ANG PAKIKIBAKA PARA SA KATAWAN

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Harvestime International Network

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

 

© Harvestime International Institute

 

 

 

 

 

NILALAMAN

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito        .            .            .            .            .            .            I

Mga Mungkahi Para sa Sama-samang Pag-aaral     .            .            .            .            II

Pambungad            .            .            .            .            .            .            .            .            .            1

Ang Manwal   .           .           .           .           .           .           .           .           .           2

Mga Aralin     .            .          .           .            .           .           .           .           .          3

Mga Layunin ng Kurso            .            .            .            .            .            .            .            4

 

UNANG BAHAGI: ANG PAKIKIBAKA PARA SA KATAWAN

 

1. Mga Kahariang Naglalaban  .        .         .          .         .          .          .          .        6

2. Ang Tawag Sa Pakikibaka   .         .         .          .         .          .          .          .       19

3. Bago Ang Labanan   .          .          .         .          .          .          .         .          .       27

 

IKALAWANG BAHAGI:  ANG PAG-ATAKE

 

4. Ang Pinagmumulan Ng Sakit  .         .          .          .        .         .         .         .       35

5. Mga Dahilan Ng Pagkakasakit          .          .           .         .        .        .         .       43

6. Mga Uri Ng Sakit         .          .         .           .          .         .        .        .         .       51

7. Ang Mga Bunga Ng Sakit       .          .          .          .         .        .        .         .       56

 

IKATLONG BAHAGI:  ANG GANTING-PAGLABAN

 

8. Ang Biblikal Na Batayan Ng Pagpapagaling  .         .        .         .        .        .       62

9. Ang Mga Pakay Ng Pagpapagaling     .          .          .         .        .        .        .       92

10. Ang Mga Kaloob Ng Pagpapagaling  .         .          .         .        .        .        .       98

 

IKA-APAT NA BAHAGI: PANANAGUMPAY LABAN SA MGA HAMON

 

11. Ang Mga Tradisyon Ng Tao    .         .          .          .         .         .        .        .      107

12. Isang Tinik Sa Laman    .         .         .          .          .         .         .        .        .      119

13. Mga Tanong Na Walang Katugunan  .         .          .         .         .         .        .     126

 

IKA-LIMANG BAHAGI: MGA ESTRATEHIYA NG PAGPAPAGALING

 

14. Ang Ministeryo Ng Pagpapagaling   .           .          .         .         .         .        .     143

15. Pagsubaybay Sa Ministeryo Ng Pagpapagaling       .        .          .         .        .     154

16. Ang Lubusang Kagalingan      .         .          .           .        .          .         .        .     162

 

IKA-ANIM NA BAHAGI: MGA ESTRATEHIYA PARA SA PAGPAPALAYA

 

17. “Sila Na Tinalian Ni Satanas”  .         .         .          .          .          .        .        .     170

18. Ang Ministeryo Ng Pagpapalaya       .         .          .           .         .         .        .     185

19. Ang Pagsubaybay Sa Mga Pinalaya Na       .         .           .          .         .        .     198

 

 

 

IKA-PITONG BAHAGI: PAMUMUHAY SA KAHARIAN

 

20. Mga Mandirigmang Malulusog    .          .          .         .          .          .         .         204

 

Pagtatapos       .           .           .           .          .          .         .          .          .         .         219

 

Apendise A: Isang Pagsusuri Ng Mga Dahilan Ng Pagkakasakit  .        .          .        221

 

Apendise B: Ang Batayan Ng Pagpapagaling At Pagpapalaya Sa Biblia  .       .        226

 

Apendise C:  Isang Banghay Ng Pagsusuri   .         .          .          .           .        .        254

 

Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit   .         .         .          .           .          .         .        256

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG

PAG-AARAL

 

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD

NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagaralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

 

II


ANG PAKIKIBAKA PARA SA KATAWAN

 

PAMBUNGAD

 

Ang pananaw ng unang Iglesia sa kanilang karanasang espirituwal ay laging pakikibaka. Ang mga salitang pang militar ang ginamit sa buong Bagong Tipan. Ang pag-iingat ay nakita sa kalasag ng Dios. Ang salita ng Dios ay itinulad sa tabak. Ang mga atake ni Satanas ay tinawag na mga maapoy na pana. Ang pananampalataya ay tinawag na “mabuting pakikibaka” at ang mga mananampalataya ay hinimok na “makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka.” Nalalaman ng unang Iglesia na sila ay nasa matinding esprituwal na pakikibaka.

 

Sinabi ng Biblia na ang bayan ng Dios ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman (Oseas 4:6).

Isa sa mga larangan ng pagkatalo ng mananampalataya ay ang kakulangan sa kaalaman sa di nakikitang pakikihamok na ito. May malaking digmaan na nagaganap sa mundo ngayon. Hindi ito labanan ng mga bansa, tribo, o mga pinuno ng gobiyerno. Hindi ito rebelyon. Ito ay mahalagang pagkikibaka sa larangang espirituwal.

 

Ang buhay Kristiyano ay pakikidigma. Mas madali nating kilalanin at paghandaan ito, mas madali din natin itong mapagtatagumpayan. Ang isang larangan ng di nakikitang digmaan na ito ay pinupuntirya ang kaluluwa at espiritu ng tao. Ang Harvestime International Institute ay may kurso na pinamagatang “ Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Sa Pakikibakang Espirituwal” na nakatuon sa bahaging ito ng di nakikitang digmaan.

 

Subalit may isang bahagi ng pakikibakang ito na nakikita sa pisikal na larangan. Sa kursong ito, tinawag natin itong “Ang Pakikibaka Para Sa Katawan.” Inaatake ni Satanas ang pisikal na katawan ng mga mananampalataya sapagkat alam niya na ang mahina at masakitin na mga sundalo ay hindi mabisang makikihamok laban sa kaniyang kaharian.

 

Ang sabi sa Lucas 14:31, “O aling hari, na sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?” Walang dapat pumasok sa digmaan na hindi binibilang ang kaniyang kakayahan at mga estratehiyang pangdigma.

 

Sa kursong ito ating susuriing mainam ang mga pamamamaraang nasa atin upang magwagi sa digmaan laban kay Satanas para sa iyong katawan. Matututo kang makibaka para sa iyong pisikal na katawan at makakatulong na ibahagi ang mga katotohanang ito sa ibang mga sugatang mandirigma sa hukbo ng Dios.

 

 

ANG MANWAL

 

Ang manwal na ito ay nahahati sa pitong bahagi:

 

UNANG BAHAGI: ANG PAKIKIBAKA PARA SA KATAWAN ay tinatalakay ang di nakikitang digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Dios at Kaharian ni Satanas. Naglalaman ito ng tawag na ihanda ang mga sandata at mga paunang paghahanda para sa digmaan.

 

IKALAWANG BAHAGI: ANG PAG-ATAKE –tinatalakay ang pinagmulan, mga dahilan, mga uri, at mga bunga ng karamdaman.

 

IKATLONG BAHAGI: ANG GANTING-PAGLABAN nagbibigay ng mga pamamaraan ng pagtalo sa kaaway sa iyong pagkaunawa ng mga basihan sa Biblia ng kagalingan, ang mga layunin ng pagpapagaling, at ang mga kaloob ng kagalingan.

 

IKA-APAT NA BAHAGI: PANANAGUMPAY LABAN SA MGA HAMON tumutukoy sa mahihirap na hamon ng ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya kasama ang mga tradisyon ng mga tao, ang tinik sa laman ni Pablo, at mga tanong na hindi masagot.

 

IKA-LIMANG BAHAGI: MGA ESTRATEHIYA NG PAGPAPAGALING ay binibigyan ka ng mga estratehiya ng paglilingkod ng pagpapagaling, ang pagsubaybay sa mga gumaling, at ang lubusang kagalingan.

 

IKA-ANIM NG BAHAGI: MGA ESTRATEHIYA PARA SA PAGPAPALAYA ay nakatuon sa ministeryo ng pagpapalaya sa mga araling “Sila Na Tinalian ni Satanas,” “Ministeryo ng Pagpapalaya,” at ang “Pagsubaybay Sa Mga Pinalaya Na.”

 

IKA-PITONG BAHAGI: PAMUMUHAY SA KAHARIAN ay naglalaman ng mga estratehiya ng pagpigil at paggamot mula sa Salita ng Dios upang ikaw ay gawing sundalong magaling, isa na may kaganapan sa katawan, kaluluwa, at espiritu, at nakahandang makidigma.

 

ANG MGA APENDISE ng manwal na ito ay nagbibigay ng dagdag na mga pag-aaral sa Biblia tungkol sa ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya, at isang banghay upang lalo kang makapag-aral ng mga talata sa Kasulatan tungkol sa paksang ito. Mayroon din itong pagbabalik-aral kung ano ang gagawin kung nais mo ng kagalingan o upang makapagministeryo ka nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA ARALIN

 

Ang bawat aralin sa manwal na ito ay inayos ng ganito:

 

MGA LAYUNIN:  Ito ang mga hantungan na iyong aabutin sa pag-aaral ng leksiyon.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:  Ito ang pangako ng kagalingan mula sa Salita ng Dios para sa iyo na dapat mong kabisahin at angkinin para sa buhay mo.

 

PAMBUNGAD:  Ito ang nagbibigay ng buong pagtanaw ng nilalaman ng kabanata.

 

ARALIN:  Ito ang mga paalaala sa mga militar para sa kabanatang ito. Narito ang mga  patnubay para sa digmaan na nagbibigay ng impormasyon kung paano makikipaghamok nang mabisa.

 

PANSARILING PAGSUSULIT:  Sinusubok nito ang iyong natutuhang mga susing konsepto

ng araling ito.

 

PAGSASAGAWA:  Ang sabi ng Biblia ay “lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig” (Filipos 2:12). Tulad ng matututuhan mo sa kursong ito, ang kagalingan ay bahagi ng kaligtasan na ibinigay ni Jesuscristo sa pamamagitan ng Kaniyang pagkamatay at pagkabuhay na maguli. Ang pananampalataya ay magkasamang gumagawa. Ang pananampalatayang walang gawa ay patay, kung paanong ang mga gawa na walang pananampalataya ay walang halaga (Santiago 2:17-26).

 

 

 

HANDA KA NA BA?

 

Ang paglalantad sa kaaway at sa kaniyang mga estratehiya ay isa sa pinakamahusay na kapahayagan ng Biblia. Ang manwal na ito ay malawak ang sakop sa pag-aaral ng kagalingan at pagpapalaya, subalit ito ay malalim na pagsusuri ng Biblia. Tulad sa natural na pakikipaghamok, ang kakayahan sa digmaang pang-katawan ay lumalago at napauunlad sa pagpasok mo sa larangan ng digmaan upang makipaglaban.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

Sa pagtatapos ng kursong ito, may kakayahan kang:

 

 

-Magpakita ng pagkaunawa ng natural at espirituwal na mga larangan.

-Ibigay ang katuturan ng “espirituwal na pakikibaka.”

-Tukuyin ang dahilan ng di nakikitang digmaan.

-Sabihin ang mahalagang prinsipyo sa pagkaunawa ng espirituwal na pakikibaka.

-Ibigay ang katuturan ng “makalangit na kagalingan.”

-Ibigay ang pagkakaiba ng kagalingan at paglaya.

-Ipaliwanag kung paanong ang kagalingan at pagpapalaya ay may kaugnayan sa utos na abutin ang buong mundo ng Ebanghelyo.

-Tukuyin ang pinagmumulan ng sakit.

-Ipaliwanag ang mga dahilan ng sakit.

-Tukuyin ang mga uri ng sakit.

-Ilista ang mga bunga ng karamdaman.

-Ibuod ang Biblikal na batayan ng pagpapagaling.

-Ilista ang mga pakay ng pagpapagaling.

-Unawain at gamitin ang mga kaloob ng pagpapagaling.

-Tumugon sa tradisyon ng mga tao patungkol sa pagpapagaling.

-Pag-ukulan ng panahon ang mga tanong na hindi masagot patungkol sa pagpapagaling.

-Manalangin para sa maysakit at tumanggap ng kagalingan.

-Maglingkod at tumanggap ng paglaya.

-Ihanda ang mga tao sa lubusang kagalingan.

-Magdaos ng ministeryo ng pagsubaybay para sa kagalingan at paglaya.

-Ibuod ang mga patnubay sa pamumuhay bilang isang mandirigma na walang sakit.

-Makipagbaka nang mabisa sa digmaan ukol sa kalusugan ng katawan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG  BAHAGI

 

 

 

 

ANG PAKIKIBAKA PARA

SA KATAWAN

 

 

 

Mayroong isang malaking digmaang nagaganap sa espirituwal na daigdig. Ito ay ang personal na digmaan sa kalooban sa pagitan ng laman at ng espiritu. Ito ay isang digmaan laban sa mga masasamang puwersa ng sanglibutan. Ito ay isang espirituwal na digmaan laban sa masasamang kapangyarihan na higit sa natural. Ito rin ay digmaang pisikal, na inaatake ang iyong katawan na siyang templo ng Espiritu Santo.

 

 

Sa panahon ng Lumang Tipan ang trumpeta ay ginamit upang tawagin ang bayan ng Dios sa digmaan. Ngayon, ang espirituwal na panawagan ay umaalingawngaw sa lahat ng bansa sa buong mundo. Ito ay panawagan para makidigma sa di nakikitang digmaan. Ito ang tawag ng digmaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG  KABANATA

 

MGA KAHARIANG NAGLALABAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.
  • Magpakita ng pagkaunawa ng natural at espirituwal na larangan.
  • Ibigay ang katuturan ng “hari.”
  • Ibigay ang katuturan ng “kaharian.”
  • Tukuyin ang dalawang espirituwal na kaharian.
  • Pagpasiyahan kung saang kaharian ka kabilang.
  • Tukuyin ang mga espirituwal na puwersa ng kabutihan.
  • Tukuyin ang mga espirituwal na puwersa ng masama.
  • Ipaliwanag ang kahulugan ng “espirituwal na pakikibaka.”
  • Tukuyin ang dahilan ng digmaang di nakikita.
  • Tukuyin ang pangunahing prinsipyo ng espirituwal na pakikibaka.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

…Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa Kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang Kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat Niyang mga palatuntunan ay wala Akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay Ko sa mga Egipcio: sapagkat Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.  (Exodo 15:26)

 

PAMBUNGAD

 

May malaking digmaang nagaganap sa mundo ngayon. Hindi ito labanan sa pagitan ng mga bansa, tribo, mga lider ng gobiyerno. Hindi ito isang rebelyon o “coup.” Ito ay isang di nakikitang digmaan na nagaganap sa espirituwal na daigdig. Ipakikita ng kabanatang ito ang di nakikitang digmaan na kinabibilangan ng bawat mananampalataya. Ito ay digmaan kung saan hindi tayo nagsusuot ng uniporme, subalit ang bawat isa ay “target.” Ang rekord nito ng kasaysayan at propesiya ay nasa Salita ng Dios, ang Biblia. 

 

MGA LARANGANG NATURAL AT ESPIRITUWAL

 

Upang maunawaan itong di nakikitang digmaan, dapat mo munang maunawaan ang natural at espirituwal na mga daigdig. Ang tao ay naninirahan sa dalawang mundo: Ang natural at espirituwal na mundo. Ang natural ay yaong nakikita, nadarama, nahihipo, naririnig, o natitikman. Ito ay nadarama at nakikita.

Ang bansa, nayon, lunsod, o barrio na tinitirahan mo ay bahagi ng natural na mundo. Ikaw ay residente sa natural na kaharian na masusumpungan sa isa sa mga nakikitang kontinente ng mundo. Nakikita mo ang mga tao na bahagi ng iyong kapaligiran. Nakakausap mo sila. Nararanasan mo ang mga tanawin, mga tunog, at mga amoy sa palibot mo.

 

Subalit may isa pang mundo na kinabibilangan mo. Ito ang espirituwal na mundo. Hindi mo ito nakikita ng iyong pisikal na mga mata, subalit ito ay kasing tunay ng natural na mundo na kinabubuhayan mo. Sa I Corinto 15:40, binanggit ni Pablo ang pagkakahati ng natural at espirituwal. Sinabi niya na mayroong natural (makalupa) na katawan at mayroon ding espirituwal (makalangit) na katawan.

 

Lahat ay may natural na katawan na nakatira dito sa natural na mundo, subalit ang tao ay isa ring espirituwal na nilalang na may kaluluwa at espiritu. Ang tao ay katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang iyong espirituwal na pagkatao (kaluluwa at espiritu) ay bahagi ng espirituwal na mundo kung paanong ang iyong natural na katawan ay bahagi ng natural na mundo.  

 

ESPIRITUWAL NA PAGKILALA

 

Sapagkat ang espirituwal na pakikibaka ay espirituwal, dapat itong maunawaan ng espirituwal na kaisipan. Sa ating natural at makasalanang kalagayan, hindi natin mauunawaan ang mga espirituwal na mga bagay:

 

Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa Espiritu.  (I Corinto 2:14)

 

Kailangan ang espirituwal na pagkaalam upang maunawaan ang mga espirtuwal na mga bagay.

 

Kaipala, isa sa pinakamagandang halimbawa ng natural at espirituwal na pagkaalam ay nakatala sa II Hari Kabanata 6. Ito ay kuwento ng natural na digmaan kung saan ang hukbo ng kalabang bansa na Syria ay pinalibutan ang maliit na nayon ng Dothan kung saan nakatira si Eliseo.

 

Nang ang alipin ni Eliseo, si Gehazi, ay makita kung gaano karami ang hukbo ng kaaway siya ay natakot. Nanalangin si Eliseo upang ipakita sa alipin ang nakapalibot na hukbo ng mga anghel na nag-iingat sa kanila. Sa pagkakataong ito, binuksan ng Dios ang natural na mga mata ni Gehazi at pinahintulutan siyang makita ang mas malakas na puwersa ng Dios na nakahanda sa labanan.

 

Ang kuwento ng digmaang ito sa Dothan ay tulad ng espirituwal na kalagayan sa Iglesia. May ilan, na tulad ni Eliseo, na malinaw na nakakakita sa larangang espirituwal. Alam nila na may labanang nangyayari, natukoy ang kaaway, at kinilala ang mas dakilang puwersa ng Dios na siguradong magwawagi.

 

Mayroon ding iba na tulad ni Gehazi, na may kaunting pampalakas ng loob, ay mabubuksan ang kanilang mga matang espirituwal at hindi na matatakot at matatalo ng kaaway. Subalit nakakalungkot, maraming mga tao ang, tulad ng mga naroon sa Dothan, espirituwal na tulog. Hindi man lamang nila nalalaman na sila ay napapalibutan ng kaaway at handa nang umatake

DALAWANG ESPIRITUWAL NA KAHARIAN

 

Sa loob ng natural at espirituwal na larangan na pinaguusapan natin, may dalawang magkahiwalay na kaharian na pinangungunahan ng natural at espirituwal na mga lider.

 

NATURAL NA MGA KAHARIAN:

 

Lahat ng tao ay nakatira sa natural na kaharian ng mundo. Nakatira sila sa lunsod o nayon na bahagi ng bansa. Ang bansang yaon ay kaharian ng mundo. Ang natural na kaharian ay isang teritoryo o bayan na pinangungunahan ng isang hari o lider na politikal. Ang tawag ng Biblia rito ay “mga kaharian ng mundo.” Ang mga kaharian ng mundo ay napapailalim sa kapangyarihan at impluwensiya ni Satanas:

 

Muling dinala Siya ng Diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;

 

At sinabi niya sa Kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako.  (Mateo 4:8-9)

 

Ipinaaalaala sa atin ng Juan 5:19 na “ang buong mundo ay nasa ilalim ng kontrol ng masama.”

 

ESPIRITUWAL NA MGA KAHARIAN:

 

Dagdag sa mga natural na kaharian ng mundong ito, mayroong dalawang espirituwal na kaharian: Ang Kaharian ni Satanas at ang Kaharian ng Dios. Ang bawat taong nabubuhay ay nakatira sa isa sa mga ito.

 

Ang Kaharian ni Satanas ay binubuo ni Satanas, mga espirituwal na nilalang na tinatawag na demonyo, at lahat ng mga taong namumuhay sa kasalanan at paglaban sa Salita ng Dios. Ang mga ito, pati ng mundo at laman, ang binubuo ng mga puwersa na kumikilos sa mundo ngayon.

 

Ang Kaharian ng Dios ay binubuo ng Dios Ama, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo, mga espirituwal na nilalang na tinatawag na mga anghel, at lahat ng tao na namumuhay na sumusunod sa Salita ng Dios. Ang mga ito ang espirituwal na puwersa ng kabutihan.

 

Ang Kaharian ng Dios ay hindi isang denominasyon. Ang mga denominasyon ay mga likha ng tao na mga organisasyon na grupo ng mga iglesia. Itinatag sila upang mag organisa at mapangasiwaan nang maayos ang iglesia.  Ang mga denominasyon ay mga malalaking mga organisasyon tulad ng Baptist, Assembly of God, Methodist, Lutheran, atbp. Ang tunay na Iglesia na binabanggit sa Biblia ay hindi organisasyon ng relihiyon. Ang tunay na Iglesia ay binubuo ng lahat ng naging kabahagi ng Kaharian ng Dios.

 

Sa ngayon sa mundong ito, ang Kaharian ng Dios ay nasa bawat isang lalake, babae, at mga bata na ginawa si Jesus na Hari ng kanilang buhay. Ito ay buhay sa tunay na iglesia kung saan ang mga tao ay ginagawa ang mundong ito ayon sa nais ng Dios na mangyari. Sa hinaharap, makikita dito sa lupa ang aktuwal na nakikitang Kaharian ng Dios.

ANG DI NAKIKITANG DIGMAAN

 

Ang hindi nakikitang digmaang espirituwal ay isang labanan kung saan kasali ang lahat ng lalake at babae. Dahil sa ang Kaharian ni Satanas ay isang espirituwal na kaharian…

 

… Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.  (Efeso 6:12)

 

Ang espirituwal na pakikibaka ay hindi natural na labanan ng laman at dugo. Ito ay hindi labanan ng tao laban sa tao. Hindi ito nakikitang digmaan. Ito ay isang di nakikitang pakikihamok sa larangan ng espiritu. Ito ay nagaganap sa kalooban at sa palibot ng tao. Hindi ito nakikitang digmaan sapagkat ang mga espiritu ang naglalabanan, at natutuhan natin sa Lucas 24:39 na ang espiritu ay walang laman at buto.

 

Ang espirituwal na pakikibaka ay nagaganap sa iba’t ibang larangan. Ito ay:

 

1. Isang digmaang sosyal sa pagitan ng mananampalataya at ng mundo: Juan 15: 18-27

2. Isang personal na digmaan sa pagitan ng laman at espiritu: Galacia 5: 16-26

3. Isang hindi natural na digmaan sa pagitan ng mananampalataya at masasamang may kapangyarihan: Efeso 6: 10-27

4. Isang pisikal na labanan, kung saan si Satanas ay ginagamit ang sakit upang umatake sa iyong katawan: Job 1-2

 

Ang bawat taong buhay ay kasali sa digmaang ito, sa alam niya o sa hindi. Walang neutral na panig. Ang mga hindi mananampalataya na bihag ng masama ay nakuha na ng puwersa ng kalaban. Sila ay mga biktima ng digmaan. Ang mga mananampalataya ay pinalaya na ni Jesucristo at sila ay mananagumpay, subalit sila ay nakikibaka pa rin bilang mga sundalo.

 

Sinasabi sa Efeso 6:12 na tayo (mga mananampalataya) ay nakikibaka laban sa mga masasamang puwersa. Ang nakikibaka ay nagkakaroon ng malapit na personal na kontak. Walang hindi kasali sa labanang ito. Hindi puwedeng panoorin ito mula sa malayo. Ikaw ay nasa gitna ng labanan sa kilalanin mo ito o hindi. Kung iniisip mong bubuti ang kalagayan, ikaw ay nagkakamali. Ang pakikibakang Kristiyano ay hindi nagtatapos.

 

KUNG SAAN NAKIKIPAGHAMOK

 

Ang hindi nakikitang digmaan ay nagaganap dito sa lupa:

 

Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.  (Juan 10:10)

 

Lumalaban si Satanas upang makontrol niya ang mga kaharian ng sanglibutan. Hindi niya nais na ang mga ito ay mapailalim sa kapamahalaan ng Dios. Ang digmaan ay nagaganap din sa puso, isipan, at kaluluwa ng mga lalake at mga babae.

 

Binubulag ni Satanas ang isipan ng mga hindi mananampalataya at inaatake ang mga mananampalataya sa larangan ng pagsamba, ng Salita, ang kanilang pang araw-araw na paglakad, at ang kanilang gawain para sa Dios. Ang digmaan ay nangyayari rin sa iyong pisikal na katawan na inaatake ni Satanas sa pamamagitan ng sakit at karamdaman.

 

PAANO NAGSIMULA ANG PAKIKIHAMOK

 

Ang di nakikitang digmaan ay nagpasimula sa Langit sa pamamagitan ng anghel na nagngangalang Lucifer na noong una ay napakagandang anghel na nilalang ng Dios na dati ay bahagi ng Kaharian ng Dios. Nagdisisyon si Lucifer na siya na ang maghahari sa Kaharian ng Dios. Mababasa mo ang pagrerebeldeng ito sa Isaias 14: 12-17 at Ezekiel 28: 12-19. Isang grupo ng mga anghel ay sumama kay Lucifer (ngayon tinatawag na Satanas) sa pagaalsang ito. Si Lucifer at ang mga nagrebeldeng mga anghel ay itinapon ng Dios mula sa Langit. Nagtatag sila ng kanilang kaharian dito sa lupa:

 

At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakibaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka.

(Apocalipsis 12:7)

 

At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.  (Apocalipsis 12:9)

 

Si Lucifer ay nakilala na Satanas at ang kaniyang mga anghel ay mga demonio. Ang mga espiritu ng demonio ay maaaring pumasok, pahirapan, kontrolin, at gamitin ang mga taong kabilang sa Kaharian ni Satanas. Sila ang nagbibigay ng pagnanasa sa mga tao na gumawa ng masama. Si Satanas ang nag-uutos sa kaniyang mga demonio na gumawa ng masama. Pinagsasama niya ang mga makapangyarihang puwersang ito ng sanglibutan at ng laman upang makidigma laban sa lahat ng nilalang.

 

MGA DAHILAN SA LIKOD NG LABANAN

 

Ang tao ay nilalang sa una pa lamang sa wangis ng Dios at para sa Kaniyang kaluwalhatian (Genesis kabanata 2). Ang unang di nakikitang digmaan ay nagpasimula sa halamanan ng Eden (Genesis Kabanata 3). Si Satanas ang dahilan kung bakit nagkasala si Adam at si Eva. Ang bunga nito ay lahat ng tao ay nagmana ng makasalanang likas at nakagagawa ng pagkakasala dahil sa kalikasang ito:

 

Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamataya’y naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala. (Roma 5:12)

Ito rin ay nagbunga ng di nakikitang digmaan sa pagitan ng tao at ng mga puwersa ng masama:

 

At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi (mga puwersa ng masama) at ang kaniyang binhi (mga puwersa ng mabuti na kinakatawan ni Jesuscristo)…

            (Genesis 3:15)

 

Dahil sa kasalanan, ang tao ay nahiwalay sa Dios at hinatulang mamatay. Ang kamatayang ito ay ang espirituwal na kamatayan ng pagkahiwalay sa Dios. Pisikal din na kamatayan ito, sapagkat nang magkasala ang tao, pumasok si Satanas sa sistema ng katawan ng tao at nagdala ng sumpa ng mga sakit at karamdaman. Subalit mahal ng Dios nang gayon na lamang ang tao na gumawa Siya ng plano upang iligtas ang tao mula sa kasalanan:

 

Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

 

Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.

(Juan 3: 16-17)

 

Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, pagamin at pagsisisi sa kasalanan, ang mga tao ay makakalaya mula sa kapangyarihan ng kaaway. Ang kamatayan at pagkabuhay ni Jesus ay hindi lamang nagbunga ng kaligtasan sa kasalanan, ito rin ay tumalo sa kaaway, si Satanas:

 

…Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng Diablo.  (I Juan 3:8)

 

Subalit kung natalo na si Satanas, bakit tuloy pa rin ang labanan? Bakit pa tayo nakakikita ng kasamaan sa palibot natin? Bakit pa tayo tinutukso ng kasalanan at inaatake ng mga sakit?

 

Sa natural na mundo, kahit tapos na ang digmaan, mayroon pa ring mga maliliit na grupo na lumalaban. Ito ang mga maliliit na grupo na hindi susuko hanggang hindi mapilitang sumuko. Bagama’t tinalo na ni Jesus si Satanas, tayo ay namumuhay pa rin sa teritoryo na tinitirhan ng mga puwersa ng kalaban. Ang pagkaunawa ng espirituwal na pakikibaka ang magtuturo sa atin kung paano lalabanan ang masasamang puwersang ito.

 

Pinipilit ni Satanas na mapanatiling bihag ang mga tao sa kasalanan. Sa pamamagitan ng mga pandaraya hinihimok niya ang mga tao na magpatuloy sa makasalanang pamumuhay. Pinupuntirya niya ang pagmamahal ng kaluluwa at espiritu na dapat ay para sa Dios. Inaatake rin niya ang katawan upang sirain ito ng mga sakit at karamdaman:

 

Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.  (Juan 10:10)

 

Nais pa rin ni Satanas na maging pinakamataas na hari. Nakikipagbaka siya upang makuha ang katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao. Ang kaniyang mga estratehiya ay nakatuon sa Dios, sa Kaniyang plano, at sa Kaniyang bayan.

 

ANG KAHULUGAN NG ESPIRITUWAL NA PAKIKIBAKA

 

Ang espirituwal na pakikipagbaka ay ang pagsusuri ng aktibong pakikipaghamok sa di nakikitang espirituwal na digmaan. Dito ay pinag-aaralan ang mga magkakalabang puwersa ng mabuti at masama, ang mga estratehiya ni Satanas, at mga espirituwal na estratehiya sa pagwawagi laban sa kaaway.

 

Ang espirituwal na pakikipagbaka ay higit pa sa pagsusuri ng mga prinsipyong espirituwal. Kasali rito ang aktibong pakikisama sa pakikibaka sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga estratehiya sa buhay at ministeryo. Isa sa pinakamabisang estratehiya ni Satanas ay ang panatilihing ignorante ang mga mananampalataya sa kaniyang mga taktika. Sinabi ni Pablo na mahalagang malaman natin ang mga estratehiya ni Satanas…

 

Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagkat kami ay hindi hanggal sa kaniyang mga lalang.  (II Corinto 2:11)

 

Dapat nating matutuhan ang lahat ng maaaring matutuhan tungkol sa mga paraan ni Satanas ng pagatake. Dapat din nating maunawaan ang basehan sa Kasulatan ng tagumpay laban kay Satanas at ang mga puwersa ng masama. Tinatawag tayo sa isang matalinong pakikibaka.

 

Mahalagang malaman ang susing prinsipyo ng espirituwal na pakikibaka upang maunawaan ito:

 

Dapat mong kilalanin na lahat ng pakikibaka ng buhay, ito man ay pisikal, espirituwal, emosyonal, sa pag-iisip, pinansiyal o may mga taong kasali ay panlabas lamang na mga tanda ng isang espirituwal na layunin.

 

 Bagaman sa natural na mundo maraming mga problema ang dumarating sa mga pangyayari sa buhay, ang batayan ng mga natural na digmaang ito ay nasa larangan ng espiritu. Basahin ang kuwento ni Job na nagpapatunay nitong prinsipyong ito (Job kabanata 1-2).

 

Pinilit nating iwasto ang mga kasamaan dito sa mundo sa pamamagitan ng mga gamot, eduksayon, mga batas, at pinabuting kapaligiran. Hindi nakalutas ito ng problema sapagkat ang mga nakikitang kasamaan ng mundo ang tunay na bunga ng espirituwal na dahilan. Hindi sila maaaring lutasin sa pamamagitan ng mga natural na paraan.

 

SAANG KAHARIAN KA KABILANG?

 

Sa natural na mundo ang hari ang pinakamakapangyarihang tagapanguna ng kaharian. Lahat ng teritoryo at mga tao ay pag-aari niya. Mayroon siyang kapangyarihan ng buhay at kamatayan ng mga nasa ilalim niya. Ganoon din sa espirituwal na mundo. Ikaw ay alin sa dalawa, kabilang sa Kaharian ng Dios o Kaharian ni Satanas. Ang Dios o si Satanas ang may kapangyarihan sa iyong buhay.

 

Isa sa mga talinghaga na isinalaysay ni Jesus ay nagpakita na lahat ng tao ay maaaring bahagi ng Kaharian ni Satanas o Kaharian ng Dios. Itinulad ni Jesus ang mundo sa isang bukirin. Ang mabuting binhi sa bukid ay ang mga anak ng Kaharian ng Dios. Ang masamang binhi, na namunga ng mga damo, ay mga anak ng masama:

 

At ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay ang mga anak ng masama. (Mateo 13:38)

 

Ang mga tao ay pumapasok sa Kaharian ni Satanas sa pamamagitan ng natural na kapanganakan. Itinuturo ng Biblia na ang lahat ng tao ay ipinanganak sa kasalanan. Ang ibig sabihin nito ay mayroon silang likas na kasalanan o ang “binhi” ng kasalanan sa loob niya. Ang natural na nais nilang gawin ay gumawa ng masama:

 

            Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.

            (Awit 51:5)

 

 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamataya’y naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala. (Roma 5:12)

 

Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.  (Roma 3:23)

 

Dahil sa tayo ay ipinanganak na may likas na kasalanan, minsan tayong lahat ay naging bahagi ng Kaharian ni Satanas. Lahat ng mga nanatiling makasalanan ay bahagi pa rin ng Kaharian ni Satanas. Ang buong mensahe ng nakasulat ng Salita ng Dios, ang Banal na Biblia, ay isang pakiusap sa tao na umalis mula sa masamang Kaharian ni Satanas patungo sa Kaharian ng Dios.

Ang mga tao ay ipinanganak sa Kaharian ni Satanas sa pamamagitan ng natural na kapanganakan. Dapat silang maipanganak na muli sa pamamagitan ng espirituwal na kapanganakan. Ang pagpasok sa Kaharian ng Dios ay sa pamamagitan ng bagong kapanganakan na ipinaliwanag sa Juan 3 kabanata.

 

May dalawa lamang dibisyon sa di nakikitang digmaan. Ang sinabi ni Jesus ay, “ Siya na hindi para sa Akin ay laban sa Akin” (Lucas 11:23). Hindi ka maaaring tumayo sa gitna sa digmaang ito. Ikaw ay nasa isang bahagi o sa kabilang bahagi sa labanang ito. Ang ibang mananampala-taya, dahil sa takot silang maka-enkuwentro ang kaaway, ay hindi pinapansin ang labanang ito at nakikipagkasundo sa kaaway. Iniisip nila na pag hindi nila pinansin si Satanas, hindi sila guguluhin nito. Ito ang isa sa mga estratehiya ni Satanas. Sinusubukan niyang matakot ang mga kawal ng Dios sa pamamagitan ng kaniyang mga taktika, upang huwag silang kumilos.

 

Subalit walang neutral sa digmaang ito. Ikaw ay alin sa dalawa, biktima o manananagumpay. Ikaw ay maaaring maging matagumpay sa iyong kaluluwa at espiritu o ikaw ay magigin talunan, sira ang loob, at walang pakialam. Ikaw ay maaaring maging matagumpay sa iyong pisikal na katawan o ikaw ay mahina at masasaktin. Alin ang nais mo?

 

Ang espirituwal na panawagan sa pakikibaka ay inihayag na. Ikaw ba ay nasa kampo ng mabuti o masama? Ikaw ba ay bahagi ng Kaharian ni Satanas o ng Kaharian ng Dios? Saang kaharian ka kabilang? Ikaw ba ay biktima o mananagumpay sa hindi nakikitang digmaang ito?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Anu-ano ang dalawang pagkakahati na ginawa sa I Corinto 15: 44-49?

 

________________________________________

________________________________________

3. Anu-ano ang dalawang hindi nakikitang mga kaharian sa mundo ngayon?

 

________________________________________

________________________________________

4. Ilista ang mga espirituwal na puwersa ng kasamaan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Ilista ang mga espirituwal na puwersa ng mabuti.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

6. Ibigay ang katuturan ng salitang “hari.”

 

________________________________________

________________________________________

 

 

7. Ibigay ang katuturan ng salitang “kaharian.”

 

________________________________________

________________________________________

8. Ano ang ibig sabihin ng “espirituwal na pakikibaka”?

 

________________________________________

________________________________________

9. Ano ang dahilan ng malaking pakikibakang espirituwal na ito?

________________________________________

________________________________________

10. Ano ang pinakamahalagang prinsipyo upang maunawaan ang espirituwal na pakikibaka?

 

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

PAGSASAGAWA

 

1. Sinasabi sa Biblia na “lubusin ninyo ang gawain ng sarili niyong pagkaligtas na may takot at panginginig” (Filipos 2:12). Ang kagalingan ay bahagi ng kaligtasan na ibinigay sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay ni Jesuscristo. Maaari mong itanong, “ Kung ito ay ibinigay na sa pamamagitan ng pagtubos, paano mo ito “pagtatrabahuhan?”

 

Ang pananampalataya at ang mga gawa ay magkasama. Ang pananampalataya na walang gawa ay patay, kung paanong ang mga gawa na walang pananampalataya ay walang halaga (Santiago 2: 17-26). Kailangan kang maging tagagawa ng Salita at hindi lamang tagapakinig.

 

Ang pangako ng kagalingan sa araling ito ay nagpapakita na ikaw ay dapat gumawa na nakikipagtulungan sa Dios sa larangan ng pisikal na kalusugan:

 

 …Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa Kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang Kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat Niyang mga palatuntunan ay wala Akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay Ko sa mga Egipcio: sapagkat Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.  (Exodo 15:26)

 

Sa bawat leksiyon sa manwal na ito, sa bahaging “Pagsasagawa” ay kumukuha ng mga konseptong naituro at binibigyan ka ng pagkakataon na gamitin ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa. Tinutulungan ka na maging tagagawa ng Salita, hindi lamang tagapakinig.

 

Ito ay mahalagang bahagi ng aralin. Kung ikaw ay may sakit, ito ay unti-unti kang papatnubayan upang tumanggap ng kagalingan. Kung ikaw ay naglilingkod sa maysakit, ibahagi mo muna ang nilalaman nitong aralin sa kanila at buuin ninyong magkasama ang bahaging ito ng aralin upang mapangunahan mo sila na tanggapin ang kanilang kagalingan.

 

2. Basahin ang kuwento ni Jesus at ng babaing Cananea sa Marcos 7: 24-30. Ipinakikita rito na ang kagalingan ay “tinapay ng mga anak.” Ibig sabihin nito ay ang kagalingan ay para doon sa mga anak ng Kaharian ng Dios. Nagpapagaling din ang Dios ng mga hindi mananampalataya dahil sa kahabagan upang sila ay lumapit sa kaligtasan, subalit ang kagalingan ay para sa mga anak.

 

Kung kailangan mo ng kagalingan, ang unang hakbang ay ang maging anak ka ng Dios. Ikaw ay dapat magsisi ng iyong mga kasalanan at tanggapin si Jesucristo bilang personal na Tagapagligtas at Tagapagpagaling. Kung hindi mo pa nagagawa ito, idalangin mo ang panalanging ito:

 

O Dios, kinikilala ko na ako ay makasalanan, at ako ay nagsisisi ng aking mga kasalanan. Naniniwala ako na si Jesucristo ay Anak ng isa at tunay na Dios, at Siya ang daan, katotohanan, at ang buhay. Tinatanggap ko ang sakripisyong ginawa Niya at naniniwala ako na Siya ay namatay para sa akin sa krus. Patawarin mo ako at linisin mula sa lahat ng aking kasalanan. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

3. Ang isang mabuting espirituwal na pundasyon ay kailangan upang ikaw ay maging matagumpay sa pakikipaglaban. Kung ikaw ay bagong nilalang, kumuha ka ng kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “ Mga Saligan ng Pananampalataya.”

 

4. Nadadama mo bang ikaw ay naging isang biktima ng di nakikitang digmaan? Sa anong larangan ng iyong buhay ka natatalo sa digmaan? Natatalo ka ba sa…

 

            _____Larangang espirituwal?

            _____Larangang emosyonal?

            _____Larangang pisikal?

            _____Larangan ng pag-iisip?

 

Sa pag-aaral mo ng manwal na ito, matututo ka ng mga estratehiya upang matulungan ka sa mga larangang ito.

 

5. Pagbalikan ang kuwento sa II Hari 6 na tinalakay sa araling ito. May kilala ka bang mga tao na katulad ni Gehazi o yaong mga tao sa lunsod ng Dothan na hindi nalalaman ang pag-atake ni Satanas sa kanilang mga katawan? Paano mo sila natutulungan?

 

________________________________________

________________________________________

6. Dahil sa ang espirituwal na pakikibaka ay maraming mga antas, dapat kang makibakang personal laban sa kasalanan, sa larangang sosyal laban sa masama sa sanglibutan, at sa larangang higit sa natural sa pamamagitan ng ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Pasimulan nang manalangin kung ano ang bahagi mo sa espirituwal na digmaang ito. Kung hindi mo pa alam ang espirituwal na pakikibaka, pag-aralan mo pa ang tungkol dito sa kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal sa Pakikibakang Espirituwal.”

 

7. Pag-aralan mo ang buong Biblia bilang isang manwal sa espirituwal na pakikibaka. Ito ay talaan ng kasaysayan ng pakikibakang espirituwal, inaalaala ang mga nagdaang tagumpay at mga pagkatalo sa mga nagdaang digmaan. Ito rin ay may mga hula, na ipinakikita ang digmaang darating hanggang sa dumating ang pangwakas na labanan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  KABANATA

 

ANG TAWAG SA PAKIKIBAKA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin ang mga salitang ginagamit sa pagpapagaling.

-Ibigay ang katuturan ng makalangit na kagalingan.

-Ibigay ang pagkakaiba ng pagpapagaling at pagpapalaya.

-Ipaliwanag kung paano ang pagpapagaling at pagpapalaya ay kaugnay ng utos na abutin ang mundo ng Ebanghelyo.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NG AANGKININ:

 

At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at Aking aalisin ang sakit sa gitna mo.

(Exodo 23:25)

 

PAMBUNGAD

 

Sa Lumang Tipan, ginamit ang trumpeta upang tawagin ang bayan ng Dios sa digmaan. Ngayon, ang espirituwal na panawagan ay umaalingawngaw sa mga bansa ng mundo. Ito ay tawag sa di nakikitang digmaan. Ito ay tawag sa pakikibaka. Ang araling ito ay tawag para sa iyo na magbago mula sa buhay na talunan at pagkabihag tungo sa buhay na matagumpay at may kalayaan kay Jesucristo.

 

KATUTURAN NG MGA SALITA

 

Maraming mga salita ang ginagamit para sa salitang kagalingan:

 

Psychic healing:  Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isip sa ibabaw ng bagay, espiritista, kulam, shamanismo, at kagalingan mula sa okultismo.

 

Supernatural healing:  May mga pinanggagalingan ng kagalingang supernatural na hindi mula sa Dios, kaya hindi natin gagamitin ang salitang ito sa ating pag-aaral. Maaaring gumawa ng mga kamanghamanghang gawa si Satanas (Exodo 7:8-13).

 

Medical healing:  Itong kagalingang ito ay sa pamamagitan ng tulong ng mga doktor, nars, ospital, at mga gamot. Tulad ng natutuhan natin, ang kagalingang galing sa tulong ng medisina ay hindi labag sa Salita ng Dios o ng makalangit na pagpapagaling, kundi ito ay karugtong ng Kaniyang kabutihan.

 

Natural healing:  Ang kagalingan na dumarating dahil sa natural na proseso ng pagpapagaling ng katawan ay galing din sa Dios. Ang natural na kagalingan ay isang katunayan ng dakilang gawa ng Dios sa katawan ng tao. Kasama rin dito ang paggamit ng mga natural na paraan tulad ng tamang pagkain, natural na mga bitamina at mineral, sapat na pahinga, atbp.

 

Faith healing:  Ito ay madalas ginagamit na ang ibig sabihin ay pagpapagaling ng Dios. Subalit hindi natin gagamitin ito sapagkat ang atensiyon ay napupunta sa pananampalataya ng taong nanalangin o ng tumanggap ng kagalingan.

 

Divine Healing:  Ang salitang “divine” ay nagbibigay pansin sa Dios, hindi sa tugon ng pananampalataya ng tao. Ito rin ay nagpapakita ng pagkakaiba sa psychic at supernatural na pagpapagaling. Ang “makalangit” ay tumutukoy sa iisang tunay ng Dios at sa Kaniyang karakter, na inihayag sa Kaniyang Salita, aang Banal na Biblia.

 

Ang ibig sabihin ng “pagpapagaling” ay upang gawing buo. Kasali dito ang maibsan ng espirituwal, pisikal, emosyonal, pag-iisip, at mga kalagayang ginawa ng demonio. Hindi ito kasanayan sa mga sakit. Ang ating mga katawan ay nasa proseso ng “pagkasira” at bukas sa mga atake ng Diablo habang narito tayo sa mundo.

 

Gagamitin natin ang “makalangit na pagpapagaling” sa araling ito. Ito ay nagaganap kung ang tunay na Dios na nagiisa ay nagpakita ng Kaniyang kalikasan, tumupad ng Kaniyang mga pangako, at gumawa ayon sa Kaniyang inilaang kabayaran na ginawa ni Cristo sa krus at pinagaling ang isang tao at ginawa siyang buo sa katawan, kaluluwa, at espiritu.

 

Ang makalangit na kagalingan ay maaaring biglaan (himala) o unti-unti (isang proseso). Bagama’t ang biglaang paggaling ay nagpapakita ng presensiya at kapangyarihan ng Dios, ang unti-unting paggaling ay itinuturing na isa ring himala (tingnan ang Marcos 8: 22-25). Ang paggamot ng doktor at natural na kagalingan ay makalangit din kung ituturing, sapagkat ang katotohan ay ang Dios din ang nagpapagaling nito.

 

PAGPAPAGALING AT PAGPAPALAYA

 

Maaaring gamitin ang dalawang salita na ito nang palitan sa kursong ito. Ang pagpapagaling ay tumutukoy sa kagalingan ng pisikal, emosyonal, at pag-iisip na mga sakit, samantalang ang pagpapalaya ay tungkol sa mga sakit na may kaugnayan sa pagpapahirap ng demonio sa pag-iisip at sa pisikal na kondisiyon.

 

Tulad ng natutuhan mo sa araling ito, dahil sa ang tao ay binubuo ng katawan, kaluluwa, at espiritu, ang sakit na sanhi ng pagpapahirap ng demonio ay maaari ring humantong sa pisikal na sakit. Ang pisikal na sakit ay maaari ring mauwi sa pagpapahirap ng pag-iisip. Kaya bagaman ang pagpapagaling at pagpapalaya ay may pagkakaiba, ang dalawang ito ay magkaugnay din dahil sa tatlong likas ng tao.

 

 

 

ANG TAWAG SA PAKIKIBAKA

 

Ang pananaw ng unang Iglesia tungkol sa kanilang espirituwal na karanasan ay tulad ng sa digmaan. Mga salita ng militar ang ginamit sa Bagong Tipan. Ang proteksiyon ay ang sandata ng Dios. Ang Salita ng Dios ay itinulad sa isang tabak. Ang mga atake ni Satanas ay umaapoy na palaso. Ang pananampalataya ay isang mabuting pakikibaka at ang mga mananampalataya ay sinabihang makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka.

 

Ang buhay Kristiyano ay isang digmaan. Si Satanas ay patuloy na nakikibaka para sa kaluluwa at espiritu ng tao. Inaatake pa rin niya ang pisikal na katawan ng sakit, karamdaman, at pagkabihag. Tinatawag ng Dios ang Kaniyang bayan na makibaka nang may katalinuhan. Ang mga mananampalataya ay tinawag na magsuot ng sandata ng Salita ng Dios at dalhin ang kagalingan at kalayaan sa panahong ito.

 

Sa Bagong Tipang mga Ebanghelyo, hindi kailanman inutusan ni Jesus ang sinuman na mangaral ng Ebanghelyo na hindi kasama sa utos na magpagaling at magpalaya. Ang sabi Niya ay, “Sa paghayo ninyo…magpagaling kayo ng may sakit, magpalayas kayo ng mga demonio…”

(Mateo 10: 1,7-8).

 

Dumating ang mga tao para sa kagalingan at kalayaan. Ang espirituwal na pag-aani ay biglang lumago nang napakarami na kinakailangang humanap ng mga dagdag na manggagawa. Di nagtagal at 70 mga alagad ang kinailangan at sinugo rin upang mangaral, magturo, magpagaling, at magpalaya.  

 

Maraming makabagong paraan ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Kasali rito ang “printing press”, “computer,” radio, telebisyon, “audio at video tapes,” at “satellites.” Ang bilis ng makabagong mga sasakyan ay nakakatulong din sa pagkakalat ng Ebanghelyo. Ang mga bagong teknolohiya ay mapakinabang subalit ang tunay na kapangyarihan ng Dios ay nasa loob pa rin. Ibig sabihin nito ay ang kapangyarihan ay nasa Ebanghelyo mismo. Ito ang inilalarawan ng talinghaga ng lebadura:

 

            At muling sinabi Niya sa kanila, Sa ano Ko itutulad ang Kaharian ng Dios?

 

Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito’y nalebadurahang lahat.  (Lucas 13: 20-21)

 

Ang bahaging ito ay nagpapakita na ang gawain ng Dios ay hindi nangangailangan ng maingay na pag-aaanunsiyo. Baka ang inaasahan mo ay ikalat ang Kaharian sa pamamagitan ng pagbihag ng mga army at mga kontinente. Ang pagkalat ng Kaharian ay tulad ng lebadura sa harina ng tinapay. Maaaring ito ay kakaunti at nakatago, subalit malaki ang nagagawa nito. Tulad ng lebadura, ang kapangyarihan ng lebadura ay hindi panlabas, kundi panloob. Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Dios ay kakalat sa buong “tipak” ng mundo dahil sa kapangyarihan ng Kaharian tulad ng lebadura sa tinapay.

 

Itinulad din ni Jesus ang panloob na kapangyarihan ng Ebanghelyo sa paglago ng buto ng mustasa:

 

            …Sa ano tulad ang Kaharian ng Dios? At sa ano Ko itutulad?

 

Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito’y sumibol, at naging isang punong-kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.  (Lucas 13: 18-19)

 

Tulad ng pagkalat ng lebadura, ang maliit na buto ng mostasa ay nagiging malaking punong kahoy. Ang halimbawang ito ay nagpapakita ng tahimik, subalit makapangyarihang paraan, na lumalago ang Kaharian ng Dios. Sa isang talinghaga, sinabi ni Jesus na walang imposible kahit sa kakaunting pananampalataya tulad ng maliit na buto ng mostasa. Ibig sabihin nito ay ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay hindi limitado sa mga lugar na walang modernang teknolohiya. Kahit kakaunting pananampalataya, lalago ang Kaharian.

 

Ang pinakamalaking pag-aani sa kasaysayan ng Iglesia ay magaganap. Tulad sa panahon ng Bagong Tipan, ito ay maaani sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios sa pagpapagaling at pagpapalaya. Kaya nga sinabi ni Apostol Pablo:

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:

 

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.  (I Corinto 2:4-5)

 

Nang Siya ay bumalik sa Langit, binigyan ni Jesus ng malaking responsabilidad ang mga mananampalataya na ikalat ang Ebanghelyo sa mga bansa ng mundo:

 

… Magsiayon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.  (Marcos 16:15)

 

Hindi mo maaaring gampanan ang responsabilidad na walang kapamahalaan. Binigyan din ni Jesus ang Kaniyang mga tagasunod ng kapamahalaan upang magampanan ang responsabilidad.

Kasama nito ang kapangyarihan higit pa sa kapangyarihan ng kaaway:

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisamplataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa Aking pangalan…ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling.  (Marcos 16: 17-18)

 

Nakahanda ka bang tumugon sa espirituwal na tawag ng pakikidigma at lumipat mula sa buhay ng sakit, karamdaman, at pagkabihag sa buhay ng tagumpay kay Jesucristo? Nakahanda ka bang maglingkod na may mga kasunod na tanda ng kapangyarihan ng Dios? Nakahanda ka bang makidigma para sa pisikal na katawan? Nais mo bang makita ang mga may sakit na gumaling at sila na natatlian ng demonio ay makalaya?

 

Ito ang ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Hindi ito para lamang sa mga lider ng denominasyon. Hindi ito para lamang sa mga pastor at evangelista. “Ang mga tandang ito ay lalakip sa mga magsisisampalataya.”

 

Ikaw ba ay mananampalataya? Kung gayon, ikaw din ay dapat tumugon sa tawag na ito ng pakikibaka.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibigay ang katuturan ng mga salitang ito na ginagamit sa pagpapagaling:

 

“Psychic Healing”:

 

________________________________________

 “Supernatural Healing”:

 

________________________________________

”Medical Healing”:

________________________________________

”Natural Healing”:

________________________________________

”Faith Healing”:

________________________________________

3. Ibigay ang katuturan ng makalangit na pagpapagaling.

 

________________________________________

4. Ano ang pagkakaiba ng pagpapagaling at ng pagpapalaya?

________________________________________

5. Ano ang relasyon ng pagpapagaling at pagpapalaya sa utos na abutin ang mundo ng Ebanghelyo?

________________________________________

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PAGSASAGAWA

 

1. At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisamplataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa Aking pangalan…ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling.  (Marcos 16: 17-18)

 

Ikaw ba ay isang mananampalataya?

 

________________________________________

Kung gayon, ang mga tandang ito ba ay nakikita sa iyo? Gumagaling ba ang mga maysakit at ang mga pinahihirapan ba ng demonio ay pinalalaya?

 

________________________________________

Kung hindi, idalangin mo na sa pag-aaral ng manwal na ito, mabuksan ng Dios ang puso mo na tanggapin ang minsiteryong ito ng pagpapagaling at pagpapalaya na karampatang sa iyo.

 

2. Kung ikaw ay pastor, evangelista, o guro, pag-isipan mo ang sinabi ni Pablo na ito:

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:

 

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.  (I Corinto 2:4-5)

 

Ang walang kapangyarihang pangangaral at pagtuturo ay nagbubunga ng pagsasalita ng “mga salitang panghikayat ng karunungan ng tao” at humihimok na manampalataya sa tao sa halip na sa Dios. Nakikita mo ba si Pablo na naghahanap sa mga scrolls ng mga ilustrasyong nakakatawa para sa kaniyang mga mensahe? Nailalarawan mo ba siya na nagkukuwento ng mga nakatutuwang mga pangyayari sa Athenas at sa Corinto sa kaniyang pagmiministeryo? Nakikita mo ba siya na naghahanda ng ma-dramang programa? Alam ni Pablo na hindi ang mga salitang mapanghikayat, karunungan ng tao, o kaaliwan na magpapalapit sa mga tao sa Dios. Ang nakikita ng taong Espiritu at kapangyarihan ang kailangan. Paano masusukat ang iyong ministeryo?

 

3. Kailangan mo ba ng kagalingan o pagpapalaya? Pag-aralang muli ang katuturan ng kagalingan:

 

Ang makalangit na kagalingan ay pag ipinakita ng Dios ang Kaniyang likas, tinupad Niya ang Kaniyang pangako, at kumilos Siya ayon sa Kaniyang ibinigay na kagalingan sa pamamagitan ng katubusan ni Cristo, at binigyan ka ng lubos na kagalingan ng katawan, kaluluwa, at espiritu.”

 

Ang aming dalangin para sa iyo ay bago ka magtapos ng kursong ito, nakapagpahayag na ang Dios sa iyo ng Kaniyang likas, natupad ang Kaniyang pangako, at sa pamamagitan ng ibinigay na katubusan ni Cristo sa krus, ikaw ay magiging lubos na magaling sa katawan, kaluluwa at espiritu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  KABANATA

 

BAGO ANG LABANAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa  pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Maglista ng apat na karaniwang mga tugon sa pagpapagaling at pagpapalaya.

-Ibuod ang mga babala para sa mga lider na hindi naglilingkod ng kagalingan.

-Ipaliwanag ang pangangailangan para sa wastong pagtuturo tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa iyong mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagkat buhay sa nangakakasumpong, At kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; Sapagkat dinadaluyan ng buhay.  (Kawikaan 4: 20-23)

 

PAMBUNGAD

 

Bago ka magpasimula ng pag-aaral ng pagpapagaling at pagpapalaya, makakatulong na maunawaan ang ilan sa mga damdamin na haharapin mo sa paglilingkod sa larangang ito. Patungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya, maraming mananampalataya ay…

 

HINDI PINANSIN ITO:

 

Ang isang teologo ay pinag-aralan ang 87,125 na mga pahina ng kasulatan ng teolohiya sa mga silid-aklatan ng mga seminaryong ebangheliko. Sa lahat ng mga pahinang ito, 71 lamang ang nagbanggit ng kagalingan; 131 na pahina tungkol sa mga himala; at 85 na pahina sa mga tanda at kababalaghan. Kung ihahambing ang dami ng bilang ng mga talata sa Bagong Tipan sa mababang bilang ng mga pahina ng mga paksa sa modernang teolohiya, makikita natin na iniiwasan ng modernang ebangheliko ang paksang ito.

 

Ang iba ay hindi pinapansin ang kagalingan dahil sa mga babala ng Biblia laban sa maling mga himala. Ito ang naging babala tungkol sa mga himala (Marcos 13: 22-23). Ang iba ay naniniwala sa kagalingan sa teoriya, subalit hindi ito ipinamumuhay. Ang iba ay hindi ito pinapansin sapagkat maraming tanong na hindi masagot tungkol sa sakit at pagdurusa. Ang iba ay hindi pinapansin ang kagalingan dahil sa takot at kabiguan. Mayroon tayong dobleng pamantayan. Nakakapanalangin tayo para sa pinansiyal na pangangailangan, karunungan, at patnubay, subalit takot tayo na manalangin para sa kagalingan. Ang iba ay hindi nauunawaan kung paanong ang pangangatuwiran at materiyalismo ay naka-aapekto sa kanila. Ang marami ay kailangang “makakita upang maniwala” at buyo sa natural at materialismong mundo.

 

HINDI TINANGGAP ITO:

 

Ang ibang tao ay hindi tinatanggap na ang kagalingan at pagpapalaya ay para sa atin ngayon sapagkat wala silang teolohiya, modelo, o karanasan dito.

 

Ang Ebanghelyo sa Bagong Tipan ay naglalaman ng 26 na tala ng pisikal na kagalingan. Lima sa aklat ng Mga Gawa. Ang pisikal na kagalingan ay binanggit sa I Corinto 12: 8-11 at 28-30. Sa Santiago 5:13-16 ay nagbibigay ng tiyak na tagubilin kung paano manalangin para sa mga maysakit. Ang pananalangin sa mga may sakit ay hindi gaanong pinansin nang isulat ang Mga Sulat, at wala namang sinabing laban sa makalangit na kagalingan sa unang iglesia.

 

LALONG PINAHIRAP ITO:

 

Maraming mga tao ang nalito sa pagpapagaling at pagpapalaya at sa mga tradisyon ng tao laban sa Salita ng Dios. Lalo mong matututuhan ang mga tradisyong ito sa Ika-labingisang Kabanata. Ang iba naman ay pinahirap ito ayon sa kanilang karanasan. Maaaring nanalangin sila para sa kagalingan ngunit hindi tinanggap ito. Subalit dapat mong ibatay ang iyong paniniwala sa Salita Ng Dios, hindi sa karanasan (maliban kung ang karanasan ay sumosuporta sa Biblia). Ang mga hindi magagandang modelo ng kagalingan ay lalong pinahirap ang paksang ito. Nakita ng mga tao ang mga personalidad ng kulto, pagpapagaling para sa salapi, pangloloko, at sobrang diin sa pisikal na kagalingan sa halip na kabuuan. Ang pagpapagaling at pagpapalaya ay lalong pinahirap dahil sa pagiging hindi balanse. Kahit anong katotohanan, kahit gaano katama, na binigyan ng sobrang diin at pinabayaan ang ibang katotohanan, ay mali.

 

IPINAGPALIBAN ITO:

 

Ang iba ay ipinagpapaliban ang pananalangin ng pagpapagaling at pagpapalaya sapagkat wala silang sagot sa lahat ng mga tanong. Hindi nila maunawaan kung bakit ang iba ay gumagaling at ang iba ay hindi. (Pag-aaralan mo ito sa Ika-Labingtatlong Kabanata). Hindi kailangang maunawaan ang lahat tungkol sa pagpapagaling bago ka manalangin para sa maysakit o tumanggap nito, tulad ng hindi mo ganap na nauunawaan ang kaligtasan nang tanggapin mo ito at nagpatotoo ka sa iba.

 

Ang ibang mga sagot ay dumarating sa iyo habang nararanasan mo ang paglilingkod at kapangyarihan ng kagalingan ng Dios. Ang ibang mga tanong ay hindi masasagot kailanman. Kung alam mo ang “bakit” at “paano” ng lahat ng bagay, hindi mo na kakailanganin ang Dios. Ang sabi sa Biblia ay “alam natin ang bahagi.” Ang kagalingan ay tungkol sa mga sakit at pagdurusa at laging magkakaroon ng mga misteryo sapagkat ang misteryo ng kasalanan ay gumagawa (II Tesalonica 2:7). 

 

 

 

 

ANG PANGANGAILANGAN NG WASTONG PAGTUTURO

 

Ang pagbabalik-aral sa mga damdamin tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya ay nagpapakita kung bakit kailangan natin ng tamang pagtuturo sa paksang ito. Marami ang nasisira sa pisikal at espirituwal na larangan sapagkat hindi nila alam kung ano ang itinuturo ng Salita ng Dios tungkol sa pagpapagaling.

 

            Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman. (Oseas 4:6)

 

Ang kagalingan (kalubusan) ay bahagi ng Ebanghelyo ng Kaharian na iniutos sa atin na ikalat (Lucas 16: 15-18). Tinawag tayo ni cristo upang mangaral, magturo, magpagaling, at magpalaya. Ang pagpapagaling at pagpapalaya ay hindi dapat kalimutan, subalit hindi rin ito dapat bigyan ng sobrang diin na makakalimutan nang ipangaral ang Ebanghelyo. Ipinakita ng Biblia na ang ating mga iglesia ay dapat maging sentro ng kagalingan (Lucas 14: 16-24). Dapat nating makita ang mga tao na gumagaling sa halip na itinataboy:

 

At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, kundi bagkus gumaling.  (Hebreo 12:13)

 

Bilang mga mananampalataya, kasalanan kung hindi natin ibahagi ang mabuting balita ng kagalingan at pagpapalaya sa nawawala at namamatay na mundo:

 

Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito’y kasalanan sa kaniya.  (Santiago 4:17)

 

Tungkol sa kagalingan, ang ibig sabihin nito ay kung alam natin na iniutos sa atin na magpagaling – at hindi natin ginagawa ito, ito ay kasalanan. Nagbigay ng matinding babala ang Dios sa mga lider na hindi naglilingkod ng pagpapagaling:

 

…Sa aba ng mga pastor ng Israel…Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan…Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: ngunit aking lilipulin ang mataba at malakas; aking pakakanin sila sa katuwiran….

(Ezekiel 34: 2,4,16)

 

PASIMULAN SA TAMANG DAMDAMIN

 

Sa pagpasok mo sa paksa ng pagpapagaling at pagpapalaya, dapat mong gawin ito na may tamang damdamin. Laging tandaan na ang paghahanap at paglilingkod ng kagalingan ay pangalawa sa espirituwal na pagbabalikloob sa pamamagitan ni Jesucristo na siyang pinakadakilang himala ng kagalingan.

 

Iwaksi mo ang mga nakaraang karanasan at ang mga tradisyon na naituro sa iyo. Dapat kang bukas sa pagtuturo. Isa sa mga palatandaan ng karunungan mula sa itaas ay ito ay bukas sa pangangatuwiran (Santiago 3:17). Ikaw ay nasa espirituwal na panganib kung ikaw ay hindi marunong tumanggap ng pagwawasto. Tandaan na ang kasalanan ng pag-aakala ay inilalagay ang Dios sa isang maliit na “hulmahan.” Sa ganitong paraan nagkasala ang mga kaibigan ni Job. Ang pangkalahatang pagsasagawa ng pansariling karanasan ay mali.

 

Pasimulan ang pag-aaral na ito na parang hindi mo pa naririnig ang mga tradisyonal na turo ng tao o ng iyong denominasyon tungkol dito. Tanggapin mo kung ano ang sinabi ng Salita ng Dios: Kung sinabi nito na ikaw ay magaling na, paniwalaan mo ito. Kung sinabing patungan mo ng kamay ang maysakit, ito ang gawin mo.

 

Huwag kang pumasok sa pag-aaral na ito na naghahanap ng mga pormula at mga paraan upang tumanggap o maglingkod ng pagpapagaling. Walang ibinibigay ang Biblia na mga pormula, bagamat maraming mga prinsipyo ang inihayag at ito ang tatalakayin natin. Sa halip na maghanap ka ng mga pormula, unawain mo na ang Manggagamot ay nasa loob mo. Lalo mong pag-ibayuhin ang paghahanap ng kaalaman at ang malapit na kaugnayan sa Kanya.

 

Si Jesus at ang Espiritu Santo ay naninirahan sa loob mo. Ang kagalingan ay hindi isang bagay na hinahanap mo mula sa labas, subalit natututuhan mo itong palayain mula sa loob. Nagsasaliksik ka lamang na maunawaan ang mga prinsipyo na nagpapalaya ng kapangyarihang ito sa loob.

 

ANG MINISTERYO NG PAGPAPAGALING

 

Bago ka magumpisa ng iyong ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya, dapat mong malaman na kung tunay mong susundin ang halimbawa ng ministeryo ni Jesus sa pagpapagaling, ikaw ay:

 

-Magiging alipin sa halip na panginoon:  Marcos 10:44

 

-Magiging pagod, hindi yayaman:  Marcos 6:31; Juan 4:6; Gawa 3:6

 

-Makakatagpo ng mga taong hindi naniniwala:  Marcos 13:58

 

-Makakaranas ng pag-uusig mula sa mga lider ng relihiyon (ang iba ay tulad ng mga Fariseo –mas may malasakit sa mga kautusan at tradisyon  kay sa buhay):  Lucas 6:6-9

 

-Makakaranas ng pag-uusig mula sa mga taong malapit sa iyo: Marcos 6:4; Mateo 13:58

 

-Iwasan ang pagiging tanyag sa halip na hanapin ito:  Marcos 17:16; 8:26; Mateo 8:4

 

-Tanggihan ang anumang personal o materiyal na pakinabang mula sa kapangyarihan ng Dios:

  Gawa 8: 18-24

 

-Tanggihan ang personal na kaluwalhatian:  Gawa 14: 8-18

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Maglista ng apat na karaniwang sagot tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang mga babala sa mga lider na hindi naglilingkod ng kagalingan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Bakit kailangan ang wastong pagtuturo tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Suriin ang iyong damdamin tungkol sa pagpapagaling. Lagyan ng tsek ang angkop sa iyo.

 

            ____ Hindi mo ba ito pinansin?

            ____ Tinanggihan mo ba ito?

____ Lalo mo bang pinahirap ito ng mga tradisyon, karanasan, hindi mabuting mga 

         modelo, at hindi pagiging balanse?

____ Ipinagpaliban mo ba ito?

 

2. Sumulat ka ng plano kung paano maiwawasto ang iyong maling damdamin:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Kung ikaw ay isang espirituwal na lider, ikaw ba ay nangangaral, nagtuturo, at nagmiministeryo ng kagalingan palagi? ______ Kung hindi, sumulat ng plano kung paano mo maiwawasto ito:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Kung nagmiministeryo ka na ng pagpapagaling, paano mo maihahambing ang iyong ministeryo sa ginawa ni Jesus sa:

 

-Magiging alipin sa halip na panginoon:  Marcos 10:44

-Magiging pagod, hindi yayaman:  Marcos 6:31; Juan 4:6; Gawa 3:6

-Makakatagpo ng mga taong hindi naniniwala:  Marcos 13:58

-Makakaranas ng pag-uusig mula sa mga lider ng relihiyon:  Lucas 6:6-9

-Makakaranas ng pag-uusig mula sa mga taong malapit sa iyo: Marcos 6:4; Mateo 13:58

-Iwasan ang pagiging tanyag sa halip na hanapin ito:  Marcos 17:16; 8:26; Mateo 8:4

-Tanggihan ang anumang personal o materiyal na pakinabang mula sa kapangyarihan ng Dios:

  Gawa 8: 18-24

-Tanggihan ang personal na kaluwalhatian:  Gawa 14: 8-18

 

5. Pag-aralan ang Pangako ng Kagalingan sa araling ito:

 

Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa iyong mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagkat buhay sa nangakakasumpong, At kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; Sapagkat dinadaluyan ng buhay.  (Kawikaan 4: 20-23)

 

Pansinin na ikaw ay dapat:

 

            -Makinig sa Salita ng Dios.

            -Ikiling ang iyong pakinig sa Salita ng Dios.

            -Huwag ihiwalay ang iyong mga mata sa Kaniyang Salita.

            -Ingatan mo sa iyong puso.

            -Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap.

 

Ang Salita ng Dios ay may kaugnayan sa iyong kalusugan. Ang mga utos Niya ay:

 

            -Buhay sa kanila na nakasumpong.

            -Kalusugan sa kanilang laman.

 

Pansinin din ang relasyon ng talatang 23 sa kalagayan ng iyong puso tungkol sa mga isyu ng buhay (ang takbo ng mga sisitema ng iyong katawan).

 

6. Ang pagkilala kay Jesucristo bilang pinagmumulan ng tunay na makalangit na kagalingan ay mahalaga sa pagtaas ng tinatawag na “New Age Movement.” Ang kilusang ito ay gumagamit ng mga paraang makatao at humihingi ng tulong sa mga hindi makadios na mga kapangyarihang espirituwal. Ang mga “New Agers” ay gumagamit ng mga patnubay ng espiritu, “channeling,” mga kristal, mga dahon, at iba pang mga rituwal na hindi ayon sa Kasulatan, upang matamo ang kagalingan. Ang mga paraang ito ay dapat iwaksi sapagkat labag ito sa Salita ng Dios.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG BAHAGI

 

 

 

 

 

ANG PAG-ATAKE

 

 

Ang pag-atake ay isang malakas  at mapuwersang paglusob. Ang kasalanan ay ang pag-atake ni Satanas sa kaluluwa at espiritu ng tao. Ang sakit ang kaniyang pag-atake sa pisikal na katawan.

 

Upang epektibong makalaban kay Satanas sa kaniyang mga pag-atake sa iyong pisikal na katawan, dapat mo munang maunawaan ang sakit. Sa bahaging ito, matututuhan mo ang tungkol sa:

 

 

·        ANG PINAGMUMULAN NG SAKIT.

 

·        ANG MGA DAHILAN NG SAKIT.

 

·        MGA URI NG SAKIT.

 

·        ANG HULING BUNGA NG SAKIT.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT  NA  KABANATA

 

ANG PINAGMUMULAN NG SAKIT

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Ilarawan kung paano pumasok ang sakit at kamatayan sa mundo.

-Tukuyin ang pinagmulan ng sakit.

-Tukuyin ang mga nakasisirang elemento ng sakit.

-Ipaliwanag kung ano ang pananaw ng Dios sa sakit.

-Ipaliwanag kung paano ka makalalaya mula sa sumpa ng sakit at kamatayan.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagkat nasusulat, Sinusumpa ang bawat binibitay sa punong kahoy.

(Galacia 3:13)

 

PAMBUNGAD

 

May isang pinagmulan ng sakit, bagaman maraming mga dahilan kung bakit nagkakasakit ang tao. Pinatunayan ito ni Pablo nang sabihin niyang “dahil dito marami ang may sakit” (I Corinto 11:30). Ang kabanatang ito ay tungkol sa pinagmulan ng sakit at ang Ikalimang Kabanata ay sinusuri ang mga dahilan ng pagkakasakit.

 

PAANO PUMASOK ANG SAKIT AT KAMATAYAN SA MUNDO

 

Nakatala sa Genesis 1 at 2 sa Biblia ang kuwento ng pagkalalang ng tao. Nilalang ng Dios ang tao sa Kaniyang sariling wangis, hininga sa kaniya ang hininga ng buhay, at ang tao ay naging buhay na kaluluwa. Nilalang ang tao na may tatlong likas ng katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang katawan ang pisikal na bahagi ng tao. Ang kaluluwa at espiritu ang espirituwal na bahagi na binibigyan siya ng kakayahang kumilos, mag-isip, makadama, makapagpahayag ng emosyon, at espirituwal na makatugon sa Dios. Sa pasimula, ang tatlong bahagi ng tao ay magkakatugma, at ang mga ito ay maayos ang relasyon sa Dios. Ang tao ay walang kasalanan at malusog sa katawan, kaluluwa, at espiritu.

 

Nakatala sa Genesis 3 kung paano ang unang lalake at babae, si Adam at si Eva, ay nagkasala sa Dios sa pamamagitan ng pagsuway sa Kaniyang Salita. Ang kanilang kasalanan ang nagdala ng sumpa ng kasalanan at kamatayan sa lahat ng tao:

 

Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamataya’y naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala.

            (Roma 5:12)

 

Itong sumpa ng kasalanan ay espirituwal na pagkahiwalay ng tao sa Dios at ang pisikal na kamatayan na nagtatapos sa buhay ng tao. Makikita natin kapagdaka ang resulta ng sumpa sa tala sa Genesis. Si Adam at si Eva ay nagtago sa Dios dahil sa espirituwal na sakit ng kasalanan. Sinisi ni Adam si Eva na siyang pasimula ng emosyonal na sakit na bunga ng nasirang relasyon. Pinatay ni Cain si Abel, isang halimbawa ng sakit ng lipunan. Ang pisikal na karamdaman ay pumasok sa pamamagitan ng pagkabaog ni Sara at ang salot kay Abimelech.

 

SI SATANAS ANG PINAGMULAN

 

Nang pumasok ang sumpa ng kamatayan sa tao, pumasok si Satanas sa namamanang katawan ng tao upang gawin ang kaniyang misyon ng paninira. Sinasabi ng Biblia na si Satanas ang pinanggagalingan ng kasamaan sa mundo. Sinabi ni Jesus na siya ay magnanakaw at …

 

Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa… (Juan 10:10)

 

Ang sakit ay sumisira sa katawan, kung paanong ang kasalanan ay sumisira sa espiritu. Ninanakaw ng sakit ang kalusugan, kaligayahan, salapi, oras, pagsusumikap, at lakas. Talagang ito ay pumapatay at sumisira. Kahit ang mga “aksidente” na sumisira sa katawan ay mga ahente ni Satanas.

 

Dahil sa ang pinanggalingan ng sakit ay si Satanas, dapat mong labanan ito kung paanong nilalabanan mo ang tukso. Kung nilalabanan mo ang tusko at kasalanan, ikaw ay nakikipagbakang espirituwal laban sa atake ni Satanas sa kaluluwa at espiritu. Kung kayo ay lumalaban sa sakit, ikaw ay nakikipagbakang espirituwal laban sa mga atake niya sa iyong katawan. 

 

ANG MGA NAKASISIRANG ELEMENTO NG SAKIT

 

Ang bawat sakit ay galing sa mikrobio ng buhay. Kung paanong ang iyong espiritu ay nagbibigay buhay sa katawan, nagbibigay si Satanas ng panirang mga elemento ng sakit. Sa natural na mundo, kumukuha ang Dios ng buhay na selula at pinararami ito upang magbigay buhay at ang bagong bata ay ipinanganak. Pinapalsipika ni Satanas ang positibong proseso ng negatibong pagikot na kaniyang ginagawa. Kumukuha siya ng buhay na selula (virus, cancer, atbp.) at pinararami niya ito upang magdala ng kamatayan. Ito ang “espiritu ng pagkakasakit” na gumagawa sa iyong katawan kung ikaw ay may sakit. Kung ang espiritu ng sakit ay pinalalayas, ang sakit sa iyong katawan ay namamatay. Habang nariyan ang mikrobio sa katawan, ang sakit ay buhay at patuloy na naninira.

 

Bagaman hindi lahat ng sakit ay direktong atake ng espiritu ng demonio, ang mga elemento ng sakit ay narito sa mundo dahil kay Satanas. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng sipon sapagkat ikaw ay nakayapak sa malamig na klima. Hindi ito direktong atake ng espiritu ng demonio, subalit ang mga elemento ng sakit na naging sanhi ng iyong sipon ay narito sa mundo dahil kay Satanas. (Dapat mo ring gamitin ang iyong pag-iisip! Ito ay tatalakayin sa Ika-Dalawangpung Kabanata.)

 

ANG PANANAW NG DIOS SA SAKIT

 

Kung alam mo kung ano ang pananaw ng Dios tungkol sa sakit hindi mo na muli pagdududahan ang pinagmulan nito. Tinatawag ng Dios ang sakit na pagkabihag:

 

            At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job… (Job 42:10)

 

Naparito si Jesus upang mangaral ng paglaya sa mga bihag:

 

Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat Ako’y pinahiran Niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo Niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas. At sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang mga nangaaapi.  (Lucas 4: 18)

 

Tinawag ni Jesus ang sakit na pagkabihag:

 

At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng Sabbath?

(Lucas 13: 16)

 

Naparito si Jesus upang palayain ang mga tao ng katotohanan:

 

            At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.

            (Juan 8: 32)

 

Ang katotohanan ay ang pananaw ni Jesus sa sakit ay pagpapahirap at pinagaling Niya yaong mga pinahihirapan:

 

Samatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng Diablo; sapagkat sumasa Kaniya ang Dios.  (Gawa 10: 38)

 

Itinuturing ng Biblia na kaaway ang kamatayan:

 

            Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.  (I Corinto 15:26)

 

Ang sakit ay itinuturing na hindi kaaya-aya:

 

Sapagkat ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; At walang kagalingan sa aking laman.  (Awit 38: 7)

Ito rin ay tinuturing na masama:

 

            Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya… (Awit 41: 8)

 

May mga talata sa Biblia na nagsasabi na ang Dios ay nagpadala ng salot o sakit. Kahit hindi sa Dios nanggaling ang mga ito, kung minsan ay ginagamit Niya ito upang matupad ang Kaniyang nilalayon upang mahatulan ang kaaway.

 

PAGTUBOS MULA SA SUMPA

 

Natutuhan mo sa araling ito na ang sakit at kamatayan ay bahagi ng sumpa ng kasalanan,  subalit sinabi ng Galacia 3:13, “Tinubos na tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan”. Nang mamatay si Jesus sa krus, kinuha Niya ang sumpa ng kasalanan at kamatayan sa Kaniyang sarili at …

 

… sa pamamagitan ng isang pagsuway (Adam) ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran (Jesucristo), ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay.

 

Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.  (Roma 5:18-19)

 

Ang kaligtasan at kagalingan ay parehong kaloob ng katubusan na ginawa ni Jesus sa krus ng Kalbaryo. Sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, kinuha Niya ang sumpa ng kasalanan, sakit, at kamatayan sa lugar mo. Sapagkat dinala na Niya ang kaparusahan ng kasalanan, hindi mo na kailangang dalhin ito. Sapagkat dinala na Niya ang iyong sakit, hindi mo na kailangang dalhin ito. Sapagkat Siya ay nabuhay na maguli, ikaw din ay mabubuhay!

 

Naparito si Satanas upang pumatay, magnakaw at sumira, subalit sabi ni Jesus…

 

… Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.  (Juan 10:10)

 

Nang tanggapin mo si Jesus, ang sumpa ng kasalanan ay nasira na. Bagaman ikaw ay nakatira sa mortal na katawan na puwede pang atakihin ng kasalanan at sakit, hindi ka na mapapahamak ng sumpa. Pinalaya ka na ni Jesus mula sa sumpa ng kautusan!

 

Kung ikaw ay nagtatanong ng pinanggalingan ng sakit (o iba pang bagay) sa iyong buhay, tanungin mo ang iyong sarili, “Ito ba ay pumapatay, nagnanakaw, at sumisira?” Kung gayon, ang pinagmulan nito ay si Satanas. “Pinasasagana ba nito ang buhay ko?” Kung gayon, ito ay mula sa Dios. Tandaan mo rin…

 

Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino ng pagiiba.  (Santiago 1:17)

Tanungin mo ang iyong sarili: “Ang pagdurusa bang ito ay mabuti at sakdal na kaloob?”

 

Kung hindi mo masasabing “oo,” dapat mong tanggapin kung ano ang sinasabi ng Salita… ang sakit ay hindi mula sa Dios!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Paano pumasok ang kamatayan at sakit  sa mundo?

 

________________________________________

________________________________________

3. Sino ang pinanggalingan ng sakit?

 

________________________________________

4. Ano ang pananaw ng Dios tungkol sa sakit?

 

________________________________________

________________________________________

5. Ano ang natutuhan mo sa araling ito tungkol sa mga nakakasirang elemento ng sakit?

 

________________________________________

________________________________________

6. Paano ka makakalaya mula sa sumpa ng sakit at kamatayan?

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Kung dadalhin mo ang iyong opiniyon ng sakit na kaayon sa opiniyon ng Dios, paano mo titingnan ang sakit?

 

________________________________________

________________________________________

2. Ang Dios ay hindi pinagmumulan ng pagdurusa subalit magagamit Niya ito upang matupad ang Kaniyang mga pakay. Pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa na nagpapakita nito:

 

            -Ang mga salot sa Egipto:  Exodo 7-11

            -Ketong ni Miriam:  Bilang 12:10

            -Sakit ni Haring Jehoram:  II Cronica 21: 18

            -Ketong ni Gehazi:  II Hari 5: 27

            -Kamatayan ng anak ni David:  II Samuel 12: 18

            -Kamatayan ng mga anak na lalake ni Eli:  I Samuel 2:34

            -Ang pagdurusa ni Job:  Aklat ni Job

            -Hindi karapat-dapat na mapapait na karanasan ni Jose:  Genesis 45: 5-7

            -Pagkabayubay ni Jesus sa krus:  Marcos 14:35-36 at Roma 5: 6-12

            -Pagkabilanggo ni Pablo:  Filipos 1: 12, 19

            -Ang tinik sa laman ni Pablo:  II Corinto 12:7

 

3. Isipin mo ang panahon na ikaw ay nagdusa. Paano ginamit ito ng Dios para sa Kaniyang kaluwalhatian?

 

________________________________________

________________________________________

4. Hindi ang Dios ang pinagmulan ng iyong pagdurusa ngayon, subalit paano mo iniisip na magagamit Niya ito para sa Kaniyang ikaluluwalhati? Ipanalangin mo ito.

 

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

5. Ano ang natutuhan mo sa araling ito na magagamit mo upang palakasin ang loob ng isang nagdurusa?  Ibahagi mo ito sa kanila bago ka magpatuloy sa susunod na aralin.

 

________________________________________

________________________________________

6. Itanong mo ang mga sumusunod na mga tanong tungkol sa iyong sakit o ng isa na pinaglilingkuran mo:

 

-Ito ba’y pumapatay, nagnanakaw, o sumisira? Kung gayon, ang pinagmulan nito ay si Satanas.  (Juan 10:10)

-Binibigyan ka ba nito ng lalong masaganang buhay? Kung gayon, si Jesus ang pinagmulan nito.  (Juan 10:10)

-Ito ba ay mabuti at sakdal na kaloob? Kung hindi, hindi ito galing sa Dios. (Santiago 1:17)

 

7. Naniniwala ka ba na ikaw ay tinubos na mula sa sumpa ng kamatayan at sakit? ______
Kung hindi, pagbalik-aralan mo ang kabanatang ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG  KABANATA

 

 MGA DAHILAN NG PAGKAKASAKIT

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin ang limang dahilan ng pagkakasakit.

-Ipaliwanag kung paano nagbubunga ng sakit ang pagsuway sa mga batas na espirituwal.

-Ipaliwanag kung paano nagbubunga ng sakit ang mga gawa ni Satanas.

-Ipaliwanag kung paano nagbubunga ng sakit ang pagsuway sa mga batas na natural ng Dios.

-Ipaliwanag kung paano nagbubunga ng sakit ang hindi pagkilala nang wasto sa Katawan ni Cristo.

-Talakayin ang utos sa Biblia na sirain ang laman upang mailigtas ang espiritu.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; ngunit ngayo’y tinutupad ko ang Iyong Salita. Mabuti sa akin na ako’y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan Mo. Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin Mo; sapagkat sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay Mo ako. (Mga Awit 119: 67,71,93)

 

PAMBUNGAD

 

Isa ang pinagmulan ng sakit at iyan ay si Satanas, subalit ang mga dahilan kung bakit ang sakit ay dumarating sa iyo ay iba’t iba. Narito ang ilang mga dahilan ng pagkakasakit:

 

PAGLABAG SA MGA BATAS NA ESPIRITUWAL

 

Nang magkasala ang tao, nagumpisa na ang kamatayan na gumawa sa ating katawan:

 

Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamataya’y naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala.

            (Roma 5:12)

 

            Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan… (Roma 6: 23)

 

Ang sakit ay bunga ng kasalanan, subalit ang sakit ng isang tao ay hindi laging dahilan ng sarili nilang kasalanan. Nilinaw ito ni Jesus sa Kaniyang halimbawa ng taong bulag mula pa sa kapanganakan (Juan 9:1-3). Kung ang parusa ng Dios sa kasalanan ay ang pagkakasakit, ang lahat ng makasalanan at nagkakasalang Kristiyano sa mundo ay may sakit.Totoo na ang kasalanan at sakit ay may koneksiyon, subalit dapat kang mag-ingat kung paano mo isasagawa sa bawat isa. Maaari itong gamitin bilang isang kombinienteng paraan upang pabayaan ang maysakit at idahilan ang iyong kawalan ng kapangyarihan.

 

Isa sa pinaka hindi tamang gamit ng Kasulatan ay ang sakit ay bunga ng pagkakasala ng tao o ang kaniyang kawalan ng pananampalataya. Totoo na pag hindi mo sinunod ang batas ng Dios, ikaw ay magdurusa. Ito ay pagdurusa sa iyong mga nagawang kasalanan. Para sa makasalanan, ito ay paghuhukom. Para sa mananampalataya, ito ay palo. Subalit kahit na ikaw ay sumusunod sa batas ng Dios, ikaw ay magdurusa pa rin sapagkat ikaw ay nabubuhay sa isang makasalanang sanglibutan. Ang matuwid at ang hindi matuwid ay nagdurusa dahil sa presensiya ng kasalanan sa sanglibutan.

 

Ang isang halimbawa ng pagdurusa para sa personal na kasalanan ay ang nagkaroon ng sakit na AIDS dahil sa kanilang makasalanang imoralidad. Ang isang halimbawa ng pagdurusa dahil sa kasalanan sa mundo ay ang isa na nagkaroon ng AIDS na nakuha dahil sa pagsasalin ng dugo.

 

Maraming mga reperensya sa Biblia na nagpapakita na ang sakit ay kaugnay ng kasalanan. Sinasabi ng Roma 6:19 na ang mga sakit ay dumarating dahil sa karumuhan (kasalanan). Pag ikaw ay sumusuway sa mga espirituwal na kautusan, ikaw ay lumalakad sa ilalim ng sumpa na inilarawan sa Deuteronomio 28. (Tingnan din ang Marcos 2: 1-12; Juan 5: 1-11, 14; Santiago 5: 14-16; at Awit 38: 3,7). Ang kasalanan ay kaugnay din ng kasalanan ng grupo (tingnan ang Gawa 5: 1-11 at I Corinto 11: 27-32).

 

Ang kagalingan ay maaaring mawala dahil sa pagbalik sa kasalanan:

 

Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya’y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.  (Juan 5:14)

 

PAGLABAG SA MGA BATAS NA NATURAL

 

Ang ibang sakit ay nangyayari pag sinuway mo ang natural na mga batas ng Dios. Narito ang ilang mga halimbawa:

 

            -Hindi wastong pagkain (sobra o kulang sa timbang)

            -Sobra magtrabaho, masyadong abala.

            -Hindi sapat na pahinga.

            -Kulang sa pagpipigil sa sarili na nagbubunga ng galit, kapaitan, atbp.

            -Kulang ng maayos na relasyon sa iba (kapaitan, hindi nagpapatawad, atbp.)

            -Ehersisyo (sobra o kulang).

            -Paggamit ng pinagbabawal na gamot at alkohol: Mga toxic na kemikal na pumapasok sa

katawan.

-Pagsuway sa natural na mga batas tulad ng batas ng “gravity.”

  (Halimbawa: Kung tumalon ka mula sa isang gusali, ikaw ay masasaktan!).

-Sadyang inilalagay ang iyong sarili sa mapanganib na mga gawain at ayaw gumamit ng mga kagamitang pangkaligtasan (tulad ng “seat belt” sa kotse, salaming proteksiyon sa mata ng trabahador, helmet sa lugar ng “construction”, atbp.).

 

MGA PAGSALAKAY NI SATANAS

 

Kung minsan ang sakit ay dumarating na direktong atake ni Satanas. Si Job ang pinakamabuting halimbawa nito (Job 1-2). Nakaranas si Job ng pisikal, mental, at emosyonal na sakit dahil sa atake ni Satanas. Hindi siya nagdusa dahil sa kaniyang sariling kasalanan. Mismong Dios ang nagpatotoo na si Job ay isang taong matuwid.

 

Ang kasalanan ay ang atake ni Satanas sa espirituwal na tao. Ang sakit ang kaniyang atake sa natural na tao. Sa Bagong Tipan at sa panahon ngayon, ang matuwid ay nasasali sa mga pagsalakay ni Satanas sapagkat tayo ay napasok sa pakikibaka laban kay Satanas, at sa bawat labanan ay mayroong namamatay.

 

Inaatake ni Satanas ang iyong katawan gayon din ang iyong kaluluwa at espiritu. Ang iyong isip, katawan, at ang lumang pagkatao ng “laman” (ang pita ng mata, kayabangan ng buhay, ang mundo, at ang iyong mga sentido) ang mga lagusan ng pagsalakay. Bagaman inaatake ka ni Satanas sa buhay pisikal at espirituwal , wala siyang karapatang tumira sa iyong kaluluwa at espiritu. Ang pagkikipaghamok ni Satanas sa katawan ng mananampalataya ay maitutulad sa pakikidigma ng mga guerilla. Wala silang legal na karapatan sa teritoryong yaon, subalit nagpupumilit silang manatili doon. Sa mundong ito, laging magkakaroon ng sakit, kung paanong laging may kasalanan, subalit sa espirituwal na pakikidigma maaari mong labanan ang sakit kung paano mo nilalabanan ang kasalanan.

 

HINDI KINIKILALA NANG WASTO ANG KATAWAN NI CRISTO

 

Ang sinabi ni Pablo ay marami ang mahina at may sakit sapagkat hindi nila kinikilala nang wasto ang Katawan ni Cristo at nakikisalo sa Komuniyon nang hindi nararapat. Ang Komuniyon ay ang pagkain ng tinapay at katas ng ubas na sagisag ng Katawan at dugo ng Panginoong Jesucristo. Nagbabala si Pablo:

 

Kaya’t ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

 

Datapuwat siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.

 

Sapagkat ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.

 

Dahil dito’y marami sa inyo ang mahihina at masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.  (I Corinto 11:27-30)

 

Maaari mong hindi kilalanin ang Katawan ni Cristo sa tatlong paraan:

ANG KAHULUGAN NG DUGO AT LAMAN:

 

Hindi mo kinikilala ang Katawan ni Cristo kung hindi mo nauunawaan ang kahulugan ng katas ng ubas at tinapay. Ang mga natural na elementong ito ay espirituwal na simbolo ng dugo at laman ni Jesus. Bagaman maraming mga tao ang nakakaunawa ng dugo ni Cristo para sa kapatawaran ng kasalanan, madalas ay hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng Katawan ni Cristo. Ang Katawan ni Cristo ay nasira para sa iyong kagalingan (tingnan ang Juan 6: 48-58 at Lucas 6: 48-51).

 

PAGKAKAHATI-HATI  SA KATAWAN:

 

Kung minsan hindi natin kinikilala ang Katawan ni Cristo kung hindi natin pinahahalagahan ang pagsasamahan ng magkakapatid sa Panginoon. Kung nagkakaroon ng mga pagkakahati sa Iglesia, hindi natin kinikilala ang Katawan Ni Cristo. Kumakain tayo at umiinom ng hindi nararapat kung hindi natin nauunawaan ang ating espirituwal na pagkakaisa sa mga kapatid sa Panginoon. Ipinaliwanag ni Pablo sa I Corinto 3: 1-13 na ang mga karnal na Kristiyano na kabahagi sa pagkakahati ay hindi dapat kumain ng Salita dahil sa kanilang pagkakarnal.

 

KUMAKAIN NG HINDI NARARAPAT:

 

Kumakain tayo ng hindi nararapat kung tayo ay nakikisalo sa komuniyon na hindi nagsisiyasat ng ating buhay. Ang kahinaan at sakit ang bunga ng gumagawa nito. Kaya sinabi ni Pablo na saliksikin mo ang iyong buhay espirituwal at magsisi ka bago makisalo sa Komuniyon.

 

PAGKASIRA NG LAMAN UPANG MAILIGTAS ANG ESPIRITU

 

Pinahihintulutan ng Dios ang ilan na mapunta kay Satanas upang masira ang laman para madisiplina. Hindi naglalagay ng sakit ang Dios sa isang tao, subalit pinahihintulutan Niya ito. Mababasa mo ito sa I Corinto 5: 1-7. Sa bahaging ito, ipinakita ng Biblia:

 

Kung paano ito gagawin:  Dapat gawin ito sa…

 

            1. Pagkakaisa.

            2. Sa espiritu at kapangyarihan ng Panginoon.

            3. Sa Pangalan ng Panginoon.

 

Bakit dapat itong gawin:  Dapat gawin ito sapagkat mayroong…

 

            1. Pakikiapid.

            2. Pag-uugaling masahol pa sa sanglibutan (mga Gentil).

            3. Kayabangan.

            4. Kulang sa pagsisisi.

            5. Kasamaan sa kalagitnaan ng bayan ng Dios.

 

 

 

Ang mga pakay: 

 

            1. Pang-isahang pakay: Pagsira ng laman upang mailigtas ang espiritu.

            2. Pangkalahatang pakay: Linisin ang kasalanan bago mahawa ang iba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Anu-ano ang limang dahilan ng sakit na tinalakay sa araling ito?

_______________   ________________   _______________   _____________   ___________

3. Paano magbubunga ng sakit ang pagsuway sa mga espirituwal na batas?

 

________________________________________

4. Paano magbubunga ng sakit ang mga aktibidades ni Satanas?

________________________________________

5. Paano magbubunga ng sakit ang pagsuway sa mga natural na batas ng Dios?

 

________________________________________

6. Paano magiging resulta ng kasalanan ang hindi pagkilala sa Katawan ni Cristo?

 

________________________________________

 

7. Ipaliwanag ang utos ng Biblia na sirain ang laman upang mailigtas ang espiritu.

 

Paano ito gagawin? ________________________________________

Bakit ito kailangang gawin? ____________________________________

Anu-ano ang mga pakay nito? ___________________________________

________________________________________



 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Magisip ka ng dahilan ng iyong sakit o ng taong pinaglilingkuran mo. Ito ba ay dahil sa…

 

            -Pagsuway ng espirituwal na mga batas?

            -Pagsuway sa mga natural na batas?

            -Mga atake ni Satanas?

            -Hindi kinikilala ang Katawan ni Cristo?

            -Pagsira sa laman upang ang espiritu ay mailigtas?

 

2. Iniisip mo bang ikaw ay may sakit (o nagkasakit) dahil sa pagdidisiplina? Ano ang dapat mong gawin (o ginawa) batay sa Santiago 5: 14-16?

________________________________________

________________________________________

3. Kung ang iyong sakit o ng sinuman na pinaglilingkuran mo ay bunga ng pagsuway sa natural na batas ng Dios, ano ang dapat gawin upang maiwasto ito?

 

________________________________________

________________________________________

4. Kung ang iyong sakit o ng sinuman na pinaglilingkuran mo ay bunga ng pagsuway sa espirituwal na batas, ihayag at pagsisihan ito at angkinin ang I Juan 1: 8-9, o patnubayan mo sila na gawin ito.

 

________________________________________

________________________________________

5. Iniisip mo bang ikaw o ang taong pinaglilingkuran mo ay hindi kinilala nang wasto ang Katawan ni Cristo? Kung gayon, pagsisihan mo ito at humingi ng tawad, at manalangin para sa kagalingan ng pisikal na kondisyon.

 

________________________________________

________________________________________

6. Kung iniisip mong ang iyong sakit o ang sakit ng iba na pinaglilingkuran mo ay sanhi ng demonio, talian mo ang espiritu ng sakit sa panalangin at pakawalan mo ang kapangyarihan ng kagalingan ng Espiritu Santo.

 

________________________________________

________________________________________

7. Pag-aralan ang Pangako ng Kagalingan para sa araling ito:

 

 

Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; ngunit ngayo’y tinutupad ko ang Iyong Salita. Mabuti sa akin na ako’y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan Mo. Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin Mo; sapagkat sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay Mo ako. (Mga Awit 119: 67,71,93)

 

Ipinakita ng bahaging ito na nakaranas si David ng sakit dahil sa pagsuway niya sa mga batas na espirituwal. Ano ang natutuhan niya sa karanasang ito? Ano ang nagdala ng kagalingan sa kaniyang kalagayan? Paano mo maisasagawa ang natutuhan ni David sa iyong sariling buhay?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM  NA  KABANATA

 

MGA URI NG SAKIT

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Isulat ang limang uri ng sakit.

-Ibigay ang katuturan ng espirituwal na sakit.

-Ibigay ang katuturan ng pisikal na sakit.

-Ibigay ang katuturan ng sakit sa pag-iisip.

-Ibigay ang katuturan ng emosyonal na sakit.

-Ibigay ang katuturan ng mga kondisyon na sanhi ng demonio.

 

MGA PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagkat ako’y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagkat ang aking mga buto ay nagsisipangalog. Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: At Ikaw Oh, Panginoon, hanggang kailan? Naririnig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.  (Awit 6: 2,3,9)

 

PAMBUNGAD

 

Kung pinag-uusapan natin ang “sakit o karamdaman” ang sakop nito ay anumang espirituwal, pag-iisip, emosyonal, pisikal na kondisyon na hindi nasa ayos tulad ng nilalang ng Dios. May limang uri ng sakit. Ang mga ito ay:

 

MGA ESPIRITUWAL NA SAKIT

 

Ang espirituwal na sakit ay kasalanan. Kung hindi malutas, ang kasalanan ay nakamamatay sa usapang espirituwal. Ang siensiya ng medisina o natural na pagpapagaling ay walang magagawa patungkol dito. Lahat tayo ay apektado ng espirituwal na sakit sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga. Ang kagalingan ng espirituwal na sakit ay pagsisisi, pagtanggap ng kapatawaran ng kasalanan, at pagtanggap kay Jesuscristo bilang sariling Tagapagligtas.

 

MGA PISIKAL NA SAKIT

 

Ang pisikal na sakit ay bunga ng mga diprensiya sa mga laman loob. Ito ay makikita ng mga doktor. Sa mga ganitong diprensiya may mga bahagi ng katawan na nasira. Ang pisikal na sakit ay maaari ring bunga ng hindi tamang pagtatrabaho ng mga “organ” sa katawan o anumang bahagi ng katawan. Sa ganitong problema, ang isang “organ” na hindi nagtatrabaho nang wasto ay nakaka-apekto sa buong katawan. Ang karaniwan ay sakit sa puso, mataas na presiyon ng dugo, diabetes, ulcer sa bituka, at mga allergies. Dahil sa magkakaugnay ang buong tao, ang sakit sa isang bahagi ay nakaka-apekto sa buong katawan. Kaya ang mga sakit na bunga ng hindi tamang pagtatrabaho ng bahagi ng katawan, kapag hindi naiwasto ay magbubunga ng sakit ng mga “organs.”

MGA SAKIT SA EMOSYON

 

Ang mga sakit sa emosyon ay bunga ng mga nakasasamang mga emosyon tulad ng galit, pagkapoot, kapaitan, atbp. Ang kagalingan ay manggagaling sa maayos na relasyon sa Dios (vertical) at pagpapatawad sa kapuwa (horizontal) at kagalingan ng relasyon. Ang kapatawaran mula sa itaas ay nangyayari kung humihingi ka ng tawad sa Dios para sa makasalanang mga emosyon. Kung magsisi ka, pinagagaling ng Dios itong mga panloob na kondisyon. Ang “horizontal” na kapatawaran at kagalingan ay bunga ng pagpapatawad mo sa iba. Ang tawag ng iba rito ay “panloob na kagalingan”, bagaman inabuso ng iba ang salitang ito at pinalawak upang isama ang mga karanasan na hindi ayon sa Biblia.

 

MGA SAKIT SA PAG-IISIP

 

Ang sakit sa pag-iisip ay mahinang pag-iisip bunga ng isip bata, sakit, aksidente, nerbiyos, depecto mula nang ipanganak, at mga kondisyon sa pag-iisip na hindi direktong sanhi ng presensiya ng demonio.

 

MGA KONDISYON NA SANHI NG DEMONIO

 

Ang mga kondisyong sanhi ng demonio ay pagsapi, pagpapahirap, pagkabuyo, at mga kondisyon ng pag-iisip at katawan. Ang kondisyon na sanhi ng demonio ay nangangailangan ng tanging uri ng kagalingan na tinatawag na pagpapalaya. Ang pagpapalaya at pagpapagaling ay magkaugnay, subalit binigyan ito ng pagkakaiba sa Kasulatan:

 

At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.

At sila’y sinugo Niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit.  (Lucas 9: 1-2)

 

Lalo mo pang matututuhan ang mga kondisyong sanhi ng demonio sa Ika-Anim na Bahagi ng kursong ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Anu-ano ang limang uri ng sakit?

 

____________________________________     _____________________________________

____________________________________     _____________________________________

                                  _______________________________________

3. Ano ang espirituwal na sakit?

________________________________________

4. Ano ang pisikal na sakit?

________________________________________

5. Ano ang pinagmumulan ng emosyonal na sakit?

________________________________________

6. Ano ang sakit sa pag-iisip?

________________________________________

7. Ano ang mga kondisyon na ang demonio ang may kagagawan?

________________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit na ito ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

PAGSASAGAWA

 

1. Suriin mo na may pananalangin ang iyong sakit o ang sakit ng iyong pinaglilingkuran. Anong uri ng sakit ang kinakaharap mo? Ito ba ay…

 

            ____Esprituwal?

            ____Pisikal?

            ____Sa pag-iisip?
            ____Emosyonal?

            ____Kagagawan ng demonio?

 

2. Isulat ang iyong dahilan kung bakit pinaniniwalaan mong ito ay…

 

Espirituwal na sakit:

________________________________________

________________________________________

Pisikal na sakit:

________________________________________

________________________________________

Sakit sa pag-iisip:

________________________________________

________________________________________

Emosyonal na sakit:

________________________________________

________________________________________

Isang kondisyon na kagagawan ng demonio:

________________________________________

________________________________________

 

 

 

3. Dahil sa magkakaugnay ang likas ng tao, ang sakit sa isang bahagi ay nakaka-apekto sa buong katawan. Nakikita mo bang totoo ito sa iyong sakit o sa sakit ng pinaglilingkuran mo?

 

Paanong ang pisikal na kondisyon ay nakaka-apekto sa katawan, emosyon, at pag-iisip?

________________________________________

Paanong ang espirituwal na kondisyon ay nakaka-apekto sa katawan, emosyon, at isip?

________________________________________

Paanong ang emosyonal na kondisyon ay nakaka-apekto sa katawan, isip, at espiritu?

________________________________________

Paanong ang sakit sa pag-iisip ay nakaka-apekto sa katawan, espiritu, at emosyon?

________________________________________

4. Pag-aralan ang mga talata ng kagalingan para sa araling ito na nasa Awit 6:
 

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagkat ako’y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagkat ang aking mga buto ay nagsisipangalog (talatang 2). Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: At Ikaw Oh, Panginoon, hanggang kailan? (talatang 3). Naririnig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin (talatang 9). 

 

Ang talatang 2 ay tungkol sa pisikal na kalagayan. “Ang aking mga buto ay nagsisipangalog.”

Ang talatang 3 ay nagsasaad ng espirituwal na kondisyon: “Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam.” Sa talatang 3 ang Salmista ay naghihintay sa kaniyang kagalingan:

“Oh Panginoon, hanggang kailan?” (Nagtanong ka na ba ng ganito patungkol sa kagalingan?) Ang talatang 9 ay nagpapakita ng kaniyang pananalig sa Dios: “Narinig ng Dios ang aking pananaing” (“narinig” ay pangnakaraan). “Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin”

(“tatanggapin” ay panghinaharap). Ang dalangin niya para sa kagalingan ay narinig na, kahit na ang kapahayagan nito ay sa hinaharap pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-PITONG  KABANATA

 

ANG MGA BUNGA NG SAKIT

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin ang dalawang mga bunga ng sakit.

-Tukuyin ang dalawang uri ng kamatayan.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Sapagkat nalalaman Ko ang mga pagiisip na Aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. (Jeremias 29:11)

 

PAMBUNGAD

 

Dalawa lamang ang maaaring maging bunga ng sakit. Ito ay maaaring para sa kaluwalhatian ng Dios o isang sakit sa ikamamatay. Sa parehong pagkakataon, ang pangako ng Dios ay:

 

Sapagkat nalalaman Ko ang mga pagiisip na Aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. (Jeremias 29:11)

 

ISANG SAKIT PARA SA KALUWALHATIAN NG DIOS

 

Ang isang sakit na sa ikaluluwalhati ng Dios ay kung ang isang tao ay niluluwalhati ang Dios sa kaniyang patotoo, buhay at ministeryo. Mababasa mo ang kuwento ng isang lalaking bulag mula nang ipanganak sa Juan kabanatang 9. Ganito ang sabi ni Jesus patungkol sa lalaking ito:

 

…Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.  (Juan 9:3)

 

Nang gumaling ang bulag na lalake, tumanggap ng kaluwalhatian ang Dios sa kaniyang testimonio. Ang Dios ang laging dapat tumanggap ng kaluwalhatian para sa tamang pagpapagaling. (Ibig sabihin ng “tamang” pagpapagaling ay kagalingang hindi galing kay Satanas.)

 

 

 

 

NATURAL NA KAGALINGAN:

 

Ang Dios ang nabibigyan ng papuri para sa makalangit na pagpapagaling, siempre, subalit Kaniya rin ang kaluwalhatian para sa natural na kagalingan sa pamamagitan ng natural na proseso ng katawan. Nilalang ng Dios ang katawan at ipinakikita ang Kaniyang likas at kapangyarihang lumalang sa pamamagitan ng mga natural na proseso ng katawan.

 

MEDIKAL NA KAGALINGAN:

 

Ang kapurihan ay sa Dios pa rin kahit na ang kagalingan ay sa pamamagitan ng tulong ng medisina. Ang sabi sa Biblia ay lahat ng mabubuting kaloob ay galing sa Dios (Santiago 1:17). Kabilang dito ang mga medisina, mga bitamina, at ibang mga sustansiya na pinakikinabangan ng katawan. Maraming gamot ang nanggagaling sa mga natural na sustansiya mula sa mga halaman at mga bagay na nilalang ng Dios noon una pa lamang.

 

KAAGAD AT NAAANTALA:

 

Kung minsan ang tao ay gumagaling na biglaan, subalit kung minsan naman ay naaantala ang kagalingan, at gumagaling paglipas ng panahon o unti-unti. Tingnan natin ang mga halimbawang ito:

 

            -Si Zacarias ay hindi gumaling hanggang hindi naipanganganak si Juan:  Lucas 1:20

 

            -Si Hannah ay hindi magka-anak hanggang sa tamang panahong itinakda ng Dios:

              I Samuel 1: 5-19

 

            -Sa kabila ng pananampalataya ni Abraham, sila ni Sarah ay hindi magka-anak hanggang

             sa dumating ang takdang panahon ng Dios:  Hebreo 11:11

 

Kahit kaagad o unti-unti, ang Dios ang dapat tumanggap ng kaluwalhatian para sa kagalingan.

 

SAKIT NA HUMAHANTONG SA KAMATAYAN

 

Sa Juan 11:4 ang sabi ni Jesus ay ang pagkakasakit ni Lazaro ay hindi sa ikamamatay. Ibig sabihin nito na mayroong sakit na sa ikamamatay. Ang pakay ng kagalingan ay hindi ang walang kamatayan. Ang makalangit na pagpapagaling ay hindi rin ito naaabot, tulad ng kagalingan sa tulong ng medisina. Kahit yaong binuhay ni Jesus mula sa patay ay namatay din sa wakas, kasama si Lazaro.

 

May dalawang uri ng kamatayang binabanggit sa Biblia. Ang maagang pagkamatay ay nangyayari kung ang tao ay nasira ang laman nang maaga upang mailigtas ang kaniyang espiritu (I Corinto 5:4-5). Pinag-aralan mo na ito sa Ika-limang Kabanata.

 

Ang pangalawang uri ng kamatayan na binanggit sa Biblia ay yaong itinakdang kamatayan. Ang bawat tao ay may nakatakdang panahon ng pagkamatay (Hebreo 9:2; Eclesiastes 3:2). Kahit si Eliseo, ang dakilang propeta ng Dios na gumawa ng maraming himala ng kagalingan, ay nagkasakit ng “sakit sa ikamamatay” (II Hari13:14). Sa iyong takdang panahon ng kamatayan, posibleng huminto ka na lang ng paghinga sa halip na magkasakit at mamatay:

 

…Iyong inaalis ang kanilang hininga, sila’y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. (Awit 104: 29)

 

Kahit matanda na si Moises, wala siyang tanda ng katandaan. Si Josue ay “matanda na at puspos ng mga taon.” Pinahintulot ng Dios na ang isa ay hindi makaranas ng katandaan, samantalang ang isa ay nakaranas ng proseso ng natural na pagtanda. Walang kinalaman ang kanilang buhay espirituwal dito. Kapwa sila mga dakilang mga lider na espirituwal. Iingatan ka ng Dios kahit ang katawan mo ay makaranas ng natural na proseso ng pagtanda at pagkamatay sa pamamamgitan ng sakit o ikaw ay makalangit na iningatan.

 

Madalas tayo ay nagkakamaling mamuhay na nakakulong sa panahon sa halip na sa walang hanggan. Bilang isang mananampalataya, ikaw ay namumuhay na sa buhay na walang hanggan kahit ikaw ay nabubuhay dito o sa kabila ng kamatayan. Pag namatay ang isang mananampalataya, ito ang lubusang kagalingan sa loob ng walang hanggan.

 

Tandaan…Ikaw ay tatanggap ng kagalingan: Para sa iba, ito ay magaganap dito. Ititindig ka ng Dios at luluwalhatiin mo Siya sa pamamagitan ng iyong patotoo, ng buhay, at ministeryo.

 

Ang iba ay tatanggap ng lubusang kagalingan sa pagdaan nila sa kamatayan at matagumpay na papasok sa presensiya ng Panginoon na may katawan, kaluluwa, at espiritu na lubusang magaling.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Anu-ano ang dalawang panghuling resulta ng sakit?

 

________________________________________

________________________________________

3. Anu-ano ang dalawang uri ng kamatayan na tinukoy sa Kasulatan?

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

PAGSASAGAWA

 

1. Kung ang iyong sakit o ang sakit ng pinaglilingkuran mo ay may taning, Dios lamang ang magpapahiwatig kung ito ay “sakit sa ikamamatay” o para sa “ikaluluwalhati ng Dios.” Malibang ipahiwatig ng Dios na itong sakit na ito ay sa ikamamatay, dapat kang magpatuloy na ipanalangin ang kagalingan ayon sa kalooban ng Dios.

 

2. Ang pagpapagaling ng medisina at ang natural na kagalingan ay mula sa Dios, tulad ng makalangit na pagpapagaling. Ang problema ay dumarating kung ang mga tao ay ibinibigay ang papuri sa medisina at mga doktor sa halip na kilalanin na ang Dios ang pinagmumulan ng lahat ng kagalingan. Sinabi ni Jesus patungkol sa Israel:

 

            …Hindi nila kinilala na Aking pinagaling sila.  (Oseas 11:3)

 

Namatay si Haring Asa sapagkat tulong lang ng medisina ang inasahan niya. Pinabayaan niya ang kaniyang espirituwal na kondisyon at hindi siya bumaling sa Panginoon sa panahon niya ng pangangailangan (II Cronica 16:12).

 

3. Natatandaan mo ba ang isang sakit na gumaling ka sa tulong ng mga gamot, mga doktor, o natural na proseso ng katawan? ______ Nagpasalamat ka ba sa Dios sa kagalingang ito? ______

Kung hindi, gawin mo ito ngayon.

 

4. Kung ikaw o ang pinaglilingkuran mo ay gumaling, paano mo gagamitin ang kagalingang ito upang luwalhatiin ang Dios?

 

________________________________________

________________________________________

5. Kung ang sakit mo ay sa ikamamatay at ngayon na ang takdang panahon upang ikaw ay mamatay na pisikal, tandaan mo na ikaw ay nabubuhay na malapit sa walang hanggan. Ikaw ay gagaling. Ikaw ay papasok sa presensiya ng Hari na may lubos na kalusugan!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  BAHAGI

 

 

 

 

ANG GANTING PAGLABAN

 

 

Sa nakaraang bahagi natutuhan mo ang tungkol sa paglusob ng kaaway sa pisikal na katawan sa iyong pag-aaral ng pinagmulan, mga dahilan, mga uri, at mga wakas ng bunga ng sakit.

 

Sa bahaging ito pag-aaralan mo kung paano gumawa ng ganting paglaban laban kay Satanas at makipagbaka para sa pisikal na katawan. Ang ganting paglaban ay isang tugon sa paglusob ng kaaway upang talunin ang atake nito. Upang makatugon ka sa paglusob ni Satanas sa pisikal na katawan dapat mong maunawaaan:

 

 

 

·       ANG BATAYAN SA BIBLIA NG KAGALINGAN.

 

·       ANG MGA LAYUNIN NG PAGPAPAGALING.

 

·       ANG MGA KALOOB NG PAGPAPAGALING.

 

 

 

Ito ang mga paksa sa bahaging ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-WALONG  KABANATA

 

ANG BIBLIKAL NA BATAYAN NG PAGPAPAGALING

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Ipaliwanag ang Bagong Tipan na talinghaga ng manghahasik at ang relasyon nito sa kagalingan.

-Ibuod ang turo ng Lumang Tipan patungkol sa kagalingan.

-Ibuod ang turo ng Bagong Tipan tungkol sa kagalingan na ginagamit ang mga halimbawa ni Jesus sa unang Iglesia.

-Tukuyin ang kagalingan bilang pakinabang ng katubusan na ginawa ni Jesuscristo.

-Ibuod ang Dakilang Utos na kaugnay ng pagpapagaling at pagpapalaya.

-Maglista ng mga reperensiya sa Biblia na nagsasaad na lahat ng mananampalataya ay dapat maging sangkot sa ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya.

-Tukuyin ang tatlong susi ng Kaharian na may kaugnayan sa kagalingan.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.  (Isaias 53:5)

 

PAMBUNGAD

 

Sa araling ito ay magpapasimula ka ng paglalakbay ng pananampalataya patungo sa kagalingan at pagpapalaya. Ang Biblia ang iyong pasaporte sa paglalakbay na ito. Sa natural na mundo, ang pasaporte ang nagpapatunay ng iyong pagiging mamamayan at nagbibigay ng garantiya ng mga pribilehiyo ng iyong bansa.

 

Bilang isang espirituwal na pasaporte, ang Salita ng Dios ang nagpapatunay ng iyong pagiging mamamayan sa Kaharian ng Dios. Ito ang gumagarantiya na bilang isang ipinanganak na muling mananampalataya ikaw ay may karapatan sa mga pribilehiyo na ibinibigay ng pagiging mamamayan, kasali rito ang pribilehiyo ng makalangit na pagpapagaling at pagpapalaya.

 

ANG SALITA NG DIOS AT ANG KAGALINGAN

 

Basahin ang talinghaga ng manghahasik sa Mateo 13: 3-8, 18-23; Marcos 4:3-8, 14-20; Lucas 8: 5-8, 10-15. Sa talinghagang ito, ipinaliwanag ni Jesus na ang “binhi” ay ang Salita ng Dios. Sa natural na mundo ang binhi ay may kakayahan sa kaniyang sarili na magpasimula ng buhay, subalit ito ay walang kapangyarihan malibang itanim ito at alagaan.

 

Ganoon din sa espirituwal na mundo. Ang binhi ng Salita ng Dios ay may kakayahang magadala ng buhay espirituwal. Ang binhi ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan ay may kakayahang magdala ng paglaya. Subalit hanggang hindi naitatanim ang Salita ng Dios sa iyong buhay, ikaw ay magsusumikap na mag-ani kahit wala kang tinanim. Hindi ka maaaring umani kung hindi ka naghasik. Kaya kailangang pag-aralan mo ang Biblikal na batayan ng kagalingan at pagpapalaya.

Isa sa mga batas ng pag-aani ay dapat kang maghasik, kung nais mong mag-ani.

 

Ang isa pang batas ng pag-aani ay hindi ka nag-aani kung kailan ka nagtanim, subalit mag-aani ka sa tamang panahon. Sa pagtatanim mo ng Salita ng Dios sa iyong puso, maaaring hindi ka kaagad mag-ani ng kagalingan o makakita agad ng mga resulta sa pinaglilingkuran mo. Subalit kung patuloy kang nagtatanim ng Salita ng kagalingan, IKAW AY MAG-AANI- Ito ang batas ng pag-aani ng Dios.

 

Ang talinghaga ng manghahasik ay mayroon ding mga babala na dapat mong malaman sa pag-aaral mo ng kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kagalingan. Pag ang Salita ng Dios ay itinanim, laging may paglaban mula kay Satanas.

 

Ang ibang binhi ay nahuhulog sa “tabi ng daan” ng iyong buhay at ninanakaw ng masama mula sa iyo. Naririnig mo ang Salita ng Dios tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya, subalit pinahihintulutan mong agawin ito sa iyo ng tradisyon o ng pagaalinlangan, mga puna, o hindi paniniwala.

 

Ang ilang binhi ay nahuhulog sa “mabatong lupa” at hindi mo pinapayagang mag-ugat sa iyong puso. Ang mabatong lupa ay kinakatawan ng matigas na puso na hindi bukas sa katotohanan ng Salita ng Dios. Ang Salita ay tinatanggap nang may kagalakan, subalit pag dumating ang kahirapan (maaaring isang pisikal na atake) ang Salita ng Dios ay nalalanta at ikaw ay nagdaramdam. Ang binhi ng Salita ng Dios tungkol sa pagpapagaling ay maaari ring masakal ng mga”tinik” sa iyong buhay. Mga intindihin sa mundo, mga yaman, kalayawan, at mga pita ng buhay.

 

Ang tao ay may tatlong likas, katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang katawan ay ang pisikal na bahagi ng tao. Ang kaluluwa at espiritu ay ang espirituwal na bahagi na tumutulong sa kanya na kumilos, magisip, makadama, magpakita ng emosyon, at tumugon ng espirituwal sa Dios.

 

Lahat ng ito ay kabahagi ng pagtatanim at pag-aani ng espirituwal na katotohanan. Sa pamamagitan ng pandinig at pagkakita tinatanggap mo ang nagbubungang binhi ng Salita ng Dios. Habang nababasa mo at pinakikinggan ang Salita ito ay pumapasok sa iyong espiritu. Subalit, ang binhi ay dapat pumasok sa iyong kaluluwa upang ito’y magbunga. Ang proseso ay tulad ng pagpaparami sa natural na mundo. Upang dumami ang tao dapat ay may lalake, may babae, at may binhi (semilla) na ipinapasok sa pamamamagitan ng pagtatalik.

 

Sa buhay espirituwal, ang Salita ng Dios ay ang binhi. Ang espiritu ay ang “lalake” at ang kaluluwa ay ang “babae.” (Alam natin na ang kaluluwa ang babaing bahagi ng espirituwal na likas ng tao, sapagkat sinabi ni David “Ang aking kaluluwa ay ipagmamalaki siya sa Panginoon”). Upang magbunga, ang binhi ay dapat pumasok sa espiritu (lalake) at mailipat sa kaluluwa (babae). Ang dahilan kung bakit ang Salita ng Dios ay hindi tumatalab at nagpapabago sa ating buhay ay sapagkat pinapapasok lamang natin ito sa ating espiritu. Hindi natin ito pinapapasok sa kaibuturan ng ating kaluluwa, isip, pagnanais, at mga emosyon.

 

Sa natural na mundo, pag ang lalake at babae ay nagtatalik at natanim ang semilla, makikita ang bunga nito. Ang mga selula ng bagong buhay ay nagbubunga ng isang sanggol. Ganoon din sa espirituwal na mundo. Pag ang Salita ng Dios ay nailipat mula sa mata o tenga patungo sa iyong espiritu at naitanim sa iyong kaluluwa, makikita ang mga bunga nito sa iyong pisikal na katawan.

 

ANG TALA NG LUMANG TIPAN

 

Ang pag-aaral natin ng batayan sa Biblia ng pagtuturo tungkol sa kagalingan at pagpapalaya ay nagpasimula sa Lumang Tipan. (Basahin mo ito sa iyong Biblia habang ang mga reperensya ay tinatalakay.)

 

Sa orihinal, ang tao ay nilalang na walang sala at malusog sa pangangatawan, kaluluwa, at espiritu. Natutuhan mo na sa Ika-Apat ng Kabanata na ang kamatayan ay pumasok sa sanglibutan sa pamamagitan ng kasalanan ng unang lalake at babae (Genesis 3). Natutuhan mo rin na nang dumating ang kamatayan sa tao, pumasok si Satanas sa katawan ng tao at pinasimulan niya ang kaniyang misyon ng pagsira sa lahi nito sa pamamagitan ng sakit, karamdaman, pagkabihag, at kamatayan.

 

Subalit sa madilim na panahong ito ng kasaysayan, ibinigay ang unang pangako ng espirituwal at pisikal na kagalingan. Sa Genesis 3:15 sinabi ng Dios na ang binhi ng babae ay dudurog sa ulo ni Satanas. Ang “binhing” ito ay ang hula tungkol kay Jesus na, sa pamamagitan ng Kaniyang ministeryo sa lupa, ang kamatayan at pagkabuhay ay tatalo kay Satanas.

 

Ang tala sa Genesis ay may dalawang kuwento ng makalangit na kagalingan. Sa Genesis 17: 18-19 ipinangako ng Dios na pagagalingan ang pagkabaog ni Sara. Sa Genesis 21: 1-7 ito ay natupad. Sa Genesis 20:17 ay nakatala ang pagpapagaling kay Abimilech.

 

Sa aklat ng Exodo and sakit at makalangit na kagalingan ay malinaw na nakatala. Matapos palayain ang mga Israelita mula sa Egipto, ang mga tao ay naglakad ng maraming araw na naghahanap ng tubig. Nang dumating sila sa Mara, hindi nila mainom ang tubig sapagkat ito’y mapait.

 

Ipinakita ng Dios kay Moises ang isang puno na, kapag itinapon sa tubig, tatamis ang mga tubig na ito. Pagkatapos nito, ipinahayag ng Dios ang Kaniyang sarili na Tagapagpagaling ng Kaniyang bayan. Sinabi Niya:

…Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa Kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang Kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat Niyang mga palatuntunan ay wala Akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay Ko sa mga Egipcio: sapagkat Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.  (Exodo 15: 26)

 

Ang mas tamang salin nito ay “Ako ang Panginoon na iyong manggagamot.” Ito ay nagpapakita na palagian at patuloy na aksiyon.

 

Sapagkat ang pangakong ito ay unang ibinigay sa Israel sa isang tiyak na situwasyon, sinasabi ng iba na ito ay para sa kanila lamang at hindi maaaring angkinin ng mga Kristiyano. Subalit dapat nating tandaan na ang mga pangalan ng Dios ay larawan ng Kaniyang kalikasan at karakter, at ang Dios ay hindi nagbabago. Siya ay ganoon din ngayon. Ang iba pang tiyak na tala ng kagalingan sa Exodo ay ang pagpapagaling ng ketonging kamay ni Moises (Exodo 4:1-7) at ang pangako ng Dios na aalisin ang sakit sa kalagitnaan ng Kaniyang bayan (Exodo 23:25).

 

Ang aklat ng Levitico ay maaaring tawaging “ang manwal ng kalusugan” ng Biblia. Ipinakita ng Dios dito ang mga batas tungkol sa paggagamot ng sakit (tingnan ang Levitico 13:1-46; 14:1-32) at nagbigay din ito ng mga gabay patungkol sa malusog na pamumuhay (tingnan ang Levitico 15:1-33 para sa halimbawa).

 

Ang aklat ng Mga Bilang ang nagtala ng kagalingan ng ketong ni Miriam at ni Aaron (Bilang 12: 1-15) at ang pagpapagaling ng mga salot na naka-apekto sa Israel (Bilang 16: 41-50 at 21: 5-9).

 

Ang Deuteronomio 28 ay isang mahalagang kabanata tungkol sa pagpapagaling. Ipinaliliwanag dito ang kaugnayan ng pagsunod sa pisikal na kalusugan. Iba pang mga talata na binibigyang diin ang katotohanang ito ay 7:15; 29:22; 30:20.

 

Ang asawa ni Manoah ay pinagaling ng pagkabaog sa Hukom 13: 2-24. Maraming mga tala ng kagalingan sa aklat ng I Mga Hari. May mga kuwento tungkol sa lalake na may tuyong kamay sa I Mga Hari 13: 4-6 at ang pagbuhay sa isang batang patay sa I Mga Hari 17: 17-24. ang tala ay nagpatuloy sa II Mga Hari tungkol sa pagpapagaling ng isang bata sa pamamagitan ni Eliseo sa II Mga Hari 4: 8-37 at ang pagpapagaling kay Naaman sa II Mga Hari 5: 1-14. Pag-aralan mo rin ang kaso ni Haring Azarias sa II Mga Hari 15: 1-12.

 

Mula sa kagalingan ni Hezekias sa II Mga Hari 20: 1-11 natutuhan natin na pinagagaling ng Dios ang mga sakit na may taning na at nagdaragdag ng mga taon sa buhay (tingnan din ang II Cronica 32: 24-26 at Isaias 38: 1-12, 16). Natutuhan din natin mula sa II Mga Hari 13:14 at 21 na ang kamatayan ay dumarating sa lahat ng mga tao, kahit sa kanila na may ministeryo ng pagpapagaling.

 

Ang isang panalangin ng pagsisisi na kaugnay ng kagalingan ay natala sa II Mga Cronica 6:36-31. Ang II Mga Cronica 20:9 ay may pangako na ang Dios ay nakikinig sa ating mga hibik ng paghihirap. Sa II Mga Cronica 16 mababasa mo ang kuwento ni Asa na namatay sapagkat hindi siya naghanap ng kagalingan mula sa Dios. Ang kasalanan niya ay hindi ang pagpunta sa mga doktor, subalit ang hindi niya pagpansin sa Dios at sa Kaniyang kapangyarihang magpagaling. Sa II Mga Cronica 26 mababasa mo ang tungkol sa ketong ni Uzzias at sa II Mga Cronica 30: 20 ay naroon ang kagalingan ng mga tao dahil sa panalangin ni Hezekias.

 

Ang aklat ni Job, lalo na ang mga kabanatang 1 at 2, ay ipinakita sa atin ang tagpo sa likod ng kurtina upang tukuyin ang pinagmulan ng mga problema ni Job, kasama na rito ang kaniyang sakit. Pag-aralan ang aklat ni Job upang malaman mo kung ano ang kaniyang pagtugon sa panahon ng sakit, ang mga reaksiyong ng kaniyang mga kaibigan, at kung paano siya pinagaling at pinalaya ng Dios.

 

Ang aklat ng Mga Awit ay naglalaman ng maraming mga pangako, mga kapahayagan, at mga panalangin patungkol sa kagalingan. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga talata:

 

6: 2-3:  “ O Panginoon pagalingin Mo ako.”

 

27:1:  “Ang Panginoon ang kalakasan ng aking buhay>”

 

30:2:  “ Ako ay dumaing at pinagaling Mo ako.”

 

32:3-5:  Kinilala ang kasalanan at nagbunga ng kagalingan.

 

34:19-20:  “Marami ang kadalamhatian ng matuwid, ngunit inililigtas ng Panginoon sa lahat.”

 

38:3,7:  Ang galit at ang kasalanan ay nakaka-apekto sa iyong kalusugan; ang sakit ay tinawag

na “hindi kaayaaya.”

 

41:1-8:  “Pagalingin mo ang aking kaluluwa sapagkat ako’y nagkasala laban sa iyo.”

Ang sakit ay tinawag na masama.

 

42:11; 43:5:  Ang Dios ang kagalingan ng ating mukha.

 

42:1-5:  Kagalingan sa nanglulumong kaluluwa.

 

55:1-2:  Nananatiling panalangin at kagalingan.

 

67:2:  “Upang ang Iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.” 

 

72:13:  Dapat nating kaawaan ang mahihina.

 

91:9,10:  “ Ni walang salot na darating sa iyong tirahan.”

 

103: 1-5:  “Huwag mong kalimutan ang lahat Niyang mabubuting gawa…Na Siyang nagpapagaling ng iyong mga sakit.” Sa talatang ito ang Dios ay inihayag na tagapagpatawad ng mga kasalanan at ang manggagamot ng lahat ng mga sakit.

 

105:37:  Lumabas ang Israel na wala man lamang mahina sa kanila. Tatlong milyong mga tao ay lahat magagaling at malalakas.

 

107:17-20:  “Ipinadala Niya ang Kaniyang Salita at pinagaling sila.”

119:25-28:  Tayo ay pinalakas ng Salita.

 

119:67:  “ Bago ako nagdalamhati, ay naligaw ako.”

 

147:3:  “Na Siyang nagpapagaling ng iyong mga sakit.” Pagpapagaling sa mga may bagbag na puso.

 

105:37:  “At Kaniyang inilabas sila…At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.”

 

Ang aklat ng Kawikaan ay nagbibigay ng karunungan tungkol sa malusog na pamumuhay. Ipinaliliwag ng Kawikaan 3: 7-8 kung paano magiging malusog. Ang Kawikaan 20: 23 ay naghahayag na ang mga isyu ng buhay ay nakaka-apekto sa pananaw ng puso at ang mga pangako ng Dios ay nagdadala ng buhay at kalusugan.

 

Ang Kawikaan 15:4 at 30 ay nagpapatunay na ang magandang usapan ay nagbubunga ng kalusugan at Kawikaan 16:24 ay nagpapakita na ang Salita ng Dios ay nagdadala ng kagalingan. Ang Kawikaan 16:24 ay nagsasabi na ang Salita ng Dios ay nagdadala ng kagalingan sa mga buto at ang Kawikaan 17:22 ay nagpapakita ng mga pisikal na epekto ng mga espirituwal na mga problema.

 

Ang Ecelsiastes 3:3 ay nagpapatunay na may takdang panahon ng kagalingan at ang Eclesiastes 5:17 ay nagpapakita kung paanong ang kalungkutan at galit ay kaugnay ng pagkakasakit.

 

Ipinaliliwanag ng Isaias 6:10 ang relasyon ng pagkaunawang espirituwal, at pagkahikayat sa kagalingan. Isaias 19:22 ay nagsasabi na kapag ang Dios ay dinalanginan Siya ay magpapagaling (ang uri ng dalangin dito ay mataimtim at patuloy).

 

Isaias 32:3-4 ay isang dakilang hula ng pangako ng kagalingan sa kabahagi ng Kaharian ng Dios.

Isaias 33:24 at 35: 5-6 ay nagsasaad ng kagalingan sa panahon ng Melenyo at kung paanong ang mga naroroon ay magsasabing “Wala akong sakit.”

 

Sa Isaias 53:5 tayo ay pinangakuan ng kagalingan at kalayaan sa pamamagitan ng katubusan. Isaias 57:18-19 ay hinihimok tayo na lumapit para sa  kagalingan at ang Isaias 58:8 ay nagsasabi na ang ating “kagalingan ay biglang lilitaw.”

 

Sa Isaias 61:1 natutuhan natin na si Jesus ay isinigo upang magpagaling ng mga bagbag na puso. Ito ay ang kagalingan ng kalooban at emosyon.

 

Sa Jeremias 8:14-15; 20-22 ang kapaitan ng kasalanan ay kaugnay ng pisikal na sakit at ang Jeremias 15:18 ay nagpapaliwanag kung ano ang gagawin sa sugat na hindi gumagaling. Jeremias 17:14; 30:12-17; at 33:6 ang nagpapatunay na ang Dios ang pinagmumulan ng kagalingan.

 

Ang Panaghoy 33:3 ay nagpapatunay na ang “Dios ay hindi kusang dumadalamhati.” Ezekiel 17:14; 30:17 at 33:6 ay nagpapatunay na ang Dios ay may kakayahang magpagaling at magbalik ng kalusugan.

 

Ezekiel 30: 12-13 ay nagsasaad ng mga sugat na hindi mapagaling ng medisina. Tanging espirituwal na kagalingan ang makapagpapagaling sa ganitong uri ng mga sugat. Ang Ezekiel 34:4,16,21 at Zacarias 11:16 ay may mga babala sa mga pastol (espirituwal na mga lider) na hindi pinansin ang mga tupang may sakit (mga tao).

 

Ang Daniel kabanata 24 ay nagtala ng sakit at kagalingan ni Haring Nebuchadnessar. Ang Oseas 5:19 ay nagbabala ng panganib ng pagpunta sa iba upang gumaling at ang Oseas 6:1 at 7:1 ay nagpapatunay na kaya ng Dios na magpagaling ng mga espirituwal at pisikal na kondisyon. Ang Oseas 11:3 ay nagtala ng malungkot na mga salita patungkol sa Israel: “Hindi nila alam na pinagaling Ko sila.” Nagtapos ang mga tala ng Lumang Tipan tungkol sa kagalingan sa pangako Niya sa Malakias 4:2 na si Jesus ay lilitaw na “may kagalingan sa Kaniyang mga pakpak.”  

 

ANG TALA NG BAGONG TIPAN

 

Ang kagalingan at pagpapalaya ay pinalawig sa bagong dimensiyon sa Bagong Tipan sa pamamagitan ng mga halimbawa ni Jesus at ng unang Iglesia.

 

ANG HALIMBAWA NI JESUS:

 

Sa Bagong Tipan, si Jesus ang modelo ng mananampalataya ng pananampalataya at paggawa. Ang halimbawa Niya ng pagpapagaling at pagpapalaya ang dapat mong maging padron sa iyong ministeryo. Sa 3,774 na mga talata sa apat na Ebanghelyo sa Bagong Tipan, 484 ay tiyak na kaugnay ng kagalingan ng pisikal at pag-iisip na sakit at ng pagkabuhay mula sa mga patay. Sa Marcos, 209 na mga talata sa loob ng 666 ay kaugnay ng mga himala ni Jesus. Sa 1,257 na mga talata sa Mga Ebanghelyo, 484 (38.5 %) ay tungkol sa mga himala ng pagpapagaling.

 

Sinalita ni Jesus ang mga Salita ng Dios sa Kaniyang ministeryo:

 

…wala Akong ginagawa sa Aking sarili, kundi sinasalita Ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa Akin ng Ama.  (John 8:28)

 

Ginawa ni Jesus ang gawain at kalooban ng Dios:

 

Sapagkat bumaba Akong mula sa langit, hindi upang gawin Ko ang Aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa Akin.  (Juan 6: 38)

 

Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa Akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa.  (Juan 9:4)

 

Ang pagkain Ko ay Aking gawin ang kalooban ng sa Akin ay nagsugo, at tapusin ang Kaniyang gawa.  (Juan 4:34)

 

Ang pakay ni Jesus ay sirain ang mga gawa ng kaaway kasama rito ang kasalanan, sakit, at pagkabihag:

 

…Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng Diablo.  (I Juan 3: 8)

 

Nalulugod ang Ama sa mga gawa ni Jesus:

 

            …sapagkat ginagawa Kong lagi ang mga bagay na sa Kaniya’y nakalulugod.

            (Juan 8: 29)

 

Ang ibig sabihin nito ay kung ikaw ay naglilingkod sa iba ng ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya tulad ni Jesus, ikaw ay nakalulugod sa Ama, nagsasalita ng Kaniyang Salita, ginagawa ang Kaniyang kalooban, at sinisira ang gawa ng kaaway.

 

Maraming mga reperensya sa Bagong Tipan kung saan pinagaling ni Jesus ang lahat ng nangaroon:

 

            -Mga Gawa 10: 38

            -Lucas 4:40; 6:17-19; 9:11

            -Mateo 4:23-25; 9:6,35; 10:1; 12:15; 14:14,34-36

 

Maraming uri ng sakit ang pinagaling ni Jesus:

 

            -Epilepsy

            -“Dropsy”

            -Pipi at bingi

            -Paralitiko

            -Dinudugo

            -Inaalihan ng demonio

            -Tuyong kamay

            -Bulag

            -Mga sakit

            -Ibinalik ang taingang naputol

            -Binuhay ang patay

            -Naputol na kamay (Marcos 9:43)

 

Ang kahabagan ang nagudyok kay Jesus na pagalingin ang mga may sakit (sa mga halimabawa tingnan ang Mateo 9:36; 12:9-13; 14:14; 18:27; 20:29-34; 29:34; Marcos 1:41; 3:1-5; 5:19; Lucas 6:6-10; 7:12-15; 10:33; 14:1-6; at Juan 11:38-44). Ang ibang emosyon na ipinahayag ni Jesus sa ministeryo ng pagpapagaling ay pangungulila, galit, pagbuntong-hininga, at pagtangis.

 

Gumamit si Jesus ng iba’t ibang paraan ng pagpapagaling. Kung minsan ay tinatawag ni Jesus ang may sakit sa Kaniya (Marcos 3: 1-6). Sa ibang pagkakataon Siya ang tinatawag (tingnan ang kuwento ng alipin ng Centurion sa Mateo 8: 5-13; Lucas 7:1-10 at ang pagpapagaling ng anak ni Jairo sa Mateo 9: 18-19; 23-26).

 

Inayos ni Jesus ang buong pagkatao, hindi lamang ang pisikal na kondisyon. Pinagsama Niya ang pagtuturo ng kapatawaran sa kasalanan at pagpapagaling. Kung minsan ay nagpapagaling muna Siya, at nagpatawad ng kasalanan pagkatapos (tingnan ang Lucas 17: 9 at Juan 5:14). Kung minsan naman ay nagpatawad muna Siya ng kasalanan bago nagpagaling (tingnan ang Marcos 2:1-12).

 

Kung minsan ang kagalingan ay nangyayari kahit walang pananampalataya ang may sakit (hindi ito nabanggit):

 

            -Lazaro:  Juan 11: 1-44

            -Ang tainga ni Malchus:  Lucas 22: 50-51

            -Ang denemonio sa Gadareno: Marcos 5:1-20

            -Bingi at piping lalake:  Marcos 7:32-35

            -Ang biyanang babae ni Pedro:  Lucas 4:38-39

            -Ang anak na lalake ng balo: Lucas 7: 12-15

            -Lalaking may tuyong kamay:  Marcos 3:1-5

            -Lalaking ipinanganak na bulag:  Juan 9:1-7

            -Anak na babae ni Abraham:  Lucas 13:10-13

            -Ang anak na lalake ng mahal na tao:  Juan 4:46-50

            -Ang alipin ng Centurion:  Mateo 8:5-13

            -Anak na babae ng Cananea:  Mateo 15:21-28

            -Anak ng babae ni Jairo:  Marcos 5: 35-43

 

Kung minsan ang kagalingan ay nagaganap dahil sa pananampalataya ng isang tao:

 

            -Dalawang bulag na lalake:  Mateo 9:27-31

            -Isang ketongin:  Mateo 8: 2-4; 20:29-34; Marcos 1:40-44

            -Sampung ketongin:  Lucas 17: 11-19

            -Dalawang bulag na lalake:  Mateo 20: 29-34

            -Si Bartimeo na bulag:  Marcos 10: 46-52; Kucas 18: 35-43

            -Babaing dinudugo:  Mateo 9:20-22; Marcos 5: 25-34; Lucas 8: 43-48

           

 

Kung minsan ang kagalingan ay nagaganap dahil sa pananampalataya ng iba:

 

            -Ang alipin ng Centurion:  Mateo 8:5-13

            -Ang anak na lalake ng mahal na tao:  Juan 4:46-53

            -Apat na nagdala sa lumpong lalake:  Mateo 9: 1-8; Marcos 2:1-12; Lucas 5:17-26

            -Ang anak na babae ng Cananea:  Mateo 15:21-28

            -Piping inaalihan ng demonio:  Mateo 9:32-33

            -Bulag/bingi, inaalihan:   Mateo 12: 22-23

            -Anak na babae ni Jairo:  Marcos 5:35-43

            -Bingi at piping lalake:  Marcos 7:32

            -Bulag na lalake:  Marcos 8: 22-26

 

Gumamit si Jesus ng iba’t ibang mga paraan ng pananalita sa pagpapagaling. Kung minsan ay sinasabi lang niya at gumagaling na:

 

            -Anak na babae ni Abraham:  Lucas 13:10-13

            -Anak na lalake ng mahal na lalake:  Juan 4:46-50

            -Ang bulag na si Bartimeo:  Marcos 10:46-50

            -Dalawang bulag na lalake:  Mateo 9: 27-31

            -Ang alipin ng Centurion:  Mateo 8: 5-13

 

Kung minsan ay sinasalita Niya ang utos:

 

            -Ang lalaking lumpo:  Lucas 5: 17-26

            -Ang anak na babae ni Jairo:  Marcos 5:22-24, 35-43

 

Kung minsan ay pinagsasama ni Jesus ang utos at paghipo:

 

            -Ang ketongin:  Mateo 8:2-4

            -Ang dalawang bulag na lalake:  Mateo 9:27-31

            -Ang biyanang babae ni Pedro:  Lucas 1: 38-39

            -Bingi at piping lalake: Lucas 7:32-35

            -Ang anak na lalake ng biyuda:  Lucas 7:12-15

            -Anak na babae ni Abraham:  Lucas 13:10-13

 

Kung minsan ay nananalangin si Jesus:

 

            -Ang biyanang babae ni Pedro:  Lucas 4:38-39

            -Ang bingi at piping lalake:  Marcos 7:32-35

            -Ang anak na lalake ng balo:  Lucas 7: 12-15

            -Lazaro:  Juan 11;38-44

            -Ang lalaking may tuyong kamay:  Marcos 3:1-5

           

Hindi kailangang nandoon si Jesus sa tabi ng maysakit upang magpagaling. Nagpagaling Siya mula sa malayo:

 

            -Ang alipin ng Centurion:  Mateo 8:5-13

            -Ang anak na lalake ng mahal na tao:  Juan 4:46-50

            -Anak na babae ng Cananea:  Mateo 15: 21-28

 

Madalas ay inuutusan ni Jesus ang may sakit na gumawa ng isang bagay upang gumaling siya:

 

            -Ang lalaking may tuyong kamay ay pinagsabihan na “inunat mo”: Lucas 6:6-11

            -Ang paralitiko sa Betesda ay inutusang “tumindig, buhatin mo ang iyong higaan at

            lumakad ka”:  Juan 5:1-9

            -Ang mahal na lalake na may sakit na anak ay sinabihang “Yumaon ka ng iyong lakad”:

            Juan 4:46-54

            -Ang sampung ketongin ay inutusang magpakita sa saserdote: Lucas 17:11-19

            -Ang bulag na lalake ay inutusang maghugas ng mukha sa tubig ng Siloam: Juan 9:7

 

Nagpagaling si Jesus sa publikong lugar (mga grupo sa sinagoga) at sa pribadong lugar (mga tahanan at mga hiling ng indibiduwal).

 

Gumamit si Jesus ng mga di karaniwang bagay tulad ng:

            -Dura

            -Putik

            -Daliri sa tainga

            -Laylayan ng Kaniyang damit

            -Maghugas sa tubig

 

Kung minsan ay hinihipo Siya ng may sakit:

 

            -Anak na babae ni Jairo: Marcos 5: 23-24

            -Ang karamihan:  Lucas 6: 17-19

            -Ang karamihan:  Marcos 3:10

            -Kahit sino ang humipo sa Kaniya:  Marcos 6:56

 

Kung minsan ay hinihipo Niya ang may sakit:

 

            -Dalawang bulag na lalake:  Mateo 9:27-31

            -Mga tao na may iba’t ibang sakit:  Lucas 4;40

            -Ketongin:  Lucas 5:13

            -Babaing may espiritu ng sakit: Lucas 13:10-13

 

Iba’t iba na mga tagubilin na ibinibigay ni Jesus pagkatapos gumaling. Halimbawa, ang biyanang babae ni Pedro ay bumangon at naglingkod sa kanila na nasa bahay. Humingi ng pagkain si Jesus para ipakain sa anak na babae ni Jairo.

 

Ang mga pagpapagaling ni Jesus ay naganap sa iba’t ibang lugar:

 

            -Sa loob at labas ng mga bahay

            -Bukas na lugar:  Sa kalye, sa tangke ng tubig, sa mga burol, sa bangka

            -Mga libing

            -Mga libingan

            -Sa templo

            -Sa pagtitipon ng kainan

            -Patungo sa ibang lugar

            -Sa mga halamanan

 

Maraming iba’t ibang mga reaksiyon sa mga himala at pagpapagaling:

 

            -Pagkamangha

            -Takot sa Dios

            -Pagtatalo

            -Pagtanggi ng pamilya at mga lider ng relihiyon

            -Mga demonio na sumusigaw

            -Galit

            -Katanyagan

            -Niluluwalhati ang Dios

            -Pagtatanong “Ano ito?”

            -Talakayan (ulat at bali-balita)

            -Kaligtasan ng buong sambahayan

 

Sa pagbubuod, itinuturing natin ang ministeryo ni Jesus sa pagpapagaling bilang halimbawa ng ating ministeryo. Nasumpungan natin na sinalita ni Jesus ang mga salita ng Dios at ginawa ang mga gawa ng Dios sa Kaniyang ministeryo dito sa lupa.

 

Ang pagpapagaling at pagpapalaya ay bahagi ng Kaniyang mga salita at gawa.

 

Kung minsan ay pinagagaling Niya ang lahat ng naroroon. Kung minsan ay pinagagaling Niya ang tiyak na mga indibiduwal. Pinagaling Niya ang iba’t ibang uri ng sakit at gumamit ng maraming paraan ng ministeryo. Kung minsan ang kagalingan ay nagaganap kahit walang pananampalataya ang may sakit. Kung minsan naman ay nagaganap ang kagalingan dahil sa pananampalataya ng may sakit o ng kaniyang mga kaibigan o mga kamag-anak. Kahit saan magpunta si Jesus, Siya ay nagpapagaling at ang Kaniyang ministeryo ay puno ng kahabagan. Ang Kaniyang ministeryo ay tumanggap ng iba’t ibang uri ng reaksiyon mula sa mga tao at sa mga lider ng relihiyon at politika.

 

Ito ring Jesus na ito ay kumikilos sa ating kalagitnaan upang iligtas at pagalingin tayo ngayon. Tandaan na “ang lahat ng tumanggap sa Kaniya… ay ipinanganak ng Dios.” (Juan 1:12-13) at “lahat ng humipo sa Kaniya ay gumaling” (Marcos 6:56).

 

ANG HALIMBAWA NG UNANG IGLESIA:

 

Ang halimbawa ng unang Iglesia ay nagbibigay din sa atin ng modelo para sa ating ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Ang mga alagad ay inutusan ni Jesus na magpagaling. Ginawa ng mga alagad ang iniutos sa kanila na gawain, at inasahan si Jesus na gawin ang Kaniyang ipinangako (bilang mga halimbawa tingnan ng Gawa 3:4-7; 8:4-8; 28: 3-6).

 

Naunawaan ng mga alagad na ang kapangyarihan at awtoridad upang magpagaling ay hindi kanila kundi mula kay Cristo (Gawa 3:4-7; 9:17-18). Ang panalangin ay bahagi ng ministeryo ng pagpapagaling (Gawa 4:23-31; 9:40-41; 28:8 at Santiago 5:16). Mayroong panalangin ng pamamagitan at mga panalangin ng pagpapagaling na may mga kaloob (Gawa 3:4-7 at Santiago 5: 14-16).

 

Nakaranas ng naantalang kagalingan ang mga alagad. Pag-aralan ang halimbawa ni Epafrodito sa Filipos 2: 25-30; ni Timoteo sa I Timoteo 5:23; at ni Trofimo sa II Corinto 8: 18-22.

 

Tulad ni Jesus, ang mga alagad ay nakaranas ng pag-uusig dahil sa kanilang ministeryo ng pagpapagaling (Gawa 4:3,29; 5:17-18; 6:9-15; 7:1-60).

 

Maraming iba’t ibang paraan ng pagpapagaling na natala sa Mga Gawa:

 

-Pagpapatong ng mga kamay: 5:12; 14:3; 19:11; 28:8

 

-Mga salita na sinamahan ng pagpapatong ng mga kamay: Pilay na lalake, 3:1-10;

Mga mata ni Pablo, 9:17-19

 

-Mga salita na sinamahan ng paghawak sa kamay upang itindig: Pilay na lalake, 3:1-10;

Si Dorcas, nang binuhay mula sa kamatayan, 9:36-43

 

-Pagsasalita (na may utos ng kapamahalaan): Aliping babae, 16-18; Pilay sa Listra, 14:10

 

-Panalangin: Mga mata ni Pablo, 9:36-43; Ama ni Publio, 28: 8-9

 

-Mga tela ng panalangin:  19: 11-12

 

-Anino:  5: 12-16

 

-Pagyakap:  19:12

 

-Palibot:  14:19-20

 

-Walang paraang ginamit:  14: 19-20

 

-Salita at utos na gagawin:  Eneas, 9: 33-34; pilay na lalake, kabanatang 3

 

Kung minsan ang kagalingan ay nagaganap sapagkat:

 

-Ang may sakit ang humiling: Pilay na lalake sa pintuan ng templo, Gawa 3:3

 

-Mga kaibigan ang humiling:  Tabita, Gawa 9:38

 

-Ang apostol ang humiling:

 

            -Pedro:             Eneas at Lydia:                                 Gawa 9:34

            -Pablo:             Pilay sa Listra:                                  Gawa 14: 9

            -Pablo:             Aliping babae sa Filipos:                  Gawa 16:19

            -Pablo:             Eutychus:                                          Gawa 20:10

            -Pablo:             Ama ni Publius:                                 Gawa 28:8

 

 

Ang mga alagad ay naglingkod sa mga indibiduwal: Pag-aralan ang sumusunod na tsart:

 

Mga Indibiduwal na Pinagaling ng Mga Alagad

 

Pangyayari                                                 Mga Gawa                                   Uri

 

Kagalingan ng pilay na pulubi                     3: 1-4:22                                    Pisikal

Mga mata ni Pablo                                       9:10-19; 22:10-21                      Pisikal

Pinagaling ni Pedro si Eneas                        9:32-35                                      Pisikal

Pinagaling ni Pedro si Dorcas (Tabita)         9:36-43                                     Binuhay ang patay

Pilay na lalake sa Listra                                14:8-18                                     Pisikal

Si Pablo nagtindig sa Listra                          14: 19-20                                  Pisikal

Aliping babae sa Filipos                               16:16-40                                   Pagpapalaya mula sa

                                                                                                                       Demonio

Eutico                                                            20:7-12                                    Binuhay ang patay

Tinuka ng ahas si Pablo                                28: 3-6                                      Pisikal

Ama ni Publio                                               28: 8-9                                      Pisikal

 

Maramihang Pagpapagaling ng mga Alagad

 

                                                                                                                       Mga Gawa  

 

Mga kababalaghan at mga tanda                                                                    2:42-47

Panalangin para sa katapangan at tanda ng pagpapagaling                            4:23-31

Marami ang gumaling sa Jerusalem                                                               5:12-16

Maraming himala ang ginawa ni Esteban                                                       6:8-15

Maraming pinagaling si Felipe sa Samaria                                                     8:5-25

Maraming mga tanda at himala ang ginawa ni Pablo at Bernabe                   14:3

Nagpagaling ng maysakit si Pablo sa Efeso                                                    9:11-12

Mga may sakit ay gumaling sa Malta                                                              28:8-9

 

Mga Uri Ng Sakit Na Pinagaling

 

                                                                                                                       Mga Gawa

 

Lagnat at iti:                                      Ama ni Publio                                      28:8

Pagkabulag:                                       Pablo                                                    9:8

Nabagsak ang ulo (namatay):            Eutico                                                  20:9

Namatay sa sakit:                               Tabita                                                  9:37

Paralitiko:                                           Eneas                                                   9:33

Pagkapilay:                                        “Maraming pilay”                                3:2; 8:7; 14:8

Inaalihan ng demonio:                        Filipos                                                 16:16-40

Tuka ng ahas:                                      Pablo                                                   28:3-6

 

 

(Maraming iba’t ibang sakit na hindi natukoy ang pinagaling sa karamihan.)

 

 

Ang pagpapagaling ay ginawa bilang tugon sa kahilingan:

 

            -Ng taong pilay:                                     Gawa 3:2

            -Ng mga kaibigan:                                  Gawa 9:38

 

Ang kagalingan ay naganap bilang tugon sa pangangailangan:

 

            -Eneas ang paralitiko:                              Gawa 9:33

            -Eutico:                                                     Gawa 20:10

            -Ama ni Publio:                                        Gawa 28:8

            -Ang may sakit sa Malta:                          Gawa 28:9

 

Ang kagalingan ay naganap bilang tugon sa pananampalataya:

 

            -Pilay sa Listra:                                          Gawa 14:9

 

Ang kagalingan ay naganap bilang

reaksiyon sa pagkabagabag:                                  

 

             -Ang babaing alipin sa Filipos:                Gawa 16:18

 

Mula sa mga halimbawa ng mga alagad nalaman natin na sila ay inutusan at sinugo ni Jesus sa ministeryo ng pagpapagaling. Naunawaan nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan ay galing kay Cristo. Ang panalangin ay bahagi ng kanilang ministeryo ng pagpapagaling at sila ay nakaranas ng naantala at kaagad na kagalingan.

 

Tulad ni Jesus, nakaranas sila ng pag-uusig dahil sa kanilang ministeryo ng pagpapagaling. Gumamit sila ng iba’t ibang mga paraan ng pagpapagaling at nagpagaling ng iba’t ibang uri ng sakit. Kung minsan, ang kagalingan ay naganap sapagkat ang may sakit ang humiling, ang mga kaibigan ang nagdala, o ang mga apostol ang nanguna. Ang mga alagad ay naglingkod sa mga grupo at mga indibiduwal.

 

Mula sa tala ng Bagong Tipan, malinaw na ang mga himala, pagpapagaling, at pagpapalaya ay hindi nagwakas sa ministeryo ni Jesucristo. Ang mga tanda ay sumunod “sa kanila na nanampalataya.” 

                     

ANG KAGALINGAN AT ANG PAGTUBOS

 

Nais nating tingnan ang isa sa pinakamahalagang reperensiya ng Biblia tungkol sa kagalingan:

 

Tunay na Kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay Siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

           

Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.  (Isaias 53:4-5)

 

Ang Isaias 53 ay isang kabanata ng hula na tumutukoy kay Jesuscristo. Ang mga talatang apat at lima ay tiyak na iniugnay ang kagalingan sa katubusan sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus sa krus. Ang tanging gamit ng salitang “tunay” sa kabanatang ito, na isang salita na may diin, ay nauna sa pagbibigay ng ating kaligtasan at kagalingan.

 

Ang kasalanan at sakit ay ang magkakambal na kasamaan na dala ni Satanas. Ang kaligtasan at kagalingan ang magkakambal na probisyon ng Dios para sa pagpapalaya. Bago ang Kalbaryo ang mga tao ay naliligtas at gumagaling sa pamamagitan ng pagtingin dito na may pananampalataya. Pagkatapos ng Kalbaryo, ang kaligtasan at kagalingan ay dumarating sa pamamagitan ng paglingon dito sa pamamagitan ng pananampalataya.

 

Ang sakit at kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan at ito ang kabayaran sa kasalanan, kaya ang kanilang solusyon ay nasa katubusan ni Cristo. Dinala ni Jesus ang iyong sakit at mga karamdaman kasabay ng pagdala Niya ng iyong mga kasalanan.

 

Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng Propeta Isaias, na nagsasabi, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.

(Mateo 8:17)

 

Ipinataw ng Dios ang kasalanan at sakit kay Jesus sa iisang katubusan. Sinabi ni Pedro na ang kaligtasan at kagalingan ay isang naganap nang bagay:

 

Na Siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa Kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa Kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo. (I Pedro 2:24)

 

Dahil sa dinala ni Jesus ang iyong mga kasalanan, kalooban ng Dios na iligtas ka pag lumapit ka sa Kaniya. Dahil sa dinala Niya ang iyong mga sakit, kalooban din Niya na pagalingin ka pag lumapit ka sa Kaniya. Ang Dios ding ito na nagpatawad ng iyong mga kasalanan ay Siya ring Dios na magpapagaling ng lahat ng iyong mga sakit:

 

Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat Niyang mabubuting gawa. Na Siyang nagpapatawad ng iyong lahat na ; mga kasamaan; na Siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit. (Awit 103: 2-3)

 

Ang pangalan Niyang “Jehovah-tsidkenu” ay nagpapakita ng probisyon ng Dios ng katubusan para sa iyong kaluluwa. Ang pangalang “Jehovah-rapha” ay nagpapakita ng katubusan para sa iyong katawan.

 

Ang salitang “ligtas” sa Roma 10:9 ay siya ring salitang ginamit ni Marcos nang sabihin niyang

“lahat ng humipo sa Kaniya ay gumaling.” Ang salitang Griego na “sozo” na ginamit sa mga talatang ito ay nangangahulugan ng kaligatasan mula sa kasalanan at sa kaparusahan nito. Ang sakit ay bahagi ng parusa, kaya ang kaligtasan ay bahagi ng katubusan para sa kasalanan.

Samantalang ang katubusan ni Cristo ay kasiguruhan ng kasakdalan ng mananampalataya, parehong ang pisikal at espirituwal na kahinaan ay nagpapatuloy. Ang mananampalataya ay patuloy na nakakaranas ng atake ng kasalanan at sakit. Ang huling benepisyo ng katubusan ni Cristo ay makikita natin sa hinaharap:

 

Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon. (I Pedro 1:5)

 

Ang mga bunga ng kaligtasan na makikita sa walang hanggan ay yaong pisikal at espirituwal na kasakdalan.

 

Nang si Jesus ay mamatay sa krus, kinuha ba Niya ang iyong mga kasalanan? Ikaw ba, bilang mananampalataya, ay nakikibaka pa rin laban sa kasalanan? Ganoon din sa sakit. Namatay si Jesus para sa iyong kasalanan, subalit habang ikaw ay nasa mundong hindi sakdal at si Satanas ay hindi pa natatalian, ikaw ay dapat makibaka laban sa sakit.

 

Mayroong pangnakaraan, pangkasalukuyan, at panghinaharap na kaligtasan:

 

-Pangnakaraan: Ikaw ay ligtas na mula sa kaparusahan ng kasalanan na nagawa sa nakaraan.

            -Pangkasalukuyan:  Ikaw ay ligtas na mula sa kapangyarihan ng kasalanan sa ngayon.

-Panghinaharap: Ikaw ay maliligtas sa presensiya ng kasalanan sa hinaharap (sa walang hanggan).

 

Ito ay totoo rin sa kagalingan. Ikaw ay ligtas na sa kaparusahan ng sakit dahil sa iyong kasalanan. Maaari mong mapanagumpayan ang kapangyarihan ng sakit sa ngayon at maliligtas ka sa presensiya ng sakit sa walang hanggan.

 

Dahil sa ang kagalingan ay bunga ng katubusan, dapat mong tanggapin si Jesus hindi lamang bilang Tagapagligtas, kundi bilang Manggagamot din. Paano ka Niya mailalayo sa kasalanan kung hindi mo pa Siya tinatanggap na Tagapagligtas? Paano ka Niya mailalayo sa sakit kung hindi mo pa Siya tinatanggap bilang iyong Manggagamot?

 

ANG UTOS UPANG MAGPAGALING

 

Inutusan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad upang ipangaral at ituro ang Ebanghelyo ng Kaharian at ipakita ang kapangyarihan nito sa pamamagitan ng pagpapagaling at pagpapalaya. Pag-aralan ang sumusunod na tsart at tingnan ang bawat reperensiya sa iyong Biblia:

 

                                                          Mateo            Marcos          Lucas          Gawa

 

Pagsusugo ng 12                                          10:1-42                                 6: 7-13          9:1-6

Pagsusugo ng 70                                                                                       10: 1-24

Kapangyarihang magtali at magpalaya        16:17-19

Huling Utos                                                  28: 16-20        16: 14-20      24: 44-53      1: 1-11

 

Mula sa mga talata sa Mateo 10:1-42; Marcos 6: 7-13; at Lucas 9:1-6, narito ang pinagsamang listahan ng mga tagubilin na ibinigay sa unang labingdalawang alagad na inutusan:

 

            -Lumakad ng dala-dalawa

            -Pumunta sa Israel

            -Ipangaral ang mensahe ng Kaharian, kasama ang pagsisisi

            -Pagalingin ang mga may sakit at lahat ng uri ng karamdaman

            -Buhayin ang mga patay

            -Linisin ang mga ketongin

            -Palayasin ang mga demonio

            -Huwag maghintay ng mga damit o salapi bago humayo

            -Tinanggap mong walang bayad, ibigay mong walang bayad

-Kapangyarihan at kapamahalaan ang ibinigay laban sa masasamang espiritu at kay Satanas

 

Sa Lucas 9:6 at Marcos 6: 12-13 nakatala ang mga resulta ng kanilang ministeryo.

 

Sa Lucas 10: 1-24, mababasa natin ang pagsusugo ng pitong pung mga alagad. Ang mga tagubilin na ibinigay ay:

 

-Humayo kayo: Hindi lamang sa Israel ang kanilang ministeryo. Sila ay dapat pumunta sa bawat lunsod kung nasaan Siya.

 

-Ipangaral ang mensahe ng Kaharian.

 

-Pagalingin ang may sakit.

 

-Huwag maghintay na maghanda ng mga damit at salapi upang humayo.

 

-Binigyan sila ng kapangyarihan na tumapak sa mga ahas, laban sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang makakasakit sa kanila.

 

Ang mga bunga ng kanilang ministeryo ay nakatala sa Lucas 10:17 at ang tugon ni Jesus dito ay nasa Lucas 10:18-20.

 

Ang huling utos ni Jesus sa Kaniyang mga alagad ay nakatala sa Mateo 28: 18-20; Marcos 16:16-20 (kilala sa tawag na Ang Dakilang Utos); at Lucas 24: 44-53. Ang utos na ito ay dapat gampanan ng lahat ng mananampalataya.  Mula sa mga pinagsamang mga reperensya, narito ang buod ng mga tagubilin:

 

-Humayo kayo at turuan ang lahat ng bansa; sa buong mundo; lahat ng bansa, simula sa Jerusalem; sa lahat ng nilalang.

 

-Ipangaral ang pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan sa Kaniyang pangalan.

 

-Ituro ang Ebanghelyo, at pag nahikayat, turuan ang mga bagong hikayat na sundin ang lahat ng iniutos ni Jesus.

 

-Kapangyarihan para sa gawain ay ipinangako. Ang mga tandang ito ay susunod sa magsisisampalataya: Nagpapalayas ng mga demonio, nagsasalita ng mga bagong wika, humahawak ng mga ahas na hindi nasasaktan, nakakainom ng mga nakalalason na hindi nasasaktan, nagpapatong ng mga kamay sa mga may sakit at sila’y magsisigaling.

 

-Sasamahan ni Jesus sila na susunod sa utos na ito.

 

Lahat ng tunay na mananampalataya na pinanganak na muli ay dapat kasangkot sa pagsunod sa utos na ito na abutin ang lahat ng bansa ng Ebanghelyo ng kaligtasan, pagpapagaling, at pagpapalaya. Ang ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya ay hindi kung gusto lamang ng Iglesia. Ito ay mahalagang bahagi ng Dakilang Utos. 

 

MGA SUSI SA KAHARIAN

 

Sa mga turo ng Bagong Tipan, nagbigay si Jesus ng mga katotohanan o “susi” upang maunawaan ang Kaharian ng Dios. Tatlo rito ay mahalaga sa pagmiministeryo at pagtanggap ng kagalingan. Ang una ay kung ang pangunahing gawain mo ang Kaharian ng Dios, lahat ng ibang bagay (kasama ang kagalingan) ay ibibigay:

 

Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kaniyang Kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

(Mateo 6:33)

 

Ang pangalawa ay upang ikaw ay tumanggap, dapat kang magbigay:

 

            Mangagbigay kayo, at kayo’y bibigyan… (Lucas 6: 38)

 

Kung gusto mong tumanggap ng kagalingan, maglingkod ka ng kagalingan sa iba. Habang nagbibigay ka, ikaw ay tatanggap. Ipinanalangin ni Abraham ang baog na asawa ni Abimelec at siya ay gumaling sa kabila ng katotohanang ang kaniyang asawang si Sara ay baog pa rin. Di nagtagal, si Sara ay naglihi at ipinanganak si Isaac.

 

Ang pangatlong mahalagan prinsipyo ay walang imposible sa Dios:

 

Datapuwat sinabi Niya, ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.  (Lucas 18:27)

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod ang turo ng Lumang Tipan tungkol sa kagalingan.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang turo ng Bagong Tipan tungkol sa kagalingan na ginagamit ang mga halimbawa ni Jesus at ng unang Iglesia.

 

________________________________________

________________________________________

4. Mula sa Kasulatan, patunayan mo na ang kagalingan ay benepisyo ng katubusan ni Jesucristo.

 

________________________________________

5. Ibuod ang Dakilang Utos na kaugnay ng pagpapagaling at pagpapalaya.

 

________________________________________

6. Ilista ang mga reperensya sa Biblia sa araling ito na nagpapatunay na ang lahat ng mananampalataya ay kasangkot sa ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya.

 

________________________________________

7. Anu-ano ang tatlong “susi sa Kaharian” na kaugnay ng kagalingan na tinalakay sa araling ito?

 

________________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Gamitin ang Apendise ng manwal na ito upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Biblikal na batayan ng pagpapagaling. Pag natapos mo ang mga “research notes” sa Apendise, magpatuloy ka na palawakin ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng iyong mg nasaliksik sa Apendise.

 

2. Ang ating konsiderasyon ng Biblikal na batayan ng pagpapagaling ay hindi magiging lubos kung hindi natin isasali ang mga natala na mga kabiguan ng mga taong nasangkot sa ministeryo ng pagpapagaling. Laging tandaan, sa mga ganoong mga situwasyon, na ang interpretasyon ng Kasulatan ay nakasalalay sa mga pangako at turo nito, hindi sa karanasan. Laging magkakaroon ng kabiguan sa bahagi ng tao.

 

Si Epafrodito (Filipos 2: 25-27) ay nabingit sa kamatayan dahil sa sakit. Hindi siya nakaranas ng agarang kagalingan, bagaman mahihinuha natin na pinaglingkuran siya ni Pablo. Subalit, si Epafrodito ay gumaling din paglipas ng panahon. Tandaan na lahat ng tamang kagalingan ay mula sa Dios, kahit ito ay kaagad, unti-unti, o sa preosesong natural. Hindi ka nabigo dahilan lamang sa hindi naganap ang biglaang makalangit na kagalingan.

 

Sa II Timoteo 4:20 binanggit na iniwan nila si Trofimo dahil sa siya ay may sakit. Maikli ang kaniyang kaso na kakaunti lamang ang ating makukuha dito. Iniwan siya ni Pablo na may sakit, subalit hindi sinabi kung siya ay gumaling din paglipas ng panahon.

 

Ang Mateo 17: 14-21; Marcos 9:14-29; at Lucas 9:37-45 ay nagtala ng kabiguan ng mga alagad na maglingkod sa isang bata na pinahihirapan ng mga kapangyarihan ng demonio. Ang magkakasamang larawan ng batang lalake mula sa tatlong bahagi ng Biblia ay nagpakita na siya ay:

            -Sira ang isip.

            -Masyadong bagabag.

            -Madalas mahulog sa apoy at tubig.

            -Sugatan at nasaktan ng espiritu.

            -Pipi.

            -Winasak ng espiritu.

            -Nagngangalit ang kaniyang ngipin.

            -Ganito na mula pa sa pagkabata.

 

Ayon kay Jesus, ang mga alagad ay nabigo sa kasong ito dahil sa hindi paniniwala at sapagkat ang ganitong uri ng kapangyarihan ng demonio ay lalabas lamang sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno. Maaaring ang nakapalibot sa kanila ay hindi rin nananampalataya, sapagkat ang mga alagad ay napapalibutan ng mga lider ng relihiyon na nakikipagdebate sa kanila. Ang kuwento ring ito ay nagpapakita na maraming uri ng kapangyarihan ng demonio, ang iba ay mas malakas kay sa iba. Ipinakikita rin sa atin na dapat paghandaan ang pakikitungo sa mga kapangyarihan ng demonio. Kailangan nito ang espesyal na espirituwal na preparasyon.

 

Ganito ang ginawa ni Jesus sa situwasyon na ito. Tinanong muna niya ang ama, “Gaano na katagal ang kalagayang ito ng iyong anak?” Tumugon ang ama na mula pa sa pagkabata niya. Sinaway ni Jesus ang masamang espiritu at pinagsabihang lumabas ito at huwag nang magbalik kailan man. Inatake ng espiritu ang bata at natumba ito sa lupa, naglulupasay at bumubula ang bibig. Tinawag ni Jesus ang espiritu na masama, bingi, at pipi. Akala ng iba ay namatay na ang binata, subalit hinawakan siya ni Jesus at itinayo. Ang espiritu ay lumayas, at siya ay gumaling mula noon.

 

Isang babala tungkol sa kuwentong ito: Huwag mong ituring na lahat ng pipi at bingi at sila na may epilepsy ay inaalihan ng demonio. Hindi lahat ng pipi at bingi ay inaalihan ng demonio. Maaaring nagdanas sila ng sakit o aksidente kaya sila nagkaganito.

 

Mayroon ding “epilepsy” na hindi inaalihan ng demonio. Ang mga sintomas ng epilepsy ay pareho (tingnan ang tsart sa ibaba). Ang epilepsy ay bunga ng biglang bugso ng lakas ng mga selula ng ugat sa utak. Ito ay maraming dahilan. May mga biktima ng epilepsy na nakikita ang dahilan nito (maaaring may tumor sa utak) at maiwasto ng medisina. Sa iba, ang dahilan ay hindi maalaman:

 

Atake ng Epilepsy                                                                   Atake ng Lalake

 

Madalas nag-uumpisa sa pagkabata                                     Nagumpisa sa pagkabata

 

Biglang inaatake                                                                   Biglang inaatake

 

Nawawalan ng ulirat                                                             Ang bata ay hinimatay

 

Madalas masaktan                                                                Nasasaktan sa apoy at tubig

 

Nahihilo at nanghihina pagkatapos                                        Napagod ang bata…akala’y patay na

 

 

3. Ang kagalingan ay hindi lamang matatanggap para sa mga pisikal na kondisyon. Sa Biblia makikita natin:

 

-Pinagagaling ang pusong nasaktan:  Awit 147:3

-Pinagagaling ang makasalanang kaluluwa:  Awit 41:4

-Pinagagaling ang panlalamig:  Jeremias 3:22; Oseas 14:4

-Mga tubig na nagpapagaling:  II Mga Hari 2:21, 22; Ezekiel 47: 8,9

-Pinagagaling ang mga tao sa Israel at sa lunsod ng Jerusalem:  II Mga Cronica 7:14; 30:20;

Isaias 20:26; 57:18; Oseas 11:3

-Mga pangako na pagagalingin ang Egipto at ang mga Gentil:  Isaias 19:22; 57:19

 

4. Ang tatlong kalikasan ng tao na katawan, kaluluwa, at espiritu ay tinalakay sa araling ito.

Upang lalo pang matutuhan ang paksang ito, pag-aralan ang mga salitang “katawan, kaluluwa, at espiritu” na nasa Biblia. Mahalaga para sa iyo na munawaan mo ang iyong katawan, kaluluwa, at espiritu at ang kanilang mga gawain sa iyong paghahanap ng kagalingan at paglilingkod sa iba na makatanggap din nito.

 

5. Narito ang listahan ng mga talata sa Kasulatan tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya:

 

Mga Reperensya Sa Lumang Tipan

 

Genesis 17:18-19: Ipinangako ng Dios na pagagalingin ang pagkabaog ni Sara.

 

Genesis 21:1-7: Ang pagkabaog ni Sara ay pinagaling na.

 

Genesis 20:17: Pinagaling ng Dios si Abimelech.

 

Exodo 4:1-18:  Ang kamay ni Moises na may ketong.

 

Exodo 15:25-26: Nagpakilala ang Dios na si “Jehovah-Rapha” na ang kahulugan ay “Ang Panginoon mong Manggagamot.” Ipinangako Niya na walang mga sakit na tulad ng sa Egipto ang darating sa Israel.

 

Exodo 23:25:  Ipinangako ng Dios na aalisin ang mga sakit na darating sa Israel.

 

Levitico 13:1-46; 14:1-32: Mga Batas tungkol sa Ketong.

 

Levitico 15:1-33: Mga batas tungkol sa kalusugan.

 

Levitico 16: 29-30: Kagalingan ng mga kasalanan.

 

Mga Bilang 12:1-15: Ketong ni Miriam at ni Aaron.

 

Mga Bilang 16:41-50:  Ang isang salot ang umepekto sa Israel.

 

Mga Bilang 21: 4-9: Kagalingan sa pamamagitan ng sagisag na ahas na tanso.

 

Deuteronomio 7:15: Ang pagsunod sa Dios ay nagbunga ng kalusugan.

 

Deuteronomio 28:1-68: Dumarating ang sakit kung hindi tayo sumusunod sa mga batas ng Dios.

 

Deuteronomio 29:22: Naglagay ng sakit ang Panginoon sa lupain.

 

Deuteronomio 30: 20: Ang Dios ang buhay at haba ng buhay.

 

Deuteronomio 32: 39: Ang Dios ang pumapatay at bumubuhay.

 

Deuteronomio 7:15; 28:60: Mga sakit ng Egipto.

 

Josue 5:8: Natural na kagalingan ng mga sugat ng pagtutuli.

Mga Hukom 13:2-24: Ang asawa ni Manoah ay pinagaling ng “lalake ng Dios.”

 

I Samuel 6:3: Ang sacripisyong inalay ay nagdala ng kagalingan.

 

I Samuel 16: 14-23: Ang masamang espiritu ay nililigalig si Saul.

 

I Mga Hari 5:23, II Mga Cronica 16:12: Mga sakit sa paa.

 

I Mga Hari 8:37-40: Mga salot sa lupain.

 

I Mga Hari 13:4-6:  Isang tao na may tuyong kamay.

 

I Mga Hari 17: 17-24: Binuhay ni Elias ang bata  mula sa patay. (Ang mensahero at ang mensahe ay pinatunayan ng kagalingan.)

 

II Mga Hari 1:2; 8:8-9: Gagaling ba ako sa sakit na ito?

 

II Mga Hari 2: 19-22: Pinagaling ni Elias ang mga tubig.

 

II Mga Hari 4: 8-37:  Pagbuhay ng anak ng Sunamita.

 

II Mga Hari 5: 1-14:  Gumaling si Naaman.

 

II Mga Hari 13: 14,21: Si Eliseo ay may sakit sa ikamamatay.

 

II Mga Hari 20: 1-11: Ang pagkakasakit ni Hezekias. (Tingnan din ang Isaias 38: 1-8.)

 

II Mga Cronica 6: 26-31: Panalangin ng pagsisisi at sa may sakit.

 

II Mga Cronica 7:14:  “Pagagalingin Ko ang kanilang lupain.”

 

II Mga Cronica 16:12:  Isang taong mgay malubhang sakit ay hindi naghahanap sa Dios.

 

II Mga Cronica 20:9:  Nakikinig ang Dios kung tayo ay dumadalangin sa oras ng karamdaman.

 

II Mga Cronica 21:12-30:  Isang hindi gumagaling na sakit sa tiyan.

 

II Mga Cronica 24:25: Ang sakit ay tinawag na malubha.

 

II Mga Cronica 26:19:  Ang ketong ni Uzzias.

 

II Mga Cronica 30:20: Kagalingan ng mga tao sa pamamagitan ng panalangin ni Hezekias.

 

II Mga Cronica 32: 24-26:  Ang pagkakasakit ni Hezekias.

 

Job 1-2: Ipinakikita rito ang pinagmulan ng mga problema ni Job, kasama ang kaniyang sakit.

Job 5:18; 30:18: Nagsalita si Job tungkol sa kaniyang sakit.

 

Awit 6:2-3: “Oh Panginoon pagalingin Mo ako.”

 

Awit 27:1: “Ang Panginoon ang kalakasan ng aking buhay.”

 

Awit 30:2: “Ako’y tumawag at pinagaling Mo ako.”

 

Awit 32:3-5: Ang kasalanang kinilala ay nagbubunga ng kagalingan.

 

Awit 34:19-20: “Marami ang kadalamhatian ng matuwid, ngunit inililigtas ng Panginoon sa

                           lahat.”

 

Awit 38:3-7: Ang galit at kasalanan ay nakaka-apekto sa iyong kalusugan; ang sakit ay tinawag

                      na “hindi kaayaaya.”

 

Awit 41:1-8: “Pagalingin mo ang aking kaluluwa sapagkat ako’y nagkasala laban sa Iyo.”

                      Ang sakit ay tinawag na masama.

 

Awit 42:11; 43:5:  Ang Dios ang kagalingan ng ating mukha.

 

Awit 42:1-5:  Kagalingan sa nanglulumong kaluluwa.

 

Awit 55:1-2:  Nananatiling panalangin at kagalingan.

 

Awit 60:2: “ Pagalingin Mo ang mga sira ng lupa.”

 

Awit 67:2:  “Upang ang Iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa

                     lahat ng mga bansa.” 

 

Awit 72:13:  Dapat nating kaawaan ang mahihina.

 

Awit 91:9,10:  “ Ni walang salot na darating sa iyong tirahan.”

 

Awit 103: 1-5:  “Huwag mong kalimutan ang lahat Niyang mabubuting gawa…Na Siyang

                           nagpapagaling ng iyong mga sakit.”

 

Awit 105:37:  Lumabas ang Israel na wala man lamang mahina sa kanila. Tatlong milyong mga

                       tao ay lahat magagaling at malalakas.

 

Awit 107:17-20:  “Ipinadala Niya ang Kaniyang Salita at pinagaling sila.”

 

Awit 119:25-28:  Tayo ay pinalakas ng Salita.

 

Awit 119:67:  “ Bago ako nagdalamhati, ay naligaw ako.”

 

Awit 147:3:  “Na Siyang nagpapagaling ng iyong mga sakit.” Pagpapagaling sa mga may bagbag na puso.

 

Awit 105:37:  “At Kaniyang inilabas sila…At hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.”

 

Kawikaan 3: 7-8: Paano magiging malusog.

 

Kawikaan 4: 20- 23: Ang mga isyu ng buhay ay nakaka-apekto sa pananaw ng puso at ang mga pangako ng Dios ay nagdadala ng buhay at kalusugan.

 

Kawikaan 12: 18: Ang dila ng marunong ay nagdadala ng kagalingan.

 

Kawikaan 13:17: Ang matapat na sugo ay kagalingan.

 

Ang Kawikaan 15:4, 30: Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay; ang mabubuting balita ay nagpapataba sa mga buto.

 

Kawikaan 16:24: Ang Salita ng Dios ay nagdadala ng kagalingan sa mga buto.

 

Kawikaan 17:22: Ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.

 

Ecelsiastes 3:3: May takdang panahon ng kagalingan.

 

Eclesiastes 5:17:  Ang kalungkutan at galit ay kaugnay ng pagkakasakit.

 

Isaias 6:10:  Pagkaunawa, pagkahikayat, kagalingan.

 

Isaias 19:22:  Kapag ang Dios ay dinalanginan Siya ay magpapagaling (ang uri ng dalangin dito ay mataimtim at patuloy).

 

Isaias 32:3-4:  Ang kagalingan ay bahagi ng Kaharian ng Dios.

 

Isaias 33:24:  Magsasabi ang mga nakatira doon, “Wala akong sakit.”

 

Isaias 35: 5-6: Kagalingan sa panahon ng Melenyo.

 

Isaias 38: 1-12,16: Ang pagkakasakit ni Hezekias at ang kaniyang paggaling.

 

Sa Isaias 53:5: Tayo ay pinangakuan ng kagalingan at kalayaan sa pamamagitan ng katubusan.

 

Isaias 57:18-19: Lumapit para sa  kagalingan.

 

Isaias 58:8: Ang “kagalingan ay biglang lilitaw.”

 

Isaias 61:1: Si Jesus ay sinugo upang magpagaling ng mga nabigo (kagalingan ng emosyon).

 

Isaias 58:8:  Ang kagalingan ay biglang lilitaw.

 

Jeremias 3: 22: Pinagagaling ng Dios ang panlalamig kung tayo’y babalik sa Kaniya.

 

Jeremias 8:14-15; 20-22: Isang panahon ng kagalingan. Ang kapaitan ng kasalanan ay kaugnay ng pisikal na sakit.

 

Jeremias 15:18:  Nagpapaliwanag kung ano ang gagawin sa sugat na hindi gumagaling.

 

Jeremias 14:19: Wala bang kagalingan para sa atin?

 

Jeremias 17:14: Pagalingin Mo ako at ako’y gagaling.

 

Jeremias 30:12-17: Ibabalik ng Dios ang kalusugan.

 

Jeremias 33:6: “Pagagalingin Ko sila.”

 

Jeremias 46:11: “ Hindi ka gagaling.”

 

Jeremias 51:8-9: Ang kagalingan ng Babilonia.

 

Panaghoy 2:13: “ Sino ang magpapagaling sa iyo?”

 

Panaghoy 33:3  Nagpapatunay na ang “Dios ay hindi kusang dumadalamhati.”

 

Ezekiel 14:19: “Wala bang kagalingan para sa atin?”

 

Ezekiel 17:14: “Pagalingin Mo ako at ako’y gagaling.”

 

Ezekiel 30:17: “Ibabalik Ko ang kagalingan.”

 

Ezekiel 30:12-13: Mga sugat na hindi mapagagaling ng mga gamot.

 

Ezekiel 30:21:  Kung ano ang sinira ng Dios ay hindi mapagagaling.

 

Ezekiel 33:6:  “Pagagalingin Ko sila.”

 

Ezekiel 34:4,16,21:  Isang babala sa mga pastol na hindi nagpapagaling.

 

Ezekiel 46:11: “ Hindi ka gagaling.”

 

Ezekiel 47:8-12: Pagpapagaling ng mga tubig.

 

Daniel 4: 34,36:  Ang kagalingan ni Nebuchanessar.

 

Oseas 5:13: Nagpupunta sa iba para sa kagalingan. Hindi mapagagaling ng tao ang sugat na inilagay ng Dios.

 

Oseas 6:1: “ Siya ang lumapa at Siya ang magpapagaling.

 

Oseas 7:1:  Kagalingan para sa Israel.

 

Oseas 11:3: “Hindi nila alam na pinagaling Ko sila.”

 

Oseas 14:4: “Pagagalingin Ko ang kanilang panglalamig.”

 

Nahum 3:19: Isang kondisyon na may taning na.

 

Zacarias 11:16:  Isang babala sa mga pastol na hindi nagpapagaling.

 

Malakias 4:2: May kagalingan sa Kaniyang mga pakpak. 

 

Mga Reperensya sa Bagong Tipan

 

Mateo 8: 13:  Ang oras na sinabi ang siyang oras ng kagalingan.

 

Mateo 8:17:  Dinala ni Jesus ang ating mga sakit.

 

Mateo 10:1: Kapangyarihan laban sa mga demonio ay ibinigay sa mga alagad.

 

Mateo 18:19-21: Kung may dalawang magkaisa ay tatanggapin ang hinihingi.

 

Marcos 2:17: Si Cristo ay naparito upang magpagaling ng mga makasalanan.

 

Marcos 3:15-17: Nagbibigay ng kapangyarihan si Cristo na magpagaling ng mga sakit.

 

Marcos 4:18-19: Ang kagalingan ay bahagi ng pahid; si Jesus ay sinugo upang magpagaling.

 

Marcos 11:24: Kung naniniwala ka kung ikaw ay nananalangin (hindi pagkatapos mong tanggapin ito), tatanggapin mo ito.

 

Marcos 16:18: Sa pangalan ni Jesus ang mga mananampalataya ay magpapagaling ng mga sakit at magpapalayas ng mga demonio.

 

Lucas 5:31: Ang may sakit ay nangangailangan ng manggagamot.

 

Lucas 7:6: Ang hindi pagiging karapatdapat ay tiningnan ni Jesus na pananampalataya.

 

Lucas 7:22-23: Ang pinaka kapanipaniwalang argumento ay ang karanasan.

 

Lucas 17:6: Ang maliit na pananampalataya ay maaaring magbunga ng dakilang resulta.

 

Lucas 18:7-8: Huwag kang sumuko bago dumating ang sagot. (Ang kuwento ni Daniel sa Lumang Tipan ay nagpakita ng kahalagahan ng pananatili sa pananalangin. Dininig ng Dios si Daniel sa una, subalit nilagyan ni Satanas ng balakid sa loob ng 21 na araw).

 

Juan 6:53-58: Ang katawan at dugo ni Cristo ay nagbibigay buhay.

 

Juan 10:10: Dumating si Jesus upang tayo ay bigyan ng buhay. Si Satanas ay pumarito upang pumatay, magnakaw, at manira.

 

Juan 11: 1-45: Ang isang sakit na hindi agad pinagaling ay nauuwi sa lalong malaking himala.

 

Juan 14:12-13: Dapat nating gawin ang mga ginawa ni Jesus.

 

Juan 15:7: Ang kahalagahan ng pananatili kay Cristo kaugnay ng paghingi at pagtanggap.

 

Juan 16:24: Humingi ka sa Kaniyang pangalan at ikaw ay tatanggap.

 

Roma 2:4: Ang kabutiihan ng Dios ay nagdadala ng pagsisisi. (Pansinin na ang sakit ay hindi nagdadala ng pagsisisi; ang kabutihan ng Dios ang gumagawa nito.)

 

Roma 8:19-23: Ang buong mundo ay nasa proseso ng pagkasira.

 

II Corinto 4:16: Ang ating panglabas na pagkatao ay nasisira, subalit ang pangloob na pagkatao ay nababago.

 

Efeso 3:20-21: May kapangyarihan ang Dios na gumawa sa atin higit sa ating inaasahan.

 

Filipos 2:25-27: Ang sakit ni Epafrodito.

 

Colosas 4:14: Si Lucas, ang manggagamot, ay bahagi ng “evangelistic team” ni Pablo.

 

II Timoteo 4:20: Ang sakit ni Trofimo.

 

Hebreo 4:15: Siya ay nahahabag sa ating mga kahinaan.

 

Hebreo 11:1: Ang pananampalataya ang katunayan ng mga bagay (kagalingan) na hindi nakikita.

 

Santiago 1:8: Dapat tayong humingi sa pananampalataya at hindi mag-alinlangan.

 

Santiago 5:14-15: Tinatawag ang mga matanda at magpahid ng langis, ang panalangin ng pananampalataya, kagalingan at pagpapatawad.

 

I Pedro 2:24: Tayo ay pinagaling dahil sa Kaniyang mga sugat.

 

I Juan 3:22: Anuman ang ating hingin ay tatanggapin natin kung tayo ay masunurin.

 

III Juan 1:2: Ang kalusugan ay kaugnay ng kalagayan ng iyong kaluluwa.

 

Marcos 7:36; 8:26: Mateo 8:4: Huwag mong gawing popular ang kagalingan.

 

Apocalipsis 20:2-3: Pag natalian na si Satanas, mawawala na ang sakit at kamatayan.

 

Apocalipsis 21:4:  Ang huling kagalingan: Wala nang sakit at kamatayan.

 

 

6. Nangako ang Dios ng kagalingan at paglaya. Narito ang mga talata tungkol sa mga pangako ng Dios:  Roma 1:16; I Mga Hari 8: 56; Kawikaan 4:22; II Mga Corinto 1:20.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-SIYAM  NA KABANATA

 

ANG MGA PAKAY NG PAGPAPAGALING

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin ang siyam na mga pakay ng pagpapagaling.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

…at pinalayas Niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit: Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.  (Mateo 8: 16-17)

 

PAMBUNGAD

 

Ang pinaka nakikitang pakay ng pagpapagaling ay upang pagalingin ang may sakit. Subalit ang pagpapagaling at pagpapalaya ay may ibang mga pakay liban sa gawing malusog ang tao.

Ang pagpapagaling ay:

 

IPINAKIKITA ANG LIKAS NG DIOS

 

Ang pagpapagaling ay nagpapakita na ang Dios ay mabiyaya, mabuti, mahabagin, at maawain:

 

Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob. Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang Kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat Niyang mga gawa.  (Awit 145: 8-9)

 

At sa pagkaawa ay iniunat Niya ang Kaniyang kamay, at siya’y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig Ko, luminis ka.  (Marcos 1:41)

 

NILULUWALHATI ANG DIOS

 

Ang kagalingan ay nagbubunga ng pagluwalhati sa Dios:

 

At lumapit sa Kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila’y Kaniyang inilagay sa Kaniyang mga paanan; at sila’y pinagaling Niya:

 

Ano pa’t nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.

(Mateo 15: 30-31)

 

…sapagkat niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na ginawa.

(Gawa 4:21)

 

PINATUTUNAYAN NA SI JESUS ANG TAGAPAGLIGTAS AT MESIAS

 

Basahin ang Mateo 8:14-17 sa iyong Biblia. Ang mga pagpapagaling na natala rito ay nagpapatunay ng mga salitang ito ng propeta tungkol kay Jesus…

 

…, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.  (Mateo 8: 17)

 

Ang pagpapagaling at pagpapalaya ay nagpapatunay na si Jesus ay Tagapagligtas. Ang pagpapagaling at pagpapatawad ng kasalanan ng pilay na lalake ay nagpatunay na si Jesus ang Tagapagligtas at Manggagamot. (Lucas 5:18-26)

 

Kung hindi Ko ginagawa ang mga gawa ng Aking Ama, ay huwag ninyo Akong sampalatayanan. Datapuwat kung ginagawa Ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa Akin, ay magsisisampalataya kayo sa mga gawa; upang malaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa Akin, at Ako’y nasa Ama.

(Juan 10:37-38)

 

Marami pang kababalaghang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Jesus ang Mesias, ang Anak ng Dios, at sa gayo’y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan Niya.  (Juan 20:30-31 MBB)

 

PINATUTUNAYAN ANG MENSAHERO AT ANG MENSAHE

 

Basahin ang kuwento ng kagalingan ng binata sa I Mga Hari 17. Nang gumaling ang lalaking ito, sinabi ng kaniyang ina sa Propetang si Elias:

 

…Ngayo’y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan.  (I Mga Hari 17:24)

 

Ang pagpapagaling ang nagpapatunay sa mensahe at sa mensahero.

 

Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng kanilang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan.  (Gawa 14: 3)

 

Nakatala sa Biblia na pagkatapos ng isang dakilang himala ng kagalingan, ang mga lider ng relihiyon at politika na…

 

…Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila’y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila’y nangakasama ni Jesus. (Gawa 4:13)

 

HUMIHIMOK NA TANGGAPIN ANG EBANGHELYO

 

Madaling magbahagi ng Ebangelyo sa mga tao matapos silang gumaling. Maraming halimbawa nito sa aklat ng Mga Gawa. Ang kagalingan ang nagbukas ng pintuan para sa mensahe ng kaligtasan, ang kapuspusan ng Espiritu Santo, at paglago ng iglesia. (Tingnan ang Gawa 2:42-47 at 5:14 para sa mga halimbawa.) Bagaman ang kagalingan ang humihimok ng pagtanggap sa Ebanghelyo, laging tandaan na hindi ito kumukuha ng lugar ng pangangaral ng Ebanghelyo ng kaligtasan. Ang Salita ay dapat ituro kasabay ng kapahayagan ng kapangyarihan upang madala ang mga tao sa wastong kaugnayan sa Dios. Ang Salita ang nagdudulot ng pananampalataya para sa kaligtasan, kagalingan, at kalayaan. Ang kagalingan ang makapangyarihang tulong sa evangelismo. Sa mga natalang kagalingan sa Kasulatan:

 

1. Sa labing pitong pagkakataon, ang pagpapagaling ay naganap sa mga pagtitipon ng evangelismo:

 

            -Mateo 4:24; 8:16; 9:2-8; 9:32-33

            -Marcos 1:23-28; 9:14-27; 10:46-52

            -Lucas 8:42-48; 13:10-13,16; 14:1-4; 17:11-19

            -Juan 4:28-30; 5:1-9,14; 9:1-7

            -Gawa 3:1-10; 8:5-8; 14:8-10

 

2. Sa labing anim na pagkakataon, ang mga kagalingan ay nagbunga ng evangelismo:

 

            -Mateo 9:2-8; 9:32-33; 12:9-13

            -Marcos 1:23-28; 5:1-13, 18-20; 7:32-37; 9:14-27

            -Lucas 5:12-14; 13:10-13,16; 17:11-19

            -Juan 4:28-30; 9:1-7

            -Gawa 3:1-8; 8:5-8; 9:32-35; 14:8-10

 

3. Sa 21 sa loob ng 26 na pinagaling, mayroong pagkakataon o resultang evangelismo.

 

ITINATATAG ANG KAHARIAN NG DIOS

 

Ang mga kagalingan at pagpapalaya na ginawa ni Jesus at ng Kaniyang mga alagad ang unang bahagi ng pagtatatag ng Kaharian ng Dios:

 

            At pagalingin ninyo ang mga may sakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila,

            Lumapit na sa inyo ang Kaharian ng Dios.  (Lucas 10:9)

 

Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas Ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang Kaharian ng Dios.  (Mateo 12:28)

 

Sa paglilingkod mo ng kagalingan, tandaan na ang Kaharian ay wala pa sa kaniyang kalubusan. Pag narito na ang Kaharian ay mawawala na ang sakit at kamatayan. Ang katawan, at ang kaluluwa, ay hindi pa natubos ngayon tulad ng dapat sa pagkalubos ng Kaharian. Ligtas ka na sa parusa ng kasalanan sa nakaraan at maliligtas ka mula sa parusa sa ngayon. Sa hinaharap, ikaw ay maliligtas mula sa presensiya ng kasalanan. Ganoon din sa sakit. Ang sakit ay hindi parusa sa iyong nakaraang kasalanan. Maaari kang matubos mula sa kapangyarihan nito sa ngayon, subalit hindi sa presensiya nito hanggang sa walang hanggan.

 

IPINAKIKITA ANG KAHATULAN SA KAAWAY

 

Kapag ikaw ay nagpapatong ng mga kamay sa may sakit sinasabi mong ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan na at ang kapangyarihan ng sakit at karamdaman ay nasira na (Juan 16:11). Tandaan mo na ang kapangyarihan ng sakit ang nasira, hindi ang presensiya nito. Ikaw ay matutubos mula sa presensiya ng sakit pagdumating ka na sa kalubusan ng Kaharian ng Dios.

 

NAGTITINDIG NG ESPIRTUWAL NA MGA LIDER

 

Ang pagpapagaling ay ginamit upang magtindig ng dakilang espirituwal na mga lider. Tinawag si Pablo na maging apostol ng Evangelio sa panahon ng kaniyang kagalingan (Gawa 9).

 

NAGBUBUNGA NG MALAKING KAGALAKAN

 

Ang Mga Gawa 8:5-25 ay nagsasaad ng malaking kagalakan sa mga indibiduwal at mga komunidad kung saan naganap ang pagpapagaling at pagpapalaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Dagdag sa pisikal na kalusugan, anu-ano pa ang siyam na pakay ng pagpapagaling na tinalakay sa araling ito?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

Ang Dios ay may iba pang pakay sa iyong kagalingan bukod sa iyong pisikal na kalusugan. Ang pag-unawa sa mga pakay na ito ay makakatulong sa iyong paghingi ng kagalingan na may kasiguruhan, nalalaman na ito ang kalooban ng Panginoon. Isipin mo kung paanong ang iyong kagalingan ay…

 

Makapagpapakita ng likas ng Dios:

 

________________________________________

Makaluluwalhati sa Dios:

________________________________________

Pinatutunayan na si Jesus ang Tagapagligas at Mesias:

 

________________________________________

Pinatutunayan ang mensahero at ang mensahe na itinuturo mo:

 

________________________________________

Humihimok na tanggapin ang Ebangelyo:

________________________________________

Itinatatag ang Kaharian ng Dios:

________________________________________

Ipinakikita ang kahatulan sa kaaway:

 

________________________________________

Nagtitindig ng mga espirituwal na mga lider:

________________________________________

Nagbubunga ng malaking kagalakan:

________________________________________

 

 

IKA-SAMPUNG  KABANATA

 

ANG MGA KALOOB NG PAGPAPAGALING

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin ang Espiritu Santo na bahagi ng Tatlong Persona ng Dios.

-Ibuod ang ministeryo ng Espiritu Santo.

-Ibigay ang katuturan ng “espirituwal na kaloob.”

-Ibigay ang mga “kaloob ng pagpapagaling.”

-Maglista ng mga tiyak na kaloob na espirituwal na nagbibigay ng

 kapupunan sa kaloob ng pagpapagaling.

-Tukuyin kung sino ang maaaring sumangkot sa ministeryo ng pagpapagaling.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang… mga kaloob ng pagpapagaling, sa iisang Espiritu.  (I Corinto 12: 7-9)

 

PAMBUNGAD

 

Iniutos ng Biblia na ang lahat ay makisangkot sa ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya, subalit ang Salita rin ang nagsabi na may mga tanging kaloob ng pagpapagaling na ibinigay sa ilang mga mananampalataya ng Espiritu Santo. Ang araling ito ay ipinakikilala ang Espiritu Santo na bahagi ng Tatlong Persona ng Dios, ibinubuod ang Kaniyang ministeryo, at binibigyang diin ang mga kaloob ng pagpapagaling at mga kaugnay na espirituwal na mga kaloob.

 

ANG ESPIRITU SANTO

 

Ang Espiritu Santo ay bahagi ng Kadiosan na binubuo ng Dios Ama, ang Anak na si Jesucristo, at ang Espiritu Santo. Ang tatlong persona ng Dios ay ipinakikita sa mga sumusunod na talata: Mateo 3:16-17; Juan 15:26; Roma 8:2-3; II Corinto 13:14; Efeso 2:18; I Pedro 4;14; at Gawa 2:33. Ang Espiritu Santo ay “omnipresent,” na ang ibig sabihin ay lagi Siyang presente sa lahat ng lugar (Awit 139:7). Siya ay “omniscient,” alam ang lahat ng bagay (I Corinto 2: 10-11). Siya ay “omnipotent,” makapangyarihan sa lahat (Awit 62:11). Siya ay “eternal,” ibig sabihin ay walang hanggan (Hebreo 9:14).

 

 

 

 

ANG MINISTERYO NG ESPIRITU SANTO

 

Ang Espiritu Santo ay maraming ministeryo. Narito ang buod ng sinasabi ng Biblia tungkol sa Kaniyang tungkuling ginampanan sa:

 

Paglalang:  Aktibo Siya sa paglalang ng daigdig.

 

Kasulatan:  Naglingkod Siya sa pamamagitan ng pagpapahayag at pagkasi sa mga Kasulatan at patuloy na naglilingkod sa pagbibigay ng kaliwanagan sa ating puso upang maunawaan natin ang Salita. 

 

Israel:  Ang Espiritu Santo ay dumating sa mga lider ng Israel, pinatnubayan sila sa Lupang Pangako, pinuno ang kanilang mga dako ng pagsamba, at darating sa kanila sa hinaharap sa panahon ng kapighatian at milenyo.

 

Jesus:  Si Jesus ay ipinaglihi, pinahiran, tinatakan, pinatnubayan, sinangkapan ng kapangyarihan, inihandog sa kamatayan, at binuhay mula sa mga patay ng Espiritu Santo.

 

Mga Makasalanan:  Ang mga makasalanan ay sinusumbatan ng kasalanan at inilalapit sa Ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

Satanas:  Ang kapangyarihan ni Satanas ay pinipigil ng Espiritu Santo.

 

Ang Iglesia:  Ang Espiritu Santo ang nagtatag ng Iglesia. Binibigyan ng inspirason ang pagsamba, pinangungunahan ang mga gawain ng pagmimisyon, pumipili ng mga ministro, pinapahiran ang mga mangangaral, pinapatnubayan ang kanilang mga desisyon, at binabautismuhan ito ng kapangyarihan.

 

Mga Mananampalataya:  Ang Espiritu Santo ay sumusumbat sa mananampalataya laban sa kasalanan, naglilinis, nagbabautismo ng kapangyarihan, naninirahan sa loob, nagpapalakas, nagbibigay ng pagkakaisa, namamagitan, nagpapatnubay, nagpapakita ng pagibig, tumutulad sa larawan ng Dios, naghahayag ng katotohanan, nagtuturo, nagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan, nagpapalaya, umaaliw, nagbibigay buhay, nangungusap sa pamamagitan Niya, nagpapakita ng kapangyarihan ng Dios, nagpapasigla ng pagsamba, nagbibigay ng kapangyarihan upang sumaksi, at nagpapalago ng espirituwal na bunga at espirituwal na mga kaloob. Ang mahalagang gawain ng Espiritu Santo sa buhay ng mananampalataya at ng Iglesia na kaugnay ng kagalingan at pagpapalaya ay ang pagbibigay ng mga espirituwal na kaloob.

 

ANG MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO

 

Ang mga espirituwal na kaloob ay makalangit na kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo sa isang mananampalataya upang magamit sa paglilingkod sa Katawan ni Cristo. May pagkakaiba sa “kaloob” ng Espiritu Santo at sa “mga kaloob” ng Espiritu Santo. Ang “kaloob” ng Espiritu Santo ay ibinigay sa araw ng Pentecostes na nakatala sa Gawa 2. “Mga kaloob” ng Espiritu Santo ay mga makalangit ng kakayahan na ibinigay sa mga tumanggap na ng kaloob ng Espiritu Santo. Ang mga kaloob na ito ang nagbibigay ng kakayahan para makapaglingkod ng mabisa sa Katawan ni Cristo at sa mga hindi mananampalataya.

 

Ang espirituwal na kaloob ay hindi natural na talento o kakayahan. Ito ay makalangit na kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo. Ang tao ay hindi kumikilos, umuunlad, o nagmamay-ari ng espirituwal na mga kaloob sa kaniyang sarili. Ang mga kaloob ay mga makalangit na kakayahan na ibinigay at pinakikilos ng Espiritu Santo. Mababasa mo ang mga espirituwal na kaloob sa mga sumusunod na mga talata:

 

            -Roma 12:1-8

            -I Corinto 12: 1-31

            -Efeso 4: 1-16

            -I Pedro 4:7-11

 

Tulad ng makikita mo sa mga talatang ito, marami ang mga espirituwal na kaloob na ibinigay sa Iglesia. Subalit, ang ating diin ay ang mga kaloob ng pagpapagaling.

 

ANG MGA KALOOB NG PAGPAPAGALING

 

Subalit ang kapahayagan ng Espiritu ay ibinigay sa bawat tao upang ito’y pakinabangan.

 

Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang… mga kaloob ng pagpapagalin, sa iisang Espiritu.  (I Corinto 12: 7-9)

 

Ang mananampalataya na may mga kaloob ng pagpapagaling ay may kakayahan na payagan ang kapangyarihan ng Dios na umagos sa pamamagitan niya upang magbalik ang kalusugan bukod sa paggamit ng mga natural na paraan. Lahat ng mananampalataya ay inutusang manalangin para sa mga may sakit, subalit ang mananampalataya na may kaloob ng pagpapagaling ay tiyak na ginagamit ng Dios sa ganitong ministeryo.

 

Marami ang uri ng mga kaloob ng pagpapagaling. Maraming paraan na ang kagalingan ay dumarating at iba’t ibang paraan ng paggamit ng mga kaloob. Magisip ka ng mga paraan na ginagamit ng Dios upang ang kaligtasan ay dumating sa isang tao. Hindi ba maaari rin Siyang gumamit ng iba’t ibang paraan upang gumaling ang tao? Ang mga pamamaraan ay hindi nakapagpapagaling o nakapagliligtas. Ito ay mga alulod lamang kung saan ang kapangyarihan ng Dios ay inihahayag.

 

Sa Biblia makikita natin ang mga kaloob ng kagalingan ay inihahayag sa pamamagitan ng:

 

1. Hinihipo ng ministro ang may sakit.

 

2. Ang mga tao ang humihipo sa ministro.

 

3. Sinasalita ang Salita ng kagalingan mula sa malayo.

 

4. Sinasalita ang Salita ng kagalingan sa presensiya ng may sakit.

5. Nakikitungo nang derekto sa may sakit.

 

6. Pinagaling dahil may namagitan sa panalangin.

 

7. Pananalangin.

 

8. Kagalingan na naganap dahil nanampalataya ang may sakit.

 

9. Iba’t ibang uri ng pananampalataya:

 

            -Pananampalataya ng naglilingkod sa may sakit.

            -Pananampalataya ng may sakit.

            -Pananampalataya ng mga kaibigan.

            -Pananampalataya ng mga kamag-anak.

 

10. Iba’t ibang mga ahente ng kagalingan. Walang banal sa kanila, subalit ginamit sila upang maging kontak:

 

            -Dura

            -Putik

            -Mga tela ng panalangin

            -Mga igos

            -Ang laylayan ng damit ng ministro

            -Mga anino ng ministro

            -Langis

            -Mga daliri sa tainga

            -Tubig

 

11. Mga tanging himala:

 

Pinapahiran ng Dios ang ilang mga tao ng pananampalataya para sa mga tanging pagpapagaling. Halimbawa, ginagamit ng Dios ang ilan upang maglingkod sa mga may sakit na canser. Hindi ang ibig sabihin nito ay huwag ka nang maglilingkod sa ibang larangan ng kagalingan, sapagkat ang utos ay magpagaling ng mga may sakit na pangkalahatan. Subalit ang Espiritu Santo ay maaari kang gamitin na maglingkod sa mga partikular na mga sakit.

 

 KAUGNAY NA MGA ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

Lahat ng mga espirituwal na kaloob ay mahalaga sa Katawan ni Cristo, subalit narito ang listahan ng ilang mga kaloob na bagay na katambal sa kaloob ng pagpapagaling:

 

Pagtuturo at Pagpapaalaala:  Batay sa Salita, nagdaragdag ito ng pananampalataya upang gumaling.

 

Mga hula, Iba’t ibang Wika, at Pagpapaliwanag:  Maaaring magdala ng direktong salita mula sa Dios tungkol sa sakit /o kagalingan.

Pagkilala Ng Mga Espiritu:  Nalalaman kung kagalingan o pagpapalaya ang kailangan at ang kaalaman ng mga espiritung kumikilos.

 

Ang Kaloob Ng Pananampalataya: Nagbibigay ng tanging kasiguruhan upang kumilos ayon sa kaalamang ibinigay ng pagkilala ng espiritu at manalangin ng panalangin ng pananampalataya.

 

Ang Salita Ng Kaalaman:  Ibinibigay ang kaalaman kung ano ang pinagmulan ng sakit. Makatutulong ito nang malaki sa pagpapagaling ng emosyon o kung ang pisikal na sakit ay may kaugnayan sa problema ng demonio. Naituturo rin ang mga kasalanang dapat ay ikumpisal, mga puwersa ng demonio na kasangkot, at mga damdamin na humahadlang sa kagalingan.

 

Ang Salita Ng Karunungan:  Binibigyan ka ng Dios ng “salita ng karunungan” (pagtuturo) para sa taong may sakit.

 

Kaloob Ng Mga Himala:  Biglaang paggaling, halimbawa, ang paghaba ng binti, atbp. Ang mga pangyayaring ito ay hindi maipaliliwanag sa natural, at hindi maaaring mangyari sa natural na paraan. Matututuhan mo pa ang mga kaloob na ito sa kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”

 

NAGSASALIKSIK NG MGA ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

Itinuturo ng Biblia na ang bawat mananampalataya ay mayroong kaloob, isa o higit pa:

 

Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios.  (I Pedro 4:10)

 

 Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang

pakinabangan naman. Datapuwat ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawat isa ayon sa kaniyang ibig. (I Corinto 12:7,11)

 

Sapagkat ang bawat mananampalataya ay mayroon kahit isang espirituwal na kaloob, katungkulan nating diskubrihin at gamitin ang ating kaloob. Sinabi ng Biblia na dapat nating pakanasain na magkaroon ng espirituwal na kaloob:

 

            …maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob.  (I Corinto 12: 31)

 

Kapag ikaw ay dumadalangin para sa mga kaloob ng pagpapagaling, hinihiling mo sa Dios na lalong pagibayuhin ang nasa iyo na, sapagkat ang lahat ng mananampalataya ay may kapamahalaan na magpatong ng mga kamay sa may sakit upang gumaling ito. Pinalago pa ni Jesus ang mga kapangyarihang ibinigay sa Kaniya (Lucas 5:22) at sinabihan si Timoteo na paningasin ang kaloob na nasa kaniya (II Timoteo 1:6).

 

 

 

 

 

ANG MINISTERYO NG IGLESIA

 

Ang lahat ng mananampalataya ay inutusang magpagaling ng mga may sakit, at bagamat kumikilos ang Dios sa pamamagitan ng iba sa mga tanging kaloob ng pagpapagaling, ang lahat ng mananampalataya ay dapat masangkot sa ministeryo ng pagpapagaling. Narito ang listahan ng mga dapat kasangkot sa ministeryo ng pagpapagaling ayon sa Biblia:

 

            -Mga pastor (espirituwal ng mga lider):               Ezekiel 34

            -Matatanda/Mga Diakono:                                    Santiago 5:14

            -Mga karaniwang mananampalataya:                   Lucas 6:15-18; Santiago 5:16

            -Sila na may espirituwal na kaloob ng

              pagpapagaling:                                                    I Corinto 12:9

            -Ang buong Iglesia (dapat ito ay maging

              dako ng kagalingan):                                           Lucas 14:16-24

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na iyong kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

2. Sino ang Espiritu Santo?

________________________________________

3. Ibuod ang iyong natutuhan sa araling ito tungkol sa ministeryo ng Espiritu Santo.

 

________________________________________

________________________________________

4. Ano ang espirituwal na kaloob?

 

________________________________________

5. Ibigay ang katuturan ng “mga kaloob ng pagpapagaling.”

________________________________________

6. Anong tiyak na espirituwal na mga kaloob ang bagay na katambal ng kaloob ng pagpapagaling?

 

________________________________________

________________________________________

7. Sino ang dapat kasangkot sa ministeryo ng pagpapagaling?

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Nahihirapan ka bang manampalataya para sa isang himala para sa iyong pisikal na kondisyon o sa pinaglilingkuran mo? Lumikha ang Dios ng natural na kaayusan, subalit hindi Siya natatalian nito. Ang mga himala ay nangyayari kung ang Dios ay kumikilos sa kabila pa ng natural na kaayusan. Kung tutuusin, ang mga himala ng pagpapagaling ay ang pagbabalik sa normal na kalagayan. Ang sakit at ang paghawak ng demonio ang hindi natural at kontra sa orihinal na mga batas ng Dios. Kaya ang mahimalang pagpapagaling ay pagbabalik sa pagka-normal. Sa katunayan, hindi ang mga himala ang hindi karaniwan, kundi ang pagkawala nito sa ating ministeryo.

 

2. Sa aklat ng Mga Gawa, pansinin ang iba’t ibang mga tao na ginamit ng Dios sa mga kaloob ng pagpapagaling:

 

            -Gawa 3:1-11:                                        Si Pedro at si Juan (mga apostol)

            -Gawa 5:15; 9:32-34:                             Si Pedro (apostol)

            -Gawa 8:5-7:                                          Felipe (ebangelista at diakono)

            -Gawa 9:17-18:                                      Ananias (di kilalang mananampalataya)

            -Gawa 14: 8-10; 28:7-9:                         Si Pablo (apostol)

 

3. Ang Espiritu Santo ang tagapagbigay ng mga espirituwal na mga kaloob. Narito ang paraan kung paano tumanggap ng bautismo sa Espiritu Santo:

 

            -Magsisi at mabautismuhan:                                              Gawa 2: 38

            -Manampalataya na ito ay para sa iyo:                               Gawa 2:39

            -Naisin mo ito:                                                                    Juan 7:37-39

            -Tanggapin mo ito bilang kaloob:                                      Gawa 2:38

            -Sumuko sa Dios:                                                                Isaias 28:11; Gawa 2:4

            -Hingin ang panalangin ng ibang mananampalataya:       Gawa 2: 4,10

 

4. Pag-aralang muli ang mga talata ng espirituwal na mga kaloob:

 

            -Roma 12:1-8         -I Corinto 12:1-31         -Efeso 4: 1-16           -I Pedro 4: 7-11

 

Nasumpungan mo na ba ang iyong espirituwal na kaloob?_____ Kung ganoon, ginagamit mo ba ito upang maglingkod sa iba?_____ Kung hindi mo ginagamit ang iyong kaloob, paano mo pasisimulang gamitin ito?

 

________________________________________

5. Para sa dagdag na pag-aaral ng Espiritu Santo at ng espirituwal na mga kaloob, kumuha ka ng sipi ng kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat ng “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT  NA  BAHAGI

 

 

 

 

PANANAGUMPAY LABAN SA MGA HAMON

 

 

Sa pisikal na digmaan habang ikaw ay nakikibaka para sa katawan at sa kondisyon ng kalusugan na siyang pakay ng Dios, ikaw ay makakaharap ng malalaking mga hamon tulad ng:

 

 

  • MGA TRADISYON NG TAO.

 

  • ISANG TINIK SA LAMAN.

 

  • MGA TANONG NA HINDI MASAGOT.

 

 

Sa bahaging ito ikaw ay magdadala ng Salita ng Dios upang makalaban at masakop mo ang mga hamong ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGISANG  KABANATA

 

ANG MGA TRADISYON NG TAO

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tumugon sa mga sumusunod na tradisyon ng tao tungkol sa pagpapagaling:

 

            -Ang pagpapagaling at mga himala ay hindi para sa atin ngayon.

            -Bakit hindi binuhay lahat ng mga patay?

            -Bakit namamatay ang mga Kristiyano?

            -Dahil sa modernang medisina, hindi na kailangan ang makalangit na kagalingan.

            -Ang makalangit na kagalingan ay itinuturo ng mga kulto.

            -Ang katawan ay binibigyan ng halaga higit sa kaluluwa.

            -Ikaw ay may sakit dahil sa iyong kasalanan.

            -Kalooban ng Dios na ikaw ay magkasakit.

            -Ito ay karamdaman ng mga matuwid.

            -Bihira ang makalangit na kagalingan.

            -Ang pagkakasakit mo ang iyong krus.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Ang kaluluwa ko’y dumidikit sa alabok: buhayin Mo ako ayon sa Iyong Salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at Ikaw ay sumagot sa akin: Ituro Mo sa akin ang mga palatuntunan Mo. Ipaunawa Mo sa akin ang daan ng Iyong mga tuntunin: Sa gayo’y aking bubulayin ang Iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko’y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa Iyong salita.

(Mga Awit 119: 25-28)

 

PAMBUNGAD

 

Ang mga tradisyon ng mga tao ay mga paniniwala, mga batas, at mga prinsipyo ng tao na humahadlang sa gagawin ng Salita ng Dios. Sinabi ni Jesus sa mga lider ng relihiyon nang panahon Niya:

 

… At niwalan ninyong kabuluhan ang Salita ng Dios dahil sa inyong sali’t saling sabi.  (Mateo 15:6)

 

Kung ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios, samakatuwid ito ay maaalis sa pamamagitan ng pakikinig at pagtanggap ng mga tradisyon ng tao na nakasisira sa pananampalataya.

Ang araling ito ay tatalakay ng mga karaniwang mga tradisyon ng tao patungkol sa kagalingan. Ang tugon mula sa Biblia ay ibinigay para sa bawat tradsiyon, dahil sa ang pinakamabuting gamot sa pagkakamali ay hindi ang manahimik, kundi ang pagsasabi ng katotohanan ng Salita ng Dios. Sa ating pag-aalis ng mga tradisyon at paglaban patungkol sa pagpapagaling, inaalis din natin ang mga hadlang tungo sa makalangit na kagalingan upang ito’y matupad.

 

Sinabi ng Salmistang si David na dati ay sinusunod niya ang kaniyang sariling landas, ngayon ay nais niyang sundin ang mga paraan ng Dios:

 

Ang kaluluwa ko’y dumidikit sa alabok: buhayin Mo ako ayon sa Iyong Salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at Ikaw ay sumagot sa akin: Ituro Mo sa akin ang mga palatuntunan Mo. Ipaunawa Mo sa akin ang daan ng Iyong mga tuntunin: Sa gayo’y aking bubulayin ang Iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko’y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa Iyong salita.

(Mga Awit 119: 25-28)

                                        

 Pinalitan ni David ang mga tradisyon ng Salita ng Dios, at sa paggawa niyaon, ang kaniyang kaluluwa ay nabuhay (gumaling at binago).

 

Narito ang mga karaniwang mga tradisyon tungkol sa kagalingan:

           

“ANG PAGPAPAGALING AT HIMALA AY HINDI PARA SA NGAYON”

 

Ang ibang tao ay naniniwala na ang kagalingan ay para lamang sa panahon ng Biblia o para sa hinaharap, pagbabalik ni Jesus.

 

ANG ATING TUGON:

 

Ang sabi ng Dios:

 

            … sapagkat Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.  (Exodo 15:26)

 

“Ako” ay nasa pangkasalukuyan. Bakit natin ito papalitan ng “Ako noon” sa pangnakaraan o “Ako ay magiging” sa hinaharap? Itinuturo ng Biblia na ang Dios ay hindi nagbabago:

 

Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.  (Santiago 1:17)

 

            Sapagkat Ako, ang Panginoon, ay hindi nagbabago… (Malakias 3:6)

 

Hindi nagbabago ang Dios mula pa noong pasimula:

 

            Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.

 (Hebreo 13:8)

 

Kung ang mga araw ng himala ay tapos na, gayon din ang araw ng kaligtasan, sapagkat wala nang hihigit pang himala kay sa kaligtasan. Kung ang kagalingan ay para sa hinaharap pagbalik ni Jesus sa lupa, kung ganoon, ang ministeryo ng mga guro, mga pastor, at iba pang mga lider ay baka para rin sa hinaharap, sapagkat ang kaloob ng kagalingan ay isang espirituwal na kaloob tulad ng mga ministeryong ito.

 

Ang pinakamalakas na argumento laban sa paniniwalang ang mga himala ay hindi para sa ngayon ay ang mga nakatala nang karanasan. May pitong “kapanahunan” kung kailan nakitungo ang Dios sa tao sa tanging paraan. Ang mga ito ay:

 

            -Ang panahon ng walang kamalayan:                                    Genesis 1:28

            -Ang panahon ng konsiyensya:                                              Genesis 3:23

            -Ang panahon ng pamahalaan ng tao:                                    Genesis 8:20

            -Ang panahon ng pangako:                                                     Genesis 12:1

            -Ang panahon ng batas:                                                           Exodo 19:8

            -Ang panahon ng biyaya:                                                         Juan 1:17

            -Ang panahon ng Kaharian:                                                     Efeso 1:10

 

Ang pagdating ni Jesus ay nagpakilala ng huling panahon ng Kaharian. Sa pagpapasimula ng panahon na ito, gumawa ng mga himala si Jesus ng pagpapagaling:

 

At sumagot Siya at sa kanila’y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangaka-kikita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.  (Lucas 7:22)

 

Ang aklat ng Mga Gawa ay nagtala ng mga himala at pagpapagaling sa unang Iglesia sa pagpapatuloy ng panahon ng Kaharian. Ang mga nakatalang rekord ng modernang kasaysayan ng Iglesia ay nagpapatunay din ng mga kagalingan at mga himala.

 

“BAKIT HINDI BINUHAY LAHAT NG MGA PATAY?”

 

Itinatanong ng iba, “Kung ang kagalingan ay para sa ngayon, bakit hindi pinagagaling ng mga mananampalataya ang lahat ng mga may sakit at ang mga namatay?

 

ANG ATING TUGON:

 

Ang pagbuhay sa mga patay ay hindi bahagi ng Dakilang Utos na ibinigay sa Iglesia. Ito ay iniutos sa mga alagad nang sila ay unang suguin sa isang paglalakbay ng pangangaral upang ipahayag ang Kaharian. Ang pagbuhay sa mga patay ay ang “unang bunga” ng pagkabuhay ni Jesus sa darating na araw.

 

May pagkakaiba ang mga espesyal na mga himala at ang himala ayon sa kasunduan. Ang espesyal na mga himala ay ginawa bilang isa sa mga espesyal na mga pangyayari, tulad ng paggawa ng tubig na maging alak, lumalakad sa ibabaw ng tubig, pinarami ang mga tinapay at isda, at pagbubukas ng Dagat na Pula.

 

Ang pagpapagaling ay himala ng kasunduan sa Lumang Tipan, hindi isang espesyal na himala. Binubuhay pa rin ng Dios ang mga patay, subalit ito ay nakasalalay sa Kaniyang kagustuhan at hindi bahagi ng utos sa atin upang magpagaling.

 

“BAKIT NAMAMATAY ANG MGA KRISTIYANO?”

 

Habang tayo ay nasa paksa ng kamatayan, ang mga hindi naniniwala ay nagsasabi na kung tunay ang makalangit na pagpapagaling, walang Kristiyanong mamamatay.

 

ANG ATING TUGON:

 

Walang ganitong inaangkin ang Kasulatan. Ang Biblia ay nagbibigay lamang ng makalangit na kalusugan ayon sa tagal ng buhay na tao. Bagaman ang sacripisyong ibinigay ni Cristo ay binili ang ating walang hanggang katubusan mula sa kamatayan, ang mga nasisirang katawan na ito ay mamamatay din malibang bumalik muna si Jesus at maganap ang pagdagit. Ang Bibliang nagtuturo ng kagalingan ay siya ring nagbigay ng taning sa buhay ng tao:

 

            Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon… (Awit 90:10)

 

At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.  (Hebreo 9:27)

 

“DAHIL SA MAY MODERNANG MEDISINA HINDI NA KAILANGAN ANG MAKALANGIT NA KAGALINGAN”

 

Sinasabi ng tradisyon: “Walang mahusay na tulong ng medisina sa panahon ni Jesus. Ngayon na narito na ang tulong, inaasahang gagamitin natin ito sa halip na manalangin sa Dios para sa kagalingan.”

 

ANG ATING TUGON:

 

Sa 400 B.C. pa lamang ay mayroon nang medikal na siensiya ng kagalingan. Isang taong nagngangalang Hippocrates (460-370 B.C.), ang ama ng medisina, ay pinalago ang siensiya ng medisina sa isang mataas na kalagayan. Ang ilan sa kaniyang mga pamamaraan ay ginagamit pa rin ngayon. Ang Grecia, Egipto, at Roma ay mayroong mga mahuhusay na mga manggagamot sa panahon ni Jesus.

 

Ang makalangit na pagpapagaling ay walang kinalaman sa galing o hindi galing ng medisina. Ito ay pagpapala na kasama ng pagtubos. Lahat ng mabubuting kaloob ay galing sa Dios, kaya katanggap-tanggap na gumamit ng mga tamang kayamanan ng medisina. Subalit, tandaan mo na ang medisina ay hindi kukuha ng lugar ng pangako ng kagalingan ayon sa kasunduan.

 

Sa laki ng pagunlad ng medisina marami pa ring mga sakit ang hindi mapagaling, kaya kailangan pa rin ang makalangit na pagpapagaling. Isa pa, ang maraming mga tao ay hindi naaabot ng tulong ng medisina. Halimbawa, sa Africa, tinataya na 80% ng mga tao ay hindi nagagamot ng medisina.

 

“ANG MAKALANGIT NA KAGALINGAN AY ITINUTURO NG HIDWANG MGA KULTO”

 

Ang sabi ng tradisyon: “Ang makalangit na pagpapagaling ay itinuturo ng mga hidwang mga kulto.”

 

ANG ATING TUGON:

 

Sila Wesley, Luther, at Zinzendorf, mga lider ng Metodista, Lutheran, at Moravian na mga iglesia, ay lahat nagturo ng makalangit na pagpapagaling. Sila ang mga nagtuturo nito ngayon, kasabay ng pagtuturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, ay hindi rin tinanggap tulad ng mga lider na ito.

 

Ang ibang hidwang kulto ay nagtuturo ng pagpapagaling, subalit hindi tunay na Biblikal na pagpapagaling. Ito ay “sa isip” o “isip sa ibabaw ng mga bagay” na kagalingan hindi mula sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. Si Satanas ay isang manlilinlang at gaya-gaya. Hindi natin iwinawaksi ang makalangit na kagalingan dahil siya ay nanlilinlang at nagpapagaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng masama.

 

Niloko ni Satanas ang marami sa paniniwalang ang paghuhugas sa Ilog ng Ganges sa India ay maglilinis ng kanilang mga kasalanan. Titigil ba tayo ng pangangaral ng kaligtasan dahil sa ginaya ito ni Satanas? Hihinto ba kayo ng paniniwala sa medisina dahil may ilang mga doktor na nangloko? Dahil ginaya ni Satanas itong makalangit na pagpapagaling, ito ang nagpapatunay na may tunay na kagalingan.

 

“ANG KATAWAN AY MAS PINAHAHALAGAHAN KAY SA KALULUWA”

 

Sabi ng tradisyon:  “Ang makalangit na pagpapagaling ay nagpapahalaga nang higit sa katawan kay sa kaluluwa.”

 

ANG ATING TUGON:

 

Ang ilang mga naniniwala sa ministeryo ng pagpapagaling ay nahulog sa ganitong pagpapahalaga, subalit hindi ito ang Biblikal na modelo ng pagpapagaling. Ang pagpapagaling sa Biblia ay ginagamot ang buong tao, katawan, kaluluwa, at espiritu.

 

Ang kagalingan ay hindi Ebanghelyo sa kaniyang sarili, isa lamang itong aspeto ng Ebanghelyo ni Cristo. Hindi ito dapat ipangaral na hiwalay sa mensahe ng kaligtasan ng mga kaluluwa ng makasalanang mga lalake at babae. Ang pagtuon ng pansin ng Iglesia sa espiritu at ng medisina sa katawan ay hindi tama, sapagkat pareho nilang hindi nakuha ang konsepto ng Biblia ng kabuuan ng pagkatao.

 

“IKAW AY MAYSAKIT DAHIL SA IYONG KASALANAN”

 

Ang madalas na naririnig ay “ Ikaw ay maysakit sapagkat ikaw ay nagkasala o may kasalanan ka sa iyong buhay.”

 

ANG ATING TUGON:

 

Natalakay na natin ang paksang ito sa pagtalakay ng pinagmulan ng sakit sa mga Kabanatang Ika-apat at Ika-lima. Matatandaan mo na ang lahat ng sakit ay nasa mundo dahil sa kasalanan, ang isang tao ay hindi maysakit dahil sa personal na kasalanan.

 

“KALOOBAN NG DIOS NA IKAW AY MAGKASAKIT”

 

“Kalooban ng Dios na ikaw ay magkasakit. Ito ay sa Kaniyang kaluwalhatian.” Narinig mo na ba ito?

 

ANG ATING TUGON:

 

Marami ay hindi nagtatanong kung kaya ng Dios magpagaling, kundi nais ba Niya. Sinasabi ng Biblia na hindi tayo matalino kung hindi natin nauunawaan ang kalooban  ng Dios:

 

Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.  (Efeso 5: 17)

 

Ang pagkaalam ng kalooban ng Dios tungkol sa sakit ay tutulong sa atin upang lumago ang ating pananampalataya. Ang panalangin ng pananampalataya ang tanging panalangin na mabisa upang gumaling ang may sakit. Hindi ito maaaring idalangin kung hindi mo nasisiguro na nais nga ng Dios magpagaling.

 

Kung naniniwala ka na kalooban ng Dios na ikaw ay may sakit, samakatuwad ay hindi tama na hilingin sa iba na idalangin ka na gumaling. Kung ang sakit ng mananampalataya ay sa Dios, samakatuwid, ang mga doktor ay sa Diablo sapagkat tumutulong sila na alisin ang sakit. Ang mga ospital ay hindi dapat itatag sapagkat nais nilang alisin ang sakit na laban sa kalooban ng Dios. Ang bawat nars ay lumalaban sa Dios sa pagtulong sa mga nagdurusa.

 

Sila na naniniwala na ang sakit ay kalooban ng Dios ay hindi dapat magpagamot upang gumaling. Hindi sila dapat magpa-opera at alisin ang kalooban ng Dios sa kanilang katawan. Kung tunay na pinaniniwalaan mong ang sakit ay kalooban ng Dios, dapat kang huminto na uminom ng gamot at magpatingin sa mga doktor sapagkat ikaw ay lumalaban sa kalooban ng Dios.

 

Subalit dahil alam natin na ang pinagmulan ng sakit ay si Satanas, ang mga mabubuting doktor, medisina, ospital, at siensiya ng medisina ay karugtong ng kabutihan ng Dios. Dahil sa ang sakit ay galing kay Satanas, ang bawat lehitimong paraan ng pag-aalis ng sakit ay sa Dios. (Ang ibig sabihin ng lehitimo ay yaong mga paraang hindi ginagamit ang mga paraan ni Satanas o sumusuway sa Salita ng Dios.)

 

Totoo na ang ating katawan ay binili ng halaga at dapat nating luwalhatiin ang Dios nito, sa may sakit ka o magaling. Subalit sa tala ng Biblia, ang Dios ay naluluwalhati kung gumagaling ang mga tao. Kung naluluwalhati ng sakit ang Dios, samakatuwid ay ninanakawan ni Cristo ang Dios ng luwalhati kung nagpapagaling Siya ng maysakit. Kung ang sakit ay nakaluluwalhati sa Dios, dapat tayong manalangin na tayong lahat ay magkasakit. Hindi naluluwalhati ang Dios ng sakit sa katawan, gayon din ng sakit ng kasalanan sa espiritu.

 

Kung minsan ay pinahihintulutan ng Dios ang sakit na dumating sa isang mananampalataya, subalit tandaan mo na si Satanas ang pinanggalingan nito. Ang halimbawa ni Job ang katunayan nito.

 

Hindi niloob ng Dios ang sakit sa mananampalataya. Alam Niya ang atake ni Satanas at ginagamit Niya ang lahat ng bagay (kahit ang masama) na gumawa sa iyong ikabubuti. Kaya kahit na sa oras ng karamdaman ikaw ay lalong nalalapit sa Dios. Laging nais ng Dios na humantong sa ikabubuti ang masama. Ginamit Niya ang mga epekto ng kasalanan na malutas sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus. Hindi ang Dios ang sanhi ng sakit sa buhay ng mananampalataya, subalit kinukuha ng Dios ang isang bagay na binalak ni Satanas sa ikasasama upang gumawa sa ikabubuti mo upang maganap ang espirituwal na tagumpay sa iyong pagdaraan sa atake.

 

Nangaral si Pablo sa Galacia sapagkat nabago ang iskedyul niya dahil sa sakit (Galacia 4: 13-15).

Ang pagkakasakit ni Trofimo ang pumigil sa kaniya na makasama ni Pablo sa Roma at magkasakit din (II Timoteo 4:20). Ang sakit ang ginamit upang mapigil ang pagkakasala sa Genesis 12 at 20. Bagaman ang mga halimbawang ito ay nagpapakita kung paano ginamit ng Dios ang sakit, tandaan na…

 

            … Siya’y hindi kusang dumadalamhati… (Panaghoy 3:33)

 

Ang sakit sa kaniyang sarili ay hindi lumilikha ng mga banal na lumuluwalhati sa Dios. Maaari itong lumikha ng mapapait, nagrereklamo, at hindi naninilwang mga tao. Ang Salita ang nagpapabanal at nagbubunga ng paglago (Juan 17:17). Habang totoo na mas madalas kang pumunta sa Salita sa oras ng pagkakasakit, hindi kinakailangang magkasakit upang lumagong espirituwal.

 

Makatutulong na tandaan ito: Ang kalooban ng Dios para sa mga mananampalataya ay maging katulad ni Cristo sa karakter. Ang lahat ng ito, kasama ang sakit at kalusugan, ay kumukuha ng kahulugan ayon sa makadios na pakay na ito (Roma 8:28-29).

 

Sa mga hindi mananampalataya, ang sakit ay sanhi ng kasalanan at ng hatol ng Dios dahilan sa kasalanan. Subalit kahit ito ay maaaring gamitin ng Dios sa ikabubuti, sapagkat sa pagbibigay ng kagalingan at pagpapalaya, ang kaligtasan ay maaaring maganap. Maraming ibinigay na pangako ang Dios sa Kaniyang Salita tungkol sa kagalingan at paglaya. Bakit ibibigay ng Dios ang mga ito sa Kaniyang Salita kung kalooban Niya na tayo ay maysakit? Kung magsabi ang mananampalataya na, “hindi ko alam kung kalooban ng Dios na pagalingin ako,” Itanong mo sa kaniya, “Kalooban ba ng Dios na tuparin ang Kaniyang mga pangako?” 

 

Sinabi ni Jesus, “Kung nakita niyo Ako, nakita niyo na rin ang Ama.” Sinabi Niya ito sapagkat ginawa Niya ang gawain at kalooban ng Ama (Juan 14:9). Kung nag-aalinlangan ka kung kalooban ng Dios na magpagaling, tingnan mo lamang ang mga ginawa ni Jesus.

 

Kung ikaw ay dumadalangin para sa kagalingan, dumalangin kang “Ang kalooban Mo ang mangyari” o “ayon sa Iyong kalooban.” Huwag mong sabihing, “Kung nais mo” kung ikaw ay nananalangin para sa kagalingan at paglaya. Ang makasalanan ay hindi nananalangin na “Panginoon, iligtas mo ako kung kalooban Mo.” Ang kagalingan ay bahagi rin ng katubusan tulad ng kaligtasan.

 

Ang “kung” ay nagpapakita ng pagaalinlangan na nais ng Dios na ikaw ay pagalingin. “Ayon sa Iyong kalooban” ay nagpapakita ng pananampalataya, na hinahayaan Siyang masunod kung paano, kung gaano, at kung kailan ito magaganap. Kahit sa mga kaso ng sakit na ikamamatay, dumalangin ka na “ayon sa Iyong kalooban” hindi “kung kalooban Mo” na magpagaling. “Ayon sa Iyong kalooban” ay nagpapahintulot sa Dios kung kailan at kung anong mga kondisyon Siya magpapagaling. Para sa isang mananampalataya, maaari Niyang piliin ang pangwakas na kagalingan sa pamamagitan ng kamatayan at mawawalan ka na ng sakit sa walang hanggan.

 

Tinuruan tayo ni Jesus na manalangin ng “Mangyari nawa ang kalooban Mo sa lupa, at gayon din sa Langit.” Walang sakit at karamdaman sa Langit, kaya nga’t makakapanalangin tayo ng may katiyakan laban dito sa lupa na nalalaman nating ito ay hindi Niya kalooban. Hindi kailan man nanalangin si Jesus ng “magpagaling Ka kung kalooban Mo, Dios.” Ang tanging pagkakataon na dumalangin Siya ng “Kung ito ay kalooban Mo” ay patungkol sa Kaniyang pagsuko sa plano ng Dios sa Kaniyang buhay – hindi sa kagalingan. “Kung ito ay kalooban Mo” ay sumisira ng pananampalataya. Nang ito ay gamitin ng isang ketongin na tinanggihan ng lipunan, na hindi nakakaalam ng kalooban ni Cristo sa kagalingan, iwinasto siya ni Jesus sa pagsasabing, “Kalooban Ko.” Huwag mong gawing mga tanong ang mga katotohanan ng Dios. Kumilos ka sa mga ito bilang katotohanan at masusumpungan mo itong makapangyarihan.

 

Dahil ang isa ay hindi agad pinagaling o siya ay namatay dahil sa “sakit na ikamamatay” ay ang ibig sabihin nito ay hindi na kalooban ng Dios na siya’y pagalingin. Tinitingnan natin ang mga bagay ayon sa panahon, samantalang tinitingnan ito ng Dios ayon sa walang hanggan. Dapat mong tandaan na may mga kagalingan na naaantala. Ang iba ay:

 

Naantala sa oras ng mortal:  Ang pagkabaog ni Sara ay hindi kaagad gumaling. Si Job ay hindi agad pinagaling. Ang ama ni Juan Bautista ay hindi gumaling ng kaniyang pagkapipi hanggang sa takdang oras. Nanalangin si Jesus ng makalawa para sa isang bulag na lalake na tumanggap ng hindi kumpletong kagalingan nang una. Ang mga pagpapagaling ay naaantala kung minsan upang ito ay makapagdala ng laong kaluwalhatian sa Dios. Ang magandang halimbawa nito ay ang pagkabuhay ni Lazaro.

 

 

 

Naantala sa walang hanggan:  Ang kamatayan ay isa lamang pangyayari sa larangan ng walang hanggan sa buhay ng isang mananampalataya. Kahit ang “sakit sa ikamamatay ay” ay nilulon ng tagumpay sapagkat ang kamatayan sa isang mananampalataya ay ang ganap na kagalingan. Sa pagpasok mo sa presensiya ng Panginoon ikaw ay ganap nang magaling at hindi na magdurusa sa kasalanan at sakit. Tungkol sa kamatayan, ang sabi ni Pablo ay inihanda ka sa layuning ito: “Ang mawala sa katawan ay nasa presensiya ng Panginoon” (II Corinto 5:6-9).

 

Kung hindi ka naniniwala na ang kagalingan ay para sa lahat, dapat kang maniwala na ang kagalingan ay pinangungunahan ng direktong kapahayagan sa bawat kaso kung ito ay kalooban ng Dios o hindi. Ikaw ay nakasalalay sa direktong kapahayagan sa tao at hindi sa nasulat na Salita ng Dios. Wala kang basihan ng pananampalataya hanggang hindi ka tumatanggap ng tanging kapahayagan sa bawat may sakit na ang taong iyon ay isa sa mga “paborito” na pagalingin.

 

“ITO AY KARAMDAMAN NG MATUWID”

 

Ang sabi ng iba: “Marami ang kadalamhatian ng matuwid. Ito ay isang dalamhati na dapat mong dalhin sapagkat ikaw ay matuwid.”

 

ANG ATING TUGON:

 

Ang kahulugan ng salitang “dalamhati” na ginamit sa Awit 34:19 kung saan ang paniniwalang ito ay nakuha, ay walang kaugnayan sa sakit. Ang tinutukoy dito ay mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, o mga tukso. Kahit na sakit ang tinutukoy dito, ang karugtong ng talatang ito ay nais kang iligtas ng Panginoon sa lahat ng ito.

 

Sa Santiago 5:13-16 may pagkakaiba ang kadalamhatian kay sa sakit. Kung ikaw ay nagdaranas ng mga pagsubok, paguusig, at mga tukso, ikaw ang dumalangin para sa iyong sarili (Santiago 5:13). Bagaman maaari mong hilingin na ang iba ay manalanging kasama mo, hindi sila tinawag para idalangin ang iyong mga problema na umalis.

 

Tinuturuan ka na manalangin kung ikaw ay may dalamhati sapagkat kailangan mong matutuhan na maging mananagumpay sa pamamagitan ng pananalangin sa pagdaraan mo sa mga pagsubok at tukso. Kung ikaw ay may sakit, ang mga matanda ay dapat tawagin upang manalangin (Santiago 5:14). Ang may sakit ay dapat maligtas (mula sa pisikal na sakit), maitindig (pagbabalik ng lakas), at mapatawad ng kasalanan (espirituwal na kagalingan).

 

“ANG MAKALANGIT NA PAGPAPAGALING AY BIHIRA”

 

Ang iba ay hindi sang-ayon sa makalangit na pagpapagaling at sinasabing ito ay bihirang mangyari. Ang tanong nila ay, “Bakit mo bibigyan ng pag-asa ang tao para mabigo lamang sila?

 

 

 

 

 

ANG ATING TUGON:

 

Ang makalangit na pagpapagaling ay hindi bihira. Ang mga pahina ng Bagong Tipan ay puno ng mga kuwento ng kagalingan at paglaya. Ang talaan ng kasaysayan ng iglesia ay marami ring dokumentado ng medisina na mga makalangit na kagalingan.

 

“ANG SAKIT MO ANG IYONG KRUS”

 

“Ang iyong sakit ang iyong krus. Matuto kang mamuhay na kasama ito.” Narinig mo na ba ito?

 

ANG ATING TUGON:

 

Upang sabihin na ang iyong sakit ang iyong “krus” ay madaling harapin. Ang “krus” ay hindi mga problema, mga sakit, at mga dalamhati na dumating sa iyo na hindi mo pinili. Nilinaw ni Jesus na ang “pagdadala ng krus” ay isang pagpili, hindi isang bagay na dapat tanggapin sapagkat wala kang magawa. Hindi itinuring si Jesus ang sakit at kamatayan na isang krus na padala ng Dios. Itinuring ito ni Jesus na isang kaaway. Kung naniniwala ka na ang sakit ay iyong krus, bakit ka nagpapagamot upang mawala ito sa iyo?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

2. Isulat ang iyong tugon sa mga tradisyon ng tao:

    Ang kagalingan at mga himala ay hindi para sa ngayon:

 

________________________________________
    Bakit hindi binuhay ang lahat ng mga patay?

 

________________________________________
    Kung tunay ang makalangit na kagalingan, bakit namamatay ang mga Kristiyano?

 

________________________________________
    Hindi na kailangan ang makalangit na kagalingan sapagkat may modernang medisina na:

________________________________________
    Ang makalangit na kagalingan ay itinuturo ng mga hidwang kulto:

________________________________________
    Sa makalangit na kagalingan, ang katawan ay pinahahalagahan kay sa kaluluwa:

________________________________________
    Maysakit ka dahil sa iyong kasalanan:

 

________________________________________
    Kalooban ng Dios na ikaw ay magkasakit:

________________________________________
    Ito ay kadalamhatian ng matuwid:

________________________________________
    Bihira ang makalangit na pagpapagaling:

________________________________________
    Ang iyong sakit ang iyong krus:

________________________________________

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PAGSASAGAWA

 

Alin sa mga sumusunod na tradisyon ang narinig mo na tungkol sa iyong sakit o sa sakit ng iyong pinaglilingkuran?
Lagyan ng tsek kung alin dito ang sagot mo:

 

           
    ____Ang kagalingan at mga himala ay hindi para sa ngayon.
    ____Bakit hindi binuhay ang lahat ng mga patay?
    ____Kung tunay ang makalangit na kagalingan, bakit namamatay ang mga Kristiyano?
    ____Hindi na kailangan ang makalangit na kagalingan sapagkat may modernang medisina na.
    ____Ang makalangit na kagalingan ay itinuturo ng mga hidwang kulto.
    ____Sa makalangit na kagalingan, ang katawan ay pinahahalagahan kay sa kaluluwa.
    ____Maysakit ka dahil sa iyong kasalanan.
    ____Kalooban ng Dios na ikaw ay magkasakit.

    ____Ito ay kadalamhatian ng mautwid.
    ____Bihira ang makalangit na pagpapagaling.
    ____Ang iyong sakit ang iyong krus.

Isulat mo ang iyong mga kasagutang gagamitin kung ikaw ay tanunging muli sa hinaharap:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGDALAWANG  KABANATA

 

ISANG TINIK SA LAMAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin kung kangino galing ang tinik sa laman ni Pablo.

-Tukuyin kung ano itong tinik na ito ayon sa Biblia.

-Ipaliwanag kung bakit ito pinahintulutan.

-Ilarawan kung ano ang ginawa nito.

-Ibuod kung paano ito nahahayag.

-Ipaliwanag kung anu-ano ang bunga ng tinik sa laman ni Pablo.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

…at Siya’y madadalanginan nila, at pagagalingin Niya sila. (Isaias 19:22)

           

PAMBUNGAD

 

Sa nagdaang aralin, natutuhan mo ang mga tradisyon ng mga tao na nagdulot ng mga problema sa mga mananampalataya na naghahangad ng kagalingan at paglaya. Ang araling ito ay tungkol sa isang tradisyon na nakatuon sa tinik sa laman ni Pablo na binabanggit sa II Corinto 12. Dahil sa ito ay madalas pagtalunan at kritikal sa paksa ng kagalingan, nag-ukol tayo ng isang buong aralin para dito.

 

Marami ang nagsasabing ang tinik sa laman ni Pablo ay isang sakit at kahit na tatlong beses niyang idinalangin na ito na umalis ay walang nangyari, sila rin ay maaaring magkaroon ng “tinik sa laman” na sakit. Ang sabi ng tradisyon, “Ang iyong sakit ay tulad ng tinik sa laman ni Pablo at kailangan mong pag-aralan na mamuhay na kasama ito.”

 

Ang “tinik sa laman” na tradisyon ay nagiging sagabal sa iba na tanggapin ang kanilang kagalingan. Ito ay ginamit nang mali upang ipaliwanag kung bakit ang mga tao ay hindi tumatanggap ng nakikitang kagalingan at ginagawang dahilan ng kawalang ng kapangyarihan.

Sa pagpapasimula mo ng araling ito, ilagay mo sa isang tabi ang itinuro ng tao tungkol sa paksang ito sa ating pagsusuri kung ano ang itinuturo ng Kasulatan.

 

ANG TINIK SA LAMAN NI PABLO

 

Narito ang itinuturo sa Biblia ng tinik sa laman ni Pablo:

 

 

KUNG ANO ITO:

 

Ang sabi sa Biblia, ang tinik ni Pablo ay isang mensahero. Ang salitang Griego na “mensahero” ay pitong beses ginamit sa Bagong Tipan. Ito ay isinalin na “anghel” 181 na beses. Sa lahat ng 188 na beses na pagkabanggit nito, ito ay tumutukoy sa isang personalidad, hindi isang sakit o karamdaman. Ang mensahero ay isang personalidad.

 

Ang gamit ng salitang “tinik” sa Lumang Tipan ay pinatutunayan din ito. Ang “tinik” ay ginamit sa Bilang 33:55 at Josue 23:13 upang ilarawan ang mga naninirahan sa Canaan. Sa parehong pagkakataon, ito ay hindi kapansanang pisikal, subalit panunukso ng kaaway.

 

KANGINO GALING ITO:

 

Sinasabi sa Biblia na ito ay isang mensaherong galing kay Satanas. Sinabi ni Pablo, “May ibinigay sa akin…” subalit hindi niya sinabing ito ay mula sa Dios!

 

BAKIT ITO PINAHINTULUTAN:

 

Ang tinik ay pinahintulutan sa tatlong mahahalagang kadahilanan:

 

1. Pinipigil Nito Ang Kasalanan:

 

Sinabi ni Pablo na ito’y pinayagan dahil sa maraming mga kapahayagang tinanggap niya at baka siya ay yumabang.

 

Bago ang sinoman ay magsabing mayroon siyang tinik sa laman, dapat muna niyang bilangin kung ilang kapahayagan at mga ipangitain ang mayroon siya. Kandidato na ba siyang magkaroon ng tinik? Karamihan sa mga taong nagsasabing may tinik sila sa laman ay ni wala pang tinatanggap na kapahayagan o pangitain.

 

2. Tinupad Nito Ang Hula:

 

Ang tinik din ay tumupad ng hula. Nang si Pablo ay nahikayat, sinabi ng Dios:

 

…Aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa Aking pangalan. (Gawa 9:16)

 

3. Nagbibigay Ito Ng Lakas:

 

Ang mga problemang ibinigay ng “tinik” ay naging pagkakataon para ang lakas ng Dios ay maipahayag.

 

ANO ANG GINAWA NITO:

 

Binatikos si Pablo ng tinik na ito. Ang ibig sabihin ng “batikos” ay bigyan siya ng “ulit-ulit na paglusob o atake.” Ang salitang “pagbatikos” ay hindi isang permanenteng sakit kundi paulit-ulit na pag-atake. Ang mensahero ay ipinadala upang si Pablo ay atakihin upang mahadlangan ang Salita ng Dios na maipangaral.

 

PAANO ITO NAHAYAG:

 

Narito ang ilang halimbawa ng iba’t ibang paraan na kumilos ang tinik na ito upang kalabanin si Pablo:

 

(1)  Ipinagpasiya ng mga Judio na patayin si Pablo matapos siyang mahikayat:  Gawa 9:23

(2)  Si Pablo ay hinadlangan na makisama sa mga mananampalataya:  Gawa 9: 26-29

(3)  Siya ay kinalaban ni Satanas:   Gawa 13:6-12

(4)  Siya ay kinalaban ng mga Judio ng nagkakagulong mga tao: Gawa 13:44-49

(5)  Siya ay pinalayas sa Antioquia ng Pisidia:  Gawa 13:50

(6)  Siya ay dinumog ng mga tao at pinalayas mula sa Iconium:  Gawa 14:1-5

(7)  Siya ay tumakas sa Listra at Derbe, binato at iniwang tulad ng patay:  Gawa 14:6-9

(8)  Siya ay patuloy na nakikipagtalo sa mga hidwang kapatiran:  Gawa 19:8

(9)  Siya ay hinagupit at ikinulong sa Filipos:  Gawa 16: 12-40

(10) Siya ay dinumog at pinalayas mula sa Teslonica: Gawa 17: 1-10

(11) Siya ay dinumog at pinalayas mula sa Berea:  Gawa 17: 10-14

(12) Siya ay dinumog  sa Corinto:  Gawa 18: 1-23

(13) Siya ay dinumog sa Efeso:  Gawa 19: 23-31

(14) Pinagtangkaan siyang patayin ng mga Judio:  Gawa 20:3

(15) Siya ay hinuli ng mga Judio, dinaluhong, nilitis sa korte ng limang beses, at nagdusa

        ng iba pang mga kahirapan:  II Corinto 11:23-33

 

Ni minsan, sa lahat ng sulat ni Pablo, ay hindi niya binanggit ang pagkakasakit bilang pag-atake sa kaniya. Sa I Corinto 4:11, ipinakita ni Pablo na ang pag-atakeng ito ay hindi permanenteng sakit. Sinabi niya, “Kahit sa ngayon, kami ay nagugutom, at nauuhaw, at hubad, at inaatake, at walang tiyak na titirhan.”

 

Nakaranas din si Pablo ng sakit tulad ng sinabi sa Galacia 4:13-16, subalit hindi ito ang kaniyang tinik sapagkat hindi ito permanenteng kalagayan. Sinabi niya na nagkaroon lang siya nito “sa pasimula.” Ang iba ay naniniwalang ang tinik ni Pablo ay malabong paningin, subalit pinagaling na siya ng pagkabulag (Gawa 9:18). Ang paniniwalang patuloy si Pablo na nagkaroon ng malabong paningin ay nagpapawalang bisa ng kapangyarihan ng Dios na magpagaling. Isa pa, tama ba na tawaging diprensiya sa mata ang pagkakita ng kaluwalhatian ng Dios na isang mensahero ni Satanas? Sinabi ni Pablo mismo sa taong 60, nang isulat niya ang sulat na ito, na “mga 14 taong nakaraan” nang tanggapin niya ang “maraming mga kapahayagan” na nagbunga ng tinik sa laman. Yaon ay 12 na taon matapos ang kaniyang pagkahikayat nang makita niya ang kaluwalhatian ng Dios.

 

Kung ginagamit ni Pablo ang Galacia 4:15 na “inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin,” ito ay salawikain sa Hebreo. Katulad ito ng ilang mga salita sa ibang lugar na nagpapahayag ng masidhing pagnanasa. Halimbawa, “Ibibigay ko ang aking kanang braso…” Kung si Pablo ay may sakit sa mata tulad ng mga taga Asia (ophthalmia) na may nana na tumutulo sa kaniyang mga mata tulad ng sabi ng iba, magiging katakataka na maniniwala ang mga tao na manampalataya para sa mga espesyal ng mga himala.

 

ANG MGA BUNGA NITO:

 

Nagsalita si Pablo tungkol sa kaniyang “dalamhati” na ang ibig sabihin ay “kailangan ng lakas, kahinaan, hindi magkaroon ng bunga sa pamamagitan ng kaniyang sariling kakayahan.” Sa pamamagitan ng kahinaang ito, ang kapangyarihan at kalakasan ng Dios ay nahayag.

 

ANG PAGTATAPOS

 

Ang pagtatapos sa araling ito ng tinik sa laman ni Pablo ay bagama’t hindi natin talaga matiyak kung ano itong tinik, kung ikaw ay naturuan na ito ay sakit, tandaan mo ang mga sumusunod:

 

Ang tinik ni Pablo ay nagbunga ng kapangyarihan ng Dios na nahayag sa kaniyang buhay. Ang ibang mga tao ay ginamit itong “tinik sa laman” upang patuloy na magdusa sa sakit. Dapat nilang tandaan na ang tanging banggit sa tinik sa laman sa Biblia ay nadaig lahat ng kasama niya sa pagsulat, pangangaral, at paglalakbay sa ministeryo. Ang tinik ay hindi nakasagabal sa kaniyang dakilang paglilingkod sa Kaharian o ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Kanino galing ang tinik sa laman ni Pablo?

 

________________________________________

3. Ayon sa Biblia, ano itong tinik sa laman ni Pablo?

 

________________________________________

4. Bakit pinahintulutan ang tinik sa laman na ito?

 

________________________________________

5. Ano ang ginawa ng tinik na ito kay Pablo?

________________________________________

6. Paano nahayag ang tinik sa laman na ito ni Pablo?

 

________________________________________

________________________________________

7. Anu-ano ang naging bunga ng tinik sa laman ni Pablo?

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Ginagamit ang iyong natutuhan sa araling ito, paano mo sasagutin ang isa na nagsasabing ang kaniyang sakit ay isang “tinik sa laman” mula sa Dios?

________________________________________

________________________________________

2. Pag-aralan ang pangako ng kagalingan:

 

…at Siya’y madadalanginan nila, at pagagalingin Niya sila.  (Isaias 19:22)

 

Ang ibig sabihin ng “manalangin” ay humingi nang mataimtim at nagpapatuloy. Ipinangako ng Dios na pagagalingin niya yaong humihingi nang mataimtim at patuloy.

 

3. Kahit na ang tinik ni Pablo ay hindi sakit, maaari mong angkinin ang ganoon ding kalakasan na ibinigay sa kaniya kahit ito ay panglabas na atake o pisikal na kahinaan sa iyong paghihintay ng lubusang kagalingan. Sinabi ng Dios kay Pablo:

 

…Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.  (II Corinto 12: 9)

 

Ang tugon ni Pablo rito ay…

 

…Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.

 

Kaya nga ako’y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagkat pagka ako’y mahina, ako nga’y malakas.  (II Corinto 12: 9-10)

 

4. Isipin mo ang iyong pisikal na kondisyon o ang kalagayan ng iyong pinaglilingkuran ng kagalingan:

 

Anu-ano ang iyong mga kahinaan sa ngayon?

 

________________________________________

Paano mahahayag ang kalakasan ng Dios sa mga kahinaang ito?

 

________________________________________

________________________________________

Habang naghihintay ng kagalingan, ano ang magagawa upang magdala ng luwalhati sa Dios? (Kahit sila na nasa higaan o naka wheelchair ay may magagawa – Maaari silang mamagitan sa pananalangin.)

 

________________________________________

________________________________________

5. Nakakaranas ka ba ng pag-atake ni Satanas dagdag sa iyong pisikal na problema?

 

Anu-anong mga problema ang kinakaharap mo sa ngayon?

 

________________________________________

________________________________________

Paano mahahayag ang kaluwalhatian ng Dios sa ganitong mga pangyayari?

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGTATLONG  KABANATA

 

MGA TANONG NA WALANG KATUGUNAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Ibigay ang kahulugan ng “mga bagay na pabagu-bago.”

-Talakayin ang mga bagay na pabagu-bago na nakaka-apekto sa kagalingan.

 

            -Kulang sa turo

            -Hindi paniniwala

            -Kulang sa pananampalataya

            -Kulang sa kapangyarihan

            -Hindi inihayag na personal na kasalanan

            -Ayaw gumaling

            -Kulang sa desisyon at pagnanais

            -Mga problema sa kahilingan

            -Kulang sa pagtitiyaga

            -Di pagsunod sa proseso ng pagpapagaling

            -Hindi kinikilala ang Katawan ni Cristo

            -Ang masamang espiritu ay hindi napalayas

            -Kinokontra ang gawa ng Dios

            -Pagsuway sa natural na mga batas

            -Takdang panahon ng kamatayan

 

-Ang tugon sa mga bagay na pabagu-bago.

           

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deuteronomio 29:29)

 

PAMBUNGAD

 

Bakit hindi marami ang gumagaling? Bakit ang iba ay gumagaling at ang iba ay hindi? Bakit ang mababaw na mga Kristiyano ay gumagaling at ang mga nakatalagang mga tao ay hindi pa rin tumatanggap ng kagalingan?

 

Ito ang ilan sa mga katanungang iyong makakaharap sa iyong pagpasok sa ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na pabagu-bago na nakaka-apekto sa kagalingan. Ang “variable” ay isang bagay na pabagu-bago na nagkakaroon ng iba’t ibang resulta.

 

Nangako ang Dios ng kagalingan sa Kaniyang Salita. Subalit, tandaan natin na ang bawat pangako ng Dios ay may kondisyon, depende sa tugon ng tao. Kaya mahalagang maunawaan ang mga bagay na pabagu-bago na nakaka-apekto sa kagalingan.

 

PAGUNAWA AT PAGTUGON SA MGA BAGAY NA PABAGU-BAGO

 

Ang mga bagay na pabagu-bago ang dahilan kung bakit ang iba ay gumagaling at ang iba ay hindi. Bago ka magpatuloy sa pag-aaral na ito, mahalagang malaman mo na hindi mo kailan man masasagot ang lahat ng tanong tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya.

 

Ang naturalesa ng tao ay nais maunawaan ang lahat ng bagay. Ang unang tukso kay Eva ni Satanas ay dito umiinog. Ang pagnanasa na malaman ang lahat ng bagay ay nag-uugat sa rebelyon tungkol sa mga tanong na walang kasagutan. Ang problemang ito ay dapat masugpo upang ikaw ay makapaglingkod ng kagalingan at pagpapalaya nang mabisa.

 

Inihayag ng Biblia ang ilang mga bagay na pabagu-bago na nakaka-apekto sa kagalingan at paglaya, subalit hindi ka magkakaroon ng katugunan sa lahat ng tanong sa larangang ito. Kung alam mo nang lahat ay hindi mo na kakailanganin ang pananampalataya. Malinaw sa sinabi sa Biblia na ang ilang mga bagay ay inihayag sa atin, at ang iba ay hindi:

 

Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deuteronomio 29:29)

 

Sa pagpapagaling at pagpapalaya, dapat mong ilagay sa isang tabi ang mga bagay na walang kasagutan at iwanan ang mga lihim na bagay sa Dios.

 

Ang pagpapagaling at paglaya ay bahagi ng Ebanghelyo tulad ng kaligtasan. Pag ikaw ay naglingkod sa pamamagitan ng pagpapagaling at pagpapalaya at ang iba ay hindi tumanggap nito, maaari kang matuksong tumigil na. Subalit isipin mo ito: Ikaw ba ay humihinto ng pangangaral ng kaligtasan sapagkat hindi lahat ay tumatanggap nito?

 

Bakit madali kang huminto ng pananalangin sa may sakit kung hindi lahat ay gumagaling? Marahil, sapagkat pumapasok ang kayabangan sa ganitong ministeryo. Napapahiya ka kung ang taong pinanalangin mo, na kitang-kitang may sakit, ay hindi gumaling. Nakikita ito sapagkat ito ay panglabas. Ang pagtugon sa kaligtasan ay pangloob, kaya hindi nakikita ng mga tao kung tunay nga ang kaniyang karanasan. Ang iyong puri ay nasasaling dahil sa nakikita ng tao.

 

Hindi ka kailan man magkakaroon ng sagot sa lahat ng mga bagay na pabagu-bago na may kinalaman sa kagalingan tulad ng mga bagay na kaugnay ng kaligtasan. Ang iba ay naliligtas, ang iba ay hindi. Ang iba ay gumagaling, ang iba ay hindi. Subalit, inihayag ng Biblia ang ilang mga bagay na nakaka-apekto sa kagalingan. Mahalaga na maunawaan mo ito upang matulungan mo ang iba na tumanggap ng kagalingan.

Narito ang ilan sa mga karaniwang mga bagay na pabagu-bago:

 

KULANG SA TURO

 

Ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa pagpapagaling, mga prinsipyo nito, pinagmulan, paano gagamitin ang pananampalataya, at tanggapin ito ay makaka-apekto sa kagalingan. Sinabi ng Dios:

            Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman.  (Oseas 4:6)

 

Sinabi ni Jesus:

 

Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.  (Mateo 22:29)

 

Ang ilan ay hindi tumatanggap ng kagalingan sapagkat hindi nila nauunawaan ang Salita ng Dios at ang kapangyarihan nito.

 

Ang pananampalataya para sa kagalingan ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan (Roma 10:17). Tinatawag ang Salita ng Dios na binhi. Ang ibang mga tao ay nagsusumikap na umani ng kagalingan na hindi naitatanim sa kanilang puso ang Salita ng Dios. Ang binhi ay hindi makagagawa malibang ito ay nasa loob mo. Bago Niya sabihing “Ako ang Dios na nagpapagalin sa iyo,” sinabi muna ng Dios, “Kung ikaw ay susunod nang matama sa Aking Salita.” Ang Salita ang nauuna sa kagalingan.

 

Ilang mga tao ang maliligtas kung hindi pa nila naririnig ang mensahe ng kaligatasan? Ilan ang maliligtas kung ang mga puntos ng mensahe sa kaligtasan ay:

 

            - Baka hindi kalooban ng Panginoon na iligtas ka.

            -Ang iyong sakit ay sa kaluwalhatian ng Dios.

            -Ang panahon ng pagpapagaling ay lipas na.

 

Dapat turuan ang mga tao tungkol sa kagalingan kung paano sila tinuturuan tungkol sa kaligtasan. Ang binhi ng Salita tungkol sa kagalingan ang nagdadala ng ani ng kagalingan.

 

HINDI PANINIWALA

 

Ang hindi paniniwala ay maaaring bunga ng…

 

            1. Pag-iisip na ang Dios ay hindi nagpapagaling.

2. Ang kaisipan ng ang Dios ay nagpapagaling, subalit baka hindi Niya ako piliin na pagalingin.

3. Ang kaisipan na ang Dios ay nagpapagaling, at maaari Niya akong pagalingin, subalit baka hindi ngayon.

            4. Isang kapaligiran ng pagaalinlangan na pumupigil sa kagalingan.

 

 

Maraming mga halimbawa sa Biblia kung paanong ang hindi paniniwala ay nakapigil sa paggawa ng Dios. Sa lunsod ng Nazaret si Jesus…

 

ay hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.  (Mateo 13:58)

 

Nagtaka si Jesus kung bakit ayaw maniwala ng mga tao:

 

            At nanggilalas Siya sa kanilang di pananampalataya…  (Marcos 6:6)

 

Ang sabi ng Biblia:

 

Ngunit humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pag-aalinlangan: sapagkat yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.

 

Sapagkat huwag isipin ng taong yaon na siya’y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon.

 

Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.  (Santiago 1:6-8)

 

Basahin mo ang kuwento ng pagpapagaling ng anak na babae ni Jairo sa Marcos 5:35-40. Makikita mo na sila na walang pananampalataya ay pinaalis sa silid habang pinagagaling ni Jesus ito. Ang hindi pagsampalataya ng buong grupo ang siyang dahilan kung bakit hindi na tayo nakakikita ng mga pagpapagaling at pagpapalaya na umaagos sa ating mga iglesia ngayon tulad ng nais ng Dios. Tayo ay mga kaanib na magkakasama. Kung ang bahagi ng ating katawan ay hindi naniniwala sa kagalingan , itong pagaalinlangang ito ang pumipigil ng pagdaloy sa ating kalagitnaan.

 

Ang sabi ng Biblia, “Ang mga tandang ito ay susunod sa “KANILA na nananampalataya.” Ang talatang ito ay tumutukoy sa mga mananampalataya (ang Iglesia). Hindi sinasabi ng talata na “siya na nananampalataya,” na tumutukoy sa isa. Hindi ang pananampalataya ng isa o dalawang ebanghelista na nagbunga ng mga pagpapagaling sa aklat ng Mga Gawa. Ito ay pananampalataya ng buong Iglesia na puspos ng Espiritu Santo.

 

Kung hindi makagawa si Jesus ng mga makapangyarihang gawa sa Nazaret dahil sa kanilang (sama-samang) hindi pagsampalataya, hindi rin ba totoo na ang ating sama-samang di pagsampalataya ay nakapipigil sa pagpapagaling? Ngayon ang malaking bahagi ng Iglesia ay tumututol sa isang bagay na pinag-ukulan ng malaking panahon sa pananalangin ng unang Iglesia. Hindi pa nila matanggap ang Biblikal na pananaw patungkol sa sakit. Hindi pa sila natuturuan ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan. Subalit, dinuduro nila ang mga hindi tumanggap ng kagalingan bilang paglaban sa ministeryo ng pagpapagaling. Subalit itong kabiguang ito ay sila na rin ang may sala.

 

Marami tayong nakikitang mga naliligtas sapagkat tinatanggap ng mga iglesia na “fundamental” ang doktrina ng kaligtasan. Subalit hindi tayo nakakikita ng mga gumagaling sapagkat tayo ay napipilitang gumawa sa harap ng tradisyon, pagtanggi, at walang pananampalataya.

 

Sila na nangangaral ng buong Ebanghelyo ng kaligtasan, pagpapagaling at pagpapalaya ay madalas gumagawa sa “Nazaret” ng hindi pananampalataya. Bilang mga anak ng Dios, tulad ng lalaking may sakit na lumapit kay Jesus, dapat tayong manalangin ng, “Panginoon, kami’y nananampalataya… Tulungan Mo ang aming di pagsampalataya” (Marcos 9:24). Kung ang hindi paniniwala ng grupo ay hindi nakakasagabal sa pag-agos ng kagalingan, bakit hindi nakagawa si Jesus ng lubos sa Nazaret?

           

KULANG SA PANANAMPALATAYA

 

Walang magagawa ang Dios sa problema ng hindi paniniwala. Kung wala kang paniniwala, hindi ibig sabihin nito ay mayroon kang pananampalataya. Halimbawa, ang ateista ay hindi naniniwala sa Dios. Ang “agnostic” ay hindi alam kung may Dios o wala. Ang kakulangan sa paniniwala ng “agnostic” ay hindi nangangahulugan na siya ay may pananampalataya.

 

Dapat mong palitan ng pananampalataya sa Dios ang hindi paniniwala sapagkat ang pananampalataya ang nagtitindig sa may sakit (Santiago 5:15). Dapat kang tumingin sa pananampalataya, magsalita ng pananampalataya, at kumilos sa pananampalataya. Dapat kang lumakad nang may pananampalataya at hindi nakabatay sa paningin. “Ang lumalakad na nakadepende sa paningin” ay tumitingin sa kondisyon ng iyong katawan at sintomas nito. Pinipigilan ni Satanas ang kagalingan sa pamamagitan ng pagtingin mo sa sintomas at sa iba na nagaangking pinagaling na sila, subalit hindi pa.

 

Hindi ito pananampalataya sa iyong pananampalataya o pananampalataya sa pananampalataya ng iba. Ang pananampalataya ay hindi nagpapagaling. Ang Dios ang nagpapagaling. Kinilala ni Pablo na ang pilay ay may pananampalataya na pagagalingin siya ng Dios (Gawa 14:8-10). Hindi kinakailangan ang “malaking” pananampalataya upang gumaling. Sinabi ni Jesus na ang pananampalatayang kasing laki ng buto ng mustasa ay makapangyarihan. Tinagpo ni Jesus ang mga tao ayon sa lebel ng kanilang pananampalataya. Kung kinakailangang nandoon Siya mismo upang magpagaling, nandoon Siya. Kung nananampalataya sila na hindi na Siya kailangang nandoon, sinabi lang niya ang Salita mula sa malayo at nagaganap ang kagalingan.

 

Kapag hindi gumaling ang maysakit, ang sinasabi ng mga tao ay kulang siya sa pananampalataya. Subalit tulad ng natututuhan mo sa araling ito, maraming mga bagay na pabagu-bago na dapat isaalang-alang. Hindi hinatulan ni Jesus ang mga tao na kulang sila sa pananampalataya. Sa tala ng Biblia, kung minsan ang pananampalataya ang kinakailangan sa pagpapagaling, subalit kung minsan ito ay hindi naman kailangan.

__________________________
(Pansinin: Madalas mas marami tayong pagpapagaling na nakikita sa mahihirap na bansa kay sa mga modernang bansa sapagkat may damdamin sila ng pananampalataya ng grupo. Pinaniniwalaan nila ang sinasabi ng Dios. Inaasahan nila ang gawa ng Dios sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Maraming mga tao sa modernang mga bansa ay hindi ganoon kabukas dahil sa materyalismo at makataong pangangatuwiran.)

KULANG SA KAPANGYARIHAN

 

Sinabihan ni Jesus ang mga alagad na maghintay sa Jerusalem hanggang sila ay bigyan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kung minsan ang kagalingan ay hindi nangyayari dahil sa kakulangan ng kapangyarihan ng naglilingkod. Marahil ay hindi pa nila tinatanggap ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na sinasabi sa Gawa 4. Marahil ay pinapalitan nila ng pagibig at habag ang kapangyarihan. Maaari silang manalangin ng panalangin ng kaaliwan sa halip na panalangin ng pagpapagaling. Ang kakulangan ng kanilang kapangyarihan ay maaaring bunga ng maling doktrina o tradisyon.

 

KASALANANG PERSONAL NA HINDI NAIHAYAG

 

Pinatutunayan ng Biblia ang tiyak na kaugnayan ng personal na kasalanan at sakit sa ilang mga kaso:

 

Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba, upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.  (Santiago 5:16)

 

Sinabi ni David na, “Kung ako’y may itinatagong kasalanan sa aking puso, hindi ako diringgin ng Panginoon.”

 

Hindi ipinangako ng Dios na sisirain Niya ang gawa ni Satanas sa katawan kung ang taong may sakit ay nakakapit pa rin sa Diablo sa kaniyang kaluluwa. Kung may kasalanan pa rin sa puso ng maysakit, maaaring hindi siya gumaling. Kung may kasalanan din sa puso ng dumadalangin para sa kanya, maaaring hindi rin siya gumaling sapagkat hindi siya dinirinig ng Panginoon.

 

Ang espiritung hindi nagpapatawad ay nakakasagabal sa kagalingan. Sinabi ni Jesus, “Kung hindi mo mapatawad ang kapwa mo ng kaniyang kasalanan, hindi ka rin patatawarin ng iyong Ama sa Langit ng iyong mga kasalanan.” Kung hindi ka mapatawad ng Dios dahil hindi ka marunong magpatawad sa iba, hindi ka Niya mapagagaling nang lubusan, sapagkat ang kagalingan ay sa buong pagkatao, kaluluwa, espiritu, at katawan.

 

AYAW GUMALING

 

Tinanong ni Jesus ang taong pilay sa Betesda:

 

            “Ibig mo bang gumaling?”  (Juan 5:6)

 

Madalas, hinahanap lang natin ang kagalingan at paglaya. Nais ng Dios na pagalingin ang buong pagkatao: katawan, kaluluwa, at espiritu.

 

Sapagkat ang tao ay katawan, kaluluwa, at espiritu, ang konsepto ng kabuuan ay ang pakitunguhan ang lahat ng ito. Hindi natin maaaring bigyan ng diin ang pisikal na kalusugan hiwalay sa ating espiritu o kagalingan na hiwalay sa kaligtasan. Ang Dios ay Espiritu. Nakikitungo Siya sa iyo sa pamamagitan ng iyong espiritu. Ang iyong espiritu ang nangangasiwa sa iyong pisikal, mental, espirituwal , at emosyonal na buhay. Ang iyong buong buhay ay may pundasyong espirituwal. Sapagkat ikaw ay nilalang na espirituwal na persona, ang kagalingan ng katawan ay nagpapasimula sa kagalingan ng espiritu.

 

Nang lalangin ng Dios ang tao, ang espiritu ng tao ang dapat mangasiwa sa kaniyang buhay dito sa lupa. Ito ay dapat manaig sa ibabaw ng isip at katawan at pagkaisahin ang mga ito sa kabuuan ng isang tao na titirhan ng Dios. Sa pasimula, sa Hardin ng Eden, ang tao ay may malapit na espirituwal na kaugnayan sa Dios.

 

Dahil sa pagbabawal ng pagkain mula sa puno ng pagkaalam sa Hardin, ipinagbawal ng Dios sa tao na mamuhay sa larangang pisikal at intelektuwal na pagkaalam. Nang magkasala ang tao, ang kaniyang espiritu ay nalubog at pinili niyang mabuhay ayon sa kaniyang pag-iisip. Nang ang kaniyang pag-iisip ay tumaas sa ibabaw ng kaniyang espiritu at nanaig, ang espirituwal na bahagi ng tao ay namatay (o tumigil ng paggawa bilang pinagmumulan ng kaniyang pagtugon sa Dios at sa buhay). Mula noon ay nagkaroon ng pagkahiwalay ang espiritu, pag-iisip, at katawan, na nagbunga ng pagkukulang ng pagkakaisa sa pagitan ng tao, sa kaniyang paligid, at sa lumalang sa kaniya.

 

Ang kagalingan ay higit pa sa pagkawala ng sakit. Higit pa ito sa malusog na pangangatawan. Ito ay ang pagbabalik ng wastong silbi ng bawat bahagi (katawan, kaluluwa, espiritu; kasali ang isipan, emosyon, atbp.) na kaisa sa bawat bahagi, ng kapaligiran, at ng Lumalang sa atin.

 

KULANG SA DESISYON AT PAGNANAIS

 

Tinanong ni Jesus ang taong pilay sa Betesda:

 

“Ibig mo bang gumaling?”  (Juan 5:6)

 

Sa puntong ito, ang pilay ay dapat gumawa ng desisyon. Ang ibang tao ay hindi nais na gumaling. Nasisiyahan sila sa awa, habag, at pansin na tinatanggap nila kung sila ay may sakit.

Ang iba ay tumatanggap ng mga benepisyo ng medisina sa pamamagitan ng pension at iba pang bagay at ayaw nilang mawala ito. Ang iba naman ay nais nang umuwi sa Panginoon at ayaw nang gumaling. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang sakit bilang dahilan upang makaiwas sa trabaho at gamitin ang iba.

 

Pakitunguhan mo ang mga ganitong isyu na may kahabagan. Huwag mo bigyan ng damdamin ng pagkakasala ang mga taong may ganitong isipan. Ang kanilang sakit ay naka-apekto sa kanilang emosyon hanggang sa mapatnubayan sila sa mas mabuting buhay.

 

MGA PROBLEMA SA KAHILINGAN

 

Kung minsan ay may mga problema sa mga kahilingan sa kagalingan na nakakasagabal sa katuparan nito.

 

 

 

HINDI HUMIHINGI:

 

Ang una at pinakamahalaga ay kung minsan ay hindi tayo humihingi ng kagalingan. Tayo ay lumalapit sa medisina o mga kaibigan para sa kaaliwan:

 

            …kayo’y wala, sapagkat hindi kayo nagsisihingi.  (Santiago 4:2)

 

HINDI TIYAK ANG PAGHINGI:

 

Kung minsan, ang panalangin ay hindi tinutugon sapagkat ang mga ito ay hindi tiyak:

 

            … sapagkat nagsisihingi kayo ng masama… (Santiago 4:3)

 

Kung ikaw ay humihingi ng “hindi sigurado”, hindi ka tiyak sa iyong hinihingi. Hindi mo tinatamaan ang target.

 

HUMIHINGI NA MALI ANG MOTIBO:

 

Kung minsan ay humihingi tayo na may maling motibo:

 

Kayo’y nagsisihingi at hindi kayo nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa iyong mga kalayawan.  (Santiago 4:3)

 

Ang ibang tao ay nais na gumaling, subalit ayaw magbago ng kanilang makasalanan, makamundo, at hindi nakatalagang pamumuhay. Nais nilang gumaling upang magawa nila ang nais nilang gawin.

 

Dapat isaalang-alang ng mga tao ang mga tanong na ito: Ano ang iyong pakay kung bakit nais mong gumaling? Ito ba ay upang makabalik ka sa makasariling pamumuhay? Ito ba ay upang ikaw ay makapaglibot at gumawa ng mabubuting mga gawa sa halip na gawin ang ipinagagawa ng Dios sa iyo?

 

ANG IYONG PANALANGIN AY NAHAHADLANGAN:

 

Tinukoy ng Biblia ang ilan pang mga bagay na nakahahadlang sa pagtanggap mo ng katugunan sa iyong mga panalangin:

 

-Anumang uri ng kasalanan:  Awit 66:18; Kawikaan 28:9; Isaias 1:15; 59:1-2

-Mga idolo sa puso:  Ezekiel 14:1-3

-Isang espiritu na hindi nagpapatawad:  Marcos 11:25; Mateo 5:23

-Pagkamakasarili, maling mga motibo:  Kawikaan 21:13; Santiago 4:3

-Uhaw sa kapangyarihan, mga panalanging namimilit:  Santiago 4:2-3

-Maling pagtrato sa asawa:  I Pedro 3:7

-Banal ang tingin sa sarili:  Lucas 18: 10-14

-Hindi paniniwala:  Santiago 1: 6-7

-Hindi nananatili kay Cristo at sa Kaniyang Salita:  Juan 15:7

-Kulang sa kahabagan:  Kawikaan 21:13

-Mapagpaimbabaw, kayabangan, walang katuturang paulit-ulit: Mateo 6:5; Job 35: 12-13

-Humihingi nang hindi ayon sa kalooban ng Dios:  Santiago 4:3

-Hindi humihingi sa pangalan ni Jesus:  Juan 16:24

-Mga sagabal ni Satanas:  Daniel 10: 10-13; Efeso 6:12

-Hindi inuuna ang Kaharian ng Dios:  Mateo 6:33

 

KULANG SA PAGTITIYAGA

 

Kung minsan ay hindi tayo nagtitiyaga (nagpapatuloy) sa pananalangin. Nangaral si Pablo minsan nang siya ay may sakit (Galacia 4;13-14) at pagkatapos ay gumaling. Ang panalangin ay hindi agad tumalab kay Epafrodito na halos mamatay (Filipos 2:27) at kay Trofimo na naiwan dahil sa karamdaman (II Timoteo 4:20). Subalit pagtagal ay gumaling din. (Pansinin din na patuloy na dumalangin si Pablo para sa may sakit kahit na sa mga kasong ito sila ay hindi agad gumaling.)

 

Iniisip ng iba na kapag ikaw ay humingi nang higit sa minsan ay ito’y tanda na ikaw ay kulang sa pananampalataya. Hindi itinuro ni Jesus na ang pananatili sa pananalangin ay tanda ng kulang sa pananampalataya. Hinimok Niya na magtiyaga tayo sa pananalangin. Sa Lucas 11:1-13, itinuro ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa pananalangin sa talinghaga ng kaibigang hindi tumigil ng paghingi (5-8) at ang balo at ang huwes (1-8). Ang halimbawa ni Daniel ay nagpakita rin ng pagtitiyaga. Dininig ng Dios ang kaniyang dalangin agad, subalit pinigilan ni Satanas ang anghel na nagdala ng sagot kaya ito naantala.

 

Minsan ay nanalangin si Propeta Eliseo na umulan ng apoy mula sa Langit, subalit kinailangang manalangin siya ng pitong beses para umulan. Huwag kang sumuko kung sa unang panalangin ay hindi gumaling ang may sakit. Tandaan na may tatlong antas ng pananalangin –“paghingi, pagsasaliksik, at pagkatok.” Kung minsan ay dumarating agad ang sagot pagkapanalangin mo. Kung minsan naman ay kailangang magpatuloy kang magsaliksik at kumatok bago mo tanggapin ang katugunan.

 

Sa natural na mundo, ang mga tao ay pabalik-balik sa mga doktor hanggang sa malutas ang kanilang pisikal na kondisyon. Bakit sila walang tiyaga na magpatuloy na humingi ng makalangit na kagalingan mula sa Dios?

 

Tandaan: Ang pakikibaka sa kalusugan ng katawan ay isang espirituwal na labanan na nakikita sa pisikal na larangan. Magpatuloy kang manalangin hanggang sa ang iyong kahilingan ay ibigay. Kung matanggap mo ang kasiguruhan sa iyong espiritu, magumpisa kang magpuri sa Dios kahit na hindi mo pa nakikita ang resulta:

 

-Si Jehosapat at ang mga anak ng Israel ay nagumpisang magpuri sa Dios sa isang malakas na tinig bago nila nakita ang aktuwal na katugunan sa kanilang panalangin.

 

-Nagpasalamat si Jesus sa Dios bago pa nabuhay si Lazaro.

 

-Nang tumanggap ng kasiguruhan si Abraham na siya ay magkaka-anak, hindi na siya nagpatuloy na manalangin. Nanampalataya siya at niluwalhati ang Dios.

 

ANG HINDI PAGSUNOD SA PROSESO NG PAGPAPAGALING

 

Sa proseso ng pagpapagaling, kung minsan ay nagbibigay ang Dios ng mga tagubilin na tila kakatuwa sa natural na pag-iisip. Halimbawa, inutusan ng Dios si Naaman na maghugas sa maputik na ilog upang tumanggap ng kagalingan (II Mga Hari 5: 1-14). Kung minsan ay isang maliit na bagay lamang ng pagsunod ang namamagitan sa iyo at ng himala.

 

HINDI KINIKILALA NANG TAMA ANG KATAWAN NI CRISTO

 

Ang kahinaan at sakit ang bunga na hindi pagkilala nang tama ng Katawan ni Cristo. Ang “pagkilala” ay maunawaan ang isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri, pag-iimbestiga, at pagpili.” (Tingnan ang I Corinto 11:27-30. Para sa dagdag na kaalaman tingnan din ang Lucas 22:2-20, Mateo 26:27-29. at Marcos 14: 22-25.) Hindi natin kinikilala ang Katawan ni Cristo sa tatlong paraan:

 

ANG KAHULUGAN NG DUGO AT LAMAN:

 

Hindi natin ito kinikilala nang tama kung hindi natin nauunawaan ang kahulugan ng katas ng ubas at ng tinapay na simbolo ng Kaniyang dugo at laman. Ganito ang nangyari nang unang ibigay ni Jesus ang pagtuturong ito sa Juan 6:66 at marami ang tumalikod sa pagsunod sa Kaniya. Hindi nila naunawaan ang espirituwal na kahulugan ng itinuturo Niya. Ang iba ay nauunawaan na ang dugo ay para sa kapatawaran ng kasalanan, madalas ay hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng katawan. Ang katawan ay para sa kagalingan, kaya maaari tayong kumain nito at gumaling (tingnan ang Juan 6:48-58 at Lucas 6:48-51).

 

PAGKAKAHATI SA KATAWAN:

 

Kung minsan ay hindi natin nauunawaan ang kaugnayan ng magkakapatid na bahagi ng Katawan ni Cristo. Kumakain tayo at umiinom ng hindi nararapat kung hindi tayo nagkakaisa sa kapatiran sa Panginoon. Ipinaliliwanag ni Pablo sa I Corinto 3:1-13 na ang mga karnal na Kristiyano na sangkot sa pagkakahati ng Iglesia ay hindi dapat kumain ng karne (laman, katawan) ng Salita dahil sa kanilang pagkakarnal.

 

KUMAKAIN NANG HINDI KARAPAT-DAPAT:

 

Kumakain tayo ng di nararapat kung tayo ay gumagawa nito na hindi sinusuri ang ating buhay. Kahinaan at sakit ang nagiging bunga nito. Kaya sinabi ni Pablo na suriin ninyo ang inyong sarili na espirituwal at magsisi kayo bago kumain ng Komuniyon.

 

ANG MASAMANG ESPIRITU AY HINDI NAPALAYAS

 

Ang iba ay hindi tumatanggap ng kagalingan sapagkat ang kanilang sakit ay kagagawan ng masamang espiritu na dapat ay palayasin. Higit pa sa panalangin ang kailangan nila. Sa mga kalagayan na may kaugnay na masamang espiritu, natala sa Biblia na kailangang palayasin ang kaaway upang gumaling ang tao.

 

KINOKONTRA ANG GAWA NG DIOS

 

Kung ikaw ay dumadalangin para sa kagalingan at gumagawa ng nakasasamang mga bagay, kinokontra mo ang nais gawin ng Dios. Halimbawa, kung inaalagaan mo ang kapaitan at galit sa iyong puso, nakaka-apekto ito sa kagalingan ng iyong ulser, mataas na presiyon, nerbiyos, atbp.

 

PAGSUWAY SA NATURAL NA MGA BATAS

 

Ang Dios na nagsabing “Ako ang Dios na nagpapagaling sa iyo” ay Siya ring Dios na nagbigay ng mga natural na batas para sa kalusugan at kalinisan sa Kaniyang bayan. Ang ibang tao ay hindi tumatanggap ng kagalingan sapagkat sinusuway nila ang mga batas na ito. Halimbawa, ang isang tao ay patuloy na umiinom ng nakalalasing na inumin at nagtataka kung bakit hindi siya gumagaling sa kaniyang sakit sa atay. Maaari silang magpatuloy sa paninigarilyo at magtaka kung bakit hindi sila pinagagaling ng Dios sa kanser sa baga.

 

TAKDANG PANAHON NG KAMATAYAN

 

Itinuturo ng Biblia na may takdang panahon para mamatay (Eclesiastes 3:2 at Hebreo 9:27). Kahit ang dakilang propetang si Eliseo, na gumawa ng maraming himala ng pagpapagaling at paglaya, ay nagkasakit ng “sakit sa ikamamatay” (II Mga Hari 13: 14).

 

ISANG HULING PAALAALA

 

Binuksan natin ang araling ito sa pamamagitan ng mga tanong:

 

Anu-anong mga bagay na pabagu-bago ang may kinalaman sa pagpapagaling? Bakit hindi marami ang gumagaling? Bakit ang iba ay gumagaling at ang iba ay hindi? Bakit ang ibang mga mabababaw na mga Kristiyano ay gumagaling samantalang ang mga tapat at nakatalagang mga Kristiyano ay hindi?

 

Ang mga bagay na pabagu-bago na pinag-aralan mo rito ay ilan sa mga bagay na may kinalaman sa kagalingan at pagpapalaya. Subalit, laging tandaan…

 

Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deuteronomio 29:29)

 

Ang hinihiling ng pananampalataya ay ito nga: pananampalataya. Kung mayroon ka ng lahat ng sagot, hindi mo na kakailanganin ang pananampalataya. Hiniling lamang ng Dios na kumilos ka sa pananampalataya ayon sa Kaniyang Salita, hindi magbigay ng mga katugunan. Itinala sa Lucas 4:27 na maraming mga ketongin sa panahon ni Elias, subalit isa lamang ang pinagaling. Hindi sinabi kung bakit.

 

Ang ating dapat na maging damdamin ay tulad ng kilalang ebangelista na nagministeryo ng kagalingan at pagpapalaya. Nagsabi si Rev. F.F. Bosworth ng ganito:

 

Ako, sa aking sarili, ay mangangaral ng buong evangelio kahit wala akong makita na maligtas o gumaling habang ako’y nabubuhay. Ako ay nagpasiya na ibatay ko ang aking doktrina sa hindi nagbabagong Salita ng Dios, hindi sa mga pangyayari ( karanasan).”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibigay ang katuturan ng “variables.”

 

________________________________________

________________________________________

3. Sa hiwalay na papel ibigay ang buod ng mga sumusunod na mga “variables” o mga bagay na pabagu-bago na may kinalaman sa kagalingan:

 

-Kulang sa turo

            -Hindi paniniwala

            -Kulang sa pananampalataya

            -Kulang sa kapangyarihan

            -Hindi inihayag na personal na kasalanan

            -Ayaw gumaling

            -Kulang sa desisyon at pagnanais

            -Mga problema sa kahilingan

            -Kulang sa pagtitiyaga

            -Di pagsunod sa proseso ng pagpapagaling

            -Hindi kinikilala ang Katawan ni Cristo

            -Ang masamang espiritu ay hindi napalayas

            -Kinokontra ang gawa ng Dios

            -Pagsuway sa natural na mga batas

            -Takdang panahon ng kamatayan

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

PAGSASAGAWA

 

1. Pag-aralan mo pa ng higit ang tungkol sa kalusugan ng buong pagkatao ayon sa Biblia:

 

-Ang nais ng tao ay kagalingan lamang, ang nais ni Jesus ay kabuuan ng buong pagkatao. Sinabi Niya sa lalaking pilay sa Betesda, “Nais mo bang gumaling?”  (Juan 5:6)

 

-Si Jesus ay naparito upang maglingkod sa mga may sakit, sila na nasaktan, may karamdaman, pinahihirapan:  Mateo 9:12; Marcos 2:17; Lucas 5:31.

 

-Si Jesus ang pinagmumulan ng pagiging lubos na malusog:  Juan 5:15; Gawa 9:34

 

-Lahat ng humipo kay Jesus ay ginawa Niyang lubusang magaling: Mateo 9:21-22; 14:36; Marcos 5:28-34

 

-Pinagaling ni Jesus ang isang alipin na malapit nang mamatay:  Lucas 7:10

 

-Pinagaling Niya ang pilay na lalake:  Juan 5:9

 

-Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, pinagaling ng mga alagad ang pilay: Gawa 9: 34

 

-Pinagaling ni Jesus ang may kapansanan:  Mateo 5:31

 

-Ibinalik Niya ang kamay na may diprensiya:  Mateo 12:13; Marcos 3:5; Lucas 6:10

 

-Pinagaling Niya ang mga tao anumang sakit mayroon sila:  Juan 5:6

 

-Sila ay pinagaling ni Jesus nang lubos:  Juan 7:23

 

-Pinapurihan ni Jesus ang pananampalataya ng mga tao na siyang naging dahilan ng kanilang kagalingan. “Ang pananampalataya mo ang nagpagaling sa iyo”:  Mateo 9:22; Marcos 5:34; 10:52; Lucas 8:48-50; 17:19

 

2. Pag-aralan ang mga salitang “kabuuan” sa Griego sa Bagong Tipan:

 

 PANG-URI:

 

Holos:  Lahat, sama-sama, lubusan.

 

Pas:  Lahat.

 

Hapas:  Lahat, ang buo.

 

Holokleros:  Buo, kabuuan.

 

Hugies: Pinagagaling ang may sakit upang gawing buo o maayos: Mateo 12:13; 15:31; Marcos 3:5; 5:34; Lucas 6:10; Juan 5: 4,6,9,11,14,15; 7:23; Gawa 4:10

 

Holoteles: Buo, kumpleto, lagus-lagusan: I Tesalonica 5:23. Upang dumugtong sa bawat bahagi ng kaniyang pagkatao.

 

PANDIWA:

 

Hugiaino: Maging nasa mabuting kalusugan; sila na buo; maayos, mabuti, malusog.

 

Sozo: Iligtas, gawing buo.

 

Iaomai: Upang pagalingin, gawing buo.

 

Ischuo:  Maging malakas.

 

Diasozo:  Iligtas na lubos.

 

3. Pagisipan mo ang tanong na ito: Ano ang nakakapigil sa iyo sa pagiging malusog sa katawan, pag-iisip, at espiritu?

 

________________________________________

4. Naniniwala ka ba na ang ilan sa mga bagay na pabagu-bago ay may kinalaman sa iyong kagalingan o ng taong pinaglilingkuran mo? Lagyan ng tsek ang may kinalaman sa iyo:

 

___Kulang sa turo

            ___Hindi paniniwala

            ___Kulang sa pananampalataya

            ___Kulang sa kapangyarihan

            ___Hindi inihayag na personal na kasalanan

            ___Ayaw gumaling

            ___Kulang sa desisyon at pagnanais

            ___Mga problema sa kahilingan

            ___Kulang sa pagtitiyaga

            ___Di pagsunod sa proseso ng pagpapagaling

            ___Hindi kinikilala ang Katawan ni Cristo

            ___Ang masamang espiritu ay hindi napalayas

            ___Kinokontra ang gawa ng Dios

            ___Pagsuway sa natural na mga batas

            ___Takdang panahon ng kamatayan

 

5. Batay sa napag-aralan mo sa leksiyong ito, balikan mo ang #4 at isulat mo kung paano ka sasagot sa bawat “variable” na iyong nilagyan ng tsek.

 

6. Nagkaroon ka ba ng tanong na hindi masagot patungkol sa kagalingan at paglaya? Kung gayon, ano ito?

 

________________________________________

Sa katagalan, naunawaan mo rin ba? _______

Kung gayon, ipaliwanag kung paano nasagot ang katanungan mo:

 

________________________________________

________________________________________

Kung hindi, o kung may tanong ka tungkol sa iyong pisikal na kondisyon ngayon, tandaan mo ang pangako ng araling ito:

 

Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deuteronomio 29:29)

 

7. Mayroon bang anoman dito na sumasagabal sa iyong panalangin para sa kagalingan? Lagyan ng tsek ang sagot mo:

 

___Anumang uri ng kasalanan:  Awit 66:18; Kawikaan 28:9; Isaias 1:15; 59:1-2

___Mga idolo sa puso:  Ezekiel 14:1-3

___Isang espiritu na hindi nagpapatawad:  Marcos 11:25; Mateo 5:23

___Pagkamakasarili, maling mga motibo:  Kawikaan 21:13; Santiago 4:3

___Uhaw sa kapangyarihan, mga panalanging namimilit:  Santiago 4:2-3

___Maling pagtrato sa asawa:  I Pedro 3:7

___Banal ang tingin sa sarili:  Lucas 18: 10-14

___Hindi paniniwala:  Santiago 1: 6-7

___Hindi nananatili kay Cristo at sa Kaniyang Salita:  Juan 15:7

___Kulang sa kahabagan:  Kawikaan 21:13

___Mapagpaimbabaw, kayabangan, walang katuturang paulit-ulit: Mateo 6:5; Job 35: 12-13

___Humihingi nang hindi ayon sa kalooban ng Dios:  Santiago 4:3

___Hindi humihingi sa pangalan ni Jesus:  Juan 16:24

___Mga sagabal ni Satanas:  Daniel 10: 10-13; Efeso 6:12

___Hindi inuuna ang Kaharian ng Dios:  Mateo 6:33

 

Ano ang magagawa mo upang iwasto ang mga problemang ito? __________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG  BAHAGI

 

 

 

 

MGA ESTRATEHIYA NG PAGPAPAGALING

 

 

 

Sa bahaging ito ay matututo ka ng mga estratehiya kung paano maglingkod ng pagpapagaling at paano tumanggap ng kagalingan.  Pag-aaralan mo ang tungkol sa:

 

 

  • PAANO MAGLINGKOD AT TUMANGGAP NG KAGALINGAN.

 

  • ANG PAGSUBAYBAY SA MGA PINAGLINGKURAN SA PAGPAPAGALING.

 

·        ANG LUBUSANG KAGALINGAN.

 

 

Tandaan mo ang paghahalintulad ng Kaharian ng Dios na natutuhan mo sa pasimula ng kursong ito:  Sa iyong paglilingkod sa mga nangangailangan ng kagalingan, ang kagalingan ay darating sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGAPAT NA KABANATA

 

ANG MINISTERYO NG PAGPAPAGALING

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Talakayin ang mga paunang preparasyon para sa ministeryo ng pagpapagaling.

-Ibuod ang mga panuntunan sa ministeryo ng pagpapagaling.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang Kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.  (Mateo 10:7-8)

 

PAMBUNGAD

 

Sa araling ito, ang pakikibaka sa katawan ay tumitindi habang pinag-aaralan mo kung paano magministeryo ng kagalingan. Sa Ika-Labingwalong Kabanata pag-aaralan mo kung paano magministeryo ng pagpapalaya.

 

 MGA PAUNANG PAGHAHANDA

 

Mayroong mahahalagang paghahanda bago ka makapagministeryo ng kagalingan. Kasali rito ang paghahanda ng iyong sarili bilang alulod ng kapangyarihan ng Dios ng pagpapagaling at ang taong paglilingkuran mo ng pagpapagaling.

 

PAGHAHANDA NG IYONG SARILI:

 

Ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan. Upang lalong lumago ang iyong pananampalataya, pag-aralan mong lahat ng talata sa Biblia tungkol sa kagalingan. Basahin mo nang buo ang Bagong Tipan na may bagong damdamin. Kung ano man ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na gawin, gawin mo ito. Kung ano man ang sinabi Niyang gagawin Niya, asahan mong gagawin Niya.

 

Kung sinabi Niyang makapagpapagaling ka ng may sakit sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan, asahan mong sila ay gagaling. Ilagay mo sa isang tabi ang lahat ng turo ng tao at ang mga personal na karanasan na naranasan mo. Tanggapin mo na kung ano ang sinabi ng Bagong Tipan ay totoo. Tanggapin mo na totoo at kumilos ka ayon dito. Ikaw ay embahador ni Cristo (II Corinto 5:20). Ang isang embahador ay hindi nagaalinlangan na ang bansang kaniyang kinakatawan ay tutuparin ang kaniyang Salita.

 

Mag-ayuno ka at manalangin bago ka maglingkod. Tingnan mo ang halimbawa ni Pablo sa Gawa 28:8. Dahil sa ang kapangyarihan at kapamahalaan ay nagmumula sa Dios, mabuting makiugnay sa Kaniya! Ang ilang mga pagpapahirap ng demonio ay gagaling lamang sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno. Sinasabi sa Isaias 58 na iginagalang ng Dios ang pag-aayuno na nakatuon sa paglilingkod sa iba.

 

Magumpisa kang maglingkod sa may sakit kahit hindi mo nauunawaan ang lahat tungkol sa makalangit na pagpapagaling, kung paanong ikaw ay nagpasimulang magpatotoo pagkatapos mong maligtas bagaman marami ka pang dapat na matutuhan tungkol sa buhay Kristiyano. Magpasimula kang maglingkod batay sa nalalaman mo na tungkol sa pagpapagaling. Sa paglakad mo sa liwanag na tinanggap mo na, tatanggap ka pa ng lalong liwanag. Tandaan mo na walang situwasyon na walang pag-asa. Mayroon lamang mga tao na nawalan ng pag-asa.

 

PAUNANG PAGHAHANDA NG IBA:

 

Kung pinapayagan mong ipanalangin ang may sakit na walang tamang pagtuturo, katulad ito ng paghiling sa tao na tanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas na hindi pa niya nakikilala kung sino Siya, kinikilala ang kanilang pagkakasala, at ang kanilang pangangailangan ng kaligtasan.

 

Kung minsan, ang Dios ay nagpapagaling kahit walang pagtuturo. Subalit tandaan mo: Sa paglilingkod mo ng kagalingan, nais mong gamitin ang lahat ng sinabi ng Salita ng Dios upang makita mong maganap ang gawain. Ang pananampalataya ay isang paraan para maganap ang kagalingan ng Dios at ito ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios, kaya mahalaga ang pagtuturo. Pinagsama ni Jesus ang pangangaral, pagtuturo at pagpapagaling at sinabi Niya sa kaniyang mga alagad na ganoon din ang gawin nila.

 

Ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios tungkol sa pagpapagaling. Ipangaral mo ito batay sa sinabi ng Dios, hindi sa tradisyon o karanasan. Ang pananampalataya ay hindi lumalago sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng mga patotoo. Ang mga patotoo ay nagpapatunay sa Salita at humihimok na manampalataya ka, subalit ang sabi ng Biblia ay dumarating ang pananampalataya sa pakikinig ng Salita ng Dios. (Kahit na ang bingi ay hindi makarinig ng sermon sa natural, ang espiritu ng bingi ay nakakarinig nito.) Kailangang malaman ng mga tao kung saan nagmumula ang kagalingan, ang pinagmumulan at mga dahilan ng sakit, mga pangako ng kagalingan, at ang mga panuntunan ng Biblia sa pagtanggap at pananatili ng kalusugan.

 

ANG ORAS NG PAGMIMINISTERYO

 

Narito ang ilang mungkahi sa pagmiministeryo sa may sakit. Tandaan na ang mga ito ay pangkalahatang panuntunan. Dapat ay lagi kang nakabukas sa direksiyon na ibibigay sa iyo ng Espiritu Santo. Ang iba rito ay angkop lamang sa mga indibiduwal na ministeryo, samantalang ang iba ay magagamit sa paglilingkod sa malakihang grupo:

 

LUMIKHA KA NG KLIMA NG PANANAMPALATAYA:

 

Lumikha ka ng klima ng pananampalataya. Nagsimula ka na nito nang pasimulan mong magturo ng Salita tungkol sa kagalingan. Subalit kailangan ka pa ring gumawa ng dagdag na mga hakbang upang lumago ang kanilang pananampalataya. Palibutan mo ang mga maysakit ng mga tao ng pananampalataya at pagtitiwala. Bayaan mo silang makarinig ng mga patotoo ng mga taong gumaling. Tandaan na ang kawalan ng pananampalataya ay naging sagabal din sa ministeryo ni Jesus sa Nazaret.

 

Ang kapaligiran ng pananampalataya ay puno ng pagsamba at pagpupuri. Pumapasok tayo sa presensiya ng Dios (kung saan may kagalingan) sa pamamagitan ng pagsamba at pagpupuri. Ang kagalingan ay maaaring dumating sa pamamagitan ng pagsamba at pagpupuri, kahit walang panalangin ng pagpapagaling, sapagkat nananahan ang Dios sa pagpupuri ng Kaniyang bayan. Kung tayo ay nagpupuri, Siya ay nariyan upang magpagaling. Dalhin mo ang mga tao sa punto ng pagpapasiya patungkol sa kanilang kagalingan, tulad ng ginagawa mo tungkol sa kaligtasan. Tandaan mo kung paano tinanong ni Jesus ang lalaking pilay, “Nais mo bang gumaling?”

 (Juan 5:6)

 

Hilingin mo sa tao na ipakita ang kaniyang pagnanais na gumaling. Sa isang malaking pagtitipon, maaari mo silang patayuin, lumapit sa harapan, itaas ang kamay, o ilagay ang kamay sa lugar sa katawan na may sakit. Nakakatulong ito na ipakita nila ang kanilang pagnanais na gumaling. Ito ay isang pagkilos ng pananampalataya para sa kanila, samantalang nakikita mo rin kung sino ang nangangailangan na maipananalangin. 

 

HUMINGI KA NG KALOOB NG PAGKILALA:

 

Dumalangin ka na bigyan ka ng pagkakilala bago ka magumpisang maglingkod ng kagalingan. Ibahagi ang anumang makalangit na karunungan na ibinigay sa iyo. Maaaring ipakita ng Dios sa iyo ang:

 

Isang Salita Ng Kaalaman:  Ang salita ng kaalaman ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan tungkol sa tao o kondisyon upang malaman mo kung paano siya ipapanalangin. Ang salita ng kaalaman ay maaaring isang malalim na pagka-alam o isang bulong ng espiritu sa iyong espiritu, isip, mga salita, o damdamin. Ang Salita ng Kaalaman ay maaaring magpakita kung ano ang kaniyang sakit o kung bakit siya may ganitong kondisyon.

 

Isang Talata Ng Kasulatan:  Maaaring magbigay sa iyo ang Dios ng “Rhema” (tiyak) na Salita ng Dios para sa situwasyon, sakit, sa tao, o grupong yaon.

 

Isang Pangitain:  Ito ay mga larawan sa iyong isipan tungkol sa taong pinaglilingkuran mo.

 

Mga Salita Ng Pananampalataya: Ito ay mga tanging salita na pampalakas-loob at  pananampalataya para sa tiyak na taong kausap mo.

 

Isang Tanging Pahid:  Isang biglang pagpasok ng kapangyarihan, na parang kilabot, mainit, o makalangit na kasiguruhan. Kung minsan ang espesyal na pahid ay dumarating, at kung ito’y mangyari, sumunod ka sa agos. Subalit huwag kang maghintay ng espesyal na pahid bago ka manalangin para sa maysakit. Sumunod ka sa tagubilin ni Jesus kahit nadarama mo o hindi na nais mong gawin ito.

 

Isang Tanging Pagkilos Ng Pananampalataya: Kung minsan ay pangungunahan ka ng Dios na sabihin sa tao na kumilos siya ayon sa pananampalataya na magbubunga ng kaniyang kagalingan.

 

MAG-INTERVIEW:  (Kung kailangan)

 

Kung ikaw ay nakikipag-usap ng personal sa isang tao, maaari kang mag-interview. Maaaring ibigay sa iyo ng Dios ang karunungan upang malaman ang kaniyang sakit at hindi mo na siya kailangang tanungin. Subalit kung hindi ipinahayag ng Dios ang sakit sa iyo, huwag kang mag-atubiling magtanong.

 

Ang isang interview ay hindi kinakailangang sa pagmiministeryo ng kagalingan, subalit nakakatulong ito na bigyan ka ng impormasyon upang makapanalangin ka ng tiyak. Dito mo rin makikita kung nangangailangan siya ng dagdag na pagtuturo bago maipanalangin. Ginamit ni Jesus ang interview. Itinanong Niya sa mga tao kung ano ang nais nila, nagtanong tungkol sa kanilang pananampalataya, at tinalakay ang mga negatibong puwersa ng kawalan ng pananampalataya bago sila ipanalangin.

 

Tanungin mo ang tao, “Ano ang iyong problema?” Tinanong din ni Jesus ang marami na lumapit sa Kaniya upang humingi ng kagalingan. Mahalaga na sabihin ng maysakit ang kanilang pangangailangan. Ang mga maysakit ay sinabihan na tawagin ang mga matanda sa Iglesia upang ipanalangin sila. Pag nagbigay ng utos ang Biblia, ito ay may dahilan. Ang pagtatanong ay isang pagkilos ng pananampalataya na nagpapakilos ng proseso ng pagpapagaling (Santiago 5: 14-15).

 

(Ang pasubali rito ay kung ang tao ay hindi makapagsabi ng kahilingan. Halimbawa, ang patay na bata na binuhay ni Jesus. Subalit, kahit na, ang mga magulang niya ang humiling na siya’y pagalingin.)

 

Humingi ka ng tiyak na pangungusap. Kung ang kahilingan ay masyadong malawak, hindi mo alam kung ano ang ipapanalangin, at ang taong humiling ay hindi malalaman kung tinugon ito.

Kailangan mo lang ng maikling pananalita: “Mayroon akong kanser sa tiyan.” Hindi mo kailangan ng mahabang kasaysayan ng kaniyang sakit. Huwag mong subuking suriin ang impormasyong ibinigay sa iyo. Ang gawain mo ay manalangin, hindi magpayo. Ang ibang mga kaso ay maaaring mangailangan ng paglilihim at ng payo ng isang sinanay na tagapayo. Maghanda ng mga counselors para sa ganitong layunin.

 

Itanong mo sa taong ipananalangin, “Naniniwala ka bang si Jesus ay nagpapagaling?” Kung sumagot ng “oo,” itanong mo, “Naniniwala ka bang gagawin ni Jesus ito ngayon?” Kung ang sagot sa alinmang tanong ay “hindi,” kailangan niya ng higit pang pagtuturo sa Salita ng Dios.

 

Kung ikaw ay naglilingkod sa isang pulutong ng mga tao, hindi mo makakausap ang bawat isa. Maaaring magpakita sa iyo ang Dios ng mga tiyak na uri ng sakit sa grupong ito, o pangunahan kang ipanalangin ang mga tiyak na sakit na nandoon tulad ng pagkabingi, pagkabulag, atbp. Kung minsan ay pinangungunahan ka na manalangin para sa lahat ng maysakit, o utusan ang mga mananampalataya na nandoon na manalangin ng isahan para sa mga maysakit.

 

Mabuting turuan ang mga mananampalataya kung paanong maglingkod kay sa ikaw ang laging gumaganap nito. Ang utos ni Jesus ay ang mga tandang ito ay susunod sa LAHAT ng nananampalataya. Ang gawain ng ministeryo ay dapat gawin ng buong Katawan, hindi ng isa o dalawang mananampalataya lamang. 

 

ALAMIN ANG PROBLEMA:

 

Gamitin ang impormasyon na galing sa interview at ang karunungang bigay ng Dios upang alamin kung ang problema ay:

 

Sa Espirituwal Na Larangan:  Ito ay ang mga problemang kaugnay ng kasalanan at kailangan ang ministeryo ng pagpapagaling (kaligtasan, pagsisisi at kapatawaran sa kasalanan).

 

Kung may kaugnayan ang kasalanan at sakit (at nakita natin na mayroon nga), samakatuwid ay may kaugnayan ang pagpapatawad at kagalingan. Marami ang pinagagaling na pisikal pag sila ay humingi ng tawad para sa kasalanan.

 

Huwag mong isisi ang sakit sa kasalanan agad. Iyong tandaan na ang mga sakit ay hindi resulta ng personal na kasalanan. Kung may kasalanan, katungkulan ng Espiritu Santo na ito ay ihayag dahil sa isa sa kaniyang layunin ay sumumbat at magwasto.

 

Sa Pisikal Na Larangan:  Ito ay sakit sa katawan, kapansanan, o karamdaman. Idalangin mo ang pisikal na kagalingan.

 

Sa Emosyonal Na Larangan:  Kasali rito ang pag-aalala, takot, galit, kapaitan, tampo, pagkadama ng kasalanan, pag-aalinlangan, pagkabigo, pagseselos, pagkamakasarili, pagkalito, hindi pagpapatawad, at mga epekto sa emosyon dahil sa mga problema sa nakaraan. Ang mga taong ito ay nangangailangan ng kagalingan sa emosyon. Madalas itong tawagin na “kagalingang panloob,” subalit ang katawagang ito ay inabuso ng tao. Hindi kinakailangang pagbalikan ang nakaraan at maranasan ang dating nadama. Hindi na kinakailangang magdaan ang mga linggo, buwan, o taon upang makapanagumpay sa masamang karanasan. Kung ito ay gagawin mo, pinipilit mong pagalingin ang lumang pagkatao, sa halip na tulungan sila na maging bagong nilalang kay Cristo.

 

Ang mga problema sa emosyon ay madalas kaugnay ng buhay sosyal ng tao. Ito ay may kinalaman sa mga kaugnayan sa pamilya at buhay sosyal. Ang kagalingan ay dumarating sa pagtukoy sa problema, paghingi ng tawad, at pagpapatawad sa ibang mga taong kaugnay nito.

 

Ang pinakamalaking hadlang sa kagalingan ng emosyon ay ang pagpapatawad, kaya ang kagalingang emosyonal ay ang pag-aayos ng mga relasyong sosyal. Tayo ay tinawag na maging ministro ng pagkakasundo (II Corinto 5: 18-21). Ang mga tao ay kailangang makipagkasundo sa  Dios at ang tao, at dito dumarating ang kagalingan sa emosyon, pag-iisip, o pangloob na kagalingan. Lahat ng ito ay magkakatulad na katawagan para sa parehong kagalingan.

 

Ang emosyonal na kondisyon ay matutukoy sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod na mga katanungan:

 

            -May mga karanasan ka ba sa nakaraan na nagbibigay pa rin sa iyo ng sama ng kalooban?

Kung ganoon, kailangan mo ng kagalingan mula sa mga negatibong damdamin na ito.

 

-May mga negatibong damdamin ka ba laban sa iba na hindi mo pa naisusuko? Ang mga ito ay nakabaon sa masakit na emosyon.

 

-May matindi ka bang takot sa anumang bagay? Ang kagalingan sa emosyon ay magpapalaya sa iyo mula sa mga takot na ito.

 

-May mga damdamin ka ba ng kakulangan? Mababa ba ang tingin mo sa iyong sarili at ang pakiramdam mo ay ikaw ay isang talunan? Maaaring ito ang bunga ng mga pagdaramdam sa nakaraan.

 

-Mayroon ka bang pagkagalit sa ilang mga bagay o tao? Ang mga karanasan sa nakaraan ang pinanggalingan ng ganitong damdamin.

 

Maaaring kailangan mong turuan ang taong ito na magpatawad. Ang pagpapatawad ay hindi:

 

-Ginagawa mong tama ang maling ginawa ng iba sa iyo. (Halimbawa, ang pagsabi ng “Sila ay napilitang gawain iyon.”)

 

-Ayaw mong aminin na ikaw ay nasaktan nang una pa.

 

-Pagtanggap na bale wala ang ginawa sa iyo.

 

-Maghintay ng panahon na gumaling ang sugat. (Hindi ito gagaling.)

 

Ang tunay na kapatawaran ay dumarating kung:

 

(1) Kinikilala mo na ang ginawa sa iyo ay mali, ang bunga ng kasalanan ng tao sa makasalanang sanglibutan. Hindi na kailangang pagbalikan pa ang pangyayari sa iyong isip, subalit hindi mo ito mahaharap kung hindi mo tatanggapin ito. Kilalanin kung ano ang nangyari at kung paano ito nakasakit sa iyo.

 

(2) Ikumpisal mo ang kirot sa Dios at hilingin na pagalingin Niya ang nakasasamang emosyon.

Maaaring hindi mo makalimutan ang pangyayari subalit kailangan mong makalaya sa negatibong pakiramdam tungkol dito.

 

(3) Hilingin mo sa Dios na turuan kang patawarin mo ang lahat ng mga taong kasangkot dito, at patawarin mo sila kung paano ka pinatawad ni Cristo. Kilalanin mo na patatawarin ka lamang ng Dios kung marunong ka magpatawad sa iba: “Patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, TULAD ng aming pagpapatawad sa ibang nagkasala sa amin.” Dapat mo ring pag-aralan na patawarin ang iyong sarili (pagkadama ng sumbat dahil sa ginawang kasalanan ) at kailangang idalangin ng tiyak ang kagalingan ng emosyon. Narito ang paraan ng pagpapatawad sa iyong sarili:

 

-Kilalanin ang kasalanan na nagiging dahilan ng sumbat ng konsiyensiya, ikumpisal mo ito sa Dios, at magsisi. Hingin mo na ikaw ay patawarin Niya sa iyong kasalanan at pagalingin ang iyong emosyon.

 

-Kilalanin mo na pag nagpatawad na ang Dios, kinalimutan na Niya ito (Itinatapon na Niya ang ating kasalanan kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran).

 

-Angkinin ang I Juan 1:8-9 at Roma 8:1.

 

-Ipagpasiya mo na ikaw ay malaya na mula sa pagkadama ng kasalanan. Supilin mo ang takbo ng isip mo sa pamamagitan ng pagpapalayas ng “masasamang imahinasyon” at “paglimot sa mga bagay na nakalipas.”

 

Sa Larangan Ng Pag-iisip:  Ito ay mga problemang nagmumula sa mga negatibong pag-iisip, mga atake ni Satanas sa isip, isip bata, atbp. Ipanalangin ang kagalingan.

 

Larangan Ng Demonio:  Ito ay mga kondisyon na bunga ng direktong gawa ng demonio tulad

ng pagsanib ng demonio. Matututuhan mo kung paano ito haharapin sa susunod na aralin tungkol sa pagmiministeryo ng pagpapalaya. Laging tandaan na ang problema sa isang larangan ay nakaka-apekto sa buong pagkatao. Sa iyong paglilingkod, pakitunguhan mo ang buong pagkatao, tulad ng ginawa ni Jesus, hindi lang ang sakit. Ang tao ay katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang pagiging malusog ay pagharap sa lahat ng mga ito. 

 

MANALANGIN NG PANALANGIN NG PAGPAPAGALING:

 

Pagkatapos mong matukoy ang kalagayan, madalas ay ipapanalangin mo ang panalangin ng pagpapagaling. Subalit kung minsan, huwag kang magulat kung pangunahan ka ng Panginoon na huwag munang ipanalangin ito o saka na siya ipanalangin. Halimbawa, sa pamamagitan ng interview nadiskubre mo na ayaw niyang gumaling dahil baka mawala ang kaniyang “disability pension.” (Ito ay aktuwal na nangyari sa isang gawain ng pagpapagaling!)

 

Maaari ring ipagpaliban ang panalangin para sa pisikal na kagalingan hanggang hindi nalulutas ang problema sa kasalanan. Kung ikaw ay manalangin, manalangin ka ng panalangin ng pananampalataya na nakatuon sa isang tiyak na problema. Tandaan na hindi mo kailangang pilitin ang Dios na magpagaling sa pamamagitan ng lakas ng iyong tinig o haba ng iyong panalangin. Kung paanong ang kaligtasan ay ibinigay na ganoon din ang kagalingan. Kung paanong ang kaligtasan ay nakabatay sa pananampalataya, ganoon din ang kagalingan. Nais ng Dios magpagaling, kung paanong nais din niyang magligtas.

 

Bagaman ang kapangyarihan ng Dios ay naroroon sa isang espesyal na paraan upang magpagaling (Lucas 5:17), maaari ka pa ring manalangin para sa kagalingan kahit wala yaong tanging pahid sapagkat iniutos ito ni Jesus na gawin mo tulad ng utos Niya na palaganapin mo ang Ebanghelyo.

 

Ang susi sa katugunan sa panalangin ay ang manalangin ayon sa kalooban ng Dios. Huwag mong idalangin na “Kung kalooban ng Dios.” Hindi nanalangin si Jesus ng “pagalingin Mo kung kalooban Mo.” Dumalangin ka ng positibong panalangin na “ang kalooban ng Dios ang mangyari kung paano sa Langit” o “ayon sa Iyong kalooban.” Dito ay kinikilala mo na ang Dios ang nasusunod.

 

Kung posible, gumamit ka ng ibang mananampalataya na maglingkod na kasama mo. May dagdag na kapangyarihang espirituwal kung marami ang dumadalangin (Mateo 18:19). “Ang pagmiministeryo sa Katawan” ay sinisira ang mga indibiduwal na nakaranas ng tagumpay upang magbigay ng kapurihan sa kanilang sarili. Ang bawat miembro ng Katawan ni Cristo ay may kahit isang kaloob na espirituwal. Ang pinakamabisang ministeryo ay kung…

 

Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Dios, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa.

(I Pedro 4:10 MBB)

 

Ang iyong panalangin ng pagpapagaling ay maaaring isa sa mga ito:

            -Pagsusumamo:                        Marcos 7:32-35

            -Utos:                                        Lucas 4:38-39; Marcos 7:32-35; Juan 5:8; Gawa 3:6; 9:40

            -Pamamagitan:                          Exodo 32

            -Pagsaway at Pagpapalayas:    Marcos 9:25

 

Ang iyong panalangin ay maaari ring may kasamang tagubilin na gumawa ng mga tiyak na aksiyon, ayon sa utos ng Panginoon (tingnan ang Juan 9:1-7). (Tandaan: Huwag kailanman sasabihin sa mga tao na huminto ng paginom ng gamot. Bayaan ang Dios ang pumatnubay sa kanila sa larangang ito.) Laging manalangin sa pangalan ni Jesus. Tandaan na hindi kakulangan sa pananampalataya ang manalangin nang higit sa minsan. (Pagbalikan ang itinuro ni Jesus tungkol sa panalanging nananatili.)

 

MAGPURI SA PANGINOON PARA SA KATUGUNAN:

 

Sundan ang panalangin ng papuri sa Dios para sa kagalingan. Tandaan na sa sampung ketongin na pinaglingkuran ni Jesus, lahat ay gumaling subalit ang isa na bumalik upang magpuri ang siyang binigyan ng kalusugan ng buong pagkatao. Purihin ang Dios sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi ayon sa nakikita. Ginawa mo na ang ipinagagawa ng Salita ng Dios sa iyo. Paniwalaan mo na ginawa na Niya ang Kaniyang ipinangakong gagawin Niya. Pasalamatan mo Siya para dito. Nagpasalamat si Jesus na dininig ng Dios ang Kaniyang dalangin bago pa lumabas si Lazaro sa libingan.

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na iyong kinabisa.

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Talakayin ang mga paunang preparasyon para sa ministeryo ng pagpapagaling.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang mga tagubilin sa pagmiministeryo ng kagalingan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Pag-aralan ang mga halimbawa ni Jesus na tinatanong ang maysakit bago sila paglingkuran:

 

            -Marcos 5:1-20:      Tinanong ni Jesus ang taong dinemonio.

            -Marcos 8: 22-26:   Pagtatanong sa bulag na lalake.

            -Marcos 9:14-27:    Pagtatanong sa batang lalake na may masamang espiritu.

            -Marcos 10:46-52:  Tinatanong ang bulag na si Bartimeo.

 

2. Sinanay ni Jesus ang Kaniyang mga tagasunod sa ministeryo ng pagpapagaling (Mateo 10:18). Ganito ang pagsasanay ng isang team ng manggagawa na maglilingkod na kasama mo sa pagpapagaling:

 

-Gamitin ang mga aralin sa manwal na ito at ang Salita ng Dios upang magturo at magpalakas ng pananampalataya.

 

-Mag-ukol ng panahon sa pananalangin at pag-aayuno na magkakasama.

 

-Tukuyin kung ano ang gagawin ninyo sa gawain ng pagpapagaling upang ang mga miembro ng team ay makapaglingkod nang maayos. Dapat ay may isang mangangasiwa ng buong gawain upang maiwasan ang kaguluhan.

 

-Gamitin ang mga miembro ng team upang maturuan din ang iba para sa ministeryo ng pagpapagaling. Huwag magdaos ng mga gawain ng pagpapagaling na kasing dalas ng mga gawain sa pagsasanay, kung saan ang iba ay matututo kung paano gumamit ng kapangyarihan ng Dios na maaaring gamitin ng lahat sa Katawan ni Cristo.

 

3. Narito ang ilang mungkahi kung paano magsimula ng ministeryo ng pagpapagaling sa inyong iglesia:

 

Turuan:  Mangaral ng mga sermon tungkol sa pagpapagaling. Magturo ng kagalingan sa Sunday School at sa mga pag-aaral ng Biblia. Mag-anyaya ng ibang magsasalita tungkol sa paksang ito. Gamitin ang manwal na ito, “Ang Pakikibaka Para Sa Katawan,” bilang patnubay sa pag-aaral.

 

Ilarawan:  Bayaan ang mga taong gumaling na magpatotoo. Isali ang mga nakaranas ng nakikita at hindi nakikitang kagalingan, unti-unti o  biglaang paggaling, paggaling ng malubha at karaniwang mga sakit.

 

Pumasok:  Ipasok ang ministeryo ng pagpapagaling sa lahat ng larangan ng buhay iglesia. Magpadala ng mga “ministry team” sa mga ospital at mga tahanan. Isangkot muna ang matatanda at mga lider sa iglesia sa ministeryo ng pagpapagaling, at saka gamitin sila upang isangkot ang buong kongregasyon dito.

 

Ipakita:  Magbigay ng pagkakataon para ang kapangyarihan ng Dios ay makita. Magplano at magdaos ng mga gawain ng pagpapagaling at pagpapalaya.

4. Ang sumusunod na listahan ay nabuo mula sa talakayan ng araling ito upang magamit mo sa pagmiministeryo ng kagalingan:

 

PAUNANG PAGHAHANDA:

 

Sa Iyong Sarili:

 

___Pag-aralan ang Salita ng Dios sa kagalingan.

___Panimulang pag-aayuno at pananalangin.

 

Sa Iba:

 

___Tamang tagubilin tungkol sa pagpapagaling.

___Pag-aralan ang Salita ng Dios tungkol sa kagalingan.

___Panimulang pag-aayuno at pananalangin.

 

ANG ORAS NG PAGMIMINISTERYO:

 

___Lumikha ng klima ng pananampalataya.

___Humingi ka ng kaloob ng pagkilala. Maaaring bigyan ka ng Dios ng:

 

            -Isang salita ng kaalaman

            -Isang talata mula sa Kasulatan

            -Isang pangitain

            -Mga salita ng pananampalataya

            -Isang tanging pahid

            -Isang pagkilos ng pananampalataya

___Magdaos ng interview (kung kailangan)

___Alamin ang problema. Ang problema ba ay nasa…

            ___Espirituwal na larangan

            ___Pisikal na larangan

            ___Emosyonal na larangan

            ___Larangan ng pag-iisip

            ___Larangan ng demonio

___Ipanalangin ang panalangin ng pagpapagaling.

___Purihin ang Dios sa katugunan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGLIMANG  KABANATA

 

PAGSUBAYBAY SA MINISTERYO NG PAGPAPAGALING

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Pag-usapan ang pagsubaybay sa mga gumaling.

-Talakayin ang pagsubaybay sa mga hindi pa gumagaling.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Sapagkat tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan.

 

Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.  (Hebreo 4: 15-16) 

 

PAMBUNGAD

 

Mahalaga na yaong mga gumaling ay masubaybayan. Si Jesus ay nagbigay ng mga tagubilin at pagsubaybay sa mga nakaranas ng kagalingan at paglaya.

 

Kinausap Niya ang lalake na gumaling sa ketong:

 

At ipinagbilin Niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: kundi yumaon ka sa iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila.  (Lucas 5:14)

 

Sinabi Niya sa isang makasalanang babae na gumaling:

 

Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo… (Lucas 8:39)

 

Sinabi Niya sa tao sa tabi ng tangke ng Betesda:

 

…Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.  (Juan 5:14)

 

 

Sa babaing nahuli sa pangangalunya, sinabi Niya:

 

…Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.  (Juan 8: 11)

 

Kung ikaw ay naglilingkod sa isang indibiduwal, maaari mo siyang bigyan ng mga tagubilin bilang pagsubaybay. Kung ikaw ay naglilingkod sa isang malakihang krusada, magbigay ka ng pagsubaybay pagkaraan ng gawain o sa susunod na umaga. Kung ikaw ay naglilingkod sa isang lokal na iglesia, hilingin ang pastor na subaybayan ang mga gumaling.

 

Ang pagsubaybay ay dapat harapin ang:

 

            -Ano ang dapat gawin upang manatiling magaling.

            -Ano ang dapat gawin kung hindi sila gumaling.  

 

ANO ANG DAPAT GAWIN UPANG MANATILING MAGALING

 

Turuan ang mga gumaling na…

 

KILALANIN ANG MGA ATAKE NI SATANAS:

 

Kung paanong tinutukso ni Satanas ang mga bagong hikayat, tinutukso niya rin ang mga taong gumaling na. Kung paanong maaaring mawala ang espirituwal na tagumpay, maaari ring mawala ang pisikal na tagumpay. Kung anomang bagay ang pinagtitiwalaan mo sa Dios sa iyong espirituwal na paglakad, ikaw ay susubukin sa larangang iyon. Tutuksuhin ka ni Satanas sa pamamagitan ng:

 

-Sintomas: Ang kagalingan kung minsan ay unti-unti. Hindi lahat ng mga sintomas ay nawawala agad. Maaari pang lumala ang sintomas. Maaari kang magkaroon ng lagnat, subalit ito marahil ay ang proseso ng katawan na nilalabanan ang impeksiyon na bahagi ng paggaling. Lumakad ka sa pamamagitan ng iyong espirituwal na pandama, hindi ng natural na sentido. Huwag mong ipinamamalita kung kanikanino ang mga sintomas mo, kung ito’y magbalik. Sa kabilang dako, huwag kang magsisinungaling tungkol sa mga ito. Pag itinanong, sumagot ka ng “Oo, mayroon akong sintomas ng _________, subalit sa pamamagitan ng mga latay ni Jesus ako ay gumaling na.” Ang mga sintomas ay inilalayo ka sa Salita ng Dios, sa Kaniyang presensiya, mga pangako, at kapangyarihan. Huwag kang magsasalita ng mga negatibong salita na naluluwalhati ang kapangyarihan ni Satanas na umatake sa iyong katawan. Alin ang nakapagbibigay sa iyo ng lakas ng loob – Ang walang sintomas o ang Salita ng Dios na nagsasabing Siya ang iyong manggagamot? Alin ang iyong pokus?

 

-Tumitingin Sa Iba: Itinuturo ni Satanas ang mga nag-aakalang sila ay gumaling, subalit maysakit na naman ngayon. Tinitingnan mo ba yaong mga nagsabing sila ay naligtas na subalit ngayon ay namumuhay sa kasalanan, at ginagamit ang halimbawang ito upang pawalang bisa ang katunayan ng kaligtasan?

 

-Takot:  Tinatakot ka ni Satanas na ang iyong sakit ay babalik.

-Mga taong negatibo sa palibot mo: Sila na puno ng hindi paniniwala at nagtatanim ng pag-aalinlangan sa iyong isipan.

 

LABANAN ANG MGA ATAKE NI SATANAS:

 

Manatili ka sa klima ng pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan. Purihin mo ang Dios sa iyong kagalingan. Laging makiugnay sa iyong Manggagamot sa pamamagitan ng panalangin. Magpatotoo ka tungkol sa iyong kagalingan sa iba, na niluluwalhati ang Dios. Ang isang bagay upang matalo si Satanas ay sa pamamagitan ng salita ng iyong patotoo. Labanan mo ang mga atake ni Satanas sa pamamagitan ng “Rhema” Salita ng Dios na sinisitas mo ang mga tiyak na mga talata tungkol sa kagalingan. Huwag kang mag-aalinlangan sa iyong pananampalataya, sapagkat ang taong nag-aalinlangan ay hindi tatanggap mula sa Dios (Santiago 1:6-8). Makipagbaka nang mainam sa pananampalataya para sa iyong kagalingan (Roma 10:9).

 

Palibutan mo ang iyong sarili ng positibong klima ng pananampalataya, sila na patuloy na nagpupuri sa Dios para sa iyong kagalingan at tinutulungan kang labanan ang mga atake ng kaaway. Maging bahagi ka ng isang fellowship.

 

Nilalabanan mo ang mga atake ni Satanas kung ginagamit mo ang iyong espirituwal na kapamahalaan na kasama ang:

 

            -Ang Salita ng Dios.

            -Ang dugo ni Jesus.

            -Ang salita ng iyong patotoo.

            -Ang kapamahalaan na gumapos at magpalaya.

            -Panalangin at pagpupuri.

            -Mga sandata ng pakikidigma na nakalista sa Efeso 6:10-18.

            -Ang kapamahalaan at kapangyarihan ng Espiritu Santo.

 

BAGUHIN ANG IYONG PAMUMUHAY:

 

Ang pagbalik sa makasalanang gawain ay maaaring dahilan ng pagbalik ng sakit (Juan 8:11). Lumakad na may pagsunod sa Dios at sa Kaniyang Salita. Maaaring mawala ang kagalingan kung ikaw ay nagkakasala nang sadya (Juan 5:14). Ang pagbalik sa hindi malusog na pamumuhay ay magiging dahilan ng pagbalik ng sakit. Ang mga hindi tamang pamumuhay ay madalas kasalanan, sapagkat sinisira mo ang templo ng Dios.

 

SUNDIN ANG MGA TAGUBILIN SA BIBLIA PARA SA KALUSUGAN AT KAGALINGAN:

 

Ang Ika-Dalawampung Kabanata nitong manwal ay nagbibigay ng mga tagubilin na ito:

 

 

 

 

MAGBALIK SA DOKTOR UPANG MAPATUNAYAN:

 

Kung ikaw ay nagpapatingin sa doktor, magbalik ka sa kaniya upang mapatunayan ang iyong kagalingan. Sa kautusan ng Lumang Tipan, ang mga saserdote ay itinulad sa mga doktor. Sila ang nagsasabi ng sakit at nagbibigay ng lunas. Sinabi ni Jesus sa ketongin na gumaling:

 

… yumaon ka sa iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila.

(Lucas 5:14)

 

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG HINDI SILA GUMALING

 

Huwag pabayaang lumisan ang mga tao na sira ang loob o “guilty” sapagkat hindi sila gumaling. Iwasan ang pagbibigay ng dahilan kung bakit hindi sila gumaling (malibang ipinakita ito ng Dios na tiyak). Bago sila lumisan sa gawain, ipaalaala sa kanila na hindi dahil wala silang nakitang resulta ay hindi na sila pinagaling. Ang paggaling ay naguumpisa sa espiritu. May mga kagalingang naaantala, halimbawa, ang pagkabaog ni Abraham at ni Sara, kahit na ipinangako na sa kanila ang anak maraming taon na ang lumipas.

 

May tamang panahon ding hinihintay. Tingnan mo ang pilay na lalake sa pintuan ng templo sa Gawa 5. Madalas dumaaan si Jesus sa mga pintuang yaon, subalit hindi Niya pinagaling ang lalaking pilay na matagal nang nandoon. Siya ay pinagaling ni Pedro at ni Juan paglipas ng panahon (Gawa 5: 15-16). Mayroon ding tamang panahon ng paglaya sa kaso ni Job at ni Lazaro.

 

Maaari kang magtakda ng isa na magpapatuloy ng pagsubaybay sa maysakit na sinusunod ang mga hakbang na ito:

 

1. Magpatuloy sa pananalangin para sa iyong kagalingan.: Itinuro ni Jesus ang pananatili sa pananalangin. Hindi Niya ito sinaway. Tawagin ang mga matanda sa Iglesia upang ipanalangin ka.

 

2. Magpatuloy kang palaguin ang iyong pananampalataya: Magagawa mo ito sa pag-aaral ng “Rhema” Salita ng Dios tungkol sa pagpapagaling.

 

3. Magpatuloy kang ipahayag ang iyong mga kasalanan: Magsisi ka ng iyong kasalanan araw-araw upang hindi ito makasama sa iyong pisikal na kondisyon. Mamuhay ka at lumakad na sumusunod sa Salita ng Dios.

 

4. Gamitin mo ang iyong kapangyarihang espirituwal: Lahat ng mananampalataya ay mayroong mga kinakailangan para gumaling at mapalaya. Ang mga ito ay:

 

-Ang Salita ng Dios.

            -Ang dugo ni Jesus.

            -Ang salita ng iyong patotoo.

            -Ang kapamahalaan na gumapos at magpalaya.

            -Panalangin at pagpupuri.

            -Mga sandata ng pakikidigma na nakalista sa Efeso 6:10-18.

            -Ang kapamahalaan at kapangyarihan ng Espiritu Santo.

 

5. Baguhin ang iyong pamumuhay, kung kinakailangan: Iwaksi ang makasalanan at hindi malusog na mga paguugali. Ang kagalingan ay madalas dumarating kung ang iyong pamumuhay ay nakalinya sa pagsunod sa Salita ng Dios.

 

6. Sumunod sa mga tagubilin ng Kasulatan tungkol sa buhay at kalusugan: Makikita ito sa Ika-dalawampung Kabanata ng kursong ito.

 

7. Lumikha ka ng klima ng pananampalataya: Palibutan mo ang iyong sarili ng mga bagay na makapagpapalago ng iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng “fellowship” mga mananampalataya.

 

8. Italaga mo ang sarili mo na magtiwala ng lubusan sa Dios: Ang ibig sabihin ng lubusang pagtitiwala ay sa mabuhay o mamatay, sa sakit o kalusugan man, alam mo na ikaw ay nasa kamay Niya: Juan 10:29; Job 13:15; 19:26.

 

9. Maging positibo ang iyong pananaw sa kabila ng pagdurusa: Samantalang naghihintay ka ng lubusang kagalingan, maging positibo ang iyong pananaw sa pagdurusa na ang iba ay mapapagpala sa iyo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng:

 

            -Pagpapasalamat:  I Tesalonica 5: 16-18.

 

-Payagan ang Dios na sakdalin ang Kaniyang lakas sa kabila ng kahinaan: II Corinto 12:9-10.

 

-Pagpapakita ng pagtitiyaga habang naghihintay. Ang mga tao ay naghihintay sa opisina ng doktor para sa resulta ng kanilang mga “tests.” Naghihintay tayo pag patungkol sa medisina. Bakit hindi tayo makapaghintay sa Dios? Sila na may pagtitiyaga ay nagmamana ng mga pangako: Hebreo 6:12; 12:2-3; Santiago 1:2-4; 5:10-11; Awit 27:14; 37:34; Isaias 40:31; Roma 5:3-5.

 

-Kilalanin na walang pagdurusa na walang layunin. Pag-aralan ang mga tala sa Biblia na pinatutunayan ito.

 

10. Angkinin ang mga pangako ng Dios: Kahit na nadarama mo na pinabayaan ka na ng Dios, patuloy mong panghawakan ang mga pangkong ito at idalangin ang mga panalanging ito:

Mga Awit 5:1-3; 6:2-9; 13:1-6; 22:19; 27:7; 31:21-22; 42:9-11; 54:1-2; 55:1-2; 70:1; 71:9-21; 86:6-7; 94:19; 102; 1-7; II Corinto 4:17-18.

 

11. Magbigay at ikaw ay bibigyan:  Ang Biblia ay nagtuturo ng isang susing prinsipyo sa Kaharian ng Dios na tayo ay tatanggap kung tayo ay magbibigay. Kung ikaw ay mananampalataya, pasimulang mong maglingkod ng pagpapagaling ng Dios sa iba. Sa iyong pagbibigay, ikaw ay tatanggap.

 

PANSARILING  PAG-AARAL

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Talakayin ang pagsubaybay sa mga taong gumaling.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Talakayin ang pagsubaybay sa mga hindi pa tumatanggap ng kagalingan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

 

PAGSASAGAWA

 

1. Nakatanggap ka na ba ng panalangin  o nanalangin ka para sa iba at ang kagalingan ay hindi pa tinatanggap? Isulat mo ang iyong mga plano sa pagsunod sa mga hakbang na ito:

 

Magpatuloy na manalangin para sa kagalingan:

 

________________________________________

Magpatuloy na palaguin ang iyong pananampalataya:

 

________________________________________

Magpatuloy na ipahayag ang iyong mga kasalanan:

 

________________________________________

Gamitin mo ang iyong espirituwal na kapangyarihan:

________________________________________

Baguhin mo ang iyong uri ng pamumuhay:

 

________________________________________

Sundin ang mga tagubilin ng Biblia tungkol sa kalusugan:

 

________________________________________

Lumikha ka ng klima ng pananampalataya:

________________________________________

Italaga mo ang iyong sarili na lubusang magtiwala sa Dios:

 

________________________________________

Magkaroon ka ng positibong damdamin tungkol sa pagdurusa:

________________________________________

 

 


Angkinin ang mga pangako ng Dios:

________________________________________

Magbigay ka at ikaw ay tatanggap:

________________________________________

2. Kung hindi mo pa natatangap ang iyong kagalingan, pag-aralan mo ang Juan 11. Ang kuwento ng pagbuhay kay Lazaro ay nagpapakita na ang pagkaantala ng kagalingan madalas ay nagbibigay ng oportunidad para sa lalong dakilang kapahayagan ng kapangyraihan ng Dios.

 

3. Nakatanggap ka ba ng kagalingan o gumaling ba ang iyong ipinanalangin? Isulat mo ang iyong plano sa pagsubaybay sa taong gumaling na sinusunod ang mga hakbang na ito:

 

Kilalanin ang mga atake ni Satanas:

________________________________________

Labanan ang mga atake ni Satanas:

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABING ANIM NA KABANATA

 

ANG LUBUSANG KAGALINGAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Magbigay ng mga tiyak na tagubilin sa mga nagmiministeryo sa may taning ang buhay.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

 

Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

 

Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwat ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.

(II Corinto 4: 16-18)

 

PAMBUNGAD

 

Sinasabi ng Biblia na may takdang panahon para sa bawat tao na mamatay:

 

At kung paanong itinakda sa mga tao na mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.  (Hebreo 9:27)

 

Pag-aralan ang sumusunod na banghay kung ikaw ay may taning na ang buhay o gamitin mo ito upang ikaw ay maglingkod sa isa na may taning na ang buhay:

 

NAGLILINGKOD SA MAY TANING NA ANG BUHAY

 

I.   May sakit sa ikamamatay:  Sa Juan 11:4 sinabi ni Jesus na ang sakit ni Lazaro ay hindi sa ikamamatay. Ang ibig sabihin nito ay may mga sakit sa ikamamatay.

 

II.  May dalawang uri ng natural na kamatayan:

 

A. Maagang pagkamatay: Sa ikawawasak ng kaniyang laman upang ang espiritu ay maligtas (I Corinto 5:4-5).

 

B.  Itinakdang kamatayan:  Dahil sa natural na proseso ng buhay (Hebreo 9:27; Eclesiastes 3:2; II Mga Hari 13:14; Isaias 38; II Mga Hari 20).

 

III. Ang Pakay Ng Kagalingan ay Hindi Walang Kamatayan:

 

            A.  Kahit yaong mga bihuhay ni Jesus ay namatay din.

 

B.  Ang ibang mga tao ay makalangit na iningatan mula sa mga epekto ng katandaan tulad ni Moises. Ang iba naman ay sumusunod sa natural na proseso ng pagtanda tulad ni Josue.

 

C.  Ang Biblia ay hindi nangako ng walang kamatayan sa mundong ito bilang bahagi ng tipan ng kagalingan. Huwag kang maguguluhan kung ang mga Kristiyano na nanampalataya at naglingkod sa pagpapagaling ay namatay dahil sa sakit. Ito ay nangyari kay Eliseo, at pagkalipas ng mga taon ang kaniyang mga buto ay nagkaroon ng kapangyarihan upang bumuhay ng patay. Samakatuwid ay hindi siya namatay dahil sa kakulangan sa pananampalataya!

 

IV.  Nakapagbibigay ang Dios ng karunungan at kaalaman: Nagbibigay ang Dios ng karunungan kung panahon na o hindi para sa isa na mamatay:

 

A.  Kung ipinahayag nga Dios na panahon na para sa isang tao na mamatay, tulungan mo siyang mahanda tulad ng ginawa ni Jesus sa krus:

 

1.  Siguruhin na kilala nila si Jesus bilang Tagapagligtas.

2.  Kung sila ay mananampalataya, siguruhin na walang kasalanang hindi naikumpisal.

            3.  Himukin sila na ayusin ang kanilang mga negosyo at iba pang mga bagay.

4.  Himukin sila na ayusin ang mga kailangang ibalik o anumang gusot sa pagitan nila at ng ibang mga tao.

5. Tulungan mo sila na maunawaan na ang kamatayan ay dumarating sa lahat. Para sa isang mananampalataya, ang kamatayan ay isa lamang pangyayari na sakop ng buhay na walang hanggan. Kailangan nating baguhin ang ating pananaw tungkol dito. Hindi natin hahanapin ang kamatayan, subalit hindi natin bibigyan ng sobrang pansin ang buhay sa ngayon na gugustuhin pa natin ito kaysa sa darating na buhay. Ang mawala sa katawan ay mapasa presensiya ng Panginoon (II Corinto 5:8). Ang kamatayan ay isang kaaway, at ito ang huling kaaway na masisira (I Corinto15:26). Ang pagkabuhay ni Jesus ay “unang bunga” upang ipakita na ang kamatayan ay nagapi na bagama’t hindi pa nasisira. Ang takot sa kaaway ang nawalan ng armas para sa mananampalataya (I Corinto 15:55). Kahit na panahon na para mamatay ang isang mananampalataya, hindi siya dapat matakot, magintindi, at maghirap. Nagbibigay ang Dios ng biyaya sa kamatayan kung paano Siya nagbibigay ng biyaya na mabuhay.

 

6.  Tulungan mo silang maunawaan na ang Dios ang nasusunod. Siya ay maaaring mamagitan anumang oras at payagan silang mabuhay ng mas mahaba.

 

7.  Ituon mo ang kanilang paningin sa pagkabuhay sa walang hanggan. Gamitin mo ang mga sumusunod na mga reperensya: Job 19:25-27; Juan 11:5-6; Roma 8:10-11, 17-18, 22-23; 10:11; I Corinto 15:42-44, 54-58; II Corinto 4: 16-18; 5:1; I Tesalonica 4:13-18.

 

B.  Kung hindi ka tumatanggap mula sa Dios na ito ang takdang panahon ng kamatayan:

 

1. Patuloy kang manalangin para sa kagalingan ayon sa kalooban ng Dios. Hindi ka nagpupumilit ng kagustuhan mo, kundi binibigyan mo ng kalayaan ang Dios na gawin ang kaniyang kalooban, kung kukunin sila o pagagalingin.

 

2. Manalangin ka sa Espiritu, sapagkat alam ng Espiritu Santo ang kalooban ng Dios at Siya ang mamamagitan (Roma 8:26).

 

3. Himukin ang may sakit na italaga ang kanilang sarili nang lubos sa Dios, upang kung mabuhay o mamatay, alam nila na sila ay nasa Kaniyang mga kamay: Job 13:15; 19:16; Juan 10:29.

 

4. Ipokus ang ministeryo sa paghahanda para sa kamatayan at sa pisikal na kagalingan.

 

V.  Ang kamatayan ang Lubos na Kagalingan. Para sa mananampalataya ang kamatayan ang lubos na kagalingan. Wala nang kirot o sakit at pumapasok ka sa presensiya ng Dios na magaling. Ang sakit at kasalanan ay pareho: Tayo ay naliligtas mula sa kasalanan (sakit) pag tinanggap natin si Jesus na Tagapagligtas at Manggagamot. Patuloy tayong makakalaya mula sa kapangyarihan nito bilang mga mananampalataya, subalit sa hinaharap pag tayo ay naparoon na sa Panginoon tayo maliligtas mula sa presensiya nito.

 

May paraan ang Dios upang gawing sa ikabubuti ang mga masasamang gawa ni Satanas. Ang kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, at sa pagkamatay ni Cristo ay dumating ang buhay. Kaya nga nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. Sa kamatayan, ginagawa ng Dios ang lubusang kagalingan. Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan sapagkat ang mga namatay kay Cristo ay mabubuhay na muli:

 

Narito, sinasaysay Ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin. Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagkat tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.

 

Sapagkat kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan. Datapuwat pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

 

Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?

 

Kung mamatay ang mananampalataya, magalak kayo, sapagkat ang isang magandang bagay ay naganap:

 

Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng Kaniyang mga banal.

(Awit 116: 15)

 

Para sa mananampalataya, ang kamatayan ay kalayaan mula sa mundong ito ng kasalanan:

 

Sapagkat nalalamn namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. Sapagkat tunay na sa ganito kami nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa Langit.

Sapagkat tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami’y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.  (II Corinto 5:1-2, 4)

 

Sa kamatayan, ang mananampalataya ay pumasok na sa presensiya ng Panginoon:

 

Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.  (II Corinto 5:8)

 

Isang lalaking nagngangalang Arthur Brisbane ay naglarawan ng isang libing ng isang mananampalataya na tulad ng isang grupo ng nagluluksang mga uod na nakasuot ng mga itim, nagluluksa habang dala ang kukun sa huling hantungan. Sa ibabaw nila ay lumilipad ang isang napakagandang paruparo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Talakayin ang mga tagubilin na ibinigay sa araling ito para sa pagmiministeryo sa may taning ang buhay.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Pag-aralan ang pangako ng kagalingan sa araling ito:

 

Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

 

Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

 

Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwat ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.

(II Corinto 4: 16-18)

 

Kung ikaw ay nagmiministeryo sa isa na may taning ang buhay, itanong mo ang mga ito:

 

Ang kalagayan bang ito ay nagiging sanhi ng iyong panghihinang espirituwal?

 

________________________________________

Ang iyo bang pangloob na pagkatao ay binabago araw-araw, sa kabila ng kalagayan ng panglabas na pagkatao?

 

________________________________________

Paano mo mapababago ang pangloob na pagkatao?

 

________________________________________

Nakatuon ba ang iyong pansin sa iyong pangsamantalang kalagayan o sa pangwalang hanggan?

 

________________________________________

Paano mo mababago ang iyong pokus mula sa pangsamantala tungo sa walang hanggan?

 

________________________________________

2. Kung ikaw ay nagmiministeryo sa isang may taning na ang buhay at ipinakita na ng Dios na panahon na upang sila ay mamatay, gawin mo ang mga hakbang na ito: Kilala mo ba si Jesus bilang iyong Tagapagligtas?

 

________________________________________


Kung ikaw ay isang mananampalataya, mayroon ka bang kasalanang hindi nahahayag? Idalangin mo ang kasalanang hindi naikukumpisal, tulad ng galit, kapaitan, atbp. Ipahayag mo at tumanggap ka ng kapatawaran (I Juan 1:8-9).

 

________________________________________

Inayos mo na ba ang iyong mga negosyo at ibang bagay na dapat ayusin? Kung hindi pa, gumawa ka ng listahan ng mga gagawin:

________________________________________

Mayroon bang mga tao na dapat mong pagbayaran, magsauli ng mga bagay, humingi ng kapatawaran, o ayusin ang sigalot? Kung gayon, isulat mo ang mga pangalan nila dito:

________________________________________

3. Kung hindi ka tumatanggap ng kaalaman mula sa Dios kung ito ay mamamatay o hindi, sundin mo ang mga hakbang na ito:

 

-Patuloy kang manalangin para sa kagalingan ayon sa kalooban ng Dios.

 

-Manalangin ka sa Espiritu, sapagkat alam ng Espiritu Santo ang kalooban ng Dios at Siya ang mamamagitan.

 

-Himukin ang may sakit na italaga ang kanilang sarili nang lubos sa Dios, upang kung mabuhay o mamatay, alam nila na sila ay nasa Kaniyang mga kamay.

 

4. Kung ikaw o ang iyong pinaglilingkuran ay may taning na ang buhay, angkinin itong pangakong ito:

 

At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwat sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. (Mateo 19:26)

 

5. Laging tandaan na ang Dios ang nasusunod, at kahit na ang tao ay may taning na sa buhay, Siya ay maaaring pumagitna anumang oras at palawigin ang kanilang buhay. Basahin ang kuwento ni Hezekias sa Isaias 37:1 hanggang 38:22. Nang si Hezekias ay namamatay, nakiusap siya sa Dios at tumanggap ng kagalingan. Sa pangyayaring ito pansinin ang kaniyang:

 

            -Kalagayan:                    Isaias 38:1

            -Panalangin:                   Isaias 38: 2-3

            -Pangako:                       Isaias 38:4-6

            -Papuri:                          Isaias 38: 9-20

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM NA BAHAGI

 

 

 

 

 

MGA ESTRATEHIYA PARA SA PAGPAPALAYA

 

 

 

 

Sa bahaging ito matututuhan mo ang mga estratehiya para sa pagmiministeryo at pagtanggap ng pagpapalaya. Matututuhan mo ang tungkol sa :

 

 

 

 

·        SINO ANG TINALIAN NI SATANAS.

 

·        PAGMIMINISTERYO NG PAGPAPALAYA.

 

·        ANG PAGSUSUBAYBAY NG MINISTERYO NG PAGPAPALAYA.

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGPITONG  KABANATA

 

“SILA NA TINALIAN NI SATANAS”

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin ang tatlong mga uri ng demonio na umaatake sa katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao.

-Ipaliwanag ang kahalagahan ng kaloob ng pagkilala ng mga espiritu sa pakikitungo sa mga kapangyarihan ng demonio,

-Ipaliwanag ang kahulugan ng pinahihirapan ng demonio.

-Tukuyin ang mga katangian ng taong pinahihirapan ng demonio.

-Ipaliwanag ang kahulugan ng labis na pagkahilig sa demonio.

-Tukuyin ang mga katangian ng taong nabuyo sa demonio.

-Ipaliwanag ang kahulugan ng pagsanib ng demonio.

-Tukuyin ang mga katangian ng taong sinaniban ng demonio.

-Ipaliwanag kung paano humahawak ang mga demonio.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.

            (Lucas 9:1)

 

PAMBUNGAD

 

Sa matagal na panahon ang gawa ng mga demonio ay binale wala bilang isang kakaibang gawain ng mga paganong kultura. Hindi ito itinuring na isang problema na pumapasok sa mga buhay, mga tahanan, mga iglesia, at mga bansa. Subalit may mga tao sa palibot mo na pinahihirapan, naguguluhan, at inaalihan ng mga kapangyarihan ng kadiliman na kilala bilang mga demonio. Naglingkod si Jesus sa mga inaalihan ng mga demonio (Gawa 10:38) at inutusan Niya ang mga tagasunod Niya na ganoon din ang gawin sa kanilang pagkalat ng Ebanghelyo ng Kaharian (Mateo 10:1).

 

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng mga panuntunan sa pagmiministeryo sa mga naaapektuhan ng kapangyarihan ng mga demonio. Bago sila tumanggap ng Ebanghelyo ang mga natataliang ito ay dapat makalaya mula sa pagkabihag. (Ang Harvestime International Institute ay nagbibigay ng kurso na pinamagatang “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manual Sa Pakikibakang Espirituwal” na ibinibigay ang mga gawain ni Satanas at ng kaniyang mga demonio. Kung hindi mo pa alam ang espirituwal na pakikibaka, dapat kang kumuha ng kursong ito bago mo pasimulan ang ministeryo ng pagpapalaya.)

 

 

SI JESUS AT ANG MGA DEMONIO

 

Ang pagtuturo at ministeryo ni Jesus ay nagpakita na ang mga espiritu ng mga demonio ay tunay na puwersa ng kasamaan. Ang mga turo ni Jesus tungkol sa mga demonio at kung paano Niya pinakitunguhan ang mga ito ay nagbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga estratehiya ni Satanas.

 

Tinanggap ni Jesus na si Satanas ang nangangasiwa sa isang pulutong ng mga demonio. Nagturo Siya ng katunayan at kapangyarihan ng mga demonio. Sinabi Niya na ang pagpapalayas ng mga demonio ay isang tanda na ang Kaharian ng Dios ay dumating na. Basahin ang Mateo 12: 22-30, Marcos 3:22-27, at Lucas 11:14-23 para sa buod ng mga itinuro ni Jesus tungkol sa mga demonio.

 

Ang isang malaking bahagi ng ministeryo ni Jesus ay tungkol sa pakikitungo sa mga demonio. Ang halimbawa ni Jesus at ang kapamahalaan ng Kaniyang pangalan ang nagbibigay ng batayan sa pakikitungo natin sa kapangyarihan ng mga demonio. Pinaglingkuran ni Jesus ang lahat ng lumapit sa Kaniya na may problema sa mga demonio. Ang sabi ni Pedro tungkol kayJesus:

 

…Si Jesus na taga Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng Diablo… (Gawa 10:38)

 

PAANO GUMAGAWA ANG MGA DEMONIO

 

Ang mga demonio ay ginagamit ni Satanas upang labanan ang Dios, ang Kaniyang mga plano at mga pakay, at ang Kaniyang bayan. Kinakalaban din nila ang mga hindi mananampalataya upang huwag silang tumanggap ng katotohanan ng Ebanghelyo. Ang mga demonio ay humahawak sa mga tiyak na teritoryo (mga prinsipyo) tulad ng prinsipe ng Persia na binanggit sa Daniel 10:12-13. Ang mga demonio rin ay kumikilos sa mga personalidad – sa mga lalake at babae - upang matupad ang mga layunin ni Satanas sa mundo.

 

Ang paglaban sa kalooban ng Dios ang unang pakay ni Satanas. Ang kahulugan ng salitang “Satanas” ay “kaaway.” Si Satanas ang unang kalaban ng Dios (Job 1:6; Mateo 13:39). Pangalawa, siya ay kalaban ng tao (Zacarias 3:1; I Peter 5:8).

 

Ang mga demonio ay may iba’t ibang likas. Ang isang demonio sa I Hari 22:23 ay nagpakilala bilang isang “espiritung nagsisinungaling.” Isang “bingi at pipi” na espiritu ay nagpakilala sa Marcos 9:25. Mga demonio ng iba’t ibang uri ay kumikilos bilang mga espiritu ng sakit, espiritung nangdaraya, at maruruming espiritu. Ginagamit ni Satanas ang mga ito upang labanan ang tao sa katawan, kaluluwa, at espiritu.

 

MGA ESPIRITU NG KARAMDAMAN:

 

Ito ang mga espiritu na nagpapahirap sa katawan ng mga mananampalataya at ng hindi mananampalataya. Basahin ang Lucas 13: 10-17. Ang babaing ito ay pinasukan ng espiritu ng sakit. Siya ay naroon sa mga gawain sa Sabbath at tinawag siya ni Jesus na “anak na babae ni Abraham.” Ang mga katotohanang ito ay nagpapakita na maaaring siya ay tagasunod ng Dios, subalit ang kaniyang katawan ay may karamdaman sa loob ng labingwalong taon.

 

Para sa ibang mga halimbawa ng mga kapangyarihan ng demonio sa katawan tingnan ang Mateo 12:22; 17:15-18; Gawa 10:38; II Corinto 12:7.

 

MGA ESPIRITU NG PANGDARAYA:

 

Ang mga espiritung ito ay umaatake sa espiritu ng tao, tinutukso siyang maniwala sa mga kasinungalingan at mahatulan sa walang hanggang kaparusahan. Ito ay ang espiritu ng maling doktrina, mga kulto, mga bulaang Cristo, at mga bulaang tagapagturo:

 

Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio. (I Timoteo 4:1)

 

Sapagkat sila’y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaroroonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na makapangyarihan sa lahat. (Apocalipsis 16:14)

 

Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan.

 

At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagkat hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.

(II Tesalonica 2:9-10)

 

Kasali sa espiritu ng pangdaraya ang “espiritu ng panghuhula” na binanggit sa Mga Gawa:

 

At nangyari, na nang kami’y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula. (Gawa 16:16)

 

Ang mga ganitong mga espiritu ng panghuhula ay kumikilos sa mga nagsasabi ng suwerte, mga mangkukulam, mga nagbabasa ng palad, bolang cristal, at dahon ng tsaa. Sa pamamagitan ng mga paraang laban sa Kasulatan, ang mga may espiritu ng panghuhula ay nagsasabi ng mangyayari sa hinaharap o mga bagay na hindi nalalaman sa natural. Mga babala laban sa mga ganitong espiritu ay ibinigay sa Levitico 19:31; 20:6; Deuteronomio 5:9; 18:10; Levitico 20:27; at I Samuel 28:3.

 

Ang mga espiritu ng pandaraya ay nagpapamanhid sa konsiensya, nanglilinlang, rumarahuyo, umaakit, nanunukso, nanghihikayat, pumupukaw ng interes, nanggagayuma, gumigising, naguudyok, nangbibighani, at nangloloko. Ang mga espiritu ng pangdaraya ang siyang dahilan ng “kasamaamg espirituwal sa matataas na dako.” Sila ay naroon at aktibo sa lahat ng kulto at kahit saan may maling aral. Tandaan na uhaw si Satanas sa pagsamba at ito ay kukunin niya sa anumang paraan. Ang mga espiritu ng pangdaraya ay naguudyok sa mga lalake at babae na sumamba sa mga diosdiosan at kay Satanas mismo.

 

MARURUMING MGA ESPIRITU:

 

Ang mga kapangyarihan ng demonio ay nagpapahirap sa kaluluwa ng tao. Sila ang may kagagawan ng mga gawang imoral, maruming pag-iisip, mga tukso at ibang mga estratehiya ni Satanas na nagtatali sa mga lalake at babae. Pagka hinawakan ni Satanas ang mga tao ng maruming espiritu, siya rin ay maaaring kumilos sa mga tahanan, mga iglesia, at buong mga bansa sapagkat ang mga grupong ito ay binubuo ng mga indibiduwal. Ganito kumilos si
Satanas sa mga lebel ng lipunan. Para sa mga halimbawa ng maruruming espiritu tingnan ang Mateo 10:1; 12:43; at Marcos 1:23-26.

 

PAGPAPAHIRAP, PAGKABUYO, PAGSANIB

 

Ang masasamang espiritu ay nagpapahirap  sa mga tao. Ang magpahirap ay ang diinan, labanan, o talian mula sa labas. Ang pagpapahirap na ito ay ginagawa ng masasamang espiritu sa maraming paraan. Sila ang sanhi ng pagkatalo at panglulumo, lumilikha ng mga negatibong pangyayari, at naglalagay ng mga maling pag-iisip tulad ng pagpapakamatay, pangangalunya, pag-aalinlangan, takot, atbp. Ang mga demonio ay lumilikha ng maka-Satanas na mga pangyayari at situwasyon na naguudyok sa tao na magkasala:

 

Si Jesus na taga Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga PINAHIHIRAPAN ng Diablo… (Gawa 10:38)

 

Ang mga demonio ay maaari ring sumanib sa mga tao. Ito ay kapag ang isa o higit sa isang demonio ay tumira sa katawan ng tao at sila ang may hawak sa biktima at sila ang nasusunod. Ang ibang tao ay mas gusto ang salitang “dinemonio” sa halip na sinaniban, subalit kahit ano ang itawag dito, ang taong sinaniban ay tinitirhan ng mga demonio. Ang taong “sinaniban” ay hindi nangangahulugan na hindi na siya responsible sa mga kasalanan niya. Ang kaniyang responsabilidad ay naroon sa mga bagay na nagdala sa kaniya sa ganitong kalagayan.

 

Ang pagsanib ay maaaring mangyari nang may pahintulot. Ang tao ay maaaring magnais na saniban ng espiritu ng demonio upang siya ay makagawa ng pakikipag-usap sa espiritu ng mga patay, magdala ng mga sumpa, maging mangkukulam, o magkaroon ng higit sa natural na kapangyarihan. Ang pagsanib ay maaari ring mangyari nang walang pahintulot. Ang isang tao ay hindi naghihintay na siya ay saniban, subalit dahil sa makasalanang pag-iisip, mga kilos, o mga relasyon sa okultismo, ang pagsanib ay nangyayari.

 

Ang mga kapangyarihan ng demonio na kumikilos sa mga magulang at ang mga kasalanan ng magulang ay maka-aapekto sa susunod na henerasyon. (Tingnan ang Exodo 20:5; 34:7; at Deuteronomio 5:9.) Ito ang dahilan ng pagsanib ng mga demonio o pagpapahirap sa mga bata tulad ng nakatala sa Marcos 7:24-30 at 9:17-21.

 

Mayroon ding tinatawag na pagkabuyo sa demonyo. Ito ay isang kondisyon na ang isa ay masyadong nabuyo sa mga gawain ng demonio. May di pangkaraniwang interes sa mga kulam, mga demonio, at kay Satanas na humahawak sa mga interes at mga ambisyon sa isang padiktang paraan. Ang pagkabuyo sa kapangyarihan ng demonio ay mauuwi sa pagsanib nila sa tao.

 

NAKAKA-APEKTO BA ANG MGA DEMONIO SA MGA MANANAMPALATAYA?

 

Ang tunay na mananampalataya ay hindi maaaring saniban ng demonio sapagkat ang Espiritu Santo ay hindi maaaring tumira sa templo na tinitirhan ng masamang espiritu:

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? At hindi kayo sa inyong sarili.

 

Sapagkat kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.  (I Corinto 6:19-20)

 

Kung ikaw ay nasa Dios at puspos ng Espiritu Santo, hindi ka maaaring kay Satanas din at puno ng kaniyang espiritu na sabay. Ang Espiritu Santo ay hindi maaaring manirahan sa parehong “templo” kasama ni Satanas.

 

Subalit hindi ang kahulugan nito ay ang mga mananampalataya ay hindi na ma-aapektuhan ng kapangyarihan ng demonio. Ito ang mga kapangyarihan ng ating nilalabanan. Gumagamit si Satanas ng kapangyarihan ng mga demonio upang lusubin ang mga mananampalataya mula sa labas sa pamamagitan ng pagpapahirap, ang mga sintomas ay tinalakay na. Subalit hindi niya kayang saniban ang tunay na mananampalataya. Ang “sumanib” ay nangangahulugan ng pagtira sa loob. Ang “magpahirap” ay hawakan ang tao mula sa labas. Ang pag-uugali ng mananampalataya ay maaaring iniuutos ni Satanas kung pinahihintulutan nila ang kapangyarihan ng demonio na pahirapan sila. Ang ganitong pagpapahirap ay ginagamit ni Satanas upang matupad ang kaniyang masamang mga layunin.

 

Ganito ang nangyari nang si Pedro, isang alagad ni Jesus, ay ginamit ni Satanas upang pigilin si Jesus sa pagdurusa para sa kasalanan ng sanglibutan. Nang ilarawan ni Jesus ang pagdurusa na mangyayari sa Kaniya, sinabi ni Pedro:

 

            …Panginoon, malayo ito sa Iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa Iyo.

            (Mateo 16:22)

 

Sinabi ni Jesus kay Pedro:

 

…Lumagay ka sa likuran Ko, Satanas: ikaw ay tisod sa Akin: sapagkat hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.  (Mateo 16:23)

 

Hindi ang ibig sabihin ni Jesus ay si Pedro ay si Satanas. Kinilala Niya na sa sandaling yaon ay pinayagan ni Pedro si Satanas na kumilos sa kaniya. Hindi siya sinasaniban ng demonio, subalit pinahihintulutan niya ang espiritu ni Satanas na makaimpluwensya sa kaniya. Ang mga mananampalataya- sa pamamagitan ng kanilang mga gawa- ay maaaring magbigay ng daan kay Satanas na gamitin sila (Efeso 4:27).

 

Pagka ang tao ay pinanganak nang muli, ang kaniyang pangalan ay nakasulat na sa Aklat ng Buhay. Sila lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat na ito ang titira sa Langit nang walang hanggan.

 

At kung sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Apocalipsis 20:15)

 

Posible na ang iyong pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, subalit ito ay mabubura kung ikaw ay magbalik sa makasalanang pamumuhay:

 

Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mapuputing damit; at hindi Ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag Ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng Aking Ama, at sa harapan ng Kaniyang mga anghel. (Apocalipsis 3:5)

 

Kung ang isang mananampalataya ay magpatuloy sa nalalaman niya at hindi kinumpisal na kasalanan, darating ang punto na hindi na siya magiging Kristiyano. Nagpahayag si Apostol Pablo ng pag-aalala na siya ay hindi “maitakwil” matapos niyang mangaral sa iba:

 

Ngunit hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakwil. (I Corinto 9:27)

 

Napagtanto ni Pablo na ang kasalanan, lalo na ang patuloy na hindi ipinahayag na kasalanan ng laman, ay maaaring maging dahilan ng pagkawala ng kaniyang kaluluwa kahit na siya ay nangaral sa iba.

 

Sa pagpapatuloy mo sa kasalanan ikaw ay mamumuhay sa isang malamig na kondisyong espirituwal at ikaw ay hindi na magiging tunay na tagasunod ni Jesucristo. Kung magpatuloy ka sa kasalanang nalalaman mo at hindi nagsisisi, walang makapagsasabi sa iyo kung kailan ka huminto sa pagsunod kay Jesucristo at muling naging bahagi ng Kaharian ni Satanas. Ang Dios ang nakakaalam nito. Subalit kung ito ay mangyari, binubuksan mo ang iyong sarili sa pagatake ng kaaway, kasali rito ang posibilidad ng pagsanib ng demonio. Kaya mahalaga na kapag ikaw ay nagkasala, magsisi ka agad at tumalikod sa kasalanan:

 

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

 

Kung sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling Siya, at ang Kaniyang salita ay wala sa atin.  (I Juan 1:9-10)

 

Si Jesus ay tinawag na Salita ng Dios sa maraming lugar sa Kasulatan. Kung ang Salita ng Dios ay hindi naninirahan sa iyo, samakatuwid si Jesus ay hindi naninirahan sa iyo.  

 

PAANO HUMAHAWAK ANG MGA DEMONIO

 

Ang mga demonio ay humahawak sa maraming paraan:

 

1.  Sa pamamagitan ng mga henerasyon:  Ang mga demonio ay maaaring magpahirap o sumanib sa isang tao dahil sa pagpapahirap o pagsanib sa kaniyang mga magulang. Ito ang dahilan ng impluensiya ng demonio sa mga bata (Exodo 20:5; 34:7; Deuteronomio 5:9)

 

2.  Sa pamamagitan ng isip:  Ang isip ang lugar na labanan ni Satanas. Kung hawak ni Satanas ang iyong pag-iisip, pati mga kilos mo ay kaya na niyang hawakan. Ang walang pagpipigil sa mga iniisip ay wala ring pagpipigil sa iyong kagustuhan. Ito ang nagdadala sa makasalanang mga gawa. Ang pagpapatuloy sa pagiisip ng makasalanang pagiisip at paggawa ay maaaring magdala sa pagpapahirap at pagsanib ng demonio at sa wakas sa isang pagiisip na mahalay na inilarawan sa Roma 1- isang isip na kontrolado ng masasamang pagiisip.

 

Ang mga demonio ay pumapasok din sa mga gamot na nagpapabago ng isip na nagpapahina sa iyong paglaban sa mga demonio at lalo silang nakakapasok. Ang “brain washing” at “pagkontrol ng isip” ay nagbibigay din ng puwang sa diablo.

 

3.  Sa pamamagitan ng mga gawang masama:  Ang masamang pagiisip ay sinusundan ng makasalanang mga gawa. Halimbawa, ang pagiisip ng pangangalunya ay natutupad sa aktuwal na pangangalunya. Ang kasalanan ay paglaban, at ang mga isipan ng paglaban ay nagbibigay ng puwang para sa mga gawa ng demonio.

 

Kapag ang mananampalataya ay nagpatuloy sa makasalanang isipan at mga gawa binibigyan niya “ng lugar” ang demonio (Efeso 4:27). Mas malaking silid ang ibinibigay niya sa kaaway. Ang mga kasalanan tungkol sa mga kulam, kasali ang mga bagay na ginagamit dito, mga babasahin, pakikipagusap sa mga namatay na, atbp. ay mga gawaing mapanganib at umaakit sa mga kapangyarihan ng demonio.

 

Ang isang hindi mananampalataya na namumuhay sa kasalanan ay bukas sa pagpapahirap ng demonio at sa pagsanib nito. Walang lugar na neutral sa pakikibakang espirituwal. Ikaw ay alin sa dalawa, nasa panig ng mabuti o masama. Ikaw ay pag-aari ng Dios o ni Satanas. Kung ikaw ay pag-aari ni Satanas at hindi pa nakakaranas ng kapanganakang muli kay Jesucristo, ikaw ay gagamitin niya, pahihirapan, o sasaniban kung gusto niya.

 

4. Sa pamamagitan ng pagnanasa:  Ang ibang tao ay hiniling kay Satanas ang kapangyarihan upang makagawa sila ng mga kagilagilalas ng mga gawa.

 

5. Sa pamamagitan ng walang lamang bahay:  Itinuturing ng mga demonio ang katawan ng tao na tinitirhan nila na kanila (Mateo 12:44). Kung ang taong napalaya mula sa kapangyarihan ng demonio ay hindi pinuno ang kaniyang bahay ng karanasan ng bagong kapanganakan at ng kapuspusan ng Espiritu Santo, maaari itong magbalik.

 

6. Sa pamamagitan ng pahintulot:  Kung minsan pinapayagan ng Dios ang kapangyarihan ng demonio upang matupad ang mga tanging layunin. Ito ay pinatunayan ng pagsubok –tulad ng kaso ni Job- o kahatulan sa kasalanan- tulad ng nangyari kay Haring Saul.

 

 

SINO ANG HAHARAP SA KAPANGYARIHAN NG MGA DEMONIO?

 

Ang pakikitungo sa mga demonio ay hindi lang dapat ibigay sa mga ministro. Ang sabi ni Jesus, lahat ng mga mananampalataya ay may kakayahang managumpay laban sa mga kapangyarihan ng demonio:

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan… (Marcos 16:17)

 

Binigyan ni Jesus ang Kaniyang mga tagasunod ng kapangyarihan laban sa mga demonio. Una Niyang ibinigay ang mga kapangyarihang ito sa mga alagad:

 

At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.  (Mateo 10:1)

 

At pinalapit Niya sa Kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu. (Marcos 6:7)

 

Binigyan din Niya ng ganitong kapangyarihan ang lahat ng mananampalataya:

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan… (Marcos 16:17)

 

Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10: 8)

 

Walang Biblikal na basihan para maniwala na ang Dios ay pinili lamang ang mahalagang ministeryong ito para sa tanging grupo ng mga tao. Ang isang layko na nagngangalang Felipe ay ginamit ng Dios upang palayasin ang masasamang espiritu sa Samaria (Gawa 8). Subalit hindi ang ibig sabihin ay ang mga mananampalataya ay sisige na lamang sa paglusob sa kapangyarihan ng demonio na walang tamang paghahanda, tulad ng nangayari sa mga anak na lalake ni Esceva

(Gawa 19).

 

Mahalaga rin na ang mga mananampalataya ay hindi maging masyadong nagiisip ng tungkol sa demonio. Hindi tayo tinawag upang pagbutihin ang kaalaman tungkol sa demonio. Walang espirituwal na kaloob na “pagpapalabas ng mga demonio.” Subalit hindi ka dapat matakot sa mga kapangyarihan ng mga demonio. Kung nakaharap mo sila na naapektuhan ng demonio, dapat ay may kapangyarihan ka na magdala ng paglaya mula sa Dios.

 

PAGTUKLAS NG PRESENSIYA NG DEMONIO

 

Upang manaig sa kapangyarihan ng demonio mahalaga na makilala mo ang kanilang presensiya at mga taktika. Ang Espiritu Santo ay nagbigay ng tanging espirituwal na kaloob para dito. Ang kaloob na ito ay tinatawag na “pagkilala ng mga espiritu” (I Corinto 12:10).

 

Ang pagkilala ay ang “madiskubre, masuri, at masabi ang pagkakaiba.” Ang kaloob ng pagkilala ng mga espiritu ay binibigyan ang mananampalataya ng kakayahang makilala ang mga espiritu na kumikilos sa iba. Binibigyan siya ng kakayahang madiskubre, masuri, at matukoy ang masamang espiritu.

 

Ang kaloob ng pagkilala ng mga espiritu ay mahalaga sa pagkikitungo sa mga kapangyarihan ng demonio. Binibigyan ka ng kakayahan na makilala agad kung mayroon o walang masamang espiritu ang isang tao na kumikilos sa pamamagitan niya. Maiiwasan ang panlilinlang ng  mapandaya at sinungaling na mga espiritu. Ang isa na may ganitong kaloob ay nakikilala ang masamang pamamaraan at motibo ng kapangyarihan ng demonio.

 

Halimbawa, ang ilan sa mga bingi at pipi (ayon sa tala ng Biblia) ay sanhi ng isang espiritu. Ang ibang pagkabingi at pagkapipi ay maaaring sanhi ng aksidente o pagkakasakit. Ang pagkilala ay nagbibigay ka iyo ng kakayahang malaman ang dahilan ng kondisyong ito.

 

Hindi lahat ng mananampalataya ay may ganitong kaloob. Kung walang ganitong kaloob ang isang mananampalataya mayroon mga tanda ng presensiya ng demonio na makikita. Nang lumapit ang babaing Cananeo kay Jesus na nakikiusap na palayasin ang maruming espiritu sa kaniyang anak na babae, ang sabi niya ay, “Ang aking anak ay pinahihirapang lubha ng isang demonio” (Mateo 15: 22). Paano niya nalaman ito? Nakikita niya ang mga sintomas. Ang pagtuklas ay ang pagobserba kung ano ang ginagawa ng demonio sa isang tao.

 

Narito ang ilang sintomas ng gawa ng demonio:

 

Pagkabuyo sa demonio ay makikilala sa di pangkaraniwang interes sa mga demonio, kay Satanas, at sa mga kulam. Ang taong ganito ay nakikipaglaro sa mga gawaing mahiwaga, at laging binibigyan ng halaga si Satanas o ang demonio, o abala sa pagaaral ng mga demonio at Satanas.

 

Pagpapahirap ng demonio ay makikilala sa mga ganitong palatandaan:

 

1. Pisikal na nakatali:  Ang “anak na babae ni Abraham” na pinalaya ni Jesus mula sa masamang espiritu ay pisikal na nakatali. Tingnan ang Lucas 13:10-17. Ang matagal nang sakit ay maaaring pagpapahirap ng demonio. Hindi lahat ng sakit ay galing sa kapangyarihan ng demonio. Ang ilang mga sakit ay sanhi ng pagsuway sa natural na mga batas, tulad ng hindi pagkain nang wasto o paginom ng maruming tubig. Ang ibang sakit ay palo o parusa. Isang hari sa Biblia na hindi nagbigay ng luwalhati sa Dios ay biglang nagkaroon ng mga bulati sa bituka at namatay!

 

2. Isang pagpapahirap sa pagiisip:  Ang mga kaguluhan sa pagiisip tulad ng pagaalala, kalituhan, pagaalinlangan, pagkawala ng memorya, atbp. Hindi mapakali, hindi makapakinig sa iba, hindi normal na kadaldalan o sobrang tahimik ay makikita. Hindi lahat ng problema sa pagiisip ay sanhi ni Satanas. Ang pagkasira ng loob, pagiging malungkutin, at kalituhan ay maaaring galing sa mga allergy sa ilang mga pagkain o isang hindi balanseng kalagayan ng utak dahil sa kemikal. Kayang pagalingin ng Dios ang mga problema sa pagiisip na hindi galing sa demonio at kaya rin Niyang palayain ang mga sakit sa pagiisip na gawa ng mga demonio. Magingat na ibintang lahat ng sakit at problema sa pagiisip sa diablo. Kung minsan ang isang simpleng pagbabago ng kinakain at ng paraan ng pamumuhay ay mawawala ang problema kung ito ay sanhi ng mga pisikal na dahilan.

 

3. Mga problemang emosyonal:  Ang mga kaguluhan sa emosyon na patuloy o pabalik-balik, tulad ng pagtatampo, pagkamuhi, galit, takot, pagkadama ng pagtanggi, pagkahabag sa sarili, pagseselos, grabeng kalungkutan, pagiintindi, damdamin na hindi panatag, mababang pagtingin sa sarili, atbp.

 

4. Mga problemang espirituwal:  Napakahirap na pagtagumpayan ang kasalanan, kasama ang mga ugaling makasalanan. Pagtanggi sa mga espirituwal na solusyon sa mga problema. Anumang uri ng maling doktrina o panglilinlang, kasama ang pagkabihag sa mga gamit at babasahin ng kulto.

 

5. Mga pangyayari:  Ang mga demonio ay maaaring gumawa ng mahihirap na pangyayari at situwasyon na nagpapahirap. Ang mga ganitong pangyayari ay madalas nagdudulot ng pagkalito at madaling makikilala na gawa ng demonio sapagkat ang Dios ay hindi pinagmumulan ng kalituhan (I Corinto 14:33; Santiago 3:16).

 

Pagsanib ng demonio ay makikilala sa mga tandang ito:

 

1. Ang pagtira ng maruming espiritu:  Ito ay makikita sa karumihang moral na pamumuhay. Kasali rito ang ayaw magdamit. Halimbawa, tingnan ang Marcos 5:2 at Lucas 8:27.

 

2. Di pangkaraniwang kalakasan:  Nagpapakita ang tao ng sobrang lakas na hindi normal para sa kaniya. Para sa halimbawa tingnan ang Marcos 5:3 at ang Lucas 8:29.

 

3. Biglang galit:  Ang atakeng ito ay maaaring sundan ng pagbubula ng bibig. Tingnan ang Marcos 9:14-29 at Lucas 8:26-39.

 

4. Paglaban sa mga bagay na espirituwal:  Sa mga tala sa Marcos 6:7 at 1:21-28, kilala kaagad ng mga demonio si Jesus at sinabing iwanan sila. Takot sa pangalan ni Jesus, panalangin, at ang Salita at ang kasinungalingan ng mga bagay na espirituwal ay lahat sintomas ng pagsanib ng demonio. Sobrang pagsisinungaling, namimilipit na katawan, o biglang pagbabago sa ugali ay nagaganap pag nabanggit ang mga bagay na espirituwal.

 

5. Pagbabago sa personalidad at boses:  Ang isang taong dati’y mahiyain ay maaaring maging marahas at bayolente. Ang mga kilos at hitsura ay nababago. Ang moral na karakter at diwa ay maaaring magbago. Ang boses ay nagbabago. Tingnan ang Marcos 5:9.

 

6. Kasabay na mga sakit ng katawan:  Sa kaso ng pagsanib ng demonio, ang mga sakit na ito ay may kinalaman sa pagiisip at sa nerbiyos. (Tingnan ang Mateo 9:33; 12:22; Marcos 5:4-5). Maaari ring kabilang dito ang pangkalahatang pagkasira at pagbagsak ng katawan. (Tingnan ang Marcos 9:14-29).

 

7. Sinasaktan ang sariling katawan:  Sa Mateo 17: 14-21 may kuwento ng isang anak na lalake na inihuhulog ang sarili sa apoy. Sa Lucas 8:26-39 ang iinaalihan ng demoniong lalake ay hinihiwa ang sarili ng mga bato upang saktan ang sariling katawan.

 

8. Masidhing pagtangis:  Sa Lucas 8:28 ay may lalaking kung saan-saan nagpupunta at tumatangis dahil sa hirap ng pagsapi ng demonio sa kaniya.

 

9. Hindi makapamuhay sa normal na lipunan:  Ang lalaking ito ay hindi makapanirahan sa normal na lipunan kaya’t doon siya nakatira sa mga nitso sa sementeryo. Tingnan ang Lucas 8:27.

 

10. Sa pamamagitan ng mga paraang labag sa Kasulatan, may kakayahan siyang magsabi ng mangyayari sa darating na panahon o madiskubre ang hindi pa alam:  Ang babae sa Gawa 16:16 ay sinasapian ng espiritu ng panghuhula.

 

Ang mga sumusunod ay maaari ring tanda ng pagpapahirap, pagsanib ng demonio, o pagkabuyo rito:

 

1. Sukdulang imoralidad at pagkasangkot sa maruruming magasin ng mga babaing hubad, pangangalunya, pakikiapid, pagpapasarap sa sarili, kabaklaan at pagkatomboy, at iba pang mga kasalanan sa sex. Hindi mapigil na pagkain, pagpapakamatay, pananakit sa sarili, pagputol ng bahagi ng katawan, at pagpatay.

 

2, Ang pagkabuyo sa mga drugs at alak.

 

3. Mga nakikitang bagay, pangitain, at pagbubulay-bulay na hindi nakatuon sa iisang Dios.

 

4. Pagkabihag sa emosyon tulad ng takot, pagiintindi, labis na kalungkutan, pagkamuhi, galit, pagseselos, pagchichismis, inggit, kayabangan, kapaitan, pagiging negatibo, at pamimintas.

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Anu-ano ang tatlong uri ng demonio na umaatake sa katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng kaloob ng pagkilala sa pakikitungo sa kapangyarihan ng demonio?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ano ang kahulugan ng pinahihirapan ng demonio?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Anu-ano ang mga katangian ng taong pinahihirapan ng demonio?

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

6. Ano ang kahulugan ng nabubuyo sa demonio?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

7. Anu-ano ang mga katangian ng taong buyo sa demonio?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

8. Ano ang kahulugan ng sinasaniban ng demonio?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

9. Anu-ano ang nakikita sa isang tao na sinasaniban ng demonio?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

10. Ipaliwanag kung paano humahawak ang mga demonio.

 

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

Suriin mo na may panalangin ang iyong kondisyon o ang kondisyon ng taong tinutulungan mo:

 

1. Mayroon bang mga ebidensiya ng espiritu ng pangdaraya na kumikilos? Bakit mo nasabi iyon?

 

________________________________________

________________________________________

2. May espiritu ba ng sakit na kumikilos? Bakit mo nasabi iyon?

________________________________________

________________________________________

3. May mga ebidensiya ba ng maruming espiritu na kumikilos? Bakit mo nasabi iyon?

________________________________________

________________________________________

4. Narito ang mga tanda ng pagpapahirap ng demonio:

 

            -Pisikal na nakatali.

            -Pagpapahirap sa isip.

            -Mga problema sa emosyon.

            -Mga problemang espirituwal.

            -Mga pangyayari.

 

Mayroon bang pagpapahirap ng demonio? Bakit mo nasabi iyon?

 

________________________________________

________________________________________

5. Ang pagkabuyo sa demonio ay nakikilala sa pamamagitan ng:

 

            -Di mapigil na pagkabuyo sa mga demonio, Satanas, at sa mga mahiwaga.

            -Paglalaro sa mga gawain ng mga mahiwagang masama.

            -Madalas binibigyang halaga si Satanas o ang mga demonio.

            -Masusing pinag-aaralan ang mga demonio at si Satanas.

 

Mayroon bang pagkabuyo sa mga demonio? Bakit mo nasabi ito?

________________________________________

6. Narito ang mga sintomas ng pagsanib ng demonio:

 

1. Ang pagtira ng maruming espiritu: 

2. Di pangkaraniwang kalakasan: 

3. Biglang galit:

4. Paglaban sa mga bagay na espirituwal:

5. Pagbabago sa personalidad at boses: 

6. Kasabay na mga sakit ng katawan: 

7. Sinasaktan ang sariling katawan: 

8. Masidhing pagtangis:

9. Hindi makapamuhay sa normal na lipunan: 

10. Sa pamamagitan ng mga paraang labag sa Kasulatan, may kakayahan siyang magsabi ng mangyayari sa darating na panahon o madiskubre ang hindi pa alam:

 

Mayroon ka bang nakikitang pagsanib ng demonio? Bakit mo nasabi ito?

 

________________________________________

7.  Tandaan:  Ang mga sumusunod ay maaari ring tanda ng pagpapahirap, pagsanib ng demonio,

     o pagkabuyo rito:

 

1. Sukdulang imoralidad at pagkasangkot sa maruruming magasin ng mga babaing hubad, pangangalunya, pakikiapid, pagpapasarap sa sarili, kabaklaan at pagkatomboy, at iba pang mga kasalanan sa sex. Hindi mapigil na pagkain, pagpapakamatay, pananakit sa sarili, pagputol ng bahagi ng katawan, at pagpatay.

 

2. Ang pagkabuyo sa mga drugs at alak.

 

3. Mga nakikitang bagay, pangitain, at pagbubulay-bulay na hindi nakatuon sa iisang Dios.

 

4. Pagkabihag sa emosyon tulad ng takot, pagiintindi, labis na kalungkutan, pagkamuhi, galit, pagseselos, pagchichismis, inggit, kayabangan, kapaitan, pagiging negatibo, at pamimintas.

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGWALONG  KABANATA

 

ANG MINISTERYO NG PAGPAPALAYA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Tukuyin kung sino ang makikitungo sa mga kapangyarihan ng demonio.

-Talakayin ang mga paunang paghahanda para sa ministeryo ng pagpapalaya.

-Ibuod ang mga alituntunin sa pagmiministeryo ng pagpapalaya.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.  (Mateo 10:1)

 

PAMBUNGAD

 

Daan-daang mga tao ang natatalian ni Satanas sa mga sakit na demonio ang sanhi. Marami pang iba na nagdurusa sa pagpapahirap, sa pagsanib, at sa pagkabuyo sa kamay ng kaaway. Sa araling ito matututuhan mo kung sino ang dapat makitungo sa mga kapangyarihan ng demonio, kung paano maghanda sa ministeryo ng pagpapalaya, at kung paano magmiministeryo.

 

SINO ANG HAHARAP SA MGA KAPANGYARIHAN NG DEMONIO?

 

Ang pakikitungo sa kapangyarihan ng mga demonio ay hindi dapat ilagay sa kamay ng mga propesyonal na mga ministro. Sinabi ni Jesus na ang lahat ng mananampalataya ay binigyan ng kakayahan na managumpay laban sa mga kapangyarihan ng demonio:

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan… (Marcos 16:17)

 

Binigyan ni Jesus ng kakayahan ang Kaniyang mga tagasunod upang pakiharapan ang mga kapangyarihan ng demonio. Una Niyang binigyan ng kapangyarihan ang mga alagad:

 

At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.  (Mateo 10:1)

 

At pinalapit Niya sa Kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu. (Marcos 6:7)

 

Binigyan Niya ng gayon ding kapangyarihan ang lahat ng mananampalataya:

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan… (Marcos 16:17)

 

Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10: 8)

 

Walang Biblikal na basihan para maniwala na ang Dios ay pinili lamang ang mahalagang ministeryong ito para sa tanging grupo ng mga tao. Ang isang layko na nagngangalang Felipe ay ginamit ng Dios upang palayasin ang masasamang espiritu sa Samaria (Gawa 8). Subalit hindi ang ibig sabihin ay ang mga mananampalataya ay sisige na lamang sa paglusob sa kapangyarihan ng demonio na walang tamang paghahanda, tulad ng nangayari sa mga anak na lalake ni Esceva

(Gawa 19).

 

Mahalaga rin na ang mga mananampalataya ay hindi maging masyadong nagiisip ng tungkol sa demonio. Hindi tayo tinawag upang pagbutihin ang kaalaman tungkol sa demonio. Walang espirituwal na kaloob na “pagpapalabas ng mga demonio.” Subalit hindi ka dapat matakot sa mga kapangyarihan ng mga demonio. Kung nakaharap mo sila na naapektuhan ng demonio, dapat ay may kapangyarihan ka na magdala ng paglaya mula sa Dios.

 

ANG PAGPAPALAYA

 

Narito ang mga alituntunin sa ministeryo ng pagpapalaya para sa kanila na apektado ng kapangyarihan ng demonio:

 

PAUNANG PAGHAHANDA SA IYONG SARILI:

 

Ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios, ang tiyak o “Rhema” na Salita. Upang lalong lumago ang iyong pananampalataya, basahin mo nang buo ang Bagong Tipan na may bagong damdamin:

 

- Kung ano man ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na gawin, gawin mo ito.

 

 -Kung ano man ang sinabi Niyang gagawin Niya, asahan mong gagawin Niya ito.

 

-Kung sinabi Niyang makapagpapagaling ka ng may sakit sa pamamagitan ng Kaniyang  

 kapangyarihan, asahan mong sila ay gagaling.

 

-Kung iniutos Niyang magpalayas kayo ng mga demonio, gawin mo ito sa Kaniyang pangalan at asahan mong susunod sila sa iyo.

 

Ilagay mo sa isang tabi ang lahat ng turo ng tao at ang mga personal na karanasan na naranasan mo. Tanggapin mo na kung ano ang sinabi ng Bagong Tipan ay totoo. Tanggapin mo na totoo at kumilos ka ayon dito. Ikaw ay embahador ni Cristo (II Corinto 5:20). Ang isang embahador ay hindi nagaalinlangan na ang bansang kaniyang kinakatawan ay tutuparin ang kaniyang Salita.

 

Mag-ayuno ka at manalangin bago ka maglingkod. Dahil sa ang kapangyarihan at kapamahalaan ay nagmumula sa Dios, mabuting makiugnay sa Kaniya! Ang ilang mga pagpapahirap ng demonio ay gagaling lamang sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno. Sinasabi sa Isaias 58 na iginagalang ng Dios ang pag-aayuno na nakatuon sa paglilingkod sa iba.

 

PAUNANG PAGHAHANDA SA IBA:

 

Hangga’t maaari, ang isang team ng mga mananampalataya ang gamitin kapag nagtatali o nagpapalayas ng mga demonio. Sinugo ni Jesus ang mga alagad nang dalawahan sa ministeryong ito:

 

At pinalapit Niya sa Kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu. (Marcos 6:7)

 

Hindi ang ibig sabihin nito ay hindi ka na maaaring manalangin sa inaalihan ng demonio kung ikaw ay nag-iisa, subalit may lakas sa nagkakaisang pananalangin na kasama ang ibang mananampalataya. Sapagkat ang kalakasan ay nagmumula sa pagkakaisa, sila na mga kasama mo sa ministeryo ng pagpapalaya ay dapat nakahanda ring katulad mo na nanalangin at nag-ayuno.

 

Sa kaso ng pagpapahirap at pagkabuyo (tulad ng lubang pagkalungkot, mga sakit na ang pinagmulan ay demonio, atbp.), ihanda mo ang tao na paglilingkuran mo. Kailangan nila ng “Rhema” na Salita ng Dios tungkol sa pagpapalaya upang lumago ang kanilang pananampalataya. (Maaaring hindi ito puwede sa kung ang tao ay sinasaniban.)

 

Kung pinapayagan mong ipanalangin ang pinahihirapan ng demonio na walang tamang pagtuturo, katulad ito ng paghiling sa tao na tanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas na hindi pa niya nakikilala kung sino Siya, kinikilala ang kanilang pagkakasala, at ang kanilang pangangailangan ng kaligtasan. Pagka nagbabahagi ng Ebanghelyo, ang matalinong nanghihikayat ay hindi pinipilit ang tao na tumanggap kaagad. May ministeryo ng paghahanda na dapat gawin. Ang tamang pagtuturo ay kinakailangan.

 

Ito ay totoo rin sa pagpapalaya. Kung minsan, ang Dios ay nagpapagaling kahit walang pagtuturo. Subalit tandaan mo: Sa paglilingkod mo ng pagpapalaya, nais mong gamitin ang lahat ng sinabi ng Salita ng Dios upang makita mong maganap ang gawain. Ang pananampalataya ay isang paraan para maganap ang kagalingan ng Dios at ito ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios, kaya mahalaga ang pagtuturo. Pinagsama ni Jesus ang pangangaral, pagtuturo kasama ang pagpapagaling at pagpapalaya, at sinabi Niya sa kaniyang mga alagad na ganoon din ang gawin nila.

 

ANG DAKO NG PAGLILINGKOD:

 

Ang paglilingkod sa mga taong apektado ng kapangyarihan ng demonio ay maaaring gawin bilang bahagi ng regular na gawain sa iglesia. Ang ganitong ministeryo ay hindi laging ginagawa sa isang tagong lugar. Ito ay tamang ministeryo ng buong iglesia.

 

Si Jesus ay nagministeryo sa isang inaalihan ng demonio bilang bahagi ng regular na gawain sa iglesia (Marcos 1:21-25). Subalit hindi naman kailangang maghintay ng gawain sa iglesia bago magministeryo sa kanila. Si Jesus ay nagdala ng paglaya kung kailan at kung saan Niya sila makatagpo.

 

ANG PANAHON NG PAGMIMINISTERYO:

 

Kung ikaw ay nakahanda nang magministeryo ng pagpapalaya…

 

1. Magpasimula sa pagsamba at papuri:

 

Pumapasok tayo sa presensiya ng Dios (kung saan may pagpapalaya at kagalingan) sa pamamagitan ng pagsamba at pagpupuri. Ang pagpapalaya ay maaaring dumating sa pamamagitan ng pagsamba at pagpupuri, kahit walang panalangin, sapagkat nananahan ang Dios sa pagpupuri ng Kaniyang bayan. Kung tayo ay nagpupuri, Siya ay nariyan upang magpagaling at magpalaya.

 

2. Lumikha ka ng klima ng pananampalataya.

 

Nagsimula ka na nito nang pasimulan mong magturo ng Salita tungkol sa pagpapalaya, subalit kailangan ka pa ring gumawa ng dagdag na mga hakbang upang lumago ang kanilang pananampalataya.

 

Tandaan na ang kawalan ng pananampalataya ay naging sagabal din sa ministeryo ni Jesus sa Nazaret. Kung minsan ay pinalalabas ni Jesus ang mga hindi nananampalataya kapag Siya ay nagmiministeryo (Marcos 5:35-40). Kung minsan naman ay pinalalabas Niya ang mga tao sa labas ng kanilang nayon (isang kalagayan ng kawalan ng pananampalataya) upang makapaglingkod sa kanila (Marcos 8:23). Sa ibang pagkakataon, sa pangunguna ng Dios, maaari mong tanungin sila na may problema sa kawalan ng pananampalataya, takot, atbp., na lumabas.

 

3. Manalangin muna:

 

Dumalangin ka na bigyan ka ng karunungan at pagkakilala bago ka magumpisang maglingkod ng pagpapalaya. Sa oras ng pananalangin, maaaring ipakita ng Dios sa iyo ang…

 

Isang Salita Ng Kaalaman:  Ang salita ng kaalaman ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan tungkol sa tao o kondisyon upang malaman mo kung paano siya ipapanalangin. Ang salita ng kaalaman ay maaaring isang malalim na pagka-alam o isang bulong ng espiritu sa iyong espiritu, isip, mga salita, o damdamin. Ang Salita ng Kaalaman ay maaaring magpakita kung ano ang kaniyang sakit o kung bakit siya may ganitong kondisyon.

 

Isang Talata Ng Kasulatan:  Maaaring magbigay sa iyo ang Dios ng “Rhema” (tiyak) na Salita ng Dios para sa situwasyon, sakit, sa tao, o grupong yaon.

 

Isang Pangitain:  Ito ay mga larawan sa iyong isipan tungkol sa taong pinaglilingkuran mo.

 

Mga Salita Ng Pananampalataya: Ito ay mga tanging salita na pampalakas-loob at  pananampalataya para sa tiyak na taong kausap mo.

 

Isang Tanging Pahid:  Isang biglang pagpasok ng kapangyarihan, na parang kilabot, mainit, o makalangit na kasiguruhan.

 

Isang Tanging Pagkilos Ng Pananampalataya: Na kung ang tao ay kumilos ayon sa pananampalataya, ito ay magbubunga ng kaniyang paglaya.

 

4.  Magdaos ng maikling interview:

 

Hindi ito kinakailangan. Ito ay dapat gawin ayon sa pangunguna ng Panginoon. Maaaring ibigay sa iyo ng Dios ang karunungan upang malaman ang kaniyang sakit at hindi mo na siya kailangang tanungin.

 

Subalit kung hindi ipinahayag ng Dios ang sakit sa iyo, huwag kang mag-atubiling magtanong.

Ginamit ni Jesus ang makalangit at natural na mga paraan. Kung minsan nakikilala Niya ang kondisyon ng mga tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa ibang pagkakataon itinatanong Niya kung ano ang nais nila at gaano na sila katagal na may sakit.

 

Ang isang interview ay nakakatulong na bigyan ka ng impormasyon upang makapanalangin ka ng tiyak. Dito mo rin makikita kung nangangailangan siya ng dagdag na pagtuturo bago maipanalangin. Madalas gamitin ni Jesus ang interview. Itinanong Niya sa mga tao ang tungkol sa kanilang pananampalataya, at tinalakay ang mga negatibong puwersa ng kawalan ng pananampalataya bago sila ipanalangin. Pag-aralan mo ang mga sumusunod na mga halimbawa:

 

            -Marcos 5:1-20:                                  Tinanong ni Jesus ang lalaking dinemonio.

            -Marcos 8:22-26:                                Tinanong ang bulag na lalake.

            -Marcos 9:14-27:                                 Isang bata na may masamang espiritu.

            -Marcos 10:46:                                    Tinatanong ang bulag na si Bartimeo.

 

Tanungin mo ang tao, “Ano ang iyong problema?” Ang pagsasabi ng pangangailangan ay mahalaga. Pinalaya ni Jesus ang marami na lumapit sa Kaniya na ipinaaalam ang kanilang pangangailangan. Ang paghiling ay isang pagkilos ng pananampalataya na nagpapakilos ng proseso ng pagpapalaya (Santiago 5: 14-15). Hilingin ang tiyak na pangungusap. Kailangan mo lang ng maikling mga katotohanan. Hindi mo kailangan ang kumpletong kasaysayan ng buhay niya.

Huwag mong subuking suriin ang impormasyong ibinigay sa iyo. Ang gawain mo ay magpalaya. Ang ibang mga kaso ay maaaring mangailangan ng palihim na pakikitungo at ng payo ng isang sinanay na tagapayo. Maghanda ng mga counselors para sa ganitong layunin.

 

Itanong mo sa taong ipananalangin, “Naniniwala ka bang si Jesus ay mapalalaya ka?” Kung sumagot ng “oo,” itanong mo, “Naniniwala ka bang gagawin ni Jesus ito ngayon?” Kung ang sagot sa alinmang tanong ay “hindi,” kailangan niya ng higit pang pagtuturo sa Salita ng Dios.

 

Kung ikaw ay naglilingkod sa isang pulutong ng mga tao, hindi mo makakausap ang bawat isa. Maaaring magpakita sa iyo ang Dios ng mga tiyak na uri ng pagpapahirap ng demonio sa grupong ito, o kung minsan ay pinangungunahan ka na manalangin ng tiyak na panalangin para sa mga indibiduwal na naroon.

 

Kung ikaw ay nagmiministeryo sa isang pulutong ng mga tao, mabuting turuan ang mga mananampalataya kung paanong maglingkod na kasama mo, kay sa ikaw ang laging gumaganap nito. Ang utos ni Jesus ay ang mga tandang ito ay susunod sa LAHAT ng nananampalataya. Ang gawain ng ministeryo ay dapat gawin ng buong Katawan, hindi ng isa o dalawang mananampalataya lamang. 

 

5. Alamin ang tiyak na problema:

 

Gamitin ang impormasyon na galing sa interview at ang karunungang bigay ng Dios upang alamin kung ang problema ay:

 

Sa Espirituwal Na Larangan:  Ito ay ang mga problemang kaugnay ng kasalanan at kailangan ang ministeryo ng espirituwal na pagpapagaling (kaligtasan, pagsisisi at kapatawaran sa kasalanan).

 

Sa Pisikal Na Larangan:  Ito ay sakit sa katawan na sanhi ng mga espiritu ng demonio.

 

Sa Emosyonal Na Larangan:  Kasali rito ang pag-aalala, takot, galit, kapaitan, tampo, ginigiyagis ng budhi, pag-aalinlangan, pagkabigo, pagseselos, pagkamakasarili, pagkalito, pagnanais na maging perpekto sa lakas ng laman, ayaw magpatawad, at mga epekto sa emosyon dahil sa mga problema sa nakaraan.

 

Sa Larangan Ng Pag-iisip:  Ito ay mga problemang nagmumula sa mga negatibong pag-iisip, mga atake ni Satanas sa isip, pagka-isip bata. Tandaan:   Sapagkat ang tao ay binubuo ng tatlong larangan, ang problema sa isang larangan ay nakaka-apekto sa buong pagkatao. Sa iyong paglilingkod, pakitunguhan mo ang buong pagkatao, hindi lang ang sakit. Ang tao ay katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang pagiging malusog ay pagharap sa lahat ng mga ito. 

 

6.  Alamin kung oras na para manalangin:

 

Alamin mo kung oras na para manalangin ng panalangin ng pagpapalaya. Madalas ay mananalangin ka na, subalit kung minsan, huwag kang magulat kung pangunahan ka ng Panginoon na huwag munang ipanalangin ito o saka na siya ipanalangin.

 

Ipinagpaliban ni Jesus ang kagalingan sa anak na babae ng Cananea at ni Lazaro. Hindi Siya nakagawa ng maraming himala sa Nazaret dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Maaaring pangunahan ka rin na ipagpaliban muna ang pananalangin hanggang dagdag na tagubilin ay maibigay; halimbawa, maaaring kailangang lutasin muna nila ang problema sa kasalanan, dagdag na pagtuturo tungkol sa pagpapalaya, atbp.

 

7. Manalangin ng panalangin ng pagpapalaya:

 

Manalangin ka ng panalangin ng pagpapalaya na nakapokus sa problema ng pagpapahirap ng demonio na iyong natukoy. Hindi mo kailangang himukin ang Dios na magpalaya sa pamamagitan ng iyong panalangin. Kung paanong ang kaligtasan ay ibinigay na, ganoon din ang paglaya. Kung paanong ang kaligtasan ay nakasalalay sa pananampalataya, ganoon din ang paglaya. Nais ng Dios na magpalaya, kung paanong nais Niyang magligtas. Bagaman ang kapangyarihan ng Dios ay presente sa isang espesyal na paraan upang magpalaya (Lucas 5:17), maaari ka pa ring manalangin kahit wala yaong espesyal na pahid, sapagkat inutusan ka ng Dios na gawin mo ito tulad ng paguutos Niya na ikalat ang Ebanghelyo.

 

Gumamit ka ng iba na magministeryo kung ikaw ay may kasama sa grupo. Lalong malakas ang kapangyarihang espirituwal kung marami ang nananalangin (Mateo 18:19). Ang pagmiminsteryo sa Katawan ay sumisira ng pagkakataon sa mga indibiduwal na nais kumuha ng kaluwalhatian sa tagumpay ng ministeryo ng pagpapalaya.

 

Itinuro ni Jesus na una talian mo muna ang kaaway, at pagkatapos ay may kapangyarihan ka na laban sa kaniya:

 

O paano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? At kung magkagayo’y masasamsam niya ang kaniyang bahay.  (Mateo 12: 29)

 

Kung ang kapangyarihan ng demonio ay tumatali at nagpapahirap mula sa labas, idalangin mo na makawala ang hawak nila at ang kapangyarihan nila ay matalian. Halimbawa, pinalaya ni Jesus ang babae sa sinagoga mula sa espiritu ng sakit. Hindi siya inaalihan, kundi pinahihirapan. Ang pagpapalayas ay hindi kinakailangan.

 

Sa kaso ng pagsanib ng demonio, may kapamahalaan ka na palayasin ang mga demonio sa pangalan ni Jesus. Hindi ito kapamahalaan sa iyong sariling kapangyarihan o kakayahan, kundi sa Kaniyang pangalan. Mahalaga na gamitin ang pangalan ni Jesus sa aktuwal na pagpapalayas ng demonio.

 

Ang pananampalataya, pag-aayuno, at panalangin ay kailangan sa pagpapalayas ng demonio. (Basahin mo ang tala sa Mateo 17:14-21). Kaya nga kailangan ang paunang paghahanda sa larangang ito. Ang Salita ng Dios (Efeso 5:17; Hebreo 4:12); ang dugo ni Jesus (Apocalipsis 12:11), at ang kapangyarihan ng kapuspusan ng Espiritu Santo (Gawa 1:8; 2:38) ay mga gamit para sa pagpapalaya na ibinigay sa iyo ng Dios.

 

Ang pagsigaw at pagtili sa mga demonio ay hindi na kailangan. Ang kapamahalaan mo sa pangalan ni Jesus ang magpapalabas sa kanila, hindi ang lakas ng iyong tinig sa pananalangin. Laging huwag payagan ang mga demonio na magbalik. Ito ay mahalagang bahagi ng panalangin ng pagpapalaya:

 

At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan Niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos Ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.  (Marcos 9:25)

 

Huwag ka mag-uukol ng panahon na makipag-usap sa demonio, kung ito ay magpakita ng kapangyarihan sa pagsasalita. Sinaway ni Jesus ang mga demonio at pinatahimik sila (Lucas 4:34-35). Tandaan na ang anumang pagkikipag-usap sa mga demonio ay mapanganib sapagkat mayroon silang espiritu ng pagsisinungaling.

 

Ang Espiritu Santo ang mangunguna sa iyo sa panalangin ng pagpapalaya, subalit kung ikaw ay bago sa ministeryong ito, narito ang halimbawang panalangin na pag-aaralan mo:

 

“Sa pangalan ni Jesucristo at batay sa kapangyarihan Niya, ang Kaniyang Salita, ang Kaniyang dugo, at ng Espiritu Santo…”

 

...Ito ang naglalagay ng batayan ng kapangyarihan para sa paglaya…

 

“…Tinatalian kita…”

 

…Itinuro ni Jesus na talian muna ang malakas na tao bago siya palayasin…

 

“…at inuutusan kita…”

 

…Ang pagmiministeryo ng pagpapalaya ay panalangin ng kapamahalaan, hindi nakikiusap. Maaari kang magsalita ng mahina, subalit dapat kang may awtoridad laban sa mga puwersa ng masama sa pangalan ni Jesus. Tumingin ka nang derecho sa mata ng tao sa iyong pagsasalita.

 

“… ang espiritu ng _______ “o”…. ikaw na masamang espiritu ni Satanas…”

 

…kung ang espiritu ay natukoy sa pamamagitan ng espirituwal o natural na pagkilala, tawagin mo ng tiyak; kung hindi ay pangkalahatan.

 

“…na umalis…”

 

… ito ang proseso ng pagpapalayas…

 

“… na hindi sinasaktan si ______ (pangalan ng taong pinalalaya), o sinoman sa tahanang ito, at hindi gumagawa ng ingay o kaguluhan.”

 

…Kung minsan ang demonio ay sasaktan ang tao o gagawa ng gulo.

 

“Pinagbabawalan kitang pumasok na muli sa taong ito…”

 

…Tandaan mo na ginamit ni Jesus ang utos na ito…

 

“…at pinakakawalan ko ang Espiritu Santo na punuin ang taong ito ng kapangyarihan ng  paglilinis at paglaya ng dugo ni Jesus.”

 

…Inutusan tayong magpalaya at magtali. Kung matutukoy mo ang tiyak na espiritu na gumagawa, palayain mo ang kabaligtaran ng espiritung yaon. Halimbawa, talian mo ang espiritu ng kayabangan at pakawalan mo ang espiritu ng kababaang-loob.

 

Huwag mong gawing palabas ito ay magsumikap na tamawag ng pansin ng mga pulutong ng mga tao. Nang makita ni Jesus ang demonio na tumatawag ng pansin ng kaniyang sarili, kaagad ay pinatigil Niya ang ginagawa ng masamang espiritru at ito’y pinalayas Niya.

 

At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan Niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos Ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.  (Marcos 9:25)

 

Huwag mong sikaping itapon ang mga demonio sa Impiyerno. Hindi ito ginawa ni Jesus at ng Kaniyang mga alagad. May kapamahalaan lang tayo na magtali, magpalaya, at magtapon. Mayroong takdang oras para sa mga demonio na mahatulan sa huling paghuhukom. Sinabi ng mga demonio kay Jesus:

 

…Anong aming ipakikialam sa Iyo, Ikaw na Anak ng Dios? Naparito Ka baga upang kami’y Iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan? (Mateo 8:29)

 

Ang pananalangin para sa mga naapektuhan ng demonio ay maaaring gawin na mayroon o walang pagpapatong ng kamay. Pinatungan ni Jesus ng kamay ang babaing pinahihirapan ng sakit sa Lucas 13:11-13. Sa ibang pagkakataon, hindi Siya nagpatong ng mga kamay kundi kinausap lamang ang mga demonio (Lucas 9:42).

 

 

8. Purihin ang Dios para sa katugunan:

 

Sundan ang panalangin ng papuri sa Dios sa pagpapalaya. Tandaan na sa halimbawa sa Biblia ng sampung mga ketongin, ang lahat ay pinagaling subalit ang isa lamang na bumalik upang magpuri ang ginawang lubos. Magpuri ayon sa pananampalataya at hindi ayon sa nakikita. Ginawa mo na ang sinasabi ng Salita ng Dios na gawin mo. Paniwalaan mo na tutuparin Niya ang sinabi Niyang gagawin Niya. Pasalamatan mo Siya para dito.

 

 

 

PAGKILALA NG MGA TANDA NG PAGLAYA:

 

Sa mga kaaso ng pagsanib ng demonio, kung minsan ang mga demonio ay lumalabas na nagpupunyagi, tulad ng pagsigaw at paghahagis ng tao sa sahig. Pagka umalis na ang demonio (maging sa pagsanib o sa pagpapahirap), magkakaroon ng pagkadama ng paglaya, kagalakan, tulad ng pag-alis ng bagay na mabigat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang pangako ng kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ayon sa Kasulatan, sino ang dapat makitungo sa mga kapangyarihan ng demonio?

 

________________________________________

3. Ibuod ang mga panuntunan sa paghahanda ng iyong sarili sa ministeryo ng pagpapalaya.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ibuod ang mga panuntunan upang ihanda ang iba sa ministeryo ng pagpapalaya.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Ibuod ang mga panuntunan na ibinahagi sa araling ito sa pagmiministeryo ng pagpapalaya.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Pag-aralan ang mga natala sa Biblia sa ministeryo ni Jesus ng mga kaso na naapektuhan ng demonio:

 

            -Pilay na babae:  Lucas 13:10-17

 

            -Lalake na may maruming espiritu sa sinagoga:  Marcos 1:23-28; Lucas 4:31-37

 

            -Gadarenong dinemonio:  Mateo 8:28-32; Marcos 5:1-13; Lucas 8:26-33

 

            -Babaing dinudugo:  Mateo 9:20-23; marcos 5:25-34; Lucas 8:43-48

 

            -Anak na babae ng Cananea:  Mateo 15:21-28; Marcos 7:24-30

 

            -Bata na may masamang espiritu:  Mateo 17:14-21; Marcos 9:14-29; Lucas 9:37-45

 

            -Piping dinemonio:  Mateo 9:32-33

 

            -Bulag at piping dinemonio:  Mateo 12:22-30; Marcos 3:22-27; Lucas 11:14-26

 

Ibang mga pangyayari:  Dagdag dito sa mga tiyak na enkuwentro ni Jesus, ang Biblia ay nagtala ng mga pangkalahatang paglilingkod ni Jesus sa mga pinahihirapan ng demonio.

 

- Sa mga talatang ito ang salitang “pinagaling” ay ginamit upang ilarawan kung paano nakitungo si Jesus sa mga demonio: Mateo 4:24; Lucas 6:18

 

-Sa mga talatang ito ang salitang “pinalayas” ay ginamit upang ilarawan ang Kaniyang paraan: Marcos 1:32-34, 39; 6:13

 

-Sa Lucas 4:41 ang sinabi lamang ay “lumabas” ang mga demonio. Sinabi sa Lucas 7:21 na “pinagaling” Niya sila. Ang sabi sa Mateo 8:16 ay “sila ay pinalabas sa pamamagitan ng Kaniyang salita.” Sa Marcos 16:9 at Lucas 8:2-3 ay sinabi na pinalabas ni Jesus ang pitong mga demonio mula kay Maria Magdalena. Sa malalaking mga pulutong, hindi pinayagan ni Jesus ang mga demonio na magsalita: Marcos 1:32-34.

 

2. Sa huling aralin sinuri mo ang iyong kondisyon o ang kondisyon ng iyong pinaglilingkuran ay

gawa ng demonio. Base sa natutuhan mo sa kabanatang ito, paano ang gagawin mo sa pagmiministeryo ng pagpapalaya?

 

________________________________________

 

 

 

3. Ang susunod na listahan ay nabuo mula sa araling ito upang magamit mo sa pagmiministeryo ng pagpapalaya:

 

PAUNANG PAGHAHANDA:

 

Sa Iyong Sarili:

 

-Pag-aralan ang Salita ng Dios tungkol sa pagpapalaya.

-Paunang pag-aayuno at pananalangin.

 

Sa Iba:

 

Kung ang kondisyon ng taong pinahihirapan ng demonio ay puwede, sundin ang mga hakbang na ito:

 

-Wastong tagubilin tungkol sa pagpapalaya.

-Pag-aralan ang Salita ng Dios tungkol sa pagpapalaya.

-Paunang pag-aayuno at pananalangin.

 

ORAS NG PAGMIMINISTERYO:

 

-Lumikha ka ng klima ng pananampalataya.

-Manalangin ka na bigyan ka ng pagkilala. Maaari kang bigyan ng Dios ng:

 

            -Salita ng kaalaman

            -Isang talata sa Kasulatan

            -Isang pangitain

            -Mga salita ng pananampalataya

            -Isang tanging pahid

            -Isang tanging pagkilos ng pananampalataya

-Gumawa ng maikling interview.

-Alamin ang problema. Ang problema ba ay nasa larangan ng:

 

            -Espirituwal

            -Pisikal

            -Emosyonal

            -Pag-iisip

-Alamin kung panahon na para manalangin.

-Idalangin ang panalangin ng paglaya.

-Purihin ang Dios para sa katugunan.

-Kilalanin ang mga tanda ng paglaya.

 

 

 

 

 

IKA-LABINGSIYAM  NA  KABANATA

 

ANG PAGSUBAYBAY SA MGA PINALAYA NA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Ibuod ang mga tagubilin sa pagsubaybay at pag-aalaga ng mga pinalaya na.

-Ibuod ang mga tagubilin para sa proteksiyon mula sa mga kapangyarihan ng demonio.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10: 8)

 

PAMBUNGAD

 

Nilinaw ni Jesus na ang pag-aalaga ng mga pinalaya na mula sa impluwensiya ng demonio ay mahalaga. Sinabi Niya:

 

Datapuwat ang karumaldumal na espiritu, kung siya’y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.

 

Kung magkagayo’y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na at nagagayakan.

 

Kung magkagayo’y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila’y nasisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una… (Mateo 12: 43-45)

 

Pagka napalayas na ang masamang espiritu, ang isang espirituwal na kawalan ang nagiging bunga. Kung ang kawalan na yaon ay hindi napunan ng pagsusubaybay at pag-aalaga, ang mga kapangyarihan ng demonio ay nagbabalik na lalong matindi ang pag-atake.

 

PAGSUBAYBAY AT PAG-AALAGA

 

Narito ang ilang mahahalagang mga hakbang sa pagsubaybay sa mga nakaranas na ng paglaya:

 

 

 

1. MANALANGIN NG PANALANGIN NG PAGTALIKOD:

 

Pagkatapos mapalaya, ang mga sinaniban ng mga demonio ay dapat pangunahan sa panalangin ng pagkukumpisal, pagsisisi, at pagtalikod sa lahat ng kasalanan at pagkasangkot sa mga gawain ng demonio.

 

2. SIRAIN ANG MGA BAGAY NG OKULTISMO:

 

Kung ang tao ay may mga bagay na ginamit tungkol sa okultismo (mga idolo, voodoo, pangkukulam, mga aklat, atbp.), ang mga ito ay dapat sirain.

 

3. PUNUIN ANG ESPIRITUWAL NA KAWALAN:

 

Kapag ang demonio ay pinalayas, maghahanap siya ng ibang katawan kung saan siya makagagawaa. Ang demonio ay hindi mapalagay at hindi kontento sa labas ng katawan ng tao. Nagagawa lamang niya ang kaniyang masasamang layunin kapag siya ay nakatira sa isang tao.

 

Dahil sa panganib na ang demonio ay magbalik sa kaniyang dating biktima na kasama ng masasama pang mga espiritu, dapat mapunan ang bakanteng espirituwal na kawalan. Ang taong ito ay dapat tumanggap kay Jesucristo bilang Tagapagligtas at mapuspos ng Espiritu Santo. Dapat siyang patuloy na nakababad sa panalangin at sa Salita ng Dios at kaagad at maging bahagi ng isang fellowship ng mga mananampalataya.

 

4. MAGBIGAY NG PATOTOO:

 

Sila na nakaranas ng paglaya mula sa kapangyarihan ng demonio ay dapat ibahagi ang kanilang karanasan sa iba. Sinabi ni Jesus sa Gadarenong dinemonio:

 

…Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka Niya.

 

At siya’y yumaon ng kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya’y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao.  (Marcos 5: 19-20)

 

Pinatunayan ng Apocalipsis 12:11 na tayo’y nagtatagumpay laban sa mga kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng salita ng ating patotoo.

 

5. INGATAN MO ANG IYONG SARILI SA MGA KAPANGYARIHAN NG DEMONIO:

 

Narito ang mga tiyak na paraan upang maingatan ka laban sa mga gawain ng kapangyarihan ng demonio:

 

-Ang pinakamahalagang proteksiyon ay ang tanggapin mo si Jesucristo bilang Tagapagligtas sapagkat ang mga demonio ay hindi maaaring sumanib sa isang pinanganak na muling mananampalataya. Matapos kang maligtas, lumayo ka sa kasalanan, sapagkat sa pamamagitan ng pagkakasala ay “binibigyan mo ng puwang ang demonio”- na nagbibigay sa kaniya ng pagkakataon upang gamitin ang mga gawa ng demonio ng pagpapahirap laban sa iyo.

 

-Mapuspos ka ng Espiritu Santo. Ang mga espiritu ng demonio at ang Espiritu ng Dios ay hindi maaaring tumira sa iisang espirituwal na sisidlan.

 

-Iwasan ang pagkabuyo sa mga demonio. Hindi mali na pag-aralan kung ano ang sinasabi ng Salita ng Dios tungkol sa kanila, o mga kursong tulad nito na nakabatay sa Salita ng Dios, subalit huwag kang babasa ng mga aklat na sekular, dadalo sa mga pagtitipon  kung saan kinakausap ang namatay na, atbp., upang matutuhan mong lalo pa ang tungkol sa mga demonio.

 

-Iwasan ang kontak sa mga kasapi ng okultismo. Huwag sasangguni sa mga mangkukulam, shaman, mga astrologo, horoscope, bumabasa ng mga baraha, ng palad, at ng dahon ng tsaa. Huwag kang maglingkod sa di tunay na dios o payagan na ang mga idolo ay pumasok sa iyong tahanan (Deuteronomio 7:25-26).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod ang mga tagubilin sa pagsubaybay at pag-aalaga ng mga pinalaya na.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang mga tagubilin upang ikaw ay maingatan mula sa mga kapangyarihan ng demonio.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PAGSASANAY

 

Kung ikaw o ang isa na tinutulungan mo ay nakaranas ng paglaya, isulat kung paano mo…

 

Idadalangin ang panalangin ng pagtalikod:

 

________________________________________

________________________________________

Sisirain ang mga bagay na ginagamit sa okultismo:

________________________________________

________________________________________

Pupunuin ang espirituwal na kawalan:

________________________________________

________________________________________

Ipapahayag ang iyong patotoo:

________________________________________

________________________________________

Iingatan ang iyong sarili mula sa mga kapangyarihan ng demonio:

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-PITONG  BAHAGI

 

 

 

 

 

PAMUMUHAY  SA  KAHARIAN

 

 

 

Sa pagpapasimula ng kursong ito natutuhan mo ang isang dakilang pakikibaka sa pagitan ng Kaharian ni Satanas at sa Kaharian ng Dios na nakikita sa espirituwal na larangan ng kaluluwa at espiritu at sa natural na larangan ng pisikal na katawan.

 

Napag-aralan mo ang pag-atake ng kaaway sa katawan sa pamamagitan ng sakit at ang paglaban dito sa pamamagitan ng makalangit na pagpapagaling sa pamamagitan ng katubusan na ibinigay ni Jesucristo. Natutuhan mo rin ang mga estratehiya ng pagmiministeryo at pagtanggap ng kagalingan at paglaya.

 

Sa huling bahaging ito, matututuhan mo kung paano mamuhay sa Kaharian ng Dios bilang isang sundalong malusog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-DALAWAMPUNG  KABANATA

 

MGA MANDIRIGMANG MALULUSOG

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, may kakayahan kang:

 

-Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

-Ibuod ang mga Biblikal na mga alituntunin sa paglakad na may makalangit na kalusugan.

-Lumakad sa makalangit na kalusugan bilang isang malusog na mandirigma.

 

PANGAKO NG KAGALINGAN NA AANGKININ:

 

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka Niya ng nasa ng iyong puso. Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa Kaniya, at Kaniyang papangyayarihin.  (Awit 37:4-5)

 

PAMBUNGAD

 

Mahirap makibaka ng espirituwal na pakikibaka laban kay Satanas at sa kaniyang masasamang mga puwersa kung ikaw ay mahina, masakitin, at may pisikal na kirot. Kaya umaatake si Satanas laban sa iyong pisikal na katawan. Alam niyang hindi ka maaaring maging mabisang mandirigma kung ikaw ay may sakit.

 

Natutuhan mo na ang mga estratehiya sa pagmiministeryo at pagtanggap ng kagalingan, subalit ang Biblia ay marami ring sinabi tungkol sa pagiingat mo laban sa pag-atake ni Satanas sa iyong katawan. Nagtuturo ang Biblia ng mga prinsipyo sa pamumuhay sa Kaharian ng Dios sa pisikal at espirituwal na larangan.

 

Kung paanong may pagpigil at paggamot na medisina sa natural na mundo, mayroon ding pagpigil at paggamot na mga paraan na ibinigay sa Salita ng Dios. Ang mga “Pumipigil” na mga paraan ay iniiwasan ang pagkakasakit. Ang “Panggagamot” ay nagbibigay ng kagalingan kung dumating na ang sakit.

 

Ang mga sumusunod na mga payong Biblikal ay mga prinsipyo sa pagtanggap ng kagalingan at pamumuhay na malusog. Pareho itong pumipigil at gumagamot. Mahalaga na malaman mo ang mga prinsipyong ito upang maibahagi mo ito sa iba at makipagtulungan ka sa Dios sa mga bagay na patungkol sa kalusugang pisikal at kagalingan. Nais ng Dios ng malulusog na mga mandirigma!

 

 

 

 

TANGGAPIN SI JESUCRISTO NA TAGAPAGLIGTAS:

 

Pagka ginawa mo ito, ikaw ay magiging born-again ng Kristiyano, isang anak ng Dios. Itinuro ng Biblia sa pamamagitan ng kuwento ng babaing Cananea na ang kagalingan ay “tinapay ng mga anak,” ang ibig sabihin nito ay ito ay pag-aari ng mga anak ng Dios (Marcos 7:24-30).

 

Ang Dios ay mabiyayang nagpapagaling ng mga hindi mananampalataya upang sila ay lumapit sa kaligtasan, subalit ang kagalingan ay talagang “tinapay ng mga anak.” Sa pamamagitan ng pagtanggap mo kay Jesus bilang Tagapagligtas, inilalagay mo ang iyong sarili sa espirituwal na posisyon upang tumanggap ng kagalingan.

 

Kung ikaw ay mananampalataya na at nagkasala, kunin mo ang pribilehiyo na tunay na iyo upang humingi at tumanggap ng kapatawaran (I Juan 1:8-9). Sa pamamagitan ng pananatili mong laging malinis, iniiwasan mo ang sakit na galing sa sarili mong kasalanan.

 

IBALIK ANG TEMPLO NG DIOS SA KANIYA:

 

Ang katawan mo ay templo ng Dios. Ihandog mo ang iyong pisikal na katawan sa Dios para sa Kaniyang mga layunin: I Corinto 6:13, 19-20; Roma 12:1

 

HANAPIN MUNA ANG KAHARIAN NG DIOS:

 

Kung hinahanap mo muna ang Kaharian ng Dios, ang lahat ng ibang mga bagay ay idaragdag sa iyo (kasama ang kagalingan): Mateo 6:33

 

MAPUSPOS KA NG ESPIRITU SANTO:

 

Si Jesus ay hindi nagpagaling hanggang hindi Siya napuspos ng Espiritu Santo. Itinuturo ng Biblia na ang unang Iglesia ay nagkaroon ng kapangyarihan matapos silang mapuspos ng Espiritu Santo. Kung ang Espiritu Santo ay naninirahan sa iyo, ito ang magpapasigla sa iyong mortal na katawan ngayon at sa pagkabuhay na maguli. Bahagi ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ang kapangyarihang magpagaling. Ang pagiging puspos ng Espiritu Santo ay tutulong sa iyo na lumakad sa kalusugan at manatili ang kagalingan. Ang Espiritu at ang Salita ng Espiritu ang nagpapalakas at nagbibigay buhay: Awit 119:25,50. Pag-aralan ang Awit 11 kung saan binabanggit ang kasiglahan ng Espiritu nang 11 beses.

 

MATAKOT SA DIOS:

 

Nangako ang Dios ng kalusugan sa kanila na may takot sa Dios: Malakias 4:2; Roma 8:15

 

PAG-IBAYUHIN ANG MALAPIT NA KAUGNAYAN SA DIOS:

 

Dahil ang kagalingan ay nasa “Kaniyang mga pakpak,” dapat ay manatili ka sa ilalim nito kung ikaw man ay naghahanap na gumaling o naglilingkod ng kagalingan sa iba (Malakias 4:2). Ang “nananatili” sa Panginoon, tulad ng sanga sa puno, ay isang malapit na kaugnayan. Ito ang naguugnay sa iyo sa puno kung saan nagmumula ang “dagta” ng buhay at kagalingan ay umaagos.

 

BIGYAN NG UNANG LUGAR ANG SALITA NG DIOS SA IYONG BUHAY:

 

Pag-aralan ang Kawikaan 4: 20-23. Pansinin na dapat unahin ang Salita ng Dios sa iyong pagbibigay pansin dito sa iyong isip, tainga, mata, at puso. Ang buong katawan ay apektado.

 

“Bigyan pansin ang Salita”:  Ang ibig sabihin ay pag-ukulan ng panahon ang Salita.

 

“Ikiling mo ang iyong pakinig sa Aking mga sabi”: Huwag makinig sa pamamagitan ng mga tradisyonal na mga tainga o kung ano ang interpretasyon ng ibang tao tungkol sa salita ng Dios. Pakinggan mo ng iyong sariling tainga.

 

“Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata”: Ituon mo ang iyong mga mata sa Salita ng Dios. Huwag tumingin sa mga situwasyong lumalaban. Huwag tumingin sa paningin na makalaman. Kapag ang laman ay kontra sa espiritu, umasa sa sentidong espirituwal.

 

“Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso”: Panatilihing buhay ang Salita ng Dios sa iyong puso. Kung paano mo pinakakain ang pisikal na tao, pakainin mo rin ang espirituwal na tao.

 

“Sapagkat buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan”: Ang Salita ng Dios ay tulad ng medisina. Nagdadala ito ng kagalingan (Awit 107”17-20) at lakas (Awit 119: 25-28) Tingnan din ang Kawikaan 3 para sa epekto ng Salita ng Dios sa kalusugan.

 

Kapag ang doktor ay nagreseta ng gamot, sinasabi niya na inumin mo ito ng ilang beses sa maghapon. Pag sinabi niyang iinumin ang gamot at inihaplos mo ito sa iyong dibdib, walang halaga ito. Kailangang sundin mo ang kaniyang tagubilin upang ikaw ay gumaling. Ito ang reseta ng Dios: Ang Kaniyang Salita ay siyang gamot para sa buhay at kalusugan parehong pumipigil ng sakit at nagpapagaling nito, para sa buhay at kalusugan. Dapat mo itong gamitin at ipamuhay  nang tama.

 

Kung sabihin ng doktor na maselan ang kalagayan mo at kailangan ng operasyon, hindi mo sasabihing, “Wala akong panahon para sa operasyong ito.” Humahanap ka ng oras kahit na matanggal ka sa trabaho. Inaayos mo ang skedyul mo. Kung ganoon ka katiyaga sa gamot ng Salita ng Dios, ito ay magdadala ng kalusugan sa iyong katawan. Kung masama ang pakiramdam mo,doblehin mo ang pagbabasa ng Biblia. ang Kaniyang Salita ay espiritu at buhay. Nagdadala ito ng kagalingan.

 

LUMAKAD NANG MAY PAGSUNOD SA SALITA:

 

Kung ikaw ay lumalakad na sumusunod sa Salita, hindi ka magkakasala at ito ay mag-aalis sa sakit na sanhi ng personal na kasalanan. Ang Awit 38 ay nagtala ng kondisyon ng pag-iisip, pisikal, espirituwal, at emosyonal na kalagayan ni David na sanhi ng kaniyang personal na kasalanan.

 

Ang Dios ay tumutugon sa iyo batay sa iyong pagsunod (I Juan 3:24). Ang pamumuhay nang matuwid ay naglalayo sa iyo sa sakit na dala ng iyong personal na kasalanan. Ang pamumuhay ayon sa Salita ng Dios ay naglalayo sa iyo mula sa ibang mga sakit, tulad ng mga sakit na nasasalin dahil sa pagtatalik.

 

Ang paglakad ayon sa pagsunod sa Salita ay kasama ang panalangin, pag-aaral, at pagsasagawa ng natutuhan sa Salita. Tingnan ang Awit 128, Deuteronomio 28, at Exodo 15:26 bilang mga halimbawa ng kalusugang pisikal sa kanila na lumalakad na sumusunod sa Salita.

 

BANTAYAN ANG IYONG PUSO AT ESPIRITU:

 

May relasyon ang kaluluwa at kalusugan (III Juan 2). Ang mga puwersa ng buhay na umaagos mula sa puso ay nagdadala ng kapangyarihan ng kagalingan. Ang mga puwersa ng buhay ay lumalabas sa iyong espiritu. Kung ikaw ay may mapait, at galit na espiritu, ito ay makaka-apekto sa iyo sa pisikal na larangan. Karamihan sa may sakit na nerbiyos, pagkabigo, atbp. ay nakukuha ito sa kanilang pamumuhay sa hinaharap. Ang pagkakonsiyensiya at mga sama ng loob ay bunga ng pamumuhay sa nakaraan. Sinabi ng Dios na kalimutan ang nakaraan at huwag magintindi sa hinaharap.

 

Kaya nga tinuruan tayo ni Jesus na manalangin, “ibigay Mo sa amin sa araw na ito” ang aming pangangailangan sa araw na ito. Ginawa ng Dios ang mundo na tumakbo sa bawat araw. Kung ating sinira ang padron na ito sa ating puso at espiritu, ang emosyon ay nagkakaroon ng sakit.

 

Ang nakatirang espiritu ng tao ang nagbibigay buhay at lakas sa katawan ng tao. Sa oras na umalis ang espiritu sa katawan, ang pinakamalakas na katawan ay hihinto ng pamumuhay at magpapasimulang mabulok. Kapag ang buhay ay pumasok sa katawan, ang buhay ay nagkakaroon ng sigla. Dahil dito ang siwang (bukas) sa espiritu ay makapagbibigay ng puwang para makapasok ang kapangyarihan ni Satanas, tuald ng sakit. Ang kapaitan, galit, pagiintindi, away, atbp., lahat ay gawa  ng laman (Galacia 5:19-21). 

 

Sinasabi sa Kawikaan 18:14 na ang sugatang espiritu ay nakakaapekto sa pisikal na katawan. Ang Kawikaan 17:22 at nagsasaad na ang durog na espiritu ay nakakaapekto sa pisikal na katawan. Ipinakita rin ng Awit 38 kung paanong ang kasalanan ay may kinalaman sa pisikal at emosyonal na kondisyon. Ayon sa Kawikaan 16:24 at 12:18 ang iyong pag-uusap ay nakaka-apekto sa iyong piskal na katawan. Ipailalim mo ang iyong emosyon sa kontrol ng Espiritu Santo. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapahintulot mo sa Dios na managana ang bunga ng Espiritu sa iyo. Dahil sa ang kagalingan ay nagpapasimula sa espiritu, ang bunga ng Espiritu ay magdadala ng kagalingan (Galacia 5:22-25; Roma 8:26).

 

SUNDIN ANG MGA NATURAL NA BATAS NG KALUSUGAN:

 

Ayon sa mga doktor 60% ng mga sakit ay bunga ng hindi maayos na pamumuhay. Puno ang Biblia ng mga halimbawa ng pagsunod sa natural na batas ng kalusugan. Ang Dios ding ito na nagsabing “Ako ang Dios na nagpapagaling sa iyo” ang Siya ring nagbigay ng mga praktikal na kautusan sa Lumang Tipan tungkol sa kalusugan. Sinabi ni Pablo sa mga tao sa barko na kumain upang lumakas (Gawa 27:34). Sinabi niya kay Timoteo na uminom ng alak sa halip na maruming tubig (I Timoteo 5:23).

 

Ang katawan, gayon din ang espiritu, ay banal sapagkat ito ang templo ng Dios. Ang tamang pahinga, ehersisyo, at pagkain ay tutulong sa iyo na lumakad na may makadios na kalusugan sapagkat ikaw ay nakikipagtulungan sa natural na batas ng Dios. Sapagkat ang iyong katawan ay templo ng Espiritu Santo, huwag kang magpapasok dito ng mga bagay na toxic tulad ng alkohol, sigarilyo, o mga gamot na ipinagbabawal.

 

KILALANIN NANG WASTO ANG KATAWAN NI CRISTO:

 

Napag-aralan mo na kung paano kikilalanin nang wasto ang katawan ni Cristo sa Komunyon. Sinabi sa Biblia na marami ang may sakit at mahina dahil hindi nila sinusunod ito.

 

KUNG IKAW AY MAY SAKIT, MANAMPALATAYA KA NA NAIS NG DIOS NA PAGALINGIN KA:

 

Manampalataya ka na nais kang pagalingin ng Dios kahit na hindi mo pa ito nararanasan. Ang pagbibigay at pagpapahayag ay magkaiba. Ang pagbibigay ng kaligtasan ay ginawa na daan-daang taon na ang nakalipas bago mo pa tanggapin ito at ito ay nahayag sa iyo. Ang pananampalataya ay paniniwala sa ibinigay kahit na ang kapahayagan (ang kagalingan) ay hindi pa nararanasan. Ang pananampalataya ay iba kay sa pag-angkin. Nang ang mga tao ay nagsabing sila ay magaling na kahit naroon pa ang mga sintomas, marami ang tumalikod sa makalangit na pagpapagaling.

 

Ang “pananampalataya” ay paniniwala sa Salita ng Dios, subalit hindi tinatanggihan ang natural at nakikitang sintomas. Huwag mong ipagsasabi ang mga sintomas mo na hindi naman tinatanong at niluluwalhati mo ang mga atake ni Satanas sa iyong katawan. Subalit kung ikaw ay tinatanong, lagi mong sasabihin ang katotohanan. “May mga sintomas ako ng sakit sa puso” o “nakita ng doktor na ako’y may sakit sa puso.” At tugunin mo ang nagtatanong ng Salita ng Dios- “Subalit sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ako ay gumaling.”

 

Ito ay sumusunod sa halimbawa ni Jesus na hindi itinatatwa o iniiwasan ang katotohanan. Sinabing malinaw ni Jesus, “Si Lazaro ay patay na…Subalit Ako’y paroroon upang buhayin siya.” Ito ay isang maselang katotohanan na binalanse ng pananampalataya. 

 

TANGGAPIN ANG DIOS, SA PAMAMAGITAN NI JESUS BILANG IYONG MANGGAGAMOT:

 

Tingnan ang Exodo 15:26; Awit 147:3; Mateo 8:17.

 

Ang kasalanan at sakit ang magkakambal na kasamaang dulot ni Satanas. Ang kaligtasan at kagalingan ang biyaya ng Dios. Bago ang Kalbaryo, ang mga tao ay naligtas at gumaling sa pamamagitan ng pagtingin sa hinaharap sa pamamagitan ng pananampalataya. Pagkatapos, sa pamamagitan ng paglingon sa Kalbaryo sa pamamagitan ng pananampalataya. Tinanggap mo ba si Jesus bilang Tagapagligtas lamang, o tinanggap mo rin Siya bilang Manggagamot? Paano ka Niya mailalayo sa kasalanan kung hindi mo pa Siya tinatanggap bilang Tagapagligtas? Paano ka Niya mailalayo sa sakit kung hindi mo pa Siya tinatanggap bilang Manggagamot?

 

Dinala ni Jesus ang ating mga sakit kasabay ng pagdadala Niya ng ating mga kasalanan (Mateo 8:17). Hindi natin dapat kalimutan ang Kaniyang mga pagpapala, kasama rito ang kagalingan (Awit 103:1-3). Ipinataw ng Dios ang kasalanan at sakit kay Jesus sa iisang katubusan. Paano natin masasabing ang bahagi nito ay para sa atin at ang isang bahagi ay hindi?

 

Sa Roma 10:9, ang salitang “ligtas” ay katulad ng salitang ginamit ni Marcos nang sabihin niyang “lahat ng humipo sa Kaniya ay gumaling.” Ang kaligtasan ay pagkalaya mula sa kasalanan at sa kabayaran nito. Ang sakit ay bahagi ng parusa. Ang salitang Griego na “sozo” ay nagdadala ng kahulugan ng pisikal at espirituwal na kagalingan. Ang tanging “tunay” (salitang may diin) sa kabanata ng pagkatubos sa Isaias (kabanata 53) ay nauna sa Kaniyang probisyon para sa ating kagalingan.

 

Maaari kang lumaya mula sa pagkabihag ng kasalanan at sakit. Pinatatawad Niya ang iyong mga kasalanan at pinagagaling Niya ang lahat ng iyong mga sakit (Awit 103:3). Kaya sinabi ni Jesus, “Alin ang mas madali: Ang magpatawad ng kasalanan o ang magpagaling?” (Marcos 2:9).

 

PALAGUIN MO ANG IYONG PANANAMPALATAYA PARA GUMALING:

 

Ang kawalan ng pananampalataya ay pumipigil sa kagalingan, kaya dapat mong palaguin ang iyong pananampalataya para sa kagalingan. Hindi kailangan na ikaw ay maging tao ng pananampalataya, isa lamang taong may maliit na pananampalataya sa isang dakilang Dios. Ang pananampalataya ay paniniwala na nais kang pagalingin ng Dios, hindi kaya ng Dios na pagalingin ka. Naniniwala si Satanas na kaya ng Dios na magpagaling, subalit nais niyang itago ang katotohanan na nais ka Niyang pagalingin.

 

Ang iyong sariling pananampalataya ay hindi ang pinaka kailangan sa iyong kagalingan. Ito ay kailangan, subalit hindi kailangan lagi sa lahat ng kaso. Nang si Jesus ay magpagaling, marami ang gumaling na hindi maaaring manampalataya. Ang ilan sa kanila ay patay na. Ang iba ay gumaling dahil sa pananampalataya ng isang kaibigan o kamag-anak na nagdala sa kanila kay Jesus.

 

Ang iyong pananampalataya ay isa lamang daan para ikaw ay gumaling, subalit dahil sa ito ang paraan na ginagamit ng Dios, mahalaga na ito ay mapalago.

 

            A.  Ang pananampalataya sa kagalingan ay hindi:

                        1. Ang pananampalataya na nakapagliligtas sa iyo.

                        2. Ang “pananampalataya ng ating mga ama.”

3. Pananampalataya sa iyong pananampalataya, ang tugon sa iyong katapatan, halimbawa, “Ginagawa ko ang aking bahagi, ngayon gawin mo ang iyong bahagi.”

 

            B. Ang pananampalatayang nagpapagaling ay:

1. Ang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, at ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

                        2. Inaasahan na ang Dios ay gagawin ang kung ano ang Kaniyang ipinangako.

 

            C. Ang pananampalatayang nagpapagaling ay maaaring:

                        1. Ang pananampalataya ng nananalangin.

                        2. Ang pananampalataya ng humihingi ng kagalingan.

                        3. Pananampalataya ng mga kaibigan.

                        4. Pananampalataya ng mga kamag-anak.

 

Ang pananampalataya para sa kagalingan ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan. Ang pagbabahagi ng mga karanasan ay nagpapalakas ng pananampalataya, subalit ang pakikinig lamang ng Salita ng Dios ang nagpapalakas ng pananampalataya. Nagpasimula si Isaias ng kabanata ng katubusan ng “Sino ang naniwala sa ating ulat?” Upang maniwala sa ulat, dapat itong marinig. Sinasabi sa Roma 10:17 ay ang pananampalataya ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Dios. Ang “Salita” sa talatang ito ay “ang tiyak na mga sinalita ng Dios” na- sa kaso ng kagalingan- ay ang mga talata na tungkol sa kagalingan.

 

Hindi hinatulan ni Jesus ang mga tao tungkol sa kanilang antas ng pananampalataya. Sila ay hinimok at pinatatag sa Salita. Manampalataya ka kapag ikaw ay nanalangin (Lucas 11:24). Ang marami ay hindi nakakakuha ng sagot sa kanilang mga panalangin sapagkat mayroon silang pag-asa (hinaharap) sa halip na pananampalataya. Ang pananampalataya ay sa “ngayon.” Sa pagitan ng panahon ng iyong pananalangin at ng kapahayagan sa iyong pisikal na katawan, tumingin ka sa Dios, huwag sa sintomas.

 

KUMILOS KA AYON SA PANANAMPALATAYA:

 

Kumilos ka sa Salita ng Dios upang maipakita ang iyong pananampalataya rito. Ang pag-asa ay walang ginagawa. Ang pananampalataya ay kumikilos. Ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Ang pananampalataya ay isang pangngalan, ang paniniwala ay isang pandiwa. Pagsamahin ang pananampalataya at paniniwala at magpasimulang kumilos sa pananampalataya. Ang Dios ay laging kumikilos kung ang tao ay kumikilos ayon sa pananampalataya:

 

            -Nagtayo si Noe ng daong:  Nagpadala ang Dios ng baha.

            -Inunat ni Moises ang tungkod:  Hinati ng Dios ang mga tubig.

            -Nagmarcha si Josue sa palibot ng Jericho:  Ang mga pader ay bumagsak.

            -Hinampas ni Elias ang mga tubig:  Hinati ito ng Dios.

            -Naghagis ng patpat si Eliseo sa ilog:  Pinalutang ng Dios ang bakal.

            -Lumubog si Naaman nang pitong beses:  Pinagaling ng Dios ang kaniyang ketong.

 

Ang Salita ng Dios ay nagiging simple kung tinatanggap mo ito na katotohanan at kumikilos ka nang ayon dito. Ang unang kilos ay ang humingi ng kagalingan batay sa pananampalataya. Maraming mananampalataya ay umaasa sa panalangin at pananampalataya ng iba, na tila baga sila ay mas pinapaboran ng Dios. Upang ikaw ay maligtas, ikaw ang magsisisi, mananampalataya, magkukumpisal, at tatanggap ng kaligtasan. May karapatan ka sa sarili mo na humingi, manampalataya, at tumanggap ng kagalingan. Ang iba ay maaaring manalangin para sa iyo, subalit huwag mong papalitan ang panalangin ng iba sa iyong panalangin sapagkat sinabi ni Jesus, ang bawat humihingi ay tumatanggap. Ikaw mismo ang manawagan sa pananampalataya (Awit 6:2-3).

 

Pagkatapos mong humingi sa pananampalataya, tanggapin mo ang kagalingan sa pamamagitan ng pananampalataya: “Ito nawa ay mangyari ayon sa Iyong kalooban,” sinabi ni Maria. Manampalataya ka na tinanggap mo na ang kagalingan kapag ikaw ay nanalangin, hindi kung mabuti ang pakiramdam mo. Tanggapin mo ito kung paano mo tinanggap ang kaligtasan: Sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung minsan ay may pandama ka kung ikaw ay naligtas, kung minsan ay wala, subalit tinatanggap mo pa rin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay totoo rin sa kagalingan.

 

Hindi mo madadala sa kaligtasan ang isa malibang siya ay manampalataya. Ganoon din ang kagalingan. Hindi kailangang pagalingin ng Dios ang isa upang patunayan na Siya ay nagpapagaling, tulad ng dapat Siyang magligtas muna upang patunayan na Siya ay nagliligtas.

 

Ang kagalingan ay maaaring biglaan o unti-unti. Ang bulag at ang ketongin na pinagaling si Jesus ay unti-unting pinagaling. Sinumpa ni Jesus ang puno ng igos minsan at ang mga ugat nito ay namatay, subalit ang kamatayan nito ay hindi nakita hanggang kinabukasan. Namatay ito mula sa mga ugat, hindi mula sa mga nakikitang mga sanga pababa. Ang prinsipyong ito ay totoo rin sa kagalingan.

 

Kamalian na tingnan mo ang iyong katawan upang malaman na ikaw ay gumaling na. Ang kagalingan ay nagpapasimula sa iyong espiritu. Kahit ang Kaniyang mga Salita “ay espiritu at buhay.” Dapat natin Siyang sambahin sa espiritu. Kaya itong iyong espiritu ang kinakalaban ni Satanas (espirituwal na pakikibaka).

 

Matapos kang humingi sa Dios at tumanggap ng kagalingan sa pamamagitan ng pananampalataya, kumilos ka sa pananampalataya ayon sa mga pangako ng Dios. Ang pananampalataya ay kumikilos batay sa Salita ng Dios. Ang pangangatuwiran ay naguguluhan, natataranta, at ninenerbiyos. Kapag ang pangangatuwiran ay nakikipagtalo, ang pananampalataya ay nananatiling matatag.

 

Ang pananampalataya ay hindi kailangang makipagtalo, subalit nananampalataya kung ang kahilingan ay ginawa ayon sa Salita ng Dios, ang gawain ay tapos na bago makita ang kapahayagan nito. Ang pananampalataya ay nabubuhay sa liwanag ng hinihintay na mga bunga. Hindi ito nagtatago sa pagkabihag sa pangkasalukuyang mga pangyayari. Kung paanong nakuha ng mga Israelita ang lupang pangako, ang laki ng iyong mana ay nakasalalay sa kung gaano kalaking “lupa” ang kinatatayuan mo, nilalakaran, at iyong inangkin.

 

Magpasimula kang magsalita ng mga salita ng pananampalataya. Ang mga salita ng ating pagpapahayag (o pagkukumpisal) ay ang pagsasabi ng mga bagay na sinabi ng Dios (Hebreo 3:1). Ang pagpapahayag ay ang pagsasabi ng sinabi ni Dios at pinatutunayan ang iyong paniniwala, inuulit sa iyong labi mula sa iyong puso ang mga bagay na sinabi ng Dios sa Kaniyang Salita. Ipahayag mo ang ginawa ni Jesus para sa iyo at kung ano ang ipinangako ng Biblia ayon sa bunga ng tinapos Niyang gawain.

Ang pagpapahayag ay nagsasaad ng katotohanan na ipinahayag sa Biblia. Si Jesus ang Dakilang Saserdote ng ating kumpisalan. Kumikilos Siya ayon sa ating ipinahayag. Hindi ito “isip sa ibabaw ng bagay” o ang pinasamang “sabihin mo at mapapasaiyo” na kaisipan. Ang pananampalataya ay hindi naghihintay na makita bago maniwala sapagkat ang pananamapalataya ay dumarating sa pakikinig, hindi sa pagtingin. Nang si Jesus ay tumayo sa labas ng libingan ni Lazaro, nanalangin Siya, “Nagpapaslamat Ako na Ako’y DININIG Mo.” Sinabi Niya ito bagaman si Lazaro ay patay pa rin.

 

Ang pagpapahayag ay hindi binabale wala ang katotohanan, subalit tinatagpo ito sa pamamagitan ng pagniniwala sa Salita ng Dios. Ang pananampalataya ay hindi isang walang katuwirang aksiyon. Ito ang pinakamakatuwirang pagkilos sa buong mundo. Ito ay nakabatay sa Salita ng Dios, ang pinakamalaking ebidensiya ng mga bagay na hindi nakikita- mga bagay na “nakatatag sa Langit magpakailanman” base sa Salita ng Dios.

 

Ipahayag mo ang Salita ng Dios kahit na may damdamin kang laban dito. Ang pagpapahayag ay ginagawa sa kaligtasan, sa mayroon o walang pagkadama. Gayon din sa kagalingan. Magpahayag ka muna, at kumikilos si Jesus ayon sa iyong ipinahayag. Ikaw ay nagtatagumpay sa pamamagitan ng dugo ni Jesus at sa salita ng iyong patotoo (Apocaplisis 12:11).

 

Hindi mo kailangan ang kaawaan upang gumaling, (nagdurusa kasabay nito), kundi ang pagkuha ng lugar (pagdurusa sa lugar ng isa) at ito ay ginawa na ni Jesus. Ang negatibong kapahayagan ay lumuluwalhati kay Satanas. Kung nagkukuwento ka ng iyong mga problema, nagpapatotoo ka sa kakayahan ni Satanas na bigyan ka ng problema. Nahuhuli ka sa iyong bibig (Kawikaan 6:2). Ang iyo bang ipinahahayag ay Salita ng Dios o sintomas? Ang Salita ay nagpapahayag ng kagalingan. Ang sintomas ay nagpapahayag ng sakit. Alin ang ipagsasabi mo?

 

Bilang bahagi ng iyong pagpapahayag ng pananampalataya, pasimulan mong pasalamatan ang Dios sa iyong kagalingan. Pinuri ni Jona ang Dios para sa paglaya habang nanroon pa siya sa tiyan ng isda. Ang Hebreo 13:15 ay nagsalita tungkol sa “sakripisyo ng pasasalamat.” Tayo ay dapat magpasalamat sa ating pagpasok sa Kaniyang mga pintuan, hindi pag-alis natin na tinanggap na natin ang sagot sa kahilingan.

 

Sinasabi ng Awit 50:14-15 na ang papuri ang pintuan sa pader ng kaligtasan. Sa pamamagitan ng papuri maisasabit mo ang iyong pintuan at pumasok ka rito upang makuha mo ang mga benepisyo ng kaligtasan. Hindi mo ipapahayag si Jesus at kikilos ka na parang hindi mananampalataya. Huwag mo Siyang ipahayag na iyong Manggagamot at kumilos bilang hindi nananampalataya.

 

Walang Salita ng Dios na walang kapangyarihan. Nang pinagsabihan si Pedro na ibaba ang mga lambat, hindi siya nakipagtalo. Hindi niya tinanggihan ang katotohanan na magdamag na silang nangisda at walang nahuli, subalit siya ay sumunod at kumilos sa Salita ng Dios. Kapag ikaw ay kumilos ayon sa pananampalataya, hindi ka umaasa sa iyong pakiramdam. Maaaring wala kang gana na humingi ng panalangin. Maaaring wala kang nadama nang ikaw ay manalangin. Maaaring hindi rin bumuti ang pakiramdam mo sa una.

 

Nais mo ba ng kagalingan o pakiramdam? Ang kagalingan ay mas mabuti kay sa pakiramdam. Maaari kang gumaling at hindi mo maramdaman ang anuman. Isalalay mo ang iyong pananampalataya sa Salita ng Dios at hindi sa pakiramdam. Ang pananampalataya ay ang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay (Hebreo 11:1). Hindi mo na kailangan ang pananampalataya kung ang pakiramdam mo ay pinagaling ka na.

 

Ang Salita ng Dios at ang pananampalataya ay ang mga sentido kung saan ang isang taong espirituwal ay pinangungunahan. Ang natural na tao ay lumalakad sa pamamagitan ng mga natural na sentido. Ang espirituwal na tao ay lumalakad sa pamamagitan ng espirituwal na sentido. Kung ang natural na ebidensiya ay kontra sa Salita ng Dios, lumakad ka sa pamamagitan ng espirituwal na sentido. Ang iyong natural na mga sentido ay maaaring tama, subalit kung iba ang sinasabi ng Salita ng Dios, kumilos ka ayon sa Salita.

 

Ang pisikal na sentido ni Abraham ay nagsasabing imposible na siyang magka-anak. Subalit naniwala si Abraham sa Dios. Kumilos siya ayon sa sinabi ng Dios na mangyayari. Hindi itinuring si Abraham “ang sarili niyang katawan” (Roma 4:19). Huwag mong tingnan ang kondisyon ng iyong katawan. Sa halip, “inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesucristo” (Hebreo 3:1).

 

Hindi sapat na isipin ang iyong katawan. Pag sinabi ng Dios na alisin, sinasabi rin Niya na isuot. Pagka sinabi Niyang palayasin mo ang mga demonio, ang walang laman ay dapat ding punuin. Pag ikaw ay nagtali, ikaw din ay magkakalas. Ganoon din ang padron dito: Kapag “hindi mo pinansin” ang mga sintomas sa iyong katawan, dapat mong ilagay ang iyong atensiyon sa Kaniya at “isipin Siya.”

 

Ang mga tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng sakit na totoo. Naniniwala sila sa mga epekto na sinabi ng doktor na mararanasan nila bago pa ito mangyari. Subalit pag dating sa kagalingan, sinasabi natin, “hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita.” Ang sagot ng pananampalataya, “Hindi mo ito makikita hangga’t hindi ka naniniwala.” Ang pananampalataya ay ebidensiya ng mga bagay na hindi nakikita (Hebreo 11:1). Sinabi ni David, “Naniwala ako at nakita ko (Awit 27: 13). Hindi niya sinabi, “Kailangang makita ko bago ako maniwala.” Kumilos siya sa pananampalataya bago niya nakita ang ebidensiya. Ang Salita ay hinihiling na tayo ay kumilos sa pananampalataya. Ang pakiramdam ay nagsasabi na lumakad tayo ayon sa nakikita. Hindi mo tinatanggihan ang mga nakikita (sintomas), subalit itinutuon mo ang iyong paningin sa mga bagay na hindi nakikita (II Cronica 4:16-18; 5:1).

 

Salubungin mo ang mga tukso ng hindi paniniwala sa pamamagitan ng pananampalataya. Tinutukso ni Satanas ang mga born-again na magkasala. Tutuksuhin niya rin ang mga maysakit na pinagaling na sa pamamagitan ng mga sintomas. Tutuksuhin ka niya na matakot na baka bumalik ang sakit. Sisirain niya ang iyong loob pag nakita mo na ang iba ay nawawala ang kagalingan. Pupunuin ka niya ng alinlangan na ikaw ay pinagaling na.

 

Tandaan, ang unang kasalanan ng tao ay naniwala siya na hindi totoo ang sinabi ng Dios! Tagpuin mo ang mga ganoong tukso tulad ng pagtagpo mo sa tukso laban sa kasalanan: Sagutin mo sila ng Salita ng Dios, tulad ng ginawa ni Jesus.

 

GAMITIN MO ANG MGA SANDATA NG PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL:

 

Tandaan mo na ang sakit ay atake ni Satanas sa katawan, kung paanong ang kasalanan ay atake sa kaluluwa. Labanan mo ito na ginagamit ang iyong mga sandatang espirituwal (Efeso 6:10-18).

Kasama sa iyong mga baluti ay pag-aayuno at pananalangin (Isaias 58: 6-8). Para sa dagdag na pag-aaral ng espirituwal na sandata, tingnan ang kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang,”Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal sa Pakikibakang Espirituwal.”

 

TANGGAPIN ANG MEDIKAL AT NATURAL NA MGA PARAAN:

 

Kapag ang sunog ay nag-umpisa, hindi lamang bombero ang iyong tinatawag, gumagamit ka ng iba’t ibang mga paraan upang patayin ang apoy  (mga balde, hose, pagbabasa ng bubong, atbp.)

 

Kapag ikaw ay may sakit, hindi ka lamang tumatawag sa Dios subalit gumagamit ka rin ng ibang mga lehitimong paraan upang sugpuin ang sakit: Mga doktor, gamot, pahinga, pagkain at ehersisiyo. Lahat ng mabubuting ito ay galing sa Dios. Pahalagahan mo ang mga paraang ginagamit upang ikaw ay gumaling, subalit ibigay mo ang luwalhati sa Dios! Iwasan ang dalawang maling paniniwalang ito:

 

1. Naniniwala sa panalangin ng pagpapagaling lamang:

 

Ang ibang mga Kristiyano ay naniniwala lamang sa panalangin ng pagpapagaling, tinatanggihan ang tulong mula sa modernang medisina na karagdagan sa biyaya ng Dios. Gumamit si Isaias ng natural na binilong igos para gumaling (Isaias 38: 10-21). Sinabi ni Jesus, “ang may sakit ay nangangailangan ng manggagamot” (Lucas 5:31) at si Lucas, na isang manggagamot, ay bahagi ng team ni Pablo (Colosas 4:14).

 

Ang ilang Kristiyano ay sinisitas ang II Cronica 16:12-13 bilang katibayan na hindi ka dapat magpatingin sa mga doktor sapagkat si Asa ay nagpatingin sa doktor at namatay. Subalit ang susing salita rito ay “lamang.” Ang kasalanan ni Asa ay hindi niya hinanap ang mukha ng Panginoon. Sa panahon ng masidhing pangangailangan, sa tao lamang siya umasa. Ang kaniyang kompiyansa lamang ay nasa tao, at ito ang kaniyang pagkakamali.

 

Ang doktor ng medisina ay karugtong lamang ng kabutihan ng Dios. Ang doktor ay maaaring mag-ayos ng buto, subalit kailangan siyang maghintay ng makadios na kapangyarihan upang ito ay gumaling. Ang isang surihano ay maaaring gumawa ng mahirap na operasyon, subalit ang Dios ang gumagawa ng aktuwal na pagpapagaling ng mga sugat na kaniyang hiniwa. Siya ay gumagawa na katulong , hindi kalaban, ng Dios bagaman hindi niya natatanto ito. Tumulong ang mga doktor na alisin ang hadlang sa kagalingan at nagbibigay ng mga gamot upang ito ay maganap. Ang mga Kristiyanong doktor ay gumagawa na mabisa na katulong ng Dios.

 

Maraming gamot ang hango sa natural na mga halaman na nilalang ng Dios. Ang gamot ay mas siniksik na anyo. Ipanalangin mo ang mga medisina bago inumin ito upang lalong maging mabisa. Bakit ilalagay mo sa isang tabi ang ibinigay ng Dios na serbisyong lehitimo ng medisina. Hindi ito makatuwiran tulad ng pagpapahinto ng pagtulo ng dugo sa pamamagitan ng panalangin lamang, o ang pagtangging alisin ang salubsob sa iyong daliri at tawagin ang mga matanda ng iglesia upang ipanalangin ka. Magiging kamangmangan ang paggamit ng natural o lehitimong medisina tulad ng pagtanggi mo na kumain araw-araw upang magkaroon ka ng buhay at kalusugan.

 

Pansinin: Dapat mamili ng doktor, lalo na sa kaso ng sakit na may taning. Mahalaga na kumuha ng isa na kumikilala ng paghipo ng Dios at hindi palilibutan ang may sakit ng mga negatibong bagay.

 

2. Nililimitahan ang pagpapagaling ng Dios sa modernang medisina lamang:

 

Ang mga doktor at ang medisina ay makakatulong sa pagpapagaling ng mga tiyak na karamdaman at tumulong sa mga sakit na kaugnay ang pag-iisip at emosyon, subalit hindi sila makakatulong sa mga kasong espirituwal at may kaugnayan sa demonio. Kung minsan ay itinatago lamang ng mga gamot ang tunay na kalagayan at hindi hinaharap ang problema. Ang makalangit na kagalingan ay nakikitungo sa kagalingan ng buong pagkatao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Pangako ng Kagalingan na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod mo ang mga alituntunin ng Biblia na tinalakay dito tungkol sa pamumuhay sa makalangit na kalusugan.

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PAGSASAGAWA

 

1. Narito ang mga halimbawa mula sa Biblia ng gawa ng Dios upang palayain ang mga tao sa mga puwersa ng masama na maaaring gamitin sa espirituwal na pagpapagaling:

 

Makalangit na pamamagitan:  Ang mga apostol ay pinalaya mula sa bilangguan sa pamamagitan ng anghel. Ito ay katulad din ng makalangit na pagpapagaling:

Gawa 5: 17-21; 12:1-11

 

Pamamagitan ng mga natural na puwersa na inayos ng Dios:  Isang lindol ang nagpalaya kay Pablo at Silas mula sa bilangguan. Ito ay isang halimbawa ng kagalingan ng natural na proseso na ginawa ng Dios:  Gawa 16: 25-40

 

Pamamagitan ng mga propseyonal:  Ang pagpapalaya mula sa bilangguan ay galing sa mga opisyal. Kung ihahambing sa pagpapagaling, ito ay tulad ng pag-aalaga ng mga propseyonal na mga doktor:  Gawa 16: 35-39

 

Panahon upang mamatay:  Nakatala sa kasaysayan na si Pedro at Pablo ay parehong nabilanggo sa Roma sa 67 A.D. Dito ay walang makadios, natural, o propesyonal na pamamagitan. Sila ay pinatay. Kung ihahambing sa kagalingan, ito ay tuald ng sakit sa ikamamatay.

 

Lahat ng mga pangyayaring ito ay makatutulong na maunawaan natin ang katumbas na katotohanan. Kung paanong laging nais ng Dios na palayain ang mga tao mula sa kulungan, nais din Niyang magpagaling. Kung minsan ito ay makalangit na kagalingan, natural na mga proseso na inayos ng Dios, sa pamamagitan ng propseyonal na tulong, o –sa pamamagitan ng pangwakas na paglaya – kamatayan. Walang magkakalaban sa mga pamamaraan kung ang pananampalataya sa kamatayan ay kasing lakas ng buhay na pananampalataya.

 

Lahat ng lehitimong kagalingan ay galing sa Dios, kahit sa pamamagitan ng panalangin, gamot, o natural na proseso. Itinuturo ng Kasulatan na habang ang Dios ay gumagawa ng mga himala, Siya ay aktibo rin sa mga pangyayari na ating naipaliliwanag at nasasabing magaganap. (Tingnan ang Awit 65 na ipinaliliwanag ang kapangyarihan ng Panginoon na gumagawa sa mga natural na proseso sa mundo.) Ang mahalagang bagay ay ang malaman ito at bigyan ng luwalhati ang Dios sa lahat ng kagalingan:

 

            …ngunit hindi nila kinilala na Aking pinagaling sila. (Hosea 11:3)

 

2. Pagbalikan ang mga prinsipyo ng Pamumuhay sa Kaharian na inilahad sa araling ito. Lagyan ng tsek ang mga tutunin na dapat matupad sa iyong buhay:

 

            ___Tanggapin si Jesuscristo bilang Tagapagligtas.

            ___Ibalik ang templo sa Dios.

            ___Hanapin muna ang Kaharian ng Dios.

            ___Mapuspos ka ng Espiritu Santo.

            ___Matakot ka sa Dios.

            ___Palaguin ang malapit na kaugnayan sa Kaniya.

            ___Bigyan ng unang puwang ang Salita sa buhay mo.

            ___Lumakad na may pagsunod sa Salita.

            ___Bantayan ang iyong puso at espiritu.

            ___Sundin ang mga natural na batas ng kalusugan.

            ___Kilalanin nang wasto ang katawan ni Cristo.

            ___Kung ikaw ay may sakit, maniwala ka na nais kang pagalingin ng Dios.

            ___Tanggapin ang Dios, sa pamamagitan ni Jesus, na iyong Manggagamot.

            ___Palaguin ang iyong pananampalataya para gumaling.

            ___Kumilos ayon sa pananampalataya.

            ___Gamitin mo ang iyong mga sandata ng pakikibakang espirituwal.

            ___Tanggapin ang medisina at natural na paraan ng kagalingan,

 

 

3.Sumulat ng plano kung paano mo isasagawa ang mga tuntuning iyong nilagyan ng tsek:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAGTATAPOS



Nakarating ka na sa pagtatapos ng iyong pag-aaral tungkol sa pakikibaka para sa katawan, subalit ang labanan mismo ay patuloy na magaganap hanggang sa araw na yaon na ikaw ay lilisan sa sanglibutang ito ng kasalanan, sakit, at kamatayan sa presensiya ni Haring Jesus.

 

Kung ikaw ay inatake ng kaaway sa katawan sa pagpapasimula mo ng pag-aaral na ito, inaasahan namin na ang pag-aaral ay nagpagaling na sa iyo o ikaw ay nahandang tanggapin ito. Tandaan:  Ikaw ay gagaling nang madalian o naaantalang kagalingan o ang pangwakas na kagalingan sa iyong pagpasok sa kaharian ng Panginoon.

 

Ang dalangin namin ay ikaw sana’y nahamon na magministeryo ng kagalingan at pagpapalaya sa isang nagdurusang sanglibutan. Sa pasimula maaaring ikaw ay bantulot o takot na magpasimulang magministeryo ng kagalingan, subalit tandaan mo: Ang ministeryo ng pagpapagaling ay para doon sa sinusunog ang mga tulay ng di paniniwala at takot sa likod nila.

 

May isang kuwento tungkol sa isang tanyag na lider na si Julius Ceasar, na nang magpasiya siyang lukubin ang Britania ay naglayag sila ng kaniyang mga mandirigma mula Francia hanggang Englatera. Pagdating sa Englantera, sinunog niya lahat ng barkong ginamit nila sa pagtawid patungo sa Englatera. Wala nang aatras. Alin sa dalawa, lumusob sila sa tagumpay o mamatay. Ganito ang dapat mong damdamin sa ministeryo ng pagpapagaling.

 

Dalawang posisyon ang maaari mong panindigan sa pag-aaral na ito:

 

-Ikaw ay maaaring maging tulad ng lider sa Bagong Tipan na si Gamaliel na tumindig at nagbigay ng babala; pinagpayuhan niya ang mga lider ng relihiyon na “maghintay at magmasid”…

 

-O ikaw ay maging tulad ni Apostol Pedro na nakalaang magsapalaran. Pinagaling niya ang pilay na lalake, pinagalit ang espirituwal na mga lider, at nanindigan laban sa mga awtoridad na binalaan siyang huwag nang mangaral o magpagaling sa pangalan ni Jesus.

 

Laging tandaan:  Ikaw ay tagapagdala ng kagalingan, hindi ang tagapagpagaling. Ikaw ay isa lamang alulod kung saan umaagos ang kagalingan sa…

 

            …Mga taong humaharap sa mga sakit na may taning at nahihirapan sa kirot.

            …Mga taong bigo, walang pag-asa, at nakahanda nang sumuko.

…Mga taong nawalan ng mahal sa buhay o nasaktan ng iba at ang kanilang mga puso ay sumisigaw na nasasaktan ang emosyon.

…Mga taong natatalian ng mga tanikala ng kasalanan at pagpapahirap ng demonio.

…Mga taong nakaharap sa kamatayan.

 

Hindi ka tinawag upang magpaliwanag ng mga kahirapan at mga tanong na walang kasagutan tungkol sa ministeryo ng pagpapagaling. Hindi ka tinawag upang sumagot ng mga tanong, kundi upang magministeryo ng pagpapagaling. Kung paano ka naglingkod sa kaligtasan, iwan mo ang mga bunga ng ministeryo sa pagpapagaling sa Dios. Kunin mo ang damdamin tulad ng kay Ebangelista F.F. Bosworth na nagsabi:

 

“Ako ay mangangaral ng evangelio kahit wala akong makitang tao na naligtas o gumaling habang ako’y nabubuhay. Ako ay nagpasiyang ibabatay ko ang aking mga doktrina sa hindi nagbabagong Salita ng Dios, hindi sa karanasan.”

 

Sa mga pahina ng manwal na ito, inilagay namin sa iyong mga kamay ang potensiyal ng isang himala. Nakapagtanim kami ng kagalingan sa iyong buhay. Katulad ito ng binhi sa natural na mundo. Upang ito ay magdala ng buhay, kailangang alagaan ang binhi.

 

Sa pag-aaral na ito ikaw ay binigyan ng mahimalang binhi mula sa Salita ng Dios. Ito ay binhi ng pananampalataya tungkol sa pagpapagaling sa iyong buhay. Tulad ng natural na binhi na hindi mo maipaliwanag kung paanong tumutubo, hindi mo maaaring ipaliwanag ang lahat tungkol sa pagpapagaling. Subalit kung aalagaan mo ang binhi na naitanim na sa iyong kaluluwa at espiritu, magdadala ito ng buhay.

 

Sa pagtatapos, narito ang dalawang huling katanungan:

 

Kami ay nagtatanong:

 

                                                “Ano ang gagawin mo sa binhing ito?”

 

Si Jesus ay nagtatanong:

 

            Alin ang mas madaling sabihin, “Ang mga kasalanan mo ay pinatawad na” o ang magsabing, “Tumindig ka at lumakad?”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

APENDISE  A

 

ISANG PAGSUSURI NG MGA DAHILAN NG PAGKAKASAKIT

 

Ang sumusunod na listahan ay ginawa upang makatulong sa iyo na suriin at pakitunguhan ang mga posibleng dahilan ng isang sakit. Ipanalangin mo at limiin ang bawat tanong. Hingin ang tulong ng Dios sa pagkilala at kapahayagan sa iyong paggawa ng pagsusuring ito:

 

PAGSUSURING ESPIRITUWAL:

 

___Tinanggap mo na ba si Jesucristo bilang iyong sariling Tagapagligtas?

 

___Tinanggap mo na ba si Jesucristo bilang iyong Manggagamot?

 

___Naniniwala ka ba na kaya at nais ng Dios na pagalingin ka?

 

___Binabasa mo ba ang Biblia araw-araw?

 

___Pinag-aaralan mo ba ang Salita ng Dios tungkol sa kagalingan upang lumago ang iyong

      pananampalataya?

 

___Inaangkin mo ba ang mga pangako ng Salita ng Dios tungkol sa kagalingan?

 

___Ang iyo bang mga kilos at salita ay nagpapakita ng pananampalataya o pag-aalinlangan sa

      mga pangako ng Dios?

 

___Nakatuon ka ba sa mga sintomas o sa mga pangako ng Dios?

 

___Nananalangin ka ba araw-araw?

 

___Nagkukumpisal ka ba at humihingi ng tawad sa Dios sa bawat araw?

 

___Nagpapatawad ka ba sa iba at idinadalangin sila?

 

___Sinusuri mo ba ang iyong sarili kung may mga balakid sa pagkatugon ng iyong panalangin tulad ng: 

            ___Anumang uri ng kasalanan.

___Mga idolo sa puso.

___Isang espiritu na hindi nagpapatawad.

___Pagkamakasarili, maling mga motibo.

___Uhaw sa kapangyarihan, mga panalanging namimilit.

___Maling pagtrato sa asawa.

___Banal ang tingin sa sarili.

___Hindi paniniwala.

___Hindi nananatili kay Cristo at sa Kaniyang Salita.

___Kulang sa kahabagan.

___Mapagpaimbabaw, kayabangan, walang katuturang paulit-ulit.

___Humihingi nang hindi ayon sa kalooban ng Dios.

___Hindi humihingi sa pangalan ni Jesus.

___Mga sagabal ni Satanas.

___Hindi inuuna ang Kaharian ng Dios.

 

___Sinasadya mo bang suwayin ang anumang utos sa Kasulatan?

 

___Regular ka bang tumatanggap ng komunion at naghahanda para rito?

 

___Sumasamba ka ba ng regular na kasama ng ibang mananampalataya, na pinalilibutan ang

      iyong sarili ng klima ng pananampalataya?

 

___Mayroon bang pagkasangkot sa okultismo ang iyong mga ninuno, mga magulang, o ikaw?

      Kung mayroon, tinalikuran mo na ba ang mga ito at dumalangin na masira ang anumang

      sumpa, kung mayroon?

 

___Mas binibigyan mo ba ng diin ang kagalingan ng iyong katawan kaysa mga espirtuwal na

      mga bagay?

 

___Kagalingan kang ba ng katawan ang hinahanap mo sa halip na kalusugan ng katawan,

      kaluluwa, at espiritu?

 

___Mas nakatuon ka ba sa kagalingan sa halip na sa Manggagamot?

 

___Hinarap mo na ba ang mga bagay na pabagu-bago na nakaka-apekto sa kagalingan tulad ng:

 

            -Kulang sa turo

            -Hindi paniniwala

            -Kulang sa pananampalataya

            -Kulang sa kapangyarihan

            -Hindi inihayag na personal na kasalanan

            -Ayaw gumaling

            -Kulang sa desisyon at pagnanais

            -Mga problema sa kahilingan

            -Kulang sa pagtitiyaga

            -Di pagsunod sa proseso ng pagpapagaling

            -Hindi kinikilala ang Katawan ni Cristo

            -Ang masamang espiritu ay hindi napalayas

            -Kinokontra ang gawa ng Dios

            -Pagsuway sa natural na mga batas

            -Takdang panahon ng kamatayan

___Naibalik mo na ba ang iyong katawan (templo ng Dios) sa Kaniya?

 

___Ang Espiritu Santo ba ang pumupuno sa iyong “tahanang” espirituwal upang hindi  

      makapanirahan ang mga demonio?

 

___Hinahanap mo ba muna ang Kaharian ng Dios upang ang kagalingan ay maidagdag sa iyo?

 

___Ginagamit mo ba an iyong mga espirituwal na sandata sa pakikibaka sa katawan? Ang mga

       ito ay:

 

-Ang Salita ng Dios.

            -Ang dugo ni Jesus.

            -Ang salita ng iyong patotoo.

            -Ang kapamahalaan na gumapos at magpalaya.

            -Panalangin at pagpupuri.

            -Mga sandata ng pakikidigma na nakalista sa Efeso 6:10-18.

            -Ang kapamahalaan at kapangyarihan ng Espiritu Santo.

            -Ang pangalan ni Jesus.

 

___Tinawag mo na ba ang mga matanda sa Iglesia upang manalangin sinusunod ang utos sa

       Santiago 5:13-18?

 

Isulat ang iyong plano sa pagwawasto ng mga problema na natukoy sa nagdaang listahan:

 

________________________________________

________________________________________

PAGSUSURING PISIKAL:

 

___Kung makakayanan ng pananalapi, kumakain ka ba ng balanseng pagkain?

 

___Regular ka bang kumakain ng masyadong marami o masyadong kakaunti?

 

___Mayroon ka bang maselang problema sa pagkain?

 

___Nagpatingin ka na ba para suriin kung mayroon kang kakulangan sa nutrisiyon, mga alergy, o

      anumang pisikal na kondisyon na kaugnay ng pagkain?

 

Sumulat ka ng iyong plano upang maiwasto ang iyong pagkain:

________________________________________

________________________________________

 

___Nakakatulog ka ba nang sapat?

 

___Nakakapag-ehersisiyo ka ba ng tama?

 

___Nagsisigarilyo ka ba?

___Ikaw ba ay umiinom ng nakalalasing, o nakasasamang inumin?

 

___Kumakain ka ba ng pinagbabawal na gamot?

 

___Ikaw ba ay nakikiapid (mga kasalanan ng sex tulad ng pangangalunya, kabaklaan, atbp.)?

 

___Kung ikaw ay umiinom ng mga gamot, ito ba ay ayon sa nireseta ng doktor?

 

___Bukas ka ba sa medikal at natural na kagalingan?

 

Sumulat ka ng plano sa pagwawasto ng mga problemang natukoy sa nagdaang listahan:

________________________________________

________________________________________
 

 

PAGSUSURI SA EMOSYON AT PAG-IISIP:

 

Iwinaksi mo na ba ang mga “tradisyon ng tao” na maaaring makasagabal sa iyong pagtanggap ng kagalingan? (Tingnan ang Ika-Labingisa at Labingdalawa mga Kabanata sa manwal na ito.) Narito ang mga sumusunod na paniniwala o mga katanungang hindi pa naaayos:

 

    ____Ang kagalingan at mga himala ay hindi para sa ngayon.
    ____Bakit hindi binuhay ang lahat ng mga patay?
    ____Kung tunay ang makalangit na kagalingan, bakit namamatay ang mga Kristiyano?
    ____Hindi na kailangan ang makalangit na kagalingan sapagkat may modernang medisina na.
    ____Ang makalangit na kagalingan ay itinuturo ng mga hidwang kulto.
    ____Sa makalangit na kagalingan, ang katawan ay pinahahalagahan kay sa kaluluwa.
    ____Maysakit ka dahil sa iyong kasalanan.
    ____Kalooban ng Dios na ikaw ay magkasakit.

    ____Ito ay kadalamhatian ng mautwid.
    ____Bihira ang makalangit na pagpapagaling.
    ____Ang iyong sakit ang iyong krus.
    ____Ang iyong sakit ang tinik mo sa laman.

 

___Mayroon bang mga tao, mga lugar, o panahon sa iyong buhay na iyong iniiwasan o

      kinakalimutan?

 

___May mga alalahanin ba ng mga tao, mga lugar, mga pangyayari, o panahon sa iyong buhay na nagdudulot ng kahihiyan, pagkadama ng kasalanan, takot, kirot, galit, pagtanggi, o kapaitan sa iyo?

 

___Pinatawad mo na ba ang mga taong sumakit sa iyong damdamin?

 

___Pinatawad mo na ba ang iyong sarili para sa mga kasalanan at mga pagkabigo?

 

___Mayroon ka bang mga damdamin na mali laban sa iba?

 

___Mayroon ka bang “limiting inabilities” sa nakaraan?

 

___Mayroon ka bang labis na pagkatakot?

 

___Mayroon bang labis na pagkagusto sa mga nakasisirang mga bagay, gawi, o mga kaugnayan?

 

___Mayroon ka bang matinding pagbabago ng mga emosyon?

 

___Madalas ka bang malungkutin o nasisiraan ng loob?

 

___Mababa ba ang tingin mo sa iyong sarili?

 

___Madalas ka bang masaya?

 

___May kapayapaan ka ba sa iyong espiritu?

 

___Nahihirapan ka bang harapin ang mga puna sa iyo?

 

___Mahilig ka bang makipagtalo, magagalitin, o mainit ang ulo?

 

___Nagiintindi ka ba sa hinaharap?

 

___Ang iyo bang pamumuhay ay nakakainip at walang kahulugan?

 

___Ikaw ba ay inabuso ng pisikal, sexual, sa pag-iisip, o sa emosyon ng iba? Ano ang damdamin

      mo patungkol sa kanila?

 

Sumulat ka ng plano sa pagwawasto ng mga problemang tinukoy mo sa listahang ito:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

APENDISE  B

 

ANG BATAYAN NG PAGPAPAGALING AT PAGPAPALAYA SA BIBLIA

 

Gamitin mo ang Apendiseng ito upang magpatuloy sa pag-aaral ng Biblikal na batayan ng pagpapagaling at pagpapalaya.

 

MGA PANGALAN NG DIOS SA LUMANG TIPAN

 

Jehovah-Jireh              Ang Panginoon ang magbibigay                     Genesis 22:14

                                                                                                             NT: Filipos 4:19

 

Jehovah-Nissi             Ang Panginoon ang bandila                             Exodo 17: 8-15

                                                                                                             NT:  Juan 15:13

 

Jehovah-Shalom         Ang Panginoon ang ating kapayapaan             Hukom 6:24

                                                                                                             NT:  Efeso 2:14

 

Jehovah-Raah            Ang Panginoon ang ating pastol                       Awit 23: 1

                                                                                                             NT:  Juan 10:11

 

Jehovah-Tsidkenu      Ang Panginoon ang ating katuwiran                Jeremias 23: 6

                                                                                                             NT:  I Corinto 1:30

 

Jehovah-Shammah     Ang Panginoon ay narito                                 Ezekiel 48: 35

                                                                                                             NT:  Hebreo 13:5

 

Jehovah-Rapha         Ang Panginoon ang Manggagamot              Exodo 15: 26

                                                                                                             NT:  Santiago 5:15

 

 

ANG PANALANGIN NG PANGINOON PARA SA KAGALINGAN

 

Kapag ikaw ay nananalangin ng panalangin na ibinigay ni Jesus na kilala sa tawag na “Ama Namin,” kasali rito ang pakiusap para sa kagalingan:

 

“Ama namin na nasa Langit Ka”:  Kapag ikaw ay nakikiusap sa “Ating Ama,” ikaw ay humihingi batay sa kahulugan ng Kaniyang pangalan, na kasali ang “Ang Panginoon ang aking Manggagamot.”

 

“Dumating nawa ang Kaharian Mo, Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa Langit, gayon din naman sa lupa”:  Wala nang sakit o kasalanan sa Langit. Dapat nating gawin ang kalooban ng Dios sa lupa kung paano ito ginagawa sa Langit, kaya dapat nating labanan ang sakit at ang kasalanan.

 

“Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw”:  Sinabi ni Jesus na ang tinapay ay para sa mga anak (mga mananampalataya). Ang pisikal na kagalingan ay bahagi ng tinapay ng mga anak Mateo 15: 21-28).

 

“At ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin”:  Ito ay patungkol sa kagalingang espirituwal.

 

“At huwag Mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas Mo kami sa masama”:  Ang sakit ay dapat labanan kung paanong ganoon din ang tukso.

 

ANG PAG-IKOT NG KASIRAAN

 

Sinabi ng Dios na pagagalingin Niya ang sinira ng balang, uod, at ng kuliglig (Joel 2: 25). Ang uod ang itlog ng balang. Ang tipaklong ay isa ring uri ng balang.

 

Lahat itong tatlong ito ay maliliit, napakarami, at bahagi ng malaking pamilya ng mga insektong naninira. Ang bawat isa ay dumaraan sa antas ng itlog, “larva,” kukun, at magulang. Ang magulang ang nangingitlog para sa susunod na henerasyon. Narito ang walang katapusang pag-ikot ng kasiraan.

 

Dahil sa kasalanan, mayroong walang katapusang pag-ikot ng paninira sa sanglibutan. Sa pamamagitan lamang ng Dios gagaling ang epekto ng espirituwal na mga balang, uod, at kuliglig.

 

ANG PAGBIBIGAY LUNAS SA KATAWAN, KALULUWA, ESPIRITU

 

Sakit ng…              Kagalingan mula sa Biblia                            Natural na Kagalingan

 

Ang espiritu          Pagpapahayag at pagsisisi.                                     Wala

(kasalanan)           Pagtanggap ng kaligtasan

                              sa pamamagitan ni Jesus.

 

Ang katawan         Panalangin ng pananampalataya                            Natural na kagalingan

                              Para gumaling. Pagpapalaya kung                          Kagalingang medikal.*

                              galing sa diablo ang sakit.

 

Emosyon              Panalangin para sa panloob na kagalingan.

                             Pagpapalaya kung ang sanhi ay demonio.                Pagpapayo

                             Paghahayag at pagsisisi para sa maling emosyon.

                             Pagpapatawad sa iba.

                             Pagsasauli sa iba, kung kailangan.

 

Pag-iisip              Panalangin ng kagalingan kung ang sanhi ay            Pagpapayo at

                           pisikal o may diprensiya sa “organs.”                       Pagpapalaya kung ang sanhi

                                                                                                              ay demonio.

 

* Ang medisina ay mabisa lamang kung ang sakit ay batay sa mga “organs.” Ang gamot ay hindi magiging mabisa kung ang pinagmulan ng sakit ay sa demonio o sa espiritu.

 

Buod:

 

Lahat ng tamang pagpapagaling ay mula sa Dios, kahit ito ay sa pamamagitan ng panalangin, medisina, o mga natural na proseso. Itinuturo ng Kasulatan na kahit gumagawa ng himala ang Dios, Siya ay aktibo ring gumagawa sa mga nangyayaring ating naipaliliwanag at nakikita (halimbawa, tingnan mo ang Awit 65 na nagpapaliwanag ng kapangyarihan ng Panginoon na gumagawa sa mga “natural” na proseso ng lupa.) Ang mahalaga ay ang kilalanin mo ito at bigyan mo ng kaluwalhatian ang Dios para sa kagalingan kahit paano mo ito tinanggap:

            …ngunit hindi nila kinilala na Aking pinagaling sila. (Oseas 11:3)

 

ANG PUNO NG KAGALINGAN

 

Sa Apocalipsis 22:2, inilarawan ni Juan ang isang puno sa Bagong Jerusalem na ang mga dahon ay para sa kagalingan ng mga bansa.

 

Ang pinagmulan nito ay ang tubig ng buhay na:

 

            -Dalisay

            -Kasing linaw ng kristal

            -Umaagos mula sa trono ng Dios at ng Cordero

 

Ito ay matatagpuan sa Banal na Lunsod, sa magkabila ng ilog, sa gitna ng kalsada.

Inilarawan ito na:

 

            -Puno ng buhay

            -Nagbubunga ng 12 na mga bunga

            -Hindi kailanman nababaog, nagbubunga buwan-buwan

            -May mga dahon para sa kagalingan ng mga bansa

 

Ang mga mananagumapay ay pinahihintulutang kumain mula sa punong ito (Apocalipsis 2:7; 2:14).

Ang mga resulta ng pagkain ay:

 

            -Wala nang sumpa:  Apocalipsis 22:3

            -Ang mga bansa ay naglilingkod sa Dios:  Apocalipsis 22:3

            -Wala nang mga sakit sa kalooban, kamatayan, kalungkutan, pagtangis, kirot, masamang 

              mga alaala (ang mga bagay sa nakaraan ay lumipas na):  Apocalipsis 21: 4

            -Ang lahat ng bagay ay bago:  Apocalipsis 21: 5

 

Ang ibang mga salin ng Biblia ay nagsasabing ang punong ito ay nagsisilbing gamot (Weymouth); upang magpagaling (Moffat); at may sangkap na nagpapagaling (Williams).

 

PAG-AARAL NG MGA SALITA

 

Ang mga sumusunod na pag-aaral ng mga salita ay ginawa habang inihahanda ang araling ito:

 

KALUSUGAN:

 

Ginamit sa Bagong Tipan lamang. Salita sa Griego “hugiaino.”  Malusog, mabuting kalusugan tulad ng sinabi sa III Juan 2. Sa Gawa 27:34 ang kaligtasan ay itinuring na “kalusugan.”

 

MAGPAGALING, KAGALINGAN:

 

Sa Lumang Tipan, ang salitang magpagaling ay unang nabanggit sa Genesis 20:17 kung saan pinagaling ng Dios si Ahimelech. Ginamit ito ng mga 65 na beses sa Lumang Tipan. Inilarawan ito na ibalik sa normal.

 

Ang mga kahilingan sa kagalingan ay karaniwan:

 

-Pagalingin Mo ako sapagkat ang aking mga buto ay nagsisipangalog:  Awit 6: 2)

 

-Pagalingin mo ako, at ako’y gagaling:  Jeremias 17: 14

 

-Hindi lamang ang mga sakit ng tao ang pinagagaling, kundi ang masamang tubig:

 II Mga Hari 2:22; Ezekiel 47:8; Jeremias 19: 11

 

-Ang kagalingan ng bansa ay nasa pagpapatawad ng Dios kapag nagsisi ang bansang yaon:

Oseas 6:1; Jeremias 30:17

 

-Kahit na mga taga-ibang bansa ay makararanas ng kagalingan kung sila’y magsisisi:

Jeremias 51:8-9

 

-Ang mga bulaang propeta ay hinatulan sapagkat ang nilulunasan lamang nila ay ang sintomas at hindi ang malalalim na mga pagdaramdam ng mga tao: Jeremias 6:14; 8: 11

 

Sa Bagong Tipan, ang mga pandiwa para sa salitang ito ay:

 

1. Therapueno:  Maglingkod o mag-asikaso.

 

Pag-aalaga ng maysakit, gamutin, bigyang lunas, pagalingin. Madalas gamitin sa Mateo at sa Lucas, minsan sa Juan 5:10 at pagkatapos ng aklat ng Mga Gawa sa Apocalipsis 13: 3 at 12.

 

2. Iaomai:  Pagalingin, gawing malusog ang espirituwal at pisikal na kalagayan.

 

-Halimbawa ng pisikal na kagalingan: Mateo 15:28. Ginamit na 22 beses sa kahulugang ito.

-Mga halimbawa ng espirituwal na kagalingan: Maateo 13:15; Juan 12:40; Gawa 28:27; Hebreo 12:13; I Pedro 2:24.

 

3. Sozo:  Upang iligtas mula sa sakit at sa mga epekto nito. Tingnan ang Marcos 5:23 at

 Lucas 8: 36 para sa mga halimbawa.

 

4. Diasozo:  Upang iligtas nang lubusan.  Tingnan ang Lucas 7: 3

 

Ang mga pangngalan para sa salitang ito ay:

 

1. Therapeia:  Pag-aalaga at pag-aasikaso (Lucas 12:42).

Ang mga epekto ng mga dahon sa puno ng buhay:  Apocalipsis 22:2.

 

2. Iama:  Isang paraan ng pagpapagaling. Ginamit na pangmaramihan sa I Corinto 12:9,28,30.

 

3. Iasis:  Katulad ng pandiwa sa #2. Binibigyan ng diin ang pag-abot sa kumpleto (Lucas 13: 32;

Gawa 4:22, 30).

 

GAMOT:

 

Ang salitang ito ay hindi ginamit sa Lumang Tipan. Sa Bagong Tipan ang pangngalang “iasia” ay nangangahulugan ng kagalingan, isang gamot:  Lucas 13: 32; Gawa 4:22; 4:30. Ang pandiwang “therapeuo” ay nangangahulugang maglingkod sa Gawa 17:25; magpagaling, ibalik sa kalusugan, at gamot sa Mateo 17: 16,18; Lucas 7:21; 9:1; Juan 5;10; Gawa 28:9.

 

MAY SAKIT:

 

Ang salitang ito ay ginamit na 60 na beses sa Lumang Tipan sa Hebreo. Ito ay unang nasulat sa Genesis 48:1. May mga iba’t ibang kahulugan, tulad ng panghihina, kulang sa pagka-normal, sumosobra ng paggawa at nagiging mahina. Ang pangngalang “may sakit” ay nasulat ng 23 na beses sa Lumang Tipan at inilalarawan ang pagdurusa sa Isaias 53: 3-4. Ang iba ay isinalin ito na

pagkalungkot at dalamhati. Ang kahulugan ng may sakit ay nasa Deuteronomio 7:15.

 

Sa Bagong Tipan, ang may sakit ay ginamit bilang pandiwa:

 

1. Astheneo:  Mahina, malambot, walang silbi, may sakit.

 

2. Kamno:  Maging mahina sa palagiang pagtatrabaho: Hebreo 12:3; Santiago 5:15. Kapaguran ng isip na nakakasagabal sa pagbabalik ng lakas ng katawan.

 

3. Sunecho:  Pinahihirapan ng mga diprensiya.

 

Ginagamit din itong pang-uri:

 

1. Asthenes:  Walang lakas, nanglalambot, mahina.

 

2. Nosos:  Sakit

 

SAKIT:  (Infirmity)

 

Hindi ito ginamit sa Lumang Tipan, subalit sa Bagong Tipan ito ay:

 

1. Astheneia:  Kailangan ng lakas, kahinaan, hindi magkabunga:  Roma 8:26; II Corinto 11:30; 12: 5,9,10. Sa Lucas 13:11 ito ay “espiritu ng sakit” na tiyak na nanggagaling kay Satanas.

 

2. Asthenema:  Kahinaan ng pananampalataya (Roma 15: 1).

 

 

SAKIT:  (Disease)

 

Sa Lumang Tipan ang sakit sa paa ay binanggit sa II Cronica 16:12. Ang sakit sa tiyan ay binanggit sa II Cronica 21;15. Ang sakit ay inilarawan bilang:

 

            -Mahirap:                                                   Awit 38:15

            -Masama:                                                   Awit 41: 8

            -Malubha:                                                  II Cronica 16: 12

            -Kung minsan ay walang kagamutan        II Cronica 21:18

 

Sa Bagong Tipan ang mga sumusunod na mga pangngalan ay ginamit para sa sakit:

 

1. Astheneia:  Kulang sa lakas, mahina, mga sakit, o karamdaman.

2. Malalkia:  Malambot, pumipigil, sakit.

3. Nosos:  Upang saktan, sakit, karamdaman.

4. Nosema:  Pansinin.

 

Ang mga sumusunod na mga pandiwa ay ginamit sa Bagong Tipan:

 

1. Astheneo:  Kulang sa lakas, mahina, may sakit.

2. Echo kakos:  May dinaramdam o may sakit.

 

Marami ang uri ng mga sakit. Ang iba ay walang pangalan (Mateo 4:24; 14:35; Marcos 1:32-34; Lucas 4:40). Ang iba ay natukoy (Mateo 9:20). Pinagaling ni Jesus ang lahat ng mga sakit: Mateo 4:23; 9:35; Marcos 1:32; 10:1; Lucas 6:17; 9:1; Juan 5:4; 6:2

 

Tiisin:

 

Sa paggamit sa Griego, hindi ito pisikal na sakit. Ang kahulugan nito ay ligalig, paguusig, kahirapan, at kapighatian.

 

SANTIAGO 5:13-18

 

Ang mga tao ay tumutugon sa ligalig sa dalawang paraan:

1. Ang tingin ng ilan sa ligalig ay tiisin:  Kung ikaw ay may tinitiis (mga pagsubok, mga paguusig, mga tukso) ipanalangin mo ang iyong sarili. Maaari mong hilingin na sila ay manalanging kasama mo, subalit hindi sila tinawag upang idalangin ang mga ligalig mo ay mawala. Ang sabi ng Kasulatan ay ikaw ay dapat manalangin kung ikaw ay may tiisin sapagkat kailangan mong matuto na maging mananagumpay sa pamamagitan ng panalangin.

 

2.  Ang ilan ay tinitingnan ang ligalig na kagalakan:  Ang kanilang kagalakan ay hindi dahil sa ligalig mismo, subalit sa gitna ng ligalig sila ay nagkakaroon pa rin ng kagalakan sa Panginoon, sa pagkaalam na gumagawa ang Panginoon dahil sa mga pangyayaring ito.

 

Ang mga matanda ay tinawag na manalangin para sa may sakit. Pansinin na hindi lamang isang matanda. Kaya ganito, upang ang kaluwalhatian para sa kagalingan ay sa Dios mapunta sa halip na sa tao. Ang may sakit ang tatawag sa mga matanda bilang tanda ng pananampalataya at ang panalangin ay ihahandog. Ito ay panalangin ng pananampalataya, taimtim, at inialay ng taong matuwid. Si Elias ay ginamit na halimbawa ng isang taong matuwid na marunong manalangin ng panalangin ng pananampalataya na mataimtim. Tingnan ang I Hari 17: 1; 18:1; at Lucas 4:25. Ang may sakit ay dapat maligtas (mula sa kanilang pisikal na sakit), maitindig (pagbabalik ng lakas), at patawarin sa kasalanan ( espirituwal na kagalingan).

 

Ang talatang ito ay nagpapakita ng direktong kaugnayan ng kasalanan at pagkakasakit sa ilang mga kaso (tingnan din ang Awit 41:4). May mga espirituwal at pisikal na lebel ng kagalingan. Ipinakikita rin kung paano tayo gumagawang katuwang ng Panginoon. Tayo ay nagmiministeryo at Siya ang nagbabangon.

 

MGA INDIBIDUWAL NA PAGPAPAGALING NI JESUS

 

Kung  Saan Binanggit Ang Impluwensiya Ng Demonio

 

                                                                          Mateo                    Marcos                Lucas          

 

Pilay na babae                                                                                                              13:10-17

Lalaking may maruming espiritu                                                    1:23-25                  4: 31-37

Gadarenong may demonio                               8:28-32                   5:1-13                    8:26-33

Babaing inaagasan ng dugo                              9:20-23                  5:25-34                  8:43-48

Anak na babae ng Cananea                              15:21-28                 7: 24-30

Batang may masamang espiritu                        17:14-21                 9:14-29                 9:37-43

Piping may demonio                                          9:32-33                                               

Bulag at piping may demonio                           12:22-30                 3:22-27                 11:14-26

 

MGA PAG-AARALAN:

 

Ang sumusunod ay mga aralin tungkol sa mga indibiduwal na pagpapagaling kung saan ang impluwensiya ng demonio ay tiyak na tinuran:

 

 

 

Pilay na babae:  Lucas 13:10-17                                                                                                       

 

Ang babaing ito ay natatalian o pilay:

 

Sa pisikal:  Ang kaniyang likod ay baluktot (Ginagawa ni Satanas ito sa atin upang ang ating tingin ay pababa, sa halip na pataas.)

 

 Sa espirituwal: Upang ang ating pananaw ay pababa sa halip na pataas.

 

Sa pagiisip:  Pinagsabihan siya na wala nang pag-asa.

 

Sa pananalapi:  Naubos na niyang lahat ang kaniyang salapi.

 

Ang babaing ito ay dumadalo sa gawain ng Sabbath at tinawag siya ni Jesus na “anak na babae ni Abraham” (Galacia 3:7). Mahihinuha natin na siya ay matuwid, may takot sa Dios, subalit ang espiritu ng sakit ay tinalian siya sa loob ng 18 na taon.

 

Dito makikita ang kahalagahan ng pagkilala sa pagmiministeryo ng kagalingan. Itong sakit na ito ay dala ni Satanas. Sa Kaniyang ministeryo, ipinakita ni Jesus ang pagkakaiba ng normal na sakit, na gumagaling sa pagpapatong ng kamay o pagpahid ng langis, at ng kaso ng pagpapahirap ng demonio.

 

Sa mga kaso na ang mananampalataya ay natatalian mula sa labas bilang resulta ng pasakit ng demonio, pinalalaya ang natatalian. Kung ito ay hindi mananampalataya na may kapansanang pisikal na resulta ng pagsanib ng demonio, ang mga demonio ay pinalalayas. Itinanong ni Jesus “Hindi ba dapat palayain ang babaing ito?” (Nagtatanong pa rin si Jesus, “Hindi ba dapat guamling ang mga may sakit?”)

 

Ang pagpapalaya ng babaing ito ay naganap sa isang gawain sa iglesia. Kinalaban siya ng mga espirituwal na mga lider, kasama ang tagapangasiwa ng sinagoga. Ang pakikitungo sa mga kapangyarihan ng demonio ay nagiging sanhi pa rin ng oposisyon mula sa mga lider na espirituwal. Ang iba ay hindi naniniwalang may demonio. Ang iba naman ay hindi pinaniniwalaan ang kanilang kapangyarihan na magpahirap.

 

Pinatungan ni Jesus ng kamay ang natataliang babae. Kapagdaka, siya ay tumuwid at niluwalhati ang Dios. Sa lahat ng tunay na ministeryo ng pagpapahirap ng demonio o pagsanib nito, ang Dios ang dapat tumanggap ng luwalhati, hindi ang taong ginamit ng Dios sa pagpapalaya.

 

Lalaking May Maruming Espiritu Sa Sinagoga:  Marcos 1: 23-28; Lucas 4: 31-37

 

Bagaman ang taong ito ay nasa singoga sa Capernaum, hindi siya tinawag ni Jesus na anak ni Abraham o inisip na siya ay tagasunod ng Dios. Maaaring may mga presente sa sambahan na hindi mananampalataya at at inaalihan ng demonio. Ang pagdalo sa iglesia ay hindi nakasisiguro na ang isa ay born-again na o malaya na mula sa mga kapangyarihan ng demonio.

 

Nagtuturo si Jesus na may kapamahalaan nang sumigaw ang espiritu, “Ano ang pakialam namin sa iyo, ikaw na Jesus na taga Nazareth? Naparito ka ba upang sirain kami?  Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Dios.” Ang demonio ay sumitas ng Kasulatan na nasa Awit 16:10. Ang pagsapi na ito ay maramihan, sa paggamit niya ng salitang “kami,” nagpapakita ng presensiya ng higit sa isang demonio. Ang mga demonio ay gumagawa  sa isang team. Ang isang demonio ay siyang tagapagsalita, sapagkat nagsalita siya ng “ako.”

 

Nang magsalita ang demonio iyo, sinaway siya ni Jesus at sinabi, “Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya.” Inatake ng mga demonio ang tao, sumigaw ng malakas na boses, itinapon siya, at lumabas.

 

Ang mga nakakita nito ay namangha sa awtoridad at kapangyarihan kung paano hinarap ni Jesus ang maruruming espiritu. Namangha sila at nagtanong, “Ano ito?” Kumalat ang mga ulat at ang mga balita.

 

Ang Gadarenong May Demonio:  Mateo 8:28-32; Marcos 5:1-13; Lucas 8: 26-33

 

Ayon kay Mateo , may dalawang lalake na sinasaniban ng mga demonio na napakabagsik na walang taong makapigil sa kanila, at nakatira sa libingan. Binigyan diin ni Marcos at Lucas ang teribleng kondisyon at ang paglaya ng isa sa dalawa, na pinakamalalang na-enkuwentro sa ministeryo ni Jesus.

 

Ang sumanib dito ay maraming mga demonio. Ang mga demonio sa isa sa kanila ay tinawag ang kanilang sariling “Pulutong” sapagkat sila’y napakarami. Imposibleng igapos ang taong ito, kahit na ng mga tanikala. Ang mga demonio ay pinahihirapan siyang mainam na siya ay sumisigaw, sinnusugatan ang sarili ng mga bato, at hindi nagsusuot ng damit. Hindi na kailangang malaman ang pangalan ng demonio upang magkaroon ng kapamahalaan laban sa kaniya. Ang iyong kapamahalaan ay nasa pangalan ni Jesus.

 

Pansinin ang mga uri ng pagkabihag sa kasong ito:

 

Pisikal:                                                              Pinapatid ang mga tanikala, sinusugatan ang sarili

Emosyonal at pagiisip:                                     Sumisigaw nang malakas

Panglipunan:                                                     Hiwalay sa lipunan

Moral:                                                               Hubad

Espirituwal:                                                      Isang pulutong ng mga demonio

 

Nakilala ng mga demonio si Jesus at itinanong kung naparito si Jesus upang sila ay parusahan bago dumating ang kanilang panahon. Ang “kanilang panahon” ay ang huling paghuhukom sa dagat-dagatang apoy.

 

Ang pagsasabi nilang huwag silang palabasin sa kanilang bansa ay nagpapakita na ang mga demonio ay itinakda ni Satanas sa mga tiyak na teritoryo. Pinayagan sila ni Jesus na pumasok sa isang kawan ng mga baboy nang sila’y palabasin. Ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga baboy. Pinalayas si Jesus ng mga taga roon. Ang mga baboy ang kanilang pinagkakakitaan at mas mahalaga pa sa kanila kay sa ang paglaya ng tao mula sa kapangyarihan ng demonio.

 

Babaing Inaagasan Ng Dugo:  Mateo 9: 20-23; Marcos 5:25-34; Lucas 8: 43-48

 

Labingdalawang taon nang maysakit itong babaing ito. Matagal siyang nagdusa at naubos ang kaniyang salapi sa mga doktor, subalit lalong lumala ang kaniyang kalagayan sa halip na bumuti. Siya ay matiyaga, nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo si Jesus.

 

Kinausap niya ang kanyang sarili at pinalakas niya ang kaniyang pananampalataya. Nais niya ng buong kagalingan, hindi kagalingan ng sakit. Sinabi niya, “Ako ay magiging malusog.” Ang kaniyang pananampalataya ang nagpagaling sa kaniya, hindi ang kaniyang paghipo. Sinabi ni Jesus, “Ang pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Humayo ka nang payapa. Malubos ang paggaling mo sa iyong salot.”

 

Nang hipuin ng babae si Jesus, may birtud na lumabas sa Kaniya, at kapwa nila nadama ito. Gumaling siya nang oras ding yaon at nadama niya kaagad na siya’y pinagaling mula sa salot na ito. Siya rin ay pinagaling sa emosyon sa kaniyang paglaya mula sa pagdurusa. Bagaman madalas gumamit si Jesus ng pagkilala, sa kasong ito ay gumamit Siya ng natural na paraan. Itinanong Niya, “Sino ang humipo sa Akin?”

 

Anak Na Babae Ng Cananea:  Mateo 15:21-28; Marcos 7: 24-30

 

Ang batang babae ay may maruming espiritu na nakilala ng ina dahil sa mga panlabas na kapahayagan. Inilarawan niya ang kaniyang anak na “pinahihirapang masyado ng demonio.” Pinagaling ni Jesus ang bata dahil sa pananampalataya ng kaniyang ina. Ang anak na babae ay hindi naman lumapit kay Jesus, na nagpapakita na ang aktuwal na presensiya ng may sakit ay hindi kailangan sa pagpapalaya ng mga pinahihirapan o sinasaniban ni Satanas.

 

Ito at ang sumusunod na pangyayari ay katunayan na kahit ang mga bata ay inaatake ni Satanas. Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pagiging matiyaga at ang katotohanan na ang kagalingan ay “tinapay ng mga anak” (ito ay sa mga anak ng Dios).

 

Isang Bata Na May Masamang Espritu:  Mateo 17:14-21; Marcos 9:14-29; Lucas 9:37-45

 

Sinikap ng mga alagad na magpalabas ng mga demonio, subalit sila’y nabigo. Ang sabi ni Jesus ito ay dahil sa di pananampalataya at ang demoniong ito ay hindi lalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno. Isang klima ng hindi pagsampalataya ang maaaring nakaimpluwensiya sa situwasyon, sapagkat ang mga alagad ay napalilibutan ng mga nakikipagdebateng mga lider ng relihiyon sa panahong iyon.

 

Ang kuwento ring ito ang nagpapakita na may iba’t ibang uri ng kapangyarihan ng demonio, ang iba ay mas malakas kay sa iba. Ang magkakasamang paglalarawan ng batang lalake sa lahat ng kuwento ng Biblia ay nagpakita na:

 

-Sira ang isip.

            -Masyadong bagabag.

            -Madalas mahulog sa apoy at tubig.

            -Sugatan at nasaktan ng espiritu.

            -Pipi.

            -Winasak ng espiritu.

            -Nagngangalit ang kaniyang ngipin.

            -Ganito na mula pa sa pagkabata.

 

Isang babala tungkol sa kuwentong ito: Huwag mong ituring na lahat ng pipi at bingi at sila na may epilepsy ay inaalihan ng demonio. Hindi lahat ng pipi at bingi ay inaalihan ng demonio. Maaaring nagdanas sila ng sakit o aksidente kaya sila nagkaganito.

 

Itinala ni Lucas na paglapit ng bata kay Jesus, inatake siya ng demonio. Sinaway ni Jesus ang espiritu at pinagaling ang bata. Itinala ni Mateo na sinaway ni Jesus ang demonio, umalis siya, at ang bata ay gumaling noon ding oras na iyon.

 

Ang tala ni Marcos ay mas detalyado kay sa kay Mateo at Lucas. Tinanong ni Jesus ang ama kung gaano na katagal sinasaniban ang batang ito. Ang sagot ng ama ay mula pa sa pagkabata.

 

Binigyang diin  ni Jesus sa ama ang kahalagahan ng pananampalataya, at kinausap ang bingi at piping espiritu na lumabas at huwag nang bumalik kailan man. Ang espiritu ay sumigaw at iniwan ang bata na tila patay na, subalit hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at itinayo siya.

 

Nang itanong ng mga alagad kung bakit hindi nila mapalabas ang demonio, sumagot si Jesus:

 

…Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito’y lilipat; at sa inyo’y hindi may pangyayari.

 

Datapuwat ang ganito’y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno.  (Mateo 17: 20-21)

 

Ang Kaniyang sagot ay nagpapakita ng kahalagahan ng pananampalataya, pananalangin, at pag-aayuno sa pakikitungo sa mga kapangyarihan ng demonio. Pinatutunayan din na ang ibang mga demonio ay mas mahirap palabasin kay sa iba, sapagkat sinabi ni Jesus “ANG URING ITO ay hindi lumalabas” kung walang panalangin at pag-aayuno. Isang kapansin-pansin: Tinanggihan ng mga tao si Jesus (Juan 1:11) samantalang kinilala Siya ng mga demonio (Lucas 10:15).

 

Ang Piping May Demonio:  Mateo 9: 32-33

 

Ang lalaking ito ay dinala kay Jesus na pipi na likha ng demonio. Nang pinalayas ang demonio, ang lalake ay nakapagsalita na. Ang mga tao ay nagtaka at sinabi, “Hindi pa ito nakita sa Israel.” Inakusahan ng mga Fariseo si Jesus ng pagpapalayas ng mga demonio sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio.

 

 

 

Bulag At Piping Sinaniban Ng Demonio:  Mateo 12: 22-30; Marcos 3:22-27; Lucas 11:14-26

 

Ang pagsanib ng demonio rito ay kasali ang pisikal na mga sakit tulad ng pagkabulag at pagkapipi. Pinagaling ni Jesus ang lalaking ito sa pamamagitan ng pagpapalabas Niya ng demonio mula sa lalake. Siya ay nakakita at nakarinig pagkatapos niyang makalaya. Kaugnay ng pagpapalayang ito ang pagbibigay ni Jesus ng pinakamalawak na pagtuturo tungkol sa pagpapalabas ng mga demonio. Ang buod ng pagtuturong ito ay:

 

-Ang bahay na nahahati ay hindi makakatayo. Tinatawag ng mga demonio ang katawan na tinitirhan nila na kanilang “bahay.” Hindi posible para sa demonio at ang espiritu ng Dios na tumirang magkasama sa iisang bahay.

 

-Hindi maaaring palayasin ni Satanas si Satanas.

 

-Ang pagpapalayas ng mga demonio ay bahagi ng ministeryo ng Kaharian ng Dios.

 

-Ang mga demonio ay pinalalayas ng Espiritu ng Dios.

 

-Kailangan munang talian ang malakas na lalake (Satan) bago mo siya mapalayas (sirain ang kaniyang mga gawa).

 

-Walang nasa gitna sa espirituwal na pakikibakang ito. Kung hindi ka para kay Jesus, ikaw ay laban sa Kaniya.

 

-Kung ang maruming espiritu ay pinalayas mula sa isang tao, ito ay naghahanap ng mapapasukang katawan ng tao.

 

-Kung ang taong nilayasan ng demonio ay hindi pinuno ang kaniyang espirituwal na bahay, ang demonio ay babalik na may kasamang mga demonio. Mas lalala ang kalagayan ng taong ito kay sa noong una.

 

Iba Pang Mga Pangyayari:

 

Dagdag sa mga tiyak na reperensyang ito, ang Biblia ay nagtala ng mga pangkalahatang puna tungkol sa ministeryo ni Jesus sa kanila na apektado ng kapangyarihan ng mga demonio.

 

-Sa mga sumusunod na mga reperensya, ang salitang “pinagaling” ay ginamit ni Jesus upang ipakita kung paano nakitungo si Jesus sa mga demonio:  Mateo 4:24; Lucas 6:18

 

-Sa mga sumusunod na mga reprensya ang salitang “pinalayas” ay ginamit upang ilarawan ang Kaniyang estratehiya:  Marcos 1:32-34,39; 6:13

 

-Sa Lucas 4:41, sinabi niya na ang mga demonio ay “nagsilabas.” Sinasabi sa Lucas 7:21 na “ginamot” Niya sila. Sa Mateo 8:16 sinasabing “pinalayas Niya sila sa pamamagitan ng Kaniyang salita.”

 

-Sinasabi sa Marcos 16:9 at Lucas 8:2-3 na pinalayas ni Jesus ang pitong demonio mula kay Maria Magdalena.

 

- Sa malalaking kapulungan, hindi pinayagan ni Jesus na magsalita ang mga demonio:

  Marcos 1:32-34

 

MGA INDIBIDUWAL NA PAGPAPAGALING NI JESUS

 

Hindi Binabanggit Ang impluwensiya Ng Demonio

 

                                                         Mateo            Marcos             Lucas             Juan

 

Ang Bianang Babae ni Pedro         8:14-15           1:30-31            4:38-39

Ketongin                                         8: 2-4              1: 40-42                                  5:12-13

Paralitiko                                        9:1-8:35          2: 1-12            5:17-26

Lalake na may tuyong kamay        12:9-13            3:1-5               6: 6-11

Anak na babae ni Jairo                   9:18-19            5:22-24                                   8:41-42

                                                           23-26               35-43                                      49-56

Bingi at piping lalake                     7:32-37

Bulag na lalake                               8:22-26

Si Bartimeo na bulag                      20:30-34          10:46-52          18:35-43

Ang alipin ng Centurion                 8:5-13                                         7:1-10

Dalawang bulag na lalake               9:27-30

Anak na lalake ng balo                                            7:11-15

Lalakeng namamaga                                                                         14:1-6

Sampung ketongin                                                   17:11-19

Tainga ng alipin                                                        22: 49-51

Anak ng mahal na lalake                                                                                          4:46-53

May kapansanan                                                                                                       5: 1-47

Lalaking pinanganak na bulag                                                                                  9:1-14

Lazaro                                                                                                                       11:1-44

Babaing nangalunya                                                                                                  8: 1-11

Makasalanang babae                                                 7:36-50

 

MGA PAG-AARALAN:

 

Ang mga sumusunod ay ang pag-aaralan mo tungkol sa mga indibiduwal na pinagaling na walang tiyak na impluwensiya ng demonio na binanggit:

 

Ang Biyanang Babae ni Pedro:  Mateo 8:14-15; Marcos 1: 30-31; Lucas 4:38-39            

 

Sinabi nila kay Jesus ang pangangailangan. Dumating Siya, hinawakan ang babae sa kamay, itinayo siya, at ang lagnat ay umalis sa kaniya. Ang ibang kuwento ay sinasabing hinipo siya ni Jesus, tumayo sa tabi niya, at pinalayas ang lagnat. Siya ay nagbangon at pinaglingkuran sila.

 

 

Ketongin:  Mateo 8:2-4; Marcos 1:40-42; Lucas 5: 12-13      

 

Nang makita ng ketongin si Jesus, siya ay lumapit upang sumamba subalit nagtatanong. Sinabi niya, “Kung nais Mo.” Sinabi ni Jesus, “Nais Ko.” Ang tao lamang na ito ang nagtanong ng kalooban ni Jesus kung nais siyang pagalingin. Siniguro sa kaniya ni Jesus, “Nais Ko.” Nahabag si Jesus at iniunat ang Kaniyang kamay at hinipo siya. Sinabi sa kaniya ni Jesus na huwag ito sabihin sa iba kundi magpakita siya sa saserdote bilang patotoo. Siya ay umalis, at “pagdaka” siya ay malinis.

 

Paralitiko:  Mateo 9: 1-8,35; Marcos 2:1-12; Lucas 5: 17-26         

 

Ang kapangyarihan ni Jesus ay naroon upang magpagaling sapagkat nagsalita si Jesus ng Salita ng Dios sa kanila. Naroon din ang mga Fariseo, mga doktor, at mga escriba, subalit ang kagalingan ay dumating sa pamamagitan ng Salita, hindi sa pamamagitan ng mga tagapagturo at mga lider ng relihiyon.

 

Ang lalaking may sakit ay ibinaba mula sa bubong ng kaniyang mga kaibigan. Ang mga kaibigang ito ay mga “katuwang sa pagpapalaya.” Nais ka bang gamitin ng Dios upang “magtuklap ng bubong” para sa isang nangangailangan?

 

Maraming mga balakid na dapat salungahin:

 

Ang Dami ng tao:  Na nakaharang patungo kay Jesus. Ano ang nakabara mula sa iyo at ng pagkalaya?

 

Ang Kaayusan ng Gawain:  Ang kanilang ginawa ay nakasira sa kaayusan ng gawain. Huwag tayong masyadong nakatali sa mga programa at mga plano na hindi natin natatagpo ang mga pangangailangan ng iba.

 

Materiyalismo:  Ang bubong ay dapat sirain. Ang ating mga magagandang dahilan ay dapat ilagay sa isang tabi upang mabuksan ang daan sa paglaya.

 

Mga Dating Kaisipan:  Dinala nila ang kanilang kaibigan upang gumaling. Ang sinabi ni Jesus “pinatatawad Ko na ang iyong mga kasalanan.” Kinailangan nilang ilagay sa isang tabi ang kanilang mga dating kaisipan na kung ano ang inaasahan nilang mangyari upang mapalaya ito.

 

Nakita ni Jesus ang pananampalataya ng mga kaibigan, subalit ang kasalanan ng may sakit ay sagabal sa kaniyang sariling pananampalataya. Itong taong ito ay may pisikal na sakit, subalit mayroon ding espirituwal na sakit na sanhi ng kasalanan. Inayos muna ni Jesus ang kasalanan. Nagkaroon ng diskusyon kung may kapamahalaan si Jesus o wala na magpatawad ng kasalanan.

Ang sabi ni Jesus sa lalake, “Sinasabi Ko sa iyo…” Dapat nating marinig ang tinig ni Jesus sa kabila ng tinig ng kapulungan ng mga nagtatalong mga hindi mananampalataya sa palibot natin, upang tayo ay tumanggap ng paglaya.

 

Ang pananampalataya ng mga kaibigan ng lalaking ito ang nagbigay buhay sa proseso ng pagpapagaling. Maaari kang tulungan ng mga kaibigan na lumapit kay Jesus, subalit may panahon na ikaw ay nag-iisa. Ang lalake ay sinira ang tanikala ng nakaraang pagkatalo sa pamamagitan ng dagliang pagsunod. Kinailangang damputin niya ang kaniyang higaan at lumakad.

 

Nang sabihin ni Jesus na tumindig siya, kunin ang kaniyang higaan, at umuwi na, siya ay sumunod agad at umalis na nagbibigay luwalhati sa Dios. Pagkamangha at takot ang nadama ng mga nakakita nitong kagalingang ito.

 

Lalaking Tuyo Ang Kamay:   Mateo 12:9-13; Marcos 3:1-5; Lucas 6:6-11

 

Ang pagpapagaling ay nangyari sa araw ng Sabbath habang nagtuturo si Jesus sa sinagoga. Ito ay isang pagsubok, sapagkat nandoon ang mga escriba at Fariseo upang tingnan kung ano ang gagawin Niya. Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Tumindig ka at tumayo ka rito.” Ito ay isang kilos ng pagsunod na nagdala ng kagalingan (Lucas 6:8). Sinabi sa lalake na “tumayo siya sa kalagitnaan,” nangangahulugan na dapat siyang lumabas mula sa pulutong ng mga tao at kilalanin ang kaniyang pangangailangan (Marcos 3:3).

 

Sinabi sa kanya” iunat mo ang iyong kamay.” Ito ay kilos ng pananampalataya na kailangang ikilos niya ang may sakit niyang kamay (Mateo 12:13). Imposible ito sa natural na mundo, subalit sa pagkilos niya sa pananampalataya, ang kaniyang tuyong kamay ay gumaling. Pansinin mo na sinagot ni Jesus ang mga tanong sa pamamagitan din ng mga tanong. Gumamit Siya ng kuwento tungkol sa tupa upang ipakita ang nais niyang mensahe tungkol sa kagalingang ito. Pansinin din na si Jesus ay “nagalit at nasaktan” sa mga relihiyosong lider na nakapalibot sa kaniya. Ito ang mga emosyon na madadama doon sa ministeryo ng pagpapagaling.

 

Anak na babae ni Jairo: Mateo 9:18-19, 23-26; Marcos 5:22-24, 35-43; Lucas 8:41-42, 49-56

 

Si Jairo ay isang tagapangasiwa sa sinagoga. Siya ay nagpatirapa sa paanan ni Jesus at “nakiusap nang mabuti” na patungan ng kamay ang kaniyang anak na babae at “siya ay mabubuhay kahit patay na siya ngayon.” Pansinin ang susing salita ng pananampalataya-ngunit- sa Mateo 9:18.

 

Ang ibang tala ay ang bata ay “nakahiga at mamamatay na” at “nasa bingit ng kamatayan.” Bago sila dumating sa bahay, isang mensahero ang dumating at sinabing patay na ang bata: “Bakit mo pa aabalahin si Jesus?” Ito ay mga salita ng takot, subalit sinabi ni Jesus kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lamang at siya ay gagaling.”

 

Nang pumasok sila sa bahay, sinabi ni Jesus sa mga tumatangis na ang bata ay hindi patay, kundi natutulog. Nilibak nila si Jesus. Pinalabas Niya ang mga tao na nagiingay at ang mga umiiyak, tumatangis at gumagawa ng gulo. Sila Pedro, Santiago, Juan, at ang mga magulang ng bata lamang ang nasa silid.

 

Hinawakan niya ang bata sa kamay at sinabing, “Babae, sinasabi Ko sa iyo, tumindig ka.” Bumalik ang kaniyang espiritu at kapagdaka ay tumindig siya at lumakad. Namangha ang mga tao. Inituos ni Jesus na bigyan siya ng pagkain.

 

 

Bingi at Piping Lalake:  Marcos 7: 32-37                   

                                                       

Dinala nila kay Jesus ang isang lalaking bingi at hindi makapagsalita. Inilayo ni Jesus ang lalake sa mga tao, inilagay ang Kaniyang mga kamay sa kaniyang tainga, dumura, at hinipo ang kaniyang dila. Tumingala Siya sa Langit, nagbuntong hininga, at sinabi, “Mabuksan ka.” Kapagdaka nabuksan ang kaniyang tainga at lumuwag ang kaniyang dila at siya ay nagsalita nang malinaw.

 

Bulag Na Lalake sa Betsaida:  Marcos 8:22-26

 

Dinala nila ang isang bulag na lalake kay Jesus at siya ay dinala sa labas ng bayan upang ilayo sa mga tao na hindi sumasampalataya (Marcos 8: 23). Dinuraan ito ni Jesus sa mata, at ipinatong ang mga kamay sa kaniya. Tinanong ni Jesus kung nakakakita na siya. Ang sabi niya ay nakikita niya “ang mga tao na tila punong kahoy, na naglalakad.” Ipinatong muli ni Jesus ang Kaniyang kamay sa kaniyang mata, at siya ay gumaling nang lubusan at nakakita siya nang malinaw. Ito ay halimbawa ng unti-unting paggaling.

 

Ang Bulag na Si Bartimeo:  Mateo 20:30-34; Marcos 10:46-52; Lucas 18:35-43

 

Si Bartimeo ay anak ni Timaiu. Siya ay namamalimos sa tabing daan malapit sa Jerico nang magdaan si Jesus. Hindi lamang pisikal ang kaniyang diprensiya, kundi pati sa lipunan sapagkat siya ay isang pulubi. Narinig ni Bartimeo ang ingay kaya itinanong niya kung ano ito. Sinabi nila na darating si Jesus. Siya at ang isang bulag ay sumigaw, “Mahabag Ka sa amin, Ikaw na Anak ni David.” Sinaway sila ng mga tao, subalit lalo silang nagsisigaw. Pinalapit ni Jesus si Bartimeo. Inihagis niya ang kaniyang damit pulubi at lumapit siya kay Jesus. Hindi na niya kakailanganin ang damit ng pulubi!

 

Itinanong ni Jesus, “Ano ang nais mong gawin Ko?” Nais ni Jesus na tayo ay maging tiyak sa ating mga kahilingan. Nais ng mga bulag na lalake na sila ay gumaling. Nahabag si Jesus, hinipo ang kanilang mga mata, at kapagdaka’y nakakita sila. Sinabi Niya sa kanila, “Humayo kayo. Ang inyong pananampalataya ang nagpagaling sa inyo.” Humayo sila na niluluwalhati ang Dios.

 

Ang pananampalataya ng lalaking ito ay:

 

            -May pagpapasiya at pagtitiyaga

            -Nakita niya si Jesus kung sino talaga Siya: Ang Anak ni David

            -Pananampalataya sa kahabagan ng Dios

 

Ang Alipin ng Centurion:  Mateo 8: 5-13; Lucas 7: 1-10

 

Napag-alaman natin na ang alipin na ito ay “mahal niya.” Ang tao ay lumpo at lubhang nahihirapan. Una, nagpasugo siya ng matatanda na mga Hudyo kay Jesus upang humiling. Hinihimok nila na magpunta si Jesus sapagkat ang centurion ay karapat-dapat sapagkat mahal niya ang bansa at nagpatayo siya ng sinagoga.

 

At nagsugo ang centurion ng mga kaibigan na nagsasabi, “Hindi ako karapat-dapat na Ikaw ay pumarito.” Bagaman nadama ng centurion na siya ay hindi karapat-dapat, naunawaan niya ang awtoridad. Nag-alok si Jesus na pumaroon, subalit sinabi ng centurion, “Sabihin Mo lamang ang salita at ang aking alipin ay gagaling.”

 

Nakalaan si Jesus. Namangha si Jesus at sinabi na hindi pa Siya nakakita ng ganoon kalaking pananampalataya sa Israel. Sinabi Niya, “Nais Ko” at nagpagaling sa pamamagitan ng Salita. Sinabi Niya, “Lumakad ka. Ayon sa iyong pananampalataya, mangyari nawa sa iyo.” Ang alipin ay gumaling noon ding oras na iyon.

 

Dalawang Bulag Na Lalake:  Mateo 9: 27-30

 

Ang dalawang bulag na lalaking ito ay sunud ng sunod kay Jesus na  sumisigaw, “Ikaw na Anak ni David, mahabag Ka sa amin.” Nang Siya ay dumating sa bahay tinanong Niya sila, “Naniniwala ba kayo na magagawa Ko ito?” Sinabi ng mga lalake, “Oo, Panginoon.” Hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi, “Ayon sa inyong pananampalataya, mangyari nawa sa inyo.” Ang kanilang mga mata ay nabuksan at ikinalat nila ang balita sa lahat ng dako.

 

Ang Anak ng Balo:  Luke 7: 11-15

 

Ang patay na lalake ay ang kaisa-isang anak ng balong babae sa Nain. Marami ang nakipaglibing. Nahabag si Jesus at sinabi sa kaniya na huwag siyang umiyak. Hinipo Niya ang kabaong at sinabi, “binata, sinasabi Ko sa iyo, tumindig ka.” Naupo ang binata at nagumpisang magsalita, at ibinigay ni Jesus ang lalake sa kaniyang ina. Niluwalhati ng mga tao ang Dios at tinawag si Jesus na “dakilang propeta.”

 

Lalaking Namamaga:  Lucas 14: 1-6

 

Ang kagalingang ito ay nangyari sa bahay ng isang Fariseo. Ang pagtatalo ay nakasentro sa kung dapat ba o hindi na magpagaling sa araw ng Sabbath. Ginamit ni Jesus ang kuwento ng baka upang ipakita ang Kaniyang posisyon. Kinuha ni Jesus ang lalake, pinagaling siya, at pinahayo siya.

 

Ang Sampung Mga Ketongin:  Lucas 17: 11-19

 

Ang mga taong ito ay nakatayo sa malayo at sumigaw, “Jesus, Panginoon, mahabag Ka sa amin.” Pagkatapos ng panalangin,sinabihan silang pumunta sa saserdote at magpakita roon. Hindi sila agad gumaling, subalit sa kanilang paghayo, sila ay nalinis. Ang isa ay bumalik at niluwalhati ang Dios, nagpatirapa sa paanan ni Jesus at nagpapasalamat. Sinabi sa kaniya ni Jesus na siya ay lubos nang magaling. Siyam ang gumaling mula sa ketong, subalit isa ang lubusang gumaling.

 

Ang Tainga ng Alipin:  Lucas 22:49-51

 

Ang kanang tainga ng taong ito ay tinigpas ni Pedro. Ang alam lang natin tungkol dito ay hinipo ni Jesus ang kaniyang tainga at siya ay gumaling.

 

Ang Anak ng Mahal Na Lalake:  Juan 4:46-53

 

Ang anak ay may sakit sa Capernaum. Ang mahal na lalake ay naparoon kay Jesus upang hilingin na pagalingin ang kaniyang anak, sapagkat siya ay nasa bingit na ng kamatayan. Sinabi ni Jesus, “Humayo ka, ang anak mo ay buhay na.” Nagpasimulang gumaling ang anak mula nang sabihin Niya ito. Ito ay isa pang halimbawa ng unti-unting kagalingan. Ang lagnat ay nawala, at ang buong sambahayan ay nanampalataya (kaligtasan ng sambahayan).

 

Taong May Kapansanan Sa Tangke ng Betesda:  Juan 5:1-47

 

 Ang taong ito ay matagal nang may sakit sa loob ng 38 na taon. Tila galit siya sa ibang mga tao at walang pag-asa. Ito ang ilan sa mga emosyonal na epekto ng sakit. Mayroon siyang espirituwal at pisikal na sakit (Juan 5:14).

 

Bagaman madalas pinagagaling ni Jesus ang lahat ng maysakit na naroon, sa kasong ito isa lamang ang Kaniyang pinagaling. Si Jesus ay ginagabayan ng Dios sa ministeryo, hindi kontrolado ng mga pangangailangan sa palibot Niya. Pinaharap ni Jesus sa taong ito ang tunay na isyu. Tinanong siya, “Nais mo bang gumaling?” Suriin natin ang mga salitang ito:

 

Nais” ay humihiling ng desisyon. Ang ibang mga tao ay hindi nais ng kagalingan. Marahil ay nais nila ng pansin o ng mga benipisyo ng karamdaman. Marahil ay nais na nilang makapiling ang Panginoon.

 

“Mo” nakatuon sa taong naghahanap ng kagalingan. Ang pananampalataya ng may sakit ay isang daluyan kung saan makakarating ang kagalingan.

 

Ngayon” ay pangkasalukuyan. Itinatanong ni Jesus, “Nais mo bang gumaling ngayon?

 

Gumaling” nakatuon sa tunay na pangangailangan ng tao. Ano ang iyong prayoridad, kagalingan o kalusugan? Ano ang iyong tunay na pangangailangan? Ano ang nagiging sagabal upang ikaw ay maging malusog? Nais ng tao ang kagalingan, subalit si Jesus ay nagmamalasakit sa lubusang kalusugan.

 

Lalaking Pinanganak Na Bulag:  Juan 9: 1-14

 

Pinanganak ang lalaking ito na bulag. Itinuon ni Jesus ang diin mula sa dahilan (bakit) tungo sa layunin (luwalhati ng Dios). Lumura Siya sa lupa, gumawa ng putik, ipinahid ito sa mga mata, at inutusan siyang maghugas sa tangke ng Siloam.

 

Lazaro:  Juan 11: 1-44

 

Pansinin ang damdamin ni Jesus. Siya ay tumatangis, hindi dahil sa pagkakaibigan kundi lalong higit para sa kalungkutang idinulot ng sakit at kamatayan sa mundo dahil sa kasalanan.

 

 

Babaing Nahuli Sa Pangangalunya:  Juan 8: 1-11

 

Mayroong kagalingan ng memorya at espirituwal na kagalingan sa kasong ito. Kailangan niyang “makalimutan ang mga bagay na nakalipas” (ang nakaraan) at “iwaksi ang mga imahinasyon”

(ang pangkasalukuyan).

 

Ang Babaing Makasalanan:  Lucas 7: 36-50

 

Ang babaing ito ay may espirituwal na sakit at siya ay lumapit kay Jesus sa publiko. Kailangan din niya ng emosyonal na kagalingan sa kaniyang mga kaugnayang sosyal. Ang kaniyang durog na damdamin ng debosyon ay isang kilos ng pananampalataya sa nagbunga ng kapatawaran.

 

MGA PAGPAPAGALING NI JESUS NA MARAMIHAN

 

                                                                        Mateo                Marcos               Lucas

 

Marami sa Galilea                                         4:23-24               3: 7-12                6:17-19

 

Ang karamihan sa pintuan ni Pedro              8:16-17                1:32-34              4: 40-41

 

Maraming mga demonio                                                            1: 39

 

Ang karamihan matapos pagalingin

ang ketongin                                                                                                          5: 14-16

 

Iba’t ibang uri ng mga tao                                                                                       13:32

 

Ang karamihan                                           9:35; 12:15-21         3:10-11

 

Pagkatapos ng tanong kay

Juan Bautista                                               11: 2-6                                                7: 18-23

 

Bago pakanin ang 5,000                              14: 13-14                                             9:11

 

Ang karamihan sa Genesaret                       14:34-36                   6:53-56

 

Bago pakanin ang 4,000                               15:19-31

 

Karamihan sa kabila ng Jordan                     19: 1-2

 

Bulag at pilay sa templo                                21: 14

 

Ang ilang may sakit sa Nazaret                     13: 53-58                 6:1-6

 

 

 

MGA PAG-AARALAN:

 

Ang mga sumusunod ay ang mga pag-aaralan tungkol sa maraming bilang ng mga tao:

 

Marami sa Galilea:  Mateo 4:23-24; Marcos 3: 7-12; Lucas 6:17-19

 

Ang mga karamihan ay nanggaling sa buong Galilea at tumanggap ng kagalingan at paglaya.

 

Ang karamihan sa pintuan ni Pedro:  Mateo 8:16-17; Marcos 1:32-34; Lucas: 4: 40-41

 

Pagkatapos ng kagalingan ng biyanang babae ni Pedro, ang mga tao ay nagtipon sa pintuan ni Pedro at pinaglingkuran sila ni Jesus.

 

Maraming mga demonio:  Mateo 1: 39

 

Si Jesus ay nangaral sa Galilea at nagpalayas ng mga demonio.

 

Ang karamihan matapos pagalingin ang ketongin:  Lucas 5: 14-16

 

Ang pagpapagaling ng ketongin ay nagbunga ng marami pang lumapit upang pagalingin.

 

Iba’t ibang uri ng mga tao:  Lucas 13:32

 

Sinasabi ng talatang ito na nagpagaling si Jesus ng mga tao.

 

Ang karamihan:  Mateo 9:35;  Marcos 12:15-21;  Lucas 3:10-11

 

Pinagaling Niya silang lahat bilang katuparan ng hula.

 

Pagkatapos ng tanong kay Juan Bautista:  Mateo 11: 2-6;  Lucas 7: 18-23

 

Sinabi ni Jesus sa mga alagad ni Juan na ang mga nangyayari ay katunayan ng Kaniyang pagiging Mesias.

 

Bago pakanin ang 5,000:  Mateo 14: 13-14;  Lucas 9:11

 

Nagsalita si Jesus sa kanila tungkol sa Kaharian ng Dios. Siya ay nahabag at nagpagaling ng mga may sakit.

 

Ang karamihan sa Genesaret:  Mateo 14:34-36;  Marcos 6:53-56

 

Dito dinala ng mga tao ang mga may sakit sa kanilang higaan at inilatag sa mga kalsada.

 

 

 

 

Bago pakanin ang 4,000:   Mateo 15:19-31

 

Ang mga may sakit ay inilagay sa Kaniyang paanan at pinagaling Niya sila. Ang mga pilay ay nagsilakad, ang mga bulag ay nakakita, ang mga pipi ay nagsigaling, ang mga may kapansanan ay gumaling, at marami pang iba ang gumaling. Niluwalhati nila ang Dios.

 

Karamihan sa kabila ng Jordan:  Mateo 19: 1-2

 

Ang karamihan ng mga tao ay sumunod sa Kaniya at sila ay pinagaling Niya.

 

Bulag at pilay sa templo:  Mateo  21: 14

 

Walang ibinigay na detalye. Sinabi lamang na pinagaling Niya sila nang lumapit sila sa templo.

 

Ang ilang may sakit sa Nazaret:  Mateo 13:53-58;  Marcos 6: 1-6

 

Nagulat si Jesus sa kawalan ng pananampalataya sa lunsod na ito. Nagturo Siya sa kanilang mga nayon at sinagoga, subalit hindi Siya makagawa ng mga dakilang himala doon kundi magpatong ng kamay sa ilang mga may sakit at pagalingin sila. Dahil sa kilala Siya doon, hindi Siya tinanggap doon.                    

 

 

PANGKALAHATANG KAPAHAYAGAN NA SI CRISTO AY MANGGAGAMOT

 

                                                            Mateo                    Marcos                 Juan

 

 

Pinagagaling ang lahat ng uri ng        4:23

mga sakit at karamdaman                   9: 35-36

 

Pinagagaling ang lahat ng humipo

sa Kaniya                                                                            6:56

 

Pinagagaling ang lahat ng

pinahihirapan ng demonio                                                                               10:38

 

Marami pang iba                                                                                               20: 30-31

 

 

MGA PAG-AARALAN:

 

 

Pinagagaling ang lahat ng uri ng mga sakit at karamdaman:  Mateo 4:23; 9: 35-36

 

Siya ay nagpunta sa mga sinagoga, mga lunsod, kanayunan, nagtuturo at nangangaral, nagpapagaling nga lahat ng uri ng sakit at karamdaman.

 

Pinagagaling ang lahat ng humipo sa Kaniya:  Marcos 6:56     

 

Kahit saan pumasok si Jesus (mga nayon, mga lunsod, bansa) inilatag nila ang mga may sakit sa kalye upang hipuin Siya. Lahat ng humipo sa Kaniya ay gumaling.                                                                

 

Pinagagaling ang lahat ng pinahihirapan ng demonio:  Juan 10:38 at 20: 30-31

 

Walang mga detalye na binanggit subalit sinabi na pinagaling ni Jesus lahat ng mga pinahihirapan ng demonio at gumawa Siya ng “iba pang mga bagay…napakarami na hindi kakasya sa mundo kung isinulat na lahat ito” (Juan 20: 30-31).

 

ANG PAGTUTULAD NG MGA HIMALA NG MGA ALAGAD AT NI JESUS

 

Ang pagpapagaling ay hindi nagwakas kay Jesucristo. Ang tsart na ito ay nagpapakita na ang mga alagad ay ginawa rin ang ginawa ni Jesus:

 

Pangyayari                                      Mga Gawa Ni Pedro                      Mga Gawa Ni Pablo

 

Pinagaling na lumpo                          Sa pintuan                                        Sa Listra

                                                            Gawa 3:1                                         Gawa 14: 8

 

Pinagaling ang nasa higaan                Aeneas: Nakahiga                           Tatay ni Publius may                                          

                                                                                                                    lagnat sa higaan

                                                            8 taon, Gawa 9:32                            Gawa 28: 7

 

Di karaniwang mga                              Anino, damit                                  Panyo, apron

gamit na hinipo                                    Gawa 5:12                                      Gawa 19: 11

 

Gumaling ang marami                         Gawa 5:16                                      Gawa 28: 9

 

Binuhay ang mga patay                       Gawa 9: 36                                      Gawa 20: 7

 

 

MGA INDIBIDUWAL NA PINAGALING NG MGA ALAGAD

 

Pagpapagaling Ng Pilay Na Pulubi:  Gawa 3:1-4:22

 

Taong gumaling:  Pilay na nakaupo sa pintuan ng templo na namamalimos.

 

Kalagayan:  Pilay mula nang ipanganak.

 

Mga Ministro:  Pedro at Juan

 

Paraang Ginamit:  Sinabi ni Pedro, “Tumingin ka sa amin.” Sinabi niya na wala silang pilak o ginto na ibibigay, ngunit ibibigay nila ang nasa kanila. Inutusan siya ni Pedro na tumayo at lumakad sa pangalan ni Jesus. Hinawakan ni Pedro ang kaniyang kanang kamay at itinayo siya, at ang kaniyang mga paa at binti ay nagkaroon ng lakas. Ang pilay ay tumayo, lumakad, tumalon, at nagpuri. Tingnan ang dahilan ng kaniyang kagalingan sa Gawa 3:16 at 4: 10.

 

Mga Pansin: Ang taong ito ay nasa labas ng pinto kung saan nagaganap ang papuri, pagsamba, at mga makapangyarihang mensahe, subalit ang kaniyang pangangailangan ay hindi natagpo. Ito ang kalagayan ng mga bahay sambahan natin ngayon. Sa labas lamang ng ating mga pintuan ay hindi natatagpo ang mga pangangailangan ng mga tao.

 

Mga Mata Ni Pablo:  Gawa 9:10-19; 22: 11-13

 

Taong gumaling:  Pablo

 

Kalagayan:  Nabulag ang mata sa kaluwalhatian ng Dios.

 

Ministro:  Ananias, na naparoon sa kaniya bilang tugon sa pangitain at utos ng Dios.

 

Paraang Ginamit:  Ipinatong ni Ananias ang kanyang mga kamay kay Pablo, at nang oras ding iyon, siya ay nakakita nang mahulog sa kaniyang mga mata ang tila mga kaliskis. Nagsisi siya ng kaniyang mga kasalanan, bininyagan, at kumain.

 

Mga Pansin:  Maraming sinabi ang Biblia tungkol sa lalaking itong si Ananias, na makapangyarihang ginamit ng Dios. Siya ay isang alagad na nakakakita ng mga pangitain at alam ang tinig ng Dios. Siya ay isang tao na may pakay, at alam niya kung sino ang nagsugo sa kaniya at kung bakit siya isinugo. Siya ay isang taong deboto na namumuhay ayon sa batas at mabuti ang reputasyon. Siya ay masunurin, at sumagot siya ng “Narito ako” nang magsalita ang Dios. Siya ay nakalaan ng humayo tulad ng iniutos sa kaniya, bagaman siya ay natatakot dahil sa mga narinig na niya tungkol kay Pablo. Siya ay may kakayahang magsanay ng mga lider. Siya ay isang propeta na ginamit ng Dios sa pagpapagaling, isang mangangaral ng Ebanghelyo, at isang taong hindi nag-aaksaya ng oras. Pagkatapos niyang sabihin ang mensahe kay Pablo, sinabi niya, “Bakit ka pa naghihintay?”

 

Pinagaling Ni Pedro Si Aeneas:  Gawa 9:32-35

 

Taong pinagaling:  Aeneas

 

Kalagayan:  Nakahiga sa karamdaman sa loob ng 8 taon. Paralitiko.

 

Ministro:  Pablo

 

Paraang Ginamit:  Nagsalita si Pablo ng kapahayagan ng pananampalataya, “Pinagaling ka ni Jesuscristo.” Pagkatapos ay humiling siya ng kilos ng pananampalataya. Sinabi niya, “Tumindig ka at dalhin mo ang iyong higaan.”

 

Mga Pansin:  Si Aeneas ay “nakatagpo ni Pablo sa kaniyang daan.” Dapat tayong laging maging handa na matagpo ang pangangailangan ng mga taong “nakakatagpo natin sa daan” at magministeryo din ng pormal sa mga situwasyon sa iglesia. Ang buong Lydda at Saron ay lumapit sa Panginoon dahil sa kagalingan ng taong ito. Ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios ang susi sa pag-abot ng ating mga lunsod ng Ebanghelyo. Ipinaligpit na ni Pablo ang kaniyang higaan upang hindi na siya magbalik pa rito. Ito ay higaan na hindi nalilinis sa loob ng walong taon.

 

Pinagaling ni Pedro si Dorcas:  Gawa 9:36-43

 

Taong Pinagaling:  Dorcas (Tabitha). Siya ay tinawag na alagad, puno ng mabubuting gawa. Siya ay isang taong mapagbigay at isang mananahi na naglingkod sa mga biyuda.

 

Kalagayan:  Namatay siya ng sakit na hindi nalalaman.

 

Ministro:  Pedro

 

Paraang Ginamit:  Pinalabas ni Pedro ang mga balong babae na nagiiyakan mula sa kuwarto. Puno sila ng pag-aalinlangan, sa kanilang pag-uusap tungkol kay Tabitha “nang siya ay kasama pa nila.” Lumuhod si Pedro, nanalangin, at inutusan siya, “Tabitha, tumindig ka.” Binuksan niya ang kaniyang mga mata, nakita si Pedro, at naupo. Inabot ni Pedro ang kaniyang kamay, itinaas siya, at inilabas siyang buhay. Marami ang nanampalataya dahil sa himala.

 

Mga Pansin:  Ang mga salitang “Tumindig ka Tabitha” ay nagbago ng buhay ng babaing ito. Madalas tayo ay masalita, subalit ano ang bunga ng ating mga salita sa buhay ng iba?

 

Pilay Na Lalake Sa Listra:  Gawa 14: 8-18

 

Taong pinagaling:  Isang lalaking walang pangalan.

 

Kalagayan:  Hindi makalakad, pilay nang ipanganak. Hindi pa nakalakad kahit kailan.

 

Ministro:  Pablo

 

Paraang Ginamit:  Napansin ni Pablo na ang lalake ay may pananampalatayang gumaling. Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka ng matuwid.” Ang tao ay tumalon at lumakad.

 

Mga Pansin:  Nang makita ng mga tao ang nangyari, nais nilang gawing mga dios si Pablo at si Bernabe, subalit hinapak nila ang kanilang damit, sumigaw na tao lamang sila, at sinabi na ang Dios ang nagpapagaling. Kapag ang isang tao ay ginamit ng Dios sa pagpapagaling, may mga tao na sila ang itataas sa halip na ang Dios. Dapat nating ituon ang kanilang atensiyon at pagsamba sa Dios.

 

Binuhay Si Pablo Sa Listra:  Gawa 14: 19-20

 

Taong pinagaling:  Pablo

 

Kalagayan:  Binato si Pablo ng kaniyang mga kaaway at iniwang mistulang patay.

 

Ministro:  Mga  alagad

 

Paraang Ginamit:  Pinalibutan nila siya, pinalilibutan ng kapangyarihan. Posibleng sila ay nanalangin, subalit hindi sinabi ito sa Kasulatan.

 

Mga Pansin:  Mas maraming kapangyarihan ang mga alagad na nakatayo sa palibot (ang presensiya nila), sa anino nila, mga damit, at kahit sa kanilang yakap (Gawa 20: 7-12) kay sa marami sa atin sa lahat ng ating mga panalangin, mga sermon, at ministeryong sama-sama.

 

Ang Aliping Babae Sa Filipos:  Gawa 16:16-40

 

Taong gumaling:  Isang babaing hindi ibinigay ang pangalan.

 

Kalagayan:  Inaalihan ng demonio. May espiritu siya ng panghuhula at ginagamit ng kaniyang mga amo para kumita sa panghuhula.

 

Ministro:  Pablo

 

Paraang Ginamit:  Inutusan ni Pablo ang espiritu na lumabas sa pangalan ni Jesus at lumabas ito noong oras ding yaon.

 

Mga Pansin:  Si Pablo ay nagministeryo dahil sa pagkagalit at sa kahabagan sa pagkakataong ito. Kapag nakita natin ang mga gawa ng kaaway na hinahawakan ang mga buhay sa palibot natin, pagkalungkot at pagkagalit laban sa kaniyang espiritu ang dapat manaig sa atin at kahabagan para sa bihag nito.

 

Eutico:  Gawa 20: 7-12

 

Taong pinagaling:  Isang binatang nagngangalang Eutico.

 

Kalagayan:  Nahulog siya mula sa bintana sa itaas habang nangangaral si Pablo at dinampot siyang patay.

 

Taong nagministeryo:  Pablo

 

Paraang Ginamit:  Nagsalita si Pablo ng kapahayagan ng pananampalataya, “Huwag kayong maguluminahanan, sapagkat ang kaniyang buhay na nasa kanya pa.” Bumaba sa Pablo sa kaniya, pinatungan siya, at niyakap siya. Nabuhay ang binata.

 

Mga Pansin:  Hindi na muling binanggit ang binatang ito sa Kasulatan. Anong pagbabago ang naganap sa buhay niya matapos ito? Bago siya binuhay mula sa patay siya ay palumagay at walang pakialam sa mga bagay ng Dios, at nakatulog siya habang nangangaral si Pablo. Pagkatapos noon, siya ay nagkaroon ng interes at lakas na siya ay nakipagusap kay Pablo magdamag, kahit hanggang sa bukang-liwaway kinabukasan.

 

Ang Kagat Ng Ahas Ni Pablo:  Gawa 28: 3-6

 

Taong gumaling:  Pablo

 

Kalagayan:  Kinagat ng ahas na may lason.

 

Ministro:  Wala

 

Paraang Ginamit:  Pinagpag ni Pablo ang ahas sa apoy at walang nangyaring masama sa kaniya.

Kailangan natin ang ganitong proteksiyon at kagalingan na umagos sa atin sa ating paggawa ng gawain ng Panginoon.

 

Ama ni Publio:  Gawa 28: 8

 

Taong pinagaling:  Ang ama ni Publio, na isang kilalang tao sa pulo ng Melita.

 

Kalagayan:  May lagnat at iti.

 

Ministro:  Pablo

 

Paraang ginamit:  Nanalangin si Pablo, pumasok siya, pinatong ang mga kamay sa kaniya, at siya ay gumaling.

 

Mga Pansin:  Ang mga iba ay nagdatingan mula sa ibang panig ng pulo at nagsigaling

(Gawa 28:9).

 

MGA PAGPAPAGALING SA MGA GRUPO NG MGA ALAGAD

 

Mga Kababalaghan At Mga Tanda:  Gawa 2: 42-47

 

Ang bunga ng mga tanda at mga kababalagahan ay idinagdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw ang dapat maligtas. Pansinin ang pamumuhay ng mga mananampalataya pagkatapos ng kapahayagan ng kapangyarihan sa pamamagitan nila:

 

            -Pagkakaisa

            -Araw-araw naglilingkod sa templo at sa mga tahanan

            -Nagpapatuloy sa tamang doktrina

            -May takot sa Dios

            -Fellowship

            -Komunyon

            -Mga panalangin

            -Simpleng pamumuhay

            -Malasakit sa mga nangangailangan

            -Mabuting reputasyon

            -Papuri

            -May isang puso (isang pakay at pangitain)

 

Panalangin Para Sa Kasiguruhan at Mga Tanda ng Kagalingan:  Gawa 4:23-31

 

Ang panalanging ito ay idinalangin bilang resulta ng pag-uusig na naganap dahil sa ministeryo ng pagpapagaling. Hiniling ng mga alagad na sila ay makapagsalita na may katapangan at sa pamamagitan ng kamay ng Dios at sa pangalan ni Jesus ang kagalingan, mga tanda, at kababalaghan ay mapatunayan ang ministeryo ng Salita.

 

Maraming Gumaling Sa Jerusalem:  Gawa 5:12-16

 

Ang mga may sakit at pinahihirapan ng maruruming espiritu ay pinagaling sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at kahit sa anino ng mga alagad.

 

Gumawa Ng Maraming Himala Si Esteban:  Gawa 6:8-15

 

Si Esteban ay puno ng pananampalataya, kapangyarihan, dakilang karunungan, at espiritu sa kaniyang mga salita. Gumawa ng maraming himala ang Dios sa pamamagitan niya.

 

Nagpagaling Si Felipe Ng Marami Sa Samaria:  Gawa 8:5-8

 

Ang mga himala at tanda ay nahayag. Sila na may maruming espiritu, lumpo, pilay ay mga natukoy na gumaling. Nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod dahil sa Ebanghelyo at sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios. Ang mga kagalingan at himala ay nagbigay kila Pedro at Juan ng pagkakataon na magsubaybay.

 

Si Pablo at si Bernabe Ay Gumawa ng Mga Tanda at Himala:  Gawa 14: 3

 

Ang mga taong ito ay nagsalita ng may katapangan at nagbigay ng patotoo ang Panginoon sa Salita na may mga tanda at himala.

 

Nagpagaling Si Pablo Ng Mga May Sakit Sa Efeso:  Gawa 19: 11-12

 

Mga tanging himala ang ginawa ni Pablo sa Efeso. Ang mga panyo at apron na ginamit niya ay ipinadadala sa mga may sakit at nagbunga ng paggaling ng mga sakit at mga masamang espiritu na lumalayas. Pansinin na ang mga himala ay karaniwan lamang sa unang iglesia na kailangang sabihin ng sumulat ang pagkakaiba ng “espesyal” na mga himala.

 

Ang Mga May Sakit Ay Gumaling Sa Malta:  Gawa 28: 8-9

 

Ang iba ay lumapit din sa kagalingan pagkatapos na gumaling ang ama ni Publio. Ang pagpapagaling ay isang makapangyarihang kagamitan para sa evangelismo sa pulong ito.

 

Marami Pang Iba:  Hebreo 2:4

 

Pinatunayan ng Dios ang Kaniyang Salita sa pamamagitan ng mga tanda, kababalaghan, at iba’t ibang mga himala.

 

MGA KAGALINGANG NATALA SA MGA GAWA

 

-Malaking kagalakan:  8: 5-25

-Takot:  2: 43

-Paglago ng iglesia:  2:42-47; 5:14

-Kababalaghan at pagkamangha:  3:10-11

-Pagbangon ng mga dakilang mga lider (Pablo):  9:10-19

-Ebanghelismo:  4:4; 8:5-25; 9:35-43

-Ministeryo ng Pagsubaybay:  9:35

-Pinatunayan ang Salita ng Dios:  14:3

-Niluwalhati ang Dios:  4:21

-Pinatunayan ang ministeryo at mga tao kahit sila ay hindi nag-aral:  4:13

-May ebidensiya na hindi matalo ng anumang argumento:  4:14-16

-Pag-aalis ng mga mangkukulam:  8: 5-25

-Ministeryo sa maramihang mga tao:  5:16; 28:8-9

-Pagsamba at pagpupuri na wala sa lugar, iwinasto:  3:12-13; 14: 8-18

-Pagkakataon na ipangaral ang Salita sa mga lider:  Kabanata 3, 4, at 7.

-Pag-uusig: Ang buong iglesia ay pinag-usig, tulad nila Pablo, Silas, Esteban, Pedro, Juan, at Santiago.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

APENDISE  C

 

ISANG BANGHAY NG PAGSUSURI

 

Dahil sa si Jesus ang Dakilang Manggagamot, Siya ang halimbawa ng ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Gamitin mo ang banghay na ito at ang mga reperensya na ibinigay sa Apendise B upang pag-aralan pa ang ministeryo ni Jesus:

 

 1. Ilarawan ang taong nangangailangan ng kagalingan at paglaya:

 

-Kung ibinigay ang pangalan, ano ito?

 

-Anong edad nila?

 

-Lalake o babae?

 

-Ano ang kanilang kalagayan sa lipunan?

 

-Ano ang kanilang bansang pinanggalingan?

 

2. Ilarawan ang kanilang pangangailangan.

 

-Paano ito inihayag ng iba?

 

-Paano ito ipinahayag ng mismong tao?

 

3. Ano ang nais ng tao na gawin ni Jesus?

 

 

4. Sinabi ba ni Jesus ang sanhi ng problema ng tao?

 

____Oo ____Hindi.  Kung sinabi, ano ito?

 

5. Sino ang nagkusa na humingi ng kagalingan?

 

-Ang tao mismo na nangangailangan? Kung gayon, ano ang ginawa nila?

 

-Iba?  Kung gayon, ano ang ginawa nila?

 

-Si Jesus?  Kung gayon, ano ang ginawa Niya?

 

 

 

6. Ang oras ng ministeryo:

 

-Ano ang sinabi ni Jesus?

 

-Ano ang ginawa ni Jesus?

 

-Ano ang ipinagawa ni Jesus sa may sakit?

 

-Ano ang ipinagawa ni Jesus sa mga tao?

 

-Ano raw ang tamang damdamin upang makamit ang kagalingan ayon kay Jesus?

 

-Ang tao bang may sakit ay nagpahayag ng pananampalataya?

 

-Mayroon bang iba na nagpahayag ng pananampalataya?  Kung ganoon, paano?

 

7. Ang mga tanda ng kagalingan:

 

-Anu-ano ang mga pisikal na mga tanda?

 

-Paano tinanggap ng tao ang kagalingan?

 

-Ano ang reaksiyon ng iba tungkol sa kagalingan?

 

8. Pagsubaybay sa kagalingan:

 

-May ipinagawa ba si Jesus sa tao?  Kung gayon, ano?

 

-Ano ang ginawa ng tao?

 

Iba Pang Puna O Mga Pansin:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 

 

UNANG KABANATA:

 

1. Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa Kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang Kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat Niyang mga palatuntunan ay wala Akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay Ko sa mga Egipcio: sapagkat Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.  (Exodo 15:26)

 

2. Ang malaking dibisyon ng lahat ng bagay sa natural o espirituwal na larangan. Tingnan ang

I Corinto 15:44-49.

 

3. Ang Kaharian ni Satanas at ang Kaharian ng Dios.

 

4. Si Satanas, mga demonio, ang mundo, ang laman.

 

5. Dios Ama, Si Jesucristo, ang Espiritu Santo, at mga angel.

 

6. Ang salitang “hari” ay ang pinaka makapangyarihang nangangasiwa sa isang teritoryo at mga tao.

 

7. Ang kaharian ay ang isang teritoryo at mga tao na pinaghaharian ng isang hari.

 

8. Ang pakikibakang espirituwal ay isang pagsusuri ng aktibong pagkasangkot sa isang hindi nakikitang espirituwal na labanan. Kasali rito ang magkakalabang lakas ng mabuti at masama, ang mga estratehiya ni Satanas, at mga espirituwal na estratehiya sa pagwawagi laban sa kaaway. Ang espirituwal na pakikibaka ay kumikilos mula sa pagsusuri tungo sa pagkasangkot sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga estratehiyang ito sa buhay at ministeryo.  

 

9. Ang dahilan ng malaking labanang ito ay nais pa rin ni Satanas na maging pinakamataas na hari. Nakikipagbaka siya upang makuha ang katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao. Ang kaniyang mga estratehiya ay nakatuon sa Dios, sa Kaniyang plano, at sa Kaniyang bayan.

 

10. Kailangang kilalanin natin na lahat ng labanan sa buhay, pisikal man, o espirituwal, emosyonal, sa pag-iisip, sa pinansiyal,  o sa mga personalidad ay mga panglabas na kapahayagan lamang ng isang espirituwal na dahilan. Bagaman sa natural na mundo sila ay lumilitaw bilang mga pangyayari sa buhay, ang basehan ng mga natural na labanang ito ay nasa sa espirituwal na daigdig.

 

 

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1. At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at Aking aalisin ang sakit sa gitna mo.  (Exodo 23:25)

 

2. Psychic healing:  Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isip sa ibabaw ng bagay, espiritista, kulam, shamanismo, at kagalingan sa pamamagitan ng kulto.

 

Supernatural healing:  May mga pinanggagalingan ng kagalingang supernatural na hindi mula sa Dios. Maaaring gumawa ng mga kamanghamanghang gawa si Satanas (Exodo 7:8-13).

 

Medical healing:  Itong kagalingang ito ay sa pamamagitan ng tulong ng mga doktor, nars, ospital, at mga gamot. Ang kagalingang galing sa tulong ng medisina ay hindi labag sa Salita ng Dios o ng makalangit na pagpapagaling, kundi ito ay karugtong ng Kaniyang kabutihan.

 

Natural healing:  Ang kagalingan na dumarating dahil sa natural na proseso ng pagpapagaling ng katawan ay galing din sa Dios. Ang natural na kagalingan ay isang katunayan ng dakilang gawa ng Dios sa katawan ng tao. Kasama rin dito ang paggamit ng mga natural na paraan tulad ng tamang pagkain, natural na mga bitamina at mineral, sapat na pahinga, atbp.

 

Faith healing:  Ito ay madalas ginagamit na ang ibig sabihin ay pagpapagaling ng Dios. Subalit kung minsan ang atensiyon ay napupunta sa pananampalataya ng taong nanalangin o ng tumanggap ng kagalingan.

 

3. Divine Healing:  Ang salitang “divine” ay nagbibigay pansin sa Dios, hindi sa tugon ng pananampalataya ng tao. Ito rin ay nagpapakita ng pagkakaiba sa psychic at supernatural na pagpapagaling. Ang “makalangit” ay tumutukoy sa iisang tunay ng Dios at sa Kaniyang karakter, tumutupad ng Kaniyang mga pangako, at gumagawa ayon sa Kaniyang probisyon sa katubusan ni Cristo sa pamamagitan ng pagpapagaling Niya sa tao at paghipo sa Kaniyang katawan, kaluluwa, at espiritu.

 

4. Ang “kagalingan” ay para sa pisikal, emosyonal, at mga sakit ng pag-iisip, samantalang ang pagpapalaya ay tungkol sa mga sakit ng pag-iisip at pisikal na kondisyon na galing sa demonio.

 

5. Hindi kailanman inutos ni Jesus na mangaral ng Ebanghelyo na hindi Niya rin iniuutos na mapagaling at magpalaya. Ang kapahayagan ng kapangyarihan ang nagbunga ng mabilis na pagkalat ng Kaharian ng Dios. 

 

IKATLONG KABANATA:

 

1. Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa iyong mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagkat buhay sa nangakakasumpong, At kagalingan sa buo nilang katawan. Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; Sapagkat dinadaluyan ng buhay.  (Kawikaan 4: 20-23)

 

2. Hindi nila ito pinansin, tinanggihan ito, pinatagal ito, at pinahirap sa mga tradisyon, karanasan, masasamang mga halimbawa, at hindi balanse.

 

3. Tingnan ang talakayan sa Ikatlong Kabanata. 

 

4. Tingnan ang talakayan sa Ikatlong Kabanata.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

1. Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagkat nasusulat, Sinusumpa ang bawat binibitay sa punong kahoy.  (Galacia 3:13)

 

2. Ang kamatayan at sakit ay pumasok sa mundo dahil sa kasalanan ng unang lalake at babae, si

Adam at si Eva.

 

3. Si Satanas.

 

4. Tingnan ang talakayan sa Ika-Apat ng Kabanata.

 

5. Ihambing ang iyong sagot sa talakayan sa Ika-apat na Kabanata.

 

6. Ikaw ay maaaring lumaya mula sa sumpa ng sakit at kamatayan sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesucristo bilang Tagapagligtas.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; ngunit ngayo’y tinutupad ko ang Iyong Salita. Mabuti sa akin na ako’y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan Mo. Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin Mo; sapagkat sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay Mo ako. (Mga Awit 119: 67,71,93)

 

2. Ang limang dahilan ng pagkakasakit na tinalakay sa araling ito ay:

 

-Pagsuway ng espirituwal na mga batas.

            -Pagsuway sa mga natural na batas.

            -Mga atake ni Satanas.

            -Hindi kinikilala ang Katawan ni Cristo.

            -Pagsira sa laman upang ang espiritu ay mailigtas.

 

3. Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

4. Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

5. Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

6. Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

7. Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagkat ako’y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagkat ang aking mga buto ay nagsisipangalog. Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: At Ikaw Oh, Panginoon, hanggang kailan? Naririnig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.  (Awit 6: 2,3,9)

 

2. Espirituwal, pisikal, emosyonal, pag-iisip, at mga sakit na sanhi ng demonio.

 

3. Ang espirituwal na sakit ay kasalanan. Kung hindi malutas, ang kasalanan ay nakakamatay sa usapang espirituwal.

 

4. Ang pisikal na sakit ay bunga ng mga diprensiya sa mga laman loob. Ito ay makikita ng mga doktor. Sa mga ganitong diprensiya may mga bahagi ng katawan na nasisira.

 

Ang pisikal na sakit ay maaari ring bunga ng hindi tamang pagtatrabaho ng mga “organ” sa katawan o anumang bahagi ng katawan. Sa ganitong problema, ang isang “organ” na hindi nagtatrabaho ng wasto ay nakaka-apekto sa buong katawan. Ang karaniwan ay sakit sa puso, mataas na presiyon ng dugo, diabetes, ulcer sa bituka, at mga allergies.

 

5. Ang mga sakit sa emosyon ay bunga ng mga nakasasamang mga emosyon tulad ng galit, pagkapoot, kapaitan, atbp.

 

6. Ang sakit sa pag-iisip ay kondisyon ng mahinang pag-iisip bunga ng pagka-isip bata, sakit, aksidente, nerbiyos, depekto mula nang ipanganak, at mga kondisyon sa pag-iisip na hindi direktong sanhi ng presensiya ng demonio.

 

7. Ang mga kondisyong sanhi ng demonio ay pagsapi, pagpapahirap, pagkabuyo, at mga kondisyon ng pag-iisip at katawan.

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1. Sapagkat nalalaman Ko ang mga pagiisip na Aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. (Jeremias 29:11)

 

2. Ang isang sakit para sa ikaluluwalhati ng Dios ay ang sakit sa ikamamatay.

 

3. Maagang pagkamatay at ang takdang araw ng kamatayan.

 

 

 

 

IKA-WALONG KABANATA:

 

 

1. Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.  (Isaias 53:5)

 

2. Tingnan ang talakayan sa Ika-Walong Kabanata.

 

3. Tingnan ang talakayan sa Ika-Walong Kabanata.

 

4. Ang mga sumusunod na mga talata ay katunayan na ang kagalingan ay kasamang kaloob ng katubusan ni Jesucristo:

 

-Isaias 53:4-5

-I Pedro 2: 24

-Awit 103:2-3

-Mateo 8: 17

 

5. Tingnan ang talakayan sa Ika-Walong Kabanata.

 

6. Ang mga sumusunod na mga kabanata ay nagpapatunay na lahat ng mga mananampalataya ay dapat makasangkot sa pagpapagaling at pagpapalaya:

 

-Mateo 10:1-42; 16:17-19; 28:16-20

-Marcos 6:7-13; 16:14-20

-Lucas 9:1-6; 10:1-24; 24:44-53

-Gawa 1:1-11

 

7.

-Kung hahanapin mo muna ang Kaharian ng Dios, ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sa iyo.

-Upang ikaw ay tumanggap, magbigay ka.

-Walang imposible sa Dios.

   

IKA-SIYAM NA KABANATA;

 

1.…at pinalayas Niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit: Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng Propeta Isaias, na nagsasabi, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman.  (Mateo 8: 16-17)

 

2.

Makapagpapakita ng kaluwalhatian ng Dios.

Makaluluwalhati sa Dios:

Pinatutunayan na si Jesus ang Tagapagligtas at Mesias.

Pinatutunayan ang mensahero at ang mensahe na itinuturo mo.

Humihimok na tanggapin ang Ebangelyo:

Itinatatag ang Kaharian ng Dios:

Ipinakikita ang kahatulan sa kaaway:


Nagtitindig ng mga espirituwal na mga lider:

Nagbubunga ng malaking kagalakan:

IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

1. Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang… mga kaloob ng pagpapagaling, sa iisang Espiritu.  (I Corinto 12: 7-9)

 

2. Ang  Espiritu Santo ay bahagi ng tatlong persona ng Dios.

 

3. Tingnan ang buod sa Ika-Sampung Kabanata.

 

4. Ang mga espirituwal na kaloob ay makalangit na kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo sa isang mananampalataya upang magamit sa paglilingkod sa Katawan ni Cristo.

 

5. Ang mananampalataya na may mga kaloob ng pagpapagaling ay may kakayahan na payagan ang kapangyarihan ng Dios na umagos sa pamamagitan niya upang magbalik ang kalusugan bukod sa paggamit ng mga natural na paraan. Lahat ng mananampalataya ay inutusang manalangin para sa mga may sakit, subalit ang mananampalataya na may kaloob ng pagpapagaling ay tiyak na ginagamit ng Dios sa ganitong ministeryo.

 

6.

-Pagtuturo at Pagpapaalaala.

 

-Mga hula, Iba’t ibang Wika, at Pagpapaliwanag.

 

-Pagkilala Ng Mga Espiritu.

 

-Ang Kaloob Ng Pananampalataya.

 

-Ang Salita Ng Kaalaman.

 

-Ang Salita Ng Karunungan.

 

-Kaloob Ng Mga Himala.

 

7.

-Mga pastor (espirituwal ng mga lider):  Ezekiel 34

-Matatanda/Mga Diakono:   Santiago 5:14

-Mga karaniwang mananampalataya:  Lucas 6:15-18; Santiago 5:16

-Sila na may espirituwal na kaloob ng pagpapagaling:   I Corinto 12:9                                                 

-Ang buong Iglesia (dapat ito ay maging dako ng kagalingan):  Lucas 14:16-24                                          

 

IKA-LABINGISANG KABANATA:

 

1. Ang kaluluwa ko’y dumidikit sa alabok: buhayin Mo ako ayon sa Iyong Salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at Ikaw ay sumagot sa akin: Ituro Mo sa akin ang mga palatuntunan Mo. Ipaunawa Mo sa akin ang daan ng Iyong mga tuntunin: Sa gayo’y aking bubulayin ang Iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko’y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa Iyong salita.  (Mga Awit 119: 25-28)      

 

2. Pagbalikan ang tinalakay sa kabanatang ito tungkol sa bawat tradisyon.

 

IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:

 

1.…at Siya’y madadalanginan nila, at pagagalingin Niya sila. (Isaias 19:22)

 

2. Ang sabi ng Biblia, ito ay mensahero mula kay Satanas.

 

3. Ang tinik sa laman ni Pablo ay mensahero mula kay Satanas upang siya ay pahirapan.

 

4. Pinahintulutan ito sa tatlong dahilan:

 

-Pinigil nito ang pagkakasala.

-Tinupad nito ang hula.

-Nagbigay ito ng kalakasan.

 

5. Pinahirapan siya nito.

 

6. Tingnan ang listahan ng iba’t ibang kapahayagan na tinalakay sa Ika-Labingdalawang Kabanata.

 

7. Ang kahulugan ng “sakit” ni Pablo ay “kailangan ng kalakasan, kahinaan, hindi magkaroon ng mga bunga sa pamamagitan ng kaniyang natural na mga kakayahan.” Sa pamamagitan ng kaniyang kahinaan, ang kapangyarihan at lakas ng Dios ay nahayag.

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGTATLONG KABANATA:

 

1. Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deuteronomio 29:29)

 

2. Ang “variable” ay isang bagay na nagiging dahilan ng mga pabagu-bago.

 

3. Tingnan ang talakayan sa Ika-Labingtatlong Kabanata.

 

IKA-LABINGAPAT NA KABANATA:

 

1. At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang Kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.  (Mateo 10:7-8)

 

2. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labingapat na Kabanata.

 

3. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labingapat na Kabanata.

 

IKA-LABINGLIMANG KABANATA:

 

1. Sapagkat tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan.

 

Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.  (Hebreo 4: 15-16)

 

2. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labinglimang Kabanata.

 

3. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labinglimang Kabanata.

 

IKA-LABING ANIM NA KABANATA:

 

1. Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

 

Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

 

Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwat ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.  (II Corinto 4: 16-18)

2. . Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labinganim na Kabanata.

 

IKA-LABINGPITONG KABANATA:

 

1. At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.  (Lucas 9:1)

 

2. Mga espiritu ng sakit, nagsisinungaling na mga espiritu, maruruming espiritu.

 

3. Ang kaloob ng pagkilala ng mga espiritu ay binibigyan ng kakayahan ang mananampalataya na makilala ang espiritu na kumikilos sa iba at kapagdaka’y malaman kung mayroon o wala ang isa ng masamang espiritu na kumikilos sa pamamagitan niya o laban sa kaniya. Iniiwasan nito na malinlang ka sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Ang mayroong ganitong kaloob ay nakikilala ang mga taktika at masamang motibo ng kapangyarihan ng demonio.

 

4. Ang pinahihirapan ng demonio ay ibinabagsak, nilalabanan, o tinatalian ka mula sa labas.

 

5. Ihambing ang iyong listahan sa ibinigay sa Ika-labingpitong Kabanata.

 

6. Ang ibig sabihin ng mabuyo sa demonio ay may sobrang pagkahilig sa mga demonio, kay Satanas, at sa okultismo.

 

7. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labingpitong Kabanata.

 

8. Ang pagsanib ng demonio ay isang kondisyon kung saan ang isa o higit sa isang demonio ay nakatira sa katawan ng isang tao at siya ay nasa ilalim ng kaniyang kontrol.

 

9. Ihambing ang iyong listahan sa ibinigay sa Ika-labingpitong Kabanata.

 

10. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Labingpitong Kabanata.

 

 

IKA-LABINGWALONG KABANATA:

 

1. At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.  (Mateo 10:1)

 

2. Lahat ng mananampalatayang pinanganak na muli.

 

3. Tingnan ang tinalakay sa Ika-labingwalong Kabanata.

 

4. Tingnan ang tinalakay sa Ika-labingwalong Kabanata.

 

5. Tingnan ang tinalakay sa Ika-labingwalong Kabanata.

 

IKA-LABINGSIYAM NA KABANATA:

 

1. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10: 8)

 

2. Tingnan ang tinalakay sa Ika-labingsiyam na Kabanata.

 

3. Tingnan ang tinalakay sa Ika-labingsiyam na Kabanata.

 

IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:

 

1. Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka Niya ng nasa ng iyong puso. Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa Kaniya, at Kaniyang papangyayarihin.  (Awit 37:4-5)

 

2. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay sa Ika-Dalawampung Kabanata.