumira sa pag-aani dahil sa kawalan ng malasakit:
Sinira ng maraming pastor ang Aking ubasan,
kanilang niyapakan ng paa ang Aking bahagi, kanilang ginawa ang Aking
mahahalagang bahagi na ilang na sira�
Ang boong lupain ay nasira, sapagka�t
walang taong gumugunita.
(Jeremias 12:10-11)
Kapag walang malasakit ang liders, wala ring malasakit ang mga tagasunod. Ang pangitain ng pag-aani ay kailangang maihatid ng ating mga liders at kung hindi, ang bukid ay mapanglaw sapagka�t �walang taong gumugunita.�
SARILING SIKAP:
Hindi mo makukuha ang pag-aaning espirituwal sa sariling sikap. Masdan ang mga resulta ng sariling sikap sa mga sumusunod na talata:
Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong
binabakuran, at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi; ngunit
nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan.� ( Isaias 17: 11 )
Sinabi sa Unang Kabanata na ang pangitaing nais ibigay ng Diyos ay di mailuluwal sa pamamagitan ng sariling sikap. Ang tanging paraan upang ito ay makamit ay sa pamamagitan ng pag-alis ng mga bagay na pumipigil sa pag-aaning espirituwal, at ang paggamit ng mga estratehiyang bigay ng Diyos para sa pag-aani.
Binanggit ni Oseas and di magandang ani na dulot ng sariling sikap. Nagtiwala ang Israel sa kanilang sariling paraan at sa kanilang mga makapangyarihang lalake ( Oseas 10: 13). Habang naka-depende ka sa iyong mga lakad, mga paraan, o sa iyong mga �makapangyarihang lalake,� mabibigo kang magkaroon ng pag-aaning espirituwal. Dapat mong gawin ang gawain ng Diyos sa paraan ng Diyos.
ISINUMPANG PARAAN NG PAMUMUNGA
Isa sa mga resulta ng pagkakasala ng tao ay ang pagsumpa ng Diyos sa paraan ng pamumunga sa mundo. Sumibol ang mga tinik at dawag sa lupa at malaking pagpapagal ang gagawin upang ito ay mamunga ( Genesis 3: 16-19).� Ang mga sumpang ito sa paraan ng pamumunga ay resulta ng kasalanan.
Sa larangang espirituwal, kung ikaw ay namumuhay sa kasalanan, may sumpa sa pamumungang espirituwal sa iyong buhay. Sa pamamagitan lamang ng kaligtasan mula sa kasalanan sa dugo ni Jesus inaalis ang sumpa. Hindi mo maaangkin ang pagpapala ng pag-aaning espirituwal habang ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng sumpa ng kasalanan.
PATUNGKOL SA MGA PANGYAYARI
Ang mga pangyayari sa buhay ay maaaring pumigil sa pag-aaning espirituwal:
�����������
Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa
tagginaw; Kaya�t siya�y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. �( Kawikaan 20: 4 )
Ang nagmamalas sa hangin ay hindi
maghahasik; at ang tumitingin sa alapaap ay hindi aani.� ( Eclesiastes 11: 4 )
Sa natural na buhay, kapag hinintay ng magsasaka na perpekto muna ang lahat ng pangyayari hindi na siya makapupunta sa bukid. Kaya kahit mahangin, maulap, o maginaw, tuloy ang trabaho ng magsasaka sa bukid.
Sa larangang espirituwal, kung hihintayin mo na perpekto ang mga pangyayari, hindi ka rin pupunta sa bukid anihan. Ang mga pangyayari sa buhay tulad ng�iyong problema, kalagayang pinansyal, ang kakulangan mo ng edukasyon�ay di dapat bigyang pansin.
PAGSUSUMIKAP NA WALANG DIREKSYON:
Maaaring sa buong buhay mo ay abala ka sa maraming gawain at hindi pa rin magawa ang gawain ng Diyos. Ito ang pagsisikap na walang direksiyon.
Sapagka�t sila�y nangagsasabog ng hangin, at sila�y magsisiani ng ipoipo: siya�y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina, at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa. ( Oseas 8: 7 )
Maraming mabubuting gawa at karapat-dapat na usapin sa buhay. Pipilitin ng ibang tao na gamitin ang iyong mga talento at kakayahan para sa mga uasaping ito kung papayagan mo.
Subali�t upang magkaroon ng pag-aaning espirituwal di sapat ang mabubuting gawa. Sinabi ni Jesus:
Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang Kanyang gawa.� ( Juan 4: 34 )
Ang susi sa pag-aaning espirituwal ay hindi ang maging abala sa paggawa ng mabubuting gawa, kundi sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Ang iyong espirituwal na pagsisikap ay matuon sa makalangit na layunin ng Diyos, o kaya ito ay magiging tulad ng pagsasabog ng binhi sa hangin na ililipad lang at di magkakaroon ng ani.
MGA PESTE AT SAKIT
Sa natural na buhay, may mga peste at sakit na umaatake sa mga halaman at sinisira ito. Ang mga peste ay ang umaatake sa mga halaman mula sa labas nito tulad ng insekto, tipaklong, at mga panirang damo. Ang mga sakit naman ay umaatake mula sa loob at sinisira ang ugat at buong halaman.
Sa larangang espirituwal, ang mga mananampalataya ay humaharap din sa mga peste at mga sakit. Umaatake mula sa labas si Satanas sa mga pangyayari sa buhay, at mula sa loob sa pamamagitan ng pag-iisip na nakaka-apekto sa kalooban at damdamin.
Kahit ang magsasaka ay tinatabasan ang kanilang mga ubasan. Pinuputol nila yung mga bumubukol sa mga sanga na sumisipsip ng katas ng puno. Ginagawa nila ito upang lalong maging mabunga ang puno.
Kailangan din ito sa mga buhay ng mga mananampalataya. May mga bagay na mula sa loob na pumipigil sa ating pamumunga ( Marcos 7: 15) Pinuputol ng Diyos ang mga ito upang lalo tayong mamunga. Sinasaad ang bagay na ito sa kabanatang labinglima ng Juan.
Ang tunay na problema sa mga peste at sakit na espirituwal ay hindi yaong mga pangyayari o ang mga iniisip natin. Ang problema ay ang mga kapangyarihang espirituwal sa likod ng mga ito:
Sapagka�t ang ating pakikibaka ay hindi laban
sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan,
laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa
espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. ( Efeso 6: 12 )
Sa natural na larangan, ang mga halaman ay nilalapatan minsan ng mga kemikal para mamatay ang mga peste at magamot ang mga sakit. Sa larangang espirituwal, ang baluti ng Diyos ang nagbibigay proteksiyon sa pag-aaring espirituwal sa iyong buhay.
Dahil dito magsikuha kayo ng buong
kagayakan ng Diyos, upang kayo�y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa
ang lahat, ay magsitibay.
Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga
baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,
At ang inyong mga paa ay may panyapak na
paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng
pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi
ng masama.
At magsikuha rin naman kayo ng mga turbante
ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang Salita ng Diyos.� ( Efeso 6: 13-17 )
HINDI WASTONG PAG-AANI
Ang hindi wastong pag-aani ay sumisira sa pananim:
Ang nagsasaka ba�y panay na lamang
pag-aararo at pagsusuyod ang kanyang gagawin sa kanyang bukirin?
Hindi ba kung maihanda ang lupa�y
sinasabugan niya ito ng anis at linga? Di ba tinatamnan niya ito ng trigo�t
sebada at sa mga gilid naman ay espelta?
Iyan ang tumpak na gawaing itinuro ng Diyos
sa tao.
Ang anis at linga ay di ginagamitan ng
gulong o mabigat na panggiik.
Banayad lamang itong tinatagtag o pinapalo.
Dinudurog ba ang butil na ginagawang
tinapay?
Hindi ito ginigiik nang walang tigil, ni
pinararaanan man sa hilang kariton upang durugin.�� ( Isaias 28: 24-28,� MBB
)
May mga wastong pamamaraan para sa paghahanda ng lupa at pagtatanim ng binhi sa natural na larangan. Mayroon ding iba�t-ibang pamamaraan ng pag-aani depende sa pananim. Ang anis at linga ay madaling natatalupan, kaya ito ay tinatagtag lamang at banayad na pinapalo. Ang butil na ginagawang tinapay ay kailangan namang giikin.
Sa pag-aani mo ng mga buhay ng lalake at babae para sa kaharian ng Diyos, ang ilan ay madaling makakakilala sa Panginoon. Ang iba naman ay may dagdag na hirap para mahikayat.
Masisira ang pananim kung hindi wasto ang pag-aani. Kapag malakas ang puwersa nasisira ang mga malalambot na halaman. Sa iba naman, kapag hindi sapat ang puwersa, hindi rin naaani ang pananim. Ang Diyos na nagbibigay karunungan sa pag-aaning natural ang Siya ring magkakaloob ng karunungan sa pag-aaning espirituwal.
LUPANG DI NABUNGKAL:
Kung hindi naihanda nang wasto ang lupa, hindi maganda ang ani. Basahin ang talinhaga ng manghahasik sa Marcos 4: 12-20, Mateo 13: 1-23, at sa Lucas 8: 4-15. Sa mga talinhagang ito, ang Salita ng Diyos ay itinulad sa binhi sa natural na larangan. Ang Salita ay inihasik sa puso ng mga lalake at babae.
Ang bagay na naiiba sa paglalahad na ito ay hindi ang naghahasik, ang binhi, o ang pamamaraan. Ang bagay na naka-apekto sa pag-aani ay ang kondisyon ng lupa. Ang ilang lupa ay di nabungkal, sa halip ito ay puno ng mga bato at panirang damong espirituwal, gaya ng mga intindihin ng buhay, kayamanan, at pagnanasa sa makamundong mga bagay. Ang ani sa ganitong hindi nabungkal na lupang espirituwal ay di maganda.
Subalit ang ilang mga binhi ay nahasik sa matabang lupa na kumakatawan sa mga pusong naihanda upang tumanggap. Ang resulta ay masaganang ani.
At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na
nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at
tigaanim na pu, at tigiisang daan.
( Marcos 4: 20 )
Ang binhi ng Salita na nahasik sa matabang lupa ay nagdulot ng pinaka-maraming ani.
May mga taong nakabukas ang puso para sa Magandang Balita, samantalang ang iba naman ay tumatanggi. Kung wala kang naaani, baka ang problema ay lupang hindi nabungkal. Ang puso ay dapat maihanda. Ang utos ni Propeta Oseas: �
Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa
katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong
pinabayaan bukirin; sapagka�t panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa
Siya�y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.
Kayo�y nangaghasik ng kasamaan, kayo�y
nagsiani ng kasalanan; kayo�y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka�t ikaw
ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake. (
Oseas 10: 12-13 )
Ang lupang di nabungkal sa larangang espirituwal ay kumakatawan sa likong puso. Sinabi ni Oseas sa bayan ng Diyos na kaya sila ay nagsisiani ng kasalanan sapagkat naghasik sila ng kasamaan sa kanilang buhay. Kabilang sa mga resulta sa pag-aani ng paghahasik ng kasamaan ay ang:
Pagtatalo:
Taong walang kabuluhan, taong masama, Ay
siya na lumalakad na may masamang bibig;
����������� Pagdaraya ay nasa
kanyang puso, siya�y laging kumakatha ng kasamaan; Siya�y ����������� naghahasik ng pagtatalo. ( Kawikaan
6: 12, 14 )
Kasamaan:
����������� Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng
kapahamakan�( Kawikaan 22: 8 )
����������� Ayon sa aking
pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan,
����������� At nangaghahasik ng
kabagabagan ay gayon din ang inaani. ( Job 4: 8 )
Kaguluhan:
����������� Ang magdarayang tao ay
nagkakalat ng padtatalo�( Kawikaan 16: 8 )
Gawa ng laman:
����������� Huwag kayong padaya: ang Diyos ay hindi
napabibiro:
����������� Sapagka�t ang lahat na
ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
�����������
����������� Sapagka�t ang
naghahasik ng sa kanyang sariling laman
����������� Ay sa laman mag-aani
ng kasiraan; datapuwat ang naghahasik
����������� Ng sa Espiritu ay sa
Espiritu mag-aani ng buhay na walang hanggan.
����������� ( Galacia 6: 7-8 )
����������� At hayag ang mga gawa
ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito:
����������� Pakikiapid, karumihan,
kalibugan,
����������� Pagsamba sa
diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo,
����������� Mga paninibugho, mga
pagkaka-alitan, mga pagkakampikampi,
mga pagkakabaha-bahagi, mga hidwang
pananampalataya,
Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga
kalayawan at ang mga katulad nito:
Tungkol sa mga bagay na ito ay aking
ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo,
tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa
iyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong
mga bagay ay hindi magsisipagmana ng
kaharian ng Diyos.
����������� (
Galacia 5: 19-21 )
Upang matiyak ang wastong pag-aaning espirituwal kailangang mabungkal ang lupang espirituwal ng iyong buhay at maalis ang mga hadlang na ito. Tulad ng sinabi ni Oseas, dapat nating � hanapin ang Panginoon hanggang sa Siya�y dumating at magdala ng katuwiran� sa atin.
MGA PUNDASYONG DI MATUWID
Sa panahong di maganda ang ani, sinabi ng Propetang Hagai sa bayan ng Diyos, na kanilang siyasatin ang kanilang mga lakad:
����������� Kayo�y nangaghasik ng marami, at nagsisiani
ng kaunti; kayo�y nagsisikain, ngunit
����������� hindi kayo nagkakaroon
ng kahustuhan; kayo�y nagsisiinom, ngunit hindi kayo
nangapapatirang-uhaw; kayo�y nangananamit,
ngunit walang mainit; at yaong mga kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng
mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
Kayo�y nangaghintay ng marami, at, narito,
ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit?
Sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na
wasak, samantalang tumatakbo bawat isa sa inyo sa kanikanyang sariling bahay. (
Hagai 1: 6,7,9 )
Maraming naihasik ang bayan ng Diyos, subalit kakaunti lamang ang ani. Sinabi ni Hagai na dapat silang makapagtayong muli sa natural at espirituwal na larangan upang magkaroon ng mabuting ani.
Bakit kailangan ang muling pagtatayo?
Sa natural na buhay, ipinagpaliban ng Israel ang pagtatayo ng bahay ng Diyos, at ang inuna nila ay ang pagtatayo ng kanilang sariling mga bahay. Inuna nila ang kanilang nais kaysa sa utos ng Diyos.
Sa larangang espirituwal, ang pundasyon ng kanilang mga buhay ay mali. Sila ay naghasik at nag-ani sa larangang espirituwal na walang kabanalan:
Sinabi ni Ageo, � Ganyan din ang kalagayan
ngayon ng mga Israelita sa harapan ni Yahweh; nahahawa sa karumihan nila ang
anumang handog nila.�
(Ageo 2: 14, MBB)
Kahit tama ang gawa, subalit masama ang gumawa, ito ay hindi katanggap-tanggap. Mali ang pundasyon. Sinabi ng Diyos sa Israel:
����������� Gayunma�y tinamnan kita ng mahal na puno ng
ubas, na pawang mabuting binhi:
����������� bakit ka nga naging
bansot na ibang puno ng ubas sa akin?�
(Jeremias 2: 21 )
Dahil sa hindi wasto ang pundasyong espirituwal, isinumpa ng Diyos ang ani:
Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at
ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma�y hindi kayo
nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.���� (Hagai 2: 17 )
Tinuran ng isang salin ng Biblia na ang resulta ng kanilang pagiging liko ay
� lahat ng kanilang ginawa ay mali.�
Sinabi ni Hagai sa bayan ng Diyos na ang pundasyon ng templo ng Panginoon ay dapat maalaala. Sinabi niya na kung sila ay magtatayong muli, pagpapalain sila ng Diyos:
�Dili-dilihin ninyo ang nangyari sa inyo
mula noon hanggang ngayong ika-24 ng ika- siyam na buwan, ang unang araw ng
paggawa ninyo sa aking templo,
Wala kayong isa mang butil ng pagkain.
Walang bunga isa man ang inyong mga ubas, igos, granada, at olibo. Ngunit mula
ngayon pagpapalain ko na kayo.�
(�
Ageo 2: 18, 19, �MBB )
Mula noong araw na ang Israel ay magtayong muli ng templo at ng pundasyon ng katuwiran, pinagpala sila ng Diyos. Ang resulta ay masaganang ani sa natural at espirituwal na larangan.
Kung muli mong itatayo ang pundasyon ng iyong buhay sa katuwiran, magsisimula kang pagpalain ng Diyos. Masagana ang magiging ani mo sa lahat ng larangan ng iyong buhay.
Ang Harvestime International Institute ay may isang kurso na pinamagatang � Mga Saligan ng Pananampalataya.� Ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng wastong pundasyong espirituwal sa buhay Kristiyano.
Ang paksang ito ay malawak, kaya hindi ito maaaring talakayin dito, subalit mahalaga na bigyang pansin ang ilang prinsipyo, sapagkat may epekto ito sa pag-aaning espirituwal. Ang wastong pundasyon na nagdudulot ng masaganang ani ay:
Natayo Sa Bato Na Hindi
Matitinag:
Siya�y tulad sa isang taong nagtatayo ng
bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato; at nang
dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi
nakilos; sapagkat natitirik na mabuti.
(Lucas 6: 48)
Ang Bato Ay Si Jesu-Cristo:
Kayo�y huwag mangatakot, o magsipangilabot
man: hindi ko baga ipinahayag sa inyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang
aking mga saksi. May Diyos baga liban sa akin? Oo walang malaking Bato; ako�y
walang nakikilalang iba. ( Isaias 44: 8 )
Ang Pundasyon Ay Nakasalig Sa
Katuwiran:
����������� Tinatangay ng hangin
ang taong masama,
Ngunit ang matuwid ay gusaling di magiba. (
Kawikaan 10: 25, �MBB )
Ito Ay Isang Mabuting
Pundasyon:
����������� Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang
mabuting kinasasaligan para sa
panahong darating, upang sila�y
makapanangan sa buhay na tunay na buhay.
( I Timoteo 6: 19 )
Ito Ay Walang Hanggan:
Sa ganitong paraan sila makapag-iimpok para
sa hinaharap at magkakamit ng tunay na buhay. ( I Timoteo 6: 19, MBB )
Ito Ay Nakabatay Sa Salita Ng
Diyos:
Gayon ma�y ang matibay na pinagsasaligan ng
Diyos ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga Kaniya:
at, Lumayo sa kalikuan ang bawat isa na sumasambitla ng pangalan ng
Panginoon.� ( II Timoteo 2: 19 )
Ang Pundasyon Ay Nasalig Sa
Dalawang Prinsipyo:
Ngunit matibay ang saligang itinatag ng
Diyos, at tinatakan ng ganito: �Nakikilala ng Panginoon kung sinu-sino ang sa
Kanya,� at � Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa
kasamaan.�� ( II Timoteo 2: 19, MBB )
�Ang dalawang prinsipyo na kinasasaligan ng pundasyon ay ang:
����������� 1. Mga taong tinubos:� -�� Kilala ng Panginoon ang sariling Kanya.
����������� 2. Ipinamumuhay ang katubusan: - Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay
�������������������������������������������������������������������� dapat lumayo sa kasamaan.
Ito ang wastong pundasyon para sa pag-aaning espirituwal.
KAKAUNTI ANG MANGGAGAWA:
Kung kakaunti ang mga manggagawa sa bukid-anihan, hindi rin maganda ang ani. Mabubulok ang pananim bago ito maani. Sinabi ni Jesus:
At sinabi Niya sa kanila, Sa katotohana�y
marami ang aanihin, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa: kaya�t idalangin
ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang
aanihin.� ( Lucas 10: 2 )
ANG� MGA� RESULTA
Kapahamakan ang dulot ng mga bagay na pumipigil sa pag-aani:
Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka�t ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang,
Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid,
manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada;
sapagkat ang pag-aani sa bukid ay nawala.
�
Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng
higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang
puno ng mansanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagkat ang
kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.�
( Joel 1: 10-12 )
Sa natural na larangan, lumbay ang dala ng di magandang ani�
At ang kasayahan ay naalis, at ang
kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga
awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan;
aking pinatigil ang awitan sa pag-aani. (Isaias 16: 10 )
Sa larangang espirituwal, ang di magandang ani ay nag-aalis ng galak:
Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa
ating mga mata, oo, ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng
ating Diyos?� ( Joel 1: 16 )
Kung tayo ay nagtataka na walang galak sa ating buhay, at nagtatanong tayo kung bakit ang awit at sigaw ng tagumpay ay nawala sa ating mga iglesia� ito ay resulta ng di magandang pag-aani.
ANO� ANG� MAAARI�
NATING� GAWIN?
Ating kinilala ang mga bagay na pumipigil sa pag-aaning espirituwal. Ating natuklasan ang mga dahilan kung bakit kapos sa galak at tagumpay.
Ano ang maaari mong gawin upang mahinto ang pag-ikot ng di magandang ani at sa halip ay magdala ng masaganang ani sa iyong buhay?
Nang ang pag-aaning natural ay di maganda sa Israel, sinabi ni� Joel sa bayan ng Diyos:
Gayon ma�y ngayon, sabi ng Panginoon,
magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong boong puso, na may pagaayuno, at may
pananangis, at may pananambitan;
At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso,
at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo�y magsipanumbalik sa
Panginoon ninyong Diyos; sapagkat siya�y maawain at puspos ng kahabagan,
banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa
kasamaan. ( Joel 2: 12-13 )
Kailangang humarap ka sa Diyos sa pagsisisi dahil sa iyong pagsuway sa Kanyang salita at kawalang malasakit sa pag-aaning espirituwal. Kailangang hilingin mo sa Kanya na alisin ang mga peste at sakit na espirituwal na humahadlang sa pamumunga.
Kailangang pagsisihan mo ang sariling sikap at hilingin sa Kanya na gabayan ang iyong mga gawa tungo sa katuparan ng Kanyang unang layunin para sa mga bansa ng sanglibutan.
Kailangang iyong bungkalin ang lupa at magtayo muli ng pundasyon ng iyong buhay na nakasalig sa katuwiran.
Ipinayo ni Joel sa mga liders na magsisi at tumawag ng isang pag-aayuno:
Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at
magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa
ng dambana; halikayo, magsihiga kayong magdamag sa kayong magaspang, kayong mga
tagapangasiwa ng aking Diyos: sapagkat ang handog na harina at ang inuming
handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Diyos.
Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo
ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan
sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Diyos, at magsidaing kayo sa
Panginoon.�� ( Joel 1: 13-14 )
Kung ikaw ay isang lider Kristiyano at ang iyong iglesia ay hindi nag-aaning espirituwal, sundin mo ang mga hakbang na ito:
����������� - Tipunin mo ang iyong mga elders at mga miembro.
����������� - Sama-samang humarap sa Diyos sa pagsisisi at pag-aayuno.
����������� - Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng pangitain ng masaganang ani.
����������� - Magkaisa sa layuning tuparin ang pangitain.
PANGSARILING�
PAGSUSULIT
I. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
________________________________________
II. Isulat ang T sa harap ng pangungusap na TAMA. Isulat ang M sa harap ng pangungusap na MALI.
a. ____Ang Deutoronomio 28 ay isang halimbawa ng � Kung/ Ngunit� na prinsipyo ng mga
������������ pangako ng Diyos.
b._____Si Satanas ay walang interes sa pag-aaring espirituwal.
c._____Mahalaga ang sariling sikap sa pag-aaning espirituwal.
d._____Dapat mong tiyaking mabuti ang mga pangyayari bago ka maghasik.
e._____Ang paggawa ng mabuti ay di sapat upang magdala ng pag-aaning espirituwal.
f._____Ang problema mo ay hindi yaong mga palsong pangyayari kundi ang kapangyarihang
������������ espirituwal sa likuran ng mga pangyayaring ito.
g._____Hindi katanggap-tanggap ang gawang tama kung ang gumagawa ay walang kabanalan.
3. Anu-ano ang ilang masasamang bagay na ating inihahasik na mag-aani ng kasalanan?
__________________________________��� _______________________________________
__________________________________��� _______________________________________
4. Anu-ano ang dalawang prinsipyo ng pundasyong nasalig kay Jesu-Cristo?
______________________���� ipinamumuhay na� ______________________________________ �
5. Magbigay ng isang reperensiya sa Biblia na nagpapakita ng mga resulta ng di magandang ani.
________________________________________
6. Magbigay ng isang reperensiya sa Biblia na ipinakikita kung ano ang iyong magagawa upang baliktarin ang pagtungo sa di magandang ani.
________________________________________
7. Ilista ang mga bagay na pumipigil sa pag-aani na tinalakay sa kabanatang ito.
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya upang matukoy ang mga ibang dahilan ng di magandang ani:
LUMANG� TIPAN
Levitico 19: 19
Deuteronomio 22: 9; 28
Job 4: 8
Awit 105
Mga Kawikaan 6: 12,14,19; 10:5; 16:28; 20:4; 22:8; 24:30
Eclesiastes 11:4
Ang Mga Awit ng mga Awit 2: 15
Isaias 16: 10; 17:10-11; 28:24-28; 32:9-20
Jeremias 2; 5:17-19; 8:13-14; 12: 10-11
Oseas 8:7; 10:12-13
Joel 1
Amos 4, 5
Mikas 6
Hagai 1
BAGONG� TIPAN
Mateo 13: 1-23
Marcos 4: 2-20
Lucas 8: 4-15; 10:2; 22:31
II Corinto 9: 6
Galatia 6: 7-8
Santiago 5:4
IKA-ANIM NA KABANATA
MGA ESTRATEHIYA PARA SA PAG-AANING ESPIRITUWAL
UNANG BAHAGI
LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.����������� Gumamit ng mga estratehiya ng Biblia na nagdudulot ng masaganang aning espirituwal.
SUSING TALATA:
����������� Sila ng nagsisipaghasik na may luha ay
magsisiani ng may kagalakan.
����������� Siyang lumalabas at umiiyak, na
nagdadala ng binhing itatanim, Siya�y di
����������� sasalang babalik na may kagalakan,
na dala ang kanyang mga tangkas.
����������� (Awit 126:5-6)
PAMBUNGAD
Kinilala ng nakaraang kabanata ang mga bagay na pumipigil sa pagkakaroon ng pag-aaning espirituwal. Ang kabanatang ito at ang susunod dito ay tatalakay naman sa mga estratehiya na titiyak ng masaganang aning espirituwal.
Ang mga estratehiya ay mga prinsipyo, pamamaraan, at mga plano na susundin upang maabot ang isang pinapakay. Ang mga ito ay nahayag sa Salita ng Diyos bilang mga prinsipyo sa natural na buhay na may katumbas namang mga katotohanang espirituwal.
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AANI
Narito ang estratehiya sa pag-aani:
BAWA�T PANANIM AY MAY KAKAYAHANG MAMUNGA:
Nang lalangin ng Diyos ang lupa, ginawa Niya na ang bawa�t isang pananim ay may kakayahang mamunga.
����������� At sinabi ng Diyos, Sibulan ang lupa ng
damo, pananim na nagkakabinhi, at
����������� Punong kahoy ma
namumunga ayon sa kanyang pagkakahoy, NA TAGLAY ANG
����������� KANYANG BINHI sa
ibabaw ng lupa, at nagkagayon. (Genesis 1:11)
Kung paanong sa natural na larangan, ang bawa�t pananim ay may kakayahang mamunga, bawa�t mananampalataya ay may kakayahang espirituwal na mamunga rin. Sa IYO nananahan ang kakayahang maging mabunga ang iyong buhay espirituwal. Ang maraming kaalaman ng mga bagay na espirituwal ay di kailangan upang maging bahagi ng pag-inog ng pag-aaning espirituwal. May isinaysay si Jesus na isang talinhaga� upang ilarawan ang katotohanang ito:
At sinabi Niya, Ganyan ang kaharian ng
Diyos, na gaya ng isang taong
naghahasik ng binhi sa lupa;
� at sumisibol at lumalaki ang binhi na di
niya namamalayan.
Datapuwa�t pagka hinog na ang bunga, ay
ginagamit agad ang
panggapas, sapagka�t dumating na ang pag-aani. (Marcos 4:26, 27, 29)
Hindi kailangang maintindihan mo ang teolohiya sa likod ng pagtubo at paglago ng binhi ng Salita ng Diyos sa puso ng mga tao. Hindi hinihiling sa iyo na unawain mo ang malalalim na katotohanan ng teolohiya.
Ang KAILANGAN ay maging kalahok ka sa paginog ng pag-aaning espirituwal.
ANG PAGHAHASIK AY KAILANGAN UPANG MAG-ANI:
Sa natural na larangan, kailangan kang maghasik ng binhi upang umani ng pananim. Sa larangang espirituwal, kailangan ka ring maghasik upang mag-ani. Ang Diyos ang nagbibigay� ng kinakailangan para sa paghahasik
����������� Ang Diyos na
nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang
siya ring magbibigay sa inyo ng binhi na
magpapalago nito upang
mamunga nang sagana ang inyong
kabutihang-loob. ( II Corinto 9:10. MBB)
Pinararami ng Diyos ang iyong mga kakayahang espirituwal upang ikaw ay maging mabunga.
Pinararami ng Diyos ang iyong pananalapi upang mamuhunan ka sa Kanyang gawain. Hindi Niya pinararami ang iyong pananalapi para lamang magkamal ka ng kayamanan. Ang nais ng Diyos ay maipuhunan mo ang mga pagpapalang ito sa Kanyang kaharian.
ANG PAG-ANI �AY DI KASABAY NG
PAGHAHASIK:
Sa pasimula pa lamang inilatag na ng Diyos ang mga prinsipyo ng mga kapanahunan sa natural na larangan.
����������� Samantalang ang lupa
ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pag-aani,
����������� At ang lamig at init,
at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi. (Genesis 8:22)
Ang paghahasik ay kailangan upang makapag-ani. Subali�t di magkasabay ang paghahasik at pag-aani. May mga tumanggap ng pangitain ng pag-aaning espirituwal ang nasiraan ng loob sapagka�t di nila nauunawaan ang prinsipyong ito.
May mga panahon ng paghahasik, subali�t dapat kang maghintay upang ang binhi ng Salita ng Diyos ay makatubo sa puso ng mga lalake at babae. May panahon din ng matiyagang paglinang. Hindi ka mag-aani kasabay ng paghahasik.
Binabanggit ng Unang Kabanata ng Mga Awit ang prosesong ito sa buhay ng mananampalataya:
����������� At siya�y magiging
parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng
tubig, na nagbubunga sa kanyang
kapanahunan� ( Mga Awit 1:3)
Kung paaanong may panahon ng pamumunga sa buhay, gayon din may panahon ng paghihintay. Ito ang mga panahon ng paghahanda ng lupa, paghahasik, at paglilinang. Subalit ang mga panahong ito ng paghahasik at paghihintay ay kailangan hanggang sa dumating ang pag-aani.
Mahalagang susi sa pag-aani, kung gayon, ang prinsipyo ng �timing�. Kailangan kang matiya na maghintay sa panahon ng pagtubo at paglago. Subali�t kailangang kilalanin mo rin kung panahon na ng pag-aani at kumilos agad bago masayang ang pananim:
����������� Datapuwa�t pagka hinog
na ang bunga, ay ginagamit agad ang panggapas,
sapagka�t dumating na ang pag-aani. (Marcos
4:29)
Bilang buod, may�
����������� �Panahon ng
pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim.
����������� (Eclesiates 3:2)
KUNG ANO ANG IYONG INIHASIK, YAON ANG IYONG AANIHIN:
Sa natural na larangan, kung ano ang binhi, yaon ang bunga. Kung nagtanim ka ng binhi ng mansanas, ang aanihin mo ay mansanas. Totoo rin ito sa larangang espirituwal:
����������� Huwag kayong padaya;
ang Diyos ay di napabibiro: sapagka�t ang lahat na ihasik
ng tao, ay siya namang aanihin nito. (Galacia
6:7)
Ang paghahasik ayon sa laman ay magdudulot ng tiwaling ani, samantalang ang naghahasik sa katuwiran ay nagre-resulta sa mabuting ani.
KAILANGAN KANG MAGHASIK, KAHIT ANO MAN ANG MGA PANGYAYARI:
Ang umaasa sa mga pangayayari ay di magiging bahagi ng pangitain ng pag-aani. Ang mga pangyayari sa kanilang buhay ang tatalo sa kanila tulad ng isang magsasaka na pinabayaan ang kanyang bukid dahil sa ginaw, hangin at mga ulap:
����������� Ang nagmamalas sa
hangin ay di maghahasik; at ang tumitingin sa alapaap ay
di mag-aani. (Eclesiastes 11:4)
Ang isang mahalagang estratehiya ng pag-aaning espirituwal ay ang paghahasik kahit ano pa man ang pangyayari sa buhay:
����������� Mapapalad kayo na
nangahahasik sa siping ng lahat ng tubig, na nangagpapalakad
����������� ng mga paa ng baka at
ng asno. (Isaias 32:20)
Kailangan kang maghasik ng malapit sa tubig. Ito ay nangangahulugan na kahit ano pa ang mangyari sa iyong buhay, kahit umapaw pa ang mga mahihirap na pangyayari sa mga pampang ng iyong buhay, kailangang magpatuloy kang maghasik. Ipinangako ng Diyos na ito�y magdadala ng ani.�
ANG IYONG ANI AY KATUMBAS NG IYONG INIHASIK:
����������� Tandaan ninyo ito: ang
naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang
����������� naghahasik naman ng
marami ay mag-aani ng marami. ( II Corinto 9:6, MBB)
Ang prinsipyong ito ay angkop sa lahat ng bahagi ng iyong buhay espirituwal. Kung napipilitan ka lamang sa pagbibigay ng iyong panahon, mga talento, at pananalapi sa gawain ng Diyos, ang iyong ani ay maliit lamang. Kung maghasik ka naman ng sagana, sagana rin ang ani. May iba�t �ibang baitang ng pamumunga sa pag-aaning espirituwal na inilarawan si Jesus sa ika-labing-limang kabanata ng Juan. Maaari kang makapagdala ng:
����������� - Bunga:� ����������� Juan 15:2
����������� - Maraming bunga�� Juan 15:2
����������� - Lalong mamunga����������� Juan 15:4
����������� - Nananatiling bunga�� Juan 15:16
Nais ng Diyos na ikaw ay mamunga ng marami at ito ay manatili.
Kinilala ni Pedro ang ilang mga katangian na dapat lumago sa iyong buhay upang ito ay mamunga:
����������� Oo, at dahil dito, sa
pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi
����������� ninyo sa inyong
pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang
kaalaman;
At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa
pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis
ay ang kabanalan;
At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa
kapatid; at sa mabuting kalooban
sa kapatid ay ang pag-ibig,
Sapagka�t kung nasa inyo ang mga bagay na
ito at sumasagana, ay hindi kayo
pababayaang maging mga tamad o mga walang
bunga sa pagkakilala sa ating
Panginoong JesuCristo. (II Pedro 1:5-8)
Nagbabala si Pedro na kung ang mga katangiang ito ay di lalago kung hindi� tayo magkakaroon ng pangitaing espirituwal:
����������� Sapagka�t yaong wala
ng mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay
����������� nasa malapit, sa
pagkalimot ng paglilinis ng kanyang dating mga kasalanan.
����������� ( II Pedro 1:9)
�
MAAARING IKAW ANG NAGHASIK AT HINDI IKAW ANG NAG-ANI at MAAARI
NAMANG MAG-ANI KA SA HINDI MO HINASIKAN:
Nang makapasok na ang Israel sa lupang pangako, sinabi ng Diyos na sila ay kakain mula sa ubasan na hindi sila ang nagtanim. Sila ay mag-aani doon na iba ang naghasik:
����������� Sapagka�t dito�y totoo
ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani.
����������� Kayo�y isinugo ko
upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangapagal,
����������� at kayo�y siyang
nagsipasok sa kanilang pinagpagalan. (Juan 4: 37-38)
Sa maraming mga taong nakaraan, maraming mga mananampalataya ang naghasik sa mga bukid anihan ng sanglibutan. Habang papalapit ang pagbabalik ng Panginoon, ang kanilang paghahasik na ginawa ay nagdudulot ng masaganang ani sa mga bansa ng sanglibutan. Ikaw ay papasok sa pinagpagalan ng iba, nguni�t ikaw ang nag-ani.
Binanggit ni Pablo:
����������� Ako ang nagtanim, si
Apolos ang nagdilig; nguni�t ang Diyos ang siyang
nagpalago.
�����������
����������� Ano pa�t walang anoman
ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Diyos
na nagpapalago.
����������� Ngayon ang nagtatanim
at ang nagdidilig ay iisa: nguni�t ang bawa�t isa ay
tatanggap ng kanyang sariling kagantihan
ayon sa kanyang sariling pagpapagal.
����������� Sapagka�t tayo ay mga
kamanggagawa ng Diyos� �( I Corinto 3:
6-9)
MAG-AANI KA KUNG IKAW AY MAGTATAPAT:
����������� At huwag tayong
mangapagod sa paggawa ng mabuti; sapagka�t sa
kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung
hindi tayo manganghihimagod.
(Galacia 6:9)
Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang
sa pagparito ng Panginoon.
Narito, inaasahan ng magsasaka ang
mahalagang bunga ng lupa, na may
pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang
maaga at huli. �( Santiago 5:7)
Kung ikaw ay magtatapat, nangako ang Diyos na ikaw ay mag-aani. Huwag kang mapagod
sa gawaing ibinigay sa iyo ng Diyos.
�
UPANG MAKAPAMUNGA, KAILANGANG MAMATAY ANG BINHI:
Kung titingnan mo ang binhi, ito ay walang buhay. Walang mga berdeng dahon, walang mga usbong o mga sanga. Para ito ay tumubo, kailangang ibaon sa lupa.
Ito ang katumbas sa likas na buhay ng isang katotohanang espirituwal. Bago umusbong ang buhay espirituwal, may kamatayan munang dapat maganap:
����������� Hindi mabubuhay ang binhing inihahasik
hangga�t hindi ito namamatay.
����������� ( I Corinto 15:36,
MBB)
Upang makapagbigay-buhay kailangang mamatay sa krus si Jesus. Parang nawalan ng kabuluhan ang Kanyang ministeryo sapagka�t nagwakas sa kamatayan.
Subali�t yaon ang panahon Niya ng paghahasik. Anong saganang ani ang idinulot ng Kanyang kamatayan, tulad ng isang binhi na nahulog sa lupa. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, milyong-milyon ang nakasumpong ng buhay.
Upang magkaroon ng buhay espirituwal, dapat munang mamatay. Kamatayan sa kasalanan. Kamatayan sa mga maka-mundong nasa at kaaliwan.
Si Jim Elliott ay isang misyonerog pinatay ng mga Auca Indians ng Ecuador ng tangkain nitong ihatid sa kanila ang ebanghelyo. Isinulat niya sa kanyang diary ang mga salitang ito: �Hindi hangal ang sinoman na nagbibigay ng hindi niya maaaring angkinin, upang ang hindi na mawawala sa kanya ay kanyang kamtin.�
Sa natural na larangan, ang malaking kabalintunaan ay kamatayan sapagka�t ang kamatayan ang nagbibigay buhay sa mananampalataya. Ang kamatayan ay nakalulungkot lamang kung walang anomang mahalaga na pinagalayan ng buhay. Tiyakin mo na ang iyong ipinamumuhay ay sulit ding ikamamatay.
May panahong tila walang palatandaan ng pag-aani. Lumilitaw na inaksaya mo lamang ang iyong buhay sa isang naglalahong pangitain.
Subali�t dapat mong tandaan:
����������� Katotohanan,
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo
ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira
siyang magiisa; nguni�t kung
mamatay, ay nagbubunga ng marami. (Juan
12:24)
Hindi walang kabuluhan ang kamatayan ni Jesus. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, dumating sa atin ang buhay. Kahit namatay si Jim Elliott, dumating ang kaligtasan sa mga Auca Indians dahil sa may mga pumalit sa kanya sa pag-abot sa mga ito ng ebanghelyo.
Ang binhi ay hindi patay. Taglay nito ang buhay mula sa Diyos. Subali�t upang sumibol ang buhay, kailangan itong mamatay. Tinuran ni Oseas ang resulta ng pamumuhunan ng iyong buhay sa ganitong paraan:
����������� At Aking itatatag siya
para sa Akin sa lupa: at Ako�y magdadalang habag sa kaniya
na hindi nagtamo ng kahabagan.; at Aking
sasabihin sa kanila na hindi ko bayan,
Ikaw ay Aking bayan; at siya�y magsasabi,
Ikaw ay aking Diyos. (Oseas 2:23)
Ang talatang ito ang buod ng layunin ng paggamit ng mga estratehiya para sa pag-aaning espirituwal. Ikaw ay naglilingkod upang masabi ng Diyos sa mga taong hindi dating sa Kanya, �Ikaw ang Aking bayan, at kanilang sasabihin, Ikaw ang aming Diyos.�
PANGSARILING-PAGSUSULIT
I. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Isulat ang kahulugan ng �estratehiya.�
3. Ilista ang siyam (9) na mga estratehiya para sa pag-aaning espirituwal na tinalakay sa kabanatang ito:
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
MGA TALINHAGA NG UBASAN
May ilang mga talinhaga sa Biblia na tumutukoy sa ubasan� at naghahayag ng mga dagdag na kaalaman tungkol sa pag-aaning espirituwal. Ang talinhaga ng manghahasik ( Mateo 13, Marcos 4, Lucas 8) ay nabanggit na sa ibang bahagi ng kursong ito. Ang ibang mga talinhaga ng ubasan ay nakalista sa ibaba para sa dagdag na pag-aaral.
ISANG BASKET NG MGA FRUTAS SA PANAHON NG TAG-INIT:���� Amos 8:1-2
Ano ang mga natural na halimbawa na ipinakita ng Diyos kay Amos?______________________
Ano ang kahulugan ng halimbawang ito?________________________________________
Ano ang malaking hatol na ipinadala ng Diyos sa Israel dahil sa ayaw nilang sumunod sa
Kanyang mga Salita? (talatang� 11-12)________________________________________
ANG UBASAN NG DIYOS:��� Isaias
5:1-7
Ang talinhagang ito ay tungkol sa bansang Israel. Itinanim ng Diyos ang Israel sa larangang espirituwal upang ito ay mamunga at pagpalain ang mga bansa ng sanglibutan. Subali�t hindi namunga ang Israel. Ano ang resulta ng pag-aaning espirituwal sa Israel?� (talatang 4)_________
Ano ang hatol sa ubasan? ( talatang 5-6) ________________________________________
Ano ang mga pagkakaiba-iba sa talatang 7? Humanap ang Diyos ng _______________________
_________ nguni�t ang nasumpungan ay ________________________________________
Humanap Siya ng _______________________ subali�t ang nasumpungan ay________________
����������� ( ng kalikuan)
Ano ang mga dahilan kung bakit ang Israel ay nasa ganitong kondisyong espirituwal?
(talatang13,20)������������������ �________________________________________
ANG UBASAN NG DIYOS:��� Mateo
21:28-41; Mark 12:1-9; Lukas 20:9-16
Ang talinhagang ito sa bagong
Tipan ay may kinaalaman din sa ubasan ng Diyos. Ito ay tala kung paano sinugo
ng Diyos ang Kanyang mga propeta sa Israel at tinanggihan ang mga ito.
Pagkatapos, sinugo Niya ang Kanyang sariling Anak, si JesuCristo, Siya rin ay tinanggihan.
Ano ang naging tugon ng puno ng sambahayan (Israel) sa mga aliping isinugo ng Diyos? ______
Ano naman ang kanilang naging tugon sa Anak ng Diyos? ______________________________
Ano ang hatol na ipnadala ng Diyos? ________________________________________
(Ang iba na pagbibigyan din nito ay ang mga Hentil).
ANG PUNO NG IGOS: Lucas 13:6-9
Nang dumating ang may-ari ng ubasan upang tipunin ang bunga mula sa puno ng igos, ano ang
kanyang nasumpungan? ________________________________________
Ano ang nais niyang gawin? ________________________________________
Ano ang naging tugon ng nag-aalaga ng ubasan? _____________________________________
Ang puno ng igos ay kumakatawan sa Israel. Ano sa palagay mo ang kahulugan ng talinhagang
ito? ________________________________________
MGA MANGGAGAWA SA UBASAN: Mateo 20:1-16
Ano ang upa ng mga manggagawa na unang kinuha?___________________________________
Ano ang upa ng mga manggagawa na huling kinuha?___________________________________
Anong �problema ang sumiklab sa mga manggagawa? __________________________________
Ano ang prinsipyo na inilarawan ni Jesus sa talinhagang ito ( talatang 16) __________________
����������� ________________________________________
�
ANG DALAWANG ANAK: Mateo 21: 28-31
Nang hilingin ng ama sa kanyang mga anak na gumawa sa ubasan:
Paano siya sinagot ng unang anak? ________________________________________
Ano mismo ang ginawa ng unang anak? ________________________________________
Paano sinagot ang ama ng pangalawang anak? _______________________________________
Ano mismo ang ginawa ng pangalawang anak? ______________________________________
Ano ang prinsipyong itinuro ni Jesus sa talinhagang ito? _______________________________
ANG PAG-AANI: Mateo 9:37-38; Lukas 10:2; Juan 4:34-39, 12:24
Sa ilang mga pagkakataon, ginamit ni Jesus ang halimbawa ng pag-aani upang ilarawan ang mga
katotohanang espirituwal. Ano ang pinakamalaking pangangailangan ng bukid anihan? _______
Ano ang isang bagay na ating magagawa sa pangangailangang ito (Mateo 9:38)? _____________
Ano ang prinsipyo ng pag-aani na itinuro ni Jesus sa Juan 12:24?� ________________________
Ano ang katotohanang inyong natutuhan tungkol sa mga manghahasik at mag-aani sa Juan 4:36-
38? ________________________________________
ANG MGA PANIRANG DAMO: Mateo 13: 24-30
Anong uri ng binhi ang nahasik sa bukid? ________________________________________
Ano ang nangyari habang ang mga manggagawa ay natutulog? ___________________________
Ano ang solusyon sa mga problema ng panirang damo na naihasik? ( talatang 30) ____________
Ano ang naging pasiya ng may-ari sa solusyong ito? ___________________________________
ANG BUTIL NG MUSTASA: Mateo 13: 31-32; Marcos 4:31-32; Lukas
13:18-19
Ang butil ng mustasa ang ______________ sa lahat ng mga butil o buto.
Anong uri ng puno ito pagka lumaki na? ________________________________________
Anong katotohanang espirituwal ang inilarawan ni Jesus sa kasaysayan ng butil ng mustasa? ___
________________________________________
Sa Mateo 17:20, ginamit ni Jesus ang butil ng mustasa bilang halimbawa ng pananampalataya.
Ano ang bisa ng pananampalataya kahit maliit?_______________________________________
________________________________________
IKA-PITONG KABANATA
MGA ESTRATEHIYA PARA SA PAG-AANING ESPIRITUWAL
IKALAWANG BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.����������� Ipaliwanag ang mga katumbas na katotohanang espirituwal at ang mga natural na
prinsipyon ng pagtubo ng halaman.
.���������� Gamitin ang mga magkakatumbas na ito bilang mga estratehiya para sa pag-aaning
����������� espirituwal.
SUSING TALATA:
����������� Sapagka�t kung paanong
ang lupa�y nagsisibol ng pananim, at kung paanong
����������� ang halamanan ay
nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin
����������� ng Panginoong Diyos
ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat ng mga bansa.
����������� ( Isaias 61:11)
PAMBUNGAD
Ipinagpapatuloy sa kabanatang ito ang mga estratehiya para sa pag-aaning espirituwal. Tumutukoy ito sa hiling prinsipyo ng pag-aani: Ang binhi ay tumutubo batay sa ilang mga panglabas na mga kondisyon.
Sa natural na kalagayan, may mga kondisyon na kailangan sa pagtubo� at paglago ng mga binhi. Ang mga natural na kodisyones na ito ay katumbas ng mga espirituwal na bagay na kailangan para sa paglago ng binhi ng Salita ng Diyos upang magdala ng pag-aaning espirituwal.
MGA KONDISYON NG PAGLAGO
BUHAY:
Walang paglago kung walang buhay. Kailangang may buhay sa binhi, kung wala, hindi ito tutubo. Si Jesus ang maliwanag na kapahayagan ng Salita ng Diyos, ang Binhi, at sa Kanya ang buhay:
����������� Nasa Kaniya ang buhay;
at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. ( Juan 1:4)
�����������
Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay
sa Kanyang sarili, ay
gayon din namang pinagkalooban Niya ang
Anak na magkaroon ng buhay
sa Kanyang sarili. ( Juan 5:26)
Naparito si Jesus upang itanim ang binhi ng buhay sa iyo upang gawin kang magbunga:
����������� Hindi pumaparito ang
magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay,
����������� At pumuksa: Ako�y
naparito upang sila�y magkaroon ng buhay, at magkaroon
����������� ng kasaganaan nito. (
Juan 10:10)
Ang Kaniyang buhay ay nasa iyo. Kung iyong itanim ang binhi ng Kanyang salita, alam mo na �
����������� Sapagka�t kung paanong
ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa
����������� langit, at hindi
bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan�
at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay
ng binhi sa maghahasik at pagkain
sa mangangain;
Magiging gayon ang Aking salita na
lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa
Akin ng walang bunga, kundi gaganap ng
kinalulugdan Ko, at giginhawa sa bagay
na Aking pinagsuguan. ( Isaias 55:10-11)
TAMANG LUPA:
Natutuhan mo sa kursong ito na ang lupang hindi nabungkal ay pumipigil sa pagkakaroon ng pag-aaning espirituwal. Ang tamang lupa ay kailangan para sa mabuting pag-aani:
����������� At yaon ang nangahasik
sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at
����������� tinatanggap ito, at
namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu,
at tigiisang daan. �( Marcos 4:20)
Upang mag-ani ka sa larangang espirituwal, kailangan mong ituon ang iyong paggawa sa mabuting lupa. Kailangan mong ihanda ang lupa at ihasik ang Salita nang maayos. Parehong kailangan ito upang maka-pag-ani ( Oseas 10:12; Jeremias 4:3).
Ayon sa talinhaga ng manghahasik ( Marcos 4:3-20), kung walang ani, ang dahilan ay ang lupa. Ito ay isang mahalagang prinsipyo ng pag-aani. Hindi naman dapat kaligtaan ang mga hindi mabuting lupa. Mayroong dapat maghasik, mag-alaga, at kilalanin kung kailan dapat tawagan ang mga taga-pag-ani ( Lucas 13:6-9 ). Subali�t hindi sa mga lupang ito dapat matuon ang paggawa. Hindi, sinabi ni Jesus na kukulangin ng manghahasik, kundi ng mga taga-pag-ani. Ang mga tagapag-ani ang kailangang matuon doon sa mabuting lupa na dito ay may saganang pag-aani.
Ang �timing� ay mahalagang-mahalaga sa pag-aani. Ang mga taga-pag-ani ay di kailangan kung katatanim pa lamang ng binhi o kaya ay di pa hinog ang pananim. Subali�t may isang maikli, at mahalagang sandali na ang aanihin mula sa mabuting lupa ay hinog na. Noon kailangan ang maraming taga-pag-ani. Kung ang mga manggagawa ay abala sa mga bukiring espirituwal na hindi naman handa, ang pag-aani ay masasayang.
TUBIG:
Sa natural na larangan, ang tubig ay kailangan upang ang binhing natanim ay umusbong at tumubo. Ipinangako ng Diyos:
����������� Sapagka�t ipagbubuhos
ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong
����������� lupa. ( Isaias 44:3)
Ang pagbubuhos na ito ay ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na sinasagisag ng tubig.
����������� Aking� Espiritu�y ibubuhos Ko� sa �yong mga supling. ( Isaias 44:3, MBB)
����������� Ang sumasampalataya sa
Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa
����������� Loob niya ay aagos ang
mga ilog ng tubig na buhay. ( Juan 7:38)
Ang tubig ng Espiritu Santo ay siyang dahilan ng paguugat ng Salita ng Diyos sa puso ng mga lalake at babae na dahil sa kasalanan as patay:
����������� Sapagka�t may pagasa
sa isang punong kahoy, na kung ito�y putulin, ay sisibol uli,
����������� at ang sariwang sanga
niyaon ay hindi maglilikat.
����������� Bagaman ang kanyang
ugat ay tumanda sa lupa, At ang puno niyao�y mamatay sa
����������� lupa;
����������� Gayon ma�y sa
pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, At magsasanga na gaya
����������� ng pananim. ( Job
14:7-9)
LIWANAG:
Sa natural na larangan , ang halaman ay lumalago dahil din sa liwanag ng araw. Ang liwanag naman ng Diyos ang nagre-resulta sa pag-aaning espirituwal:
����������� Nasa� Kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang
ilaw ng mga tao. ( Juan 1:4)
Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumsunod
sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan. (
Juan 8:12)
Ang liwanag ng Diyos ang nagbibigay ng buhay espirituwal.
HANGIN:
Isang mahalagang elemento ang carbon dioxide na nilalanghap mula sa hangin ng mga halaman. Kailangan ang hangin upang lumago ang mga halaman. Sa biblia, ang Espiritu Santo ay itinulad sa hangin:
����������� Umiihip ang hangin
kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi
ninyo alam kung saan nanggagaling at kung
saan naparoroon. Gayon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu. ( Juan 3:8, MBB)
Ang Espiritu Santo ang nagbibigay buhay sa binhi ng Salita ng Diyos na siyang nagpapalago.
PUWANG:
Sa talinhaga ng manghahasik, ang pagsisiksikan ng tanim at mga dawagan ang pumapatay sa pananim:
����������� At ang nahasik sa mga
dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni�t ang
����������� pagsusumakit na ukol
sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang
����������� umiinis sa salita, at
yao�y nagiging walang bunga. ( Mateo 13:22)�
Ang mga pagsusumakit sa mga maka-sanglibutang bagay ang maaaring pumatay sa binhi ng Salita ng Diyos at pigilin ang pamumunga.
MGA UGAT:
Kailangan ang mga ugat upang tumibay ang kapit at makakuha ng sustansya ang halaman sa lupa. Sinabi ng Awit 1 kung paano mag-uugat ang ating buhay espirituwal:
����������� Mapalad ang tao na
hindi lumalakad sa payo ng masama, Ni tumatayo man sa daan
����������� ng mga makasalanan, Ni
nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
����������� Kundi ang kaniyang
kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; At sa kautusan
Niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
At siya�y magiging parang punong kahoy na
itinanim sa siping ng mga agos ng
tubig; Na nagbubunga sa kaniyang
kapanahunan, Ang kanyang dahon nama�y
hindi malalanta; At anomang kanyang gawin
ay giginhawa. ( Awit 1:1-3)
PAHINGA:
Ang halaman ay nagpapahinga rin. Ito ang panahon na tila walang buhay ang binhing naihasik. Nangyayari ito bago magkaroon ng mabilis na pagtubo at paglago. Ang buhay ng binhi ay naroroon pa rin.
Sa iyong paghahasik ng Salita ng Diyos sa buhay ng mga lalake at babae, may panahon na tila walang resulta ang ating ginawa. Maaari mong isipin na bigo ka sa iyong misyon. Subali�t hindi namamatay ang binhi.
Kung paano sa natural na larangan, bago magkaroon ng pagtubo at mabilis na paglago, may panahon din sa larangang espirituwal na waring walang nangyayari sa iyong inihasik. Matiyaga kang maghintay sa pag-aani:
����������� Narito, inaasahan ng
magsasaka ang mahalagangbunga ng lupa, na may
pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang
maaga at huli. ( Santiago 5:7)
MANATILING NAKAKABIT SA PUNO:
Sa natural na larangan, ang isang sanga upang magbunga ay kailangang nakakabit sa puno. Kung maputol ang sanga mula sa puno, ito ay mamamatay at di makapagbubunga.
Si Jesus ang puno at tayo ang mga sanga. Upang makapamunga tayo, kailangang panatilihin natin ang ating kaugnayan sa Kanya:
����������� Ako ang tunay na puno
ng ubas, at ang Aking Ama ang magasasaka.
����������� Ang bawa�t sanga na sa
Akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis Niya: at ang bawa�t
sanga na nagbubunga ay nililinis Niya,
upang lalong magbunga.
Kayo�y malilinis na sa pamamagitan ng
salita na sa inyo�y aking sinalita.
Kayo�y manatili sa Akin, at Ako�y sa inyo.
Gaya ng sanga na di makapagbunga
sa kanyang sarili maliban na nakakabit sa
puno; gayon din naman kayo, maliban
na kayo�y manatili sa Akin. ( Juan 15:1-4)
PAGPUPUNGOS:
Upang mapanatiling mabunga ang halaman, ito ay kailangang pungusan. Pinupungos ng isang magsasaka ang mga sanga na dapat putulin upang lalong mamunga ang halaman. Inaalis niya ang anomang humahadlang sa paglago ng halaman.
Sa larangang espirituwal, kailangan din ang pagpupungos. Ang pagtutuwid ay paraan ng Diyos ng pagpupungos. Tinawag din ito sa Biblia na pagpa-parusa. Sa pagpupungos ng Diyos, inaalis Niya mula sa iyong buhay ang lahat ng hahadlang sa iyong paglagong espirituwal. Kailangan ito upang ikaw ay makapamunga:
����������� Ang bawa�t sanga na sa
Akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis Niya: at ang bawa�t
����������� bawa�t sanga na
nagbubunga ay nililinis Niya, upang lalong magbunga. ( Juan 15:2)
Minsan, hindi mo napapakinabangan ang bisa ng pagpungos ng Diyos sapagka�t si Satanas ang sinisisi mo, samantalang ang Diyos talaga ang gumagamit sa mga pangyayari sa iyong buhay upang ikaw ay ituwid. Ang layunin ng Diyos sa pagtutuwid ay inihayag sa Oseas 6:1:
����������� Magsiparito kayo, at
tayo�y manumbalik sa Panginoon; sapagka�t Siya�y lumapa,
����������� at pagagalingin Niya
tayo; Siya�y nanakit, at Kanyang tatapalan ito. ( Oseas 6:1)
Ang pagpungos ng Diyos ay nagpapabalik sa atin sa Diyos. Magiging mabunga ka lamang kung magbabalik-loob ka sa Panginoon.
KLIMA:
Mahalaga ang klima sa mga pananim. Minsan, may mga halaman na inaalagaan sa loob ng isang gusali na dito ay kontrolado ang temperatura upang lumago ang halaman. Sila ay naiingatan mula sa mga elemento sa labas ng gusali. Kung ilalabas mo ang halaman, ito ay mamamatay. Hindi nito kaya ang klima sa labas.
Sa larangang espirituwal, di natin nais ang mga uri ng Kristiyano na tumatagal lamang kung ang palibot ay kontrolado. Hindi ka makapamunga sa gitna ng katunayan ng sanglibutan. Ang binhi ng Salita ng Diyos na nahasik sa iyong buhay at sa buhay ng mga taong iyong pinaglilingkuran ay dapat magbunga sa kabila ng mahirap na mga palibot o klima.
BUOD
Ang kabanatang ito ay tumatapos sa mga estratehiya sa pag-aaning espirituwal. Ang pagbabalik-aral sa mga prinsipyo ay naghahayag ng mga katotohanang espirituwal na katumbas ng mga likas o natural na katotohanan:
����������� - Bawa�t halaman ay maaaring magpadami sa kanyang sarili.
����������� - Kailangan ang paghahasik upang mag-ani.
����������� - Ang pag-aani ay di kasabay ng paghahasik.
����������� - Kailangang maghasik kahit ano pa ang mga pangyayari.
����������� - Ang iyong ani ay ayon sa iyong inihasik.
����������� - Maaari kang maghasik at di ikaw ang mag-ani o ikaw ang nag-ani sa hindi
mo pinaghasikan.
����������� - Mag-aani ka kung ikaw ay tapat.
����������� - Upang tumubo, kailangang mamatay muna ang binhi.
����������� - Ang mga binhi ay tumutubo batay sa ilang mga kondisyon.
Ang pagkaunawa at paggamit sa sa mga estratehiyang ito ay magre-resulta sa masaganang pag-aaning espirituwal. Ang susunod na kabanata ay magpapakita sa iyo kung paano mag-ani.
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Ano ang panghuling prinsipyo ng pag-aani na itinuro sa kabanatang ito?
3. Ilista ang sampung mga natural na kondisyon na kailangan para sa pagtubo at paglago na tinalakay sa kabanatang ito at ginamit sa pag-aaning espirituwal:
_________________________________����������� ________________________________________
_________________________________����������� ________________________________________
_________________________________����������� ________________________________________
_________________________________����������� ________________________________________
_________________________________����������� ________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
Sinuri sa nakaraang dalawang kabanata ang mga katumbas sa larangang espirituwal ng mga natural na prinsipyo ng paghahasik at pag-aani. Si Jesus din ay nagbigay ng gayong pagaaral sa talinhaga ng manghahasik. Ikumpara ang mga paghahanay ng talinhagang ito sa tatlong reperensya sa Mateo 13:3-9; Marcos 4:3-20; at Lucas 8:5-15.
1. Ano ang katumbas na espirituwal ng natural na binhi na nahasik?
(Lucas 8:11)________________________________________
2. Ang ibat-ibang uri ng lupa ay kumakatawan sa uri ng pagtanggap ng mga tao sa Salita ng Diyos. Kompletuhin ang sumusunod na tsart na naglalarawan ng mga uri ng lupa at ang naging resulta ng paghahasik ng binhi:
����������� Uri ng Lupa��� ����������� Resulta ng Paghahasik ng Binhi sa Lupang Ito
3. Ano ang nangyayari kung may isang nakarinig ng Salita at hindi ito naunawaan?
( Mateo 13:19)________________________________________
4. Bakit namamatay ang binhi sa mabatong lupa?
( Mateo 13:20-21; Lucas 8:6,13) ________________________________________
5. Ano ang mga bagay na ikinumpara sa mga dawagan o tinik na umiinis sa Salita?
(Mateo 13:22; Marcos 4:18-19; Lucas 8:14) ________________________________________
6. Ano ang nangyayari kapag ininis ng mga tinik ang Salita? ( Mateo 13:22).
Siya ay nagiging________________________________________
7. May binabanggit ba ang talinhaga na may ibat-ibang resulta kung mag-ani na mula sa mabuting lupa?
(Mateo 13:23) ______________________ Ano ang mga resulta?__________________________
8. Ano ang nangyari sa binhi na nahasik sa tabi ng daan? ( Marcos 4:4; Lucas 8:5) ___________
Ano ang katumbas nito sa espirituwal na larangan? (Marcos 4:15) Si ________________ ay dumarating kapagdaka at inaalis ang Salita na nahasik.
9. Ano ang mga katangian ng puso ng tao na tulad ng mabuting lupa? ( Lucas 8:15) Sila ay mayroong ____________________ at ____________________ puso.
10.Ano ang tatlong pagtanggap at pagtugon na ginagawa ng tao tulad ng mabuting lupa? (Lucas 8:15)
11. MAHALAGA: Ang mga ibat-ibang mga pagtugon na ito ay di lamang sa pagtanggap ng mensahe ng Magandang Balita. Totoo rin ito sa anomnag katotohanan ng Salita na inihahasik ng Diyos sa ating buhay.
Ang pangitain ng pag-aani ay nahasik sa iyong buhay. Ito ba ay natanim sa mabuting lupa? Ano ang magiging resulta nito?
Ito ba ay bumagsak sa tabi ng daan? Kung gayon, ang pangitain ay naalis ni Satanas sapagkat hindi mo ito pinahalagahan sa iyong buhay.
Ito ba ay bumagsak sa batuhan? Maaring boong galak mong tinanggap ang pangitain ng pag-aani ngunit hindi ito nag-ugat sa iyong buhay. Kung dumating ang kahirapan hihiwalay ka sa pangitain. Ito ba ay natanim sa dawagan? Ang pinagsusumakitan mo ba ay ang mga intindihin ng buhay, kayamanan, mga panandaliang aliw, at mga pita ng buhay?� Ang mga pansamantalang mga bagay na ito ba ay mas mahalaga pa kaysa sa pangitain? Kung gayon, hindi ka makapagdadala ng ani. Ang kapahayagan ba ng pag-aani ay natanim sa mabuting lupa? Natanggap mo ba ang pangitain at ito�y iyong iingatan? Kung gayon, makapagdadala ka ng bunga at ikaw ay makapagpaparami.
IKA-WALONG KABANATA
PAG-AANI SA PAMAMAGITAN NG KAPAHAYAGAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. ����������� Ipaliwanag ang paraan ng Diyos nang pagpaparami.
.����������� Kilalanin ang mga kasangkapang espirituwal na kailangan sa pag-aani sa
������������ pamamagitan ng kapahayagan.
.����������� Makatungo sa kabila pa ng pagpapala upang maranasan ang kapangyarihang espirituwal.
SUSING TALATA:
����������� Datapuwa�t tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
����������� Espiritu Santo: at
kayo�y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong
����������� Judea at Samaria, at
hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
����������� ( Gawa 1:8)
PAMBUNGAD
Hindi sapat na maalaman ang mga estratehiya sa pag-aaning espirituwal. Kailangan mo rin maunawaan ang mga paraan at kasangkapan para sa pag-aani. Kailangan ang paraan sa paggamit ng mga estratehiya na iyong natutuhan. Dapat mong magawa ang gawain ng Diyos ayon sa Kanyang paraan. Ang paraan Niya ay ang makalangit na kapahayagan� at nagre-resulta sa espirituwal na pagdami.
����������� At ang iyong mga
pakinig ay makakarinig ng tinig sa likuran mo, na magsasabi,
����������� Ito ang daan, lakaran
ninyo; pagka kayo�y pumipihit sa kanan, at pagka kayo�y
����������� pumipihit sa kaliwa.
����������� At Siya ay magbibigay
ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa;
����������� at ng pagkaing bunga
ng lupa, at magiging mataba at sagana�( Isaias 30:21, 23)
Ito ang pag-ani sa pamamagitan ng kapahayagan ng Diyos sa halip na mga paraan ng tao.
MGA KATIWALA NG MGA HIWAGA
Ang mga mananampalataya ay �katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.� Ang isang katiwala ay nangangasiwa sa isang bagay na pag-aari ng iba. Ang hiwaga ay isang bagay na hindi batid ng iba. Binigyan tayo ng Diyos ng isang utos�
����������� At maipakita sa lahat
ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga
����������� na sa lahat ng panahon
ay inilihim ng Diyos na lumalang ng mga bagay;
����������� Upang ngayo�y sa
pamamagitan ng iglesia, ay maipakilala sa mga pamunuan
����������� at sa mga
kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng
Diyos,
Ayon sa panukalang walang hanggan na
ipinanukala kay Cristo Jesus na
Panginoon natin. ( Efeso 3:9-11)
Inihayag ng Diyos sa iglesia ang hiwaga ng kaligtasan sa pamamagitan ni JesuCristo. Sa pamamagitan ng iglesia inihahayag Niya ang hiwagang ito sa boong sansinukob:
����������� Na ipinakilala Niya sa
atin ang hiwaga ng Kanyang kalooban, ayon
����������� sa Kanyang minagaling
na ipinasiya Niya sa Kanya rin.
����������� Sa pagiging katiwala
sa kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga
bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa
sangkalangitan, at ang mga bagay na
nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya sinasabi
Ko. (Efeso 1:9-10)
Ang iglesia ang kinakasangkapan ng Diyos sa paghahayag ng mga hiwaga ng Diyos sa makasalanang sangkatauhan. Ang ating misyon ay �pag-ani sa pamamagitan ng kapahayagan.�
ANG BINHI AY MAGLILINGKOD SA KANYA
Ang likas na paginog ng pag-aani ay nakabatay sa prinsipyo ng pagpaparami. Ang binhi ay inihahasik at ito ang nagdudulot ng ani. Sa loob ng bunga na naani ay marami pang mga buto para sa pagpaparami.
����������� At ang lupa ay
sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kanyang
����������� pagkapananim, at ng
punong kahoy na namumunga, na taglay ang kanyang
����������� binhi, ayon sa kanyang
pagkakahoy. ( Genesis 1:12)
Ang mga butong ito ay darami at magdudulot pa ng pag-aani. Walang katapusan ang paginog nito. Sa likas na paginog na ito ay may dakilang katotohanang espirituwal. Ito ang isa sa mga dahilan sa paggamit ni Jesus ng anihan upang ilarawan ang pangitain ng paghahatid ng ebangheliyo sa boong daigdig.
Kung paanong sa likas na larangan,� ang bawat butil o bunga ay may kakayahang dumami, gayon din sa larangang espirituwal.
Si Jesus ay tinukoy bilang isang binhi:
Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala,
at magsisipanumbalik
sa Panginoon:At lahat ng mga angkan ng mga
bansa ay magsisisamba
sa harapan Mo.
����������� Isang binhi ay
maglilingkod sa Kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na
����������� salin lahi. (Awit
22:27, 30)
Nang mamatay si Jesus sa krus para sa kasalanan ng sangkatauhan, ang binhi ng Kanyang buhay ay natanim. Napaka-saganang ani ang dulot nito nang ang napakaraming mga tao ay naligtas mula sa kasalanan at mula sa kamatayan tungo sa buhay. Ang bawat born-again na mananampalataya ay tulad ng isang binhi sa natural na larangan. Sa bawat isa ay may buhay at kakayahang magparami. Ito ay totoo sa natural at espirituwal ng mga larangan.
�ANG SANGLIBUTAN AY NAABOT
Isang dakilang pangitain ang inihamon ni Jesus sa Kanyang mga alagad. Nakaharap sa kanila ang bukid anihan ng sanglibutan. Wala sila noon na mga makabagong teknolohiya tulad ng� imprentahan, radyo, telebisyon, at mga computer upang maisagawa ang kanilang gawain. Wala silang mabibilis na sasakyan tulad ng bus, kotse, tren at eroplano. Gayon ma�y sinabi ng Biblia na sa maikling panahon lamang ay kanilang inabot ang daigdig noon para kay Cristo:
�����������
At nang hindi sila mangasumpungan, ay kanilang
kinaladkad�ang ilang mga
kapatid sa harap ng mga punong bayan, na ipinagsisigawan,
Itong mga nag-
sisipagtiwarik ng sanglibutan, ay
nagsiparito rin naman. ( Gawa 17:6)
Ang pangitain ay natupad ng mga lalake na naunawaan ang pamamaraan ng Diyos ng pagpaparami at alam kung paano mag-aning espirituwal.
Sa boong sanglibutan may mga pag-aaning espirituwal na hinog na subalit ang mga kaluluwa ay napapahamak sa kabila ng makabagong teknolohiya. Ang dahilan ay sapagkat marami ang hindi nakauunawa ng paraan ng Diyos at kasangkapan ng Diyos sa pag-aani ayon sa kapahayagan.
ANG PARAAN
Nasubukan na ng mga iglesia ngayon ang maraming mga paraan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpaparami ng mga kaanib. Gumamit sila ng mga kontest, gantimpala, at mga tanging programa upang halinahin ang mga tao. Gumamit sila ng mga planong likha ng tao upang mairaos ang gawaing espirituwal. Ang gawaing espirituwal ay matutupad lamang sa pamamagitan ng mga paraang espirituwal. Hindi pagkakalooban ng Diyos ang Kanyang mga tagasunod ng isang dakilang pangitain para tuparin na hindi naman nagbibigay ng paraan upang ito ay maabot.
Ang paraang ito ay makikita sa larangang espirituwal na katumbas ng mga bunga ng pag-aani na may kakayahang magparami. Naibigay ang buod nito sa II Timoteo 2:2:
Ang sanglibutan noon ay naabot di lamang ng labingdalawang mga alagad ni JesuCristo. Bawat mananampalataya ay isang Kristiyanong namumunga. Ang sanglibutan ngayon ay di maaabot sa pamamagitan lamang ng mga pastor at mga misyonero. Hindi sapat ang bilang ng mga ito. Nobentay-Nuwebe ng iglesia ay binubuo ng mga miembro. Ito ang mga manggagawa na dapat mapakilos kung nais nating maabot ang tatlong bilyong mga tao para kay JesuCristo.
Itinala ng Biblia na ang matinding paguusig ay dumating sa iglesia sa Jerusalem at�
����������� � silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng
mga dako ng Judea at
����������� Samaria, maliban na sa
mga apostol�
����������� Ang mga nagsipangalat
nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang
����������� Salita. (Gawa 8:1,4)
Ang mga apostol, na mga tagapanguna ng iglesia noon ay nanatili sa Jerusalem. Ang mga nagsipangalat na mga mananampalataya ang nangaral ng Salita ng Diyos saan man sila makarating. Bawat mananampalataya ay namumunga ng ibang mananampalataya at kanila itong ginawang mga alagad sa Kaharian ng Diyos. Ang mga nagsipangalat ay mga mangingisda, taga gawa ng tolda, at mga mananahi, subalit ang nangunang pinagmalasakitan ay ang pagpapalaganap ng mensahe ng ebanghelyo.
Nang pagusigin ni Saulo ang unang iglesia, natala na hindi lamang niya pinasok ang mga templo kundi ang� �bawat bahay� upang arestuhin ang mga mananampalataya ( Gawa 8:3). Ang dahilan nito ay ang bawat tahanan ay sentro ng pagaaning espirituwal. Sapagkat ang bawat mananampalataya ay namumunga at ang bawat bahay ay sentro ng panghihikayat, hindi napigil ang paglaganap ng ebanghelyo kahit isinara ang mga pinagtitipunan ng mga Cristiano.
Kung paanong ang bawat mananampalataya sa unang iglesia ay namumunga, bawat tahanan ay may tanging misyon. Halimbawa, ang mga sumusunod ay naganap sa bahay ng mga mananampalataya:
����������� - Gawa 2:1,46: Ang Pentecostes ay dumating sa isang silid sa itaas ng isang bahay.
Pagkatapos ng Pentecostes ang mga mananampalataya ay nagtipon sa mga bahay.
����������� - Gawa 9: 11, 17: Si Ananias ay naparoon sa bahay ni Judas at pinaglingkuran
����������� si Pablo. Ang paglaganap ng ebanghelyo sa mga Hentil ang naging bunga nito.
����������� - Gawa 10-11: Habang nananalangin sa isang tahanan si Pedro nakatanggap siya
����������� ng kapahayagan na ang paglaganap ng ebanghelyo sa mga Hentil ang ibinunga.
����������� - Gawa 12:12, 16: 15, 21-24, 40: Ang gawain ng pananalangin ng mga mana-
����������� nampalataya sa bahay nina Maria, Lydia, Jarius.
����������� - Gawa 20:20: Si Pablo ay nagturo hindi lamang sa publiko kundi gayon din
sa mga tahanan.
����������� - Gawa 21:8-14: Ang kapahayagan ng hula ay ipinagkaloob kay Pablo sa bahay
����������� ni Felipe.
����������� - Gawa 28:30-31: Si Pablo ay nangaral at nagturo sa isang inupahang bahay.
����������� - Roma 16:5; I Corinto 16:15,19; Colosas 4:15; Filimon 2:
����������� Nabanggit ang mga kapulungan na nagtitipon sa bahay ni Priscilla at Aquilla, Stephanas,
Nymphas, at Archippus. ��
Ang bawat tahanan ay sentro ng pamumungang espirituwal. Bawat mananampalataya ay namumunga.
Ang iyong tahanan ay hindi sentro ng depensa sa pakikibakang espirituwal na doon ay lagi na lamang sumasalag sa atake ng kaaway. Ito ay kailangang maging isang malakas na moog na pinagmumulan ng pagsalakay na espirituwal upang isulong ang mensahe ng ebanghelyo at sumakop ng mga teritoryo para sa Diyos.
TURUAN ANG BAWAT ISA NA UMABOT SA ISA
Ang paraan ay simple lamang: Bawat mananampalataya ay mamumunga ng ibang mananampalataya, tinuturuan ang mga taong matatapat upang ang mga ito ay makapagturo din sa iba. Kung paano sa natural na halimbawa ng bunga ng pag-aani, walang hinto ang pag-inog nito. Subalit ang resulta ng planong ito ay ginagawang madaling maunawaan kung paaanong ang unang iglesia ay �binaligtad ang kanilang daigdig� sa pagdadala ng mensahe ng ebanghelyo.
Tingnan ang tsart sa susunod na pahina. Ginagamit ng tsart na ito ang boong isang taon na karaniwang tagal para mahikayat mo ang isang kaluluwa sa Panginoon at sanayin siya upang maging isang Kristiyanong namumunga. �Ang totoo, ang prosesong ito ay humigit-kumulang ay isang taon, depende sa mga taong sangkot.
Subalit gagamitin natin ang isang taon na siyang karaniwang tagal, kung ang isang mananampalataya ay manghihikayat lamang �ng kahit isang kaluluwa kada taon at ito ay gawing alagad , ang naging alagad na ito ay manghihikayat din ng isang kaluluwa at gagawing alagad, kung ito ay tuloy-tuloy, ang sanglibutan ay madaling maaabot ng ebanghelyo. Ipinakikita ng tsart na sa unang taon ang isang Kristiyano ay isang tao lamang ang kanyang inaalagaan. Sa pagtatapos ng taon, may dalawang tapat na tao ( Ang mananampalataya at ang kanyang nahikayat).
Sa susunod na taon, ang dalawang ito ay manghihikayat ng tig-iisa. Sa pagtatapos ng ikalawang taon, may apat na tao, na sa susunod na taon ay manghihikayat ng tig-iisa rin. Tingnan mo ang tsart mula sa itaas nito at masdan ang resulta ng proseso kung susundin sa loob ng ilang taon.
Kung ikaw ay miembro ng isang iglesia, kunin mo ang kabuuang bilang ng inyong mga miembro at i-multiply mo ng 131,072. Ang sagot niyan ang bilang ng mga tao na maaabot ng inyong iglesia at magiging ani sa loob ng 17 taon kung ang bawat isang miembro ay namumunga.
����������������������� ����������� MANGHIHIKAYAT�� ����������� MAHIHIKAYAT������ ����������� TOTAL
Ika-17 na taon� ����������� ����������� 65,536 ����������������������� ����������� 65,536 ����������� =����������� 131,072
Ika-16 na taon� ����������� ����������� 32,768 ����������������������� ����������� 32,768 ����������� =��������� � 65,536
Ika-15 na taon ����������� 16,384 ����������������������� ����������� 16,384 ����������� =��������� � 32,768
Ika-14 na taon� ����������������������� � 8,192�������������� ����������������������� � 8,192�� ����������� =��������� � 16,384
Ika-13 na taon� ����������������������� � 4,096�������������� ����������������������� � 4,096�� ����������� =��������� ��� 8,192
Ika-12 na taon� ����������������������� � 2,048�������������� ����������������������� � 2,048�� ����������� =��������� ��� 4,096
Ika-11 na taon� ����������������������� � 1,024�������������� ����������������������� � 1,024�� �� ����������� =��������� ��� 2,048
Ika-10 na taon� ����������������������� ���� 512����������������� ����������������������� ���� 512����� ����������� =��������� ��� 1,024
Ika-9 na taon��� ����������������������� ���� 256����������������� ����������������������� ���� 256����� ����������� =��������� ������ 512
Ika-8 na taon��� ����������������������� ���� 128����������������� ����������� ���������������� 128����� ����������� =��������� ������ 256
Ika-7 na taon��� ����������������������� ������ 64������������������� ����������� ������������������ 64������� ����������� =��������� ������ 128
Ika-6 na taon��� ����������� ����������� ������ 32������������������� ����������������������� ������ 32������� ����������� =� ������� ���������64
Ika-5 na taon��� ����������������������� ������ 16������������������� ����������� � ��������� �������16������� ����������� =��������� �������� 32
Ika-4 na taon��� ����������������������� �������� 8������������������ ���������������������������8������������ =������������������ 16
Ika-3 na taon��� ����������������������� �������� 4��������������������� ����������������������� �������� 4������������ =�������������������� 8
Ika-2 na taon��� ����������������������� �������� 2��������������������� ����������������������� �������� 2������������ =�������������������� 4
Unang taon������ ����������������������� �������� 1�������������� �������������������������������1������������ =��������������������� 2���������
Gumagamit ang Diyos palagi ng mga lalake at mga babae upang gawin ang Kanyang kalooban. Ang paraan ng Diyos sa pagaani ay nangangailangan ng mga lalake. Ang hinahanap ng mga tao ay higit na mabuting� mga paraan, subalit ang hinahanap ng Diyos ay ang higit na mabuting mga lalake. Tinuran ng Diyos na kumuha ng mga lalake na tapat, at gagawin Niya na maging mga makakayang mga lalake.
����������� Ipalagay nga kami ng sinoman na mga
ministro ni Cristo, at mga katiwala
����������� ng mga hiwaga ng
Diyos.
����������� Bukod dito�y
kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa�t isa ay maging
����������� tapat. ( I Corinto
4:1-2)
Hindi hinihiling na ikaw ay may natapos o makaya. Ang tanging hiling ay maging tapat ka.
Mga matapat na lalake at babae na ipinagkatiwala ang ebanghelyo� sa ibang mga tapat na lalake at babae na makayang makapagturo sa iba�ito ang kapahayagan ng Diyos para sa pag-aaning espirituwal.
ANG KASANGKAPAN
Sa likas na larangan di lamang ito may mga estratehiya para sa pag-aani at mga paraansa paggamit ng mga estratehiya, mayroon ding mga kasangkapan para sa pag-aani. Ang mga kasangkapan ay maaaring mula sa karaniwang karit hanggang sa mga komplikadong mga makinarya.
Ang Diyos ay nagkaloob din ng kasangkapan para sa pag-aaning espirituwal. Sinabi ni Jesus:
����������� �Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay
����������� na sa Akin.
����������� Dahil dito magsiyaon
nga kayo, and gawin ninyong mga alagad ang lahat
����������� ng mga bansa�
����������� Na ituro ninyo sa
kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga iniutos Ko
sa inyo: at narito Ako�y sumasa inyong
palagi, hanggang sa katapusan
ng sanglibutan. (Mateo 28:18-20)
May apat na mahalagang reperensya sa salitang �lahat� sa talatang ito. Ang mga mananampalataya ay inatasan na:
����������� -Turuan ang LAHAT ng mga bansa
����������� -LAHAT ng bagay
Ang dalawang gawaing ito ay ating pananagutan. Ito ang buod ng pangitain ng pag-aani.
Ang pananagutan ng Diyos ay:
����������� - Magkaloob ng LAHAT ng kapangyarihan upang magawa natin ang iniatas.
����������� - Sasamahan tayo sa LAHAT ng panahon.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad:
����������� Datapuwa�t tatanggapin
ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
Espiritu Santo: at kayo�y magiging mga
saksi ko sa Jerusalem, at sa buong
Judea at Samaria, at hanggang sa
kahulihulihang hangganan ng lupa.
����������� ( Gawa 1:8)
Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang kinasangkapan ni Jesus upang magawa ng Kanyang mga alagad ang pangitain ng pag-aani. Upang maging mabisa, ang paraan ng pagpaparami ay dapat kasihan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Marami ang nakaranas ng mga pagpapala ng Espiritu Santo. Nadama nila ang pahid ng Espiritu, sila�y nagalak, at nagsalita ng ibang mga wika. Subalit ang tunay na palatandaan ng Espiritu Santo ay di lamang pagpapala o pagsasalita ng ibang wika. Ang tunay na katibayan ng Espiritu Santo ay kapangyarihan. Ang kapangyarihang ito ay hindi kapangyarihang pang-politika o lakas ng katawan. Ito ay kapangyarihang espirituwal.
Hindi ka dapat masiyahan na maranasan lamang ang mga pagpapala ng Espiritu Santo. Kailangang mahigtan mo ang mga pagpapala lamang tungo sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
KAPANGYARIHANG NAKATUON
Ang kapangyarihan na di tiyak ang patutunguhan ay mapanganib. Ang malaking talon ng tubig na magdudulot ng tubig at enerhiya ay maaari ding sumira ng isang boong komunidad kung di tiyak ang patutunguhan nito.
Ang kapangyarihang ipinagkaloob ni Jesus sa Kanyang mga alagad ay kapangyarihang sasangkap sa kanila upang maging mga saksi sa sanglibutan. Ito ang kasangkapang kanilang gagamitin upang matupad nila ang pangitain.
Ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihang ito:
����������� Ang Diyos ay nagsalitang minsan, Makalawang
aking narinig ito na ang
����������� kapangyarihan ay ukol
sa Diyos. (Awit 62:11)
Ang mga mananampalataya ay tinagubilinan na tanggapin ang kapangyarihang ito:
����������� �Datapuwa�t
magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo�y masangkapan
����������� ng kapangyarihang
galing sa itaas. ( Lucas 24:49)
Ang kahulugan ng salitang �masangkapan� ay �mabihisan ng kapangyarihan�. Nais ng Diyos na ikaw ay malukuban ng Kanyang kapangyarihan upang maging mabisang saksi ka sa sanglibutan.
ANG LAYUNIN NG KAPANGYARIHAN
Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay kailangan upang gawin kang mabisang saksi sapagkat ito ay Salita ng kapangyarihan:
Ang salita na iyong ihahatid ay sasangkapan ng kapangyarihan at gagawin itong mabisa:
����������� �sapagka�t may kapamahalaan ang Kanyang
salita� At silang lahat ay
����������� nangagtaka at
nagsalitaan ang isa�t isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya
����������� ito? Sapagka�t Siya na
may kapamahalaan ay naguutos sa mga karumaldumal
����������� na espiritu, at
nagsisilabas sila. (Lucas 4:32,36)
Ang Salita ay pinagtitibay ng Kanyang kapangyarihan:
����������� At nagsialis sila, at nagsipangaral sa
lahat ng dako, na gumagawang
����������� kasama nila ang
Panginoon, at pinatotohanan ang salita sa pamamagitan
����������� ng mga tandang
kalakip. ( Marcos 16:20)
Pinagtitibay ng Diyos ang Kanyang mga Salita sa pamamagitan ng mga tanda na kasunod nito. Hindi mo maaasahan ang mga mahimalang tanda kung hindi mo sisimulang ibahagi ang Salita ng Diyos. Kailangang ibahagi mo ang Kanyang mga Salita at siya naman ay kikilos sa pagpapatibay ng iyong mga sinalita.
Isipin ninyo ang bisa sa paglaganap ng ebanghelyo kung ang bawat mananampalataya na sumasaksi at ministro na nangangaral ay may mga palatandaan ng kapangyarihan at pinagtitibay ang Salita sa pangangaral nito. Narito ang nililikha ng kapangyarihang ito:
ITO�Y NAGDADALA NG KAGALINGAN:
Ang Kanyang kapangyarihan ay sasama sa iyo upang magpagaling:
����������� At ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa
kaniya upang magpagaling.
����������� (Lucas 5:17)
ITO�Y NAGDADALA NG PAGLAYA:
Sa pagdako mo sa mga bukiring anihan ng sanglibutan, ang kapangyarihan ng Diyos ay magdadala ng paglaya sa mga taong nagdurusa:
����������� At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang
labingdalawang alagad, at
����������� binigyan Niya sila ng kapamahalaan
laban sa mga karumaldumal na
����������� Espiritu, upang
mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat
ng sarisaring sakit at ang lahat ng
sarisaring karamdaman. (Mateo 10:1)
ITO�Y NAGDUDULOT NG PROTEKSYON:
����������� Pinu-protektahan ka ng kapangyarihan ng Diyos sa inyong paglilingkod sa Kanya:
����������� Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan na
inyong yurakan ang
����������� mga ahas at ang mga
alakdan�� ( Lucas 10:19)
PINATUTUNAYAN NITO ANG EBANGHELYO:
Ang sabihin ng �patunayan� ay nagbibigay ebidensya sa isang bagay. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay pinagtitibay ang katunayan ng Salita ng Diyos:
����������� At sumusunod sa Kaniya
ang lubhang maraming mga tao, sapagka�t kanilang
����������� nangakikita ang mga
tanda na ginagawa Niya sa mga maysakit. �(Juan 6:2)
Ang mga makapangyarihang mga himala ni Jesus ang nagpalapit ng mga tao sa Kanya.
Ang mga lalake at babae ay hindi mahahalina sa ebanghelyo dahil sa organisasyon, denominasyon, o isang magaling na tagapagsalita. Sila ay lalapit dahil sa kapahayagan ng kapangyarihan ng isang buhay na Diyos.
ITINUTURO ANG MGA TAO SA DIYOS:
Isinulat ni Pablo:
����������� At ang aking
pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang
panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo
ng Espiritu at ng kapangyarihan.
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag
masalig sa karunungan ng mga
tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.� ( I Corinto 2:4,5)
Mataas ang pinagaralan ni Pablo at maaari siyang magsalita ayon sa talino ng tao. Sa halip, naglingkod siya sa kapangyarihan ng Diyos at kapahayagan ng Espiritu Santo.
Ang kanyang ikinatuwiran? Na ang pagsampalataya ng tao ay di masalig sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
LAHAT NG KAPANGYARIHAN
Sinabi ni Jesus:
����������� Narito, binigyan Ko
kayo ng kapangayarihan�sa ibabaw ng lahat ng
kapangyarihan ng kaaway. (Lucas 10:19)
Lahat ng kapangyarihan ay naipagkaloob kay Jesus ( Mateo 28:18). Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, inilipat Niya ang kapangyarihang yaon sa mga mananampalataya. Sa pagdako mo sa mga bukid anihan, ang paraan mo ay magparami. Ang iyo namang kasangkapan ay kapangyarihan.
PAG-ANGKIN SA KAPANGYARIHAN
Sa bawat pangako ng Diyos ay may dalawang bahagi: Ang pangako at ang pag-angkin sa pangako.
Ipinangako ni Jesus ang lahat ng kapangyarihan. Pananagutan mo ang tanggapin ang kapangyarihang yaon. Upang mangyari ito dapat ay:
KILALANING ITO AY PARA SA PANAHON NGAYON:
Nang buhayin ni Jesus si Lazaro mula sa kamatayan sa Juan 11, sinalubong Siya ni Marta at sinabi:
����������� Panginoon, kung Ikaw
sana�y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.
����������� (Juan 11:21)
Sinabi sa kanya ni Jesus:
����������� Magbabangon uli ang
iyong kapatid.� (Juan 11:23)
Sinabi ni Marta sa Kaniya:
����������� Nalalaman ko na siya�y
magbabangon muli sa pagkabuhay na maguli sa
����������� huling araw. (Juan
11:24)
Ang naging sagot ni Jesus ay naglalaman ng isang makapangyarihang prinsipyo:
����������� Ako ang pagkabuhay na
maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya
����������� sa Akin, bagama�t
siya�y mamatay, gayon ma�y mabubuhay siya. (Juan 11:25)
Naniniwala si Marta na kung si Jesus ay dumating sa oras, gumaling sana ang kanyang kapatid. At naniniwala rin siya na sa darating na panahon ang kanyang kapatid ay muling bubuhayin.
Subali�t nang gamitin ni Jesus ang mga salitang �Ako nga�� upang sagutin si Marta, inihayag Niya ang isang mahalagang katotohanan. Talaga namang ang himala ay di lamang noong nakalipas o sa darating pa lamang. Sa bawat panahon may kapangyarihan upang tagpuin ang pangangailangan ng tao. Sa bawat panahon, ang Diyos ay (Ako nga) sapat upang tagpuin ang pangangailangan. �Marta, ngayon ang araw ng himala. Ako ang pagkabuhay na maguli at ang buhay.�
May mga nagsasabi na lipas na ang mga araw ng himala. Hindi nila tinatanggap ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nagbabala ang Biblia tungkol sa mga�
����������� Na may anyo ng
kabanalan, datapuwa�t tinanggihan ang kapangyarihan nito:
lumayo ka rin naman sa mga ito. (II Timoteo
3:5)
Ang isang salin ng Biblia ay nagsasaad na may nagpapanggap na sila ay banal, subalit ayaw naman tanggapin ang kapangyarihan ng Diyos.
Tulad sila ng puno ng igos na isinumpa ni Jesus. Mayroong panglabas na kaanyuan ng kabanalan subalit wala namang bunga. Kung paanong ang puno ng igos ay hindi nakadaloy ang sustansya nito upang makapamunga, gayon din walang daloy ng kapangyarihan ng Diyos at walang bungang espirituwal.
UNAWAIN ANG PINAGMULAN:
Ang pinagmulan ng kapangyarihan ay ang Diyos:
����������� Ako ang puno ng ubas,
kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa Akin, at Ako�y sa
����������� Kaniya, ay siyang
nagbubunga ng marami: sapagka�t kung kayo�y hiwalay sa
����������� Akin ay wala kayong
magagawa.� (Juan 15:5,7)
Ikaw ang sanga. Si Jesus ang puno. Ang buhay ay galing sa puno. Ang sanga ang nagtataglay ng bunga. Hindi ang sanga ang namumunga, tinataglay lamang niya.
Si Jesus ay Siyang gumagawa. Nang tanungin si Jesus, �Ano ang aming gagawin upang magawa namin ang gawain ng Diyos?� Hindi Siya nagbigay ng isang kurso tungkol sa pagpapagaling ng Diyos o kaya ay ipinakita sa kanila kung paano gumawa ng himala Ang sagot Niya:
�����������
����������� Ito ang gawa ng Diyos,
na inyong sampalatayanan yaong Kanyang sinugo.
�(Juan
6:29)
Siya mismo ang gawa ng Diyos. Siya ang pinagmumulan ng kapangyarihan, ng mga himala, at ng mga pagpapagaling.
Wala sa tao ang kapangyarihan o sa anomang hawak nito. Ang katuparan ng mga pangako ng kapangyarihan ay nasa Diyos mismo at sa kanyang mga Salita.
Si Jesus ang puno na nagbibigay ng lakas. Tayo naman ang mga sanga. Mula sa puno dumadaloy ang kapangyarihan na siyang kailangan upang matupad ang pangitain.
TANGGAPIN ANG AWTORIDAD:
Sa pagtanggap mo ng pananagutan na gawin ang isang bagay kailangan mo rin ang awtoridad magawa ito. �
Ibinigay ni Jesus sa mga mananampalataya ang pananagutan ng pag-aani at ang awtoridad upang maisagawa ito, subalit dapat mong tanggapin ang awtoridad na ito. Sinabi ni Jesus �lahat ng kapangyarihan ( kapamahalaan-awtoridad) ay ipinagkaloob sa Kaniya. Kanyang inilipat ang kapangyarihang yaon sa iyo. Kailangang tanggapin mo at gamitin ng wasto upang palaganapin ang ebangehlyo.
Kailangang kilalanin ng mga mananampalataya ang kapangyarihang ito sa kanilang mga iglesia. Sa isang talinhaga, sinabi ni Jesus:
����������� Pumaroon kang madali
sa mga lansangan at sa daang makikipot ng bayan, at
����������� dalhin mo rito ang mga
dukha, at ang mga pingkaw, at ang mga bulag, at ang
����������� mga pilay.
����������� Pumaroon ka sa mga
daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok,
����������� upang mapuno ang aking
bahay.� (Lucas 14:21,23)
Ang plano ng Diyos ay maging sentro ng kapahayagan ng Kanyang kapangyarihan ang iglesia. Subalit madalas ang iglesia ay nagiging sentro ng recreation, ng mga paguumpokumpok at sosyalan.
Kung ang kapangyarihan ng Diyos ay di dumadaloy sa ating mga iglesia, ang mga dukha, bulag, at yaong mga makasalanan ay lalabas na walang nangyaring pagbabago sa kanila. Kung paano sila dumating ganoon din ang kanilang kalagayan sa kanilang paglisan.
Ang iglesia ay binubuo ng mga tao.Upang maranasan ng iglesia ang pagdaloy ng kapangyarihan ng Diyos, dapat ang bawat isang miembro ang makaranas nito.
SI PEDRO: DATI AT PAGKATAPOS
Ang kapangyarihan ng Diyos ang kasangkapan na magpapabago sa iyo mula sa pagiging taga-ani na walang bisa tungo sa isang alam kung paano umani ayon sa kapahayagan ng pag-aani. Ituring ninyo ang halimbawa ni Apostol Pedro.
Nakita natin si Pedro na natutulog sa pinakamaselang panahon ng ministeryo ni Jesus (Marcos 14:32-34). Nakita natin ang naduwag na si Pedro na ipinagkanulo si Jesus (Mateo 26). Nakita natin ang isang lalake na tinalikuran ang tawag niya sa pag-aani at bumalik sa pangingisda. Nagbalik siya sa pansariling hangarin (Juan 21).
Subalit bigla na lamang nakita sa tala ng Biblia ang isang bagong Pedro. Sa unang pagkakataon na ang lalakeng ito ay nangaral ng ebanghelyo, 3,000 ang naligtas. Sa susunod niyang pangangaral, 5,000 ang nadagdag sa iglesia. Ano ang nangyari na nagpabago sa umatras, lumayo, at sumusumpang lalakeng ito na naging makapangyarihang lider ng iglesia?
Tinanggap ni Pedro ang karanasan ng kapangyarihan. Ang kapangyarihang ito ang nagudyok sa kanya na sabihin sa lalakeng lumpo:
����������� �Tingnan mo kami�Sa
pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.
����������� At kaniyang hinawakan
siya sa kanang kamay, at siya�y itinindig: at
pagdaka�y nagsilakas ang kanyang mga paa at
mga bukong-bukong.
����������� (Gawa 3:4,6-7)
Hindi mo masasabi sa nagdurusang sangkatauhan �tingnan mo kami� maliban alam mo na mayroon kang isang bagay na makatatagpo sa kanilang pangangailangan. Hindi mo hahawakan ang isang lumpo at patatayuin siya maliban tiyak mo na may kapangyarihang higit pa sa iyong sarili. Sa kanyang sarili ay walang magagawa si Pedro, subalit mula sa kanya ay dumadaloy ang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagpapatayo sa mga lumpo, hindi lamang sila tinutulungan sa kanilang pagiging lumpo.
Ang karanasan ng kapangyarihan ang nagpabago kay Pedro mula sa pagiging mamamalakaya ng isda sa pagiging mamamalakaya ng mga tao.
ANG LUMALAGANAP NA BILOG
Ibinigay ni Jesus ang balangkas ng patuloy na paglaganap ng bilog mula sa makapangyarihang pagsaksi sa ebanghelyo:
����������� Datapuwa�t tatanggapin
ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
����������� Espiritu Santo: at
kayo�y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong
����������� Judea at Samaria, at
hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
����������� (Gawa 1:8)
Ang mga estratehiya sa pag-aani ay nahayag sa Kaniyang mga Salita:
����������� - Ang paraan ng pagpaparami.
����������� - Ang kasangkapan ay ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.
����������� Ang kapangyarihan ay natukoy. Ito ay ibinigay upang gawing maging mabisang saksi
ang mga alagad.
����������� - Ang tinutudla ng kapangyarihan ay ang mga bansa ng sanglibutan, lumalaganap na
bilog� Jerusalem, sa Judea, Samaria, hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
Magsisimula kung saan sila naroon, gagamitin ang paraan ng pagpaparami at ang kasangkapan ng kapangyarihan, ang ebanghelyo ay lalaganap hanggang sa dulo ng daigdig.
PAGAANGKIN SA PANGAKO
Ang pangako ay inaangkin ng mga mananampalataya:
�����������
����������� �narito, Ako�y sumasa
inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
����������� (Mateo 28:20)
Subalit ating tandaan, sa bawat pangako ng Diyos, may kondisyon para ito ay mapasa atin. Ang pangakong ito ay ibinigay sa isang tanging pulutong ng mga mananampalataya. Ito ay ibinigay doon sa mga tutupad ng pangitain ng pag-aani:
�����������
����������� Dahil dito magsiyaon
nga kayo , at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga
����������� bansa, na sila�y
inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo.�
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos
ko sa inyo: at narito, Ako�y sumasa inyong
palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan. (Mateo 28:19-20)
Para sa kanila na nakalaang tanawin ang pangitain�Para sa kanila na nakalaang humayo sa isang makapangyarihang pagsaksi sa mga bansa ng sanglibutan� Sa kanila Siya ay nangako� Ako�y sumasainyong palagi.
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Anong reperensya sa Biblia ang naghahayag ng paraan ng Diyos ng pagpaparami?
3. Ano ang kasangkapan ng pag-aani?
4. Ilista ang tatlong hakbang para mapasa iyo ang pangako ng kapangyarihan.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
Ang paraan ng Diyos ng pagpaparami na natala sa II Timoteo 2:2 ay gagawin muna sa Jerusalem at gayon din lalaganap sa boong sanglibutan. Kailangan mo munang mag-ani kung saan ka naroroon at pagkatapos ay palalaganapin ng Diyos ang iyong pangitain at ministeryo. Ang mga sumusunod na mungkahi ay tutulong sa iyo sa �Pag-aani sa Pamamagitan ng Kapahayagan� sa iyong �Jerusalem.�
1. Pagaralan ang aklat ni Josue. Tingnan mo ang mga prinsipyo na ibinigay ng Diyos kay Josue upang mapasa Israel ang lupa ng Palestina. Magagamit mo ba ang ilan sa mga prinsipyong ito upang masakop mo ang iyong komunidad para sa Diyos?
2. Magtakda ka ng mga layunin upang maabot ang iyong komunidad ng ebanghelyo. Ang mga layunin ay ang mga kapahayagan ng iyong mga mithiin at mga plano. Ano ang iyong gagawin? Kailan? Piliin mo ang mga layunin na tutulong sa iyo upang maabot ang mga tao na hangga ngayon ay di pa nahahatiran ng ebanghelyo. Ito ang inuna ni Pablo sa Roma 15:20-21. Ilang mga layunin na maari mong ituring:
- Dalawin mo ang bawat tahanan sa iyong lugar at ibahagi mo ang ebanghelyo sa iyong mga kapitbahay.
- Magtakda ka ng bagong mithiin sa pagkakaloob tungo sa lokal at internasyonal na mga gawain ng pagdadala ng ebanghelyo.
- Pagisipan mo ang isang ministeryo sa isang �unreached group� sa iyong lugar.
- Magsimula ka ng mga tanging paglilingkod sa isang ampunan ng matatanda, bilangguan, o ospital. Pagisipan mo rin ang ministeryo sa mga drug addicts, sa mga dukha, mga lasenggo, o mga ina na walang asawa. Maglingkod ka sa mga grupo tulad ng mga babae, lalake, mga bata, magasawa, pamilya, o sa mga sundalo.
3. Palaganapin mo ang iyong ministeryo mula sa iyong �Jerusalem� tungo sa mga bansa ng sanglibutan. Simulan mong sakupin ang boong daigdig sa pamamagitan ng panalangin:
- Kumuha ka ng isang mapa at ipanalangin mo ang mga bansa ng daigdig. Angkinin mo ang mga pagano bilang iyong mana at pasalamatan mo ang Diyos sa pagiging pagpapala mo sa mga bansa.
- Kung may diyaryo ka araw-araw, ipanalangin mo ang mga ulo ng balita tungkol sa ibat-ibang bansa. Ipanalangin mo ang mga nangunguna sa gobyerno, mga misyonero, mga pastor, at kapwa mananampalataya.
IKAAPAT NA BAHAGI: INAASAHAN
Nagiging Bahagi Ka Ng Pangitain
IKA-SIYAM NA KABANATA
PAGSIRA NG PAMATOK
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.���������� Kilanlin ang tatlong pamatok ng pagkabihag.
.����������� Ilarawan ang tatlong pamatok ng Diyos.
.���������� Ilista ang mga hakbang upang pagunayin ang pamatok ng pagkabihag at ang pamatok
ng Diyos.
.���������� Kilanlin ang mga resultang espirituwal sa pagsira ng pamatok ng pagkabihag.
SUSING TALATA:
����������� Magsiparito sa Akin,
kayong lahat ng nangapapagal at nangabibigatang lubha,
����������� At kayo�y Aking papagpahingahin.
����������� Pasanin ninyo ang
Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagka�t Ako�y
����������� maamo at
mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan
����������� ng inyong mga
kaluluwa.
����������� Sapagka�t malambot ang
Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan.
(Mateo 11:28-30)
PAMBUNGAD
Natalakay na ng kursong ito ang:
����������� Paglalarawan sa Isip: Pagkilala sa pangitain.
����������� Konseptwalisasyon: Pagkaunawa ng mga konspeto ng layunin sa likod ng pangitain.
����������� Nilalayon: Mga layunin sa pagtupad ng pangitain.
Ang huling bahaging ito ng kurso ay patungkol sa Inaasahan na dito ikaw ay nagiging bahagi ng katuparan ng pangitain.
Nais ng Diyos na dalhin ka sa inaasahang wakas:
����������� Sapagka�t nalalaman Ko
ang mga pagiisip na Aking iniisip sa inyo, sabi ng
����������� Panginoon, mga
pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan,
����������� upang bigyan kayo� ng pagasa sa inyong huling wakas. (Jeremias
29:11)
Ang inaasahang wakas ay ang katuparan ng pangitain, tapusin ang gawain ng Diyos:
����������� Ang pagkain Ko ay ang
Aking gawin ang kalooban� ng sa Akin ay
nagsugo,
����������� at tapusing ang
Kaniyang gawa. (Juan 4:34)
Kailanman na ikaw ay pumasok sa isang bagong bagay, nangangailangan ito ng pagwaksi sa luma o dati. Sa pagsilang, iniiwan ang seguridad sa loob ng sinapupunan.
Hinihiling sa iyo ng Diyos na gumawa ng isang panibagong hakbang ng pananampalataya:
����������� Ito ang sabi Niya: �
Ang mga nangyari no�ng unang panahon, Ilibing sa limot,
����������� Limutin na ngayon.
����������� Narito, at masdan ang
nagawa Ko�y isang bagong bagay na hanggang sa ngayo�y
di mo namamasdan� (Isaias 43:18,19 MBB)
Maaaring ikaw ay nabihag ng katuruan na nagsasabing ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi na para sa panahong ito. Naisip mo marahil na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa boong daigdig ay gawain lamang ng mga pastor at misyonero. Ikaw marahil ay nabihag ng tradisyon o denominasyon na pumiigil sa iyo sa pagkakapit-bisig sa ibang bahagi ng Katawan ni Cristo sa mga bukid anihan ng Panginoon.
Subalit binigyan ka ng Diyos ng bagong pangitain. Ikaw ngayon ay nagiging bahagi ng isang bagong network ng mga manggagawang espirituwal na pinagbigkis ng iisang layunin.
ISANG BAGONG NETWORK
Naitala ng Biblia ang dalawang pangyayari na sangkot ang paggamit ng net o lambat sa likas na larangan upang ilarawan ang isang katotohanang espirituwal.
Ang unang pangyayari ay naganap sa unang bahagi ng ministeryo ni Cristo sa lupa at ito ay natala sa Lucas 5. Ang mga alagad ay magdamag nang nangingisda subalit walang huli. Sinabi sa kanila ni Jesus:
����������� Pumaroon ka sa laot,
at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang
mamalakaya.� (Lucas 5:4)
Sinabi ni Pedro:
����������� Guro, sa buong
magdamag ay nagsipagpagal kami, at wala kaming
nahuli: datapuwa�t sa Iyong salita ay
ihuhulog ko ang mga lambat.
(Lucas 5:5)
Noong ihagis nila ang lambat, napunit pa ito dahil sa maraming isda silang nahuli, na kinailangang tawagin nila ang iba nilang mga kasamahan sa ibang bangka upang sila ay tulungan. Sa dami ng kanilang huli, napuno ang dalawang bangka at ang mga ito�y nagsimulang lumubog. Namangha si Pedro dito subalit sinabi ni Jeus sa kanya:
����������� Huwag kang matakot;
mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.
����������� (Lucas 5:10)
Ang malaking huli na naranasan ni Pedro sa likas na larangan ay walang anoman kung ihahambing sa dakilang pag-aani na kanyang makukuha sa larangang espirituwal sa kanyang pagiging mamalakaya ng mga tao.
Ang isang katulad na pangyayari ay natala malapit na sa pagtatapos ng ministeryo ni Cristo sa Juan 21. Magdamag ding nangisda ang mga alagad subalit walang huli. Sa utos ni Jesus, inihagis nila ang lambat at minsan pa, ito ay napuno ng mga isda. Subalit ang pangyayaring ito ay kaiba sa nauna. Ang lambat ay di napunit:
����������� Umahon nga si Simon
Pedro, at hinila ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda,
����������� na isang daan at
limampu at tatlo, at sa ganoon karami ay di napunit ang lambat.
����������� (Juan 21:11)
Ang dalawang pangyayaring ito ay naganap sa likas na larangan, subalit ang mga ito ay may katumbas na dakilang katotohanang espirituwal. Sa unang pangyayari, napunit ang lambat, subalit sa pangalawa ay hindi. Ano ang pagkakaiba?
Ang unang lambat ay halimbawa ng mga pagsisikhay ng tao. Ang pangingisda ang trabaho ni Pedro. Alam niya ang mga paraan at mga tradisyon ng mga mangingisda. Sa pamamagitan ng napunit na lambat, ipinakita ni Jesus na ang mga pagsisikhay ng tao ay hindi makatutupad sa pangitain at gawain ng Diyos.
Nang mapagwari ni Pedro ang dakilang gawaing ipinagagawa sa kanya ng Diyos, sumigaw siya:
����������� Lumayo Ka sa akin;
sapagka�t ako�y taong makasalanan, Oh Panginoon.
����������� (Lucas 5:8)
Magiging mamalakaya ng mga tao si Pedro. Hindi kaya ng dating network ang dakilang pag-aaning espirituwal. Kailangang iwaksi ni Pedro ang mga tradisyon ng tao. Kailangang hawiin niya ang namamagitan sa mga Judio at Hentil. Ang dating network ay dapat masira at siya ay maging bahagi ng bagong network.
Hindi naparito si Jesus upang sirain ang luma, kundi upang tuparin ito sa pamamagitan ng bago. Hindi Niya sinira ang kautusan, kundi binigyan ito ng bagong kahulugan. Hindi Niya inalis ang paghahandog ng dugo para sa kasalanan, kundi tinupad Niya ito sa pamamagitan ng pagbububo ng Kanyang dugo para sa kapatawaran ng kasalanan.
Nagbabala si Jesus tungkol sa paglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlan. Hindi makakaya ng lumang sisidlan ang bagong alak kung paanong di kaya ng lambat ang mga isda. Ang hamon ng Dakilang Utos ay hindi maisasagawa maliban na lamang sa isang bagong network sa larangang espirituwal.
Ang pangitaing ibinigay ni Jesus ay kakayanin ng bagong espirituwal� network. Subalit para ito ay mangyari, kailangang humakbang mula sa luma tungo sa bago. Ang lumang pamatok ay dapat masira. Ang lumang lambat ay kailangang masira upang ang bagong lambat ang magamit.
ANG PAMATOK
Ang mga pamatok ay ginamit sa lumang panahon upang pagsanibin ang mga hayop sa paggawa nito sa bukirin. Ginagamit pa rin ito hanggang ngayon sa gayon ding layunin.
Binanggit ni Jesus ang tungkol sa pamatok ng Kanyang sabihin:
����������� Magsiparito sa Akin,
kayong lahat ng nangapapagal at nangabibigatang lubha,
����������� at kayo�y Aking
papagpapahingahin.
����������� Pasanin ninyo ang
Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagka�t Ako�y
����������� maamo at
mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan
����������� ng inyong mga
kaluluwa.
����������� Sapagka�t malambot ang
Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan.
(Mateo 11:28-30)
�����������
Ang pangitaing Kanyang ibinigay ay tungkol sa bukid anihan. Ngayon, ang bukirin ay kumakatawan sa tatlong bilyong mga tao na hindi pa tumatanggap ng ebanghelyo�At sinabi Niya sa atin na ang hamon na ito ay �maginhawang dalhin� at� �magaan�?
Iyon mismo ang Kanyang sinabi. Subalit di kaya ng lumang network, ng lumang pamatok, ang pangitain. Hindi mo matutupad ito sa iyong sarili. Hindi mo magagawa ito dahil sa pagsisikhay ng tao. Kailangan kang maging bahagi ng bagong network at makipamatok sa Kanya.
ANG PAMATOK NG PAGKABIHAG
Tayong lahat at may pamatok. Alin sa dalawa ikaw ay may pamatok ng pagkabihag o pamatok ng Diyos.
May tatlong pamatok na bumibihag. Maaaring ikaw ay nasa pamatok ng kasalanan, sarili, o ng tao.
ANG PAMATOK NG KASALANAN:
����������� Ako ang Panginoon
ninyong Diyos, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto,
����������� upang huwag kayong
maging alipin nila; at sinira Ko ang mga kahoy ng inyong
pamatok, at pinalakad Ko kayo ng mga ulong
matuwid.� (Leviticus 26:13)
Ang pamatok ng Egipto ay ang pamatok ng kasalanan. Kailangang masira ang pamatok ng kasalanan sa iyong buhay upang ikaw ay mapailalim sa pamatok ni Jesus.
ANG PAMATOK NG SARILI:
Ang pamatok ng pagkabihag ay maaring pamatok ng sarili:
����������� Sapagka�t ang ginagawa
ko�y hindi ko nalalaman: sapagka�t ang hindi ko ibig,
ang ginagawa ko; datapuwa�t ang
kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
����������� (Roma 7:15)
Ang pagiging makasarili at kayabangan ay ang pamatok ng sarili.
ANG PAMATOK NG TAO:
Ang pamatok ng tao ay ang pagkabihag na likha ng ibang tao:
����������� Oo, sila�y
nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalahin, at
����������� ipinapasan nila sa mga
balikat ng mga tao; datapuwa�t ayaw man lamang
����������� nilang kilusin ang
kanilang mga daliri.
����������� (Mateo 23:4)
Ang pamatok ng tao ay tulad ng� pagkabihag ng pagkakasala, tradisyon, denominasyon, o kaya ay mga hindi makatotohanang pamantayan na inilagay ng ibang tao.
Ang tatlong pamatok ng pagkabihag ng kasalanan, ng sarili at ng tao ay tumutukoy sa mga iginigiit na paghihirap, bigat at kawalang kapahingahan.
ANG TATLONG PAMATOK NG DIYOS
Ang pamatok ng Diyos ay nagsasaad ng nagkakaisang pagkilos sa halip na iginiit na paghihirap. Nangangahulugan ito ng kagaanan sa halip na kabigatan. Ito ay isang pamatok ng kapahingahan sa halip na kawalan nito.
Ang tatlong pamatok ng Diyos ay maginhawang dalhin, magaan at may kapahingahan:
����������� Magsiparito sa Akin,
kayong lahat ng nangapapagal at nangabibigatang lubha,
����������� at kayo�y Aking
papagpapahingahin.
����������� Pasanin ninyo ang
Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagka�t Ako�y
����������� maamo at
mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan
����������� ng inyong mga
kaluluwa.
����������� Sapagka�t malambot ang
Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan.
(Mateo 11:28-30)
TATLONG HAKBANG UPANG MAPUNAN ANG AGWAT
Ipinagkaloob ni Jesus ang tatlong mga hakbang upang mapunan ang agwat sa pamatok ng pagkabihag at ang pamatok ng Diyos. Ito ang paglabas sa luma tungo sa bago:
Magsiparito:����������� Kailangang kusang-loob kang lumapit sa Kanya. Ito ang sisira ng pamatok ng
kasalanan.
Pasanin:����������� Kailangang pasanin ang Kanyang pamatok. Dahil dito, masisira ang pamatok ng
����������� ����������� tao.
Magaral:����������� Sa pagkatuto sa Kanya, sinisira mo ang pamatok ng sarili.
Ang pamatok ng Diyos ay hindi lamang basta ibinibigay. Kabahagi ka ng Diyos dito.
PAGSIRA NG PAMATOK
Nais ng Diyos na masira ang bawat pamatok ng kasalanan, sarili at tao sa inyong buhay. Ito ay kailangan upang matupad mo ang pangitain.
Sa Lumang Tipan, natala na ang Israel ay nakukubkob ng mga kaaway na taga Asiria. Nangusap ang Diyos sa Israel at sinabi:
����������� Ang Panginoon ng mga
hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang
����������� iniisip Ko, gayon ang
mangyayari; at kung ano ang Aking panukala, gayon
����������� mananayo.
����������� Na Aking lalansagin
ang taga Asiria sa Aking lupain, at sa Aking mga bundok ay
����������� yayapakan Ko siya sa
ilalim ng paa; kung magkagayo�y mahihiwalay ang kanyang
����������� atang sa kanila, at
ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.
����������� (Isaias 14:24-25)
Nais ng Diyos na sirain ang pamatok mula sa leeg ng Israel. Subali�t ang Kanyang layunin ay hindi lamang para sa Israel kundi sa mga bansa rin ng sanglibutan:
����������� Ito ang panukala na
Aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na
����������� umunat sa lahat ng mga
bansa. (Isaias 14:26)
�
Ano ang layunin ng Diyos? Ang Kanyang layunin ay sirain ang pamatok ng pagkabihag mula sa mga bansa ng sanglibutan.
Sa mga ilang kabanatang sumunod ay natala na:
����������� At ang anghel ng
Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng
����������� mga taga Asiria nang
isang daan at walongpu�t limang libo: at nang ang
����������� mga ito ay
magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, ang lahat ay
may katawang bangkay. (Isaias 37:36)
Nais ng Diyos na ang bawat pamatok sa iyong buhay ay maging malamig na bangkay. Nais Niyang sirain ito upang ikaw ay makipamatok sa Kanya.
PAANO ITO MASISIRA?
����������� �at ang ipinasan ay
malalagpak dahil sa pinahiran.� (Isaias
10:27)
- Hindi ito masisira ng malalalim na katuruan. Hindi ito masisira sa pamamagitan ng sikolohiya o edukasyon.
- Hindi ito masisra sa pamamagitan ng pagpapayo o sa pamamagitan ng organisasyon o denominasyon.
- Ito ay masisira sa pamamgitan ng pagpapahid ng Espiritu Santo na siyang kapangyarihan ng Diyos.
Subalit ang pagsira ng Diyos sa pamatok ay sa kabila pa ng iyong buhay tungo sa mga bansa ng sanglibutan. Nais Niyang sirain ang pamatok ng pagkabihag sa iyong buhay upang matupad mo ang pangitain na sirain ang pamatok mula sa bansa ng sanglibutan:
����������� Ito ang panukala na
Aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na
����������� umunat sa lahat ng mga
bansa.
����������� Sapagka�t pinanukala
ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng
����������� Kabuluhan? At ang
kanyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?
����������� (Isaias 14:26-27)
MGA BUNGA NG PAGKASIRA NG PAMATOK
Sinabi ng Diyos:
����������� Hindi ba ito ang ayuno
na Aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan,
����������� na pagaanin ang mga
pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin
����������� ang lahat ng
atang.� (Isaias 58:6)
At Kanyang inilista ang mga bunga ng pagkasira ng pamatok:
����������� Kung magkagayo�y
tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing,
at Siya�y magsasabi, Narito Ako, Kung iyong
aalisin sa gitna mo ang
atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng
masama:
����������� At kung
magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob
ang nagdadalamhating kaluluwa; kung
magkagayo�y sisilang ang iyong
liwanag sa kadiliman, at ang iyong
kadiliman ay magiging parang katanghaliang
tapat;
����������� At papatnubayan ka ng
Panginoon palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong
kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin
ang iyong mga buto; at ikaw
ay magiging parang halamanang nadilig, at
parang bukal ng tubig, na ang
tubig ay hindi naglilikat.
����������� At silang magiging iyo
ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay
magbabangon ng mga patibayan ng maraming
Sali�t saling lahi; at ikaw
ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang
tagapagsauli ng mga landas na
matatahanan.� (Isaias 58:9-12)
Ang resulta ng pagkasira ng pamatok ng pagkabihag ay:
����������� - Makikilala mo ang tinig ng Diyos. Tatawag tayo sa Kanya at Siya ay tutugon,
�Narito ako.� (Talatang 9)
����������� - Magtatagumpay ka sa pagtupad ng pangitain. Sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman
na nangangahulugan ng tagumpay.
- At papatnubayan ka ng Panginoon palagi. (Talatang 11)
- Siya ang tutustos sa iyo. ( Talatang 11)
- Ikaw ay magiging mabunga. (Talatang 11-12)
- Ikaw ay magiging parang nadilig na halamanan na mabunga. Ikaw ay magkakaroon ng
saganang bunga at yaong mga naging bunga mo sa larangang espirituwal ay mamumunga
rin. Sila�y magtitindig upang magtayo sa tamang mga pundasyon.
Ipinangako ng Diyos sa Israel sa larangang likas:
����������� At ang punong kahoy sa
parang ay magbubunga, at ang lupa�y magsisibol
ng halamanan niya, at sila�y matitiwasay sa
kanilang lupain; at kanilang
malalaman na Ako ang Panginoon, pagka Aking
binali ang tali ng kanilang
pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay
ng mga pinaglilingkuran nila.
����������� (Ezekiel 34:27)
Gayon din sa larangang espirituwal. Ang pagkasira ng pamatok ay nagdudulot ng pagiging mabunga.
Ang dating network ay di sapat, wasak, at walang laman. Hindi nito madadala ang masaganang ani. Ang mga dating pamatok ng tradisyon, denominasyon, pagsisikhay sa sarili, at kawalang malasakit sa iba ay dapat sirain. Bagong mga pundasyon, bagong mga pamatok, isang bagong network ay kailangan upang mapunan ang agwat sa pagitan ng makasalanang tao at ng isang banal na Diyos. Ang pangitain ay matutupad lamang ng mga lalake at babae na nakaranas ng pagpapahid ng langis na sumisira sa pamatok.
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Ano ang tatlong pamatok ng pagkabihag?
________________________________________� ____________________________________
3. Maglista ng tatlong mga salita na naglalarawan ng pamatok ng Diyos.
__________________________� _________________________� _________________________
4. Ano ang tatlong hakbang na dapat mong gawin upang mapunan ang agwat sa pamatok ng pagkabihag at sa pamatok ng Diyos?
5. Ilista ang limang resulta ng pagsira ng pamatok na itinala sa Isaias 58.
� ( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
Ano ang ilan sa mga pamatok ng pagkabihag na pumipigil sa iyo upang magawa mo ang gawain ng Diyos?
_____Kasalanan
_____Denominasyon
_____Takot
_____Kakulangan sa talento at kakayahan
_____Pagkadama ng kasalanan
_____Sariling sikap
_____ Iba pa:________________________________________
Basahin ang bahaging ito:� Isaias 14:24-27
Angkinin ang pangakong ito:� Isaias 10:27
Gawin mong panalangin ito:�
Panginoon, ako�y nagpapasalamat sa Iyo dahil sa pangitain ng bukid anihan na Iyong isinilang sa
aking espiritu.
Hinihiling ko sa Iyo na sirain mo ang pamatok ng pagkabihag sa aking buhay. Sa pangalan ni Jesus, sirain mo ang mga pamatok ng ____________________, _____________________ at
__________________________ (banggitin mo ang mga pamatok sa sarili mong buhay).
Gawin mo akong ka-pamatok ni Jesus. Lumikha ka ng isang bagong network sa aking buhay na lilikha ng masaganang bunga.
Pinasasalamatan Kita ngayon dahil sa pagpapahid ng langis na siyang sumira sa bawat pamatok.
Sa Pangalan ni Jesus,
Amen
IKASAMPUNG KABANATA
PAGPALAIN ANG MGA BANSA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. ��������� Tukuyin ang mga katangiang espirituwal ni Abraham kaya siya naging pagpapala sa mga
bansa.
.����������� Kilalanin mo na ikaw ay tagapagmana sa mga pangako kay Abraham.
.����������� Unawain mo ang iyong pananagutan bilang tagapagmana upang pagpalain ang
sanglibutan.
SUSING TALATA:
����������� At kung kayo�y kay
Cristo, kayo nga�y binhi ni Abraham, at mga taga-
����������� pagmana ayon sa
pangako.� (Galacia 3:29)
PAMBUNGAD
Si Abraham ay pinili ng Diyos upang maging ama sa maraming mga bansa. Sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bansa sa lupa ay mapagpapala:
����������� At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng
mga bansa sa lupa; sapagka�t
����������� sinunod mo ang Aking
tinig.� (Genesis 22:18)
Ipinahayag ng Bagong Tipan na ang lahat ng mga mananampalataya ay mga tagapagmana ng mga pangako na ibinigay ng Diyos kay Abraham. Ang ibig sabihin ng pagiging �tagapagmana� ay ikaw ay may minana mula sa kanya:
����������� Talastasin nga ninyo na ang mga sa
pananampalataya, ang mga yaon ang
����������� mga anak ni Abraham.
����������� At sapagka�t ipinakita na ng
kasulatan, na aariing-ganap ng Diyos ang mga
Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una
ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga
bansa.
Kaya�t ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may
pananampalataya.� (Galacia 3:7-9)
Ikaw ay tagapagmana sapagka�t ikaw ay naging binhi ni Abraham sa pamamagitan ni JesuCristo:
����������� At kung kayo�y kay
Cristo, kayo nga�y binhi ni Abraham, at mga taga-
����������� pagmana ayon sa
pangako.� (Galacia 3:29)
Bilang binhi ni Abraham ikaw ay tagapagmana ng pangako ng kaligtasan. Subali�t bilang isang tagapagmana ikaw ay nasa ilalim din ng tagubilin na pagpalain ang mga bansa ng magandang balita ng ebanghelyo.
Sinabihan ka na angkinin mo ang iyong mana:
����������� Humingi ka sa Akin, at ibibigay Ko sa iyo
ang mga bansa na iyong pinaka-
����������� mana, at ang mga pinakadulong bahagi
ng lupa ay iyong pinakaari.� (Awit 2:8)
Sa pamamagitan ni Abraham ang mga bansa ng sanglibutan ay pagpapalain. Sa pamamagitan ni Jesus ang mga bansa ay iyo ring mana.
MGA KATANGIANG ESPIRITUWAL
Ang mga sumusunod ay mga katangiang espirituwal ni Abraham kaya siya naging pagpapala sa mga bansa at kung paanong ang mga katangiang ito ay kaugnay ng pangitain ng pag-aani.
�LUBOS SIYANG� NANALIG:
Sumampalataya si Abraham sa pangitaing ipinakita sa kaniya ng Diyos. Lubos siyang nagtiwala na sa pamamagitan niya ay pagpapalain ng Diyos ang mga bansa ng sanglibutan:
����������� At lubos nanalig na ang Diyos na nangako ay
may kapangyarihang makagawa
noon.�
(Roma 4:21)
Upang maging katunayan ang pangitain ng pag-aani, kailangan kang lubos na magtiwala. Ipinangako ng Diyos ang masaganang ani. Ipinagkaloob din Niya ang mga estratehiya at mga paraan. Ikaw ay tinawag bilang manggagawa upang pagpalain ang mga bansa ng sanglibutan.
NAMUHUNAN SIYA SA MGA BAGAY NA ESPIRITUWAL:
Ipinuhunan ni Abraham ang kanyang buhay sa isang bagay na hindi nakikita sa likas na daigdig.
Ibinigay ng Diyos kay Abraham ang isang pangako ng magandang lupain, gayon man siya mismo ay di nakatungtong dito:
�����������
����������� At hindi siya
pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang
����������� paa; at Siya�y
nangakong yao�y ibibigay na pinaari sa kaniya, at sa kaniyang
����������� binhi pagkatapos niya,
nang wala pa siyang anak.� (Gawa 7:5)
Isang lupain ang ipinangako kay Abraham na hindi pa niya nakikita. Ito ay ipinangako sa isang anak na hindi pa isinisilang. Gayon man, hindi nagalinlangan si Abraham. Ipinuhunan niya ang kanyang buhay sa plano ng Diyos upang ang pangako ng Diyos ay matupad sa mga darating na mga lahi.
Ang pangitain ng pag-aani ay pang-walang hanggan. Gugulin mo ang iyong boong buhay na ipinuhunan sa hindi nakikita. Subalit ang resulta ay walang hanggan. Ang mga susunod na lahi ay mapagpapala dahil sa pagtupad mo ng pangitain.
SIYA�Y NAGING MASUNURIN SA TAWAG:
Nang tawagin ng Diyos si Abraham na magtungo sa isang dako na kanyang tatanggapin bilang mana, siya ay sumunod:
����������� Sa pananampalataya si Abraham, nang
tawagin, ay tumalima upang pumaroon
����������� sa isang dakong
kaniyang tatanggaping mana; at siya�y yumaon na di nalalaman
����������� kung saan siya
paroroon.� (Hebreo 11:8)
Hindi sapat na tinawag ka sa pangitain ng pag-aani. Kailangan mong sumunod sa tawag.
����������� At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng
mga bansa sa lupa; sapagka�t
����������� sinunod mo ang Aking
tinig.� (Genesis 22:18)
NAKALAAN SIYA NA TUMAYONG NAGIISA:
Nagsalita ang Diyos kay Abraham:
Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at
si Sara na nanganak sa inyo; sapagaka�t nang siya�y iisa ay tinawag Ko siya, at
Aking pinagpala siya, at Aking pinarami siya. (Isaias 51:2)
Magisang tinawag si Abraham. Kailangang lisanin niya ang kanyang bayan at ang kanyang pamilya bilang tugon niya sa tawag.
Ang pagtawag sa iyo ng Diyos sa kaligtasan ay para sa iyong magisa. Bawat tao ay kailangang personal na tumugon sa tawag. Ang tawag sa bukid anihan ay gayon din. Tulad ni Abraham, magisa kang tinawag. Dapat kang magpasiya. Sa pagtugon sa pangitain, baka kailanganing lisanin ang tahanan at pamilya. Ang tiyak, ito ay paghiwalay sa mga mananampalataya na walang malasakit dahil sa hindi pa natatanggap ang pangitain.
MAYROON SIYANG PANGITAING ESPIRITUWAL:
Si Abraham ay may pangitaing espirituwal:
����������� Sapagka�t inaasahan
niya ang bayang may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at
����������� gumawa ay ang Diyos. (Hebreo
11:10)
Ang kanyang pangitain ay batay sa mga bagay na espirituwal. Ang kanyang pangitain ay tungkol sa isang bayan na ang Diyos ang nagtayo. Kaya naging laan siya na mangibang bayan, tumahan sa mga tolda, mahiwalay sa kanyang tahanan at pamilya. Binago ng pangitain ang kanyang buhay.
Ang pangitain ng pag-aani ay bumago sa iyong buhay. Hindi ka na magiging tulad ng dati. Hindi ka masisiyahan sa mga bagay na pansamantala. Ang hinahanap mo ay isang usaping pag-walang hanggan.
MALAPIT NIYANG KILALA ANG DIYOS:
Si Abraham ay tinawag na �kaibigan ng Diyos�:
����������� At natupad ang
kasulatan na nagsasabi, At si Abraham ay sumampalataya sa Diyos,
����������� at yao�y ibinilang na
katuwiran sa kaniya; at siya�y tinawag na kaibigan ng Diyos.
����������� (Santiago 2:23)
Kakailanganin ang isang personal at malapit na kaugnayan sa Diyos upang matupad mo ang pangitain. Kailangan mong matutuhan ang Kanyang mga paraan at marinig ang Kanyang tinig. Kailangan mong maging kaibigan ng Diyos.
SIYA�Y PUNO NG PAGASA:
May binanggit si Pablo tungkol kay Abraham:
����������� Siya na sumampalataya
na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng
maraming bansa ayon sa sabi, magiging gayon
ang kaniyang binhi.� (Roma 4:18)
Bagamat wala siyang anak, tinanggap ni Abraham ang pangako na siya�y magiging ama ng maraming mga bansa. Sa natural, waring hindi ito mangyayari. Subalit sa gitna ng kawalang kasiguruhan, si Abraham ay sumampalataya na may pag-asa.
Kahit ano pa man ang iyong kalagayan, kahit waring walang pag-asa, tiyakin mo na tinawag ka ng Diyos sa pangitain ng pag-aani at ito ay matutupad.
Harapin mo ang kawalang pag-asa na may katiyakan na �may kapangyarihan ang Diyos na tuparin ang Kanyang ipinangako� (Roma 4:21).
MAYROON SIYANG MATIBAY NA PANANAMPALATAYA:
����������� Kundi, sa pagtingin
niya sa pangako ng Diyos, ay hindi nagalinlangan sa
����������� pamamagitan ng di
pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa
pamamagitan ng pananampalataya, na
niluluwalhati ang Diyos.
����������� (Roma 4:20)
Gayon na lamang ang pagsampalataya ni Abraham na pinuri niya ang Diyos bago pa man natupad ang pangitain. May katiyakan siya na kaya ng Diyos na tuparin ang anomang Kanyang ipinangako (Roma 4:20).
Kamangha-mangha ang dakilang pangitain na itinawag ng Diyos sa iyo�Tatlong bilyong mga tao ang hindi pa nahahatiran ng ebanghelyo. Ito ang mga pagano. Sila ang iyong mana. Sa pamamagitan mo, sila ay pagpapalain.
Huwag kang magalinlangan sa pangako ng Diyos. Ang tingnan mo ay ang dakilang Diyos sa halip na ang malaking gawain. Tumulad ka kay Abraham na�
����������� Bagamat wala nang
pagasang magkaanak , nanalig pa rin si Abraham�
����������� (Roma 4:18, MBB)
SIYA�Y MATUWID:
Sapagkat si Abraham ay sumampalataya sa Diyos:
����������� Dahil dito�y ibinilang
naman na katuwiran sa kaniya.
����������� (Roma 4:22)
Tulad ng iyong natutuhan sa nakaraan sa kursong ito, ang pundasyon ng iyong paggawa sa pag-aani ay ang katuwiran.
SIYA�Y MAPAGPAKUMBABA:
Binanggit ni Pablo na ibinigay ni Abraham ang kaluwalhatian sa Diyos (Roma 4:20).
Alam ni Abraham na ang katuparan ng pangitain ay darating lamang sa pamamagitan ng Diyos. Siya lamang ang dapat tumanggap ng kaluwalhatian.
Binigyan ka ng Diyos ng dakilang pangitain ng bukid anihan ng mga bansa ng sanglibutan. Subalit ang katuparan ay maaari lamang dumating sa pamamagitan Niya. Hindi ikaw ang tatanggap ng kaluwalhatian para sa pangitain o bunga ng pag-aani. Ang kaluwalhatian ay dapat sa Diyos lamang para sa pangitaing natupad.
SIYA�Y MAPAGPAYAPA:
Sa Genesis 13, ang mga alipin ni Lot at Abraham ay nagkaroon ng di pagkakaintindihan dahil sa kung sino ang may karapatan sa tubig. Nagbigay si Abraham ng maayos na lunas sa mga suliraning ito.
Ang mensahe sa pagsilang ni Jesus na dala ng mga anghel ay tungkol sa kapayapaan. Ang ebanghelyo na iyong dadalhin sa mga bansa ay isang mensahe ng kapayapaan sapagkat sa pamamagitan lamang ng Diyos maaaring dumating ang kapayapaan.
MALIKSI SIYA SA PAGGAWA NG KALOOBAN NG DIYOS:
Nang mangusap ang Diyos kay Abraham na ang tanda ng kasunduan sa pagitan niya at ng Diyos ay ang pagtutuli, itinala ng Biblia, na noon ding araw na nangusap ang Diyos, ang lahat ng mga lalake sa kanyang pamilya ay kanyang ipinatuli (Genesis 17).
Makalipas ang ilang panahon, tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako kay Abraham at sa kanyang asawang si Sara, at sila ay nagkaroon ng anak na lalake. Pagkatapos maisilang si Isaac, binigyan ng Diyos si Abraham ng isang mahirap na pagsubok. Sinabi sa kanya na ihandog niya ang kanyang anak (Genesis 22).
Kay Isaac ang katuparan ng mga pangako ng Diyos. Siya ang eredero at sa pamamagitan niya magmumula ang mga supling ni Abraham. Si Isaac ang magsisilang ng bansang Israel na sa pamamagitan naman nito mapagpapala ang boong sanglibutan. Gayon man hiniling ng Diyos kay Abraham na ihandog ang kanyang anak bilang isang hain.
Itinala ng Biblia sa Genesis 22:3 na pagkatapos na tanggapin ni Abraham ang mensahe mula sa Diyos, �siya ay bumangong maaga� upang sundin ang mga tagubilin ng Diyos. Kahit waring mahirap ang ipinagagawa ng Diyos, si Abraham ay di nagpa-tumpik tumpik. Nang ang Diyos ay magsalita, sumunod siya kaagad. Dahil sa kanyang pagsunod, naglaan ang Diyos ng isang hayop na pangpalit sa paghahain kay Isaac.
Ang paggawa sa bukid anihan ay hindi magiging madali subalit sa sandaling ang Diyos ay magsalita dapat kang kumilos. Sa iyong pagsulong bilang pagsunod sa Diyos, lagi naman Siyang kikilos para sa iyo.
Magandang pansinin na kailanman hindi itinuring ni Abraham na isang hain� ang bilin ng Diyos tungkol kay Isaac. Tinawag niya itong, pagsamba. Ang pinakamataas na uri ng pagsamba ay tumingin sa kabila pa ni Isaac, na ating minamahal,� upang ang makita mo ay ang Diyos.
Binigyan ka ng Diyos ng pangitain at ito ay nagpabago sa iyong buhay. Subalit hindi maaaring payagan na mahigtan pa ng pangitain ang Diyos. Ang iyong unang pananagutan ay ang kaugnayan sa Kanya.
Sinubok ng Diyos si Abraham kung si Isaac ang pinakamahalaga sa kanya o ang Diyos. Kailangang ang Diyos ang pinakamahalaga sa iyo. Hindi maaring palitan ng pangitain ang Nagbigay ng pangitain.
SIYA�Y MADALING MAKAGALAW PARA SA DIYOS:
Naging simple lamang ang buhay ni Abraham kaya madali siyang makagalaw para sa Diyos. Siya�y nakakagalaw agad kung may utos ang Diyos (Genesis 12).
HINDI NA SIYA LUMINGON PA:
Ang naiwang dating buhay ni Abraham ay di na niya nilingon pa, sa halip inaasahan niya ang mga bagong bagay na gagawin ng Diyos:
At kung walang pananampalataya ay hindi
maaaring maging kalugodlugod sa Kaniya; sapagka�t ang lumalapit sa Diyos ay
dapat sumampalatayang may Diyos, at Siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa
Kaniya�y nagsisihanap.� (Hebreo 11:6)
SIYA�Y LUMAKAD AYON SA KAALAMANG NAHAYAG:
Si Abraham ay kumilos ayon sa kapahayagan mula sa Diyos sa halip na pangangatuwiran ng tao:
����������� At sinabi ng
Panginoon, Ililihim Ko ba kay Abraham ang Aking gagawin;
����������� (Genesis 18:17)
HINDI SIYA UMASA SA KANYANG SARILING KAKAYAHAN:
Ang pangako ng Diyos sa mga bansa ay walang saysay, sapagkat �mistulang patay� ang binigyan nito. Si Abraham ay walang kakayahang pangsarili na tuparin ang plano ng Diyos:
Kaya naman sumibol sa isa, sa kaniya na
tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di
mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.� (Hebreo 11:12)
HINANAP NIYA ANG DIYOS:
Itinala sa Genesis 12 kung paanong nagtayo si Abraham ng altar at tumawag sa Panginoon.
NANAGOT SIYA PARA SA IBA:
Basahin ang kasaysayan ni Abraham at Lot sa Genesis 14. Para ikaw ay maging isang �world Christian�, kailangan mong tanggapin ang pananagutan para sa mga nangangailangan na nasa paligid mo.
SIYA�Y MAPAGBIGAY:
Nag-ikapu si Abraham para sa lahat ng nasa kanya:
�����������
At binigyan siya ni Abram ng ikasampung
bahagi ng buong samsam. ��������
(Genesis 14:20)
NAKALAAN SIYANG MANGIBANG-BAYAN:
����������� Sa pananampalataya
siya�y naging manglalakbay sa lupang pangako, na
����������� gaya sa hindi niya
sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac
����������� at si Jacob, na mga
tagapagmana ng isang pangako sa kasama niya.
����������� (Hebreo 11:9)
Nakalaan siyang igalang ang kultura ng iba. Halimbawa, siya ay yumuko sa mga tao sa lupain tulad ng kanilang kinaugalian.
����������� At si Abraham ay
yumukod sa harapan ng bayan ng lupain.
����������� (Genesis 23:12)
NAMUNGA SIYA NG MGA TAONG TULAD NIYANG NAKATALAGA:
Ito ay nakita sa buhay ng kanyang alipin na si Eleazar (Genesis 24).
IBINIGAY NIYA ANG KALUWALHATIAN SA DIYOS:
����������� At sinabi ng hari sa
Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at
kunin mo sa ganang iyo ang mga pagaari.
At sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma,
Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong
Diyos na Kataastaasan, na may ari ng langit
at ng lupa.
Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang
sinulid, o maging isang panali ng
pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo,
baka iyong sabihin, Pinayaman ko si
Abram:
Liban na lamang ang kinain ng mga binata at
ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay
pakunin mo ng kanilang bahagi.
����������� (Genesis 14:21-24)
Laging tandaan, ang kaluwalhatian ay sa Diyos lamang palagi.
NATUPAD ANG PANGITAIN
Si Abraham, isang lalake na may pangitaing espirituwal�Sa pamamagitan niya ang mga bansa ng sanglibutan ay pagpapalain. At natupad ang pangitain:
Kaya naman sumibol sa isa, sa kaniya na
tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di
mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.� (Hebreo 11:12)
�����������
�����������
Nang ibigay ang pangitain kay Abraham, ang nakaraan at kasalukuyan niya ay walang bunga. Subalit hindi niya tinanggap ang pagkalaos ng kanyang katawan at pagkabaog ni Sara.
Marahil ang inyong nakaraan ay hindi rin mabunga sa larangang espirituwal, gayon din ang inyong kasalukuyan. Subalit ngayon natanggap mo na ang pangitain ng pag-aani.
Kung paanong si Abraham ay tumingin sa pamamagitan ng paningin ng pananampalataya sa hinaharap na naalamang, �Siya na nangako ay may kapangyarihang tuparin ito.�
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Magbigay ng dalawang reperensiya sa Biblia na nagpapakita na ang mga mananampalataya ang mga tagapagmana ni Abraham:
_______________________________________�� _____________________________________
3. Tayo ay mga tagapagmana ng pangako ng ________________________________________
4. Tayo ay tagapagmana ng pananagutan sa mga ______________________________________
5. Ilista ang mga katangiang espirituwal ni Abraham na naging dahilan kaya natupad niya ang pagitain na pagpalain ang mga bansa ng sanglibutan.
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
______________________________________� _______________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
1. Kasunod nito ay ang mga buod ng mga katangiang espirituwal ni Abraham na nag-resulta sa pagiging pagpapala niya sa mga bansa. Para iyong matupad ang pangitain ng pagpapala sa mga bansa ng sanglibutan, kailangang magkaroon kayo sa inyong buhay ng mga ganito ring mga katangian. Repasuhin ang bawat katangiang espirituwal. Ilarawan kung gaano nahahayag ang mga katangiang ito sa iyong buhay espirituwal:
����������� Katangian���������������� ����������� ����������� Gaano ito nahahayag sa aking
buhay?
Lubos na nagtiwala
Namuhunan sa mga bagay na espirituwal
Masunurin
Nakalaan tumayong mag-isa
Pangitaing espirituwal
Malapit na pagkakakilala sa Panginoon
Pagasa
Pananampalataya
Matuwid
Mapagpakumbaba
Mapagpayapa
Maliksi sa pagsunod sa kalooban ng Diyos
Madaling gumalaw para sa Diyos
Hindi nalingon
Lumakad ayon sa kapahayagan
Hindi tumingin sa natural na kakayahan
Hinanap ang Diyos
Nanagot para sa iba
Mapagbigay
Namunga ng mga katulad niya
Ibinigay sa Diyos ang kaluwalhatian
Nakalaan mangibang bayan
2. Ayon sa pagsusuring ito, anong mga hakbang ang dapat kong gawin sa mga sumusunod na larangan upang mahubog sa akin ang mga kulang sa akin na mga katangiang espirituwal.
Ang aking pagaaral ng Biblia araw-araw:
Ang aking pananalangin araw-araw:
Ang aking tahanan at pamilya:
Ang aking iglesia:
Ang aking mga plano sa hinaharap:
Ang aking pagkasangkot sa pangitain ng pag-aani:
Ang aking pananalapi:
IKA-LABING ISANG KABANATA
ANG PANGITAIN AY NAGING KATUNAYAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
.����������� Kilalanin ang mga uri ng mga tao na tinawag ng Diyos bilang mga tagapag-ani.
.����������� Angkinin ang mga pangako ng Diyos para sa masaganang pag-aaning espirituwal.
.���������� Gawing tunay ang pangitain sa iyong buhay.
SUSING TALATA:
����������� At huwag tayong mangapagod
sa paggawa ng mabuti: sapagka�t sa
kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung
hindi tayo manganghihimagod.�
(Galacia 6:9)
PAMBUNGAD
Nang simulan mo ang kursong ito, nagkaroon ka ng karanasan na magdadala sa iyo mula sa pangitain tungo sa katunayan.
Pasimula sa pagsilang ng pangitain ng pag-aani, nakita mo ang sanglibutan ayon sa paningin ng Diyos at naunawaan ang Kanyang layunin para sa mga bansa ng sanglibutan. Natutuhan mo ang mga bagay na pumipigil sa pag-aani at ang mga estratehiya, mga paraan, at ang mga kasangkapan para sa isang mabisang pag-aani. Nasira mo ang mga pamatok ng pagkabihag at tradisyon at natanggap mo ang isang bagong karanasan ng kapangyarihan ng Diyos.
Sa panghuling kabanata, ang pangitain ay naging katunayan sa iyong pagiging bahagi ng katuparan nito.
SINO ANG GINAGAMIT NG DIYOS?
Sino ang ginagamit ng Diyos para tuparin ang pangitain ng pag-aani? Anong uri ng lalake at babae ang tinatawag ng Diyos upang palaganapin ang ebanghelyo sa mga bansa ng sanglibutan?
Basahin ang Marcos ika-16 na kabanata sa iyong Biblia. Napapaloob dito ang mga sagot sa mga tanong na ito. Sa kabanatang yaon, nakita natin ang mga kababaihan na mga tagasunod ni Jesus na nagtungo sa libingan upang pahiran ng langis ang bangkay. Nang dumating sila sa libingan nakita nila�
� ang isang binata na nakaupo sa dakong
kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila�y nangagitla.
At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong
mangagitla: hinahanap ninyo si
Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus:
Siya�y nagbangon; wala Siya rito:
tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan sa
Kaniya. ����������� (Marcos 16:5-6)
Humayo ang mga kababaihan upang ibahagi ang mabuting balita sa mga alagad. Bagamat si Jesus ay nagpakita kay Maria Magdalena, ayaw maniwala ng mga alagad na si Jesus ay nabuhay na maguli (Marcos 16:11). Di nagtagal, nagpakita si Jesus sa dalawang alagad habang ang mga ito ay naglalakad. Nang sabihin nila sa iba, hindi sila pinaniwalaan (Marcos 16:12-13).
Sa wakas, si Jesus ay nagpakita sa Kanyang mga alagad at�
�Pinagwikaan
sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagka�t hindi
sila nagsipaniwala sa Kaniya pagkatapos na Siya�y magbangon.
����������� (Marcos 16:14)
Pagkatapos na mangusap Siya sa kanila tungkol sa kanilang pagaalinlangan, sinabi ni Jesus:
Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan at
inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.� (Marcos 16:15)
Tiyak na nagkamali Siya! Ito ang mga tao na tumungo sa libingan upang pahiran ng langis ang bangkay sa halip na ipagdiwang ang Kanyang pagkabuhay na maguli. Ito ang mga tao na natulog sa pinakamatinding oras ng krisis, nagkanulo sa Kanya, at dahil sa takot ay nagsipagtago.
Tatlong taong inihanda ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, sa kabila nito, sa panahon ng krisis, iniwan Siya ng mga ito at tumangging paniwalaan ang mga naksaksi mismo ng Kanyang pagkabuhay na maguli. Pagkatapos ituwid ni Jesus ang mga alagad Niya dahil sa kanilang pagaalinlangan, hinamon naman Niya ang mga ito ng pangitain ng pag-aaning espirituwal sa bukid anihan ng mga bansa ng sanglibutan.
Paano Niya nagawa na ipagkatiwala ang kinabukasan ng ebanghelyo sa kamay ng mga ganitong klaseng mga alagad?
Sapagkat hindi lamang Niya nakita kung paano sila noon. Hindi Niya inalintana ang mga nakaraan nilang ginawa o ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Nakita Niya kung ano ang mangyayari sa kanila sa sandaling sila ay masangkapan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
MGA TAONG GINAMIT NG DIYOS
Tingnan nating ang mga taong ginamit ng Diyos sa kasaysayan upang tuparin ang Kanyang layunin.
JACOB:
Pumili ang Diyos sa pagitan ni Jacob, isang taong ganoon na lamang ang pagnanais ng karapatan ng nakatatanda na nakalaan siyang mandaya, makuha lamang ito, at kay Esau, na niwalang halaga naman ito at ipinagpalit sa isang mangkok na sopas. Gayon man ginamit Niya si Jacob upang isilang ang bansang Israel.
ABRAHAM:
Si Abraham ang magiging ama ng maraming mga bansa. Nang tanggapin niya ang kapahayagang ito mula sa Diyos, siya�y napasubsob at nagtatawa na hindi makapaniwala (Genesis 17:1-3). Pagkalipas noon, ang dakilang taong ito ng pananampalataya ay nagsinungaling sa kaaway at sinabing si Sara ay kaniyang kapatid sapagkat natakot na baka siya�y patayin. Sa kabila nito, si Abraham ay tinawag na �kaibigan ng Diyos� at naging ama ng maraming mga bansa.
MOISES:
Hindi siya nakapasok sa lupang pangako dahil sa kanyang pagsuway, gayon man pinalaya niya ang dalawang milyong mga tao mula sa pagka alipin sa Egipto at pinangunahan ang mga ito sa ilang ayon sa plano ng Diyos.
DAVID:
Kinuha niya ang asawang babae ng iba at pinapatay ang asawa nito upang pagtakpan ang kanyang kasalanan. Subalit siya ay tinawag na � ang taong kinalulugdan ng Diyos.� At ibinigay sa kanya ng Diyos ang kaharian.
GIDEON:
Si Gideon ay gumagapas ng trigo at nagtatago dahil sa takot sa mga kaaway nang tawagin siya ng Diyos upang maging tagapagpalaya ng Israel (Mga Hukom 6).
MGA KARANIWANG TAO
Ginagamit ng Diyos ang mga karaniwang tao upang tuparin ang Kanyang kalooban. Nang gawin ni Jesus ang Kanyang unang himala na ang tubig ay ginawang maging alak, hiniling niya sa mga karaniwang lalake na punuin ang mga banga ng tubig. Nang Kanyang paramihin ang mga tinapay at isda, ibinigay Niya sa mga karaniwang tao upang ipakain sa maraming tao. Nang si Jesus ay gumawa ng marahil ay pinakadakilang himala sa Kanyang ministeryo, ang pagbuhay kay Lazaro, inasahan Niya ang mga tao na siyang magtulak ng bato sa pintuan ng libingan. Bakit, di ba�t ang Diyos na bumuhay kay Lazaro ay may kapangyarihan din na alisin ang bato?
Oo, subalit ang Diyos ay laging gumagamit ng mga tao upang tuparin ang Kanyang plano. Ang Kanyang mga paraan ay mga tao. Tinatawag ng Diyos ang mga karaniwang tao upang gawin silang di-pangkaraniwan. Ginagawa Niyang ang mga taga panood lamang ay maging mga kalahok sa Kanyang plano.
����������� - Kayong mga karaniwang mga tao na nagiisip na di kayo maaring magamit ng
Diyos�
����������� - Kayong mga karaniwang mga tao na nagaakalang di kayo maaaring maging bahagi ng
isang himala�
����������� - Lahat nang mga nagkanulo at bumigo sa Kanya�
Hindi tumitingin ang Diyos sa inyong mga nakaraan at mga nagawa noon. Hindi ka Niya tinitingnan ayon sa pagtingin mo sa iyong sarili. Tinitingnan ka Niya sa iyong kahihinatnan sa pagtanggap mo ng hamon na humayo sa mga bukid anihan ng sanglibutan. Nikikita Niya ang mangyayari sa iyo pagka sinangkapan ka ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Hindi umaasa ang Diyos sa iyong pananampalataya, pinagaralan, mga talento, o antas ng iyong pagiging espirituwal. Hindi Siya umaasa sa kung ano ka pa man. Siya ay umaasa sa mangyayari sa iyo kung isusuko mo ang iyong buhay ng lubos sa Kanyang kalooban at mga layunin.
Ang daigdig ng unang iglesia ay hindi naabot sa pamamagitan nang mahuhusay na pangangaral. Ito ay naabot ng mga taong tulad natin subalit ibinaling ang tingin mula sa kanilang mga pagkakamali at natanggap ang pangitain ng pag-aani. Kanilang napagtanto na noong sila ay mahina sa likas, sila ay malakas sa espirituwal. Ipinangako ng Diyos:
�Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo:
sapagka�t ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.� (II Corinto 12:9)
ISANG MASAGANANG PAG-AANI
Sa kanila na tumanggap ng pangitain at tumupad ng kalooban at gawain ng Panginoon, may mga pangako ng dakilang pag-aani:
Sapagka�t magkakaroon ng binhi ng
kapayapaan; ang puno ng ubas ay
magbubunga, at ang lupa�y mapapakinabangan,
at ibibigay ng langit ang
kaniyang hamog� �(Zacarias 8:12)
Kanyang gagawing mabubungang lupain ang mga ilang:
At Kanyang pinapagiging lawa ng mga tubig
ang ilang, At mga bukal ang
tuyong lupain.
At Kanyang pinatatahan doon ang gutom,
��At
maghasik sa mga bukid , at magtanim sa mga ubasan, At magtamo ng mga bunga na
pakinabang.� (Awit 107:35-37)
Magbibigay ang Diyos ng pag-aani kahit sa mga hindi mabubungang mga lugar:
Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa
taluktok ng mga bundok�[ ang lugar na hindi pinamumungahan].� (Awit 72:16)
Ang edad ay hindi hadlang sa Kanyang plano:
����������� Sila�y mangagbubunga
sa katandaan� (Awit 92:14)
Maaring ikaw ay humayo na may pagtangis at paghihirap dahil sa pagsisilang ng pangitaing ito, subalit�
����������� Sila na
nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
����������� Siyang lumalabas at
umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya�y di salang babalik na may kagalakan,
na dala na ang kaniyang mga tangkas.
����������� (Awit 126:5-6)
Hindi mo matatarok ang kasaganaan ng pag-aaning ito sa mga huling araw:
May binhi pa baga sa kamalig? Oo, ang puno
ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi
nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain Ko kayo.� (Hagai 2:19)
Ang pag-aaning binanggit ng Diyos ay napakadakila at ito ay patuloy:
Narito ang mga kaarawan ay dumarating, sabi
ng Panginoon, na aabutan ng magaararo ang magaani, at ng mamimisa ng ubas ang
magtatanim ng binhi.
����������� (Amos 9:13)
Hindi mo pa natatapos magiik ang ani narito na naman ang pag-aani.
Iyan ang dahilan kung bakit mahigpit ang pangangailangan ng mga manggagawa. Ang mga nagaararo ay nauunahan ang mga gumagapas. Ang pangitain ng pag-aani ay nasa harapan mo.
����������� -Angkinin ang pangako ng masaganang ani.
����������� -Angkinin ang mga pagano bilang iyong mana.
����������� -Ang mga bukirin ng sanglibutan ay nasa harapan mo. Itaas mo ang iyong mga mata at
masdan mo.
ANG HULING PAG-AANI
Darating ang araw ng huling pag-aani at uutusan ng Diyos ang Kanyang mga anghel:
����������� Sapagka�t dumating ang
oras ng paggapas, sapagka�t ang aanihin sa lupa ay
hinog na. �(Apocalipsis 14:15)
Mula sa buong sanglibutan darating ang magkakasunod na dating ng mga tao.
Mula sa Africa, Australia, Asia, North at South America, Europa, at sa mga Pulo ng karagatan�
mga tagapag-ani papasok sa luklukan ng Diyos.
Mga lalake at babae na ginawang tunay ang pangitain�Yaong mga ipinamuhay ang pangitain bilang sentro sa layunin ng kanilang buhay�Yaong mga namatay na yakap ang mga pangako nito.
At dala-dala nila ang mga bungkos mula sa kanilang mga ani sa lupa:
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin
ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula
sa bawa�t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa
harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing
damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
At nagsisigawan ng tinig na malakas, na
nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumasaaming Diyos na nakaupo sa luklukan, at
sa Cordero�at sila�y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa
Diyos,
Na nagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at
kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at
kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Diyos magpakailankailan man.
Siya nawa. �( Apocalipsis 7:9-12)
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Ilista ang tatlong reperensya sa Biblia na nagbibigay ng pangako sa masaganang ani.
3. Pangalanan ang limang mga taong ginamit ng Diyos sa kabila ng kanilang mga kabiguan na binanggit sa kabanatang ito.
����������� ___________________________________� ____________________________________
����������� ___________________________________ ____________________________________
����������������������� ����������� ________________________________________
4. Anong talata ang nagbabanggit ng huling pag-aani sa lupa na ginawa ng mga anghel ng Diyos?
� ( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA� SA� DAGDAG�
NA� PAG-AARAL
Ang kursong ito na katatapos mo pa lamang ay siyang una sa seryeng handog ng Harvestime International Institute. Ang layunin ng seryeng ito ay ituro kung ano ang itinuro ni Jesus upang baguhin ang mga karaniwang tao na maging mabubungang mananampalataya na aabot sa kanilang daigdig sa pamamagitan ng ebanghelyo. Ang mga kursong ito ang magdudulot sa iyo ng kakayahan na matupad ang iyong bagong pangitain nang pag-aaning espirituwal. Sumulat sa address na nakatala sa unahang pahina ng manwal na ito para sa dagdag na impormasyon sa mga materyales ng pagsasanay.
MGA SAGOT SA MGA PANGSARILING PAGAARAL
UNANG KABANATA:
1. Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama. (Kawikaan 29:18)
2. Ang pangitaing espirituwal ay pagtanaw sa kabila pa ng likas na larangan sa larangang espirituwal. Ito ay ang pagkaunawa ng mga banal na layunin ng Diyos at ang pagkilala sa bahagi mo sa plano ng Diyos. Ito ang malinaw na larawan ng nais ng Diyos na maabot mo na siyang gagabay sa bawat hakbang ng iyong buhay Kristiyano tungo sa gayong mithiin.
3. 2,3,1,4,6,5
4. 3,1,4,2
IKALAWANG KABANATA:
1. Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang
��� pag-aani? Narito, sa inyo�y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata,
��� at inyong tingnan ang mga bukid, na maputi na upang anihin. ( Juan 4:35)
2. Pagka gumagamit tayo ng mga likas na katumbas ng isang katotohanang espirituwal, ang ibig sabihin nito ay ginagamit ng Diyos ang isang halimbawa sa natural upang ipaliwanag o katawanin ang isang katotohanang espirituwal.
3. Ang halimbawa ay ang pag-aani.
4. Ang bukid ay ang sanglibutan. Mateo 13:38
5. Maaaring ang nailista mo ay alin man sa mga sumusunod na dahilan. Ang pag-aani ang isang halimbawa na madaling maiintindihan ng mga alagad sapagkat:
����������� - Ang kabuhayan ng Israel ay nakabatay sa agrikultura.
����������� - Ang mga kapistahan ng relihiyon ay umiinog sa pag-aani.
����������� - Ang pag-aani ay tuloy-tuloy na nagaganap sa buong taon.
����������� - May mga likas na prinsipyo sa paghahasik at pag-aani na angkop din sa pag-aaning
������������ espirituwal.
- Kinilala ng mga alagad ang mahigpit na pangangailangan na kinakatawan ng halimbawa
ng pag-aani sa likas na larangan.
6. Juan 4:35:
����������� �Huwag n�yong sabihin: Huwag lamang
pagusapan ang pag-aani.
�May apat na buwan pa: Huwag nang ipagpaliban pa.
�Narito sa inyo�y aking sinasabi: Pakinggan ang sinasabi ni Jesus
Itanaw ninyo ang inyong mga mata: Iiwas sa mga gambala.
Inyong tingnan ang mga bukid: Tingnan ang sanglibutan sa pamamagitan ng paningin ng
����������� ����������������������� ����������� ����������� Diyos.
�����������
IKATLONG KABANATA:
1. Papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa. (Awit 66:7)
2. Humigit kumulang ay tatlong bilyong mga tao.
3. Mga 2,000 mga wika.
4. Na makita ang sanglibutan bilang isang espirituwal na bukid anihan na nangangailangan ng mga manggagawa.
5. Kasalanan
6. a. F� b. F���� c. T
7. Ang isang World Christian ay yaong ginagawa ang kanyang buhay na magkaroon ng silbi para sa gawain ni Cristo sa boong daigdig, lalo na doon sa mga hindi pa naaabot ng ebanghelyo.
IKA-APAT NA KABANATA:
1. Na ipinakilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kanyang kalooban, ayon sa
��� Kanyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin.
��� Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng
��� mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga
��� bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko. ( Efeso 1: 9,10)
2. a. F�� b. T��� c. T����� d. T
3. Ang iyong sagot ay kailangang kabilang ang mga sumusunod na mga puntos at isa man lang sa mga reperensya:
Ang mga layunin ng Diyos mula pa sa simula ng panahon ay papagisahin ang lahat sa langit at sa lupa kay JesuCristo. (Efeso 1:9-10)
Hindi Niya nais na ang sinoman ay mapahamak kundi ang lahat ng mga tao sa bawat bansa ay magsisi at makakilala kay JesuCristo. (II Pedro 3:9)
IKALIMANG KABANATA:
1. Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi napabibiro: sapagka�t ang lahat
��� ng ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
��� Sapagka�t ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman magaani ng kasiraan;
��� Datapuwa�t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay
��� na walang hanggan. ( Galacia 6:7-8)
2.� a.T� b.F�� c. F��� d.F ��� e.T��� f.T�� g.T
3. Pagtatalo, Kasamaan, Kaguluhan, Gawa ng laman.
4. Mga taong tinubos na namumuhay tulad ng mga tinubos.
5. Isaias 16:10 o Joel 1:10-12, 6
6. Joel 1:13-14; 2:12-13
7. Repasuhin ang mga paksa sa kabanatang ito:
����������� Pagsuway sa Salita ng Diyos�������������� ����������� Patungkol sa mga pangyayari
����������� Paglimot sa Diyos�������� ����������������������� ����������� Pagsusumikap na walang direksyon
����������� Di wastong paghahasik������ ����������� ����������� Mga peste at sakit
����������� Kawalan ng malasakit�� ����������������������� ����������� Hindi wastong pag-aani
����������� Sariling sikap��������������� ����������������������� ����������� Lupang di nabungkal
����������� Isinumpang paraan ng pamumunga����� ����������� Mga pundasyong di matuwid
����������������������� ����������������������� ����������������������� ����������� Kakaunti ang mga manggagawa
IKAANIM NA KABANATA:
1. Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani nang may kagalakan.
��� Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim, Siya�y di
��� sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kanyang mga tangkas. (Awit 126:5-6)
2. Ang mga estratehiya ay ang mga prinsipyo, mga paraan, o plano na susundin upang maabot ang isang minimithi.
3. Kung nalimutan mo ang alin man sa mga estratehiyang ito, repasuhin mo ang paksa sa kabanatang ito:
�����������
����������� - Bawat pananim ay may kakayahang mamunga.
����������� - Ang paghahasik ay kailangan upang mag-ani.
����������� - Ang pag-ani ay di kasabay ng paghahasik.
����������� - Kung ano ang iyong inihasik, yaon ang iyong aanihin.
����������� - Kailangang maghasik , kahit ano man ang pangyayari.
����������� - Ang iyong ani ay katumbas ng iyong inihasik.
����������� - Maaaring ikaw ang naghasik at hindi ikaw ang mag-ani at mag-aani ka naman sa hindi
mo hinasikan.
����������� - Mag-aani ka kung ikaw ay magtatapat.
����������� - Upang makapamunga, kailangang mamatay ang binhi.
IKAPITONG KABANATA:
1. Sapagka�t kung paanong ang lupa�y nagsisibol ng pananim, at kung paanong
��� ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin
��� ng Panginoong Diyos ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat ng mga bansa.
��� ( Isaias 61:11)
2. Ang binhi ay tumutubo bilang tugon sa ilang mga panglabas na mga kondisyones.
3. Kung nalimutan mo ang mga kondisyones na ito para sa pagtubo, repasuhin mo ang mga paksa ng buong kabanata: Buhay; Tamang lupa; Tubig; Liwanag; Hangin; Puwang; Mga ugat; Pahinga; Manatiling nakakabit sa puno; Pagpupungos; Klima.
IKAWALONG KABANATA:
1. Datapuwa�t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
��� Espiritu Santo: at kayo�y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong
��� Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. ( Gawa 1:8)
2. II Timoteo 2:2
3. Kapangyarihan
4. Kilalaning ito ay para sa panahon ngayon; Unawain ang pinagmulan; Tanggapin ang awtoridad-personal at sa iyong iglesia.
IKASIYAM NA KABANATA:
1. Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha,
��� at kayo�y Aking papagpapahingahin.
��� Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagka�t Ako�y
��� maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan
��� ng inyong mga kaluluwa.
��� Sapagka�t malambot ang Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan. �(Mateo 11:28-30)
2. Kasalanan, sarili, tao.
3. Maginhawang dalhin, magaan, may kapahingahan.
4. Lumapit ka sa Kaniya, pasanin ang Kaniyang pamatok, at magaral sa Kaniya.
5. Makikilala mo ang tinig ng Diyos; Ikaw ay magtatagumpay sa pagtupad mo sa iyong pangitain; Patuloy kang papatnubayan ng Panginoon; Siya ang tutustos sa iyo; Ikaw ay mamumunga.
IKASAMPUNG KABANATA:
1. At kung kayo�y kay Cristo, kayo nga�y binhi ni Abraham, at mga taga-
��� pagmana ayon sa pangako.� (Galacia 3:29)
2. Galacia 3:10 at Galacia 3:29
3. Kaligtasan.
4. Pagpalain ang mga bansa ng sanglibutan.
5.
����������� Lubos na nagtiwala����� ����������������������� ����������� Lubos ang pagasa
����������� Namuhunan sa mga bagay na espirituwal����������� Matibay ang pananampalataya
����������� Masunurin sa tawag����� ����������������������� ����������� Matuwid
����������� Nakalaang tumayong nagiisa������������� ����������� Mapagpakumbaba
����������� May pangitain���������� ����������������������� ����������� ����������� Mapagpayapa
����������� Malapit na kilala ang Diyos�������������� ����������� Maliksi sa paggawa ng kalooban ng Diyos
����������� Madaling makagalaw para sa Diyos�� ����������� Hindi na lumingon pa
����������� Lumakad ayon sa kaalamang nahayag����������� Hinanap ang Diyos
����������� Nanagot para sa iba����� ����������������������� ����������� Mapagbigay
����������� Namunga ng mga tulad niya����������������� ����������� Ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos
����������� Hindi umasa sa sariling kakayahan
����������� Nakalaang mangibang bayan
IKA LABING ISANG KABANATA:
1. At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka�t sa
��� kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.� (Galacia 6:9)
2. Maaari mong gamitin ang alin man sa mga sumusunod na reperensya: Awit 72:16; Awit 92:4; Awit 107: 33-37; Awit 126: 5-6; Amos 9:13; Hagai 2:19; Zacarias 8:12
3. Jacob, Abraham, Moises, David, Gideon.
4. Apocalipsis 14:15